Filipino 10 Unang Markahan – Modyul 3: Sanaysay mula sa Greece (Panitikang Mediterranean)

Ang Modyul 3 ay tatalakay sa Sanaysay mula sa Greece. Ang Greece (Gresya)ay matatagpuan sa pagitan ng Europe, Asia at Africa. Dito naganap ang Klasikong Kabihasnan; naging pangunahing bahagi ng Silangang Imperyong Romano at apat na siglo ng paghahari ng Imperyong Ottoman.

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa sanaysay na pinamagatang “Alegorya ng Yungib” na isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo mula sa sanaysay na isinulat ng Griyegong Pilosopo na si Plato, ang Allegory of the Cave. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga pahayag sa pagbibigay ng pananaw na makatutulong para sa malalim na pag-unawa sa paksang nais ipabatid ng babasahing sanaysay.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

1. Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga idea sa napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media. (F10PN-1c-d-64)

2. Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o idea sa tinalakay na akda, ang pagiging makatotohanan / di-makatotohanan ng mga pangyayari sa sanaysay. (F10PB-Ic-d-64)

3. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan. (F10Pt-Ic-d-63)

4. Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung pandaigdig. (F10PD-Ic-d-63)

5. Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig. (F10PU-Ic-d-66)

6. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw. (F10WG-Ic-d-59)

Filipino10_q1_mod3_sanaysaymulasagreece_ver2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment