Filipino 10 Unang Markahan – Modyul 6: Nobela mula sa France (Panitikang Mediterranean)

Ang Modyul 6 ay tungkol sa nobelang mula sa France. Ang France ay kilala bilang sentro ng edukasyon at idealismo noong Age of Enlightenment sa Europe.

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang pinamagatang “Ang Kuba ng Notre Dame”. Buod lamang nito ang babasahin na isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo. Ang nobelang ito ay inilathala noong 1831, isinulat ni Victor Hugo na itinuturing na isa sa mga mahuhusay na manunulat sa mundo. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga salitang naglalarawan na makatutulong para sa mas malalim na pag-unawa sa paksang nais ipabatid ng babasahing nobela.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

1. Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggan/nabasang diyalogo. (F10PN-Ig-h-67)

2. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang akdang pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang angkop na pananaw.
(F10PB-Ig-h-68)

3. Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag nito (clining). (F10PT-Ig-h-67)

4. Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa binasang kabanata. (F10PD-Ig-h-66)

5. Nailalarawan ang kultura ng mga tauhang masasalamin sa kabanata. (F10PS-Ig-h-69)

Filipino10_q1_mod6_nobelamulasafrance_ver2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment