This is the Grade 5 Filipino self-learning module for Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 5: “Nakasusulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo at Nakagagamit ng mga Bagong Natutuhang Salita sa Paggawa ng Sariling Komposisyon” (writing a script for radio broadcasting and teleradyo, and using newly learned words in one’s own composition). It was prepared by DepEd Region VIII for learners studying at home. By the end of the module, learners should be able to write a radio or teleradyo script that uses new words they have learned.
The module has one lesson, Aralin 1, “Pagsulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo at Paggamit ng mga Bagong Natutuhang Salita sa Paggawa ng Sariling Komposisyon.” A guide character named Kokoy leads learners through each part.
What learners will learn
- Write a script (iskrip) for radio broadcasting and teleradyo.
- Follow the correct format of a radio script.
- Use newly learned words when writing their own composition.
Key terms in the module
- Iskrip (script): the written plan of what an announcer or newscaster will do in a radio program, both spoken and unspoken actions. It tells what to do, what to say, and when.
- Berbal na kilos (verbal action): actions related to speaking.
- Di berbal na kilos (non-verbal action): body movements such as nodding, shaking the head, tone of voice, facial expressions, and a thumbs-up.
- Radio broadcasting: sending information or news through the air using waves and the radio, so that it reaches as many listeners as possible.
- Teleradyo: a channel of a radio station that usually brings important news about daily events and often has public service programs.
The module also shows a sample news script from a program called “Radyo Balita Ngayon,” with a station ID, program ID, a host’s lines, the time check, and the closing cue. Its news story is about siblings Farida and Faisal, who moved to a new school and were slowly accepted by classmates after they explained their Islamic faith.
How to write a radio script
The module gives two things to keep in mind: the script must fit the exact time of the program, and the dialogue must be short but accurate so the message reaches listeners. It then lists ten steps:
- Write the dialogue in small (lowercase) letters.
- Write music, sound effects, and the characters’ emotional reactions in capital letters, so speakers can spot them easily.
- Underline SFX (sound effects) and MSC (music).
- Show how music and sound effects are used, for example whether the music fades under or fades over the speaker.
- Leave a double space after each line so the script is easy to read.
- Number each line on the left side to make corrections easier during recording.
- Put emotional cues and instructions in parentheses and in capital letters, such as (GULAT) for surprised or (LAUGHS).
- Use clear labels for who is speaking, such as the characters’ names.
- Put a colon after the speaker’s name or after SFX or MSC.
- Start line numbering again on each new page of the script.
Each step comes with a short sample script featuring the characters Pedro, Yna, Lino, and Juana.
Using new words in a composition
The module explains that new words include words of the year, newly coined words, words recently borrowed from native or foreign languages, old words with new meanings, and revived words. Examples given are fake news, federalism, foodie, resibo, tokhang, troll, lowbat, selfie, wangwang, and lodi. Learners may use such words in a composition if they are correct, fit the theme, and do not harm readers’ morals. The teacher sets the standard for which words are allowed.
Activities in the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Guess which news anchor says famous lines, then match terms like iskrip, radyo, broadcaster, tagapakinig, and balita to their meanings |
| Balikan (review) | Mark statements with a star if a broadcaster should do them and a crescent if not |
| Tuklasin | Read the sample radio news script |
| Pagyamanin | Choose a picture of a scenic Philippine place, write a script about it on cartolina, and present it to the family like a radio report |
| Isaisip | Fill in a table of what was learned and why it matters, and complete a sentence about the importance of correct timing and message |
| Isagawa | Arrange sentences in order to form a news story, “Liga ng Basketbol” |
| Tayahin (final test) | Write a radio or teleradyo news script on caring for the body during the pandemic, using words like forever, beast mode, ninja moves, lowbat, and miscol |
| Karagdagang Gawain | Listen to a weather report on radio or TV, list new words heard, and write a short report |
Rubrics are included for the script, the news story, and the final broadcast script.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then work through each part in order. Write your answers on a separate sheet of paper or in your notebook, not on the module, so others can use it later. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto).
- Parents and guardians: Listen when your child reads their script aloud like a radio report, as the Pagyamanin activity asks. Help them find a radio or TV weather report for the last activity.
- Teachers: Use the rubrics provided to score the scripts and news stories. Many answers are open-ended, and the answer key says they will vary. You also decide which new words are acceptable in learners’ compositions.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 5 Filipino, Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 5.
What is an iskrip for radio broadcasting?
It is the written plan of what an announcer or newscaster will say and do in a radio program. It tells what to do, what to say, and when.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, review, and news-ordering activity. For the writing tasks, it notes that answers will vary.
What is the final task in this module?
Learners write a radio or teleradyo news script about caring for the body during the pandemic, using new words such as lowbat, beast mode, and miscol. It is scored with a broadcasting script rubric.
Why are some parts of a radio script written in capital letters?
Music, sound effects, and emotional cues are written in capital letters so that speakers can quickly see them while reading. Dialogue is written in small letters.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 Nakasusulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo at Nakagagamit ng mga Bagong Natutuhang Salita sa Paggawa ng Sariling Komposisyon
5
[illustration: students reading and writing with a globe, a lamp, and a teacher at a desk]
CO_Q4_Filipino5_ Modyul 5
Filipino– Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Nakasusulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo at Nakagagamit ng mga Bagong Natutuhang Salita sa Paggawa ng Sariling Komposisyon Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis-Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Rhina D. Chan |
| Editor: | Omar O. Ty |
| Tagasuri: | Julito E. Lagrimas |
| Tagaguhit: | Jessil N. Nolasco |
| Tagalapat: | Beatrice A. Olmedo, Argie L. Ty, Niño D. Jacobe |
| Tagapamahala: | Ramir B. Uytico |
| Arnulfo M. Balane | |
| Joy Bihag | |
| Gorgonio G. Diaz Jr. | |
| Alex B. Rejuso | |
| Lucila R. Balondo | |
| Julito E. Lagrimas | |
| Rosemarie Guino | |
| Ryan Tiu | |
| Crista Joy A. Torbila | |
| Isagani E. Licas | |
| Elvira R. Ribo | |
| Beatrice A. Olmedo |
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte (053) 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 5 Nakasusulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo at Nakagagamit ng mga Bagong Natutuhang Salita sa Paggawa ng Sariling Komposisyon
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
CO_Q4_Filipino5_ Modyul 5
Malugod na pagbati kaibigan dahil naitawid mo nang matagumpay ang Modyul 4. Naririto na tayo ngayon sa Modyul 5. Muli, ako si Kokoy ang makakasama mo upang gabayan ka.
Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa iyo upang gabayan ka tungo sa isang mabisang pagkatuto. Naglalaman ito ng iba’t ibang gawaing pagkatuto sa bagong aralin.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo gamit ang mga bagong natutuhang salita.
Nakahanda ka na ba?
Aralin 1
Pagsulat ng Iskrip para sa Radio Broadcasting at Teleradyo at Paggamit ng mga Bagong Natutuhang Salita sa Paggawa ng Sariling Komposisyon
Alamin
[illustration: Kokoy, a boy holding a tablet]
CO_Q4_Filipino5_ Modyul 5
Ang sumusunod na gawain ay ang panimulang pagtataya na susukat sa lawak ng iyong kaalaman sa bagong aralin.
Subukin
[illustration: Kokoy, a boy with a speech bubble]
Gawain 1: Guessing Game
Panuto: Kilalanin at tukuyin kung sinong news anchor ang nagsabi ng sumusunod na linya? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- “Di kita tatantanan!”
- “Magandang gabi bayan!”
- “SOCO!”
- “Handa na ba kayo?”
- “Ang buhay ay weather, weather lang!”
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain mo ang tinutukoy sa bawat bilang sa Hanay A. Hanapin mo ang tamang sagot nito sa Hanay B. Isulat ang titik lamang ng iyong napiling sagot sa iyong kuwaderno.
| A | B |
|---|---|
| 1. Ito ay isang nakasulat na materyal na nagpapakita ng mga diyalogong binabasa ng tagapagbalita. Mahalaga ito sa pagbabalita upang maging maayos, malinaw, at organisadong maiparating sa mga tagapakinig ang balita. | a. broadcaster |
| 2. Ito ay isang teknolohiya na pinahihintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat sa pamamagitan ng modulation ng electromagnetic waves na may frequency na mas mababa kaysa liwanag | b. tagapakinig |
CO_Q4_Filipino5_ Modyul 5
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| A | B |
|---|---|
| 3. Ito ay isang organisasyon o isang tao na naghahatid ng mga programa o impormasyon sa radyo o sa telebisyon. | c. iskrip |
| 4. Taong nakikinig sa isang programa ng isang istasyon ng radio (radio station). | d. radyo |
| 5. Ito ay isang impormasyon o ulat tungkol sa mga pangyayaring naganap kamakailan lamang, nagaganap sa kasalukuyan, at magaganap pa lamang. | e. balita |
| f. teleradyo |
[illustration: Kokoy, a boy holding a tablet]
Kumusta ka na? Nakahanda ka na ba sa mga hamon ng bagong aralin? Nakasisiguro akong magugustuhan mo ang paksa na ating tatalakayin.
Nakasali ka na ba sa isang Radio Broadcasting sa inyong paaralan? May iskrip ba kayong binabasa? Paano isinusulat ang iskrip?
Ang mga gawain sa modyul na ito ay makatutulong nang malaki upang matutuhan mo ang paggawa ng iskrip sa Radio Broadcasting at Teleradyo gamit ang mga bagong natutuhang salita.
Maraming paraan ang gagawin kung paano magawa o maisulat ang isang iskrip. Gusto mong malaman? Pero bago ang lahat, gagawin mo muna ang sumusunod na gawain.
Handa ka na ba? Halina’t simulan mo na!
CO_Q4_Filipino5_ Modyul 5
Balikan
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng ★ kung ito ay nararapat gawin ng isang broadcaster o tagapagbalita at ☽ kung hindi dapat gawin.
[transcriber’s note: the second symbol is printed as a crescent shape; it is transcribed here as ☽]
_____ 1. Ang isang tagapagbalita o broadcaster ay dapat may iskrip na gagawin sa isang programa sa radyo.
_____ 2. Ang tagapagbalita ay hindi na kailangang alamin ang tamang oras ng kaniyang programa sa radyo kung kailan siya magsisimula at magtatapos.
_____ 3. Kapag ang isang salita ay binilugan sa iskrip ng tagapagbalita ito ay nangangahulugang hindi dapat basahin.
_____ 4. Ang mga itinatampok na balita at istorya ay dapat bago at makabuluhan para sa araw na iyon.
_____ 5. Ang tono ng pananalita ng isang broadcaster ay parang nakikipag-usap at dapat ay mahinahon.
Tuklasin
Halina’t basahin ang sumusunod na iskrip para sa radyo. Unawain mong mabuti kung papaano ito sinulat.
[illustration: Kokoy, a boy with a speech bubble]
Panuto: Basahin mo ang iskrip na ito para sa radyo. Unawain mong mabuti kung papaano sinulat ito.
97.1 MSC FM
Local loud and Proud
Pamagat ng Programa: Radyo Balita Ngayon
Uri ng Programa: Balita
Oras ng Airing: 11:30 a.m.-12:30 p.m.
Hosts / Scripwriters: Nasra S. Saez/Nash
1. Station I.D.: Msc Fm 97.1 Song
2. Program I.D. Radyo Balita ngayon Song
3. Host 1: Naririto naman po ang Radyo
4. balita ngayon upang maghatid ng mga
5. sariwa at maiinit na balita ngayong
6. tanghali.
7. Host 1: Nakalipat na ng tirahan ang
8. magkapatid na sina Farida at Faisal. Sila
9. ngayon ay pumapasok na sa isang
10. pampublikong paaralan na
11. matagpuan sa kanilang bagong
12. pamayanan.
13. Sa pakikipanayam sa kanila, sinabi ng
14. dalawa na nahihirapan sila ng mga
15. unang araw nila sa kanilang paaralan
16. dahil nga sa kakaiba ang kanilang
17. kasuotan sa mga mag-aaral sa paaralan
18. gayundin ang kanilang salita at
19. paniniwala. Noong una walang
20. gustong makipaglaro, makipag-usap
21. sa kanila. Isa pa, talo ang ibang mag-aaral sa
22. kanila dahil sa mga naririnig nilang
23. mga balita tungkol sa ginagawa ng
24. ibang mga muslim at ang mga
25. pangyayari sa lugar na kanilang
26. pinanggalingan. Ngunit matapos
27. nilang mapakingggan ang tungkol sa
28. kanilang paniniwalang Islam at kung
29. paano nila isinasabuhay ang mga
30. pangaral ni Allah, unti-unting
31. nagbago ng pakikitungo sa kanila ang
32. mga kaklase. Nag-umpisa
33. ang lahat sa paaralan, ngayon may
34. kasabay na sila sa paglalakad papunta
35. sa paaralan at pauwi sa kanilang
36. bagong tirahan. Muli na naming
37. pinatunayan na sa pamamagitan ng
38. edukasyon makakamtan natin ang
39. pagkakaisa kahit magkakaiba-iba tayo
40. paniniwala.
50. Host 1: Oras po natin, alas-onse
51. singkuwenta na po. Ang mga
52. balitang itinampok sa araw na ito ay mula sa
53. Radyo Balita Ngayon,
54. maaasahan at walang sinomang
55. kinikilingan. Muli magandang
56. tanghali.
57. cut to:
58. insert cbb station I.D. Msc FM Song
Binasa mo bang mabuti ang iskrip?
Naunawaan mo ba ito?
Ano ang iyong nadama pagkatapos mong mabasa ang iskrip?
Paano ba ito sinulat? Magagawa mo ba ito?
Kaya mo ito?
Suriin
Ang binasa mo kani-kanina lang ay isang iskrip. Ang iskrip para sa broadcasting o teleradyo ay isang manuskrito ng gagawin ng isang announcer o tagapagbalita sa isang programa o radyo, maging berbal man, o di berbal na kilos.
Ang berbal na kilos ay may kaugnayan sa pagkilos o sa pagsasalita. Samantalang ang di berbal na kilos o aksiyon ay nakatuon sa kilos o galaw ng katawan at mga bahagi nito. Halimbawa nito ay ang pagtango, pag-iling, tono ng boses, iba’t ibang ekspresyon sa mukha (pagkunot ng noo, pagtaas ng kilay o mga kilay, at iba pa), pag-thumbs-up, at iba pang kilos ng katawan.
Ang Iskrip ay ang nagsasabi kung ano ang gagawin, ano ang sasabihin at kailan.
Ang Radio Broadcasting ay isang pamamaraan ng pagsahimpapawid ng mga impormasyon o balita sa pamamagitan ng paggamit ng waves sa pamamagitan ng paggamit ng radyo. Ang layunin nito ay ang pagpapalaganap ng impormasyon sa mas nakakaraming makikinig.
Ang Teleradyo naman ay tumutukoy sa isang channel ng isang istasyon ng radyo. Karaniwang naghahatid ito ng mahahalagang balita tungkol sa mga pang
araw-araw na kaganapan sa ating lipunan, at madalas ay may mga programa para sa publiko.
Sa binasa mong iskrip nalaman mo na may mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng iskrip sa radio broadcasting o teleradyo.
- Kailangan tama o eksakto sa oras ang iskrip
- Ang kinakailangang diyalogo ay maikli subalit akma o may wastong impormasyon upang maihatid sa mga nakikinig ang mensahe.
Nalaman mo rin na may mga hakbang na dapat isaalang-alang upang makapagsulat ng iskrip sa radio broadcasting o teleradyo.
Narito ang mga hakbang:
- Gumamit ng maliit na titik sa pagsulat ng diyalogo. Ito ay palatandaan sa diyalogo ng iskrip ng programang panradyo.
10 MSC : THEME INTRO UP & OUT…BIZ BIRDS…
11 PEDRO : Yna, anak, pumunta ka ng Catarman.
12 YNA : Pupunta po ako ng Catarman? Bakit may
13 problema po ba, Papa, ang negosyo
14 natin doon?
- Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at emosyonal na reaksiyon ng mga tauhan upang mas madaling makita ng mga tagapagsalita kung anong uri ng musika o pantunog ang gagamitin kapag ito ay ginagawa na.
11 YNA : (GULAT) Ano?! Bakit ibenenta ni Mama?
12 E sasakyan ko iyon! Si Papa di ba inawat si
13 Mama?
14 LINO : (LAUGHS) Kailan ba umubra si Papa kay
15 Mama? Kailan mob a nakitang nasunod
16 si Papa? Di ba palagi namang si Mama
17 ang nasusunod. Kaya sori ka na lang.
18 Inday Yna!
19 MSC : BRIDGE…SFX…PIER HARBOR IN MANILA
- Guhitan ang SFX (Sound Effects) at ang MSC (Music) para mas madaling makita ulit kung anong uri ng musika o sound effects ang gagamitin.
10 MSC : THEME INTRO UP & OUT…BIZ BIRDS…
11 PEDRO : Yna, anak, pumunta ka ng Catarman.
12 YNA : Pupunta po ako ng Catarman? Bakit may
13 problema po ba, Papa, ang negosyo
14 natin doon?
- Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ito. Kailangang bang naka-fade under ang musika habang nagsasalita ang tauhan o naka-fade over? Ito ang tinatawag natin na pagbaba at paglakas ng tunog o ang sinasabi nating music o sound effects.
29 PEDRO : (FADES IN) Ano ka na naman Juana, tigilan
30 mo ang anak mo. Huwag mo nang sermunan.
31 JUANA : (FADES IN) O, ayan ka na naman! Magsama
32 nga talaga kayong mag-ama, parehong matigas
33 ang ulo!
34 BRIDGE
- Kailangan may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya. Sa pamamagitan ng double spacing ay magiging madali para sa mga tauhan ang pagbasa ng iskrip upang maiwasan ang pagkakamali.
10 MSC : THEME INTRO UP & OUT…BIZ BIRDS…
11 PEDRO : Yna, anak, pumunta ka ng Catarman.
12 YNA : Pupunta po ako ng Catarman? Bakit may 2.0
13 problema po ba, Papa, ang negosyo
14 natin doon?
- Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ito sa kaliwang bahagi para maging madali ang pagwawasto kapag nagrerekording.
10 MSC : THEME INTRO UP & OUT…BIZ BIRDS…
11 PEDRO : Yna, anak, pumunta ka ng Catarman.
12 YNA : Pupunta po ako ng Catarman? Bakit may
13 problema po ba, Papa, ang negosyo
14 natin doon?
- Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ay kailangang isulat sa malalaking titik. Gagamitin lamang ang mga ito upang ipabatid kung paano sasabihin ang linya o diyalogo ng mga tauhan. Ilagay ang mga ito sa loob ng parenthesis o panaklong at isulat sa malaking titik. Ang mga ito ay magsisilbing gabay o giya ng mga tagapagsalita upang magkaroon sila ng tamang emosyon o tamang reaksiyon doon sa mga linya o diyalogo na kanilang babasahin.
11 YNA : (GULAT) Ano?! Bakit ibenenta ni Mama?
12 E sasakyan ko iyon! Si Papa di ba inawat si
13 Mama?
14 LINO : (LAUGHS) Kailan ba umubra si Papa kay
15 Mama? Kailan mo ba nakitang nasunod
16 si Papa? Di ba palagi namang si Mama
17 ang nasusunod. Kaya sori ka na lang.
18 Inday Yna!
19 MSC : BRIDGE…SFX…PIER HARBOR IN MANILA…
- Gumamit ng terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig. Madaling maintindihan ng tagapakinig at ng mga taong gagamit ng iskrip kung isusulat ang mga pangalan ng mga taong nagsasalita.
10 MSC : THEME INTRO UP & OUT…BIZ BIRDS…
11 PEDRO : Yna, anak, pumunta ka ng Catarman.
12 YNA : Pupunta po ako ng Catarman? Bakit may
13 problema po ba, Papa, ang negosyo
14 natin doon?
- Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang magsasalita o pagkatapos isulat ang SFX o MSC. Sa pamamagitan ng mga kolon ay magiging organisado ang gagamiting iskrip.
10 MSC : THEME INTRO UP & OUT…BIZ BIRDS…
11 PEDRO : Yna, anak, pumunta ka ng Catarman.
12 YNA : Pupunta po ako ng Catarman? Bakit may
13 problema po ba, Papa, ang negosyo
14 natin doon?
- Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng numero sa bawat bilang. Makikita sa lawaran ang unang pahina at ikalawang pahina na may numero sa kaliwang bahagi ng linya, mahalaga ito upang mapadali ang pagwawasto.
unang pahina
iklawang pahina
1
2 1 JUANA: (GALIT) Ayan na nga ang sinasabi ko. Sobrang tigas
3 2 kasi ng ulo mo, babae
4 3 PEDRO: (FADES IN) O, ano k aba naman Juana, tigilan mo
4 na ang anak mo. Wag mo ng sermunan.
Makikita ninyo ang mga halimbawa ng iskrip sa bawat hakbang ng mga nabanggit na mga tuntunin. Ang mga ito ay nakasunod sa pormat ng iskrip na tinalakay natin. Kapag ganito ang gagawin mong pormat ng iskrip tiyak na magiging mabisa at epektibo ang iskrip ng programang panradyo na gagawin mo.
Nakuha mo ba? Tandaan, ang iskrip na panteleradyo ay dapat husto sa oras. Ang mga diyalogo ay dapat maikli subalit akma o may wastong impormasyon upang maihatid sa mga nakikinig ang mensahe. At higit sa lahat, upang makagawa o makasulat ng isang wasto at maayos na iskrip na panteleradyo, dapat sundin ang ibinigay na mga hakbang sa paggawa o pagsulat nito.
Sa tingin mo ikaw ba ay marunong ng gumawa ng iskrip ng isang programang panradyo gamit ang pormat na pinag-aralan natin ngayon? Kung ganoon magaling!
Sa paggawa ng iskrip, maaari ring gumamit ng mga bagong salitang natutuhan. Ito ang mga salita ng taon, mga salitang bagong imbento, salitang bagong hiram mula sa katutubo, o banyagang wika, lumang salita ngunit may bagong kahulugan, o patay na salitang muling binuhay – gaya ng Dengvaxia, dilawan, fake news, federalism, foodie, quo warranto, resibo, tokhang, train, troll, huweteng, lowbat, miss call, jejemon, wangwang, selfie, lodi, at iba pa.
Maririnig natin ang ganitong mga usap-usapan: “Huwag kang makinig diyan, fake news iyan!”, “Kumitil ng maraming buhay ang Dengvaxia.”, “Sang-ayon ka ba sa paglilipat ng pamahalaan sa federalism?”, “Masyadong lowbat na ang katawan sa sobrang trabaho.” Ito ang karaniwang naririnig natin saan mang sulok ng ating bansa.
Dapat ba itong pairalin? Pero sa henerasyon natin ngayon, hindi maiiwasan ang pag-usbong ng ganitong mga salita. Maaaring may mabuti at may masamang epekto ang mga ito sa tao, lalong-lalo na sa mga may murang edad. Kung hindi maiiwasan, nasa midya na at edukasyon ang kontrol, kung kailan, saan, paano, at sino ang gagamit ng mga salitang ito.
Sa paggawa ng komposisyon, maaaring gumamit ang mga bata ng mga bagong salitang natutuhan kung ito ay tama, angkop sa temang kanyang sinusulat at hindi makasisira ng moral ng mga mambabasa. Ibig sabihin, ang guro na ang magbibigay ng pamantayan sa mga gagamiting salita sa komposisyon ng mga bata.
Ngayong batid mo na ang mga impormasyon tungkol sa ating aralin, maaari mo nang sagutan ang sumusunod na gawain.
Pagyamanin
Tingnan ang mga larawan ng magagandang tanawin sa ating bansa.
[illustration: four drawings of scenic Philippine places: a curving road with a bridge, a volcano with a road, a terraced hillside, and a range of rounded hills]
Orihinal na iginuhit ni: Jessil N. Nolasco, Division Illustrator
Panuto: Pumili ng isang larawang gusto mo. Paano mo ipakikilala sa ibang tao ang inyong napiling magandang tanawin?
Gumawa ng iskrip at isulat ito sa isang kartolina. Ang iskrip ay kailangang nasa anyo ng mga pangungusap na nagtataglay ng mahahalagang impormasyon mula sa
napiling larawan tulad ng kasaysayan, lugar kung saan makikita ang kagandahan nito, at iba pa. Ibalita mo ito sa miyembro ng iyong pamilya na parang nagbabalita sa radyo.
Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip
| Mga Pamantayan | Napakahusay 5 | Mahusay 4 | Katamtama ng Husay 3 | Hindi Gaanong Mahusay 2 | Nangangailangan pa ng Pagpapahusay 1 | KABUUAN |
|---|---|---|---|---|---|---|
| a.Pagkamalikhain | ||||||
| b. Ayos ng pagkakasulat ng iskrip (Teknikalidad) | ||||||
| c.Lalim/kabuluhan ng mga impormasyon (Impormatibo) | ||||||
| d. Daloy ng pagtalakay sa paksa (Organisasyon) | ||||||
| e. Gamit ng wika (Gramatika) |
21 – 25 Napakahusay 16 – 20 Mahusay 11 – 15 Katamtamang Husay
6 – 10 Hindi Mahusay 1 – 5 Nangangailangan pa ng Pagpapahusay
Isaisip
Mahusay ang ipinakita mong pagsagot sa mga gawain! Ngayon naman ay subukan mong gawin ito.
A. Punan ang sumusunod na talahanayan.
| Ano Ang Iyong Mga Natutuhan? | Gaano Ito Kahalaga? |
|---|---|
B. Kompletuhin ang sumusunod na pahayag.
Mahalagang matutuhan ang paggamit ng tamang oras at tamang mensahe sa radio broadcasting o teleradyo upang…
Isagawa
Natutuwa ako kaibigan kasi malapit mo nang matapos ang mga gawain sa araling ito. At ako’y nasisiyahan dahil sa marami ka na rin natutuhan. Subukan mo pang gawin ang gawaing ito.
Gawin mo
Panuto: Ayusin nang sunod-sunod ang mga pangyayari sa ibaba upang makabuo ng isang magandang balita. Gawin ito sa sagutang papel.
Liga ng Basketbol
Nagsimula noong Linggo ang liga ng basketbol sa Palmera, Phase I, II, III at IV.
Sinimulan ang laro sa ganap na ika-3 ng hapon.
Isang paradang nilahukan ng lahat ng manlalaro ang nagbukas ng liga.
Panauhing pandangal ang alkalde ng lungsod.
Nanalo sa pagandahan ng uniporme ang Koponang Asit.
Masayang-masaya ang mga nanonood sa basketbol tuwing Sabado at Linggo ng gabi.
Rubrik sa Pagsulat ng Balita
| 5 | 4 | 3 | 2 | 1 | |
|---|---|---|---|---|---|
| NILALAMAN ➢ Sumasagot sa tanong na Ano, Sino, Kailan, Bakit at Paano | |||||
| BALARILA ➢ Wastong gamit ng wika (balarila, baybay, bantas) | |||||
| HIKAYAT ➢ Nagtataglay ng katangiang kawilihan, wasto, walang pinapanigan |
5 – Pinakamahusay 4 – Mahusay 3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay
Tayahin
Binabati kita kaibigan sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin, gawin mo ang panapos na pagtataya.
Panuto: Gumawa ng iskrip ng pagbabalitang panradyo o teleradyo tungkol sa tamang paraan ng pag-aalaga ng katawan ngayong panahon ng pandemya.
Gumamit ng mga bagong natutuhang salita sa gagawin mong iskrip tulad ng sumusunod:
- forever – ibig sabihin habang buhay
- beast mode – malahalimaw na enerhiya na ipinamalas ng tao
- ninja moves – magaling, mabilis, madiskarte, at kalimita’y tahimik na pagkilos
- lowbat – pagod o wala ng lakas
- miscol – (missed call) isang tawag na hindi natanggap ng tinawagan
Isulat ang iyong iskrip sa sagutang papel.
(Paalala: Dito ibabatay sa Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip para sa Broadcasting ang iyong puntos para sa ginawa mong iskrip.)
Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip para sa Broadcasting o Balitang Panradyo
| 5 | 4 | 3 | 2 | 1 | |
|---|---|---|---|---|---|
| Pagbuo at pagsulat nang malinaw at maayos na iskrip ng isang balitang panradyo | |||||
| Pagsunod sa tamang pormat ng iskrip | |||||
| Pagsaliksik at paggamit ng iba’t ibang sanggunian tungkol sa paksa | |||||
| Paggamit ng tamang gramatika at ng natutunang bagong mga salita |
5- Pinakamahusay 2- Mapaghuhusay pa
4- Mahusay 1- Nangangailangan pa ng mga pantulong na
3 – Katanggap-tanggap pagsasanay
Karagdagang Gawain
Magaling! Mahusay ang ginawa mo kaibigan! Nagawa mo lahat ang mga gawain at naunawaan mo ang ating paksa! Ito na ang huling gawain para sa modyul na ito.
Panuto: Makinig sa radyo o telebisyon ng isang ulat tungkol sa kalagayan ng panahon. Magtala ng mga bagong salita na maririnig mo mismo sa ulat panahon, kung mayroon man, at kung papaano ginamit at ano ang kaukulang kahulugan nito sa konteksto ng balita. Isulat ang ulat sa inyong kuwaderno. Sundin ang sumusunod na hakbang:
- Pakinggan ang balita.
- Isulat ang pamagat, ang pangunahing ideya, o paksa sa unang pangungusap.
- Sundan ito ng mga pangungusap na nagsasaad ng detalye; at,
- Iwasto ang isinulat bago ipasa.
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN (GAWAIN 1)
- Mike Enriquez
- Noli De Castro
- Gus Abelgas
- Korina Sanchez
- Kim Atienza
GAWAIN 2
- c
- d
- a
- b
- e
BALIKAN
- [illustration: star] 2. [illustration: crescent moon] 3. [illustration: star] 4. [illustration: star] 5. [illustration: star]
PAGYAMANIN
Mag-iiba-iba ang sagot ng mga bata.
ISAISIP (GAWAIN A at B)
Mag-iIba-iba ang sagot ng mga bata
ISAGAWA
Liga ng Basketbol
Nagsimula noong Linggo ang liga ng basketbol sa Palmera, Phase I, II, III at IV. Sinimulan ang laro sa ganap na ika-3 ng hapon. Isang paradang nilahukan ng lahat ng manlalaro ang nagbukas ng liga. Panauhing pandangal ang alkalde ng lungsod. Nanalo sa pagandahan ng uniporme ang koponang Asit. Masayang-masaya ang mga nanood sa basketbol tuwing Sabado at Linggo.
TAYAHIN
Mag-iiba-iba ang sagot ng mga bata.
KARAGDAGANG GAWAIN
Iba –iba ang sagot ng mga bata depende sa kalagayan ng panahon.
Sanggunian
Agarrado, P.C., Francia, M.L., Guerrero, P.R. III, Gojo Cruz, J.R. (2016). Alab Filipino. Vibal Group, Inc.
Baisa, J.A., (2017). Pinagyamang pluma 8. Phoenix Publishing House, Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


Leave a Reply