Filipino 5 Quarter 4 Module 3: Pagtukoy sa Paniniwala ng May-akda at Pagsulat ng Editoryal

This is the Self-Learning Module for Filipino 5, Ikaapat na Markahan (Quarter 4), Modyul 3: “Pagtukoy sa Paniniwala ng May-akda ng Teksto sa Isang Isyu at Pagsulat ng Maikling Balita, Editoryal, at iba pang Bahagi ng Pahayagan” (identifying the author’s belief about an issue in a text, and writing short news, editorials, and other parts of a newspaper). It was made for Grade 5 learners studying at home and is guided by a friendly character named Kokoy. After the module, learners should be able to spot what a writer believes about an issue and write their own editorial about an issue in their community.

What learners will learn

The module states that after studying it, the learner is expected to:

  • Identify the belief of the author of a text, feature article, news report, or editorial about an issue.
  • Write news, an editorial, and other parts of a newspaper that present issues and the learner’s own belief about them.

What the module covers

The module has one lesson (Aralin 1) with the same title as the module. It follows the usual DepEd self-learning module parts, from the pretest (Subukin) to the final assessment (Tayahin), and every activity uses a short reading text.

PartWhat learners do
Subukin (pretest)Fill in a concept cluster about “Pista sa Bayan” (the town fiesta), then read “Pista sa Aming Bayan” and answer six questions, including what issue the text raises and what the author believes
Balikan (review)Write a reaction to “Ang Pagkaubos ng mga Hayop sa Kagubatan” (the disappearance of forest animals)
Tuklasin (discover)Read “Labanan ang Polusyon” (fight pollution) and find its problem and the author’s view
Suriin (explain)Learn how to identify an author’s belief, using the pollution text as the example
Pagyamanin (practice)Read “Ilog Pasig Noon at Ngayon” (the Pasig River then and now) and the editorial “Tambak na Basura” (piles of garbage), then learn what an editorial is, its types, and how to write one
Isaisip (remember)Complete a reflection figure on what was learned and why it matters
Isagawa (apply)Write an editorial for the school paper about a community issue
Tayahin (assessment)Read “Paghahalaman – Nakaaaliw, Nakalilibang” (gardening is fun and relaxing) and answer six questions
Karagdagang Gawain (extra activity)Give your own idea on a proposal by some lawmakers to fully ban logging and tree cutting, scored with a rubric

Key ideas: finding the author’s belief

The module explains that many readings carry issues or problems of society. These issues can be political, social, educational, health-related, economic, and more. You can find them in stories and in the parts of a newspaper: the front page, world news, local and national news, the editorial, classified ads, entertainment, and sports. Authors of these readings share their own belief or feeling (paniniwala o saloobin) about the issue.

To identify the author’s belief, the module gives two steps:

  1. Read the text carefully and understand it.
  2. Ask yourself: What issue does the text mention? What did the author consider in writing it, such as the audience, the theme or type, and the tone?

In the example “Labanan ang Polusyon,” the issue is the damage to the environment from worsening pollution of land, water, and air. The author says people should work together, follow the laws and orders of the government, and do their duty as members of society. The author’s belief is that the progress of the country depends on us.

Key ideas: the editorial

The module defines an editorial (editoryal) as a critical interpretation of a current event meant to inform, persuade, or entertain readers. It is called the voice of the newspaper. It lists seven types:

  1. Nagpapabatid (informative): explains events that are hard to understand.
  2. Nagpapakahulugan (interpretive): draws out the meaning of a news item, event, or situation.
  3. Pumupuna at Nagbibigay ng Reporma (critical and reform-seeking): criticizes wrong actions and suggests reforms.
  4. Pagpaparangal at Pagbibigay-puri (tribute and praise): honors a person in flowery but sincere words.
  5. Nagpapahalaga sa mga Natatanging Araw (special days): marks the birthdays of heroes and events such as Araw ng Kalayaan and Buwan ng Wikang Pambansa.
  6. Paglalahad na Nababatay sa Tahasang Sabi (based on a direct statement): agrees with, opposes, or explains a statement by a high government official.
  7. Paglilibang (entertaining): seems light on the surface but carries a deeper meaning.

Simple steps for writing an editorial, from the module:

  1. Choose a current topic that interests readers. Write it in one sentence, then expand it.
  2. Have a clear purpose.
  3. Gather enough facts about the topic. Build the editorial in three parts: introduction, body, and conclusion.
  4. Keep it short, not more than 250 to 300 words.
  5. Use simple and exact words.

The sample editorial “Tambak na Basura” tells how a barangay’s garbage was not collected because residents did not separate biodegradable and non-biodegradable waste. Its point is that not following an order has a set penalty. Learners use it as the model for their own editorial in Isagawa.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher if any part is unclear.
  • Parents and guardians: The module says a teacher’s or facilitator’s guide comes with it, with tips for helping your child at home. Encourage your child to read each text slowly and to say in their own words what the writer believes.
  • Teachers: The answer key covers the pretest, Tuklasin, Pagyamanin, and Tayahin. Many answers, including the reaction, reflection, editorial, and extra activity, vary per learner. Use the printed rubric (content, grammar, and organization, scored 1 to 5) to rate the extra activity, and it can also guide feedback on the editorial.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 5 Filipino, Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 3. It is a 2020 first edition Alternative Delivery Mode module printed by DepEd Region VIII.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, Tuklasin, Pagyamanin, and Tayahin, and notes that answers to the reaction, reflection, editorial, and extra activity will vary.

How do you identify the author’s belief in a text?

The module says to read the text carefully and understand it, then ask what issue it mentions and what the author considered in writing it, such as the audience, theme, and tone.

What is an editorial according to the module?

An editorial is a critical interpretation of a current event meant to inform, persuade, or entertain readers. It is called the voice of the newspaper and should be no more than 250 to 300 words.

What do learners write in this module?

In Isagawa, learners choose a current issue in their community and write an editorial for their school paper that includes their own belief. In the extra activity, they give their own idea on a proposal to ban logging and tree cutting.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Pagtukoy sa Paniniwala ng May- Akda ng Teksto sa Isang Isyu at Pagsulat ng Maikling Balita, Editoryal, at iba pang Bahagi ng Pahayagan

5

Filipino

Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Pagtukoy sa Paniniwala ng May- Akda ng Teksto sa Isang Isyu at Pagsulat ng Maikling Balita, Editoryal, at iba pang Bahagi ng Pahayagan

[illustration: students reading and writing outdoors and indoors, a teacher at a desk, a child under a lamp, and a globe]

CO_Q4_Filipino 5_Modyul 3

Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Pagtukoy sa Paniniwala ng May-Akda ng Teksto sa Isang Isyu at Pagsulat nang Maikling Balita, Editoryal, iba pang Bahagi ng Pahayagan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis-Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marilou D. Delorino Editor: Esther O. Dela Cruz, Chinky F. Baculanta, Rose Ann C. Menieba Tagasuri: Vicky Rance-Catubig, Eleonor G. Distrajo Tagaguhit: Sergio S. Diaz Jr. Tagalapat: Beatrice A. Olmedo, Argie L. Ty, Leomel B. Ledda Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Arnulfo M. Balane, Joy B. Bihag, Ryan R. Tiu Rosemarie M. Guino, Gorgonio G. Diaz Jr., Crista Joy A. Torbila, Alex B. Rejuso, Isagani E. Licas, Lucila R. Balondo, Elvira R. Ribo, Julito E. Lagrimas, Beatrice A. Olmedo, Teodorico C. Peliño Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VIII Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

FILIPINO

Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Pagtukoy sa Paniniwala ng May- akda ng Teksto sa Isang Isyu at Pagsulat ng Maikling Balita, Editoryal, at iba pang Bahagi ng Pahayagan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: boy holding a tablet with an apple on its screen]

Kumusta ka na? Handang-handa ka na ba sa bagong aralin? Natitiyak kong masisiyahan ka sa bagong paksa na ating tatalakayin.

Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong makabasa ng mga lathalain o babasahin tulad ng mga balita, editoryal, at iba pang bahagi ng pahayagan na naglalaman ng iba’t ibang isyu o suliranin ng ating lipunan? Ang mga isyung ito ay maaaring politikal, sosyal, pang-ekonomiya, pangkalusugan, pang-edukasyon, at iba pa. Alam mo ba na ang mga may-akda ng mga babasahing ito ay nagbibigay ng kani-kanilang paniniwala o saloobin tungkol sa mga isyung ito? Paano mo ito matutukoy?

May mga paraan kung paano mo ito magagawa. Pero bago ang lahat ay gagawin mo muna ang sumusunod na gawain.

Handa ka na ba? Tara, simulan mo na!

[illustration: boy holding a tablet with an apple on its screen, beside three speech bubbles]

Isang masayang pagbati kaibigan dahil tatawid na tayo sa ikatlong yugto ng iyong pag-aaral. Muli, ako si Kokoy ang makakasama mo upang gabayan ka.

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa iyo upang gabayan ka tungo sa isang mabisang pagkatuto. Iba’t ibang gawain ang inihanda sa modyul na ito upang alayan ka ng mga bagong karanasan sa pag-aaral nang sa gayon ay maipagpatuloy mo ang pagpapaunlad ng iyong sarili.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makatutukoy ng paniniwala ng may-akda ng teksto, lathalain, balita, at editoryal tungkol sa isang isyu. Inaasahan din na makasusulat ka ng balita, editoryal, at iba pang bahagi ng pahayagan na naglalaman ng mga isyu at paniniwala mo tungkol dito.

Nakahanda ka na ba?

Subukin

[illustration: boy with a pencil icon, speech bubble: “Ang sumusunod ay panimulang gawain na susukat sa lawak ng iyong kaalaman sa pag-aaralan natin.”]

Gawain 1

Kumpletuhin ang sumusunod na concept cluster sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ideyang iyong naiisip na kaugnay ng salitang nasa gitna. Isulat sa papel ang iyong sagot.

[chart: concept cluster; Gawain 1 (no number or title printed beyond “Gawain 1”)]

Center: Pista sa Bayan

Surrounding ovals: eight empty ovals, each connected to the center by an arrow.

[transcriber’s note: the eight ovals are blank in the original and are to be filled in by the learner; no values are printed]

Gawain 2

Basahin ang sumusunod na teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa papel ang iyong sagot.

[photo: illustration of a family smiling and eating at a table decorated with bunting]

(Diaz, Jr n.d.)

Pista sa Aming Bayan

Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao ang nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan. Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tagarito, mga balikbayan, at mga panauhin mula sa ibang bansa.

Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang nagbibigay ng masiglang tugtugin. Umaambag din sa sigla at saya ang malakas na bunghalit ng mga tugtugin sa mga perya at pondahan at maging sa mga tahanan man.

Nagpapagaraan sa ganda ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye. May mga arkong kawayan na may makukulay na ginupit-gupit na papel. Ang mga banderitas na may iba’t ibang kulay ay nakagayak sa mga hayag na lansangan at maging sa mga maliliit na kalye man.

Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson sa paligid. Malalaking kawa ng pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran. Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalo-salohan ang mga inihandang pagkain ng mga magkamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapos-tapos. Ganyan ang pista. Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang at nawawala na ang diwang ispiritwal ng okasyon.

Eh, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos? Hindi ba’t malaking pag-aabala ito? Pero sadyang hindi na maialis sa kulturang Pilipino ang pagpipista at pamimista. Ito’y isang kaugaliang minana pa natin sa ating mga ninuno.

Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay araw ng pagdakila, pagpuri at pagpaparangal sa Panginoon. Kadalasan ang pistang-bayan ay itinatapat sa kaarawan ng patron ng bayan, gaya ng pista ng Meycauyan na ipinagdiriwang sa kaarawan ng patron nito na si San Francisco de Asis, pista ng Santa Clara sa kaarawan ng Mahal na Birhen de Salambao, pista ng Obando sa kaarawan ni San Pascual de Baylon.

Kagawaran ng Edukasyon, Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 5, p. 11

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang pista?
  2. Bakit may pista?
  3. Ilarawan ang pagdiriwang ng pista batay sa tekstong binasa. Sumulat ng tatlong maikling paglalarawan.
  4. Sang-ayon ka ba na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista? Magbigay ng maikling paliwanag.
  5. Batay sa binasang teksto, anong isyu ang nakapaloob dito?
  6. Sa isyung nakapaloob sa teksto, ano sa tingin mo ang paniniwala ng may-akda tungkol sa isyu?

Aralin 1 Pagtukoy sa Paniniwala ng May-akda ng Teksto sa Isang Isyu at Pagsulat ng Maikling Balita, Editoryal, at iba pang Bahagi ng Pahayagan

Balikan

[illustration: a cartoon boy speaking in a speech bubble]

Magbigay ng reaksiyon sa tekstong nasa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.

Ang Pagkaubos ng mga Hayop sa Kagubatan

Bakit nga ba nauubos na ang mga hayop sa kagubatan? Saan na sila napunta? Masakit mang isipin na isa sa mga dahilan ng kanilang pagkawala ay dahil na rin sa mga tao. Ginagawa silang libangan ng mga mahihilig mangaso at pumatay ng hayop. Hinuhuli rin sila upang gawing pagkain. Ang iba naman ay ginagawang palamuti o di kaya ay alagang hayop sa bahay. Ipinagbibili rin sila at dinadala sa ibang bansa. Tuluyan namang namamatay ang iba dulot ng pagkakaingin sa mga kagubatan. May makikita pa kayang hayop ang mga susunod na salinlahi?

Kagawaran ng Edukasyon, Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 5, p. 125

Reaksiyon:



_____________________________________________________________.

Tuklasin

[illustration: a cartoon boy speaking in a speech bubble]

Halina’t basahin mo ang sumusunod na teksto. Alamin mo kung ano ang suliraning nakapaloob dito. Tukuyin din ang paniniwala o saloobin ng may-akda ng teksto tungkol sa suliraning ito.

Labanan ang Polusyon

Malaking isyu ngayon ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa lumulubhang polusyon sa lupa, tubig, at hangin. Malulutas ang suliraning ito kung makikipagtulungan ang bawat tao. May mga batas na dapat sundin at may mga kautusang ipinatutupad ang ating pamahalaan. Magiging malinis ang paligid kung gagawin ng bawat isa ang kanilang tungkulin. Tayo ay dapat mangalaga sa likas na yaman dahil ang pag-unlad ng bayan ay sa atin nakasalalay.

Kagawaran ng Edukasyon, Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 5, p. 9

Binasa mo bang mabuti ang teksto?

Naunawaan mo ba ito?

Ano ang napag-alaman mo pagkatapos mong mabasa ang teksto?

Kung gayon, handa ka na sa bagong aralin natin?

Suriin

May mga lathalain o babasahin na naglalaman ng mga isyu o suliranin ng lipunan. Maaari itong politikal, sosyal, pang-edukasyon, pangkalusugan, pang-ekonomiya, at iba pa.

Mababasa mo ang mga isyung ito sa iba’t ibang teksto tulad ng kuwento at sa iba’t ibang bahagi ng pahayagan: pamukhang pahina, balitang pandaigdig, balita (lokal at nasyonal), editoryal, klasipikadong anunsyo, libangan, at isports. Ang mga may-akda ng mga lathalaing ito ay nagbibigay ng kani-kanilang paniniwala o saloobin tungkol sa mga isyung ito. Paano mo matutukoy ang mga paniniwala at saloobin nila? Ano-ano ang gagawin mo?

Tunghayan muli natin ang binasa mong tekstong “Labanan ang Polusyon.” Sagutin mo ang mga tanong na ito.

  1. Ano ang malaking isyu na binanggit sa teksto?
  2. Ayon sa may-akda, ano ang dapat gawin upang hindi mangyari ito?
  3. Ano ang paniniwala ng may-akda tungkol sa isyu?

Ito ba ang mga sagot mo?

  1. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa lumulubhang polusyon sa lupa, tubig, at hangin.
  2. a. Magtulungan ang bawat tao.
    b. Sundin ang mga batas at kautusang ipinatutupad ng pamahalaan. `
    c. Gawin ang inyong tungkulin bilang kasapi ng lipunan.
  3. Ang pag-unlad ng bayan ay sa atin nakasalalay.

Tama ka!

Paano mo matutukoy ang paniniwala o saloobin ng may-akda ng teksto tungkol sa isang isyu?

Ito ang gawin mo: Una, basahing mabuti ang teksto, unawain, at intindihin mo.

Pangalawa, itanong sa sarili: Ano ang isyung nabanggit sa teksto? Ano ang dapat isaalang-alang ng isang may-akda sa pagsulat ng teksto o sulatin na nagsasaad ng kaniyang saloobin o pananaw (e.g., audience/mambabasa, tema/uri, tono atbp.)?

Nakuha mo ba? Magaling! Ang iba’t ibang gawain sa modyul na ito ay makatutulong sa paghasa sa iyong kakayahang matuto sa araling ito.

Kapag nagawa mo ang mga paraang ito, tiyak na matutukoy mo ang paniniwala o saloobin ng may-akda ng teksto tungkol sa isyu.

[illustration: a cartoon boy speaking in a speech bubble]

Ngayong alam mo na ang mga impormasyon tungkol sa ating aralin, maaari mo ng sagutan ang sumusunod na gawain.

Pagyamanin
Gawain 1:

Basahin nang tahimik ang tekstong ito. Pagkatapos sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ilog Pasig Noon at Ngayon

[illustration: two side-by-side scenes of the Ilog Pasig, labeled NOON and NGAYON]

(Diaz, Jr n.d.)

Malaki ang naging bahagi ng Ilog Pasig sa buhay ng maraming Pilipino, kabilang na ang ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal.

Malimit noon na makitang namamangka sa Ilog Pasig si Jose Rizal. Kasama niya ang kaniyang kasintahang si Leonora Rivera. Ito ang naging saksi sa kanilang wagas na pagmamahalan. Madalas nilang pasyalan noon ang Ilog Pasig dahil nakadarama sila ng kapayapaan ng kalooban tuwing pinagmamasdan nila ito.

Ayon sa mga matatanda, ibang-iba raw ang Ilog Pasig noon. Bukod sa mga magkasuyong namamasyal dito, marami ring kababaihan ang nakikitang naglalaba rito. Paliguan din ito ng marami at dito nangingisda ang mga tao.

Kulay asul ang tubig nito, malinis at malinaw. Iba’t ibang isda ang nahuhuli rito tulad ng talimusak, dalag at kanduli.

Presko ang simoy ng hangin dito. Naging inspirasyon ng mga makata at manunulat ang ilog na ito. Ipinahahayag nila ang kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng tula at awit. Gaano man kabigat ang suliranin ng isang tao dagli nila itong nalilimutan kung namamalas ang kagandahan ng Ilog Pasig. Ang alon ay tila musika sa kanilang pandinig. Ganiyan kaaya-aya ang Ilog Pasig noon. At isa ito sa itinuturing na magandang tanawin sa ating bansa.

Ngunit ngayon, ano ang nangyari sa ilog na ito? Ang dating malinaw na tubig, ngayon ay maitim na. Ang presko at sariwang hangin ay napalitan nang mabahong simoy na dulot ng basurang itinapon dito.

Ang mga isda ay wala ng pagkakataong mabuhay sapagkat ito ay puro burak na. Sino pa ang masisiyahang mamamasyal sa pook na ito? Paano tayo uunlad kung pati ang kalikasan ay sinisira natin dahil sa kapabayaan? Paano na ang ating kalusugan? Sana’y magising na tayo sa paggawa ng kabutihan para na rin sa mga susunod na henerasyon.

Sa kasalukuyan, marami ng proyekto ang pamahalaan upang buhayin muli ang makasaysayang Ilog Pasig. Sana’y makiisa ang lahat sa mga proyektong ito.

Kagawaran ng Edukasyon, Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 5, p. 13

Ikaw, handa ka na bang maging bahagi nito? Isang hamon ito para sa iyo. Ikaw ba ay may naitulong na upang magkaroon ng pagbabago sa inyong lugar?

  1. Paano inilarawan ang Ilog Pasig noon?
  2. Bakit ganito ang Ilog Pasig noon?
  3. Ano naman kaya ang kalagayan ng Ilog Pasig ngayon?
  4. Ano-ano ang mga hakbang na ginawa ng mga Opisyal ng Lungsod ng Pasig sa muling pagsasabuhay nito?
  5. Sa paanong paraan mapananatili ang kalinisan ng ilog na ito?
  6. Ano ang nais mangyari ng may-akda ng teksto sa isyung ito?
Gawain 2

Basahin at unawain ang sumusunod na editoryal. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa hulihan nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tambak na Basura

Miyerkoles, takdang araw ng pangungulekta ng basurang nabubulok. Tambak na ang sako-sakong basura. Ang trak ng basura na lamang ang hinihintay. Walang trak na dumating! Bakit?

Napag-alaman ng tanggapan ng Waste Reduction Management na maraming residente sa barangay ang hindi sumusunod sa kautusan na paghiwalayin ang nabubulok at di-nabubulok na basura. Dumating ang mga kinatawan ng nasabing tanggapan at sinuri ang tambak na sako-sakong basura. Halo-halo ang nabubulok at di-nabubulok sa bawat sako. May ilan namang hindi. Inutusan ang mga opisyal ng barangay at ilang mga BHW workers na nandoon na magsagawa ng agarang paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok bago ito kolektahin ng basurero.

Dahil sa natuklasang ito, binalaan ang mga opisyal ng barangay na hindi kokolektahin ng basurero ang kanilang mga basura sa loob ng isang buwan.

Dahil sa lahat, ang di-pagsunod sa anumang kautusan ay may parusang nakalaan.

Marilou D. Delorino Guro, Catarman 1 Central School Division of Northern Samar

  1. Tungkol saan ang binasa mong editoryal?
  2. Saang bahagi ng pahayagan mababasa ang ganitong teksto?
  3. Paano isinulat ang editoryal?
  4. Ano ang isyung napapaloob sa teksto?
  5. Anong paniniwala ng may-akda ng teksto sa isyung ito?

Paano nga ba isinulat ang editoryal at ano-ano ang mga uri nito? Bago ang lahat, alamin mo muna kung ano ang editoryal. Ang editoryal ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay-kaalaman, makapagpaniwala, o makalibang sa mga mambabasa. Ito ay tinatawag na tinig ng pahayag.

Maraming uri ng Editoryal:

  1. Editoryal na Nagpapabatid – Ang editoryal na ito ay nagbibigay kaalaman o linaw sa ilang pangyayaring hindi gaanong maunawaan.


  2. Editoryal na Nagpapakahulugan – Ayon kay Dr. Jose Villa, pinipiga nito ang hahantungang kahulugan ng isang balita, pangyayari, o kalagayan.


  3. Editoryal na Pumupuna at Nagbibigay ng Reporma – Ang editoryal na ito ay matamang tumutuligsa sa tiwaling hakbangin ng makapangyarihan, samahan, lipunan, karaniwang mamamayan, at iba pa at nagmumungkahi ng reporma.


  4. Pagpaparangal at Pagbibigay-puri – Pinapahalagahan ng editoryal na ito ang kinauukulan sa pamamagitan ng mga pangungusap na busog sa diwang mabulaklak, subalit matapat.


  5. Nagpapahalaga sa mga Natatanging Araw. Kalimitan, ang editoryal na ito ay tumatalakay sa kaarawan ng mga dakila at bayani ng bansa, gayon din naman sa iba pang pagdiriwang tulad ng Araw ng Kalayaan, Buwan ng Wikang Pambansa, Araw ng mga Bayani, at iba pa.


  6. Editoryal ng Paglalahad na Nababatay sa Tahasang Sabi. Ang editoryal na ito ay sumasalungat, sumasang-ayon, o nagpapaliwanag ng isang pahayag ng may mataas na katungkulan sa pamahalaan.


  7. Paglilibang – Ito’y isang editoryal na pang-ibabaw na anyo ay mapapansing nakalilibang, subalit kung susuriing mabuti ay may madaramang natatanging iba at malalim na kahulugan.


Narito ang mga simpleng hakbang ng pagsulat ng editoryal:

  1. Pumili ng isang paksang napapanahon at kawili-wili sa mambabasa. Isulat ito sa isang pangungusap at palawakin sa editoryal.


  2. Magkaroon ng tiyak na layunin.


  3. Mangalap ng sapat na mga datos o impormasyon na may kaugnayan sa iyong paksa. Buoin ang editoryal sa tatlong bahagi: pambungad o panimula, katawan, at pangwakas o konklusyon.


  4. Gawing maikli ang paglalahad. (Hindi hihigit sa 250-300 na mga salita)


  5. Gumamit ng mga payak at tiyak na salita.


Principles of Campus Journalism, 2nd Edition Elena Q. Tanodra (1994) ABC Educational Products and Services Development Agency Philippines

Isaisip

[illustration: cartoon student speaking in a speech bubble]

Mahusay ang ipinakita mong pagsagot sa mga gawain! Ngayon naman, subukan mong gawin ito.

Gawain: Punan ang bawat bahagi ng reflection figure. Gawin ito sa sagutang papel.

[chart: reflection figure; Punan ang bawat bahagi ng reflection figure]

  • Circle, with arrow pointing to the box: Mga araling natutuhan ko
  • Square, with arrow pointing to the box: A. Mga paraan ng pagtukoy ng paniniwala ng may-akda ng teksto sa isyu / B. Mga paraan ng pagsulat ng editoryal
  • Triangle, with arrow pointing to the box: Kahalagahan ng mga natutuhan ko
Isagawa

[illustration: cartoon student speaking in a speech bubble]

Ako’y natutuwa para sa iyo, kaibigan. Malapit mo ng matapos ang mga gawain sa araling ito. Nasisiguro kong marami kang natutuhan sa mga nagdaang gawain. Subukan mo pang gawin ang gawaing ito.

Gawain:

Ano-ano ang mga isyung kinakaharap ngayon ng inyong pamayanan? Pumili ng isang isyu at sumulat ng isang editoryal para sa inyong Pamahayagang Pangkampus. Kasama na nito ang paniniwala mo tungkol sa isyu. Isulat ang iyong editoryal sa sagutang papel.

Gawing modelo sa pagsulat ng editoryal ang “Tambak na Basura” na nasa Pagyamanin, pahina 11.

Tayahin

[illustration: cartoon student speaking in a speech bubble]

Binabati kita kaibigan sa mahusay mong pagsunod sa mga panuto sa lahat ng mga gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin, gawin mo ang panghuling pagtataya.

Gawain:

Panuto: Basahing mabuti ang teksto at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Paghahalaman – Nakaaaliw, Nakalilibang

Panahon ng pandemya ngayon. Habang tumatagal, lalong sumisidhi ang stress, tensiyon ng bawat tao dulot ng sobrang pag-iisip tungkol sa kalagayan natin.

Upang maiwasan ang suliraning ito, ibaling ang pansin sa paghahalaman. Magtanim ng mga halamang namumulaklak, halamang pampalamuti sa bahay, at mga halamang gulay tulad ng okra, kangkong, kamatis, at iba pa. Kung walang espasyo sa likod o harapan ng bahay, gumamit ng mga basyong lata, gulong, o sako. Lagyan ng lupa at tamnan. Mawawala ang problema mo kapag makita mong tumutubo at namumulaklak na ang iyong mga tanim. Talagang malilibang at maaaliw ka sa gawaing ito at malilimutan mo ang iyong problema.

Simulan mo na!

Marilou D. Delorino, Guro, Catarman I Central School

  1. Ano ang masamang epekto ng pandemya sa tao?
  2. Anong kapaki-pakinabang na gawain ang nabanggit sa teksto?
  3. Anong isyu ang binanggit ng may-akda?
  4. Tahasan bang sinabi ng may-akda kung paano lulutasin ang problema?
  5. Ano ang paniniwala ng may-akda sa paghahalaman?
  6. Kung ikaw ang may-akda, ano ang imumungkahi mo sa paglutas ng suliranin?
Karagdagang Gawain

[illustration: cartoon student speaking in a speech bubble]

Magaling! Mahusay ang ginawa mo kaibigan! Nagawa mo lahat ang mga gawain at naunawaan mo ang ating paksa. Ito na ang huling gawain para sa modyul na ito.

Gawain:

Ibigay ang sariling ideya sa panukala ng ilang mambabatas na tuluyang ipagbawal ang pagtotroso at pagpuputol ng mga punongkahoy.

Rubriks sa Pagbigay ng Sariling Ideya Tungkol sa Isang Isyu

54321
Nilalaman
– Maayos na paglalahad ng mga ideya
– Kaangkupan ng mga impormasyong ginamit para sa pagtalakay at pagpapaliwanag sa paksa
Balarila
– Wastong gamit ng wika, bantas, baybay at estruktura ng pangungusap
Organisasyon
– Paraan ng pagtalakay sa paksa
– Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga ideya
– Naipapaliwanag ang pananaw tungkol sa isyu

5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusayan pa 4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga 3 – Katanggap-tanggap pantulong na pagsasanay

[illustration: cartoon student speaking in a speech bubble]

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Natapos mo ang modyul na ito. Kung mayroong bahagi sa mga aralin na ito na hindi mo naunawaan, mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the lower-middle and lower-right columns of this page are printed upside down; they are transcribed upright below, in the order of the answer key. The upper-left column is printed upright.]

Subukin

A. masaya, parada, palaro, handaan, kainan, sayawan, nagsisimba, prusisyon

B.

  1. Pista-araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal
  2. Upang ipahayag ang pagdakila, papuri at pagpaparangal sa Panginoon
  3. masayang-masaya kabi-kabila ang handaan ng mga maraming panauhin
Balikan

Mag-iiba-iba ang sagot ng mga bata.

Tuklasin
  1. Pagkasira ng kapaligiran
  2. Dahil sa lumulubhang polusyon sa lupa, tubig at hangin
  3. Malulutas ang suliraning ito kung makikipagtulungan ang lahat ng tao
Pagyamanin
Gawain 1
  1. Malinis at kulay berde ang tubig.
  2. Dahil wala pang nagtatapon ng basura noon sa ilog.
  3. Marumi at kulay itim na ang tubig.
  4. Nagtutulungan silang linisin ang ilog.
  5. Patuloy na bantayan ang ilog laban sa mga taong hindi sumusunod sa tamang pagtapon ng basura.
Gawain 2
  1. Tungkol sa tambak ng basura
  2. Editoryal
  3. Mag-iiba-iba ang sagot ng mga bata.
  4. Ang hindi pagsunod ng mga taga barangay sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura
  5. Ang hindi pagsunod sa kautusan ay may parusang nakalaan
Isaisip

Mag-iiba-iba ang sagot ng mga bata.

Isagawa

Mag-iiba-iba ang sagot ng mga bata.

Tayahin
  1. Nagkakaroon ng tensiyon at stress ang mga tao
  2. Paghahalaman
  3. Ang paghahalaman ay isang paraan upang mabawasan ang hindi mabuting nararamdaman ng mga tao dulot ng pandemya.
  4. Oo
  5. Ito ay nakababawas ng stress at tensiyong nararamdaman ng mga tao.
  6. Mag-iiba-iba ang sagot ng mga bata.
Karagdagang Gawain

Mag-iiba-iba ang ideya ng mga bata.

Sanggunian

Tanodra, E. Q. (1994) Principles of Campus Journalism 2nd edition. ABC Educational Products and Services Development Agency, Phil.

Delorino, Marilou D., Guro, Catarman I Central School, Division of Northern Samar

Kagawaran ng Edukasyon (2016). Kagamitan ng Mag-aaral 5.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *