Filipino 5 Quarter 3 Module 7: Pang-angkop, Email, and Liham na Nagbibigay Mungkahi

This is the Self-Learning Module (SLM) for Filipino Grade 5 (Ikalimang Baitang), Quarter 3, Module 7: “Gamit ng Pang-angkop sa Pakikipagtalastasan; Pagsulat ng Sulating Pormal, Di Pormal (email) at Liham na Nagbibigay Mungkahi” (using linkers in communication; writing formal and informal texts, emails, and letters that give suggestions). It has one lesson and is written for Grade 5 learners studying at home, guided by a parent or facilitator. By the end, learners should be able to join words correctly with linkers and write a formal text, an informal email, and a letter that gives a suggestion.

The module was prepared by the Department of Education Region VIII under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020). It was written by Rina D. Tan. Throughout the lesson, a friendly guide named Kokoy cheers learners on.

What learners will learn

The module states two learning competencies:

  • Nakagagamit ng pang-angkop sa pakikipagtalastasan (uses linkers in communication) – F5WG-lllf-g-10
  • Nakasusulat ng isang sulating pormal, di pormal (e-mail) at liham na nagbibigay mungkahi (writes a formal text, an informal text or email, and a letter giving a suggestion) – F5PU-llh-29, F5PU-lld-2.10, and F5PU-llj-2.3

Key idea 1: Pang-angkop (linkers)

A pang-angkop is a small word or sound that links two words that come one after the other. It shows how the words are related, and it makes the pair easier and smoother to say. The module introduces it through a real division memorandum about Buwan ng Wikang Pambansa 2020 and points out examples such as pansangay na memorandum, punong-guro, and wikang pambansa.

There are three forms, and the choice depends on how the first word ends:

LinkerWhen to use itModule examples
-ngThe first word ends in a vowel (patinig). Attach it to the word.gabing madilim, matalinong bata
naThe first word ends in a consonant (katinig) other than n. Write it as a separate word.magalang na bata, mabait na kapatid
-gThe first word ends in n. Drop na and just add g.dahon na tuyo becomes dahong tuyo; hardin na mabango becomes harding mabango

Key idea 2: Formal texts, informal texts, and letters

  • Sulating pormal (formal writing) follows the standard rules of writing. It pays attention to margins, capital and small letters, and punctuation. Its content has unity, and ideas are expressed clearly and effectively. It uses accepted words, often used in school. Examples include biographies, short stories, essays, memorandums, and legal orders.
  • Sulating di pormal (informal writing), such as an email, is not strict about the rules of formal writing. The style is relaxed, and what matters most is that the message reaches the reader. The module also notes that texting on a cellphone is a form of writing.
  • Liham (letter) is a written message from one person to another, usually someone far away.
  • Liham na nagbibigay mungkahi (letter giving a suggestion) is a letter whose purpose is to give a clear suggestion about a topic. A letter can be formal or informal, depending on the writer’s purpose and who will read it.

The module reminds learners to stay positive and polite when giving a suggestion, so the reader is more likely to agree.

Parts of the module

  1. Alamin – the learning goals.
  2. Subukin (pretest) – matching words with the right linker, and five multiple-choice questions on writing, letters, and formal and informal texts.
  3. Balikan – reading a letter from Edwin to his mother about a COVID-19 lockdown and answering questions, including whether it is formal or informal and which linkers it uses.
  4. Tuklasin – finding the linkers in a division memorandum.
  5. Suriin – the lesson discussion on linkers and types of writing.
  6. Pagyamanin – filling in linkers in an informal letter, then completing a “what I learned and why it matters” table and a sentence about why linkers are used in writing.
  7. Isagawa – writing a letter to a classmate encouraging them to keep studying during the pandemic, underlining the linkers used.
  8. Tayahin (assessment) – filling in linkers in a letter, then writing a letter encouraging classmates to do a meaningful project during the pandemic.
  9. Susi sa Pagwawasto – the answer key.

How to use this module

  • Learners: Start with Subukin to see what you already know, then go through each part in order. Write your answers on a separate sheet of paper, and do not write on or mark the module so others can use it. Check your work with the answer key only after you finish, and be honest. Contact your teacher if anything is unclear.
  • Parents and facilitators: Help your child read the letters and the memorandum, and check that the linker rules (na, -ng, -g) are being followed. Open-ended tasks in Pagyamanin and Isagawa have no single correct answer.
  • Teachers: The pretest shows which learners may need extra help. The writing tasks in Isagawa and Tayahin Gawain 2 can be collected and checked as outputs. The module notes that a separate teacher’s or facilitator’s guide is available.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 5 Filipino, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 7. It contains one lesson.

What is a pang-angkop?

A pang-angkop is a linker that joins two words that come one after the other, showing their relationship and making them smoother to say. Its forms are na, -ng, and -g, as in mabait na kapatid, matalinong bata, and dahong tuyo.

When do you use na, -ng, or -g?

Use -ng when the first word ends in a vowel, na when it ends in a consonant other than n, and -g when it ends in n.

What is the difference between sulating pormal and sulating di pormal?

Formal writing follows standard rules on margins, capitalization, and punctuation, as in essays and memorandums. Informal writing, such as email, is relaxed about these rules and focuses on delivering the message.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers to the pretest, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, and Tayahin, while open-ended writing tasks may have varied answers.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 7: Gamit ng Pang-angkop sa Pakikipagtalastasan Pagsulat ng Sulating Pormal, Di Pormal (email) at Liham na Nagbibigay Mungkahi

CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 7

Filipino – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode Ikatatlong Markahan – Modyul 7: Gamit ng Pang-Angkop sa Pakikipagtalastasan Pagsulat ng Sulating Pormal, di-pormal (email) at Liham na Nagbibigay Mungkahi Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis-Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Rina D. Tan
Editor:Cristina M. Giray
Tagasuri:Ronaldo Verano
Tagaguhit:
Tagalapat:Beatrice A. Olmedo, Argie L. Ty, Jerome B. Reynes
Tagapamahala:Ma. Gemma M. Ledesma
Arnulfo M. Balane
Joy B. Bihag
Gorgonio G. Diaz Jr.
Alex B. Rejuso
Lucila R. Balondo
Julito E. Lagrimas
Rosemarie M. Guino
Ryan R. Tiu
Crista Joy A. Torbila
Isagani E. Licas
Elvira R. Ribo
Beatrice A. Olmedo

Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________

Department of Education – Regional No. VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Title Page

5

Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 7: Gamit ng Pang-angkop sa Pakikipagtalastasan Pagsulat ng Sulating Pormal, Di Pormal (email) at Liham na Nagbibigay Mungkahi

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Kaibigan, itinuturing na mahalagang bahagi ng kakayahang pangkomunikasyon ng isang mag-aaral sa alinmang antas ng edukasyon ang pagtatamo ng kasanayan sa pagsulat. Inaasahang ang bawat mag-aaral na magtatapos sa elementarya ay mayroon nang angking kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng tekstong naglalahad, nagsasalaysay, naglalarawan at nangangatwiran na angkop sa kanilang antas.

Sa mga nakaraang taon ng pag-aaral, napag-aralan mo sa Filipino ang dalawang uri ng sulatin, ang sulating pormal at sulating di pormal. Alam mo bang ang paggamit ng cellphone sa paghahatid ng mensahe o yung pagteteks ay isa ring pagsulat?

Aralin 1

Paggamit ng Pang-angkop sa Pakikipagtalastasan Pagsulat ng isang sulating pormal, di pormal (email) at liham na nagbibigay mungkahi

Alamin

Kumusta kaibigan! Narito na naman ang iyong kaibigang si Kokoy para samahan ka sa paglalakbay sa panibagong aralin kung saan lilinangin ang iyong kasanayan sa pagsusulat ng liham gamit ang mga pang-ugnay. Kayang-kaya mo itong gawin kaibigan sapagkat may tiwala ako sa iyo!

Pagkatapos ng ating paglalakbay, ikaw ay inaasahang:

Nakagagamit ng pang-angkop sa pakikipagtalastasan (F5WG-lllf-g-10)

Nakasusulat ng isang sulating pormal, di pormal (e-mail) at liham na nagbibigay mungkahi (F5PU-llh-29, F5PU-lld-2.10 at F5PU-llj-2.3)

Subukin

Kaibigan, tingnan natin kung kaya mong sagutin ang dalawang gawaing ito. Dito masusukat ang iyong kaalaman ukol sa paggamit ng pang-ugnay, sulating pormal at di-pormal, at liham na nagbibigay mungkahi.

Gawain 1

Panuto: Pagtambalin ang mga salitang angkop pagsamahin mula sa Hanay A at Hanay B. Magbatay sa sumusunod na halimbawa. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Hanay AHanay B
Halimbawa: mapait naBata
Bato
Inumin

Sagot: mapait na inumin

Dito ka magsimula:

Hanay AHanay B
1. makulit namalalim
2. bayangbulsa
3. balongmalinis
4. paaralangmagiliw
5. butas nabata
Gawain 2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot, at isulat sa inyong sagutang papel.

  1. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng pagsasatitik ng mga sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita.


    A. pagsasalita
    B. pagbasa
    C. pagsulat


  2. Ito ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao na kadalasan ay nasa malayong lugar.


    A. telepono
    B. text
    C. liham


  3. Ito ay uri ng sulatin na kinapapalooban ng mga salitang kinikilala, tanggap ng nakararami, at kadalasang ginagamit sa paaralan.


    A. sulating di pormal
    B. sulating pormal
    C. email


  4. Ito ay uri ng sulatin na hindi gaanong sumusunod sa tamang pamantayan at mga tuntunin sa pagsulat.


    A. sulating di pormal
    B. sulating pormal
    C. email


  5. Uri ng liham na nagbibigay ng suhesyon hinggil sa isang paksa o isyu.


    A. Liham pangkaibigan
    B. Liham nang Naghahanap trabaho
    C. Liham na nagbibigay mungkahi


Balikan

Basahin mo ang liham at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na kasunod. Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang papel.

24 Hunyo 2020 San Juan, Manila

Mahal kong Ina,

Kumusta po kayo? Lubha akong nalulungkot sa kadahilanang hindi pa po ako makauuwi sa atin gustuhin ko mang gawin ito.

Kasalukuyan pong nakasailalim sa lockdown ang aming barangay sapagkat may mga taong hindi pa rin sumusunod sa protocol na ipinatutupad ng pamahalaan. Karamihan pa rin ay lumalabas ng kanilang tahanan na walang suot na facemask at face shield kung kaya’t umabot po sa labing dalawang katao naging positibo ngayon sa Covid-19.

Sa sandaling maging maayos na ang sitwasyon dito, asahan po ninyong agad akong uuwi sa atin.

Nagmamahal, Edwin

Mga tanong:

  1. Ano ang mensahe ng sulat?
  2. Sa anong kadahilanan na hindi makakauwi ang sumulat ng liham?
  3. Sa iyong palagay, pormal ba, o di pormal ang sulating iyong binasa, bakit?
  4. Ano-ano ang ginamit na pang-ugnay sa liham?
  5. Ibigay ang mga salitang ginamitan ng pang-ugnay.
Tuklasin

Suriing mabuti ang kasunod na Memorandum. Isulat sa sagutang papel ang mga pang-ugnay na ginamit upang maiugnay ang mga salita.

SANGAY NG HILAGANG SAMAR Catarman

Pansangay na Memorandum Blg. 213, 2020

Sa mga : Pansangay na Mga Superbisor Tagamasid Pampurok Punong-Guro ng Mga Paaralang Publiko at Pribado Elementarya at Sekundarya

Mula kay : GORGONIO G. DIAZ JR. CESO V Pansangay na Tagapamanihala

Paksa : Buwan ng Wikang Pambansa 2020

Pesta : 29 Hunyo 2020

  1. Ipinaaalam sa mga kinauukulan na sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ipagdiriwang ng tanggapang ito ang Buwan ng Wikang Pambansa 2020 mula Agusto 1-30, 2020 alinsunod sa itinakdang Pampanguluhan Proklamasyon Blg. 1041, 1997. Ang tema ng Pagdiriwang sa taong ito ay “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”
  2. Inaatasan ang bawat paaralan na magdaos ng mga gawain kaugnay rito na magpapasigla at magpapayaman sa katutubong wika ng bansa.
  3. Ang lingguhang paksa sa loob ng isang linggong pagdiriwang ay ang sumusunod:
    a. Ako at ang Katutubong Wika ko;
    b. Pagbasa at Paglaya: Pagpapalusog ng mga Katutubong Panitikan at Kaalamang – bayan;
    c. Pangangalaga sa mga Katutubong Wika, Pangangalaga sa Bansang Pilipino.
  4. Ang anumang gastusin na gugugulin ng paaralan sa mga gawain ng pagdiriwang ay pwedeng kunin sa MOOE ng paaralan na sasailalim sa pagtutuos at pagsusuri ng pamahalaan.
  5. Hinihiling ang malawakang pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
Suriin

[illustration: boy holding a tablet with an apple]

Kaibigan, tungkol saan ang memorandum na binasa mo? Napansin mo bang may mga katagang ginamit upang maiugnay ang mga salita?

Balikan ang Memorandum na iyong binasa. Pansinin na may mga ginamit dito na mga katagang nag-uugnay sa mga salitang magkasunod.

Halimbawa:

Pansangay na Memorandum – pansinin na ang pinag-uugnay ng na ay mga salitang pansangay at memorandum

Punong-Guro – pansinin na ang pinag-ugnay ng ng ay mga salitang puno at guro

Wikang Pambansa – pansinin na ang pinag-uugnay ng ng ay mga salitang wika at pambansa

Ginamit na pag-ugnay ang mga katagang na at -ng para magkaroon ng kaugnayan ang dalawang magkasunod na mga salita.

Pansinin din ang paraan ng paglalagay/pagkakabit ng na at -ng. ito ay inilalagay sa pagitan ng dalawang salitang pinag-uugnay nito. Ang na ay hindi ikinakabit sa salitang sinusundan, sumantalang ang –ng ay ikinakabit sa salitang inaangkupan nito.

Samakatuwid, ang pang-angkop ay katagang ginagamit na pang-ugnay sa dalawang salitang magkasunod upang maipakita ang pagkakaugnay ng mga ito sa isa’t-isa, at upang maging madulas ang pagbigkas sa dalawang salitang magkasunod.

Tandaan na ginagamit lamang ang pang-angkop na –ng kung ang sinusundan salita ay nagtatapos sa patinig.

Halimbawa:

gabing madilim matalinong bata

Ang na ay pang-angkop na ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n.

Halimbawa:

magalang na bata mabait na kapatid

Kung ang salita naman ay nagtatapos sa n, maaari nang alisin ang pang-angkop na na at magdugtong na lamang ng g upang maging madali at higit na madulas ang pagbigkas dito.

Halimbawa:

dahon na tuyo – dahong tuyo hardin na mabango – harding mabango

Samantala, sa pag-aaral sa Filipino, tinuturuan tayo ng ibat-ibang sulatin tulad ng sulating pormal at di pormal. Gayundin ang mga uri ng liham, na may layon na: naglalahad, nagsasalaysay, naglalarawan, at nangangatwiran.

Ang sulating pormal ay isang istandardisadong pagsulat ng sulatin. Sumusunod ito sa panuntunan ng tama o angkop sa pagsulat. Binibigyang-pansin ang angkop na gamit ng mga palugit, malaki at maliit na titik, mga bantas. Ang nilalaman o content ay dapat may kaisahan. Naihahayag nang malinaw, maayos at mabisa ang mga ideya. Halimbawa sa pormal na sulatin ay ang mga sulating tulad ng pagsulat ng talambuhay, mga maikling kwento, sanaysay, mga memorandum, mga kautusang legal, at iba pang mga kahalintulad na sulatin. Ito ay uri ng sulatin na kinapapalooban ng mga salitang kinikilala, tanggap ng nakararami, at kadalasang ginagamit sa paaralan.

Ang di sulating pormal tulad ng email ay mga sulatin na hindi mahigpit sa pagsunod sa mga tuntunin at proseso ng pormal na pagsulat. Dahil dito, nagiging maluwag ang paraan sa pagsusulat at ang mahalaga lamang ay maihatid ang anumang mensahe sa mga kinauukulan.

Ang liham ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao na kadalasan ay nasa malayong lugar. Dito, inilalahad ng magkausap ang kanilang mga mensaheng nais ipabatid sa isat-sa. Kung ang layon ng isang taong sumulat ay magbigay ng kaniyang malinaw na

suhestiyon patungkol sa isang paksang pinag-uusapan, ito ay tinatawag na liham na nagbibigay mungkahi. Mahalagang tandaan na ang liham ay maaaring maging pormal o di pormal, ito ay nakabatay sa layunin ng sumulat at kung para kanino ang sulat.

Tandaan na panatilihing maging positibo at magalang sa pagbibigay ng mungkahi sa iyong liham upang mahikayat ang iyong kausap na sumang-ayon sa iyong panig o suhestiyon.

Pagyamanin

[illustration: boy holding a tablet with an apple]

Alam mo bang ginagamitan ng pang-angkop o mga pang-ugnay kapag sumusulat tayo ng sulating pormal, di pormal (email) at liham na nagbibigay mungkahi?

Subukin natin ngayon ang iyong kasanayan sa pagtukoy sa mga pang-angkop na ginamit na sa isang liham na di pormal.

[transcriber’s note: the page image shows no instruction line above the email box]

O3 Hunyo 2020

Mahal kong Rose,

Kumusta ka na? Matagal _____ panahon na wala tayo _____ balita sa isa’t isa. Alam mo ba_____ ako’y natutuwa sapagkat ipinahayag _____ating Executive Secretary na si Ginoong Harry Roque na ilang tulog _____ lang may bakuna _____ laban sa Covid 19. Narinig mo _____ rin ba ang balita _____ ito? Kapag bumalik na sa new normal ang lahat maari na kami _____ dumalaw diyan sa inyo. Patuloy pa rin nating sundin ang ipinatutupad _____ ating pamahalaan upang tuluyang bumaba ang bilang ng kaso ng Covid 19.

Hanggang dito _____ lang muna kaibigang Rose.

Ang Iyong kaibigan, Anne

Binabati kita kaibigan dahil napagtagumpayan mo ang mga gawaing pinagagawa sayo sa modyul na ito!

Tingnan natin ngayon kung masasagot mo ang mga sumusunod na talahanayan sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. Punan ang sumusunod na talahanayan:

Ano ang iyong natutuhan?Gaano ito kahalaga?

B. Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag:

Sa pagsulat ng isang sulating pormal, di pormal (email) at liham na nagbibigay ng mungkahi, ginagamit din ang pang-angkop upang



Isagawa

[illustration: boy holding a tablet with an apple]

Kaya pa ba kaibigan? Alam kong kayang-kaya mo pa. Susubukin natin ngayon ang iyong kakayahan sa pagsulat ng liham na nanghihikayat sa pamamagitan ng pagamit ng wastong pang angkop.

Panuto: Sumulat sa iyong kaklase ng liham na naghihikayat na ipagpatuloy nito ang kaniyang pag-aaral ngayong panahon ng pandemya. Gumamit ng mga pang-angkop at salungguhitan ang mga ito.









Tayahin

[illustration: boy holding a tablet with an apple]

Magaling! Binabati kita kaibigan dahil malayo na ang iyong narating.

Siguradong marami ka nang natutuhan sa mga aralin sa modyul na ito.

Tiyak na handang-handa ka na ngayon sa pagtataya.

Gawain 1.

Punan ng wastong pang-angkop ang liham na naghihikayat.

Kinabranan 2, Allen Hilagang Samar Pebrero 2, 2021

Mahal kong Grace,

Maganda_____ araw sa iyo !

Napag-alaman ko sa atin_____ mga kaklase na gusto mo _____ raw huminto sa pag-aaral ngayon_____ panahon _____ pandemya. Ako ay nalungkot nang malaman ko ang balita_____ iyan. Nakapanghihinayang kung ikaw ay hihinto sa pag-aaral ngayon_____ taon. Sana naman magbago pa ang iyo_____ isip at hindi _____ matuloy ang balak mo_____ paghinto sa pag-aaral.

Ang Iyong kaklase, Haide

Gawain 2.

Sumulat ng isang liham na naghihikayat sa iyong mga kaklase na gumawa ng isang gawain o proyekto na makabuluhan sa panahon ng pandemya na ginagamitan ng pang-angkop.

Susi sa Pagwawasto

Subukin

Gawain 1:

  1. makulit na bata
  2. bayang magiliw
  3. balong malalim
  4. paaralan malinis
  5. butas na bulsa

Gawain 2:

  1. C
  2. C
  3. B
  4. A
  5. C
Balikan
  1. tungkol sa dahilan ng hindi pakakauwi ng anak
    di-pormal
  2. kasalukuyang nakasailalim sa lockdown ang kanilang barangay
  3. di-pormal/di gaanong sumusunod sa tamang proseso
    na/ng
    lubos na nalulungkot
    aming brgy.
    protocol na pinatutupad
    taong lumalabas
    kanilang bahay
Tuklasin

pangsangay na memorandum Bansang Pilipino paaralan na magdaos Punong-guro Pansangay na tagapamanihala katutubong wika Buwan ng wikang pambansa 2020 lingguhang paksa linggong pagdiriwang Wikang Filipino katutubong wika buwan ng wikang Filipino 2020 anumang gastusin gugulin ng paaralan pagdiriwang gugulin ng pagdiriwang tema ng pagdiriwang taong ito pagsusuri ng pamahalaan Wikang katutubo malawakang pagpapalaganap

Pagyamanin

matagal na panahon tayong balita ako’y natutuwa ng balita ipinahayag ng ating Executive Secretary ilang tulog bakuna na laban mo na rin balitang ito kami dumalaw ipinatupad ng ating pamahalaan dito nalang

Pagyamanin

A. maaring iba iba ang sagot ng mga bata

B. maaring iba iba ang sagot ng mga bata

Isagawa

Maaring iba iba ang sagot ng mga bata

Tayahin

ng na g g ng ng g na ng

Sanggunian

Lagrimas, Julito E., EdD. 2020: DepED Northern Samar.

La lunio, Lydia P., PhD at Francisca G. Ril. Hiyas sa Wika 5 Batayang Aklat, Quezon City, Philippines: SD Publications. Inc., 2010.

Liwanag, Lydia V., PhD, Landas sa Wika 6 Batayang Aklat, Quezon City, Philippines: Edu Resources Publishing, Inc., 2011.

Tan, Rina D., DepED Allen, Allen Northern Samar Villafuerte, PB., Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Tiyurya at Praktika, 42-43.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *