This is the Filipino 5 self-learning module for the third quarter, Modyul 6: “Pagkilala sa Simuno at Panaguri sa Pagpahayag ng Opinyon o Katotohanan” (identifying the subject and predicate in statements of opinion or fact). It was prepared by DepEd Region VIII under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020) for Grade 5 learners studying at home. After the module, learners should be able to tell whether a statement is an opinion or a fact, and name the subject and predicate of a sentence.
What learners will learn
The module states two learning competencies:
- Tell whether a statement is an opinion or a fact (makasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan), F5PB-IIIf-h-19
- Identify the subject and predicate in a sentence (makasasabi ng simuno at panaguri sa pangungusap), F5WG-IIIi-j-8
A friendly guide character named Kokoy leads the learner through the lesson.
What is inside the module
The module has one lesson (Aralin 1), arranged in the usual SLM parts:
- Subukin (pretest): five sentences. Learners mark each one O for opinion or K for fact, underline the subject, and circle the predicate.
- Balikan (review): a look back at Module 5 on making a timeline. Learners read the story “Maghapon ni Nicole” (Nicole’s day), make a timeline of her study routine during the pandemic, find the opinion and fact paragraphs, and copy three sentences to mark their subject and predicate.
- Tuklasin (discover): the dialogue “Bagong Kaalaman ni Lito” (Lito’s new knowledge) between the teacher Gng. Calay and her learner Lito, followed by questions.
- Suriin (explain): the lesson on simuno, panaguri, opinyon, and katotohanan.
- Pagyamanin (practice): a guessing game with a family member or friend, then a subject-and-predicate chart.
- Isaisip (remember): a fill-in-the-blanks summary.
- Isagawa (apply): three statements to label as fact or opinion, with reasons.
- Tayahin (assessment): five statements to label and break into subject and predicate.
- Karagdagang Gawain (extra activity): cut out or copy a statement, decide if it is fact or opinion, and color the subject green and the predicate yellow.
- Susi sa Pagwawasto: the answer key.
Key ideas: simuno and panaguri
Whether we state an opinion or a fact, we use sentences. Every sentence has two parts:
- Simuno (or paksa): the subject, or what the sentence talks about. It can be a person, thing, animal, place, or event.
- Panaguri: the predicate, or the part that tells something about the subject.
Besides nouns, a pronoun (panghalip), adjective (pang-uri), or verb (pandiwa) can also serve as subject or predicate.
Word order matters. In the usual Filipino order (karaniwang ayos), the predicate comes first. In the other order, the subject comes first and is joined to the predicate by the marker ay.
Examples from the module:
| Sentence | Simuno | Panaguri |
|---|---|---|
| Ang gurong si Gng. Calay ay nagtungo sa bahay ng mag-aaral na si Lito. | Ang gurong si Gng. Calay | nagtungo sa bahay ng mag-aaral na si Lito |
| Naglalakad si Lito nang nakasalubong niya ang kaniyang guro. | si Lito | Naglalakad… |
| Ang COVID-19 ay naipapasa ng tao-sa-tao sa pamamagitan ng talsik ng laway. | Ang COVID-19 | naipapasa ng tao-sa-tao sa pamamagitan ng talsik ng laway |
Key ideas: opinyon or katotohanan
In the dialogue, Lito says he does not need a mask because he plays with a friend, and that the virus dies in the sun. Gng. Calay answers with guidance from the DOH and IATF. The module explains that Gng. Calay states facts because they come from trusted sources, while Lito states opinions because they come only from his own view.
- Katotohanan (fact): a statement about a definite topic or event that comes from a true, reliable source. It has proof, which the module calls a mode of verification (MoV).
- Opinyon (opinion): a statement based on a person’s feelings or thoughts about something. It may be a guess or belief that cannot be proven, and others may disagree with it.
Signal words listed in the module:
| Fact (katotohanan) | Opinion (opinyon) |
|---|---|
| sa totoo lang, ayon sa pagsusuri, bilang patunay, batay sa pag-aaral | sa palagay ko, para sa akin, sa tingin ko, pakiramdam ko, naniniwala ako, sa aking opinyon, kung ako ang tatanungin, sa aking pananaw, hindi kailanman, talagang hindi, lahat, karamihan, pinakamasama, pinakamagaling, tila |
For example, “Filipino ang Pambansang Wika ng Pilipinas” is a fact, while “Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan” is an opinion.
How to use this module
- Learners: Start with Subukin to check what you already know, then go through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet (sagutang papel), not on the module, so others can use it later. Check your work honestly with the answer key, and contact your teacher if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: Some activities need a partner, like the Pagyamanin guessing game, so join in. Ask your child to explain why a statement is a fact or an opinion.
- Teachers: Use the pretest to see who needs extra help. Many answers in the key are sample answers (“maaaring ganito ang sagot”), so accept other correct answers, especially for the subject-and-predicate activities.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 5 Filipino, third quarter (Ikatlong Markahan). It is Modyul 6 of the quarter.
What is the difference between simuno and panaguri?
The simuno is the subject, or what the sentence talks about. The panaguri is the predicate, the part that tells something about the subject.
How can a learner tell a fact from an opinion?
A fact (katotohanan) comes from a reliable source and can be proven, often with phrases like ayon sa pagsusuri. An opinion (opinyon) comes from a person’s own feelings or views, often with phrases like sa palagay ko or para sa akin.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, activities, and final assessment. Several answers are sample answers, so other correct answers may be accepted.
What competencies does the module cover?
It covers F5PB-IIIf-h-19, telling whether a statement is an opinion or a fact, and F5WG-IIIi-j-8, identifying the subject and predicate of a sentence.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino – Ikatlong Markahan –Modyul 6: Pagkilala sa Simuno at Panaguri sa Pagpahayag ng Opinyon o Katotohanan
5
Filipino
Ikatlong Markahan –Modyul 6: Pagkilala sa Simuno at Panaguri sa Pagpahayag ng Opinyon o Katotohanan
[illustration: a group of learners reading, writing, and studying with a teacher, a globe, and a lamp]
CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 6
Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagkilala sa Simuno at Panaguri sa Pahayag na Opinyon o Katotohanan. Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis-Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
| Tungkulin | Pangalan | Pangalan |
|---|---|---|
| Manunulat: | Joan C. Adriatico | |
| Editor: | Julito E. Lagrimas | Myra L. Bato |
| Tagasuri: | Julito E. Lagrimas | Cora G. Catapan |
| Tagaguhit: | Zinnia Miura T. Gatchalian | |
| Tagalapat: | Beatrice A. Olmedo | Jerome B. Reynes |
| Tagapamahala: | Ma. Gemma M. Ledesma Arnulfo M. Balane Joy B. Bihag Gorgonio G. Diaz Jr. Alex B. Rejuso Lucila R. Balondo Julito E. Lagrimas | Rosemarie M. Guino Ryan R. Tiu Crista Joy A. Torbila Isagani E. Licas Elvira R. Ribo Beatrice A. Olmedo |
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Regional No. VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
5
Filipino
Ikatlong Markahan –Modyul 6: Pagkilala sa Simuno at Panaguri sa Pagpahayag ng Opinyon o Katotohanan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Aralin 1: Pagkilala sa Simuno at Panaguri sa Pagpahayag ng Opinyon o Katotohanan.
1
CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 6
[illustration: a boy holding a tablet, speech bubble]
Kaibigan, kumusta ang pag-aaral mo ngayong panahon ng pandemya? Ano ang mga alituntunin na iyong narinig o nabasa tungkol sa paraan ng pag-aaral ng modular distant learning? Nasuri mo na ba kung ito ay opinyon o katotohanan? Sa katunayan, makatutulong sa iyo ang pagsasanay na ito upang masuri mo kung ang iyong binasa o napakinggang pahayag ay opinyon o katotohanan. At mas lalo mo pa itong mauunawaan kung tukoy o alam mo kung alin ang simuno at panaguri sa loob ng pangungusap.
Alamin
[illustration: a target with an arrow]
[illustration: a boy holding a tablet, speech bubble]
Magandang araw sa iyo, kaibigan! Ako muli ang iyong kaibigang si Kokoy na iyong makakasama sa paglalakbay sa bagong araling ito. Sa ating paglalakbay sa bagong araling ito, ating haharapin ang malikhaing hamon sa pagsuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan at ang pagtukoy sa simuno at panaguri ng pangungusap. Nakasisiguro ako na kawiwilihan mo ang ating paglalakbay.
Pagkatapos nating pag-aralan ang modyul na ito, ika’y inaasahang:
- makasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan (F5PB-IIIf-h-19)
- makasasabi nang simuno at panaguri sa pangungusap. (F5WG-IIIi-j-8)
1
CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 6
2
CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 6
Subukin
[illustration: a pencil icon]
Nananabik ka na bang magsimula? Ako rin, nasasabik na akong samahan ka. Tara, magsimula na tayo! Simulan nating subukin ang iyong kahandaan. Madali lang ito, kayang-kaya mo.
Gawain A: Panuto- Suriin ang bawat pangungusap kung ito ay nagpapahayag ng opinyon o katotohanan. Isulat sa iyong sagutang papel ang titik O kung opinyon at K kung katotohanan ang pahayag. Pagkatapos, salungguhitan ang simuno at bilugan naman ang panaguri.
Halimbawa: K_ 1. Si G. Rodrigo Duterte ay pangulo ng Pilipinas sa taong ito. [transcriber’s note: in the original, the simuno “Si G. Rodrigo Duterte” is underlined and the panaguri “pangulo” is circled]
_____1. Ang programa sa edukasyon ng Pilipinas ay K to 12. _____2. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan. _____3. Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. _____4. Sa tabing-dagat daw magandang magtayo ng bahay-bakasyunan. _____5. Filipino ang Pambansang Wika ng Pilipinas.
[illustration: a boy holding a tablet, speech bubble]
Nasagot mo ba ang lahat? Binabati kita sa iyong tagumpay na paglalakbay. Magaling! Kung nahirapan ka, ‘wag kang magalala dahil sasamahan kita sa tuluyan mong pagkatoto upang lalo ka pang maging mahusay. Magpatuloy tayo.
3
CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 6
Balikan
[illustration: puzzle-piece icon]
Bago tayo tuluyang magpatuloy, magbalik-tanaw muna tayo kaugnay sa paksang ating pinag-aralan sa modyul 5, tungkol sa pagbuo ng timeline sa kasaysayang nasaksihan. Basahin nang may pang-unawa ang kuwentong Maghapon ni Nicole na nasa ibaba.
Maghapon ni Nicole
Nicole C. Adriatico
[photo: a girl writing at a desk with a notebook]
1Ako po si Nicole, isang mag-aaral sa baitang lima ng Lavezares Central Elementary School. Kasiyahan ko pong makapagpatuloy nang pag-aaral sa panahon po ng pandemya. Sa gabay po ng aking mga magulang, nakakayanan ko naman po.
2Sa bawat araw ganito po ang aking mga gawain. Gigising po ako ng alas-sais ng umaga at kakain po ng agahan. Sa alas-syete po maliligo at ihahanda ko na po ang aking sarili sa pagharap sa mga modyul. Kailangan ko pong makatapos ng dalawang asignatura sa isang araw. Simula po alas-otso hanggang alas-onse ng tanghali po ako nag-aaral. Sa oras ng alas-onse y medya, kakain na po kami ng tanghalian. Muli po akong sasagot ng modyul ko sa oras na ala-una hanggang alas-kuwatro po ng hapon.
3Sa gabi naman po, pag-uwi ng nanay ko mula sa trabaho, titingnan niya po ang gawa ko kung tama at tatanungin niya po ako sa aking napag-aralan. Tinutulungan po niya ako sa asignaturang nahihirapan ako.
4Sa totoo lang po mahirap ang paraan ng pag-aaral sa ngayon, pero sa akin pong pananaw, mas ligtas po ang mag-aral sa loob ng bahay kaysa po sa pumasok sa paaralan ngayong mayroon pong Covid-19.
Gawain A: Panuto- Mula sa kuwentong Maghapon ni Nicole, gumawa ka ng timeline kung paano niya ginagawa ang kaniyang pag-aaral ngayong pandemya. Gawing gabay sa pagsagot ang guhit sa baba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[chart: timeline; Gawain A, blank timeline for Maghapon ni Nicole] Five empty boxes, each with a short line down to a horizontal arrow line. No labels or values are printed in the boxes.
1
CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 6
4
CO_Q3_Filipino 5_ Modyul 6
Gawain B: Panuto- Balikan at suriin ang binasang kuwento na “Maghapon ni Nicole” at pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Anong bilang ng talata ang nagsasabi ng opinyon?
a. 1
b. 2
c. 3
d. 4Ano namang bilang ng talata ang nagsasabi ng katotohanan?
a. 1
b. 2
c. 3
d. 4
Gawain C: Panuto: Sumipi ng tatlong pangungusap mula sa kuwentong “Maghapon ni Nicole”. Pagkatapos, bilugan ang simuno at kahunan ang panaguri. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Tuklasin
[illustration: a sprouting plant icon]
[illustration: a boy holding a tablet, speech bubble]
Kaibigan, naging mapanuri ka na ba? Ito ay pagtingin kung ang isang pahayag ay totoo o hindi. Laman ng bawat pahayagan, radyo, telebisyon, at social media ang iba’t ibang datos na nagpapahayag tungkol sa pandemyang kasalukuyang kinakaharap ng ating bayan. Subalit, naglipana rin ang mga huwad na balita o impormasyon na nagpasalin-salin at lumilikha ng kalituhan sa mamamayan. Kaya habang bata ka pa, mainam na matutuhan mong magsuri kung ang pahayag ay makatotohanan o opinyon lamang. Susubukan nating alamin ang pagkakakilanlan ng mga ito. Basahin ang pag-uusap sa kasunod na seleksiyon.
Bagong Kaalaman ni Lito
[illustration: Gng. Calay, wearing a face mask, talks with Lito]
Nagtungo ang gurong si Gng. Calay sa bahay ng mag-aaral na si Lito. Kukumustahin niya ito sa kaniyang pag-aaral gamit ang modyul. Sa kaniyang paglalakad, nakasalubong niya si Lito mula sa pakikipaglaro.
Gng. Calay: Magandang-araw sa iyo, Lito. Bakit nasa labas ka ng inyong bahay sa ganitong oras? Inaasahan na kasalukuyan kang sumasagot ng iyong mga modyul at hindi nakikipaglaro. Tapos, wala ka pang suot na face mask o faceshield.
Lito: Magandang umaga rin po sa inyo, Gng. Calay. Mamayang gabi na lamang po ako sasagot ng modyul ko. Kaibigan ko naman po ang kalaro ko, hindi naman po ibang tao kaya okay lang pong hindi magsuot ng mask.
Gng. Calay: Naku Lito, maling paniniwala ‘yan. Ayon sa DOH at IATF, lahat tayo ay kailangang magsuot ng facemask at faceshield. Manatili muna sa bahay higit kayong mga bata at matatanda. Dahil hindi natin nakikita ang virus, at maaari tayong mahawa nito sa ating paglalabas at pakikisalamuha sa ibang tao.
Ayon sa DOH, ito ay naipapasa ng tao-sa-tao sa pamamagitan ng pagsagap ng mga maliliit na talsik ng laway mula sa pagsasalita, pagbahing, o pag-ubo ng isang taong may COVID-19.
Lito: Gng. Calay, hindi naman po ako mahahawa ng covid na ‘yan kasi po sa araw naman po kami naglalaro. Namamatay daw po kasi ‘yung virus kapag naarawan.
Gng. Calay: Ang pinakaepektibong paraan upang maprotektahan ang sarili mo at iba laban sa COVID-19 ay ang regular na paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng bibig at ilong gamit ang tisyu sa tuwing uubo, at pagpapanatili ng isang metrong distansiya mula sa mga umuubo o bumabahing, ito ay ayon sa DOH.
Mabuti pa samahan mo na ako sa bahay ninyo para matulungan kita sa iyong mga aralin.
Gawain A
Panuto- Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
- Ano ang paniniwala ng batang si Lito tungkol sa Covid-19?
- Batay sa iyong pag-unawa, sino sa dalawang tauhan ang nagsasabi ng opinyon at ng katotohanan? Patunayan.
- Ano ang mensahe ng kuwento?
Gawain B
Panuto-Kopyahin ang seleksiyon sa iyong sagutang papel. Bilugan ang mga salitang pinag-uusapan sa loob ng bawat pangungusap, at salungguhitan naman ang mga salitang nagsasabi tungkol sa pinag-uusapan.
Nagtungo ang gurong si Gng. Calay sa bahay ng mag-aaral na si Lito. Kukumustahin niya ito sa kaniyang pag-aaral gamit ang modyul. Sa kaniyang paglalakad, nakasalubong niya si Lito mula sa pakikipaglaro.
Suriin
Tulad nang ipinangako ko sa iyo, ako, ang iyong kaibigang si Kokoy. Ako ang tutulong sa iyo upang higit mong maunawaan ang paksa sa aralin ngayon. Bigyan mo nang higit na pang-unawa ang mga susunod mong mababasa. Susuriin natin ang nilalaman ng iyong binasang seleksiyon.
Sa pagpahahayag opinyon man o katotohanan, tayo ay gumagamit ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may dalawang bahagi, ito ay ang simuno at panaguri.
Ang simuno o paksa ay pinag-uusapan sa loob ng pangungusap. Ito ay maaaring tao, bagay, hayop, pook, o kaya’y mga pangyayari. Panaguri naman ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi tungkol sa simuno.
Maliban sa pangngalan, maaari ring maging simuno o panaguri ang isang panghalip, pang-uri, at pandiwa.
Sa karaniwang-ayos ng pangungusap, ang panaguri ay nauuna kaysa sa paksa. Samantalang sa di-tuwirang ayos, nauuna ang paksa nito kaysa sa panaguri. Gumamit din ito ng panandang pangkayarian na ay.
Pag-aralan mong mabuti ang sumusunod na pangungusap:
- Ang gurong si Gng. Calay ay nagtungo sa bahay ng mag-aaral na si Lito.
- Naglalakad si Lito nang nakasalubong niya ang kaniyang Guro.
- Ang pag-aaral ni Lito ay kukumustahin ni Gng. Calay.
Pansinin na ang mga salitang nakasulat nang mariin ay tinatawag na simuno. Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Ituloy mo ang pag-aaral sa sumusunod na pangungusap.
- Ang paghuhugas ng kamay ay mabisang panlaban sa Covid-19.
- Ang COVID-19 ay naipapasa ng tao-sa-tao sa pamamagitan ng talsik ng laway.
- Ang virus ay namamatay daw kapag naarawan.
Tandaan na ang mga salitang nakasulat nang mariin ay tinatawag namang panaguri. Ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi sa simuno.
Tingnan naman natin ang pagsusuri sa pahayag kung opinyon o katotohanan. Paano ba natin masusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan?
Mula sa ating lunsarang teksto, sino sa dalawang tauhan ang sa palagay mo ay nagsasabi ng opinyon at katotohanan?
Ganito ba ang sagot mo?
Si Gng. Calay ay nagsasabi ng katotohanan dahil ang kaniyang pahayag ay galing o buhat sa mapagkakatiwalaang sanggunian katulad ng DOH at IATF. Samantala, si Lito naman ay opinyon lamang ang pahayag dahil hango lamang ito sa kaniyang sariling pananaw, at walang mapagbabatayang mapagkakatiwalaang katotohanan.
Ang katotohanan ay pahayag na naglalahad ng tiyak na paksa o pangyayari galing sa tiyak o totoong pinanggalingan ng impormasyon. Ibig sabihin, lehitimo ang pahayag. Ito ay may mga patunay. Ito rin ay mga pahayag na may patotoo o iyong tinatawag sa Ingles na may mode of verification (MoV). Maaari rin itong gamitan ng ilang pahayag tulad ng: sa tototo lang, ayon sa pagsusuri, bilang patunay, batay sa pag-aaral.
Ang opinyon ay pahayag batay sa damdamin ng isang tao sapagkat sinasabi nito kung ano ang iniisip at nadarama niya tungkol sa isang bagay o isyu. Maaaring ito ay haka-haka, palagay, o kuro-kuro lamang at walang makapagpapatunay na ito ay totoo. Sa pagkakataong ito, ang palagay ng isang tao ay maaari pang salungatin ng ibang tao. Maaari itong gamitan ng ilang pahayag tulad ng: sa palagay ko, para sa akin, sa tingin ko, pakiramdam ko, naniniwala ako, sa aking opinion, kung ako ang tatanungin, sa aking pananaw, naniniwala ako, hindi kailanman, talagang hindi, lahat, karamihan, hindi bababa sa, pinakamasama, pinakamagaling, at tila.
Ako’y natutuwa sa iyong kahusayan sa pagsagot ng mga gawain. Gusto mo bang maglaro? Tara, laro tayo ng hulaan! Humanap ka ng kalaro sa kahit sinong miyembro ng inyong pamilya. Pabilisan kayo sa pagsasabi kung anong uri ng pahayag ang sumusunod. Simulan na ninyo ang laro.
Pagyamanin
Gawain A
Panuto- Sa tulong ng iyong kapatid o kaibigan, suriin ninyo kung opinyon o katotohanan ang sumusunod na mga pahayag. Pabilisan kayo sa pagbasa at pagsagot. Ang mauna sa pagsagot at may pinakamaraming tamang sagot, ang siyang panalo. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.
- May mga taong ang gawain ay magsilbi sa kapuwa.
- Sa palagay ko, si Manny ang pinakamatalino sa kanilang klase.
- Ayon sa DOH, ang madalas na paghuhugas ng mga kamay ay isang paraan sa pag-iwas na mahawa ng Covid-19.
- Para sa akin, kailangan nating sundin ang pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19.
Gawain B
Panuto- Gamit ang mga pangungusap sa Gawain A sa itaas, tukuyin kung alin ang simuno at panaguri sa bawat pangungusap. Sa pagsagot, gawing batayan ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Simuno | Panaguri |
|---|---|
| 1. | |
| 2. | |
| 3. | |
| 4. | |
| 5. |
Isaisip
Kaibigan, kaunti na lang at matatapos na ang ating paglalakbay. Kompletuhin ang sumusunod na pahayag. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.
Ang anumang pahayag ay ginagamitan ng mga pangungusap. Ang pangungusap ay may dalawang bahagi. Ang pinag-uusapan sa pangungusap ay tinatawag na (1). Ang nagsasabi naman tungkol sa pinag-uusapan ay tinatawag na (2).
Ang pahayag na (3) _____ay may mga patunay at hindi kathang-isip lamang. Samantala ang (4)_____ay pansariling pananaw tungkol sa isang paksa o isyu.
Isagawa
Gawain A
Panuto- Basahin at suriin ang kasunod na mga pahayag. At pagkatapos, batay sa iyong kaalaman o kaya’y karanasan, kilalanin ang mga ito kung katotohanan o opinyon. Patunayan ang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Sa palagay ko, malungkot ang mga frontliners sa muling pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19.
- Ayon sa Pamahalaang Duterte, malaking hamon sa kabuhayan ng mga Pilipino ang Covid-19.
- Ang mga bakuna sa COVID-19 ay ligtas at mabisa, ayon sa pagsusuri ng mga dalubhasa.
Tayahin
Gawain A
Panuto-Basahin at suriin nang may pang-unawa ang sumusunod na mga pahayag. Pagkatapos, kilalanin kung ito ay katotohanan o opinyon. Isulat ang sagot sa hanay nito. At mula rin sa bawat pangungusap, piliin ang simuno at panaguri. Isulat ang mga ito sa hanay. Gamiting gabay sa pagsagot ang kasunod na halimbawa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Halimbawa: Keso ang paboritong palaman sa tinapay ni Rea.
| Uri ng pahayag | Simuno/Paksa | Panaguri |
|---|---|---|
| katotohanan | keso | paborito |
- Sa aking palagay, pinakikinggan ako ng Diyos, dahil natupad ang hiling ko noong Pasko.
- Ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre ang Pasko sa Pilipinas.
- Ang iba’t ibang relihiyon ay batay sa paniniwala ng tao. Ito ay nakasulat sa aklat.
- Taon-taon ang Pasko ay pinagdiriwang ng
samaraming bansa sa mundo. - Kambal na biyaya ang natanggap ng mag-anak na taimtim na nananampalataya.
Karagdagang Gawain
Gumupit o kumopya ng isang pahayag at suriin ang mga nilalaman nito kung opinyon o katotohanan. Tukuyin ang simuno at panaguri sa pamamagitan ng pagkulay rito. Berde para sa simuno, at dilaw naman para sa panaguri.
Binabati kita kaibigan sa matagumpay mong pagtatapos sa iyong mga gawain sa modyul na ito. Nakatitiyak akong magagamit mo ang iyong napag-aralan sa pang–araw– araw na pamumuhay. Muli tayong magkita sa Modyul 7 para sa isa na namang paglalakbay. Hanggang sa muli, ito ang iyong kaibigang si Kokoy. Paalam!
Susi sa Pagwawasto
Subukin
Gawain A
K 1. Ang programa sa edukasyon ng Pilipinas ay K to 12. O 2. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa [illegible]. K 3. Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. O 4. Sa tabing-dagat daw magandang magtayo ng bahay-bakasyunan. K 5. Filipino ang Pambansang Wika ng Pilipinas.
[transcriber’s note: the answer key page is printed upside down; the K and O marks are placed before each numbered item and the items are given here in reading order]
Balikan
Gawain A
(Puwede ganito ang maging ganito ang sagot ng bata)
Gawain B
[chart: timeline arrow; Gawain B daily schedule (no number printed)]
Arrow labels, left to right: gigising, maliligo, nag-aaral, kakain ng tanghalian, muling sasagot sa modyul.
Boxed times: alas sais, alas syete, alas otso, tanghalian, ala una.
- pang-apat na talata
- una, pangalawa at pangatlong talata
Gawain C
(maaraing magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral. Puwede ring ganito ang sagot)
| Simuno | Panaguri |
|---|---|
| Si Nicole | ay isang mag-aaral. |
| Ako | ay gumigising nang alas sais. |
| Kami | alas-onse y medya kumakain |
| Nanay ko | pag-uwi sa gabi |
| Paraan ng pag-aaral | mahirap |
Tuklasin
(Maaraing ganito ang mga sagot)
Gawain A
- Naniniwala si Lito na ang covid 19 ay hindi nakahahawa. Okey lang anh hindi magsuot ng facemask. At namamatay raw ang virus kapag naaarawan.
- Si Gng. Calay ang nagsasabi ng katotohanan kasi may mga references na sinasabi. Samantala si Lito ay opinyon lamang dahil ang kanyang mga sinasabi ay batay lamang sa kanyang pananaw.
- Ang mensahe ng kuwento ay dapat sundin ang mga alituntunin, o mga protocols para hindi magkasakit ng covid.
Gawain B
(Maaaring ganito ang sagot ng mga bata)
Nagtungo ang gurong si Gng. Calay sa bahay ng mag-aaral na si Lito.
Kukumustahin niya ito sa kaniyang pag-aaral gamit ang modyul.
Sa kaniyang paglalakad, nakasalubong niya si Lito mula sa pakikipaglaro.
Pagyamanin
Gawain A
- katotohanan
- opinyon
- opinyon
- katotohanan
- opinyon
Gawain B
| Simuno | Panaguri |
|---|---|
| COVID-19 | isang nakakahawang sakit |
| may mga taong ang gawain | magsilbi sa kapwa |
| Si Manny | pinakamatalino |
| madalas na paghuhugas ng kamay | isang paraan sap ag-iwas na |
| ang basurero | pinakamahalagang katulong |
Isaisip
- simuno
- panaguri
- katotohanan
- opinyon
Isagawag
- Ang pahayag ay opinyon dahil ito ay palagay lamang ng nagsasalita. Walang basahin at pananaw lamang nagsasalita.
- Katotohan ang pahayag, dahil ito ang balita.
- Katotohanan ang pahayag dahil ang nagsabi ay kilalang tao, at isang bayani.
Tayahin
Gawain A
| Uri ng pahayag | Simuno/Paksa | Panaguri |
|---|---|---|
| 1. opinyon | Ako/ hiling ko | Pinakikinggan |
| 2. katotohanan | ang pasko sa Pilipinas | Ipinagdiriwang |
| 3. katotohanan | iba’ ibang relihiyon | Nakasulat sa aklat |
| 4. katotohanan | Si Gloria | Nakakuha nang mataas na marka |
| 5. Katotohanan | Corazon Aquino | Kauna-unahang babaeng pangulo. |
Sanggunian
Gonzales, E. S. (2010).Ang Wikang Filipino, Batayang Aklat, Ikaapat na Baitang, 160, 217.
Patena, A. R., & Dimalanta, M. R. (2010). Komunikasyon, Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino: Bahagi ng Pangungusap at Pagsuri sa Katotohanan at Opinyon, 8-9, 18, 121, 161-162, 233-234.
Dayag, A. M. (2015). Pinagyamang Pluma, Wika at Pagbasa para sa Elementary: Pagpapahayag ng Opinyon at Reaksiyon, 65-66.
Gonzales, E. S. (2009). Ang Wikang Filipino, 9-11.
Agbon, Z. Z. & Sy, MA. C. (2013). Filipino: Daan Tungo sa Pagbabago at Pag-unlad, 62-63.
SF.gov (2021) Ang mga Katotohanan tungkol sa mga Bakuna ng COVID-19. https://sf.gov/sites/default/files/2021-02.
World Health Organization. (2020). Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19. https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail.
Aguilar, K. (2019) Filipinos Spend the most time on internet social media worldwide study. https://technology.inquirer.net/83180
K to 12 Filipino 5 MELC Gabay Pangkurikulum, 2020
Escano, E. J., et.al. (1997) Filipino: Pagbasa, Modyul.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply