Filipino 5 Quarter 1 Module 7: Muling Pagsasalaysay sa Napakinggang Teksto sa Tulong ng mga Pangungusap

This is the Filipino 5 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 7: “Muling Pagsasalaysay sa Napakinggang Teksto sa Tulong ng mga Pangungusap” (retelling a text you have listened to with the help of sentences). It was prepared by DepEd Region VIII for Grade 5 learners studying at home, with a parent or older sibling reading the stories aloud. By the end, learners should be able to retell a story they heard and put its events in the right order.

The module is guided by Kokoy, a friendly character who calls this lesson the learner’s “seventh journey.”

What learners will learn

The module states that learners are expected to:

  • retell a text they listened to with the help of sentences (naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap)
  • arrange the events of a text they listened to in order with the help of sentences (napagsusunod-sunod ang mga pangyayari)
  • value listening during reading with understanding (napahahalagahan ang pakikinig sa pagbabasa nang may pag-unawa)

Key ideas in this module

Why retelling matters

The module explains that retelling a text you heard sharpens your skill in choosing the right words to build sentences. Good sentences help you share the information or ideas in the text correctly with your own listener or reader.

To retell well, two things matter most: careful listening (matamang pakikinig) and understanding (pang-unawa). The module also notes that the text you listen to can come from another person or from media such as radio, television, and newer gadgets.

What a pabula is

Most of the stories in the module are fables. The module defines a pabula (fable) as a literary work whose characters are animals that talk like people, and that directly teaches good values.

The stories learners will hear and retell

Part of the moduleStoryTask
Subukin (pretest)“Ang Tunay na Kulay ni Biboy” by Ruel M. Delos SantosRead and put the events in order
Balikan (review)“Si Lisa, ang Lumolobong Isda” by Jonalyn U. AbaleleListen, then answer five multiple-choice questions
Tuklasin (explore)“Ang Lagalag na mga Hudyo,” translated by Jong del FierroNumber six events from 1 to 6
Suriin (analyze)A fable the learner has readRetell it and share its lesson
Pagyamanin (practice)“Si Muning” by Jocelyn AmaradoPut events in order
Isaisip (remember)Summary paragraph and “Si Muning”Fill in the blanks, then order events
Isagawa (apply)“Palosebo” (a game of climbing an oiled bamboo pole)Complete a paragraph retelling it
Tayahin (assessment)“Ang Kuneho at ang Matapang Niyang Kaibigan” by Aurora C. SaborridoGive the correct order of events
Karagdagang Gawain (extra activity)“Lipad Motmot, Lipad!”Retell the story in your own sentences

The stories carry clear lessons. Biboy, a black pig, learns that the goodness of his heart matters more than the color of his skin. Lisa, a puffer fish who stayed puffed up after saving a friend, teaches others not to mock anyone for how they look. Muning, a lazy cat, realizes the value of studying and learning to read after his friend drinks poison from an unlabeled bottle he could not read. In the final test, a rabbit learns who his true friend is when a brave frog helps him.

How to use this module

The module asks learners to keep it clean so others can use it. Do not write on any page; answer all activities on a separate sheet of paper.

  1. Read Alamin to see what you will learn.
  2. Take the Subukin pretest to check what you already know.
  3. Work through Aralin 1, Balikan, Tuklasin, Suriin, and Pagyamanin in order.
  4. Complete Isaisip and Isagawa to review and apply the lesson.
  5. Answer the Tayahin final test.
  6. Do the Karagdagang Gawain: write your retelling of “Lipad Motmot, Lipad!” on clean paper.
  7. Check your answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and be honest when you do.

For learners: Listen closely while the story is read, because questions and ordering tasks follow right after. Contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.

For parents and siblings: Many activities need someone at home to read the story aloud. Read clearly and at a steady pace so the learner can focus on listening.

For teachers: The module is designed for home study and has a separate teacher or facilitator guide. The pretest shows which learners may need extra help.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 5 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 7.

What does Muling Pagsasalaysay sa Napakinggang Teksto mean?

It means retelling a text you have listened to. In this module, learners retell stories read aloud to them using their own sentences and put the events in the correct order.

What is a pabula?

The module defines a pabula (fable) as a literary work whose characters are animals that talk like people, and that directly teaches good values.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end of the module gives answers for the pretest, the activities, and the final test.

Do learners need help from someone at home?

Yes. Most activities ask a parent or sibling to read the story aloud while the learner listens, then the learner answers questions or retells the story.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Unang Markahan – Modyul 7: Muling Pagsasalaysay sa Napakinggang Teksto sa Tulong ng mga Pangungusap

[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, with a globe and a lamp]

CO_Q1_FILIPINO5_Modyul7

Filipino– Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Muling Pagsasalaysay sa Napakinggang Teksto sa Tulong ng mga Pangungusap Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Arlene R. Domingo Editors: Lea C. Aberia, Shirley B. Bacal, Jenita D. Guinoo, Rose Ann C. Menieba, Gina B. Valdez, Chinky F. Baculanta, Ronald B. Llaneta Tagasuri: Virgina C. Dulfo, Betsy U. Coching, Swelyn E. Forro Tagaguhit: Michael Q. Balan Tagalapat: Michael B. Balan, Kevin Jhod C. Claro Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Teodorico C. Peliño Jr. Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Dandy G. Acuin Bernardo A. Adina Gaudencio C. Albije Jr. Lea C. Aberia Virginia C. Dulfo Ma. Teresa B. Afable Shirley B. Bacal

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053-832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Filipino Unang Markahan – Modyul 7: Muling Pagsasalaysay sa Napakinggang Teksto sa Tulong ng mga Pangungusap

5

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Kumusta na? Naririto akong muli si Kokoy ang iyong kaibigan na makakasama mo sa iyong ikapitong paglalakbay. Nakahanda ka na ba?

Kung gayon, muli tayong maglakbay upang mapagyaman mo pa lalo ang iyong kaalaman at karanasan. Sa pagkakataong ito, nais kong matutuhan mong magpahayag ng mga bagay na iyong nabasa, narining at naramdaman. Kaya sa paglalakbay na ito inaasahan ko na:

[illustration: a boy with a bag and a notebook, thinking]

  1. naisasalaysay mong muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap;
  2. napagsusunod-sunod mo ang mga pangyayari sa napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap; at
  3. napahahalagahan mo ang pakikinig sa pagbabasa nang may pag-unawa.

Tara na! Simulan na natin ang ating paglalakbay!

Subukin

Mahilig ka bang mag-alaga ng hayop? Anong uri ng hayop ang iyong inaalagaan o kinahihiligan? Marahil, katulad ka rin ng iba na kinagigiliwan ang pag-aalaga ng hayop. Alam mo bang ang pag-aalaga ng hayop ay isang uri ng libangan at maaaring pagkakitaan? Ayon pa nga sa kanila, ang pag-aalaga ng hayop ay isang magandang gawain.

[illustration: a smiling boy with a bag]

Alam mo bang may mga kuwento na hayop ang gumaganap bilang mga tauhan? Sa pagkakataong ito, babasahin at tutuklasin mo ang isang kuwento na hayop ang pangunahing tauhan. Pagkatapos mo itong basahin, sikapin mong pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Sige, maaari ka nang magsimula.

Ang Tunay na Kulay ni Biboy

Ruel M. Delos Santos

Si Biboy na matulungin, isang baboy na maitim sa paningin. Sa gawaing bahay ay maaasahan, sa paglibis ng paligid tiyak nariyan. Sa pagtulong sa magulang at sa kapwa, siya ay may kusa at walang sawa.

Mga naglalarong baboy ay kaniyang nakita. Nagtanong siya kung puwede siyang makasama upang sa paglalaro’y may bagong kakilala. “Hindi puwede! Hindi ka tulad namin!” Naglakad palayo si Biboy na mabigat ang damdamin. Ang itim na baboy ay nag-isip ng paraan upang matanggap ng ibang baboy ang kaniyang itim na kulay na inaayawan. “Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?” Biglang may pumasok sa isipan. Ang sako ng harina ay kaniyang napagdiskitahan. Kumuha siya ng harina at sahig ay binuhusan. Nagpagulong-gulong dito upang kulay ay matakpan. Ang tunay na kulay ay kaniyang itinago upang siya’y makasama sa paglalaro. Sabik na bumalik si Biboy sa tulay at sa kaniyang pagdating hindi siya sinaway.

transcriber’s note: a stray character “h” appears at the top left of this page, likely an artifact of the scan; it is not transcribed.

Di kalaunan, bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ito alintana ng mga nagtakbuhan. Ang katawan ni Biboy na harina, nalusaw at nawala na. Nagalit ang lahat sa kanilang nakita. Itim na balat ni Biboy ay muling nakita.

Lumuluhang umuwi si Biboy sa bahay. Payo ng magulang ay kaniyang isinasabuhay. “Biboy, hindi masama kung itim ka, ang mahalaga ay hindi ka nakakasakit ng iyong kapwa. Mahal ng Diyos ang lahat, anuman ang kulay nila. Ang tunay na kulay ng iyong kalooban ang mahalaga.” Ang sarili ay kaniya ngang tinanggap. Hindi na niya kailangan pang magpanggap.

Sa humingi ng saklolo, siya’y handang umalalay sa kung sino man. Itong si Pepay na nasa putikan ay hindi makaalis at walang makapitan. Nagtungo si Biboy sa may tulay. Kanyang nakita, nakalubog na si Pepay. Mabilis siya na nag-isip at naghanap sa paligid ng bagay na mahaba na puwedeng pang-ikid. Si Pepay ay pinakapit sa isang kawayan. “Humawak kang mabuti! Iaaalis kita sa putikan.”

Nagpasalamat si Pepay sa kanyang tagapagligtas na handang sumulong at hindi umatras. Humingi ng tawad kay Biboy ang lahat. “Hindi ako dapat tumingin sa kulay ng iyong balat, kundi sa kabutihan ng iyong puso, iyon ang nararapat.”

Mga kaibigan ngayon ay kasama na niya. Hindi na mahalaga kung maitim siya, basta’t tanggap niya ang kulay na kaniya. Pagpapakita ng mabuti at pagmamahal sa kapwa iyon ang mahalaga at pinatunayan sa iba.

Delos Santos, Ruel M. Ang Tunay na Kulay ni Biboy, DepEd-BLR, 2019

Aralin 1

Muling Pagsasalaysay sa Napakinggang Teksto sa Tulong ng mga Pangungusap

May mga kuwento ka pa bang narinig na hayop ang naging pangunahing tauhan? Narinig mo na ba ang kuwento nina Matsing at Pagong? Marahil narinig mo na rin. Pero, sandali lang. Alam mo bang manghang-mangha ako noong kinukuwento ito ng aming guro? Ang galing magkuwento ng aming guro noon. Gayang-gaya niya talaga ang boses ng dalawang tauhan.

Alam kong kaya mo rin gayahin ang boses ng mga tauhan ng isang kuwento katulad nga ng kuwentong Ang Tunay na Kulay ni Biboy. Maaari mo bang ikuwento itong muli? Ako ay nasasabik na marinig ito.

[illustration: a boy with a bag and a notebook]

Iyong pakatandaan!

Ang muling pagsasalaysay sa tekstong napakinggan ay napakahalaga. Sa tulong nito, mahahasa ang ating kaalaman at kakayahan sa pagpili ng wastong salitang gagamitin sa pagbuo ng pangungusap. Nang sa gayon, maibahagi natin ng tama sa ating tagapakinig o mambabasa ang impormasyon o ideyang inilahad sa teksto o akda.

Balikan

Binabati kita dahil ang husay mo rin palang magkuwento. Sandali lang. Maiba tayo. Subukan mo kayang tumawag ng isang miyembro mula sa iyong pamilya na maaaring magbasa ng susunod na kuwento para sa iyo. Sabihin mo sa kanya na madali lang ito! Kayang-kaya niya itong gawin para sa iyo.

Tandaan mo, habang binabasa niya ang kuwento, dapat makinig ka rin nang mabuti, dahil pagkatapos ay mayroon kang sasagutin na mga tanong ukol dito.

Si Lisa, ang Lumolobong Isda

Kuwento ni: Jonalyn U. Abalele

Ang butete (Puffer Fish) ay may kakaibang katangian. Lumolobo ito kapag nakararamdam ng kapahamakan. Naglalabasan rin ang maraming tinik nito, sa lahat ng parte ng kanilang katawan. Ito ay ang paraan nila para maipagtanggol ang kanilang sarili sa mga kalaban.

Ngunit, itong si Lisa ay naiiba sa mga kauri niya. Noong una kasing mapahamak ito, sa halip na bumalik sa dating anyo, sa di-maipaliwanag na pangyayari, nanatili ito sa pagkakalobo. Mas lumalaki pa nga, kapag siya ay nagugulat. Kaya magmula noon, naging mahiyain siya at hindi na palalabas ng bahay.

Isang araw, nagkaroon ng isang malaking pagdiriwang sa kanilang lugar. Saka na lamang nangyaring muli makalipas ang maraming taon. Abala ang lahat sa kanilang lugar sa pag-aayos at paglilinis ng kani-kanilang bahay. Iba’t ibang naggagandahang disenyo ang nakasabit sa mga daan. Marami ring palabas at mga nakahandang kawili-wiling laro para sa lahat.

Sa araw na iyon, nagagalak ang lahat at maingay ang paligid. Lumapit si Lisa sa bintana at tinangkang sumilip para alamin ang nangyayari sa labas. Pagdungaw niya ay namangha siya sa kaniyang nakita. Naaliw siya sa kaniyang panonood. Lumabas siya ng bahay at naglibot-libot. Wiling-wili siya sa kaniyang mga nakikita, dahil halos lahat ng mga batang butete ay nakasuot ng maskara.

Sa kaniyang paglilibot, hindi sinasadyang masagi niya ang isang batang butete. “Ay pasensiya na, hindi ko sinasadya.” Sabi ni Lisa. “Bakit ka kasi hindi nag-iingat!” Pabulyaw na sabi ng batang butete. Naalala niyang nakalobo parin pala siya at maraming tinik ang nakalabas sa kanyang balat. Nakasakit siya ng kanyang kasamahan dahil sa hitsura niya. Nalungkot si Lisa at maiyak-iyak na tinungo ang daan pauwi.

Sa di kalayuan, ay may isang grupo ng mga batang butete, ang nagkukuwentuhan. “Alam niyo ba? Si Lisa, napakatapang niya! Mabait pa!” Sabi ni Rico. “Tama ka, iniligtas niya ang kasamahan natin na muntikan ng makain ng malaking isda. Sinagip niya ito, sa tiyak na kapahamakan, ngunit pagkatapos niyang mailigtas ito, ay hindi na siya bumalik sa dating anyo.” May lungkot sa boses na sabi ni Cathy. “Wow! Ang tapang niya! Pero pangit pa rin siya at kakaiba.” Pangungutya ni Albert. “Huwag kang ganyan, Albert! Oo maganda hitsura mo, pero pangit naman ugali mo.” Pasinghal na wika ni Cathy. “Si Lisa! Nasa likuran natin.” Pabulong na wika ni Rico.

“Hello Lisa!” Sabay-sabay na bati sa kaniya. “Anong mayroon? Bakit parang nagulat kayo? May problema ba?” sabi ni Lisa. “Wala naman.” Sabi ni Cathy. “Alam ko, narinig ko pinag-uusapan ni’yo.” Wika ni Lisa. Nagkatinginan sila at ibinaling ang tingin kay Albert.

“Alam ni’yo hindi ko naman hiniling na maging ganito, kahit anong gawin ko at ng mga magulang ko, hindi na bumalik sa dati ang anyo ko. Ganito na ako at tinanggap ko na ‘yon sa sarili ko.” Paliwanag ni Lisa. “Huwag kayong mangungutya ng kapwa anuman ang kalagayan, hitsura at kapansanan nito, kasi kaparehas ni’yo rin sila na marunong masaktan.” Paliwanag ni Lisa. “Likha rin sila ng Diyos na dapat niyong igalang.” Dagdag pa niya. Hiyang-hiya si Albert sa mga nasabi niya at humingi ng tawad. Tinangka niyang lumapit kay Lisa, ngunit biglang lumayo si Lisa sa kaniya. “Huwag kang lumapit sa akin kasi matutusok at masasaktan ka!” Biglang sambit ni Lisa. Dahil sa pagkakagulat, lumubo siya at dumoble sa laki nito. “Pasensiya ka na Albert, ito kasi ang nangyayari sa ‘kin kapag nagugulat ako. Simula nang hindi bumalik ang dati kong anyo kadalasan hindi na ako lumalabas ng bahay dahil sa takot na makasakit ako sa iba at wala na ring gustong makipaglaro sa akin dahil sa hitsura ko.” Paliwanag ni Lisa. “Hindi totoo yan Lisa, nandito kami at gusto ka naming maging kaibigan.” Sabi ni Cathy. “Totoo ‘yon kasi hangang-hanga kami sa ginawa mong kabayanihan sa kasamahan natin.” Dagdag pa ni Rico. “Pa’no ‘yon hindi kayo makalalapit sa akin kasi matutusok kayo at masusugatan?” Malungkot na wika ni Lisa.

“Huwag kang mag-alala, may naisip ako. Bukas, pagbalik natin dito may ibibigay ako sayo Lisa.” Sambit ni Albert. Inihatid nila si Lisa pauwi. Pagdating sa tapat ng bahay nila, nandoon at nakaabang na ang nanay nito sa pinto. Masayang nagpaalam ang lahat, at pumasok na si Lisa sa bahay nila. Napansin ng nanay ang ngiti sa mga labi ni Lisa.

“Mukhang nagkaroon ka ng mga kaibigan sa iyong pamamasyal. Buti naman at naisipan mo ring lumabas ng bahay.” Natutuwang sabi ng nanay.

“Opo nanay, nakilala ko sila kanina noong pauwi ako, at alam ni’yo po bang gusto nila akong makalaro at maging kaibigan. May sorpresa nga raw po si Albert ‘kin bukas. Parang hindi ko na maantay ang bukas. Sige po nanay matutulog na po ako.” Paalam ni Lisa sa nanay. “Masaya akong makita kang masaya anak.” Wika ng nanay. Kinabukasan, nagkita-kita ulit sila sa parke. Nakita nila si Albert na may dala-dalang malaking kahon. Pagkalapit niya, ay binuksan ito. Laman nito ay mga takip ng bote. Nagtaka ang lahat. “Para saan ba iyan Albert?” Tanong ni Lisa. “Para sa ‘yo s’yempre, ‘di ba nga, hindi kami makalapit sa ‘yo at nag-aalala ka na baka masaktan mo kami kung madikit kami sa ‘yo?” Paliwanag ni Albert.

“Ilalagay namin ito sa ‘yo para matakpan ang matutulis na iyan sa balat mo. Tara, tulungan niyo ako.” Wika ni Albert. Nagtulungan silang takpan ang matutulis na nakausli sa balat ni Lisa. Pagkatapos ay sabay-sabay silang sumigaw ng… “Yehey! Tapos na!” Ngiting abot-tainga ang namutawi sa mukha ni Lisa. Hindi niya maikubli ang sayang nararamdaman. Nagkatinginan sina Rico, Albert at Cathy. Tila pareho ang naiisip na gawin. Nagtaka naman si Lisa sa kilos nila, at bigla siyang niyakap ng mga ito. Sabay ang malakas na tawanan. Sinubukan nila na, kahit madikit sila kay Lisa ay kung, masasaktan ba sila. Lumubo man si Lisa sa pagkagulat hindi natanggal ang mga takip na kinabit sa kaniya.

Simula noon, naging masayahin na si Lisa at hindi na siya natatakot at nahihiyang lumabas ng bahay. Nagkaroon na siya ng mga kaibigang masasabing totoong nagmamahal sa kaniya, tanggap siya sa kung sino siya sa kabila ng kalagayan at kapansanan niya.

Abalele, Jonalyn, U. Si Lisaang Lumulubong Isada, DepEd-BLR, 2019

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin ang letra ng napiling sagot.

  1. Anong uri ng isda si Lisa?
    a. butete
    b. balyena
    c. goldfish
    d. bangus


  2. Anong katangian ang mayroon si Lisa?
    a. Mahiyain at hindi palalabas ng bahay.
    b. Palabiro at mahilig mang-asar sa mga kaibigan.
    c. Hindi sumusunod sa mga magulang.
    d. Palaaway sa kapwa.


  3. Bakit iniiwasan si Lisa ng kaniyang kapwa butete?
    a. Iniiwasan si Lisa dahil siya ay payat.
    b. Siya ay madumi.
    c. May tinik ang kaniyang buong katawan.
    d. Mahaba ang kaniyang buntot.


  4. Tama ba ang ginawa ni Albert na pangungutya kay Lisa?
    a. Oo, dahil pangit talaga si Lisa.
    b. Hindi, pagkat hindi ito mabuting gawain.
    c. Hindi, sapagkat makinis ang katawan ni Lisa.
    d. Oo, kasi tama ang sinabi ni Albert.


  5. Ano ang gagawin mo kung ikaw ay may kakaibang katangian sa lahat?
    A. Magiging mahiyain.
    B. Hindi papansinin ang mga kaibigan.
    C. Hindi magiging mahiyain at tatanggapin ang sarili.
    A. Makikipag-away sa kapwa kapag tinutukso.


    [transcriber’s note: the fourth option of item 5 is printed with the letter “A.” as in the original]


Tuklasin

Alam mo ba na ang tekstong iyong napakinggan na ang pangunahing tauhan ay mga hayop ay tinatawag na pabula?

Ang pabula ay isang akdang pampanitikan na ang tauhan ay hayop. Sila ay nagsasalitang parang tao. Ang pangunahing tauhan at direktang nagtuturo ng kagandahang asal.

Muli, makinig at unawaing mabuti ang isa na namang pabula na babasahin ng iyong kapatid o magulang. Pagkatapos mong mapakinggan ang kuwento, pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng paglagay ng bilang 1-6.

Ang Lagalag na mga Hudyo

salin sa Filipino ni Jong del Fierro

Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng mga Kosak sa kanilang teritoryo. Si Golda ay isa sa mga batang babaing Hudyo. Sila ay masayang naglalaro sa labas. Sa ilang saglit, biglang may boses na umalingawngaw. “Mga bata, takbo! Magtago kayo! May mga Kosak na paparating!” Sigaw ng isang Rusong Koboy. Pagkagulat at pagkatakot ang kanilang naramdaman, pagkat alam nilang wala ni isa mang Hudyo ang nakaliligtas mula sa mga kamay ng mga Kosak.

Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng mapagtataguan. Ang mga pintuan at bintana ng mga kabahayan ay nagsipagsara. May ilang batang naiwan. Nagtakbuhan din sila. Isa sa mga nadapa si Golda. Nasubsob ang mukha niya sa putikan.

Papalapit ang yabag ng mga kabayo at nagtalsikan ang mga putik. Tumigil ang ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban ni Golda. Napasigaw siya ngunit wala na ring silbi ito. Nasa harap na niya ang mga Kosak.

Pinaglaruan ng mga Kosak si Golda. Walang tigil ang paglundag ng mga kabayo sa kaniya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Tumama sa kanyang ulo ang mga bakal na sapatos ng mga kabayo. Taintim siyang nagdasal na ito sana ay kanyang malagpasan at walang masamang mangyari sa kanya. Pinaikot-ikot siya ng mga Kosak. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumahimik na ang paligid. Papalayo na ang mga Kosak.

Tumulo ang luha ni Golda. Noong mga panahong iyon ang mga Hudyo ay walang sariling bansa. “Kailangang matigil na ang paglagalag ng mga Hudyo,” ang hikbi niya. Nang lumaki si Golda, siya ang nagtaguyod upang maging malayang bansa ang Israel, ang bansa ng mga Hudyo.

Pinagkunan: DepEd-LR Portal – Wastong Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari, pahina 4-5 https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6810

_____ Inabutan ng mga Kosak si Golda matapos madapa sa putik.

_____ Nang lumaki si Golda tumulong siya upang magkaroon ng sariling bansa ang mga Hudyo.

_____ Si Golda ay kasama ng mga batang naglalaro sa kalsada nang matanaw ng mga tao na dumarating ang mga Kosak.

_____ Nagtakbuhan ang mga tao at si Golda ay naiwan dahil nadapa sa maputik na lansangan.

_____ Pumikit na lamang siya at nagdasal hanggang sa pag-alis ng mga Kosak.

_____ Pinaglaruan ng mga Kosak ang batang si Golda.

Mahusay! Ngayon, handa mo nang ituloy ang susunod na gawain. Huwag kang mag-alala. Kasama mo pa rin ako sa iyong paglalakbay.

Suriin

Ikaw naman ang magkuwento sa pagkakataong ito. Ikuwento mo naman ang nabasa mong pabula. Alam kong kayang-kaya mo iyan. Ikaw pa!

Wow! Sabi ko nang kayang-kaya mo. Ang husay! Bakit ito ang nagustuhan mong ikuwento? Anong aral ang natutuhan mo rito?

Alam mo ba?

Sa muling pagsasalaysay sa tekstong napakinggan, mahalaga ang matamang pakikinig at pang-unawa upang maibahagi mo nang maayos, mabuti at wasto ang mga napakinggang impormasyon. Sa pamamagitan nito, mahahasa mo ang iyong kakayahan sa pagbuo ng pangungusap gamit ang mga wastong salita. Ang mga pangungusap na ito ay siyang makatutulong sa iyo upang maisalaysay mo nang wasto at tama ang mga impormasyon o pangyayaring inilahad sa teksto o akda.

Ang pakikinig sa teksto ay maaaring manggaling sa ibang tao, sa iba’t ibang midyum tulad ng radyo, telebisyon at iba pang makabagong gadyet.

Binabati kita sa husay na ipinakita mo sa pagkukuwento. Tiyak kong malayo ang iyong mararating sa larangang ito.

Pagyamanin

Tawaging muli ang iyong magulang o kapatid. Ipabasa nang malakas sa kanila ang sumusunod na teksto. Pagkatapos, pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pagsulat ng bilang 1-4.

Si Muning

Jocelyn Amarado

Tamad mag-aral si Pusang Muning. Walang kabuluhan sa kaniya ang pag-aaral dahil mayaman naman ang kaniyang mga magulang. Ngunit, para sa kanyang mga magulang ay mahalaga pa ring makapagtapos ng pag-aaral. Kaya naman, inihahatid pa rin siya ng kaniyang inang si Maming sa paaralan kahit huli na nga ito.

Sa loob ng silid-aralan ay makikita pa rin ang katamaran ni Pusang Muning. Ayaw niyang makinig sa mga itinuturo ng kaniyang guro na si Pagong Ngino. Hindi rin niya kinagigiliwan ang pagbabasa. Mas gusto na lamang niya na matulog o maglaro sa labas. Katunayan, habang nakatalikod ang kaniyang guro, dahan-dahan namang tumatakas palabas si Pusang Muning. Kapag nakalabas na siya ay masaya siyang nakikipaglaro ng habol-habulan kasama si Digong Daga, ang matalik niyang kaibigang tulad niya ay tamad ding mag-aral.

At sa halip nga na manatili sa loob ng paaralan at mag-aral na magbasa, mas pinili ng dalawa na magpakasaya. Naglakad-lakad sila hanggang sa nakarating sila sa palayan. Nakita nila ang isang bote. Sapagkat sadyang uhaw na uhaw na lalong-lalo na si Digong, agad-agad niya itong binuksan at ininom. At kanya pang naubos ang laman ng boteng iyon. Samantala, akmang iinom na sana si Pusang Muning nang narinig niya ang boses ng kanyang Ina, dahilan ng kanyang pagkaripas pauwi ng kanilang bahay.

Kinabukasan, lubos na hinagpis ang naramdaman ni Pusang Muning nang mabalitaan niya na ang kanyang matalik na kaibigang si Digong Daga ay pumanaw na. Nalaman niya na ang ininom ni Digong Daga na laman ng bote ay isang inuming nakalalason at nakamamatay pala. Hindi nila ito nalaman pagkat hindi nila binasa dahil di rin sila marunong magbasa.

“Kung sana ay nagsipag ako sa pag-aaral. Kung sana’y nag-aral akong magbasa, hindi niya sana maiinom ang lasong iyon. Hindi sana siya mamamatay. Hindi niya sana ako maiiwan.” Saglit siyang napatigil at ang mga luha sa kaniyang mga mata ay bigla na lang kumawala.

Dahil sa pangyayaring iyon, napagtanto ni Muning ang kahalagahan ng pag-aaral nang mabuti maging ang matutong magbasa. Kaya, mula noon pinagsumikapan niya ang pag-aaral.

Amarado, Jocelyn, O., Si Muning, DepEd-BLR, 2019

Muli, binabati kita sa husay na iyong ipinamalas. Natitiyak kong naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto sa aralin.

Isaisip

Punan ng tamang salita ang mga patlang sa talata upang mabuo ang kaisipan nito.

Sa muling pagsasalaysay sa tekstong napakinggan, mahalaga ang matamang (1)_____ at (2)_____ upang maibahagi mo nang maayos, mabuti, at wasto ang mga napakinggang impormasyon. Sa pamamagitan nito, mahahasa mo ang iyong (3)_____ sa pagbuo ng pangungusap gamit ang mga wastong salita. Ang mga pangungusap na ito ang siyang makatutulong sa iyo upang maisalaysay mo nang wasto at tama ang mga impormasyon o pangyayaring inilahad sa teksto o akda.

Ang (4)_____ sa teksto ay maaaring manggaling sa ibang tao, sa iba’t ibang midyum tulad ng radyo, (5)_____ at iba pang makabagong gadyet.

Si Muning

_____ “Kung sana ay nagsipag ako sa pag-aaral. Kung sana’y nag-aral akong magbasa, hindi niya sana maiinom ang lasong iyon. Hindi sana siya mamamatay. Hindi niya sana ako maiiwan.” Saglit siyang napatigil at ang mga luha sa kaniyang mga mata ay bigla na lang kumawala.

_____ Tamad mag-aral si Pusang Muning. Walang kabuluhan sa kaniya ang pag-aaral dahil mayaman naman ang kaniyang mga magulang.

_____ Kapag nakalabas na siya ay masaya siyang nakikipaglaro ng habol-habulan kasama si Digong Daga, ang matalik niyang kaibigang tulad rin niya ay tamad ding mag-aral.

_____ Naglakad-lakad sila hanggang sa nakarating sila sa palayan. Nakita nila ang isang bote. Sapagkat sadyang uhaw na uhaw na lalong-lalo na si Digong, agad-agad niya itong binuksan at ininom. At kanya pang naubos ang laman ng boteng iyon.

Isagawa

Pakinggan ang talata sa ibaba na babasahin ng iyong kapamilya. Pagkatapos, isalaysay itong muli sa pamamagitan ng pagbuo ng talata sa ibaba.

Palosebo

Kumuha ng dalawang kawayang magkasinghaba at magkasinglaki. Ibaon sa lupa ng patayo ang mga ito. Tiyaking ang mga ito ay magkapareho ang haba. Lagyan ng langis ang dalawang kawayan upang maging madulas. Dalawa ang kalahok sa larong ito. Mag-uunahan sa pag-akyat ang dalawang kalahok na ito. Sinumang maunang makaakyat sa itaas o kaya’y sa tuktok, ang siyang panalo.

Pinagkunan: DepEd-LR Portal – Pagbibigay ng Angkop na Wakas sa isang Talata o Kuwento, pahina 1 https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6858

Palosebo

Kumuha ng 1. _____________________________ at magkasinglaki. Ibaon sa lupa ng 2. _____________. Tiyaking ang mga ito ay magkapareho ang haba. 3. _____________________________ ang dalawang kawayan upang maging madulas. Dalawa ang kalahok sa larong ito. 4. _____________________________ ang dalawang kalahok na ito. Sinumang maunang makaakyat sa itaas o kaya’y sa tuktok, ang siyang 5. _____________.

Binabati kita sa matiyaga mong pagsunod at paggawa sa mga gawain. Natitiyak kong natutuhan mong mabuti ang paksang tinalakay. Alam kong napagod kang maglakbay ngunit sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong malaman bilang paghahanda sa patuloy mong paglalakbay sa mga susunod pang mga aralin at sa pagpapalawak pa ng iyong kaalaman.

Tara na! Sagutan mo na ang panghuling pagtataya upang masukat ang iyong natutuhan.

Tayahin

Pakinggan at unawaing mabuti ang tekstong babasahin nang malakas ng magulang o di- kaya’y kapatid sa bahay. Pagkatapos, ibigay ang wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayaring nasa loob ng kahon sa ibaba ng teksto. Isulat ang letrang A-E.

Ang Kuneho at ang Matapang Niyang Kaibigan

Isinulat ni Aurora C. Saborrido

Isang araw lumabas ang kuneho para maglakad–lakad at naiwan niyang bukas ang pinto ng kanyang bahay. Sa kanyang pagbalik, siya ay nabigla nang makita niyang sarado ang pinto ng kanyang bahay. Hindi niya alam na may nakapasok pala, at ito ay isang uod.

Nagtanong siya, “Sino ang nasa loob ng aking bahay?”

“Ako ang pinakamalaking hayop sa buong mundo! Kaya kong tapakan ang elepante.” Sagot ng boses. Natakot ang kuneho. Humingi siya ng tulong.

Nasalubong niya ang paruparo. “Bakit ka nagmamadali?” Tanong ng paruparo. “Tulungan mo ako, may malaking hayop sa loob ng bahay ko, at kaya raw niyang tapakan ang elepante,” sabi ng kuneho. “Hindi! Ayoko, maliit ako, hindi kita matutulungan,” sagot ng paruparo.

Nakita ng kuneho ang ahas. “Ahas! Ahas! Tulungan mo ako. May malaking hayop sa loob ng bahay ko. Sabi niya, kaya raw niyang tapakan ang elepante.” “Hindi! Ayoko, hindi ko siya kaya,” sabi ng ahas.

Humingi ng tulong ang kuneho sa kaniyang kaibigang elepante. “Elepante! Elepante! Tulungan mo ako, may malaking hayop sa loob ng bahay ko. Sabi niya kaya raw niyang tapakan ang elepante.” “Hindi! Ayoko! Hindi ko gustong matapakan ng kapwa ko!” Sagot ng elepante.

Nawalan ng pag-asa ang kuneho. Umiyak siya nang umiyak. Biglang dumating ang kaibigan niyang palaka. “Bakit ka umiiyak, kaibigan?” Tanong ng palaka. “May malaking hayop sa loob ng bahay ko at walang sinuman ang nakapagpapaalis sa kanya,” sagot ng kuneho. “Sige tutulungan kita,” sabi ng palaka. “Paano?” Tanong ng kuneho. “Tingnan natin,” sagot ng palaka.

Pinuntahan nila ang bahay ng kuneho. Pagdating nila, nagtanong si palaka. “Sino ang nasa loob ng bahay ni kuneho? “Ako! Ang pinakamalaking hayop sa buong mundo! Kaya kong tapakan ang elepante!” Sagot ng boses. “Ako! Ako ang pinakamataas tumalon na hayop sa buong mundo! Nandito ako para talunin ka!” Sagot ng palaka.

“Hindi! Hindi!” Sabi ng boses. “Hindi! Huwag mo akong saktan! Isa lang akong uod!” Dahan-dahang binuksan ng palaka ang pintuan. Lumabas ang uod at pumasok sa butas sa likod ng bahay ng kuneho.

Masayang pumasok ang kuneho sa kaniyang bahay. Nagpasalamat siya sa palaka. “Maraming salamat kaibigan!” “Walang anuman!” Sabi ng palaka. Mula noon, lalong tumibay ang kanilang pagkakaibigan.

Saborrido, Aurora, C., Ang Kuneho At Ang Matapang Niyang Kaibigian, DepEd-BLR, 2018

  1. Nawalan ng pag-asa ang kuneho at umiyak siya nang umiyak.
  2. Lumabas ng bahay ang kuneho para maglakad-lakad.
  3. Humingi siya ng tulong sa kaniyang mga kaibigan.
  4. Naiwan niyang bukas ang pintuan ng kaniyang bahay.
  5. Tinulungan ng palaka ang kuneho para palabasin ang nasa loob ng kaniyang bahay.

Karagdagang Gawain

Ipabasa sa iyong nanay o kapatid ang sumusunod na kuwento. Makinig at unawain ang babasahing kuwento upang maisalaysay mo nang maayos at wasto gamit ang iyong sariling pangungusap.

Lipad Motmot, Lipad!

Sina Mang Mitoy at Aling Mila ay masayang naninirahan sa bayan ng Subait kasama ang pito nilang mga anak. Payak man ang kanilang pamumuhay ngunit hindi ito naging hadlang upang mapag-aral nila ang mga ito. Ang magkakapatid ay araw-araw na naglalakad ng limang kilometro makarating lang sa Paaralang Elementarya ng Subait. Hindi pa gumigising si Haring Araw ay nagsisimula na silang maglakad. Malayo man ay matiyaga pa rin nila itong nilalakbay.

“Kawawa naman ang ating mga anak. Ano kaya ang puwede nating gawin?” Tanong ni Aling Mila kay Mang Mitoy. Naisipan ni Mang Mitoy na bilhin ang lumang motorsiklo na binebenta ng kanilang kapitbahay. Subalit hindi pa sapat ang kanilang pera kaya mas pinag-igihan ng mag-asawa ang pagtatrabaho sa bukid. Dinagdagan nila ang mga pananim na mais at pinarami ang mga alagang manok.

Pagkalipas ng ilang buwan ay naibenta na nila ang mga ito sa palengke. Malaki ang naging kita nila at sapat na ito upang mabili ang motorsiklo. “Sa wakas! Mabibili na natin ang motorsiklo,” wika ni Mang Mitoy kay Aling Mila. Lampas langit ang kasiyahang nadama ng mag-anak nang makita nila ang motorsiklo. Pinangalanan nila itong “Motmot”.

Ngunit, may problema si Mang Mitoy. Hindi kasya sa motorsiklo ang pito niyang anak. Kaya salitan sila sa pagsakay kay Motmot. Malungkot si Mang Mitoy tuwing hindi nakasasakay ang iba niyang mga anak. “Ano kaya ang puwede kong gawin?” Tanong niya sa kaniyang sarili. Habang siya ay papauwi, may dumaang eroplano sa himpapawid. Bigla siyang nakaisip ng magandang ideya.

“Paano kaya kung lagyan ko ng mga pakpak si Motmot gaya ng eroplanong iyon?” Mabilis na umuwi si Mang Mitoy sa kanilang bahay. Kumuha siya ng mga piraso ng kahoy, mga pako at martilyo.

Isalaysay muli ang kuwentong “Lipad Motmot, Lipad!” gamit ang iyong sariling pangungusap. Isulat ito sa malinis na papel.

Lipad Motmot, Lipad!

Sinimulan na niyang gawin ang mga pakpak ni Motmot. Masaya siya sa kinalabasan ng kaniyang ginawa. “Ngayon ay sigurado na akong makasasakay na silang lahat,” wika ni Mang Mitoy. Sabik niyang sinundo ang kaniyang mga anak sa paaralan. Napapalingon ang mga taong kaniyang nadadaanan. Namangha at natuwa ang pitong magkakapatid sa kanilang nasilayan. “Napakagaling ni’yo po Itay. Ang ganda ni Motmot! Para siyang eroplano sa lupa,” wika ng mga anak nito. “Salamat mga anak. Sumakay na kayo, isa sa aking harapan, dalawa sa aking likuran at tigdadalawa naman sa bawat pakpak.”

Masayang sumakay ang magkakapatid at sabay-sabay silang sumigaw ng “Lipad Motmot, Lipad!”

Balacuit, mariel G., Lipad Motmot Lipad. DepEd-BLR, 2019

Isalaysay muli ang kuwentong “Lipad Motmot, Lipad!” gamit ang iyong sariling pangungusap. Isulat ito sa malinis na papel.

Lipad Motmot, Lipad!

[transcriber’s note: blank writing space in the printed box; no text]

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer key is transcribed in the order of the module’s sections]

Tuklasin
  1. 3
  2. 6
  3. 1
  4. 2
  5. 4
  6. 5
Balikan
  1. A
  2. A
  3. C
  4. B
  5. C
Subukin
  1. 5
  2. 1
  3. 4
  4. 3
  5. 2
Pagyamanin
  1. 4
  2. 5
  3. 1
  4. 2
  5. 3
Isaisip
  1. Sariling salita
  2. Pangungusap
  3. Komprehensyon
  4. Pakinggang mabuti
  5. Maisalaysay ito nang maayos at wasto
Isagawa
  1. Dalawang magkasinghaba
  2. Patayo
  3. Lagyan ng langis
  4. Mag-uunahan sa pag-akyat
  5. panalo
Tayahin
  1. D
  2. A
  3. C
  4. B
  5. E

Sanggunian

DepEd-LR. ReadEx Online 2020 Reading Treasury. Retrieved from https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6858.

DepEd-LR. ReadEx Online 2020 Reading Treasury. Retrieved from https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6810.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *