Naranasan mo na bang mapagsinungalingan ng iyong kaibigan? O, ikaw ba ay isang tapat na kaibigan? Para sa iyo, paano mo maipakikita ang iyong pagiging matapat?
Ang katapatan ay ang pagiging totoo o matuwid ng isang tao na kung saan siya ay hindi nandaraya o nagsisinungaling.
Ang sumusunod na mga layunin ay tatalakayin sa modyul na ito:
• Nakapagpapahayag nang may katapatan ng sariling opinyon/ideya at saloobin tungkol sa mga sitwasyong may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan.
• Naipadarama na ang pagiging matapat sa lahat ng pagkakataon ay nakagagaan ng kalooban
• Nakasusulat ng isang liham gamit ang balangkas na nagpapahayag ng paghingi ng tawad sa magulang, guro o kaibigan