This is the self-learning module for Filipino 5, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 4: “Pagsulat ng Isang Maikling Tula, Talatang Nagsasalaysay at Talambuhay” (writing a short poem, a narrative paragraph, and a biography). It was prepared by DepEd Region VIII for Grade 5 learners studying at home. By the end of it, learners should be able to write all three kinds of text with correct spelling and punctuation.
What learners will learn
The module states that learners will:
- know the elements of a poem, the parts of a narrative paragraph, and what a biography contains
- write a short poem, a narrative paragraph, and a biography
- value writing these three kinds of text with correct spelling (wastong baybay) and punctuation (bantas)
Lesson in this module
The module has one lesson, Aralin 1: “Pagsulat ng Maikling Tula, Talatang Nagsasalaysay at Talambuhay.” It opens with the Filipino tradition of harana (serenading), where suitors first wrote their feelings freely as a poem before it became a song. Learners then study poems, paragraphs, and biographies one after another, and write one of each.
Key ideas: the poem (tula)
A tula expresses feelings and ideas through lines called taludtod. A group of lines is a saknong (stanza).
Forms of poems
- Malayang taludturan (free verse): no fixed number of syllables, no meter, no rhyme.
- Tradisyunal (traditional): the last words of the lines in each stanza rhyme.
- May sukat na walang tugma: every line has the same number of syllables, but the endings do not rhyme.
- Walang sukat na may tugma: the number of syllables varies, but the line endings rhyme.
Elements and parts of a poem
| Term | Meaning |
|---|---|
| Sukat | number of syllables in each line |
| Tugma | same sound at the end of lines |
| Kariktan | beautiful words that please the reader, often with deep meaning |
| Talinghaga | words with a hidden meaning |
| Tema | the topic, such as love, nationalism, heroism, freedom, nature, God, or country |
Common line lengths (uri ng sukat) are 8, 12, 16, and 18 syllables. When analyzing a poem, learners also look at:
- Imahe (imagery): words that leave a clear picture in the reader’s mind
- Persona: the speaker in the poem
- Tono: the main feeling, such as mocking, angry, grieving, or happy
- Simbolismo: objects that stand for an idea, for example a white cloth for cleanliness and a dove for freedom
Key ideas: the paragraph and the biography
A talata (paragraph) is one sentence or a group of sentences about one main idea. A talatang nagsasalaysay (narrative paragraph) tells about something experienced, read, witnessed, heard, or watched. The module’s example, “Ang Aming Bakasyon,” tells of a family trip to Cebu and Bohol.
Qualities of a good paragraph
- May kaisahan (unity): all sentences support one idea.
- May kaugnayan (coherence): sentences connect so the idea flows from start to end.
- Tama lang ang haba (right length): not choppy, not too long.
- May wastong mekanismo (correct mechanics): indent the first line one inch when handwritten or five spaces when typed, use correct spelling and capital letters, and set dialogue and direct quotations apart.
Parts of a paragraph
- Panimulang pangungusap (introduction): starts the paragraph, catches attention, and hints at the content
- Gitnang pangungusap (body): connected sentences that follow the introduction
- Pangwakas na pangungusap (conclusion): gives the final detail, a summary, or an opinion
The biography (talambuhay)
A talambuhay tells the events of a person’s life from birth to the present or to death, and shows how the person overcame challenges. Include the name, birth (when and where), family, education, work, and challenges and successes. The module’s sample biographies are of Eugenio S. Daza of Borongan and of Boy Abunda.
How to use this module
- Learners: Start with Subukin, the pretest on the poem “Huwag mong Ismolin” and four short paragraphs. Then work through Balikan (a word-search of poem topics), Tuklasin, Suriin, and the writing tasks in Pagyamanin: a one- or two-stanza poem, a narrative paragraph, and your own biography. Finish with Isaisip, Isagawa (filling in a table about Boy Abunda’s life), Tayahin, and Karagdagang Gawain (a letter scramble). Write all answers on separate paper, not on the module.
- Parents: The pretest asks a family member to recite the poem with the learner, and the opening asks learners to interview grandparents or parents about courtship in their time.
- Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the objective items. The writing tasks in Tayahin (a four-line poem with 12 syllables per line, a narrative paragraph about a happy experience, and a 7- to 10-sentence biography of an admired person) are scored with the rubrics printed in the module.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 5 Filipino, Unang Markahan (Quarter 1), and it is Modyul 4 of that quarter.
What are the four forms of poems in the module?
Malayang taludturan (free verse), tradisyunal (rhyming traditional), may sukat na walang tugma (same syllable count, no rhyme), and walang sukat na may tugma (rhyme without a fixed syllable count).
What is a talatang nagsasalaysay?
It is a narrative paragraph: sentences that tell about something the writer experienced, read, witnessed, heard, or watched.
What should a talambuhay include?
The module lists the person’s name, birth date and place, family, education, work, and the challenges and successes in the person’s life.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers to the objective items, while the writing tasks are scored using the rubrics in the module.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino Unang Markahan – Modyul 4: Pagsulat ng Isang Maikling Tula, Talatang Nagsasalaysay at Talambuhay
5
Filipino
Unang Markahan – Modyul 4: Pagsulat ng Isang Maikling Tula, Talatang Nagsasalaysay at Talambuhay
[illustration: students reading and writing outdoors and indoors, with a globe and a lamp]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_FILIPINO5_Modyul4
Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagsulat ng Isang Maikling Tula, Talatang Nagsasalaysay at Talambuhay Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may- akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Brione Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng _____
Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Gesille G. Gagni-Grande
Editor: Virginia C. Dulfo, Cresente Beato, Jenita D. Guinoo, Ma. Shiela C. Adona, Lilibeth Dumol-Meliton, Rose Ann C. Menieba, Aine M. Molina
Tagasuri: Lorie Emmanuel B. Arago, Aurora B. Amboy, Eleonor G. Distrajo
Tagalapat: Michael Q. Balan, Swelyn E. Forro
Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Teodorico C. Peliño Jr. Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Dandy G. Acuin Bernardo A. Adina Gaudencio C. Aljibe Jr. Lea C. Aberia Virginia C. Dulfo Ma. Teresa B. Afable Shirley B. Bacal
5
Filipino
Unang Markahan – Modyul 4: Pagsulat ng Isang Maikling Tula, Talatang Nagsasalaysay at Talambuhay
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: cartoon boy with a bag and a notebook]
Kumusta? Nasasabik ako at muli tayong nagkita. Alam mo bang may bagong kaalaman na naman tayong matututuhan? Muli ako si Kokoy ang iyong kaibigan na sasama sa iyong paglalakbay. Inaasahan ko na sa pagtatapos ng ating paglalakbay ay magagawa mo ang mga sumusunod:
a) nalalaman mo ang mga elemento ng tula, bahagi ng talatang nagsasalaysay at nilalaman ng talambuhay; b) nakasusulat ka ng maikling tula, talatang nagsasalaysay, at talambuhay; at c) napapahalagahan ang pagsulat ng maikling tula, talatang nagsasalaysay at talambuhay nang may wastong baybay at bantas.
Tiyak kong patuloy mong isasagawa ng taos sa puso ang mga gawaing nakapaloob dito, bakit? Dahil batid kong magaling ka at walang inuurungang hamon kaya, tara na!
Subukin
[illustration: cartoon boy with a bag and a notebook]
“Ako’y tutula mahabang-mahaba, ako’y uupo tapos na po.”
Napangiti ka ano? Sige nga, saan mo unang narinig ang tulang ito?
Ako? Una ko itong narinig noong ako’y nasa ikaapat na baitang. Iyan muna ang una kong natutuhan bago kami turuang bumigkas ng tula. Nagbibiruan pa nga kaming magkakaklase noon.
Maliban sa pagbigkas ng tula, gusto mo rin bang matutong sumulat nito? Ito na ang magandang pagkakataon kaibigan, sasamahan kitang lakbayin ang mundo ng tula.
A. Magpatulong sa isa sa mga miyembro ng iyong pamilya. Bigkasin nang salitan ang tula. Pagkatapos ay sagutin nang may pag-unawa ang mga kasunod na tanong.
Huwag mong Ismolin Gesille G. Grande
‘Wag mong ismolin,
Kakayahan namin.
Bata mang ituring,
Kami ay may silbi din.
May ibat ibang kakayahang angkin,
Na kaya kayong pabilibin.
Sa pagtula, pagsayaw, o pag-awit man,
Tiyak kaya naming sumikat din.
Panahon man ng pandemya,
Kami ay nakakaunawa din.
Bawal man kaming lumabas,
Sa bahay ay magpupursiging matuto rin.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa inyong binasa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Anong uri ng tula ang binigkas?
- A. tradisyonal
- B. malayang taludturan
- C. may sukat, walang tugma
- D. may tugma, walang sukat
Anong elemento ng tula ang nakapaloob dito?
- A. sukat
- B. tugma
- C. kariktan
- D. talinghaga
Ano ang tema ng tula?
- A. pagkamaawain
- B. katangian
- C. talent
- D. pagkamaawain
Anong simbolismo ang makikita sa tulang “Huwag mong Ismolin”?
- A. maliitin
- B. higaan
- C. magigiliw
- D. ugaling pangit
Ang pahayag ba “Huwag mong Ismolin” ay halimbawa ng elementong ____________.
- A. tema
- B. tugma
- B. imahe
- D. persona
Ang pamilyang Pilipino ang pinakamaliit na institusyon ng lipunan. Dito unang nahuhubog ang kagandahang asal ng mga bata na itinuturo ng magulang. Ang pamilya ang unang nasasandalan ng bawat miyembro sa tuwing nahaharap sa mga pagsubok sa buhay. Ito ang siyang gumagabay upang maging handa ang sinuman sa pagharap sa mga hamon sa buhay pagdating ng panahon.
– Gesille G. Grande DepEd Borongan City Division
Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa iba’t ibang larangan. Ang ilang halimbawa nito ay ang kilalang boksingero na si Manny Pacquiao na isa ring senador ng bansa. Nagbigay siya ng karangalan sa bansa sa lahat ng kaniyang mga laban na kadalasan ay sa ibang bansa ginagawa. Isa ring kilalang tao sa larangan naman ng musika si Lea Salonga. Iba’t ibang parangal ang kaniyang natanggap. Ilan sa mga ito ay ang Laurence Olivier Award for Best Acress, Tony Award for Best Actress in a Musical, Disney Legends at marami pang iba. Sila ay dalawa lamang sa maraming Pilipino na kilala sa buong mundo sa larangang kanilang pinili.
– Gesille G. Grande DepEd Borongan City Division
B. Basahin at unawaing mabuti ang kasunod na talata. Pagkatapos, piliin ang titik ng wastong sagotat isaulat sa sagutang papel.
Talata A
Ang pamilyang Pilipino ang pinakamaliit na institusyon ng lipunan. (ibid. as above)
- Alin sa sumusunod na pamagat ang angkop sa binasang talata?
- A. Ang Pamilya
- B. Ang Pamilyang Pilipino
- C. Ang Problema sa Pamilya
- D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya
Talata B
Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo sa iba’t ibang larangan. (ibid. as above)
- Alin sa mga sumusunod na pamagat ang paksang-diwa ng talata?
- A. Ang mga Pilipino ay mapagmahal.
- B. Ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang pamamaraan.
- C. Ang mga Pilipino ay kilala sa iba’t ibang larangan.
- D. Ang mga Pilipino ay masigasig sa sining at mapagmahal sa kapuwa.
Talata C
Maraming tradisyon ang mga Pilipino. Isa na rito ay ang kapistahan. Bawat lugar ay may kinikilalang patrona ng mga Katoliko at ito ay kanilang pinaghahandaan. Sama-samang nagtutulungan sa paglilinis ang mga tao sa kanilang lugar. Ang bawat pamilya naman ay nagkakaisa sa pag aayos ng kanilang tahanan. Isa pang tradisyon ay ang pagdiriwang ng Flores de Mayo. Ito ay ang debosyon sa Mahal na Birhen ng mga Katoliko. Ginaganap ang ritwal nito na tinawag na Santacruzan kung saan ay binibigyan ng pagpupugay ang Reyna Elena. Nagkakaroon ng prosisyon ang naggagandahang dilag kasama ang kanilang eskorte palibot ng simbahan at karatig na mga barangay nito.
– Gesille G. Grande DepEd Borongan City Division
- Alin sa mga sumusunod ang paksang pangungusap ng talata?
- A. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan.
- B. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron.
- C. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain.
- D. Maraming tradisyon ang mga Pilipino.
Talata D
Si Eugenio S. Daza ay ipinanganak noong Nobyembre 5, 1870 sa Borongan, Eastern Samar. Siya ay nagmula sa mayamang angkan ng mga Daza. Nakatapos siya ng degree sa edukasyon noong 1888 sa Jesuit Escuela Normal de Maestros sa Maynila. Siya ay kinilala ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) bilang unang maestro sa Samar.
Si Daza ay ang area commander ng General Lukban para sa Samar at pangkalahatang commander at tactician ng Battle of Balangiga. Siya ang namuno sa laban na naging dahilan ng pagkatalo ng mga Kastila. Siya ay kinikilalang bayani ng probinsiya ng Silangang Samar dahil sa kaniyang kadakilaan noong kaniyang panahon.
– Gesille G. Grande DepEd Borongan City Division
Alin sa mga sumusunod ang ipinahahayag sa akda?
- A. kabuhayan ng isang tao
- B. buhay ng isang bayani
- C. kasaysayan ng bansa
- D. kinabukasan ng lipunan
Ang akda ay halimbawa ng ____________.
- A. tula
- B. dula
- C. kuwento
- D. talambuhay
Aralin 1 Pagsulat ng Maikling Tula, Talatang Nagsasalaysay at Talambuhay
[illustration: a boy character speaking]
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging romantiko. Isang magandang halimbawa nito ay ang panghaharana. Kapag nanliligaw ang mga lalake sa mga babae bumubuo ang mga ito ng awit. Inaalay at inaawit nila ito sa babaeng pinupuntahan sa kanilang bahay. Pinapatunayan nito na talagang seryoso ang lalake sa panliligaw sa mga babae. Mas maganda kung tanungin natin ang ating mga lolo at lola o di kaya, ang iyong tatay at nanay kung nakaranas sila ng ganoon.
Sisikapin nating may makukuha tayong impormasyon tungkol sa nasabing karanasan.
Balikan
[illustration: a boy character speaking]
Ngayon, alalahanin natin mula sa sagot ng ating nakausap na lolo/lola o tatay/nanay tungkol sa paraan ng panliligaw sa kanilang kapanahunan. Malamang ay sinabi nila sa iyo na nakabuo sila ng awit dahil may inspirasyon sila. Totoo iyan, makabubuo tayo ng isang awit kung mayroon tayong inspirasyon. Maaaring ito’y nagugustuhan o isang magandang pangyayari sa ating buhay. Pero siyempre bago pang maging awit, isinulat muna ito ng malaya at saka naging tula.
Balikan natin kung ano ang tula. Tungkol saan ang mga ito? Sige nga’t hanapin natin sa loob ng puzzle ang maaaring paksa nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Tuklasin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[transcriber’s note: the word-search grid below is a 9 x 10 letter puzzle; its first row is used as the table header]
| P | A | G | I | B | I | G | N | H | N |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| A | A | D | O | G | N | L | M | B | M |
| B | G | M | U | S | R | N | L | G | L |
| K | M | A | I | D | L | B | M | L | M |
| H | N | M | G | L | N | D | L | U | L |
| K | A | B | U | H | Y | Y | A | N | A |
| H | K | A | B | U | H | A | Y | A | N |
| K | A | I | B | I | G | A | N | S | S |
| K | A | R | A | N | A | S | A | N | N |
[illustration: a boy character speaking]
Tara na’t basahin mo ang tula at tingnan natin kung makakakuha tayo ng inspirasyon dito.
Ang taong malusog, lubhang masayahin Matalas ang isip at hindi sakitin Katawa’y maganda at hindi patpatin Pagkat alam niya ang wastong pagkain Lusog ng katawan dulot ng kinakain Ang gulay at prutas, dapat na piliin Sa dilis at gulay, sa puso ng saging Lalakas ang buto, titibay ang ngipin.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ano ang tema ng tula?
- Bakit kailangang kumakain ng wastong pagkain?
3-5. Itala ang mabubuting resulta ng pagiging malusog.
Suriin
[illustration: a boy character speaking]
Sa pagkakataong ito, magkuwentuhan naman tayo tungkol sa elemento at bahagi ng tula at ilang halimbawa. Susuriin din natin kung ano ang talatang nagsasalaysay, mga bahagi at katangian nito.
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t-ibang anyo at istilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
Ang tula ay nagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at kaisipan gamit ang maririkit na salita.
Mga Anyo ng Tula
Ang mga anyo ng tula ay maaaring uriin sa apat na anyo – malayang taludturan, tradisyunal, may sukat na walang tugma, at walang sukat na may tugma.
- Malayang taludturan – tulang hindi sumusunod sa bilang ng pantig, walang sukat at tugma o sintunog, free verse poetry ang tawag nito sa Ingles.
Halimbawa: “Pandesal sa Umaga“
Tuwing umaga si Nena ay nagtitinda, Isang araw, mabibili din kita,” sambit niya.
- Tradisyunal – nagtataglay ng magkakatugmang salita sa hulihan o dulo ng bawat taludtod o linya sa bawat saknong.
Halimbawa: Aling pag-ibig pa/ ang hihigit kaya Sa pagkadalisay/ at pagkadakila Gaya ng pag-ibig/ sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa/ wala na nga, wala.
May mga tulang may sukat na walang tugma kung pareho ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ngunit hindi magkakasintunog ang bawat dulo o walang tugma
Halimbawa: O, Laura kong maganda! Lagi kang nasa isip Di man lamang nawaglit, Dahil ika’y inibig! – Jenita Guinoo
- Walang sukat na may tugma – iba-iba ang bilang ng pantig sa bawat taludtod subalit magkakasintunog ang huling bahagi ng bawat taludtod.
Halimbawa: Kay gandang pagmasdan, Bughaw na kalangitan, Paligid ay luntian, Sadyang kaaya-ayang tingnan! – Jenita Guinoo
Mga Elemento ng Tula
- Sukat – tumutukoy sa bilang pantig sa bawat taludtod
- Tugma – pagkakapareho ng tunog sa huling bahagi ng isang taludtod
- Kariktan – maririkit na salita na ginagamit upang masiyahan ang mga mambabasa na kalimitang nagtataglay nang malalim o matalinghagang kahulugan
- Talinghaga – mga salitang nagtataglay ng nakatagong kahulugan ng tula
Mga Bahagi ng isang Tula
- Tema – ito ang paksa ng tula. Ito ay maaaring tungkol sa pag-ibig, nasyonalismo, kabayanihan, kalayaan, katarungan, pagmamahal sa kalikasan, Diyos, bayan at marami pang iba.
- Tugma – ito ang pagkakahawig o pagkakapareho ng tunog ng huling salita sa bawat saknong.
- Sukat – ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Uri ng Sukat
a. Wawaluhing pantig b. Lalabindalawahing pantig c. Lalabing-animang pantig d. Lalalabingwaluhing pantig
Sa pagsusuri ng tula, mahalagang sangkap ang mga sumusunod:
a. Imahe o larawang-diwa o imagery sa Ingles. Ito ang mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. b. Persona – tumutukoy sa nagsasalita sa tula. c. Tono – ito naman ay ang namamayaning damdamin sa loob ng tula. Ito ay nangungutya, nagagalit, nagdaramdam, nagdadalamhati, naglalahad at natutuwa. d. Simbolismo – ito ay mga makabuluhang salita na nagpapasidhi sa guniguni ng mga mambabasa. Mga ginagamit na bagay na may isinasaad na kahulugan. Halimbawa: puting tela – kalinisan, kalapati – kalayaan
Ano naman ang ipinagkaiba ng tula sa talata?
Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang diwa.
Ang talatang nagsasalaysay ay binubuo ng mga pangungusap na naglalayong magkuwento ng karanasan, nabasa, nasaksihan, narinig o napanood.
Ito rin ay talatang nagsasaad ng mga pangyayari o karanasan upang makapagbigay ng damdamin sa mambabasa.
Mga Katangian ng Mabuting Talata
- May kaisahan. Ang mga pangungusap ay umiikot lamang sa iisang diwa. Kailangang lahat ng pangungusap ay magkatulong-tulong na mapalitaw ang kaisipang nais palabasin.
Halimbawa:
May iba’t ibang klase ng pamilya sa mundo. May pamilyang dalawa ang magulang, may ilan na isa lamang habang ang iba’y mahigit pa sa dalawa ang kinikilalang magulang. Samantalang may mga pamilyang may iisang anak lamang, ang iba’y higit pa sa isa habang ang ilan nama’y hindi nabiyayaan ng anak.
Tanong 1: Ano ang pangunahing diwa o paksang pangungusap ng talata? Sagot: May iba’t-ibang klase ng pamilya sa mundo.
Tanong 2: Anu-anong pangungusap ang sumusuporta sa pangunahing diwa? a. May pamilyang dalawa ang magulang, ang ilan ay isa lamang habang ang iba’y mahigit pa sa dalawa ang kinikilalang magulang. b. May mga pamilyang may iisang anak lamang, ang iba’y higit pa sa isa habang ang ilan nama’y hindi nabiyayaan ng anak.
Mapapansing ang mga pangungusap sa talata ay naglalahad ng iba’t ibang klase ng pamilya sa mundo. Samakatuwid, ang mga pangungusap na ginamit ay may kaisahan.
May kaugnayan. Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa mula sa simula hanggang sa katapusan ng pahayag. Balikan mo ang halimbawang talata. Magkakaugnay ba ang mga pangungusap? Tama, magkakaugnay ang mga pangungusap dahil ang mga ito ay sumusuporta sa pahayag ng pagkakaiba-iba ng pamilya sa mundo.
Tama lang ang haba. Ang mahusay na talata ay tama lang ang haba. Iwasan ang maikli at paudlot-udlot na talata, gayundin ang sobrang haba para maging kawili-wili sa mambabasa.
May wastong mekanismo. Ang mahusay na talata ay may wastong mekanismo sa pagsulat. Binibigyang pansin nito ang palugit, panipi sa diyalogo, wastong baybay, paggamit ng malaki at maliit na titik, gitling at iba pa.
Dapat may pasok o indensiyon sa panimula ng talata. Ito ay dapat isang pulgada (1 inch) mula sa palugit (margin) kung sulat kamay o limang espasyo kung makinilyado.
Kung may diyalogo, dapat nakabukod o hiwalay sa talata upang makita ang palitan ng salitaan. Ihiwalay sa punong talata ang pagsulat ng tuwirang sipi (direct quotation)
Mga Bahagi ng Talata
Panimulang Pangungusap o Introduksiyon. Ang isang mabuting panimulang pangungusap ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
a. Sinisimulan ang talata
b. Tumatawag ng pansin sa bumabasa
c. Nagpapahiwatig ng nilalaman ng talata
d. Humihikayat sa bumabasa para magtanong tungkol sa paksaGitnang Pangungusap o Katawan. Ito ang mga pangungusap na magkakaugnay na sumusunod sa panimulang pangungusap.
Pangwakas na Pangungusap o Konklusiyon. Ang pangungusap na ito ang nagbibigay ng huling detalye, buod ng talata o maaaring nagbibigay ng opinyon sa paksa ng talata.
Ang talata ay maaaring buoin ng isang pangungusap lamang.
Ang talata sa ibaba ay halimbawa ng talatang nagsasalaysay:
Ang Aming Bakasyon
Tuwing buwan ng Disyembre ay nagbabakasyon ang aming pamilya sa ibang lugar. Nitong nakaraang Disyembre, napagpasyahan ng aming mga magulang na magtungo sa Cebu at Bohol. Una naming pinuntahan ang Cebu. Dala ang aming sariling sasakyan, nilibot namin ang magagandang tanawin doon. Pinuntahan namin ang Magellan’s Cross, Taoist Temple, Temple of Leah, Sirao Garden, Little Amsterdam, Simala Church, Cebu Safari at marami pang iba. Sa mga lugar na ito’y hindi namin malilimutan ang Cebu Safari dahil sa dami ng mga hayop at mga magagandang bulaklak na aming nakita.
Sunod naming pinuntahan ang Bohol. Pinasyalan namin ang iba’t ibang zoo doon. Nag-enjoy kaming lahat sa pagkuha ng larawan ng mga tarsier. Umakyak din kami sa Chocolate Hills at sumakay kami sa floating cottage sa Lobok. Napakasaya ng aming bakasyon doon at marami kaming natutuhan sa aming biyahe.
– Gesille G. Grande DepEd Borongan City Division
Ang talambuhay ay salaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao, mula sa kaniyang kapanganakan hanggang sa kasalukuyan, o hanggang sa kaniyang kamatayan. Inilalahad sa talambuhay kung paano napagtatagumpayan ng tao ang mga hamon na kaniyang pinagdaanan.
Sa pagsulat ng talambuhay, maaaring ilagay ang sumusunod na mga detalye:
- Pangalan
- Kapanganakan (Kailan at saan siya ipinanganak?)
- Pamilya (Mga magulang, kapatid, asawa, anak at iba pa)
- Edukasyon (Saan siya nag-aral at ano kursong natapos niya?)
- Trabaho (Saan siya nagtatrabaho?)
- Mga Hamon at Tagumpay (Hamon sa buhay at paano ito hinarap)
Pagyamanin
Tiyak kong lalo mo nang naunawaan kung papaanong bumuo ng epektibong talata, tula at talambuhay.
Gawain 1. Sumulat ng isa o dalawang saknong na tula tungkol sa paksang nais mo. Pumili lamang ng isa sa mga uri ng tula. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Malayang taludturan
- Tradisyunal
- May sukat na walang tugma
- Walang sukat na may tugma
Pamagat
Gawain 2. Sumulat ng isa o dalawang talatang nagsasalaysay tungkol sa paksang nais mo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pamagat
Gawain 3. Isulat ang iyong talambuhay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pamagat
Isaisip
Ngayon, alalahanin natin!
A. Punan ng wastong impormasyon ang sumusunod na talahanayan.
| Mga araling aking natutuhan: Ano-ano ang mga natutuhan ko sa mga sumusunod? | Gaano ito kahalaga? |
|---|---|
| a. tula | |
| b. talata | |
| c. talambuhay |
B. Punan ang patlang ng nawawalang salita upang mabuo ang diwa ng mga pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel
Ang_____________ay akdang naglalarawan ng madamdaming pahayag at binibigkas nang masining o puno ng damdamin. Hindi ito katulad ng ibang akdang tuloy-tuloy na isinusulat o binabasa. Ito ay maaaring may sukat o malayang taludturan.
Ang_____________ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang diwa.
Ang_____________ay binubuo ng mga pangungusap na naglalayong magkuwento ng karanasang nabasa, nasaksihan, narinig o napanood.
Ang _____________ ay isang anyo ng panitikang nagsasaad ng kasaysayan, impormasyon, mga tala at pangyayaring hango sa tunay na buhay ng isang tao.
Isagawa
Basahin at unawaing mabuti ang nakalahad na talambuhay at pagkatapos, punan ng wastong impormasyon ang kahon sa susunod na pahina. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Boy Abunda: Ang Talambuhay
Melinda C. Amoyo
Dumaan sa ibat ibang pagsubok sa buhay si Boy Abunda bago naging isang sikat na host, publicist, celebrity endorser at talent manager.
Ang tunay niyang pangalan ay Eugenio Romerica Abunda Jr. Siya ay ipinanganak noong Oktobre 29, 1955 sa Lungsod ng Borongan, Silangang Samar. Bunso siya sa dalawang anak nina Eugenio Abunda Sr. na isang konduktor ng bus at ni Licerna Abunda na isa namang guro.
Bagama’t di mayaman ay lumaking masayahin si Boy dahil sa pagmamahal na ipinadama ng kanyang mga magulang lalong-lalo na ng kanyang ina na si Manang Fe. Sa murang edad ay alam na niya ang kanyang katayuang pangkasarian na sinuportahan naman ng kanyang pamilya hanggang ngayon. Ipinasok siya sa seminaryo upang doon magaral ng high school.
Lumuwas siya sa Maynila nang tumuntong siya sa kolehiyo. Nagaral siya sa Ateneo de Manila University ng kursong Business Management. Sa di inaasahang pagkakataon ay pumanaw ang kanyang ama kung kaya’t kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral.
Dalawampu’t isang taon pa lamang siya nang mamatay ang kanyang ama. Napilitan siyang tumigil sa pag-aaral dahil sa di kayang tustusan ng kanyang ina ang gastusin sa paaralan.
Nang matigil siya sa pag-aaral, tumanggap siya ng iba’t ibang trabaho para lang mabuhay. Nakaranas siya ng gutom at naranasan din niyang tumira sa Luneta. Subalit hindi naging hadlang ang kahirapang ito upang magtagumpay sa buhay.
Ang kanyang ina ang isa sa naging inspirasyon ni Kuya Boy sapagkat gusto niya itong bigyan ng magandang buhay. Ito ang naging motibasyon niya para lalong magpursige na gawin ang lahat para makamit ang inaasam na pangarap.
Nag-aral siyang mag-isa. Patuloy na nadagdagan ang kanyang kaalaman dahil sa hilig sa pagbabasa ng aklat pang-teatro. Ito ay dahil rin sa pagmamahal niya sa teatro. Nagtrabaho siya bilang isang stage actor at
assistant stage manager sa Metropolitan Theater. Dahil sa kanyang galing, husay at dedikasyon sa trabaho, naging assistant siya ni Conchita Sunico, ang theater administrator. Ayon kay Boy, malaki ang naitulong ni Tita Conching sa paghubog sa kanyang kaalaman at personalidad.
Pagkatapos ng ilang taon, itinatag ni Kuya Boy ang Backroom, isang public relations firm. Naging public relations consultant siya ng GMA. Dito din nag-umpisa ang kanyang karera sa pagiging tagapagsalita sa GMA.
Unti-unting naabot ni Boy ang kanyang mga pangarap lalo na nang lumipat siya sa ABS-CBN noong 1999. Naging tagapagsalita siya ng The Buzz, Private Conversation, Home Boy, SNN: Showbiz News Ngayon at The Bottomline with Boy Abunda. Naging tagapagbalita din siya sa programang Bandila.
Noong 2009 ay bumalik siya sa pag-aaral sa Philippine Women’s University at nagtapos siya sa kursong Bachelor of Arts in Communication at nakuha niya ang Master’s Degree in Communication Arts sa taong 2011. Ngayon ay may titulo na siyang Doctor of Philosophy.
Dahil sa kanyang sipag, tiyaga, determinasyon, talino at kabutihang-asal, si Boy Abunda ngayon ay tanyag sa local showbiz industry. Siya ay tinaguriang “King of Talk Show” ng Pilipinas.
- Sinulat ni Melinda C. Amoyo
DepEd Borongan City Division
| Tao | |
|---|---|
| Petsa at araw ng kapanganakan | |
| Pangyayari sa kaniyang kabataan | |
| Edukasyon | |
| Pangyayari sa kanyang paglaki | |
| Naiambag sa Pilipinas |
Tayahin
A. Sumulat ng isang tula na binubuo ng apat (4) na taludtod kung saan ang bawat taludtod ay may labindalawang (12) pantig. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
B. Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa iyong masayang karanasan. Gawing gabay ang rubrik sa susunod na pahina.
Rubriks sa Pagsulat
| Napakahusay (4) | Mahusay (3) | Mahusay-husay (2) | Kailangan pang Magsanay (1) |
|---|---|---|---|
| May kaisahan ang mga pagsasalaysay. | May kulang para sa kaisahan ang mga pagsasalaysay. | May kaguluhan kaya kulang sa kaisahan ang mga pagsasalaysay. | Walang Kaisahan ang mga pagsasalaysay. |
| Magkakaugnay ang lahat ng detalyeng sumusuporta sa kaisipan o paksa. | May ilang detalye na hindi kaugnay ng kaisipan o paksa. | Hindi gaanong magkakaugnay ang mga detalye kaya may kalabuan ang kaisipan o paksa. | Hindi magkakaugnay ang mga detalye kaya hindi tiyak ang kaisipan o paksa. |
| Napakahusay at napakalinaw ng mga pagsasalaysay. | Mahusay at malinaw ang mga pagsasalaysay. | May kalabuan ang ilang pagsasalaysay. | Malabo ang pagsasalaysay . |
| Sapat ang detalye at angkop ang mga salita/pangungusap na ginamit sa pagbuo ng talata. | May sapat na detalye ngunit kulang ang salita/ pangungusap na ginamit sa pagbuo ng talata. | Maligoy ang mga detalye at may mga salita/pangungusap na hindi angkop sa talata | Walang gaanong detalye at hindi angkop ang mga salita/ pangungusa. |
| Malinis at maayos ang pagkakasulat ng talata. | Maayos ang pagkakasulat ng talata. | Kulang sa linis at ayos ang pagkakasulat ng talata. | Magulo at marumi ang pagkakasulat ng talata. |
| Puntos | Kahulugan | Puntos | Kahulugan |
|---|---|---|---|
| 18-20 | Napakahusay | 8-12 | Mahusay-husay |
| 13-17 | Mahusay | 5-7 | Kailangan pang Magsanay |
C. Pumili ng isang tao na iyong hinahangaan dahil sa kaniyang katatagan sa pagharap sa problema sa buhay. Sumulat ng talambuhay na may pito hanggang sampung pangungusap na naglalaman ng sumusunod na detalye tungkol sa kaniya. Gawin ito sa sagutang papel.
- Pangalan
- Kapanganakan (Lugar at Petsa)
- Pamilya (mga magulang at kapatid)
- Pag-aaral
- Trabaho
- Mahalagang Pangyayari sa Buhay
Rubriks sa Pagsulat ng Talambuhay
| 5 | 4 | 3 | 2 | 1 | |
|---|---|---|---|---|---|
| Nilalaman – Pagsunod sa uri at anyo ng hinihingi – Lawak at lalim ng pagtalakay | |||||
| Balarila – Wastong gamit ng wika o salita – Baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap | |||||
| Organisasyon – Lohikal na pagkakaayos o daloy ng mga ideya – Pagkakaugnay ng mga ideya |
5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay
Karagdagang Gawain
Magaling at kinaya mo!
Kung mayroon ka mang kamalian, muli mong balikan ang iyong mga naging kasagutan at pagbalik-aralan mo ito upang maunawaan kung bakit iyon ang tamang kasagutan.
Muli mong sagutin ang inihanda kong gawain upang mapalawak pang lalo ang iyong kaalaman.
Halo Letra. Ayusin ang mga sumusunod na letra sa hanay A upang mabuo sa hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| A | B |
|---|---|
| 1. mablayuhat | _____ |
| 2. ulta | _____ |
| 3. altata | _____ |
| 4. taltanag agysnsalayasa | _____ |
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees within its boxes; the boxes are transcribed below in reading order]
Susi sa Pagwawasto
Tuklasin
- Mabuting pangangatawan
- Upang maging malusog
- Matalas ang isip
- Lalakas ang buto
- Titibay ang ngipin
Balikan
Maaaring hindi magkakasunod-sunod
Pag-ibig (pagibig)
Pamilya
Kaibigan
Kabuhayan
karanasan
Subukin
| A. | B. |
|---|---|
| 1. B | 1. D |
| 2. C | 2. B |
| 3. D | 3. B |
| 4. B | 4. A |
| 5. D | 5. B |
Pagyamanin
Nakadepende sa sagot ng mga mag-aaral ang iskor para sa Gawain 1, 2, at 3.
Isaisip
A. NAKADEPENDE SA SAGOT NG MGA MAG-AARAL ANG PAGBIBIGAY NG ISKOR
B.
- tula
- talata
- talatang nagsasalaysay
- talambuhay
Isagawa
| Tao | Eugenio “Boy” Abunda, Jr. |
|---|---|
| Petsa at araw ng kapanganakan | Oktubre 29, 1955 |
| Pangyayari sa kaniyang kabataan | Nag-aral sa seminary at lumuwas ng Maynila upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral |
| Edukasyon | Nagtapos ng kaniyang sekundarya sa Seminario de Jesus Nazareno at kolejiyo naman sa Ateneo de Manila University ng kursong Business Management ngunit hindi niya ito natapos, Philippine Women’s University sa kursong Bachelor of Arts in Communication, Master’s Degree naman sa Communication Arts |
| Pangyayari sa kanyang paglaki | Nag self study sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat, pumasok sa iba’t ibang trabaho hanggang makapagtatag siya ng sarilingpublic relations firm hanggang sa maabot niya ang kaniyang tinatamasang tagumpay ngayon. |
| Naiambag sa Pilipinas | Kilala bilang napakagaling na host at binansagang “King of Talk Show” (maaaring magkakaiba ang ibibigay na sagot ng mga bata) |
Tayahin
Ibabatay sa rubriks ang sagot ng mag-aaral.
Karagdagang Gawain
- talambuhay
- tula
- talata
- talatang nagsasalaysay
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply