Filipino 5 Quarter 1 Module 10: Pagbibigay-kahulugan sa Bar Graph, Pie Graph, Talahanayan at Iba pa

This is the Filipino 5 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 10: “Pagbibigay-kahulugan sa Bar Graph, Pie Graph, Talahanayan at Iba pa” (interpreting bar graphs, pie graphs, tables, and other graphic aids). It is the last module of the first quarter. The module guide, Kokoy, walks Grade 5 learners through reading and making graphs, using examples from school, home, and the news. It was prepared by DepEd Region VIII as part of the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020) for learning at home.

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • interpret bar graphs, pie graphs, tables, and other graphic aids (nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie, talahanayan at iba pa);
  • make their own graph (nakagagawa ng sariling graph); and
  • value the use of graphic aids by making their own pie graph that shows their diligence in school and home tasks.

Graphic aids covered in the module

The module explains that charts, graphs, and tables are “grapikong pantulong” (graphic aids). They make the data in a text simpler and easier to understand. It covers three kinds.

Tsart (chart)

A chart shows the amount or structure of a system using rows or levels. The module gives two examples:

  • Tsart ng Organisasyon (organizational chart)
  • Flow Tsart (flow chart)

Grap (graph)

Graphs appear in Mathematics, Science, and Civics lessons. The module describes four types:

TypeWhat it doesModule example
Larawang grap (pictograph)Uses pictures to stand for data. The pictures should be the same size, and half a picture stands for half its value.The Domingo family’s mango harvest over four weeks, where one mango picture equals 150 mangoes
Linyang grap (line graph)Uses lines and dots to show change or progress over time, such as speed or length of timeNumber of people in Aling Mila’s store by the hour; the busiest time is 1:00 PM with 22 people
Bar grap (bar graph)Compares data using bars instead of dots and lines. Bars can be vertical (patayo) or horizontal (pahiga).Students’ birthdays by month (vertical) and favorite snacks by votes (horizontal)
Bilog na grap (pie graph)Measures and compares data by dividing a circle into partsProducts bought from online shops, such as gadgets, make-up, shoes, bags, and clothes

Talahanayan (table)

A table presents data in rows and columns. The module’s example is a table of diseases in the Philippines (polio, tetanus, measles, mumps, and diabetes) for 1990, 1995, 2000, and 2005. For example, polio went from 33 in 1990 to 9 in 1995 and 0 in 2005.

Practice activities in the module

The module uses everyday situations so learners can practice reading data:

  • Subukin (pretest): 10 questions asking learners to name the type of graph and read data from a line graph of NAT results, a bar graph of weights, a pictograph, a pie graph of pets, and the disease table.
  • Balikan (review): a bar graph of Junro’s Filipino grades from August to December.
  • Tuklasin (explore): a bar graph of passengers in Mang Julio’s jeepney at different times of the day.
  • Pagyamanin (enrichment): a line graph of the monthly electricity use (in kWh) of Aling Mila’s family in 2019.
  • Isaisip (reflect): learners complete sentences on what they learned and why graphs and tables matter.
  • Isagawa (apply): a bar graph of the number of graduates in seven professions, linked to Jun’s dream of becoming an engineer.
  • Tayahin (assessment): 11 questions in three parts: a table of rooms in new school buildings, a pie graph of a budget, and a pictograph of the Grande family’s electricity use, where one star equals 25 kilowatts.
  • Karagdagang Gawain (additional activity): learners make a pie graph of their diligence in five tasks, such as studying lessons, helping with housework, reading books, and cleaning the classroom.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest (Subukin), then work through each part in order. Write your answers on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and answer honestly.
  • Parents and guardians: Help your child read the graphs by asking simple questions, such as which bar is tallest or which slice is biggest. The module notes that the pretest result shows whether your child needs extra help.
  • Teachers: The additional pie graph activity has a rubric with five criteria worth 3 points each, for a total of 15 points. The criteria include a neat graph, correct percentages that add up to 100%, and a legend for each task. Learners are encouraged to contact their teacher if they have trouble with the lessons.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 5 (Ikalimang Baitang) Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 10. It is the last module of the first quarter.

What types of graphs does the module teach?

It covers the pictograph (larawang grap), line graph (linyang grap), bar graph (bar grap), and pie graph (bilog na grap). It also teaches charts (tsart) and tables (talahanayan).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, exploration, enrichment, application, and assessment parts.

What is the final activity of the module?

Learners make a pie graph that shows how they divide their time among school and home tasks, such as studying, extra-curricular activities, housework, reading, and cleaning the classroom. It is scored with a 15-point rubric.

What is a talahanayan?

A talahanayan is a table. It presents data in rows and columns so the information is organized and easy to compare.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino Unang Markahan – Modyul 10: Pagbibigay-kahulugan sa Bar Graph, Pie Graph, Talahanayan at Iba pa

[illustration: learners studying under a tree, at a table, and with a globe and a lamp]

CO_Q1_FILIPINO5_Modyul10

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Filipino – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 10: Pagbibigay-kahulugan sa Bar Graph, Pie Graph, Talahanayan at Iba pa Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Arlene R. Domingo Editor: Lea C. Aberia, Shirley B. Bacal, Ma. Shiela C. Adona, Alice B. Maglinte, Ronald B. Llaneta Tagasuri: Virgina C. Dulfo, Arnulfo B. Mendiola Tagaguhit: Michael Q. Balan Tagalapat: Michael B. Balan, Swelyn E. Forro Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Bernardo A. Adina Arnulfo M. Balane, Gaudencio C. Albije Jr. Rosemarie M. Guino, Lea C. Aberia Teodorico C. Peliño Jr., Virginia C. Dulfo Joy B. Bihag, Ma. Teresa B. Afable Ryan R. Tiu, Shirley B. Bacal Dandy G. Acuin

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053-832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Filipino Unang Markahan – Modyul 10: Pagbibigay-kahulugan sa Bar Graph, Pie Graph, Talahanayan at Iba pa

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target icon]

Binabati kita kaibigan dahil nasa huling bahagi na tayo ng ating paglalakbay sa Unang Markahan. Muli, ako si Kokoy ang gagabay sa iyo. Inaasahan ko na sa pagtatapos ng modyul na ito matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan:

  1. nabibigyang-kahulugan ang bar graph, pie, talahanayan at iba pa;
  2. nakagagawa ng sariling graph; at
  3. napapahalagahan ang paggamit ng mga grapikong pantulong sa pamamagitan ng paggawa ng sariling pie grap na nagpapakita ng kasipagan sa mga gawaing pampaaralan at pantahanan.

Tara na magsimula na tayo!

CO_Q1_FILIPINO5_Modyul10

Subukin

[illustration: pencil icon]

Araw-araw nakaririnig tayo ng iba’t ibang balita tungkol sa mahahalagang isyu sa loob at labas ng bansa. Ilan sa mga nakikita at naririnig nating balita sa kasalukuyan ay ang paglobo sa bilang ng mga nagkakaroon ng sakit na COVID-19, pagtaas sa bilang ng mga naluluging kompanya at iba pa dahil sa pandemya. Nakapaloob sa balita ang mga datos at grapikong representasyon na kinakailangan nating unawain. Dahil dito, mahalagang matutuhan ng isang batang tulad mo kung paano unawain at mabigyang-kahulugan ang iba’t ibang datos.

Subukin mo ngayong kilalanin ang iba’t ibang uri o ngalan ng grap sa ibaba. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

A.

[chart: line graph; A.] Y-axis label: NAT Results Y-axis values: 82, 84, 86, 88, 90, 92, 94, 96 X-axis labels: Filipino, English, Mathematics, Science, EPP Values are not labeled on the chart.

  1. Ano ang tawag sa grap na ipinapakita sa itaas?
    a. bar grap
    b. larawang grap
    c. linyang grap
    d. pie grap


  2. Batay sa grap, alin sa mga asignatura ang may pinakamataas na resulta sa NAT?
    a. English
    b. EPP
    c. Filipino
    d. Math


CO_Q1_FILIPINO5_Modyul10

B.

[chart: bar graph; B.] Y-axis label: Timbang (kilo) Y-axis values: 0, 20, 40, 60, 80 X-axis labels: Ron, Ryan, Sam, Rex, Tom Values are not labeled on the chart.

  1. Ang ipinapakita sa itaas ay isang halimbawa ng anong uri ng grap?
    a. bar grap
    b. larawang grap
    c. linyang grap
    d. pie grap


  2. Batay sa grap, sino ang may pinakamababang timbang?
    a. Rex
    b. Ron
    c. Ryan
    d. Sam


C.

Ani ng Pamilya Domingo sa Taniman ng kanilang Mangga sa Loob ng Isang Buwan

LinggoAni ng Pamilya Domingo
Una[illustration: mango icons]
Ikalawa[illustration: mango icons]
Ikatlo[illustration: mango icons]
Ikaapat[illustration: mango icons]
[illustration: mango icon] – katumabas ng 150 na mangga

transcriber’s note: the mango counts in each row are drawn as icons and are not printed as numbers; the legend reads “- katumabas ng 150 na mangga” beside a mango icon.

  1. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa grap na ipinapakita sa itaas?
    a. bar grap
    b. larawang grap
    c. linyang grap
    d. pie grap


  2. Anong linggo nagkaroon ng pinakamaraming ani ang pamilya Domingo?
    a. Una
    b. Ikalawa
    c. Ikatlo
    d. Ikaapat


CO_Q1_FILIPINO5_Modyul10

D.

[chart: pie graph; D.] Printed labels: 25%, 15%, 20%, 40% Legend: Aso, Pusa, Isda, Ibon Values are not labeled on the chart.

  1. Anong uri ng grap ang ipinapakita sa itaas?
    a. bar grap
    b. larawang grap
    c. linyang grap
    d. pie grap


  2. Anong hayop ang may pinakamalaking bahagi sa grap?
    a. aso
    b. ibon
    c. isda
    d. pusa


E.

Talahanayan ng Iba’t ibang Sakit sa Pilipinas (Kabuuang kaso/1,000*)

Sakit1990199520002005
Polio33970
Tetanus148956451
Measles47.429.127.81
Mumps1058.65.31.5
Diabetes4.21.74.54.6
  1. Ipinapakita sa itaas ang anong uri ng grapikong pantulong?
    a. grap
    b. mapa
    c. talahanayan
    d. tsart


  2. Ayon sa Talahanayan ng Iba’t ibang Sakit sa Pilipinas, ilan ang nagkasakit ng polio sa taong 1995?
    a. 0
    b. 7
    c. 9
    d. 33


CO_Q1_FILIPINO5_Modyul10

Aralin 1 Pagbibigay-kahulugan sa Bar Graph, Pie Graph, Talahanayan at Iba pa

Alam mo ba na ang graph ay representasyon ng mahahalagang tala? Ito ay mahalagang malaman sapagkat sa pamamagitan nito’y madaling makita ang katangian o kalagayan ng isang bagay, produkto, at ibang kauri nito. Halimbawa, sa pamamagitan ng graph, nalalaman natin ang iba’t ibang bansa sa mundo, pati na ang bilang ng populasyon sa bawat bansa. Gayundin ang uri ng pamahalaang kinabibilangan at marami pang iba.

Balikan

Alam kong marami ka nang graph na nasuri at napag-aralan. Maaaring ang mga ito ay may kaugnayan sa mga datos tungkol sa pamilya, pamayanan, lipunan at marami pang iba na makikita sa iyong paligid. Kahit sa iyo ay malaki ang maitutulong nito lalo na sa iyong pag-aaral. Kagaya halimbawa sa markang iyong natatanggap sa mga asignatura. Tumataas ba o bumababa?

Suriin natin ang nangyari kay Junro. Napakasaya ni Junro nang makita niya ang malaking pagbabago sa kanyang marka sa Filipino sa loob ng limang buwan. Tingnan sa grap ang pagbabago sa kanyang marka mula Agosto hanggang Disyembre.

[chart: bar graph; Marka ni Junro sa Filipino 5 sa Loob ng Limang Buwan]

  • Y-axis: 74, 76, 78, 80, 82, 84, 86, 88
  • Categories: Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre
  • Values are not labeled on the chart.
  1. Sa anong asignatura nagkaroon ng pagbabago ang marka ni Junro?

    • A. English
    • B. Filipino
    • C. Math
    • D. Science
  2. Sa anong buwan pinakamataas ang kanyang nakuhang marka?

    • A. Agosto
    • B. Setyembre
    • C. Oktubre
    • D. Disyembre
  3. Sa anong buwan naman ang pinakamababa?

    • A. Agosto
    • B. Setyembre
    • C. Oktubre
    • D. Disyembre
  4. Tumaas ba ang marka ni Junro sa Nobyembre kompara noong Setyembre? Gaano kalaki ang itinaas o ibinaba nito?

    • A. bumaba ng 2 puntos
    • B. bumaba ng 4 puntos
    • C. tumaas ng 2 puntos
    • D. tumaas ng 4 puntos
Tuklasin

Siyempre, bukod sa mga marka sa klase, magagamit mo rin ang grap kapag sumakay ka sa dyip. Tulad ng bilang ng pasahero ni Mang Julio sa kaniyang dyip.

[chart: bar graph; Bilang ng Pasahero ni Mang Julio]

  • Y-axis: 0, 5, 10, 15, 20
  • Categories: 6:00 n.u., 8:00 n.u., 11:00 n.u., 3:00 n.h.
  • Values are not labeled on the chart.

*n.u. – ng umaga *n.h. – ng hapon

Mga tanong:

  1. Ayon sa grap, anong oras mayroong pinakamaraming pasahero si Mang Julio?

    • A. 6:00 n.u.
    • B. 8:00 n.u.
    • C. 11:00 n.u.
    • D. 3:00 n.h
  2. Ilan ang nagiging pasahero ni Mang Julio tuwing alas-otso ng umaga?

    • A. anim
    • B. isa
    • C. labindalawa
    • D. sampu
  3. Anong oras naman may pinakamababang sumasakay na pasahero kay Mang Julio?

    • A. 6:00 n.u.
    • B. 8:00 n.u.
    • C. 11:00 n.u.
    • D. 3:00 n.h
  4. Ilan ang nagiging pasahero ni Mang Julio tuwing alas-sais ng umaga?

    • A. anim
    • B. isa
    • C. labindalawa
    • D. sampu
  5. Ano ang paksang tinatalakay sa grap?

    • A. Bilang ng pasahero ni Mang Julio
    • B. Bilang ng sasakyan ni Mang Julio
    • C. Oras ng pasahero ni Mang Julio
    • D. Oras ng pagtulog ni Mang Julio
Suriin

Alam mo ba na ang tsart, grap at talahanayan ay mga grapikong pantulong upang madaling maunawaan at nagagawang payak ang mga datos na inilalahad sa isang teksto? Kapaki-pakinabang ang mga ito para sa isang mananaliksik o tagapagsuri sapagkat malinaw at siyentipiko niyang natatalakay ang kanyang paksa.

  1. Tsart. Ang tsart ay nagpapakita ng dami o istruktura ng isang sistema sa pamamagitan ng hanay batay sa hinihingi o ibinibigay na impormasyon.

    Halimbawa:

    a. Tsart ng Organisasyon

    [chart: organizational chart; no title printed]


    • Top box: blank

    • Second row: three boxes, blank

    • Third row: three boxes, blank

    b. Flow Tsart

    [chart: flow chart; Flow Tsart]

    • Left, stacked labels: A, B, C, each with two bullet points (blank)
    • Right, numbered steps: 1, 2, 3, each with blank bullet lines (_____)
  2. Grap (Graph). Ang grap ay matatagpuan sa mga aralin sa Matematika, Agham, at Sibika. May iba’t ibang uri ng grap tulad ng sumusunod:


    a. Larawang grap (Pictograph). Larawan ang ginagamit upang kumatawan sa mga datos, impormasyon o produkto. Mahalaga na maging magkakasinlaki ang mga larawan. Ang kalahati o hinating larawan, kalahati rin ang bilang nito (50%), ang mga datos na 55-90% ay nangangahulugang buong larawan.


    Halimbawa:


    [chart: pictograph; Ani ng Pamilya Domingo sa Taniman ng kanilang Mangga sa Loob ng Isang Buwan]


LinggoAni ng Pamilya Domingo
Una[illustration: mango icons; count not transcribed]
Ikalawa[illustration: mango icons; count not transcribed]
Ikatlo[illustration: mango icons; count not transcribed]
Ikaapat[illustration: mango icons; count not transcribed]
[illustration: mango icon] – katumabas ng 150 na manga

transcriber’s note: the number of mango icons in each row is not reliably legible at this resolution, so the counts are not given.

b. Linyang grap (Line Graph). Binubuo ng linyang perpendicular. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng pagbabago o pag-unlad. Ang patayo at pababang linya ay may kaukulang pagtutumbas. Gamit ang linya at tuldok, tinutukoy nito ang mga salik tulad ng interbal, bilis, bagal o tagal ng mga bagay na nakatala sa bawat gilid.

Halimbawa:

[chart: line graph; Bilang ng Tao sa Tindahan ni Aling Mila]

  • Y-axis: Bilang ng Tao (0, 10, 20, 30)
  • X-axis: Oras
OrasBilang ng Tao
10:00 AM2
11:00 AM6
12:00 PM10
1:00 PM22
2:00 PM15
3:00 PM5
4:00 PM4
5:00 PM4
6:00 PM3

c. Bar Grap (Bar Graph). Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na tuldok at linya upang tukuyin ang kantidad. Parihaba ang anyo ng grap, maaaring patayo o pahiga ang mga datos na sinisimbolo ng bar.

Unang halimbawa: Patayo na Bar Graph

[chart: vertical bar graph; Kaarawan ng mga Mag-aaral]

  • Y-axis: Bilang ng mag-aaral (0, 2, 4, 6, 8, 10, 12)
  • X-axis: Buwan; Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre
  • Values are not labeled on the chart.

Pangalawang Halimbawa: Pahiga na Bar Graph

[chart: horizontal bar graph; Mga Paboritong Meryende]

  • Vertical axis: Meryenda; Tinapay, Prutas, Kakanin, Junk Foods
  • Horizontal axis: Bilang ng Boto (0 to 10)
  • Values are not labeled on the chart.

d. Bilog na Grap (Pie Graph). Ito’y sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon sa pamamagitan ng paghahati-hati nito.

Halimbawa:

[chart: pie graph; Mga Binibiling Produkto sa mga Online Shop]

  • Percentages printed: 32%, 16%, 15%, 10%, 20%, 7%
  • Legend: Gadget, Make-up, Sapatos, Bag, Damit, Iba pa
  • transcriber’s note: the printed percentages are not placed beside specific legend entries in the chart text.
  1. Talahanayan (Table). Ang talahanayan ay naglalahad ng datos sa tabular na anyo. Sistematikong inilalagay sa mga hanay o kolum ang mga nalikom na datos.

Halimbawa:

Talahanayan ng Iba’t ibang Sakit sa Pilipinas (Kabuuang kaso/1,000*)

SakitTaon 1990Taon 1995Taon 2000Taon 2005
Polio33970
Tetanus148956451
Measles47.429.127.81
Mumps1058.65.31.5
Diabetes4.21.74.54.6
Pagyamanin

Suriin ang grap na nasa ibaba, at sagutin ang mga tanong na kasunod nito.

[chart: line graph; Buwanang Konsumo ng Kuryente ng Pamilya ni Aling Mila sa Taong 2019]

  • Y-axis: kilowatt-hour (kWh); 0, 50, 100, 150, 200, 250, 300
  • X-axis: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre
  • Values are not labeled on the chart.
  1. Ang grap na nasa itaas ay tinatawag na _______________.

    • A. bar grap
    • B. larawang grap
    • C. linyang grap
    • D. pie grap
  2. Tungkol saan ang grap na ito?

    • A. Buwanang konsumo ng pamilya ni Aling Mila sa taong 2019
    • B. Buwanang konsumo ng kuryente ni Aling Mila sa taong 2019
    • C. Buwanang konsumo ng kuryente ng pamilya sa taong 2019
    • D. Buwanang konsumo ng kuryente ng pamilya ni Aling Mila sa taong 2019
  3. Ilang kWh ang konsumo sa kuryente ng pamilya ni Aling Mila noong Pebrero?

    • A. 200
    • B. 225
    • C. 235
    • D. 240
  4. Ang pinakamababang konsumo ay ________ noong buwan ng ________.

    • A. 115 kWh, Enero
    • B. 125 kWh, Disyembre
    • C. 115 kWh, Nobyembre
    • D. 125 kWh, Oktubre
  5. Ang pinakamataas naman na konsumo ay _______ noong buwan ng _________.

    • A. 275 kWh, Mayo
    • B. 280 kWh, Hunyo
    • C. 275 kWh, Hulyo
    • D. 280 kWh, Disyembre

<!– transcriber’s note: these pages begin at the module’s printed page 13 (the title page is not among them), so the document has no title here and the heading levels below start at the first printed section. –>

Isaisip

Binabati kita dahil matagumpay mong naisagawa ang mga naunang gawain sa modyul na ito. Sa bahaging ito, sasagutin mo ang mga sumusunod upang mailahad ang iyong natutuhan sa modyul.

Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag.

  1. Natutuhan ko na _____



  1. Mahalaga ang paggamit ng bar graph, talahanayan at iba pa dahil



  1. Bilang isang mag-aaral, magagamit ko ang mga natutuhan ko sa araling ito sa pamamagitan ng _____


Isagawa

Basahin ang sitwasyon at pag-aralan ang grap. Pagkatapos maunawaan ang binasang sitwasyon at grap ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Nais ni Jun na maging inhinyero paglaki niya. Ang pagiging inhinyero ay isa lamang sa mga propesyong maaaring matapos ng isang mag-aaral sa kolehiyo. Nasa grap sa ibaba ang iba’t ibang propesyon at ang bilang ng nagtapos.

[chart: bar graph; untitled, showing “Bilang ng Nagtapos” on the vertical axis (0 to 120, marked every 20) and the professions on the horizontal axis]

PropesyonBilang ng Nagtapos
guro50
akawntant35
nars96
doktor57
inhinyero65
abogado50
sekretarya24

Mga tanong:

  1. Ilang propesyon ang binigyang-impormasyon sa grap?
    A. isa B. sampu C. pito D. walo


  2. Aling propesyon ang may pinakamaraming bilang ng nagtapos?
    A. akawntant B. guro C. nars D. sekretarya


  3. Aling propesyon naman ang may pinakakaunting bilang ng nagtapos?
    A. akawntant B. guro C. nars D. sekretarya


  4. Ayon sa grap, ilan ang bilang ng nagtapos na doktor?
    A. 10 B. 58 C. 80 D. 100


  5. Piliin sa mga sumusunod ang pinakamainam na pamagat ayon sa grap.
    A. Bilang ng nagtapos sa iba’t ibang propesyon
    B. Bilang ng hindi natapos sa kanilang kurso
    C. Mga iba’t ibang propesyon
    D. Mga kurso sa aming kolehiyo


Tayahin

Gawain A

Tingnan nang mabuti ang talahanayan at sagutin ang kasunod na mga tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

Mga Bagong Gusali sa PaaralanKabuuang Bilang ng Silid
1. Gusaling Pantanggapan5
2. Gusaling Panteknolohiya7
3. Gusaling Pang-Iskawting10
4. Gusaling Pangkalusugan4
5. Gusaling Pantanghalan2
  1. Alin sa mga gusali ang may apat na silid?
    A. Pangkalusugan C. Pantanggapan
    B. Pang-Iskawting D. Pantanghalan


  2. Anong uri ng mga gusali sa paaralan ang nasa talahanayan?
    A. luma C. bagong pintura
    B. bago D. luma at walang kulay


Gawain B

Tingnan nang mabuti ang pie graph na nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

[chart: pie graph; untitled, showing how a budget is divided among five categories]

KategoryaBahagdan
aklat, papel, magasin at iba pang gamit40%
ipon5%
damit15%
libangan10%
pagkain30%
  1. Ilang bahagdan ang nakalaan sa pagkain?
    A. 5% B. 10% C. 15% D. 30%


  2. Aling pangangailangan ang may pinakamaliit na bahagdan?
    A. aklat B. damit C. ipon D. libangan


  3. Ano ang may pinakamaliit na bahagdan sa pie graph?
    A. pagkain B. libangan C. damit D. ipon


Gawain C

Tingnan nang mabuti ang pictograph na nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

[chart: pictograph; Buwanang Konsumo ng Kuryente ng Pamilya Grande sa Taong 2016-2019]

BuwanKonsumo ng Koryente
Enero★★★★
Pebrero★★★★★★★★
Marso★★★★★★★★★
Abril★★★★★★★★★★★
Mayo★★★★★★★★★★★★★★★
Hunyo★★★★★★★
Hulyo★★★
Agosto★★★★★
Setyembre★★
Oktobre★★★
Nobyembre★★★★★★
Disyembre★★★★★★★★★★★★
★= 25 kilowat

Values are not labeled on the chart.

[transcriber’s note: the star counts above were read visually from the image and are not printed values. They were checked only against the answer key for Agosto, Setyembre, and Oktobre and should be verified against the original before publishing.]

  1. Batay sa grap sa itaas, anong buwan may pinakamataas na nakonsumo sa kuryente ang pamilya Grande?
    A. Abril B. Agosto C. Mayo D. Disyembre


  2. Anong buwan naman may pinakamababang nakonsumo sa kuryente ang pamilya?
    A. Enero B. Hunyo C. Setyembre D. Nobyembre


  3. Ilang kilowat ang nakonsumo ng pamilya sa buwan ng Setyembre?
    A. 50 B. 30 C. 75 D. 100


  4. Kung ikaw ay miyembro sa pamilyang Grande, paano mo matutulungan ang iyong ina upang hindi lumaki ang konsumo at bayarin sa kuryente?
    A. gumamit ng electric fan sa halip na aircon upang makatipid
    B. iwasan ang palagiang paggamit ng cellphone para hindi maglowbat
    C. panatilihing nakabukas ang pintuan upang makapasok ang hangin
    D. patayin ang ilaw at iba pang gamit sa bahay kung hindi ginagamit


  5. Tumaas ba ang konsumo ng kuryente ng pamilya Grande sa Oktubre kompara sa Agosto? Ilang kilowat ang itinaas o ibinaba nito?
    A. bumaba ng 25 kilowat B. bumaba ng 50 kilowat
    C. tumaas ng 25 kilowat D. tumaas ng 50 kilowat


  6. Ilang kilowat ang itinaas ng konsumo sa kuryente ng pamilya Grande sa buwan ng Setyembre at Oktubre?
    A. 25 B. 50 C. 100 D. 125


Karagdagang Gawain

Gumawa ng bilog na grap (pie graph) na nagpapakita sa iyong kasipagan sa mga gawaing pampaaralan at pantahanan.

Hatiin ang sumusunod na mga gawain sa bilog na pie ayon sa tamang pagkakahati-hati.

Gawain:

  • Pag-aaral ng mga leksiyon
  • Pagsali sa mga gawaing extra-curricular
  • Pagtulong sa mga gawaing-bahay
  • Pagbabasa ng aklat
  • Paglilinis ng silid-aralan
Mga PamantayanLaang PuntosPuntos ng Guro
1. Malinis ang pagkaggawa sa grap3
2. Nahahati ang mga nakasaad na mga gawaing pampaaralan at tahanan sa pie grap3
3. Naitala ng wasto ang porsyento sa pagkakahati ng mga gawain na may kabuuang 100%3
4. Nakasulat ang legend sa bawat nakatalang gawain3
5. Naihambing ang mga datos o impormasyon sa pamamagitan ng paghahati-hati nito3
Kabuoang Puntos15

Susi sa Pagwawasto

PAGYAMANIN
  1. C
  2. D
  3. B
  4. B
  5. A
ISAGAWA
  1. C
  2. C
  3. D
  4. B
  5. A
ISAGAWA

Iba iba ang maaaring sagot.

TAYAHIN
  1. A
  2. B
  3. D
  4. C
  5. D
  6. C
  7. C
  8. A
  9. D
  10. B
  11. A
TUKLASIN
  1. C
  2. C
  3. A
  4. A
  5. A
BALIKAN
  1. B
  2. D
  3. A
  4. D
SUBUKIN
  1. C
  2. C
  3. A
  4. A
  5. B
  6. C
  7. D
  8. A
  9. C
  10. C

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *