Maligayang araw!
Kahit saang dako ka pumunta ay mayroon kang nasasagap o naririnig na iba’t ibang mga isyu o usapan. Bawat araw ay may mga bagong pangyayari at malaya kang magpahayag ng sariling opinyon o reaksyon tungkol dito.
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang mga napapanahong isyu o usapan sa ating pamayanan.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang makakamit mo ang sumusunod na kasanayan:
1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa mahahalagang detalye ng nabasang isyu o balita.
2. Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang nabasa o napanood na isyu o usapan.
3. Nakasusulat ng liham na nagbabahagi ng karanasan o pangyayari sa nabasang kuwento.
4. Naibibigay ang kahalagahan ng media pang impormasyong, pang -aliw at panghikayat.
5. Nasasagot ang mga tanong sa nabasang tekstong pang impormasyon.
filipino4_q1_mod7_OpinyonAtReaksyon_v2