This is the Filipino 4 self-learning module for Quarter 4, Module 1 (Ikaapat na Markahan – Modyul 1), prepared by DepEd Region V under the Alternative Delivery Mode. It has one lesson, “Pagbibigay ng Panuto na may Tatlo Hanggang Apat na Hakbang Gamit ang Pangunahin at Pangalawang Direksiyon at Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon ng Salita” (giving three- to four-step directions using primary and secondary directions, and giving the meaning of a word through its formal definition). Grade 4 learners studying at home will practice giving clear directions on a map and looking up formal word meanings in a dictionary.
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Give directions (panuto) with three to four steps using the primary and secondary directions. (F4PS-IVa-8.7)
- Give the meaning of a word through its formal definition (pormal na depinisyon). (F4PT-IVc-1.10)
Parts of the module
The module follows the usual self-learning module parts:
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Alamin | Reads the learning objectives |
| Subukin (pretest) | Writes directions from a map that shows north, south, east, and west, then defines five words (handog, angkan, muwebles, disiplina, respeto) using a dictionary |
| Balikan | Reviews the previous lesson by retelling the essay “Pagbabago” (change) in the correct order |
| Tuklasin | Reads the poem “Panuto” about instructions and directions |
| Suriin | Answers questions on the poem and studies the key ideas |
| Pagyamanin | Writes directions from guide clues and picks the correct meaning of underlined words |
| Isaisip | Fills in a table of what was learned and why it matters |
| Isagawa | Writes directions from home to school and defines three unfamiliar words |
| Tayahin (post-test) | Helps a girl named Maricar give directions on a town map and defines five more words |
| Karagdagang Gawain | Writes directions from home to the nearest church and defines three new words |
Key ideas: giving directions
A panuto is a set of instructions (tagubilin) for carrying out a task. It can be spoken (pabigkas) or written (pasulat).
The module teaches two groups of directions:
- Pangunahing direksiyon (primary directions), the four main points for finding a location on a map or in a place: Hilaga (north), Timog (south), Silangan (east), and Kanluran (west).
- Pangalawang direksiyon (secondary directions): Hilagang Kanluran (northwest), Hilagang Silangan (northeast), Timog Kanluran (southwest), and Timog Silangan (southeast).
In the practice activities, these are shortened as H, HS, S, TS, T, TK, K, and HK.
The module lists four things to keep in mind when giving directions:
- Use simple, plain words.
- Do not go around in circles (huwag maging paligoy-ligoy); get to the point.
- Use the correct punctuation at the end of each sentence.
- Know the primary and secondary directions.
Here is the sample answer the module gives for one activity, where the route passes a post to the south, a red house to the southwest, and ends at Ali’s house to the west: “Mula sa poste sa timog, babaybayin ang daan patungo sa timog kanluran. May makikita kang pulang bahay. Maglakad pa patungong kanluran, mararating mo na ang bahay ni Ali.” Each step names a landmark and a direction, in order.
Key ideas: formal definitions of words
A formal definition is the meaning of a word as given in a diksiyonaryo (dictionary) or a talahuluganan (glossary). The module uses words from the poem as examples:
- tagubilin: reminders, instructions, or advice used as a guide in doing a task
- tatahakin: the place one will pass through or go to
- inaasam: something dreamed of, hoped for, or longed for in life
In the Pagyamanin activity, learners choose the meaning of underlined words in sentences, such as tanyag (famous), balisa (restless, unable to stay calm), and mithiin (dream or goal).
How to use this module
- Learners: Start with the pretest (Subukin) and then go through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet (sagutang papel). Do not write on or mark the module so others can use it. Contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Several activities ask you to help. In Balikan, you read the essay aloud for your child to retell. For the written directions, you or an older sibling score the work using the rubric printed in the module. It rates how clear the message is, the use of primary and secondary directions, the order of the steps, and whether the details are correct and complete, on a scale from 5 (Napakagaling) to 1 (Magsanay pa).
- Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) gives sample answers for the direction-writing tasks, which are meant as a guide since answers can vary. It has fixed answers only for the multiple-choice items in Pagyamanin B. The dictionary tasks in Subukin and Tayahin have open answers, so check them against a dictionary. The Pagyamanin multiple-choice part has a scoring scale: 9–10 correct is Napakahusay, 5–8 is Magaling, 1–4 is Pagbubutihin pa, and 0 is Kaya mo yan.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 4 Filipino, Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 1. It was prepared by DepEd Region V as a first edition in 2020.
What are the primary and secondary directions taught in the module?
The primary directions are Hilaga (north), Timog (south), Silangan (east), and Kanluran (west). The secondary directions are Hilagang Kanluran (northwest), Hilagang Silangan (northeast), Timog Kanluran (southwest), and Timog Silangan (southeast).
What is a formal definition (pormal na depinisyon) of a word?
It is the meaning of a word as found in a dictionary (diksiyonaryo) or glossary (talahuluganan). The module asks learners to look up unfamiliar words and write their formal meanings.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives sample answers for the direction-writing tasks and the correct letters for the multiple-choice items. Answers to the dictionary tasks can vary.
Which learning competencies does the module cover?
It covers F4PS-IVa-8.7, giving three- to four-step directions using primary and secondary directions, and F4PT-IVc-1.10, giving the meaning of a word through its formal definition.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino
Ikaapat na Markahan–Modyul 1: Pagbibigay ng Panuto na may Tatlo Hanggang Apat na Hakbang Gamit ang Pangunahin at Pangalawang Direksiyon at Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon ng Salita
[illustration: students reading and writing outdoors and at a desk, with a globe and a lamp]
CO_Q4_Fil 4_Modyul 1
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Filipino – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 1 – Pagbibigay ng Panuto na may Tatlo hanggang Apat na Hakabng gamit ang Pangunahin at Pangalawang Direksyon Pagbibigay ng kahulugan ng Salita sa pamamagitan ng Pormal na Depinisyon ng Salita.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Meagan Alexis A. Almasco |
| Editors: | Rechie O. Salcedo |
| Tagasuri: | Rechie O. Salcedo |
| Tagaguhit: | |
| Tagalapat: | Ma. Dianne Joy R. dela Fuente |
| Tagapamahala: | Gilbert T. Sadsad Grace U. Rabelas Nora J. Laguda Belen B. Pili Francisco B. Bulalacao Ma. Leilani R. Lorico Jerson V. Toralde |
Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________ Department of Education – Region V Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Mobile Phone: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph
4
Filipino
Ikaapat na Markahan–Modyul 1: Pagbibigay ng Panuto na may Tatlo Hanggang Apat na Hakbang Gamit ang Pangunahin at Pangalawang Direksiyon at Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon ng Salita
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
CO_Q4_Fil4_Modyul1
Alamin
Magandang araw sa iyo, kumusta?
Ikaw ba ay natutuwa sa tuwing lumalabas ng bahay at nagtutungo sa mga lugar na nais mong puntahan?
Hindi mo man sabihin ngunit alam kong oo ang sagot mo dahil para sa isang mag-aaral na tulad mo, tunay ngang nakasisiya at nakasasabik ang magpunta sa iba’t ibang lugar lalong-lalo na kung kasama ang iyong mga mahal sa buhay, hindi ba?
Subalit, paano kaya kung sa paglabas ninyo ay ikaw na mismo ang magbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon at magbibigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon? Kaya mo na ba?
Ano-ano nga ba ang dapat mong isaalang-alang upang ikaw ay maging matagumpay rito?
Halika, subukin natin ang iyong kaalaman at galing.
Sa tulong ng modyul na ito, inaasahan na:
- Nakapagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon. (F4PS-IVa-8.7)
- Naibibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita. (F4PT-IVc-1.10)
CO_Q4_Fil4_Modyul1
Subukin
A. Panuto
Pag-aralan ang mapa. Magbigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang pangunahing direksiyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
[chart: map; labels as printed: PALENGKE (top), HILAGA (north), KANLURAN (west), SILANGAN (east), TIMOG (south). Places shown in the drawing are not labeled except PALENGKE.]
- Kung ako ay pupunta sa simbahan upang bumili ng kandila at pagkatapos ay tutungo naman sa palengke upang bumili ng aming uulamin, ano ang panuto na dapat ibigay sa akin?
- Upang makarating sa aming paaralan, kinakailangan kong dumaan sa simbahan at bundok. Ibigay ang panuto na dapat sundin.
- Mula sa palengke ay tutungo ako sa paaralan upang sunduin ang aking kaibigan. Pagkatapos nito ay mamasyal kami sa bundok. Ibigay ang panuto na dapat sundin.
CO_Q4_Fil4_Modyul1
- Mula bundok ay tutungo sa palengke at pagkatapos ay magsisimba sa simbahan. Ibigay ang panuto na dapat sundin.
- Mula simbahan ay dadaan sa paaralan upang pumasok at pagkatapos ay pupunta sa palengke upang tulungang magtinda ang nanay. Ibigay ang panuto na dapat sundin.
B. Panuto
Kopyahin ang mga salita at ibigay ang kahulugan nito gamit ang diksiyonaryo ayon sa pormal na depinisyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- handog – _____
- angkan – _____
- muwebles – _____
- disiplina – _____
- respeto – _____
Gamitin mo ang rubrik sa ibaba para sa kabuoang ayos ng iyong ginawa. Ipamarka ito sa iyong magulang o kapatid.
| Elemento | Puntos: 5 (Napakagaling) | Puntos: 4 (Magaling na Magaling) | Puntos: 3 (Magaling) | Puntos: 2 (Katamtaman) | Puntos: 1 (Magsanay pa) |
|---|---|---|---|---|---|
| Malinaw ang gustong ipahayag | |||||
| Gumamit ng mga pangunahin at pangalawang direksiyon | |||||
| Nakapagbigay ng tama at kumpletong detalye | |||||
| Iba pang puna | |||||
| KABUOAN |
Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok. Maaaring tingnan sa pahina ng Susi sa Pagwawasto ang ilan sa mga maaaring kasagutan sa ginawang pagsasanay.
CO_Q4_Fil4_Modyul1
Aralin 1: Pagbibigay ng Panuto na may Tatlo Hanggang Apat na Hakbang Gamit ang Pangunahin at Pangalawang Direksiyon at Pagbibigay ng Kahulugan ng Salita sa Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon ng Salita
Balikan
Naalala mo pa ba ang aralin bago ang modyul na ito?
Narito ang isang gawain na susukat kung gaano mo naintindihan at naisapuso ang paksa tungkol sa pagsasalaysay muli nang may wastong pagkakasunod-sunod.
Panuto: Ipabasa ang sanaysay sa iyong magulang, kapatid, o nakatatandang kasama sa bahay. Pakinggan at unawin ito nang mabuti. Isalaysay muli ito nang may wastong pagkakasunod-sunod. Isulat ang sarili mong pagsasalaysay sa sagutang papel.
Pagbabago
Basura’y nagkalat dahil sa walang humpay na pagtatapon ng basura kahit saan. Mga likas na yaman ay unti-unting nasisira dahil sa kapabayaan at kasakiman ng maraming tao. Ang mga tao sa bahay ay mas inuuna pa ang mga bagay na hindi masyadong mahalaga.
Iyan nga ba ang mga dahilan kung bakit tayo naghihirap sa kasalukuyan? Marahil, hindi ito ang angkop na kasagutan ngunit sa isang banda, tayo rin ang may kasalanan.
Hindi pa huli ang lahat kaya kinakailangan nating magtulungan. Irespeto at alagaan ang mga likha ng Diyos dahil ito’y ipinagkatiwala Niya sa atin. Huwag tayong maging gahaman
sa mga bagay dahil ito’y wala ring patutunguhan. Higit sa lahat,
unti-unti nating baguhin ang ating mga sarili para sa kabutihan
ng nakararami.
– ni Meagan Alexis A. Almasco
Gamitin mo ang rubrik sa ibaba para sa kabuoang ayos ng iyong ginawa. Ipamarka ito sa iyong magulang o kapatid.
| Elemento | Puntos 5 (Napakagaling) | Puntos 4 (Magaling na Magaling) | Puntos 3 (Magaling) | Puntos 2 (Katamtaman) | Puntos 1 (Magsanay pa) |
|---|---|---|---|---|---|
| Malinaw ang gustong ipahayag | |||||
| Naisalaysay nang mabuti ang sanaysay nang may wastong pagkakasunod-sunod | |||||
| Nakapagbigay ng tama at kumpletong detalye | |||||
| Ibang puna | |||||
| KABUOAN |
Halika, gamitin naman natin ang ating natutuhan sa pagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon at pagbibigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon.
Tuklasin
Basahin at unawain nang mabuti ang tula.
Panuto
ni Meagan Alexis A. Almasco
Panuto ay mga tagubilin
Sa pagsasagawa ng iniutos na gawain.
Maaaring pabigkas o pasulat,
Kaya dapat na sundin nating lahat.
Panuto ay tiyak na maiintindihan din,
Kung mga simpleng salita ang gagamitin.
Ito ay tunay na kasasabikang gawin
Siguradong masusundan ang tatahakin.
Hilaga, Timog, Silangan, at Kanluran
Mga pangunahing direksyon na dapat tandaan.
Makatutulong sa pagtunton ng tamang daan,
Kapahamakan ay siguradong maiiwasan.
Hilagang Kanluran, Hilagang Silangan,
Timog Kanluran, at Timog Silangan,
Mga pangalawang direksiyon ang tawag diyan
Itatak sa isipan upang hindi mahirapan.
Sa pagbibigay ng panuto,
Ito ang mga dapat isaisip at isapuso.
Huwag kalilimutan dahil ito’y magsisilbing gabay,
Sa pagkamit ng inaasam na tagumpay.
Suriin
Sagutin Natin
- Tungkol saan ang binasang tula?
- Ano-ano ang mga pangunahing direksiyon na dapat tandaan?
- Ano-ano ang mga pangalawang direksiyon?
- Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang magagandang maidudulot kung nasusunod mo nang tama ang mga panuto?
- Ano-ano ang mga dapat isaisip at isapuso sa pagbibigay ng panuto?
- Sa tulang iyong binasa, pamilyar ka ba sa mga salitang tagubilin, tatahakin, at inaasam? Hanapin ang kahulugan ng tatlong salita sa diksiyonaryo upang maibigay ang pormal na depinisyon ng mga ito.
- Basahing muli ang tula. Maliban sa tatlong salitang nabanggit, may mga salitang hindi pa ba pamilyar sa iyo? Kung mayroon, bigyang pakahulugan ang mga ito gamit ang diksyonaryo.
Ano ang panuto?
Ganito ba ang iyong sagot?
Ang panuto ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain.
Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon?
Ang mga dapat isaalang-alang ay gumamit ng mga simpleng salita, huwag maging paligoy-ligoy sa pagbibigay ng panuto, gamitin ang wastong bantas sa hulihan ng bawat pangungusap, at alamin ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon.
Magkatulad ba tayo ng sagot? Nakatulong ba sa iyo ang tulang iyong binasa sa pagbibigay ng panuto? May mga salita bang hindi pamilyar sa iyo?
Narito ang mga parirala o pangungusap na hinango mula sa binasang talata.
Panuto ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain.
- Ano ang salitang may salungguhit?
tagubilin - Ano ang pormal na depinisyon ng salitang tagubilin?
Ito ay mga paalala, panuto o bilin na magagamit na gabay sa pagsasagawa ng isang gawain.
- Ano ang salitang may salungguhit?
Siguradong masusundan ang tatahakin
- Ano ang salitang may salungguhit?
tatahakin - Ano ang pormal na depinisyon ng salitang tatahakin?
Ito ay dadaanan o pupuntahang lugar
- Ano ang salitang may salungguhit?
Sa pagkamit ng inaasam na tagumpay
- Ano ang salitang may salungguhit?
inaasam - Ano ang pormal na depinisyon ng salitang inaasam?
Ito ay pinapangarap, hangarin o minimithi sa buhay.
- Ano ang salitang may salungguhit?
[transcriber’s note: the target words in items 1 to 3 are underlined in the original]
Mahusay! Binabati kita at mahusay mong natukoy ang mga dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng panuto at nabigyan ng pormal na depinisyon ang mga salita.
Lagi mong tatandaan…
Ang panuto ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain. Ito’y maaaring pabigkas o pasulat.
Ginagamit ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon:
[chart: compass rose of primary and secondary directions; no number or title printed; labels: Hilaga (top), Hilagang Kanluran, Hilagang Silangan, Kanluran (left), Silangan (right), Timog Kanluran, Timog Silangan, Timog (bottom)]
Ang pangunahing direksiyon ay ang apat na pangunahing sulok sa pagtunton ng lokasyon o direksiyon sa isang mapa o lugar tulad ng: Hilaga, Timog, Silangan, at Kanluran.
Ang pangalawang direksiyon naman ay ang Hilagang Kanluran, Hilagang Silangan, Timog Kanluran, at Timog Silangan.
Ang kasanayan sa pagbibigay ng panuto ay mahalagang matutuhan ng isang mag-aaral na katulad mo upang maibahagi at magawa nang tama at maayos ang mga gawain.
Narito ang mga dapat isaalang-alang sa wastong pagbibigay ng panuto:
[illustration: smiling boy waving beside four instruction boxes]
- Gumamit ng simple at payak na salita.
- Huwag maging paligoy-ligoy sa pagbibigay ng panuto.
- Gamitin ang wastong bantas sa hulihan ng bawat pangungusap.
- Alamin ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon.
Ang pagbibigay-kahulugan sa salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ay magagawa naman sa pamamagitan ng paggamit ng diksiyonaryo at talahuluganan.
Ikaw, subukin mo namang magbigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon at pagkatapos, hanapin ang kahulugan ng mga hindi pamilyar na salita sa isang diksiyonaryo upang malaman ang pormal na depinisyon ng mga ito.
Binabati kita at naunawaan mo ang tinalakay. Kasunod nito ang pagsagot sa mga pagsasanay para lalong mahasa ang iyong kasanayan.
Pagyamanin
Ipagpatuloy ang pagsasanay
A. Panuto: Kung ikaw ay magbibigay ng panuto sa taong nagtatanong ng direksiyon patungo sa kaniyang destinasyon, paano mo ito isusulat na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Palatandaan:
H- Hilaga
HS- Hilagang Silangan
S- Silangan
TS – Timog Silangan
T- Timog
TK – Timog Kanluran
K- Kanluran
HK – Hilagang Kanluran
[chart: compass rose of primary and secondary directions; no number or title printed; labels: Hilaga (top), Hilagang Kanluran, Hilagang Silangan, Kanluran (left), Silangan (right), Timog Kanluran, Timog Silangan, Timog (bottom)]
Gabay Panuto
| Gabay | Panuto |
|---|---|
| Dadaanan: T – Poste TK – Pulang Bahay Destinasyon: K – Bahay ni Ali | 1. |
| Dadaanan: H – Tindahan HS – Parke S – Munisipyo Destinasyon: TS – Paaralan | 2. |
| Dadaanan: H – Rizal Street S – Simbahan TS – Kainan ni Pepe Destinasyon: T – Museyo | 3. |
| Dadaanan: HK – Silid-Aklatan H – Covered Court HS – Silid-Aralan Destinasyon: TS – Klinika | 4. |
| Dadaanan: TK – Mall T – Bangko TS – Kainan Destinasyon: S – Pasyalan | 5. |
Gamitin mo ang rubrik sa ibaba para sa kabuoang ayos ng iyong ginawa. Ipamarka ito sa iyong magulang o kapatid.
| Elemento | Puntos 5 (Napakagaling) | Puntos 4 (Magaling na Magaling) | Puntos 3 (Magaling) | Puntos 2 (Katamtaman) | Puntos 1 (Magsanay pa) |
|---|---|---|---|---|---|
| Malinaw ang gustong ipahayag | |||||
| Naisalaysay nang mabuti ang panuto nang may wastong pagkakasunod-sunod | |||||
| Nakapagbigay ng tama at kumpletong detalye | |||||
| Iba pang puna | |||||
| KABUOAN |
B. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salitang may salungguhit. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Malaki ang potensiyal ni Marjorie sa pagsulat.
A. kabutihan C. trabaho
B. kakayahan D. kabutihanAng mga manggagawa ay masipag na ginagawa ang kanilang mga trabaho.
A. empleyado C. tambay
B. kaaway D. utusanKahit na nasa ikaapat na baitang pa lamang si Josiah ay mithiin na nitong maging isang doktor upang matulungan ang kaniyang mga magulang na may sakit.
A. gawain C. tingnan
B. ayaw D. pangarapSi Sarah Geronimo ay isa sa mga tanyag na mang-aawit sa bansa.
A. sikat C. hindi kilala
B. laos D. magalingBalisa ang ina dahil hindi pa umuuwi ang kaniyang anak galing sa bahay ng kaibigan.
A. panatag C. hindi mapakali
B. kalmado D. malungkot
[transcriber’s note: the underlined target words in items 6 to 10 are underlined in the original]
Binabati kita. Natapos mo ang pagsubok. Alamin natin sa pahina 18 ng Susi sa Pagwawasto ang tamang sagot.
Saang antas ka nabibilang?
9-10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
5-8 tamang sagot – MAGALING
1-4 tamang sagot – PAGBUBUTIHIN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN
Isaisip
Isiping mabuti…
A. Panuto: Punan ang sumusunod na talahanayan.
| Ano ang iyong mga natutuhan? | Ano ang kahalagahan nito? |
|---|---|
B. Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag.
Mahalagang matutuhan ang pagbibigay ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon at pagbibigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon dahil
Isagawa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na gawain sa iyong sagutang papel.
A. Sumulat ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon kung paano mararating ang paaralan na iyong pinapasukan mula sa iyong bahay.
B. Pumili ng tatlong salita na hindi pamilyar sa iyo at hanapin ang kahulugan sa isang diksiyonaryo upang malaman at maibigay ang pormal na depinisyon ng mga ito.
C. Sa iyong palagay, bakit mahalagang malaman ang wastong paraan ng pagbibigay ng panuto at kahulugan ng salita?
Tayahin
Hanggang saan na ba ang iyong kahusayan sa pagbibigay ng panuto at pagpapakahulugan gamit ang pormal na depinisyon?
A. Panuto: Tulungan si Maricar sa pagbibigay ng panuto gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon sa tulong ng isang mapa sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
[chart: map with compass rose; no number or title printed. Labels on the map: Simbahan; Munisipyo; Himpilan ng bumbero; Himpilan ng pulis; Ospital; Parke; Aklatan; Tindahan. A girl character (Maricar) is at the center. Compass rose labels: Hilaga; Hilagang Kanluran; Hilagang Silangan; Kanluran; Silangan; Timog Kanluran; Timog Silangan; Timog]
- Si Maricar ay bibili ng kape at bigas sa tindahan. Ibigay ang panuto.
- Siya naman ay magtutungo sa simbahan. Ibigay ang panuto.
- Gusto rin niyang dumaan sa aklatan upang humiram ng aklat. Ibigay ang panuto.
- Si Maricar ay pupunta sa parke upang maglaro. Ibigay ang panuto.
- Pumasok si Maricar sa munisipyo upang kumustahin ang kanyang tiya. Ibigay ang panuto.
B. Panuto: Kopyahin ang mga salita at hanapin ang kahulugan nito sa isang diksiyonaryo upang malaman at maibigay ang pormal na depinisyon ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
lihim – _____
mahirap – _____
kalahok – _____
kapanganakan – _____
espesyal – _____
[illustration: teacher character in a speech bubble]
Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga sagot sa pahina 18. Anong naramdaman mo matapos malaman ang resulta ng iyong pagsisikap?
[illustration: three face icons (sad, happy, neutral)]
Karagdagang Gawain
Ngayong malawak na ang iyong kaalaman, magsanay pa sa pagbibigay ng panuto at pagpapakahulugan gamit ang pormal na depinisyon.
Panuto: Sumulat ng panuto na may tatlo hanggang apat na hakbang gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon kung paano mararating ang pinakamalapit na simbahan mula sa inyong bahay. Pumili ng tatlong salita na hindi pamilyar sa iyo at hanapin ang kahulugan sa isang diksiyonaryo upang malaman at maibigay ang pormal na depinisyon ng mga ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Gamitin mo ang rubriks sa pahina 3 para sa kabuoang ayos ng iyong ginawa. Ipamarka ito sa iyong magulang o kapatid.
[illustration: boy character in a speech bubble, pointing]
Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang saya-saya ko dahil napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at gawain.
Ang husay mo!
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed partly upside down; the upside-down blocks are transcribed below in reading order]
[illustration: key icon]
Subukin
A. (gawing gabay ang mga sagot sa ibaba sa pagmamarka)
- Magtungo sa silangan upang bumili ng kandila at pagkatapos, tahakin ang daan patungo sa hilaga upang bumili ng ulam sa palengke.
2-5. (Ipagpatuloy ang pagmamarka sa mga susunod na bilang.)
B.
6-10. Ang sagot ay maaaring iba-iba dahil sa uri ng pagsasanay
Tuklasin
mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain
hilaga, timog, silangan, kanluran
hilagang kanluran, hilagang silangan, timog kanluran, timog silangan
(ang sagot ay iba) – maaaring iba
gumamit ng mga simpleng salita, alamin ang mga pangunahin at pangalawang direksyon
6-7. (ang sagot ay iba) – maaaring iba
Suriin
Gamitin ang rubriks sa pagwawasto sa pahina 3
Pagyamanin
A. (gawing gabay ang mga sagot sa ibaba sa pagmamarka)
- Mula sa poste sa timog, babaybayin ang daan patungo sa timog kanluran. May makikita kang pulang bahay. Maglakad pa patungong kanluran, mararating mo na ang bahay ni Ali.
2-5. (Ipagpatuloy ang pagmamarka sa mga susunod na bilang.)
B.
- B
- A
- D
- A
- C
Isagawa
Gamitin ang rubriks sa pagwawasto sa pahina 3
Tayahin
A. (gawing gabay ang mga sagot sa ibaba sa pagmamarka)
Pumunta sa Timog Silangang direksyon upang bumili ng kape at bigas sa tindahan.
Baybayin ang hilagang direksyon upang marating ang simbahan.
Pumunta sa Timog Kanlurang direksyon upang marating ang aklatan.
Pumunta sa Hilagang Silangan direksyon upang marating ang parke.
Pumunta sa timog na direksyon upang marating ang munisipyo.
B.
6-10. Ang sagot ay maaaring iba-iba dahil sa uri ng pagsasanay
Karagdagang Gawain
Gamitin ang rubriks sa pagwawasto sa pahina 3
Sanggunian
Jabines, A., et. al. Yaman ng Lahi 4, Wika at Pagbasa Kagamitan ng Mag-aaral (1st ed., pp. 100-112). Quezon City, Metro Manila: Sunshine Interlinks Publishing House, Inc. 2015
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply