This is the Grade 3 Filipino self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2: “Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto” (using prior knowledge or experience to understand a text you listen to). It was prepared by DepEd Region XI as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020) for learners studying at home. A family member reads the texts aloud, and the learner answers questions about them.
What learners will learn
After this module, learners are expected to:
- use prior knowledge or experience to understand a text they have listened to (F3PN-Ib-2).
The module tests listening skills, so most activities start with a short text read aloud by a family member, or a recording read by the teacher.
Parts of the module
The module has one lesson, Aralin 1, which has the same title as the module. It follows the usual self-learning module parts:
| Part | What the learner does |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Names the family member described in each item (ate, ama, ina, kuya, bunso) based on what they know about families |
| Balikan (review) | Fills in sentences with the correct noun (pangngalan) |
| Tuklasin (discover) | Listens to “Ang Pamilyang Nagkakaisa” (the united family) and answers five questions |
| Suriin (explain) | Reads the key idea of the lesson |
| Pagyamanin (practice) | Gawain A: listens to a poem about CoVid-19 and answers questions; Gawain B: matches CoVid-19 prevention steps with pictures |
| Isaisip (remember) | Completes a sentence that sums up the lesson |
| Isagawa (apply) | Listens to “Tungkulin sa Tahanan” (duties at home) and answers questions |
| Tayahin (assessment) | Listens to “Ang Kahalagahan ng Tubig” (the importance of water) and writes answers |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Listens to “Pangarap ni Raprap” (Raprap’s dream) and completes sentences |
Key idea: using what you already know
The module’s main point is simple: when you listen to a text, you understand it better if you use what you already know and what you have experienced. The Isaisip sentence puts it this way: you can use your earlier knowledge (kaalaman) and experience (karanasan) to understand the text you heard more easily.
The texts are chosen so that children can connect them to their own lives:
- Family roles. The pretest asks learners to recognize the father as “haligi ng tahanan” (pillar of the home) and the mother as “ilaw ng tahanan” (light of the home), using what they know from their own families.
- “Ang Pamilyang Nagkakaisa”. A family that prays together, helps each other, and overcomes problems because they are united and trust in God.
- “CoVid-19”. A short poem explaining that CoVid-19 is a contagious illness spread by coughing and sneezing, and that staying home keeps people safe. The matching activity adds steps such as wearing a face mask, washing hands often, keeping a one-meter distance, avoiding crowded places, and covering the mouth when coughing or sneezing.
- “Tungkulin sa Tahanan”. Nelo, Mina, and Ben, the three children of Aling Nita and Mang Karding, each do chores at home. Learners are asked why they should do their own chores, linking the story to their experience.
- “Ang Kahalagahan ng Tubig”. Water helps digest food, keeps blood flowing, and keeps body temperature steady, so we should drink eight glasses a day.
- “Pangarap ni Raprap”. A smart Grade 3 pupil teaches his classmate Gab to read and dreams of becoming a teacher, earning the name “little teacher”.
Some questions have one answer stated in the text, while others ask “Sa iyong palagay” (in your opinion), so learners must think about their own experience.
How to use this module
- For learners: Read the instructions in each part carefully. Write your answers on a separate answer sheet, not on the module, so others can use it later. Answer the pretest first, then go through the parts in order.
- For parents and family members: Read the listening texts aloud to your child. They are printed at the back of the module, one for each activity. If the teacher provided a recording, you can play it instead. An aunt, uncle, or other relative living nearby can also help.
- For teachers: The module includes an answer key (Susi sa Pagwawasto) for every part, including sample answers for the written Tayahin questions. Learners are asked to contact their teacher if they have trouble understanding the lesson.
Use the answer key honestly, only after finishing each activity, to check which answers are right or wrong.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Filipino module for?
It is for Grade 3 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 2.
What competency does this module cover?
It covers using prior knowledge or experience to understand a text you have listened to, competency code F3PN-Ib-2.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for every part, from the pretest to the extra activity, including sample answers for the written assessment.
Who reads the texts to the learner?
A family member or older relative reads the listening texts aloud. The texts are printed at the back of the module, or a recording read by the teacher can be played.
What stories and texts are in the module?
The listening texts are Ang Pamilyang Nagkakaisa, a poem about CoVid-19, Tungkulin sa Tahanan, Ang Kahalagahan ng Tubig, and Pangarap ni Raprap.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
3
Filipino Unang Markahan – Modyul 2: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto
CO_Q1_Filipino 3_Module 2
Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Helen A. Bustamante, Merry Jean A. De Asis Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos Tagasuri: Ame Grace I. Pamongcales, Christopher U. Gonzales, Alemer O. Veloso Tagawasto: April T. Delos Santos Tagaguhit at Tagalapat: Reygean Joyce B. Canlas at Jecson L. Oafallas Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Josephine L. Fadul, Mary Jeanne B. Aldeguer, Christine C. Bagacay, Analiza C. Almazan, Lorna C. Ragos, Ma. Cielo D. Estrada, Cristy S. Agudera, Mary Jane M. Mejorada, Alma D. Mercado
3
Filipino Unang Markahan – Modyul 2: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Kumusta ka na?
Ako’y lubos na nasisiyahan dahil napagtagumpayan mo ang naunang gawain!
Sa araling ito, susukatin ang iyong kakayahan sa pakikinig. Magpatulong ka sa iyong kapamilya para basahin ang mga teksto o kuwento. Maaari ring humingi ng gabay sa pakikinig ng teksto sa kamag-anak na nakatira o malapit sa inyong bahay tulad ng iyong tiya at tiyo.
Sa modyul na ito, matututuhan mong gamitin ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto.
May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong kaalaman tungkol dito. Basahin mong mabuti ang panuto sa bawat bahagi at isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
- nakagagamit ng naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto (F3PN-Ib-2).
Subukin
Kilalanin ang mga taong tinutukoy sa bawat bilang batay sa iyong naunang kaalaman o karanasan sa pamilya.
Piliin mula sa kahon ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
ate ama ina kuya bunso
_____ 1. Masayahing bata si Lito. Ginagawa niya ang pagtulong sa kaniyang ama nang may ngiti sa kaniyang labi.
_____ 2. Si Mar ay masunuring bata. Sinusunod niya ang mga payo at utos ng kaniyang magulang at nakatatandang kapatid.
_____ 3. Si Mara ay masipag na bata. Tumutulong siya sa mga gawaing bahay tulad ng pagluluto, paglalaba at pag-aalaga ng bunsong kapatid.
_____ 4. Si Mang Lino ang haligi ng tahanan. Naghahanapbuhay siya upang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.
_____ 5. Si Aling Nita ang ilaw ng tahanan. Siya ay nangangasiwa sa mga gawain upang maging maayos at magkakaintindihan ang buong pamilya.
Aralin 1: Paggamit ng Naunang Kaalaman o Karanasan sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto
Balikan
Punan mo ng wastong pangngalan ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng iyong sagot.
Si Bb. Helen Cruz ay isang _____ na nagtuturo sa paaralan.
- a. karpintero
- b. upuan
- c. guro
Pumunta si nanay sa _____.
- a. baso
- b. palengke
- c. Aling Nina
Mabait si _____ sa kaniyang kaklase.
- a. aso
- b. Berto
- c. rosas
Presko ang hangin sa _____.
- a. unan
- b. bukid
- c. palengke
Mabango ang _____ na sampaguita.
- a. pabango
- b. bulaklak
- c. simbahan
Tuklasin
Pakinggan ang tekstong babasahin ng iyong kapamilya sa pahina 11 o i-play ang naka-record na tekstong binasa ng guro. Sagutin mo ang sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng iyong sagot.
Ano ang pamagat ng tekstong napakinggan?
- a. Ang Pamilya
- b. Ang Aming Pamilya
- c. Ang Pamilyang Nagkakaisa
Sino-sino ang bumubuo ng pamilya?
- a. nanay at tatay
- b. nanay, tatay at ate
- c. nanay, tatay, ate, kuya at bunso
Paano itinuturo ng mga magulang ang pananalig sa Diyos?
- a. Nagtutulungan sila.
- b. Sila ay nagmamahalan.
- c. Sama-sama silang nagsisimba at nagdarasal.
Bakit nalalampasan ng pamilya ang bawat problema ayon sa teksto?
- a. Nakikinig sila sa bawat isa.
- b. Nag-uusap sila kapag may problema.
- c. Nagkakaisa sila at nananalig sa Puong Maykapal.
Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagkakaisa ng pamilya?
Mahalaga ang pagkakaisa ng pamilya upang maging _____.
- a. magulo
- b. malungkot
- c. mapayapa
Suriin
Sa pakikinig ng teksto, mas mauunawaan mo ang ideya nito kung iyong gagamitin ang naunang kaalaman at karanasan mo.
Pagyamanin
Gawain A
Sa tulong ng nakatatanda sa iyo, pakinggan mo ang tekstong kaniyang babasahin sa pahina 12 at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang titik ng iyong sagot.
Ano ang CoVid-19 batay sa tekstong napakinggan?
a. masamang kaaway
b. simpleng karamdaman
c. nakahahawang karamdamanSino-sino ang maaaring mahawahan nito?
a. mga bata
b. mga matatanda
c. mga bata at matatandaAno ang nabanggit sa teksto na dapat gawin upang maiwasan ang CoVid-19?
a. lumabas ng bahay
b. manatili sa loob ng bahay
c. makipaglaro sa mga kaibiganBakit kailangang manatili sa loob ng inyong bahay ayon sa tekstong napakinggan?
Upang _____.
a. magkaroon ng panahon sa pamilya.
b. maging maayos at malinis ang loob ng bahay.
c. maging ligtas at hindi mahawahan ng sakit na CoVid-19.Sa palagay mo, ano pa ang maaaring gawin upang maiwasan ang CoVid-19?
a. Palaging maghugas ng kamay.
b. Makipagkamay sa mga kaibigan.
c. Makisalamuha sa ibang mga tao.
Gawain B
Pagtambalin ang mga hakbang sa pag-iwas sa CoVid-19 na nasa Hanay A sa mga larawang nasa Banay B. Isulat ang titik ng iyong sagot.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. Iwasan ang matataong lugar. | a. [illustration: woman with an arrow pointing away] |
| 2. Magsuot ng protective face mask. | b. [illustration: adult and child with a thought bubble] |
| 3. Hugasan ng palagi ang mga kamay. | c. [illustration: hands being washed under running water] |
| 4. Panatilihin ang isang metrong distansiya sa kapuwa-tao. | d. [illustration: two people standing apart with a distance arrow between them] |
| 5. Takpan ang bibig kapag umuubo at bumabahing. | e. [illustration: person covering mouth with arm while coughing] |
Isaisip
Punan ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan.
Nalaman kong magagamit ang mga naunang _____ at _____ ko upang mas madali kong maunawaan ang tekstong aking napakinggan.
[illustration: girl with hands gesturing, speaking in a speech bubble]
Isagawa
Pakinggan ang tekstong babasahin ng iyong kapamilya sa pahina 11 o i-play ang naka-record na tekstong binasa ng guro. Sagutin mo ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot.
Sino ang pangalawang anak nina Aling Nita at Mang Karding na tumutulong sa pagluluto at paglalaba?
a. Ben
b. Nelo
c. MinaAno ang ginagawa ni Ben bilang bunsong anak?
a. nagluluto ng pagkain
b. nagliligpit ng hinihigaan
c. naglalaba ng mga damitSi Mina ay tumutulong sa kaniyang ina sa pagluluto at paglalaba. Paano mo mailalarawan si Mina?
a. mahiyain
b. mayabang
c. matulunginTuwing umaga, ginagampanan ni Nelo ang pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop. Natutuwa siya habang ginagawa ito lalo na kapag kasama ang kaniyang ama.
.Tulad ni Nelo, bakit kailangang gampanan mo ang iyong tungkulin sa tahanan?
a. para maging sikat sa pamilya.
b. dahil pinilit nina nanay at tatay
c. upang matuto at lumaking responsableng bataSi Ben ang tagaligpit ng mga laruang nakakalat sa kanilang bahay. Natutuwa siya kapag malinis ito.
Ginagawa mo rin ba sa inyong bahay ang ginagawa ni Ben? Bakit?
a. Hindi, dahil nakakapagod.
b. Oo, dahil binibigyan ako ni nanay ng pera pagkatapos.
c. Oo, dahil magandang tingnan ang malinis at maayos na tahanan.
Tayahin
Pakinggan ang tekstong babasahin ng iyong kapamilya sa pahina 12 o i-play ang naka-record na tekstong binasa ng guro. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Mga Tanong:
Ano ang pamagat ng teksto?
Ilang basong tubig ang kailangang inumin araw-araw?
Bakit mahalaga ang tubig sa ating buhay?
Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung kulang ang iniinom nating tubig?
Kung aanyayahan ka ng iyong kaibigan na uminom ng softdrink, ano ang gagawin mo?
Karagdagang Gawain
Pakinggan ang tekstong babasahin ng iyong kapamilya sa pahina 13 o i-play ang naka-record na tekstong binasa ng guro. Pagkatapos ay isagawa ang gawaing nasa ibaba.
Punan ang patlang ng bawat bilang upang mabuo ang pangungusap batay sa napakinggang teksto.
- Si Raprap ay isang batang _____.
- Tinuturuan ni Raprap si _____ na bumasa.
- Ang pangarap niya ay magiging isang _____.
- Tinaguriang _____ si Raprap dahil sa kaniyang magandang ginawa.
- Natutuwa ang guro niyang si _____ sa ipinakita ng kaniyang mag-aaral.
(Teksto para sa Tuklasin)
Ang Pamilyang Nagkakaisa
Sinulat ni: Helen A. Bustamante
Masaya ang aming pamilya. Araw-araw, ipinaparamdam nina nanay at tatay ang pagmamahal nila sa aming magkakapatid. Tinuturuan nila kami ng magagandang asal lalong-lalo na ang pananalig at pagmamahal sa Diyos. Sama-sama kaming nagsisimba at nagdarasal. “Mahalin ninyo ang Diyos at gawin ang mabuti sa kapwa,” iyan ang palaging bilin nila sa amin.
Lumaki kaming may malasakit sa isa’t isa. Nagtutulungan kami sa anumang gawain sa aming tahanan. Kapag nahihirapan ako, nariyan palagi sina ate at kuya upang ako’y alalayan. Ang bawat problema ay aming nalalampasan dahil kami ay nagkakaisa at nananalig sa Poong Maykapal.
[transcriber’s note: a stray mark resembling the letter “i” appears at the top of this page]
(Teksto para sa Isagawa)
Tungkulin sa Tahanan
Sinulat ni: Helen A. Bustamante
Maraming natutuwa sa pamilya nina Aling Nita at Mang Karding. Napalaki kasi nila ang kanilang tatlong mga anak nang mabuti. Sila ay mababait at masisipag na minana nila sa kanilang mga magulang.
Si Nelo ang panganay nilang anak. Siya ang katuwang ng kaniyang ama sa pag-aalaga ng kanilang mga alagang hayop. Si Mina ang nagdidilig ng kanilang mga halaman at tumutulong sa kaniyang ina sa pagluluto at paglalaba. Ang bunso namang si Ben ang nagliligpit ng kanilang hinihigaan at mga laruang nakakalat. Natutuwa siya kapag malinis ang kanilang bahay.
Ang pamilya nila ay tinaguriang modelong pamilya dahil sa ipinakitang pagtutulungan at kasipagan sa paggawa ng mga tungkulin sa kanilang tahanan.
(Teksto para sa Pagyamanin)
CoVid-19
Sinulat ni: Helen A. Bustamante
CoVid 19 ang kaniyang pangalan
Isang nakahahawang karamdaman
Sa pag-ubo at pagbahing na paraan
Kaya lahat siya ay iniiwasan.
.
Alagad ng kalusugan ay gumawa ng hakbang
Pagpapanatili sa loob ng bahay ay ipinaalam
Upang mga tao’y ligtas at hindi mahawahan
Nang sa gayon, CoVid-19 mawala nang tuluyan.
(Teksto para sa Tayahin)
Ang Kahalagahan ng Tubig
Sinulat ni: Helen A. Bustamante
Lubhang napakahalaga ng tubig sa buhay ng bawat isa. Kung wala ito, posibleng walang mabubuhay sa mundo. Kaya naman, palaging pinapaalala sa atin ng ating mga magulang at mga alagad ng kalusugan na kailangang uminom ng walong basong tubig araw-araw.
Maraming mahahalagang maidudulot ang tubig sa ating katawan. Kabilang na rito ang pagtunaw ng ating mga kinain, sirkulasyon ng ating dugo at maging pagmementena ng temperatura ng ating katawan. Kaya, ugaliin nating uminon ng walong basong tubig araw-araw para sa ating malinis at magandang pangangatawan.
(Teksto para sa Karagdagang Gawain)
Pangarap ni Raprap
Sinulat ni: Helen A. Bustamante
Isa si Raprap sa mga mag-aaral na nasa ikatlong baitang. Matalino siyang bata. Iyan ang napapansin ni Gng. Lorna Santos na kaniyang tagapayo. Tuwing tanghali, may inilalaan siyang oras para turuan niyang magbasa ang kaniyang kaklase na si Gab.
“Ginang Santos, maaari po bang humiram ng pinapabasa mong aklat kay Gab,” ang sabi ni Raprap sabay akbay kay Gab papalabas ng silid aralan.
Isang hapon, bago mag-uwian, “Rap, natutuwa akong tinuturuan mong magbasa si Gab”, sambit ni Ginang Santos.
“Gusto ko po kasi kayong tulungan upang matutong bumasa si Gab at pangarap ko pong paglaki ko ay magiging katulad mo po ma’am, isang guro”, sagot ni Raprap. Masaya at napaluha ang guro sa kaniyang narinig. Mula noon, si Raprap ay tinaguriang little teacher sa kanilang klase.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer-key blocks on this page are printed rotated 180 degrees; they are listed here in reading order]
Subukin
- kuya
- bunso
- ate
- ama
- ina
Balikan
- c
- b
- b
- b
- b
Tuklasin
- c
- c
- c
- c
- c.
Pagyamanin
I.
- c
- c
- b
- c
- a
II.
- b
- a
- c
- d
- e
Isaisip
kaalaman
karanasan
Isagawa
- c
- b
- c
- c
- c
Tayahin
- Ang Kahalagahan ng Tubig
- Walong basong tubig
- Mahalaga ang tubig upang mabuhay nang may malinis at malusog na pangangatawan.
- Kung kulang ang iniinom na tubig ay maaaring magkasakit.
- Hindi ako iinom ng softdrink kasi hindi ito nakatutulong sa aking katawan.
Karagdagang Gawain
- matalino
- Gab
- guro
- Little Teacher
- Gng. Santos
Sanggunian
K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino. Department of Education 2016, 45-66. Department of Education, Central Office, Meralco Avenue, Pasig City.
K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 3. Department of Education Curriculum and Instruction Strand 2020, 150-153. Department of Education, Central Office, Meralco Avenue, Pasig City.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply