Filipino 3 Quarter 1 Module 10: Paggamit ng Magagalang na Salita na Angkop sa Sitwasyon

Filipino 3 Quarter 1 Module 10 teaches polite words for greeting, apologizing, talking to elders and strangers, and borrowing things, with answer key.

This is the Filipino 3 Quarter 1 (Unang Markahan) Module 10 self-learning module, “Paggamit ng Magagalang na Salita na Angkop sa Sitwasyon” (using polite words that suit the situation). It covers greeting, making requests, apologizing, talking with elders and strangers, and borrowing things. It is a Grade 3 Alternative Delivery Mode module from DepEd Region XI, first edition 2020. After it, learners should be able to choose and say the right polite words for everyday situations at home, in school, and in the community.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states one main goal: learners will use polite words that fit the situation (F3PS-If-12, F3PS-IIb-12.5). Each lesson adds a focus:

  • Use polite words when greeting, thanking, apologizing, and talking on the phone.
  • Use polite words when talking with elders and with people they do not know.
  • Use polite words when borrowing something and after returning it.

Lessons in this module

  1. Aralin 1: Magagalang na Pananalita na Angkop sa Sitwasyon (polite expressions that suit the situation). Amy accidentally breaks her teacher’s vase, greets Gng. Santos, tells the truth, apologizes, and thanks her for understanding.
  2. Aralin 2: Magagalang na Pananalita sa Angkop na Sitwasyon sa Pakikipag-usap sa Matatanda at Hindi Kilala (polite expressions for talking with elders and strangers). Learners practice using po and opo, asking with maaari po ba, and making requests with paki-.
  3. Aralin 3: Magagalang na Pananalita sa Paghihiram ng Gamit (polite expressions when borrowing things). Mira forgets her coloring materials and politely borrows Len’s, thanks her, and returns them.

Key ideas: polite words and when to use them

The module explains that polite words (magagalang na pananalita) show respect to the person you are talking to. Here are the expressions it teaches, grouped by situation.

Greeting and thanking

  • Magandang umaga (good morning), Magandang tanghali (good noon), Magandang hapon (good afternoon), Magandang gabi (good evening)
  • Maraming salamat (thank you very much), for example, “Maraming salamat po sa ibinigay mong regalo ninang” when your godmother gives you a gift
  • Walang anuman (you’re welcome), the reply when someone thanks you
  • Kumusta po kayo? (how are you?), for example, when visiting grandparents

Learners must match the greeting to the time of day. If you meet your teacher one afternoon in the market, the right greeting is “Magandang hapon po.”

Apologizing

  • “Ipagpaumanhin po ninyo, hindi ko po sinasadya” (please forgive me, I did not mean it)
  • “Pasensya na po” and “Patawarin niyo po ako” (I’m sorry, please forgive me)

The module contrasts these with rude replies such as “Hindi ko kasalanan!” (it’s not my fault) and “Wala akong pakialam” (I don’t care). In Amy’s story, the teacher values that Amy told the truth.

Talking on the phone

  • “Hello, magandang umaga. Kumusta ka na?” (hello, good morning, how are you?)

Talking with elders and strangers

  • Use po and opo: “Opo, Itay,” “Ingat po kayo,” “Paalam na po, Gng. Evangelista.”
  • Ask with maaari po ba (may I, please): “Maaari po bang pumunta sa tindahan ngayon?”
  • Request with paki- (please): “Pakikuha po ng bulaklak,” “Pakibigay po ito kay Felipe.”
  • Mano po when taking an elder’s hand in greeting, Tuloy po kayo (please come in) for visitors, and Makikiraan po (excuse me) when passing by.

The lesson’s key reminder: when talking with elders and strangers, always use po and opo. For example, when Nanay asks about homework, “Opo, tapos na po Inay” is polite, but “Hindi pa! Kararating ko lang” is not.

Borrowing things

  • Before borrowing: “Maaari ko bang hiramin ang iyong gamit?” or “Puwede ko po bang hiramin saglit ang iyong gamit?”
  • After borrowing: “Maraming salamat sa pagpapahiram ng iyong gamit.”

The module shows that good borrowers ask first, say thanks, return things, and apologize if they damage or forget to return what they borrowed. Demands like “Akin na ang mga gamit mo” (give me your things) are marked as not polite.

How to use this module

Each lesson follows the same parts: Alamin (goal), Subukin (pretest), Balikan (review), Tuklasin (story or dialogue), Suriin (explanation), Pagyamanin (practice), Isaisip (key points), Isagawa (application), Tayahin (assessment), and Karagdagang Gawain (extra activity). An answer key (Susi sa Pagwawasto) for all three lessons is at the end.

  • Learners: Do not write on the module. Answer on a separate sheet of paper. Take the pretest first, work through the parts in order, and check your answers honestly with the answer key. Ask your teacher right away if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Read the dialogues aloud with your child. Practice the expressions at home, for example saying po and opo, greeting visitors, and thanking family members.
  • Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The Tayahin at the end of each lesson measures what they learned. The module comes with a separate teacher’s or facilitator’s guide with tips for those guiding learners at home.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Filipino module for?

It is for Grade 3 Filipino, Quarter 1 (Unang Markahan), and it is Module 10 of the series.

What competency does this module cover?

It covers using polite words that fit the situation, with the printed competency codes F3PS-If-12 and F3PS-IIb-12.5.

What are the three lessons about?

Lesson 1 covers polite greetings, thanks, apologies, and phone talk. Lesson 2 covers talking with elders and strangers using po, opo, maaari po ba, and paki-. Lesson 3 covers polite words when borrowing things.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end of the module gives answers for the activities in all three lessons.

Why should children use po and opo?

The module teaches that po and opo show respect, and that children should always use them when talking with elders and people they do not know.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

3

Filipino

Unang Markahan – Modyul 10: Paggamit ng Magagalang na Salita na Angkop sa Sitwasyon (pagbati, pakiusap, paghingi ng paumanhin, pakikipag-usap sa matatanda at hindi kilala at panghihiram ng gamit)

[illustration: children studying outdoors and indoors, a woman teacher, a boy writing by lamplight, and a globe]

ALTERNATIVE DELIVERY MODE

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Filipino – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 10: Paggamit ng Magagalang na Salita na Angkop sa Sitwasyon (pagbati, pakiusap, paghingi ng paumanhin, pakikipag-usap sa matatanda at hindi kilala at panghihiram ng gamit) Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dolly Jane B. Jamil, Redem D. Evangelista, Christine Ann G. Rubillos Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos Tagasuri: Vicente A. Pines Jr., Eusebia Y. Salvacion, Althea S. Llameg Tagawasto: Mercy Y. Malarayap Tagaguhit at Tagalapat: Mary Grace Refulle, Jecson L. Oafallas Tagapamahala: Allan G. Farnazo; Josephine L. Fadul Mary Jeanne B. Aldeguer; Christine C. Bagacay Analiza C. Almazan; Lorna C. Ragos Ma. Cielo D. Estrada; Cristy S. Agudera Mary Jane M. Mejorada; Alma D. Mercado

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

Filipino

Unang Markahan – Modyul 10: Paggamit ng Magagalang na Salita na Angkop sa Sitwasyon (pagbati, pakiusap, paghingi ng paumanhin, pakikipag-usap sa matatanda at hindi kilala at panghihiram ng gamit)

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Mahusay! Naipakita mo ang iyong galing sa pagsagot sa mga naunang gawain!

Sa modyul na ito, matutuhan mong gumamit ng magagalang na salita na angkop sa sitwasyon (F3PS-If-12, F3PS-IIb-12.5).

Subukin

Piliin mo ang magagalang na pananalita na angkop sa bawat sitwasyon. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Sitwasyon 1: Isang umaga, nakita mo ang iyong guro na si Gng. Santos sa parke. Ano ang iyong sasabihin?

a. Magandang umaga po, Gng. Santos. b. Magandang gabi po, Gng. Santos. c. Magandang tanghali po, Gng. Santos.

Sitwasyon 2: Dinalaw mo sa probinsiya ang iyong lolo at lola na matagal mo ng hindi nabibisita.

a. Maraming salamat po lolo at lola. b. Kumusta po kayo, lolo at lola? c. Pasensya na po kayo, lolo at lola.

Sitwasyon 3: Gusto mong humiram ng lapis sa iyong kaklase. Ano ang sasabihin mo?

a. Makikiraan po. b. Magandang gabi po. c. Maaari ko bang mahiram ang lapis mo?

Sitwasyon 4: Hindi mo sinasadyang mabasag ang platong hinuhugasan mo.

a. Hindi ko kasalanan! b. Wala akong pakialam. c. Paumanhin po. Hindi ko po sinasadya.

Sitwasyon 5: Binigyan ka ng regalo ng iyong inay at itay sa iyong kaarawan.

a. Paumanhin po. Hindi ko po sinasadya. b. Maraming salamat po inay at itay. c. Magandang gabi po inay at itay.

Aralin 1

Magagalang na Pananalita na Angkop sa Sitwasyon

Balikan

Kumpletuhin ang tula ukol sa Masayang Pamilya gamit ang panghalip kami, tayo, kayo at sila.

Masayang Pamilya Raquel A. Tangga-an

[illustration: a smiling family of two parents and three children]

_____ay masaya _____ng lahat ay masaya. _____ay masaya? _____ng lahat ay masayang-masaya kapag ang pamilya ay sama-sama.

Tuklasin

Basahin at unawain mo ang usapan.

Lunes ng umaga, maagang pumasok si Amy sa paaralan. Binuksan niya ang pinto ng kanilang silid-aralan at nagsimulang magpunas ng mesa. Sa hindi inaasahan ay bigla niyang nahulog at nabasag ang plorera sa mesa ng kanyang guro na si Gng. Elvie Santos.

Amy: Magandang umaga po Gng. Santos.

Gng. Santos: Magandang umaga rin sa iyo Amy.

Amy: May gusto po sana akong sabihin sa inyo.

Gng. Santos: Ano ang gusto mong sabihin Amy?

Amy: Hindi ko po sinasadyang mabasag ang inyong plorera sa mesa habang naglilinis po ako, ipagpaumanhin po ninyo Gng. Santos.

Gng. Santos: Ang importante ay hindi ka nasugatan at nagsabi ka ng totoo Amy.

Amy: Maraming Salamat po Gng. Santos sa pag-intindi po ninyo.

Gng. Santos: Walang anuman Amy.

Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot sa mga tanong.

  1. Ano ang nabasag ni Amy sa loob ng kanilang silid-aralan?
    a. baso
    b. plorera
    c. salamin


  2. Sino ang guro ng batang nabanggit sa usapan?
    a. Gng. Cruz
    b. Gng. Santos
    c. Gng. Delos Reyes


  3. Saan nangyari ang usapan?
    a. bahay
    b. hospital
    c. paaralan


  4. Paano mo babatiin ang iyong guro sa umaga pagdating sa paaralan?
    a. “Maraming Salamat po.”
    b. “Magandang umaga po.”
    c. “Ipagpaumanhin niyo po.”


  5. Kung may nagawa kang kasalanan, ano ang dapat mong sabihin?
    a. “Maraming Salamat.”
    b. “Wala akong pakialam!”
    c. “Ipagpaumanhin niyo po ang nagawa kung kasalanan.”


Suriin

Ang magagalang na pananalita ay ginagamit upang maipakita ang respeto at paggalang sa kausap.

Narito ang ilang mga magagalang na pananalita at kung kailan ito ginagamit.

Sa paghingi ng paumanhin:

  • “Ipagpaumanhin po ninyo hindi ko po sinasadya.

Kapag nakikipag-usap sa telepono sa iyong kaibigan

  • “Hello, magandang umaga. Kumusta ka na?”

Kapag binigyan ka ng regalo ng iyong ninang

  • “Maraming salamat po sa ibinigay mong regalo ninang.”
Pagyamanin

Sa gawaing ito, isulat mo sa sagutang papel ang maaaring maging tugon sa mga magagalang na pananalita na ibinigay sa usapan.

  1. [illustration: two girls talking on a telephone]
    Speech bubble: “Hello, magandang umaga, kumusta ka na?”


  2. [illustration: a girl handing a gift to another girl]
    Speech bubble: “Para sa iyo ang regalong ito. Ibinigay sa Ibinigay sa iyo ng iyong Tita Ana.”


  3. [illustration: a mother preparing food while a child sets the table]
    Speech bubble: “Anak, maaari mo bang ihanda ang mesa para sa hapunan natin?”


  4. [illustration: a woman speaking to a small child]
    Speech bubble (left, blank)
    Speech bubble: “Mag-iingat ka anak sa lakad mo.”


  5. [illustration: a woman holding a broken plate and speaking to a boy]
    Speech bubble: “Ikaw ba ang nakabasag nito, Paulo?”
    Speech bubble (right, blank)


Isaisip

Magagalang na pananalita sa pagbati

  • Magandang umaga
  • Magandang hapon
  • Magandang gabi
  • Maraming salamat

Magagalang na pananalita sa paghingi ng paumanhin

  • Ipagpaumanhin po ninyo, hindi ko po sinasadya.

Magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa telepono

  • Hello, magandang umaga. Kumusta ka na?
Isagawa

Kulayan ang (masayang mukha) kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagiging magalang. Kulayan naman ang (malungkot na mukha) kung hindi.

[transcriber’s note: each item is printed beside two smiley-face outlines, a happy face and a sad face, to be colored]

  1. “Ipagpaumanhin niyo po, hindi ko na po uulitin.”
  2. “Ayaw ko pong humingi ng tawad sa kanya!”
  3. “Maaari po ba akong magtanong?”
  4. “Humihingi po ako ng tawad sa aking kasalanan.”
  5. “Makikiraan po.”
Tayahin

Hanapin sa Hanay B ang magagalang na pananalita na angkop sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

AB
____1. [illustration: two adults and a child exchanging greetings]a. Magandang gabi po.
____2. [illustration: a child and an adult under the night sky]b. Makikiraan po.
____3. [illustration: a child bowing to take an elder’s hand]c. Mano po lola.
____4. [illustration: a child picking up objects near a table]d. Maraming Salamat po.
____5. [illustration: a child handing something to a woman]e. Ipagpaumanhin po ninyo.
Karagdagang Gawain

Isulat sa sagutang papel ang magagalang na salita na angkop sa sumusunod na sitwasyon. Piliin mo sa loob ng kahon ang iyong sagot.

  • “Maraming salamat po.”
  • “Ipagpaumanhin po ninyo.”
  • “Magandang hapon po Ma’am.”
  • “Kumusta po kayo ninang?”
  • “Walang anuman.”
  1. Nabasag mo ang salamin ng iyong ina.





  2. Binigyan ka ng pagkain ng iyong kaklase.





  3. Isang hapon, nakasalubong mo sa palengke ang iyong guro.





Alamin

Sa aralin na ito, matutuhan mong gumamit ng magagalang na pananalita sa angkop na sitwasyon sa pakikipag-usap sa matanda at hindi kakilala.

Subukin

Naglalakad ka nang mabilis papuntang silid-aralan, nang hindi sinasadya ay nabangga mo ang iyong guro. Ano ang iyong sasabihin?

Iguhit ang bituin (☆) sa iyong sagutang papel kung ito ay tama at ekis ( X ) naman kung mali.

____ 1. Pasensya na po Ma’am, hindi ko po sinasadya.

____ 2. Pasensya na po Ma’am, paharang–harang ka kasi.

____ 3. Pasensya na po Ma’am, hindi ka kasi tumitingin sa iyong dinadaanan.

____ 4. Patawarin niyo po ako Ma’am, hindi ko po sinasadya.

____ 5. Patawarin niyo po ako Ma’am, sa pagmamadali ko po nabangga ko po kayo. Hindi ko po sinasadya.

Aralin 2

Magagalang na Pananalita sa Angkop na Sitwasyon sa Pakikipag-usap sa Matatanda at Hindi Kilala

Balikan

Tinanong ka ng nanay mo kung nagawa mo na ba ang iyong takdang aralin. Ano ang sasabihin mo?

Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

____ 1. Oo, tapos na Inay.

____ 2. Oo, kanina pa Inay!

____ 3. Opo, tapos na po Inay.

____ 4. Hindi pa po Inay.

____ 5. Hindi pa! Kararating ko lang galing sa paaralan.

Tuklasin

Alin sa sumusunod na usapan ang nagpapakita ng pagkamagalang sa nakatatanda at hindi kilala? Isulat ang tsek sa sagutang papel.

  1. [illustration: a girl speaking to a woman who is holding books]

    • “Magandang umaga po, Gng. Evangelista. Maraming salamat po sa tulong.”
    • “Walang anuman, Mila.”
    • Answer: _____
  2. [illustration: a girl and a woman shaking hands]

    • “Okay lang.”
    • “Anak, kumusta ang iyong pag-aaral?”
    • Answer: _____
  3. [illustration: a girl pointing while a younger child gestures]

    • “Bata, puwede bang magtanong? Saan dito ang daan patungong kantina?”
    • “Naku ale! Magtanong ka sa iba! Wala akong alam.”
    • Answer: _____
  4. [illustration: a mother and a daughter talking]

    • “Anak, maari bang mamaya na lang?”
    • “Nanay, maaari po bang pumunta sa palaruan ngayon?”
    • Answer: _____
Suriin

Isang paraan ng pagpapakita ng pagiging magalang ay ang paggamit ng mga magagalang na pananalita. Ang mga magagalang na salita sa pakikipag-usap sa nakatatanda at sa hindi kakilala.

  • Magandang umaga po.
  • Magandang tanghali po.
  • Magandang hapon po.
  • Magandang gabi po.
  • Salamat po.

Po at opo

  • Opo, Itay
  • Ingat po kayo.
  • Sa inyo po ba itong aklat?
  • Paalam na po, Gng. Evangelista.

Maari po ba

  • Maaari po bang pahiram ng aklat mo?
  • Maaari po bang samahan mo ako sa palaruan?
  • Maaari po bang pumunta sa tindahan ngayon?

Paki-

  • Pakikuha po ng bulaklak.
  • Pakibigay po ito kay Felipe.
  • Pakilinis ng bakuran.
Pagyamanin

Isulat sa sagutang papel ang letra na angkop sa magagalang na pananalitang gagamitin sa bawat larawan.

  1. [illustration: an elderly man with a cane and a child bowing to press the man’s hand to the child’s forehead]
    • a. Mano po.
    • b. Tao po.
    • c. Tama po.
Isaisip

Isang paraan ng pagpapakita ng pagiging magalang ay ang paggamit ng mga magagalang na pananalita.

➡ Sa pakikipag-usap sa nakatatanda at hindi kakilala, ugaliing gumamit ng _______ at ________.

  1. [illustration: a teacher with a book greeting a student under a sun]

    • a. Magandang umaga po.
    • b. Magandang hapon po.
    • c. Magandang tanghali po.
  2. [illustration: children greeting an adult in a room with a night window]

    • a. Magandang umaga po.
    • b. Magandang hapon po.
    • c. Magandang gabi po.
  3. [illustration: two girls, one handing the other a gift box]

    • a. Maraming salamat.
    • b. Mabuti naman may regalo ka.
  4. [illustration: an adult helping a child who is kneeling]

    • a. Buti nga sa iyo.
    • b. Paumanhin, hindi ko sinasadya.
    • c. Bilisan mong tumayo.
Isagawa

Pagtambalin mo ang mga larawan na nasa Hanay A na angkop na sa magagalang na pananalita na nasa Hanay B. Isulat sa ang letra ng tamang sagot sa iyong papel.

AB
_____1. [illustration: a girl at a doorway greeting a couple]a. “Magandang gabi po.”
_____2. [illustration: two children at a dining table with plates of food]b. “Tuloy po kayo.”
_____3. [illustration: a boy and a woman holding a bag]c. “Mag-iingat ka Ana.”
_____4. [illustration: children in a room at night, one greeting an adult]d. “Walang anuman po, Ginoo.”
_____5. [illustration: a girl with a backpack hugging a woman]e. “Kuya, pakiabot po ng plato.”
Tayahin

Basahin mo nang mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat sa sagutang papel ang iyong sasabihin gamit ang mga magagalang na pananalita.

  1. Binigyan ka ng laruan ng ninang mo.



  2. Bumisita ang lola mo isang hapon.



  3. Isang tanghali, kumakain ka sa kantina at dumaan ang iyong guro.



  4. Naglalakad ka nang mabilis papuntang silid-aralan, nabangga mo ang isang mag-aaral.



Karagdagang Gawain

Ipinagluto ka ng iyong nanay ng masarap na pagkain. Anong magagalang na pananalita ang maaari mong isagot sa iyong nanay? Isulat sa papel ang iyong sagot.

[illustration: a mother and a child seated at a table with food and drinks; the mother’s speech bubble reads “Anak, ipinagluto kita ng paborito mong pagkain.” and the child’s speech bubble is empty for the learner’s answer]

Alamin

Sa aralin na ito, matutunan moa ng mga magagalang na pananalita sa panghihiram ng gamit.

Subukin

Suriin ang concept map na nasa ibaba. Isulat mo sa iyong sagutang papel kung ano ang masasabi mo sa salitang pagkamagalang. Hanapin ang mga sagot sa kahon.

natutulog nagpapaalam nagpapasalamat nagpapahalaga nagagalit nagpapahiram

[chart: concept map; untitled. Center node: Pagkamagalang. Four surrounding nodes, all blank, connected to the center by arrows.]

Aralin 3 – Magagalang na Pananalita sa Paghihiram ng Gamit

Balikan

Basahin ang mga pangungusap. Iguhit ang (masayang mukha) sa sagutang papel kung nagpapahayag ito ng pagiging magalang at (malungkot na mukha) naman kung hindi.

  1. _____ “Maari ko bang hiramin saglit ang inyong mga gamit?”, tanong ni Lina sa mga kaibigan niya.
  2. _____ Hindi na nagpapaalam si Sam sa kaniyang kapatid sa tuwing may hihiramin siyang mga gamit.
  3. _____ Hindi sinauli ni James ang mga gamit na hiniram niya sa kaniyang mga kaklase.
  4. _____ “Maraming salamat,” sagot ni Gino pagkatapos siyang pahiramin ni Ted ng lapis.
  5. _____ “Akin na lahat ng gamit mo at ako na ang gagamit niyan!”
Tuklasin

Basahin at unawaing mabuti ang diyalogo na nasa ibaba. Handa ka na ba?

Isang umaga maagang pumasok ang magkaibigang Mira at Len sa paaralan. Susulat kasi sila ng isang liham para sa kanilang kaibigan. Napansin ni Mira na hindi niya nadala ang kanyang mga pangkulay para sana gamiting pandisenyo sa isinulat na liham.

Mira: Len, maaari ko bang hiramin ang iyong pangkulay? Naiwan ko kasi ito sa bahay.

Len: Huwag kang mag-alala Mira mayroon akong dala dito, ipapahiram ko sa iyo.

Mira: Naku, maraming salamat Len sa pagpapahiram mo.

Len : Walang anuman, Mira.

Pagkatapos gumawa ni Mira at Len ng lihan.

Mira : Len, isasauli ko na ang mga pangkulay mo, maraming salamat sa pagpapahiram mo nito sa akin.

Len: Walang anuman, Mira

Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot sa mga tanong.

  1. Ano ang naiwan ni Mira sa kanilang bahay?

    • a. lapis
    • b. papel
    • c. pangkulay
  2. Sino-sino ang nag-uusap sa kuwento?

    • a. Len at Mira
    • b. Lisa at Mira
    • b. Lenny at Mira
  3. Saan naganap ang usapan?

    • a. sa parke
    • b. sa ospital
    • c. sa paaralan
  4. Kung ikaw ay manghihiram ng gamit sa iyong kaklase ano ang sasabihin mo sa kanya?

    • a. “Akin na ang gamit mo!”
    • b. “Maaari ko bang hiramin ang lapis mo?”
    • c. “Ipagpaumanhin mo ang nagawa kong kasalanan.”
  5. Ano ang naging tugon ni Mira ng pinahiram siya ng pangkulay ni Len?

    • a. “Ayaw ko sa pangkulay na ipinahiram mo.”
    • b. “Hindi ko na ibabalik ang pangkulay na ito sa iyo.”
    • c. “Maraming salamat Len sa ipinahiram mo ng pangkulay.”
Suriin

Basahin ang mga halimbawa ng mga magagalang na pananalita sa panghihiram ng mga gamit.

Sa panghihiram ng mga gamit
  • “Maaari ko bang hiramin ang iyong gamit?”
  • “Puwede ko po bang hiramin saglit ang iyong gamit?”
Pagkatapos hiramin ang gamit
  • “Maraming salamat sa pagpapahiram ng iyong gamit.”
  • “Walang anuman.”
Pagyamanin

Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba. Tukuyin kung anong larawan ang mararamdaman mo sa sumusunod na sitwasyon. Isulat ang letra nito sa iyong sagutang papel.

A [illustration: smiling face] (Masayang mukha)

B [illustration: frowning face] (Malungkot na mukha)

SitwasyonDamdamin
1. Nagpaalam muna ang kaibigan mo sa iyo bago niya hiniram ang iyong gamit.
2. Nakalimutang magpasalamat sa iyo ng iyong kaibigan pagkatapos niyang isinauli ang iyong gamit.
3. Sinira ng kaklase mo ang gamit na hiniram niya sa iyo at hindi ito humingi ng paumanhin.
4. Hindi nagpapahiram ng gamit ang aking kaibigan.
5. Nagpasalamat si Nena pagkatapos niyang isinauli ang hiniram na gamit.
Isaisip

Ang pagasasabi ng magagalang na pananalita sa paghiram ng gamit sa iyong kapwa ay nagpapakita ng pagrespeto.

Sa panghihiram ng mga gamit
  • “Maaari ba akong humiram ng gamit mo?”
  • “Puwede ko bang hiramin saglit ang gamit mo?”
Pagkatapos hiramin ang gamit
  • “Maraming salamat sa pagpapahiram mo sa iyong gamit.
Isagawa

Basahin ang sitwasyon na nasa ibaba. Ano-ano ang puwede mong sabihin sa kaibigan mo? Isulat ang tsek (/) sa iyong papel kung nagpapakita ng paggalang at ekis(x) kung hindi.

Sitwasyon:

Kailangan mo ng kagamitan sa pagguhit. Naiwan mo ito sa inyong bahay.

[transcriber’s note: each item has an empty box for the learner’s tsek or ekis]

☐ 1. “Puwede ko bang hiramin ang gamit mo?”

☐ 2. “Akin na ang mga gamit mo.”

☐ 3. “Pagkatapos mo sa gawain, maari ko bang hiramin ang gamit mo?”

☐ 4. “Ibigay mo ngayon sa akin ang gamit mo.”

☐ 5. “Maraming salamat sa pagpapahiram.”

Tayahin

Isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot.

  1. Nakalimutang dalhin ni Rose ang kaniyang papel sa paaralan. Napansin ni Jane na nag-aalala si Rose dahil dito ____________

    • a. Binigyan niya ito ng papel.
    • b. Hindi na siya tumabi kay Rose.
    • c. Nagkunwaring walang napansin si Rose.
  2. Ipinahiram ni Samuel ang kaniyang saranggola sa kaibiganiyang si Will. Isinauli ito ni Will pagkatapos niya itong gamitin.

    • a. Nagpasalamat nang lubos si Will.
    • b. Ayaw nang mag-usap ng magkaibigan.
    • c. Hindi na ulit ipinahiram ni Samuel ang saranggola
  3. Tuwang-tuwa si Pamela nang ipinahiram sa kaniya ni Wendy ang kaniyang manika. Ilang araw ang nagdaan at nakalimutang isauli ito ni Pamela.

    • a. Nag-away ang magkaibigan.
    • b. Humingi ng paumanhin si Pamela kay Wendy.
    • c. Nagkunwaring hindi napansin ni Pamela si Wendy.
  4. Hindi sinasadya ni James na masira ang robot ng kaniyang kapatid. Kinagabihan, hinanap na ito ng kaniyang kapatid.

    • a. Humingi ng paumanhin si James.
    • b. Sinigawan niya ang kaniyang kapatid.
    • c. Umalis na lamang sa kanilang bahay si James.
Karagdagang Gawain

Sa gawaing ito, isulat mo sa sagutang papel ang maaaring maging tugon sa mga magagalang na pananalita na ibinigay sa usapan.

Gusto mong humiram ng lapis sa iyong kaklase.

[illustration: two students seated at a desk, one holding a pencil]

[transcriber’s note: the first speech bubble, beside the seated student, is empty]

[illustration: two students standing, one handing a book to the other]

“Jim, ito na ang aklat na gusto mong hiramin sa akin.”

[transcriber’s note: the second speech bubble, beside the student receiving the book, is empty]

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the tables below are transcribed in upright reading order]

Aralin 1
Subukin, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, Isagawa, Tayahin, Karagdagang Gawain
PagyamaninTuklasinBalikanSubukin
1. Magandang umaga rin sa iyo, ayos lang ako.
2. Maraming Salamat
3. Opo inay
4. Opo inay,Salamat po
5. Ipagpaumanhin po ninyo.
1. b
2. b
3. c
4. b
5. c
1. Kami
2. Kayo
3. Kayo, tayo
4. Kayo/ sila
1. a
2. b
3. c
4. c
Karagdagang GawainTayahinIsagawa
1. Ipagpaumanhin po ninyo
2. Maraming slamat po
3. Magandang hapon po
1. b
2. a
3. c
4. e
5. d
1. [illustration: smiling or frowning face]
2. [illustration: smiling or frowning face]
3. [illustration: smiling or frowning face]
4. [illustration: smiling or frowning face]
5. [illustration: smiling or frowning face]
Aralin 2

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the tables below are transcribed in upright reading order]

PagyamaninTuklasinBalikanSubukin
6. a
7. a
8. c
9. a
10. b
1 at 43 at 41. [illustration: star]
2. X
3. X
4. [illustration: star]
5. [illustration: star]
Karagdagang GawainTayahinIsagawaIsaisip
Maraming Salamat po nanay.1. Maraming Salamat po ninang
2. Magandang hapon po lola
3. Magandang tanghali po ma’am
4. Ipagpaumanhin po ninyo
1. b
2. e
3. d
4. a
5. c
po at opo

Aralin 3

[transcriber’s note: the tables on this page are printed upside down; the cell contents are transcribed as they read when the page is turned. Columns are kept in their printed left-to-right order.]

SubukinBalikanTuklasinPagyamanin
nagpapahalaga
nagpapaalam
nagpapasalamat
nagpapahiram
5. [illustration: smiling face]
4. [illustration: smiling face]
3. [illustration: smiling face]
2. [illustration: smiling face]
1. [?] [illustration: face]
1. c
2. a
3. c
4. c
5. c
1. A
2. B
3. B
4. B
5. A
IsagawaTayahinKaragdagang Gawain
1. /
2. X
3. /
4. x
5. /
1. A
2. A
3. B
4. A
1. Maaari ko bang hiramin ang iyong lapis?
2. Maraming Salamat sa pagpapahiram mo ng libro.

Sanggunian

K to 12 Most Essential Learning Competencies (MELC) with CG Codes, https://commons.deped.gov.ph/melc. DepEd Complex, Meralco Ave. 1600 Pasig City, Philippines,2020,151.

Cardinoza, Florenda, Jenny-Lyn Trapane, Amaflor Alde, Agnes G. Rolle, Josenette Brana, Ronald Ramilo, Louiegrace Margallo, Mercelita Salazar, Aireen Ambat, Lea Agustin, Natasha Rae Natividad, Cynthia Reyroso, Dolorosa Castro at Modesta Jaurigue, Batang Pinoy Ako Patnubay ng Guro 3. Pasig: REX Bookstore, 2015.

Alde, Amaflor, Lea Agustin, Aireen Ambat, Josenette Brana, Cardinoza, Florenda, Dolorosa Castro, Modesta Jaurigue, Louiegrace Magallo, Natasha Rae Natividad, Ronald Ramilo, Cynthia Reyroso, Agnes G. Roller, Jeny-Lyn Trapane at Mercelita Salazar. Batang Pinoy Ako Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 3. Pasig: Lexicon Press, Inc.,2017.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district