This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) self-learning module for Grade 8, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 15: “Pananagutang Panlipunan at Pampulitikal ng Pamilya” (the social and political responsibilities of the family). It is written in Filipino for learners studying at home, with guidance from a parent or teacher. By the end, learners should be able to explain how the family helps build a caring, loving community, both by helping others and by watching over the laws and institutions of society.
The module was prepared by DepEd Caraga Region under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020). It has one lesson, “Aralin 1: Pananagutang Panlipunan at Pampulitikal ng Pamilya.”
On this page 6 sections
What learners will learn
The module develops one learning competency:
- Infer that the family has a responsibility to build a loving community by helping neighbors and the community (its social role, or papel na panlipunan) and by watching over laws and social institutions (its political role, or papel na pampulitikal). (EsP8PB-Ih-4.3)
The module’s opening (Alamin) explains that good citizenship starts at home. It can begin with simple duties: being hardworking and obedient to parents, helping with chores, and studying well. Learners can also be active in their community by learning about political issues so they become well-informed.
Key ideas: the family’s social and political roles
The social role (papel na panlipunan)
The module teaches that love begins at home and spreads to the community. When parents teach and show a child to be generous (bukas-palad) with siblings, the child learns to help people in need in the wider community. This is the mark of a family that is responsible to others and cares for the welfare of every member of the community.
Through such simple acts, a child develops concern for others (pagmamalasakit) and the spirit of helping (kabayanihan). When these values are well formed, the child also shows care for the environment, not only for people.
The political role (papel na pampulitikal)
A child raised with these values can take steps to live them out. The module says the child may lead activities or support laws on order, human rights, and care for the environment. Taking part in political issues shows that the family shaped the child well.
The module also notes that people sometimes forget their responsibilities and go astray. Laws guide people’s actions, and families should raise awareness of their social and political roles so that members become active citizens. The module gives examples from the pandemic:
- One DOH protocol was to report people with a travel history to places with COVID-19, yet some people lied. Citizens should be alert to anyone who breaks this rule.
- In a disaster, a child who is a rescuer does not save only their own family but also thinks of the safety of others. This is answering the call of duty to society.
The module concludes that every family member carries the responsibility of keeping society orderly and ready for the threats of modern times. If the family breaks down, society loses its sense of morality.
Examples from the activities
The activities link family responsibilities to their results. For example:
- Teaching children good manners and giving proper guidance leads to young people who respect elders and authorities and follow the law.
- A family that encourages every member to share opinions raises a child who is not afraid to give suggestions at a community meeting, such as one about stopping illegal drugs.
- Teaching the value of a clean, orderly environment leads to young people who volunteer for environmental programs.
Test items also show the ideas in action, such as Gie telling a friend not to sell his vote, and Mayo saying her parents taught her how to throw away trash properly, a sign that values are formed in the family.
Parts and activities of the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin | 15-item multiple-choice pretest |
| Balikan | Gawain 1: “Isip ko, Palalawakin ko!” List a citizen’s social and political duties in a graphic organizer |
| Tuklasin | Gawain 2: “Mag-anihan Tayo!” Name the “fruit” of planting concern for others, bayanihan, obedience, and upholding human rights |
| Suriin | Reading on the family’s social and political roles |
| Pagyamanin | Gawain 3: matching family responsibilities to results; a short essay question; Gawain 4: completing sentences; Gawain 5: inferring results from pictures of a house fire and of voting |
| Isaisip | Gawain 6: inferring the family’s social and political responsibilities from two pictures (a barangay market scene and a community meeting) |
| Isagawa | Gawain 7: writing an explanatory text on why families should fulfill their responsibilities to society |
| Tayahin | 15-item multiple-choice post-test |
| Karagdagang Gawain | Gawain 8: “Sulat Pangako!” Write a promise of a social or political responsibility you will carry out, how you will keep it, and your contribution |
Most written activities come with a scoring rubric, usually worth 10 or 20 points.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper; do not write on the module, so others can use it. Check your answers against the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: Help your child follow the order of the parts and use the rubrics to see what a good answer looks like. The module’s family-based examples are a good starting point for talking about how your household helps your community.
- Teachers: The module’s note for teachers says that if the learner completes the Balikan activity successfully, they may go on to the next activity; if not, have them return to the previous module.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 15.
What is the difference between the family’s social and political roles?
The social role (papel na panlipunan) is helping neighbors and the community, such as being generous to people in need. The political role (papel na pampulitikal) is watching over laws and social institutions, such as following laws and taking part in issues on order, human rights, and the environment.
What learning competency does the module cover?
It covers EsP8PB-Ih-4.3: inferring that the family is responsible for building a loving community through its social and political roles.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Balikan activity, the pretest, the post-test, and Gawain 3. Open-ended activities are scored with rubrics instead.
Should learners write on the module?
No. The module asks learners to keep it clean for others and to write all answers on a separate sheet of paper.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 15: Pananagutang Panlipunan at Pampulitikal ng Pamilya
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 15: Pananagutang Panlipunan at Pampulitikal ng Pamilya
[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher at a desk, a child reading by a lamp, and two students with a globe]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 15: Pananagutang Panlipunan at Pampulitikal ng Pamilya Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Judith E. Ecoben, Jezzine F. Salar, Rashiel Joy F. Lepaopao, Megie M. Lillo, John Rey C. Clarion
Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib
Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Megenila C. Guillen, Imelda A. Grumo, Michael C. Paso, Mark Lorenz C. Luib
Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat, Gilbert H. Japay
Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education – Caraga Region
Office Address: Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600
Telefax No.: (085) 342-5969
Email Address: caraga@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 15: Pananagutang Panlipunan at Pampulitikal ng Pamilya
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito nga iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o stratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan nya ng ibayong tulong mula a tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahaan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamamit lang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong n gating mga tagapagdaloy. Umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang pagiging mabuting mamamayan ay nagsisimula sa loob ng pamilya sapagkat ito ang lunduyan ng mga pagpapahalagang pang-sosyal at pampulitikal na sangkap upang magkaroon ng isang mapagkalinga at mapanagutang lipunan. Maaari itong magsimula sa isang simpleng tungkulin, halimbawa, pagiging masipag at masunurin sa mga magulang, pagtulong sa mga gawaing-bahay at pag-aaral nang mabuti para makaahon sa estado ng buhay. Bukod dito, maaari rin tayong maging aktibo sa ating komunidad sa pamamagitan ng pagsasaliksik tungkol sa mga isyung pampulitikal para maging maalam tayong indibidwal. Gayunpaman, kung ang mga simpleng tungkulin ay buong puso nating nagagampanan, hindi maikakaila na tayo ay magiging isang mabuti at kapaki-pakinabang na pamayanan.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
- a. Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampulitikal). (EsP8PB-Ih-4.3)
Subukin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Ano ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan?
- A. pagbibigay galang
- B. pananampalataya
- C. pakikibahagi at pagbibigayan
- D. isipin ang pansariling kapakanan
Bakit kailangan ng pamilya ang makipag-ugnayan sa ibang pamilya at sa iba pang sektor ng lipunan?
- A. upang magparami
- B. upang hihingi ng tulong
- C. upang mapadali ang buhay
- D. upang makabuo ng maayos at matatag na lipunan
Paano maipakikita ng pamilya ang pagiging bukas-palad? Sa pamamagitan ng:
- A. pagtulong na may kapalit
- B. pagtulong upang papurihan
- C. pagtupad sa mga tungkulin at gawaing panlipunan
- D. pagpapatuloy sa kanilang mga tahanan para sa mga naaapektuhan ng pagbaha at mga sakuna
Bakit mahalaga ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan?
- A. upang matanggap sa lipunang kinabibilangan
- B. dahil ito ay maipagmamalaking katangian bilang Pilipino
- C. upang kilalanin, papurihan at maging maimpluwensiyang tao sa lipunan
- D. dahil ito ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan
Alin sa mga sumusunod na gawain ng pamilya ang higit na makatutulong sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan?
- A. padabog na pagtanggap sa mga panauhin
- B. pagboboluntaryong tumulong sa nasalanta ng bagyo
- C. ipinagkibit balikat ang batang nanghihingi ng pagkain
- D. aktibong pamumuno sa isang asosasyong pangkabataan
Alin sa mga sumusunod na gampaning pampulitikal ng pamilya ang higit na makatutulong sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan?
- A. pagsunod sa batas trapiko
- B. pagtawid sa tamang tawiran
- C. pagsakay sa tamang sakayan
- D. pagsunod sa mga ordinansa at batas
Kung ang bawat pamilya ng isang lipunan ay walang pagkakaisa, ano ang magiging epekto nito sa pamayanan?
- A. Mabagal ang pag-unlad.
- B. Walang pag-unlad sa sarili.
- C. Maging maunlad ang pamayanan.
- D. Makabubuo ng matiwasay na pagsasama.
Si Mac ay hindi nakatamasa ng pag-aaruga at pagdidisiplina ng magulang dahil bata pa lang ito ay iniwan na at pagnanakaw ang naging paraan nito upang mabuhay. Ano ang magiging implikasyon ng sitwasyong ito sa lipunan?
- A. Si Mac ay may malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng bansa.
- B. Ang sitwasyong kinalalagyan ni Mac ay nagtulak na gumawa ng kabutihan.
- C. Nakatutulong ang magulang ni Mac sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan.
- D. Ang pagtakas sa responsibilidad ng magulang ay maaaring magdulot ng suliraning panlipunan.
Sinabi ni Jazz sa kaibigang si Gie na ipinagbili niya ang kanyang boto sa halagang dalawang daang piso kaya napagsabihan niya ito na huwag ipagpalit sa anumang halaga ang dignidad bilang tao. Anong pananagutan ang ipinamalas ni Gie sa sitwasyon?
- A. gampaning panlipunan
- B. gampaning panghalalan
- C. gampaning pampulitikal
- D. gampaning panlipunan at pampulitikal
Alin sa mga sumusunod na gawain ang makapagpapabuti sa sarili at sa lipunan?
- A. Hindi nakikiisa si Adeth sa mga boluntaryong gawain.
- B. Iniisip lamang ni Arman ang pansariling kapakanan.
- C. Nakikiisa sa mga proyektong inilunsad sa pamahalaan ang pamilyang Herald.
- D. Nagbibingi-bingihan lamang si Perto at nagpanggap na walang alam sa isyung pinag-uusapam.
- Alin sa mga sumusunod na parirala ang tama tungkol sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan?
- A. mapagkawanggawa
- B. pagsasakripisyo sa sarili
- C. lubos na mananampalataya
- D. mapagtanim ng galit sa kapitbahay
- Nag-post si Kimmie sa social media ng kanyang larawan at makaraan ang isang minuto ay bumuhos na ang samu’t saring pambubulas. Kasama na nambulas ay ang kanyang kaibigang si Rie. Pinagsabihan ito at pinabura ng kanyang ate ang komento. Anong papel pampulitikal ang nilabag ni Rie?
- A. karapatang magpakasal
- B. katarungang panlipunan
- C. karapatang pangkalikasan
- D. karapatang maipahayag ang paniniwala at sarili
- Napansin ng guro ni Mayo na tanging siya lang ang nakasunod sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura. Kaya, tinanong siya nito kung bakit nagawa niya ito nang tama. “Tinuro kasi ito sa amin ni Nanang at Tatang” sagot ni Mayo. Ano ang mahihinuha sa sagot ni Mayo?
- A. Ang batang mabait ay magaling sumagot.
- B. Ang kaniyang magulang ay mga basurero.
- C. Sa pamilya nahuhubog ang mga pagpapahalagang dapat matutuhan ng isang bata.
- D. Ang magulang na nagtuturo nang mali sa anak ay magkakaroon ng mabubuting anak.
- Bakit kailangang bantayan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya?
- A. dahil ligtas ang may alam
- B. dahil baka agawin ito ng iba
- C. dahil hindi ligtas ang komunidad
- D. dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
- Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapamalas ng isang pamilyang makabubuo ng mapagmahal na lipunan?
- A. pagmamalupit sa mga kapus-palad
- B. pambubuska sa mga pulubi sa halip na tumulong
- C. pagbubulag-bulagan sa nakitang babaeng hinablutan ng bag
- D. pagiging aktibo sa asosasyong naglalayon ng pangangalaga sa kalikasan
Aralin 1: Pananagutang Panlipunan at Pampulitikal ng Pamilya
“Ang maayos na komunidad ay binubuo ng mabubuting mamamayan na hinubog sa mabuting gawi” -Anonymous
Balikan
Ngayon, may inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto sa nakaraang aralin. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita.
Gawain 1: Isip ko, Palalawakin ko!
Panuto: Gamit ang Graphic Organizer sa ibaba, itala ang mga tungkulin ng isang mamamayan sa kanyang lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[chart: graphic organizer; Gawain 1: Isip ko, Palalawakin ko!]
| Papel na Panlipunan | Papel na Pampulitikal |
|---|---|
Mga Tala para sa Guro
Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
Tuklasin
Gawain 2: Mag-anihan Tayo!
Panuto: Ibigay ang bungang aanihin kung ang itinanim ay pagmamalasakit, pagbabayanihan, pagkamasunurin, at pagtaguyod sa karapatang pantao.
[illustration: four trees, each beside an empty circle; labeled 1. Pagmamalasakit, 2. Pagbabayanihan, 3. Pagiging Masunurin, 4. Pagtaguyod sa Karapatang Pantao]
- Pagmamalasakit
- Pagbabayanihan
- Pagiging Masunurin
- Pagtaguyod sa Karapatang Pantao
Iginuhit ni: Mark Lorenz C. Luib
Suriin
Sa bahaging Tuklasin ay natataya mo ang sariling kaalaman tungkol sa maaaring ibubunga ng pagkakaroon o pagpapalaganap ng pagmamalasakit, pagbabayanihan, pagiging masunurin, at pagtataguyod sa karapatang pantao. Kung susuriin natin nang mabuti ang lahat ng ito ay iilan lamang sa mga salik o paraan sa pagbuo ng isang mapagmahal na pamayanan.
Ang pagmamahal ay nagsisimula sa tahanan at napapalaganap sa pamayanan. Tulad na lamang ng pagtuturo at pagpapakita ng mga magulang na maging bukas-palad ang isang bata sa kanyang mga kapatid ay maghihikayat sa kanya na maging matulungin sa mga taong nangangailangan sa kanyang pamayanan. Ito ay palatandaan ng isang pamilya na may pananagutan sa kapwa na tinitiyak ang kapakanan ng bawat miyembro ng pamayanan. Sa simpleng gawaing ito, nalilinang ang pagiging mapagmalasakit at kabayanihan ng isang bata. Kapag maayos ang paglinang ng pagpapahalagang ito, maipapamalas din ng bata ang pagmamalasakit hindi lamang sa kanyang kapwa-tao kung hindi maging sa kanyang kapaligirang tinitirhan. Ito ay papel na panlipunan ng pamilya.
Bunga nito, nakabubuo siya ng mga hakbang upang maisabuhay ang pagpapahalagang ito. Maaari siyang manguna sa mga gawain o magsulong ng mga batas hinggil sa kaayusan, karapatang pantao at pangangalaga sa kapaligiran. Ang kanyang pakilalahok sa isyung pulitikal ay nagpapahiwatig na maayos ang pagkahubog sa kanyang pagkatao ng kanyang pamilya.
Ngunit minsan ay nakalilimutan natin ang kanya-kanyang responsibilidad kung kaya tayo ay napapariwara at nalilihis sa tamang daan. Gayunpaman, nariyan ang batas ng lipunan na siyang gumagabay sa bawat kilos at gawi ng tao. Kinakailangang palaganapin din natin ang kamalayan ng bawat isa tungkol sa papel pampulitikal at panlipunan. Dapat pag-ibayuhin ng pamilya ang pangangalaga at pagpatitibay sa gampaning pampulitikal at panlipunan upang mapaunlad at maging aktibong mamamayan. Halimbawa, sa panahon ng pandemic, isa sa mga protocols ng DOH ay ipagbigay-alam sa kinauukulan ang mga taong may travel history sa mga lugar na may COVID 19 ay nagawa pang magsinungaling. Bilang mamamayan, dapat maging mulat tayo sa sinumang nakalabag sa batas na ito.
Dagdag pa rito, sa oras ng sakuna ang anak na rescuer ay hindi lamang nakatuon sa pagligtas ng sariling pamilya kung hindi isinasaalang-alang din ang kaligtasan ng iba. Nagpapahiwatig lang ito na dapat mangibabaw rin ang pagmamahal sa kapwa dahil ito ay pagtugon sa tawag ng tungkulin sa lipunan. Gagawin natin ito upang mapangalagaan at manatiling ligtas ang pamayanan sa anumang banta ng virus.
Nangangahulugan lamang ito na malaki ang papel ng pamilya sa pagbuo ng isang mapagmahal na lipunan. Nakaatang sa mga balikat ng bawat miyembro nito ang pananagutan upang matiyak na maging maayos at handa ang ating lipunan laban sa maraming banta ng makabagong panahon.
Pakaingatan natin ang ating pamilya sapagkat kapag ito ay nasira, maglalaho rin ang kahulugan ng moralidad ng ating lipunan. Maging mapanagutan hindi lamang sa ating pamilya kung hindi maging sa kapwa upang makabuo tayo ng isang malago, mapagmahal at maunlad na bayan.
Pagyamanin
Gawain 3: Hinuha, Ugnayan!
Panuto: Unawain nang mabuti ang mga nakalahad na pananagutan ng pamilya na nasa Hanay A at iugnay ito sa pahayag na nasa Hanay B kung sa tingin mo na ito ang maging kalalabasan kapag matagumpay na maisagawa ang mga nabanggit na pananagutan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. Pagpapalaki sa mga anak na puno ng pagmamahal. | A. Boluntaryong pakikiisa ng kabataan sa anumang programang pangkalikasan. |
| 2. Pagturo ng magulang sa dalawang anak na maging mapagbigay sa isa’t isa. | B. Kabataang may respeto sa nakatatanda, awtoridad ng lipunan at marunong sumunod sa batas. |
| 3. Pamilyang humihikayat sa bawat miyembro na maglahad ng opinyon para masolusyunan ang isang problema. | C. Lumaking bukas-palad para sa mga nangangailangan at tumulong na walang hinihintay na kapalit. |
| 4. Pagturo ng magandang asal sa mga anak at pagbigay ng tamang paggabay. | D. Anak na hindi natatakot maglahad ng suhestiyon sa isang pagpupulong sa kanilang komunidad tungkol sa pagsugpo ng ipinagbabawal na gamot. |
| 5. Pagturo ng kahalagahan sa pagkakaroon ng kalinisan o malinis, maayos at masaganang kapaligiran | E. Kabataang may malasakit sa kapwa at may takot na gumawa ng ikasisira ng kanyang kapwa o lipunang ginagalawan. |
Sagutin:
- Paano nakatutulong sa lipunan ang pagganap sa mga pananagutang panlipunan at pampulitikal ng isang pamilya?
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (7 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (4 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman ng sagot | Nasagutan nang tama ang tanong at nakapaglalahad ng halimbawa sa pagpapaliwanag. | Nasagutan nang tama ang tanong bagaman hindi gaanong naipapaliwanag nang may halimbawa. | May sagot sa tanong bagaman malayo sa konseptong hinihingi ang halimbawa at pagpapaliwanag. |
Gawain 4: Dugtungan Mo!
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at dugtungan ng naaayon na kaisipan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Nararapat na manguna ang pamilya sa pagtiyak ng mga batas at mga institusyong panlipunan upang _____.
- Nagagampanan ng pamilya ang kaniyang tungkulin na panatilihin ang matiwasay na lipunan sa pamamagitan ng _____.
- Ang magandang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya ay dapat na pangibabawan ng _____.
- Hindi positibo ang pagiging labis na makapamilya dahil _____.
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (7 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (4 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman ng sagot | Lahat ng parirala ay nadugtungan at nasagutan nang tama. | Mayroong dalawang parirala na nadugtungan at nasagutan nang tama. | Mayroong isang parirala na nadugtungan at nasagutan nang tama. |
Gawain 5: Pag-analisa sa Larawan!
Panuto: Magbigay ng hinuha kung ano ang maibubunga ng kilos na ipinakita sa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: fire burning a house, with people gathered and firefighters spraying water; labeled 1]
Iginuhit ni: Alim V. Eviota
[illustration: people voting at voting booths with a marked “VOTER” sign, and people waiting in line; labeled 2]
Iginuhit ni: Alim V. Eviota
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (7 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (4 puntos) |
|---|---|---|---|
| Kaangkupan ng sagot | Angkop ang hinuhang inilalahad ukol sa magiging bunga ng kilos na ipinakita sa dalawang larawan. | Hindi gaanong angkop ang hinuhang inilalahad ukol sa magiging bunga ng kilos na ipinakita sa dalawang larawan. | May hinuhang nailalahad bagaman hindi angkop sa magiging bunga ng kilos na ipinapakita ng larawan. |
| Kayusan sa Paglalahad. | Maayos na nailalahad ang hinuha. | Hindi gaanong maayos na nailalahad ang hinuha. | Walang kaayusan ang pagkakalahad ng hinuha. |
| Kabuuang Puntos = 20 |
Isaisip
Gawain 6: Suri-Larawan!
Panuto: Batay sa larawan magbigay ng hinuha kung ano ang pananagutan ng pamilya sa lipunan at pulitikal. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: people in a barangay setting with a market and a person carrying a basket; labeled 1]
Iginuhit ni: Alim V. Eviota
[illustration: a “MEETING” gathering with people seated on a stage and a speaker at a podium, and an audience; labeled 2]
Iginuhit ni: Jubell C. Cababat
[transcriber’s note: two empty answer boxes appear beside illustrations 1 and 2]
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (7 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (4 puntos) |
|---|---|---|---|
| Kaangkupan ng sagot | Angkop ang hinuhang nailalahad sa dalawang larawan ukol sa pananagutang panlipunan at pampulitikal ng pamilya. | Hindi gaanong ngkop ang hinuhang nailalahad sa dalawang larawan ukol sa pananagutang panlipunan at pampulitikal ng pamilya. | May hinuhang nailalahad sa mga larawan bagaman hindi angkop sa sa pananagutang panlipunan at pampulitikal ng pamilya. |
| Kayusan sa Paglalahad. | Maayos na nailalahad ang hinuha. | Hindi gaanong maayos na nailalahad ang hinuha. | Walang kaayusan ang pagkakalahad ng hinuha. |
| Kabuuang Puntos = 20 |
Isagawa
Gawain 7: Kahalagahan, Naunawaan Ko!
Panuto: Sumulat ng isang tekstong naglalahad sa iyong pag-unawa sa kahalagahan ng pagganap ng pamilya sa kani-kanilang pananagutan sa ating lipunan. Gawing gabay ang pamantayan sa pagmamarka. Isulat ang teksto sa sagutang papel.
RUBRIKS SA PAGSULAT NG TEKSTONG NAGLALAHAD
| Krayterya | Higit na inaasahan (10 puntos) | Nakamit ang inaasahan (8 puntos) | Bahagyang nakamit ang inaasahan (5 puntos) | Hindi nakamit ang inaasahan (2 puntos) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Komprehensibo ang nilalaman ng teksto. Wasto ang lahat ng impormasyon | Kumpleto ang nilalaman ng teksto. Wasto ang lahat ng impormasyon | May ilang kakulangan sa nilalaman ng teksto. May ilang maling impormasyon | Maraming kakulangan sa nilalaman ng teksto. |
| Organisasyon ng mga kaisipan | Organisado at may malinaw na kaisahan ang daloy ng paglalahad ng kaisipan sa teksto. | Malinaw at maayos ang paglalahad ng kaisipan sa teksto. | Hindi masyadong maayos at malinaw ang paglalahad ng kaisipan sa teksto. | Walang kaayusan ang paglalahad ng kaisipan sa teksto. |
| Kabuuang Puntos = 20 |
Tayahin
Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Alin sa mga sumusunod na gampaning pampulitikal ng pamilya ang higit na makatutulong sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan?
- A. pagsunod sa batas trapiko
- B. pagtawid sa tamang tawiran
- C. pagsakay sa tamang sakayan
- D. pagsunod sa mga ordinansa at batas
Kung ang bawat pamilya ng isang lipunan ay walang pagkakaisa, ano ang magiging epekto nito sa pamayanan?
- A. Mabagal ang pag-unlad.
- B. Walang pag-unlad sa sarili.
- C. Maging maunlad ang pamayanan.
- D. Makabubuo ng matiwasay na pagsasama.
Si Mac ay hindi nakatamasa ng pag-aaruga at pagdidisiplina ng magulang dahil bata pa lang ito ay iniwan na at pagnanakaw ang naging paraan nito upang mabuhay. Ano ang magiging implikasyon ng sitwasyong ito sa lipunan?
- A. Si Mac ay may malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng bansa.
- B. Ang sitwasyong kinalalagyan ni Mac ay nagtulak na gumawa ng kabutihan.
- C. Nakatutulong ang magulang ni Mac sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan.
- D. Ang pagtakas sa responsibilidad ng magulang ay maaaring magdulot ng suliraning panlipunan.
Sinabi ni Jazz sa kaibigang si Gie na ipinagbili niya ang kanyang boto sa halagang dalawang daang piso kaya napagsabihan niya ito na huwag ipagpalit sa anumang halaga ang dignidad bilang tao. Anong pananagutan ang ipinamalas ni Gie sa sitwasyon?
- A. gampaning panlipunan
- B. gampaning panghalalan
- C. gampaning pampulitikal
- D. gampaning panlipunan at pampulitikal
Alin sa mga sumusunod na gawain ang makapagpapabuti sa sarili at sa lipunan?
- A. Hindi nakikiisa si Adeth sa mga boluntaryong gawain.
- B. Iniisip lamang ni Arman ang pansariling kapakanan.
- C. Nakikiisa sa mga proyektong inilunsad sa pamahalaan ang pamilyang Herald.
- D. Nagbibingi-bingihan lamang si Perto at nagpanggap na walang alam sa isyung pinag-uusapan.
Alin sa mga sumusunod na parirala ang tama tungkol sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan?
- A. mapagkawanggawa
- B. pagsasakripisyo sa sarili
- C. lubos na mananampalataya
- D. mapagtanim ng galit sa kapitbahay
Nag-post si Kimmie sa social media ng kanyang larawan at makaraan ang isang minuto ay bumuhos na ang samu’t saring pambubulas. Kasama na nambulas ay ang kanyang kaibigang si Rie. Pinagsabihan ito at pinabura ng kanyang ate ang komento. Anong papel pampulitikal ang nilabag ni Rie?
- A. karapatang magpakasal
- B. katarungang panlipunan
- C. karapatang pangkalikasan
- D. karapatang maipahayag ang paniniwala at sarili
Napansin ng guro ni Mayo na tanging siya lang ang nakasunod sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura. Kaya, tinanong siya nito kung bakit nagawa niya ito nang tama. “Tinuro kasi ito sa amin ni Nanang at Tatang” sagot ni Mayo. Ano ang mahihinuha sa sagot ni Mayo?
- A. Ang batang mabait ay magaling sumagot.
- B. Ang kaniyang magulang ay mga basurero.
- C. Sa pamilya nahuhubog ang mga pagpapahalagang dapat matutuhan ng isang bata.
- D. Ang magulang na nagtuturo nang mali sa anak ay magkakaroon ng mabubuting anak.
Bakit kailangang bantayan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya?
- A. dahil ligtas ang may alam
- B. dahil baka agawin ito ng iba
- C. dahil hindi ligtas ang komunidad
- D. dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapamalas ng isang pamilyang makabubuo ng mapagmahal na lipunan?
- A. pagmamalupit sa mga kapus-palad
- B. pambubuska sa mga pulubi sa halip na tumulong
- C. pagbubulag-bulagan sa nakitang babaeng hinablutan ng bag
- D. pagiging aktibo sa asosasyong naglalayon ng pangangalaga sa kalikasan
Ano ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan?
- A. pagbibigay galang
- B. pananampalataya
- C. pakikibahagi at pagbibigayan
- D. isipin ang pansariling kapakanan
Bakit kailangan ng pamilya ang makipag-ugnayan sa ibang pamilya at sa iba pang sektor ng lipunan?
- A. upang magparami
- B. upang hihingi ng tulong
- C. upang mapadali ang buhay
- D. upang makabuo ng maayos at matatag na lipunan
Paano maipakikita ng pamilya ang pagiging bukas-palad? Sa pamamagitan ng:
- A. pagtulong na may kapalit
- B. pagtulong upang papurihan
- C. pagtupad sa mga tungkulin at gawaing panlipunan
- D. pagpapatuloy sa kanilang mga tahanan para sa mga naaapektuhan ng pagbaha at mga sakuna
Bakit mahalaga ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan?
- A. upang matanggap sa lipunang kinabibilangan
- B. dahil ito ay maipagmamalaking katangian bilang Pilipino
- C. upang kilalanin, papurihan at maging maimpluwensiyang tao sa lipunan
- D. dahil ito ay paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan
Alin sa mga sumusunod na gawain ng pamilya ang higit na makatutulong sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan?
- A. padabog na pagtanggap sa mga panauhin
- B. pagboboluntaryong tumulong sa nasalanta ng bagyo
- C. ipinagkibit balikat ang batang nanghihingi ng pagkain
- D. aktibong pamumuno sa isang asosasyong pangkabataan
Karagdagang Gawain
Gawain 8: Sulat Pangako!
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Ibigay ang hinihingi sa talahanayan.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Sitwasyon. Ngayon, mayroon ka nang pag-unawa sa kahalagahan ng pagganap sa pananagutan ng pamilya. Bilang isang kabataan, ano ang pananagutang pampulitikal at panlipunan ang maipapangako mong gagampanan? Ilahad din ang iyong paraan para mapanindigan ang pangakong ito.
[illustration: silhouette of a girl holding a bag, with a thought bubble and labels]
Ano
Paano?
Ambag
Iginuhit ni: Mark Lorenz C. Luib
RUBRIKS SA PAGSULAT NG PANGAKO
| Krayterya | Higit na inaasahan (10 puntos) | Nakamit ang inaasahan (8 puntos) | Bahagyang nakamit ang inaasahan (3 puntos) |
|---|---|---|---|
| Pagkalahad ng Pangako | Maayos na nailalahad ang pangako. Naipapahayag ito nang may pagsisikap na matamo. | Hindi gaanong maayos na nailalahad ang pangako. Naipapahayag ito nang may pagsisikap na matamo. | Hindi maayos na nailalahad ang pangako. Naipapahayag ito nang walang pagsisikap na matamo. |
Susi sa Pagwawasto
Balikan
[transcriber’s note: this answer-key box is printed upside down; the text below was read with reduced confidence and uncertain words are marked]
Gawain 1
Panlipunan
- pangalagaan ang kalikasan [?]
- mahalin ang kapwa [?]
- pagtulong sa kapwa [?]
- palakasin sa bayanihan [?]
- palakasin sa gawaing pangkalinisan [?]
Pulitikal
- pagsunod sa batas trapiko [?]
- Pangangalaga sa sariling karapatan [?]
- pagbibigay ng bilang tao [?]
- pag-aaruga sa karapatan ng iba [?]
- kabutihan at [?]
- Pagsunod sa batas na ipinapatupad [?]
Subukan
- C 1.
- C 2.
- D 3.
- D 4.
- B 5.
- D 6.
- A 7.
- D 8.
- D 9.
- A 10.
- A 11.
- D 12.
- C 13.
- D 14.
- D 15.
Tayahin
- D 1.
- A 2.
- D 3.
- D 4.
- A 5.
- A 6.
- D 7.
- C 8.
- D 9.
- D 10.
- C 11.
- C 12.
- D 13.
- D 14.
- B 15.
Pagyamanin
Gawain 3
- E 1.
- B 2.
- D 3.
- C 4.
- A 5.
[transcriber’s note: the printed answer-key text for Gawain 3 is in the reading order of the rotated box; the item order is as shown in the image]
Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.
Le Poire, Beth A. “Family Communication Nurturing and Control in Changing World.” In Family Communication Nurturing and Control in Changing World. Sage Publications,Inc., 2005.
Hanguang Elektroniko
Cindy Horst, Marta Bivand Erdal, Noor Jdid. “The “good citizen”: asserting and contesting norms of part participation and belonging in Oslo.” Routledge Taylor & Francis Group (Informa UK Limited,trading as Taylor & Francis Group) 43 (October 2019): 76-95.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply