EsP 7 Quarter 3 Module 8: Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal Bokasyonal o Negosyo

This is the Self-Learning Module (SLM) for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 7, Quarter 3, Module 8: “Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal Bokasyonal o Negosyo” (factors in choosing an academic or technical-vocational course or a business). It was prepared by DepEd MIMAROPA Region under the Alternative Delivery Mode (First Edition, 2020) for learners studying at home. It helps Grade 7 learners set clear, realistic goals and think about the personal factors that shape their future course, career, or business.

What learners will learn

The module states that, by the end, the learner should be able to set a clear and realistic goal (mithiin) that gives direction in life and helps fulfill their dreams, while considering:

  • their own strengths and weaknesses, and the steps they will take to use their strengths well and overcome their weaknesses
  • the acceptance of any lack or gap in the personal factors needed for their planned academic or technical-vocational course, business, or job

Lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 8: “Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal Bokasyonal o Negosyo” (personal factors in choosing an academic or technical-vocational course or a business). It explains that success does not simply come by fate; people reach their goals by working at them and letting their values guide their actions and decisions. It encourages learners to develop these personal factors while they are still young.

Setting goals the SMARTA way

The module uses SMARTA (from Sta. Maria, 2006) as a guide for setting a good goal:

LetterCriterionWhat it means in the module
SSpecific (Tiyak)The goal names concrete steps. Saying “I want to be a lawyer” is not enough; you also commit to finishing the pre-law course and studying law at a university that offers it.
MMeasurable (Nasusukat)You can track your progress at each step, such as the specific course you aim to finish.
AAttainable (Naaabot)The goal is realistic but challenging. Obstacles such as money problems, hard subjects, and other people’s opinions build your strength. “No pain, no gain.”
RRelevant (May kaugnayan sa nais)The goal should truly matter to you, not just come from pressure by family, classmates, or friends. A goal made calmly and thoughtfully is better.
TTime Bounded (Makakaya sa takdang panahon)Set a deadline so time is not wasted, and prepare alternative actions if something gets in the way.
AAction Oriented (May kaakibat na pagkilos)A goal must be acted on, not just kept in your mind.

Five factors in choosing a career or business

The module lists five personal factors to guide learners toward a successful future:

  1. Talento (talent): a special gift and natural ability you should discover, since it can guide your choice of track, academic or technical-vocational course, or business after high school.
  2. Kasanayan (skills): the things you are good at, linked to ability, competency, and proficiency.
  3. Hilig (interests): favorite activities that make you happy and that you give your all to without feeling tired or bored.
  4. Pagpapahalaga (values): striving for what you want in life and serving the country with love as your part in its economic growth.
  5. Mithiin (goal): the last factor, which plays a big part in achieving what you want and challenges you to make your goal real.

The module also describes two kinds of values from Sta. Maria (2006):

  • Work values (pagpapahalagang kaugnay ng paggawa), such as excellence in work, accepting change, dealing with the public, and accepting differences
  • Career values (pagpapahalaga kaugnay ng pagpapaunlad ng karera), such as personal growth, advancement, and recognition

A person whose actions and decisions rest on clear values usually succeeds. The module illustrates this with the story of Aivie, a girl from a poor family who sold boiled peanuts and polvoron as a child. Despite little support and hurtful words from neighbors, she took up Education at a state college, did laundry for others to earn money, graduated after four years, passed the national teacher exam, and now teaches in a public school.

Activities in the module

  • Subukin: a 10-item multiple-choice pretest
  • Balikan: ordering the five steps of good decision-making from the previous lesson
  • Tuklasin: questions about four students explaining why they want to be a newscaster, a teacher, a business owner, and a doctor
  • Pagyamanin: the Aivie story with processing questions on her values
  • Isaisip: explaining, in three to five sentences, a quote that building a career is a lifelong cycle of setting and reaching goals
  • Isagawa: Gawain 1, an MI (Multiple Intelligence) Survey/Chart of Abilities to track progress on weaknesses and interests, and Gawain 2, a Goal Setting and Action Planning Chart covering self, studies, career, family, and community
  • Tayahin: a multiple-choice post-test
  • Karagdagang Gawain: a graphic organizer about a well-known person who succeeded through talents, abilities, interests, and work on weaknesses

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write your answers on a separate sheet; do not write on the module. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and contact your teacher if you have trouble.
  • Parents: Guide your child at home and talk with them about their goals. The Goal Setting and Action Planning Chart has a space for the parent’s signature.
  • Teachers: The module includes notes for the teacher, such as reviewing the steps in meaningful decision-making from the previous lesson. Gawain 2 also needs the adviser’s signature.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 7 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 8.

What does SMARTA stand for in this module?

SMARTA stands for Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time Bounded, and Action Oriented. The module uses it, citing Sta. Maria (2006), as a guide for setting good goals.

What are the factors in choosing a career or business according to the module?

The module lists five factors: talento (talent), kasanayan (skills), hilig (interests), pagpapahalaga (values), and mithiin (goal).

Does the module have an answer key?

Yes. It includes a Susi sa Pagwawasto (answer key) for the Subukin pretest and the Tayahin post-test.

Do learners write their answers in the module?

No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate sheet of paper for their answers.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 8: Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal Bokasyonal o Negosyo

[illustration: students studying outdoors and at home, with a lamp, a globe, and a child reading by lamplight]

CO_Q3_ESP 7_Modyul 8

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 8: Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal Bokasyonal o Negosyo Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Ave., cor. St. Paul Road, Pasig, City Telefax: 02-8631-4070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eric Justiniano Maningas at Joseph Luisaga Lozanta Language Editor: Florenil M. Malabayabas Tagasuri: Annabelle M. Marmol, Mariam B. Rivamonte, Nestor T. Rualo Tagaguhit: Ulysis J. Galloniga Tagalapat: Eric J. Maningas, Joseph Luisaga Lozanta, Magnolia M. Mabulo-Delos Santos Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Freddie Rey R. Ramirez, Danilo C. Padilla, Annabelle M. Marmol, Lany M. Semilla, Mariam B. Rivamonte, Nestor T. Rualo

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 8: Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal Bokasyonal o Negosyo

7

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: hand pointing with a finger inside a circle]

Ang bawat isa sa atin ay natatangi sapagkat nilikha tayo ng Diyos na may iba’t ibang kakayahan at kalakasan. May mga potensiyal tayo na kaloob sa atin at kailangan lamang hasain at linangin upang maging ganap ang ating pagkatao at makatulong sa ating kapuwa at maging sa lipunan na ating ginagalawan. Maaaring sa simula ay mahirapan tayong tuklasin ang ating kakayahan at potensiyal ngunit sa patuloy na paghuhubog at paglalapat ng ating pagpapahalaga ay maisasakatuparan natin ito. Bakit natin ito gagawin? Sapagkat ang bawat nilalang ay may tungkulin na tuklasin kung ano ang bigay na kakayahan at potensiyal sa kanya kaya gamitin natin ang mga paraang makatutulong para matuklasan ang mga ito.

Halina’t tuklasin at pagyamanin ang ating kaisipan. Ano nga ba ang mga panloob na salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng ating mga pagpapahalaga?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

  1. Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon ng tamang direksiyon sa buhay at matupad ang mga pangarap, maging ang pagsasaalang-alang sa mga:
    a. Sariling kalakasan at kahinaan at pagbalangkas ng mga hakbang upang magamit ang mga kalakasan sa ikabubuti at malagpasan ang mga kahinaan.
    b. Pagtanggap ng kawalan o kakulangan sa mga personal na salik na kailangan sa pinaplanong kursong akademiko o teknikal-boksayonal, negosyo o hanapbuhay.

1

CO_Q3_ESP 7_Modyul 8

Subukin

[illustration: hand holding a pencil inside a circle]

Panuto. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang mainam na sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

  1. Alin sa sumusunod ang batayan na dapat sundin ng isang indibiduwal sa pagtupad ng kaniyang mithiin?
    I. Specific (Tiyak)
    II. Measurable (Nasusukat)
    III. Attainable (Naaabot)
    IV. Relevant (May kaugnayan sa nais/ makabuluhan)
    V. Time Bounded (Makakaya sa takdang panahon)
    VI. Action Oriented (May kaakibat na pagkilos)
    A. I,II,III
    B. I,II,III,IV
    C. I,II,III,IV,V
    D. I,II,III,IV,V,VI


  2. Sa mga batayan na dapat sundin sa pagtupad ng mithiin, alin sa mga ito ang tumutukoy sa pahayag na “Gusto kong maging guro.”
    A. Tiyak
    B. Naaabot
    C. Nasusukat
    D. May kaakibat na pagkilos


  3. Kilala si Joseph sa husay niya sa pag-awit. Noong nag-aaral pa lamang siya, lagi siyang iniimbita upang magbigay ng pampasiglang bilang sa kanilang paaralan. Sa kasalukuyan, ang talentong ito ang kaniyang pinagkakakitaan. Alin sa mga sumusunod ang akmang batayan sa sitwasyong inilahad.
    A. Attainable Relevant
    B. Specific at Measurable
    C. Measurable at Attainable
    D. Time Bounded at Action Oriented


  4. Hinahangaan ni Armaine ang kaniyang guro sa Araling Panlipunan noong siya ay elementarya pa lamang. Hilig niya ang history o kasaysayan. Sa ngayon isa na ring guro si Armaine sa high school. Alin sa sumusunod ang mga kriteryang sinunod ni Armaine?
    A. Specific, Measurable, at Attainable
    B. Specific, Measurable, Attainable at Relevant
    C. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, at Time Bounded
    D. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time Bounded, Action Oriented


2

CO_Q3_ESP 7_Modyul 8

  1. Nais ni Ding na maging pulis. Bukod sa gusto niya ito, sigurado siyang susuportahan siya ng kaniyang mga magulang sa pangarap niyang ito. Subalit napabarkada si Ding at napabayaan ang kaniyang pag-aaral. Hindi alintana ni Ding ang pagkasira ng kanyang pag-aaral. Para sa kaniya, bata pa naman siya at mahaba pa ang panahon upang maabot ang kaniyang pangarap. Alin sa mga sumusunod na batayan sa pag-abot ng mithiin ang naisasantabi ni Ding?
    A. Naaabot
    B. May kaugnayan sa nais
    C. May kaakibat na pagkilos
    D. Makakaya sa takdang panahon


  2. Ito ay tumutukoy sa isang pambihirang biyaya at likas na kakayahan ng isang indibiduwal na maaari niyang maging batayan sa pagpili ng kaniyang minimithing pangarap.
    A. Hilig
    B. Mithiin
    C. Talento
    D. Kasanayan


  3. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kasanayan?
    A. Talento
    B. Kakayahan
    C. Pampalipas oras
    D. Pagpapahalaga


Para sa bilang 8-10

Si Roy ay katatapos pa lang sa Grade 12. Sa Maynila niya nais mag-aral ng kolehiyo upang maging doktor. Bata pa lamang ay ito na ang kaniyang pangarap. Ngunit, nais ng mga magulang niya na sa probinsiya na lamang siya magpatuloy ng kolehiyo dahil sa panganib na dulot ng CoVID 19. Sa kanilang probinsiya ay walang paaralan para sa pagdodoktor.

  1. Alin sa mga sumusunod na salik sa pagpili ng karera ang mawawaglit kung susundin ni Roy ang gusto ng kaniyang mga magulang?
    A. Hilig
    B. Mithiin
    C. Kasanayan
    D. Pagpapahalaga


  2. Alin sa mga sumusunod na salik sa pagpili ng karera ang mawawaglit kung hindi naman susundin ni Roy ang gusto ng kaniyang mga magulang?
    A. Hilig
    B. Mithiin
    C. Kasanayan
    D. Pagpapahalaga


3

CO_Q3_ESP 7_Modyul 8

  1. Kung ikaw si Roy, alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting gawin sa sitwasyong iyong kinakaharap?
    A. Titigil na lamang muna sa pag-aaral, at hihintaying magkaroon ng bakuna sa COVID 19.
    B. Magpapatuloy sa pag-aral sa Maynila kahit kapalit nito ang hindi pagsuporta ng magulang.
    C. Hihinto nang tuluyan sa pag-aaral at maghihintay na lamang na mapasama sa bibigyan ng ayuda ng pamahalaan.
    D. Kakausapin nang masinsinan ang mga magulang upang magkasundo sa nararapat na gawin sa sitwasyong ito.

4

CO_Q3_ESP 7_Modyul 8

Aralin 8 Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Kursong Akademiko o Teknikal Bokasyonal o Negosyo

Ang pagkakamit ng sariling mithiin o goal ay hindi lamang maisasakamay kung mananatili itong isang pahayag na umuukilkil sa iyong isipan. May nabasa ka ba sa diyaryo, napakinggan sa radyo o napanood sa telebisyon na taong nagtagumpay dahil sa dinala ito sa kaniya nang personal ng kaniyang tadhana? Kung wala, ito ay dahil sinikap nilang panghawakan at isakatuparan gamit ang pagpapahalaga sa buhay upang kanilang makamit ang minimithi. Ito ang siyang naging batayan nila sa kilos at pagpapasiya sa buhay.

Marapat lamang na linangin mo hangga’t bata pa ang mga sariling salik kaugnay sa paggawa upang higit na mapaunlad ang sarili at maging isang produktibong indibiduwal ng lipunan at ng bansa.

Balikan

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng mabuting pagpapasiya (1 para sa unang hakbang at 5 ang huling hakbang)

_____1. Tanungin ang sarili sa kung ano ang binabalak gawin at kung naaayon sa natural na batas moral

_____2. Sumangguni at humingi ng opinyon sa mga taong nakaaalam at may sapat na karanasan.

_____3. Manalangin upang mabigyang-lakas na maisakatuparan ang anomang dapat gawin ayon sa paghuhusga ng sariling konsensiya.

_____4. Kung may agam-agam sa nagawang pasiya, pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.

_____5. Isaalang-alang ang iyong damdamin o kalooban sa iyong gagawing pagpili at ang magiging kasiyahang bunga nito sa iyo.

[transcriber’s note: the instruction “Tuklasin / Panuto: Basahina ang pag-uusap ng mga mag-aaral sa larawan” appears in the text layer of this page but is not visible on the rendered page, so it is not transcribed here]

Mga Tala para sa Guro

Sa nakalipas na aralin ay hinalaw at pinag-aralan ang kahalagahan ng makabuluhang pagpapasiya sa uri ng buhay. Muli mong pabalikan sa mga mag-aaral ang mga ito. Iyong ipatukoy ang mga kinakailangang hakbang at paano nakatutulong ang mga ito sa pagkakaroon ng makabuluhang pagpapasiya.

[illustration: four students seated around a table, each with a speech bubble]

  • Speech bubble (top left): “Ako magiging newscaster. Journalist yata ito sa paaralan at editor-in-chief pa. Kaya kukuha ako ng kursong Journalism.”
  • Speech bubble (top center): “Ako guro! Malapit sa puso ko ang mga bata at mahusay sa pakikipag-usap sa mga ito.”
  • Speech bubble (right): “Magtatayo ako ng sariling negosyo. Magaling ako sa PR at mag-salestalk. Kaya Bussiness Management course ang aking kukunin.”
  • Speech bubble (left): “Gusto kong maging doktor gaya ng aking Tiyo Eric.”

Panuto: Sagutan ang mga katanungan.

  1. Ano-ano ang mga naging motibasiyon o dahilan sa pagpili ng mga mag-aaral ng kurso/karera o negosyo sa larawan?




  1. Nakaiimpluwensiya ba ang mga kakayahan, interes at taong nakapaligid sa pagkakamit ng mithiin? Alin sa mga ito ang may ganitong sitwasyon.




  1. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang kakayahan, interes o hilig at maging pagpapahalaga sa pagkamit ng iyong mithiin? Ipaliwanag.




  1. Kung ikaw ay isa sa mga mag-aaral sa larawan, ano ang iyong mithiin sa buhay? Pangatuwiranan.




  1. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng nasabing karera o mithiin sa buhay?




Suriin

Bawat indibiduwal ay may kani-kaniyang naisin o mithiin sa buhay. Mula pagkabata ay mayroon na siyang gustong maging sa hinaharap o pangarap na makamit sa pagtanda. Kaya naman sa murang edad kapag tinatanong ng matatanda o ng magulang kung ano ang gusto niya sa paglaki, sasagot siya nang, “Gusto ko maging piloto, doktor, guro at inhinyero”. Ngunit paano mo maaabot ang iyong minimithi?

Mahalagang isaalang-alang ang ilang pamantayan sa pagbuo ng mahusay na mithiin. Ang SMARTA (Sta. Maria, 2006) ay mga batayan na maaaring gabay sa pagtatakda ng iyong mithiin.

  • S – pecific (Tiyak)
  • M – easurable (Nasusukat)
  • A – ttainable (Naabot)
  • R – elevant (May kaugnayan sa nais/ makabuluhan)
  • T – ime Bounded (makakaya sa takdang panahon)
  • A – ction Oriented (May kaakibat na pagkilos)
SPECIFIC (TIYAK)

Ang mahusay na mithiin ay tumutukoy sa mga tiyak na hakbang o pagkilos na gagawin. “Gusto ko maging abogado”, iyan ang mithiin mo. Ngunit hindi sapat na hanggang salita lamang ito. Marapat ay kailangan mo ring ihayag sa iyong sarili na iyong tatapusin ang mga paunang kurso upang makatungtong sa pag-aaral ng abogasiya o ang tinatawag nating pre-law o Bachelor of Laws sa isang unibersidad na nagtuturo ng mga kursong ito.

MEASURABLE (NASUSUKAT)

Masusukat natin ang ating mithiin kung nasusubaybayan ang pagsulong ng bawat hakbanging na iyong tatahakin kung kaya’t mas madali nating makakamit ang mga bagay na ating ninanais. Isang malinaw na halimbawa ay ang tiyak na kursong ninais mong makamit sang-ayon sa iyong kagustuhan.

ATTAINABLE (NAAABOT)

Ang isang mahusay na mithiin ay makatotohanan o posibleng maabot ngunit mapanghamon. Isang malinaw na halimbawa nito ay ang mga balakid na iyong pagdadaaanan na siyang huhubog sa tatag ng iyong kalooban maging ng iyong isipan tulad ng mga problemang pinansyal, hirap ng mga asignatura at kaisipang mula sa mga kakilala na nakapagtatapos ng pag-aaral. Ang mga ito ay magsisilbing gabay mo upang pagsumikapang makagawa ng desisyon na magpapaunlad sa iyong sarili tungo sa pagkamit ng tiyak na mithiin. Ika nga sa isang kasabihan “NO PAIN, NO GAIN”.

RELEVANT (MAY KAUGNAYAN SA NAIS/ MAKABULUHAN)

Ang mithiing ating itinatakda ay karaniwang siyang ating inaakala na makapagbibigay sa atin ng kasiyahan o makapupuno sa ating pangangailangan. Ibig sabihin ay maaaring bunga lamang ito ng impluwensiya at pambubuyo ng ating pamilyang pinagmulan, kamag-aral at kaibigan. Samakatuwid, mas mahusay ang isang mithiin kung ito ay pinag-isipan at ginawa nang may hinahon.

TIME BOUNDED (MAKAKAYA SA TAKDANG PANAHON)

Marapat na maglagay tayo ng takdang panahon kung hanggang kailan natin dapat makamit at matupad ang ating mithiin. Ito ay upang hindi manghinayang sa mga panahong ginugugol sa pagtahak dito. Anomang pangyayari na ikinaliliko sa pagkakamit nito ay agaran din nating malalapatan ng suplemental o alternatibong aksiyon para maging higit na epektibo sa itinakdang panahon.

ACTION ORIENTED (MAY KAAKIBAT NA PAGKILOS)

Sa pagkakamit ng ating mga mithiin dapat ito ay ating bigyang – aksiyon. Huwag hayaan na ito ay nasusukat lamang sa iyong isipan bagkus ay aktibong tumahak sa daan patungo dito. Ang mithiin ay dapat naisasakatuparan.

Mga Salik sa Pagpili ng Karera o Negosyo

Ang mga salik sa pagpili ng karera o negosyo ay dapat mong malaman upang maging gabay sa pagkakaroon ng matagumpay na hinaharap.

  1. Talento

    • ➢ Ang talento ay isang pambihirang biyaya at likas na kakayahang na dapat mong tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng track o kursong akademiko o teknikal-bokasyonal gayundin ng negosyo o hanapbuhay sa iyong pagtatapos sa high school.
  2. Kasanayan (Skills)

    • ➢ Ang mga kasanayan o skills ay isa sa maituturing na mahalagang salik sa paghahanda sa iyong pagpipiliang kurso. Ito ay ang mga bagay kung saan tayo ay mahusay at magaling. Maaari nating maiugnay ito sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency).
  3. Hilig

    • ➢ Ito ay ang mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot.
  4. Pagpapahalaga

    • ➢ Ang pagkakaroon ng pagpapahalaga ay ang pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
  5. Mithiin

    • ➢ Ang huling salik na ito sa pagpili ng tamang kursong kukunin ay masasabing may malaking bahagi sa pagtamo ng iyong mga naisin sa buhay. Dito na hinahamon ang iyong kakayahan upang isakatuparan o gawing ganap ang iyong mithiin sa buhay.

Ang pagpapahalaga ayon sa mga sikolohista ang siyang nagiging dahilan kaya nagiging kanais-nais, kaiga-igaya, kahanga-hanga o kapaki-pakinabang ang isang bagay o ideya. Ang batayan ng pagpapahalaga sa paggawa ng pasiya at pagtakda ng mithiin ay binibigyang-diin sa pagpili ng karera, negosyo o hanapbuhay.

Para kay Sta. Maria (2006), may iba’t ibang uri ng pagpapahalaga. Ang mga ito ay ang;

  • Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng Paggawa (work values) – tulad ng kahusayan sa paggawa, pagtanggap sa mga pagbabago, pagharap sa publiko, pagtanggap sa pagkakaiba-iba.
  • Mga Pagpapahalaga Kaugnay ng Pagpapaunlad ng Karera (career values) – tulad ng pansariling pag-unlad, pag-angat, pagkilala at iba pa.

Ang taong may tiyak na mga pagpapahalaga na pinagbabatayan ng kilos at pasiya ay karaniwang nagtatagumpay. Batid niya kung alin sa mga pagpapahalagang ito ang makatutulong sa kaniya sa pagkamit ng mas makabuluhang buhay. Sa kaniyang pagsusumikap matatamo niya ang kaniyang itinakdang mithiin.

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang anekdota hinggil sa isang taong naging matagumpay sa pagkamit ng kaniyang mithiin sa buhay.

Ikaw ba ay may pangarap? Nais mo bang magtagumpay sa buhay? Ikaw ba ay may mga personal na layunin? Kung gayon, tiyak na ikaw ay magkakaroon ng motibasyon na magtagumpay sa buhay kung iyong babasahin ang anekdotang ito.

Lumaki sa isang hindi nakaaalwang pamilya si Aivie, bata pa lamang ay mulat na siya sa kahirapan ng kaniyang pamilya. Isang simpleng maybahay ang kaniyang ina at isang karpintero ang kaniyang ama. Lima silang magkakapatid at pang-apat siya dito. Hindi regular ang hanapbuhay ng kaniyang mga magulang kaya’t sa murang edad ay tumutulong na siya sa kaniyang magulang sa paghahanapbuhay. Nariyang naglalako siya ng nilagang mani at maging polburon pandagdag-baon at kaunting tulong na rin upang makaraos sa maghapon. Hindi natatapos sa apat na sulok ng silid-aralan ang pagnanais ni Aivie na makatapos ng pag-aaral. Likas sa

kaniya ang kahalagahan ng pag-aaral sapagkat batid niyang ito lamang ang makaaahon sa kanila sa kahirapan.

Matapos ang kaniyang high school batid niyang mahihirapan na siyang makatuntong ng kolehiyo kung kaya’t pinanghinaan na siya ng loob. Subalit sa patuloy na pagdaan ng araw sumisidhi sa kaniya ang mithiing makapagtapos ng pag-aaral. Hindi siya nawawalan ng pag-asang makakapasok siya sa kolehiyo. Kulang man sa suporta ng magulang at walang katiyakan sa mangyayari ay lakas-loob siyang pumasok sa kolehiyo.

Kumuha siya ng Kursong Edukasyon, sa state college sa kanilang lalawigan. Malayo sa kanilang tahanan ito kung kaya’t siya ay humanap ng matitirahan malapit sa kaniyang paaralan. Lingguhan o buwanan siyang umuwi sa kanilang tahanan. Upang makatugon sa kaniyang personal na pangangailangan ay ninais niyang humanap ng mapagkakakitaan. Nariyang siya ang naglalaba ng damit ng kaniyang mga kasama, nagtitipid siya sapagkat kailangan niyang pagkasyahin ang dalawandaang – pisong baon niya sa isang linggo.

Dumating sa puntong nais na niyang sumuko sapagkat mismong magulang niya at mga kapatid niya ang pumipigil sa kaniya. Nakaririnig siya ng mga masasakit na salita buhat sa ibang tao, sinasabihang maging bayarang babae na lamang upang magkaroon ng baon at may pantustos sa pag-aaral na siyang labis na nagdulot ng sakit sa kaniyang dibdib.

Tumataas ang kilay ng kaniyang mga kapitbahay, wika pa nila “paano makatatapos iyan, gayong wala namang pera iyan”, “isang taon laang iyan magaasawa din iyan”, “ineng ang taas mo naman baka ika’y doon na mag-asawa” “kung ikaw ay magpakatulong na laang para naman hindi ka na maging pabigat sa inyo”, ang mga negatibong salitang ito ang naging lakas niya upang lalo siyang magsumikap sa buhay.

Sa loob ng apat na taon ng pagsisikap niya ay nakapagtapos siya ng pag-aaral. Nakapasa sa pambansang pagsusulit sa pagiging guro at kasalukuyang nagtuturo sa pampublikong paaralaan.

Kahit kailanman ay hindi niya nakalimutan ang kaniyang pagtahak sa kaniyang mithiin. Lagi niyang ibinabahagi sa kaniyang mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pangarap sa buhay at pagpili ng tamang desisyon patungo sa pagkamit nito. Tinutulungan niya ang kaniyang mga mag-aaral na maimulat sa kanila na magtagumpay sa buhay anoman ang kasalukuyang sitwasyon mayroon sa kanilang buhay.

Pamprosesong tanong
  1. Anong pagpapahalaga ang tinataglay ni Bb. Aivee.
  2. Paano nakatulong ang pagpapahalagang mayroon si Bb. Aivee sa kaniyang tagumpay?
  3. Sa iyong palagay, anong mga pagpapahalaga ang kailangan mong linangin upang maging matagumpay sa iyong piniling pangarap o mithiin?
  4. Paano makatutulong ang mga pagpapahalagang ito sa pagtatagumpay sa pinili mong kursong akademiko o teknikal-bokasyonal o negosyo?

“Ang pagbuo ng karera ay isang panghabambuhay at paulit-ulit na pagtatakda at pagkakamit ng mga mithiin. Ang mga mithiin maliit man o malaki, natatamo o hindi, ay mayroong pangkalahatang epekto sa pagpapaunlad ng karera.”

Isaisip

Panuto: Basahin ang pahayag na nasa kahon. Ipaliwanag ito gamit ang tatlo hanggang limang pangungusap.

Paliwanag:




Isagawa

Gawain 1: MI (Multiple Inteligence) Survey/ Chart of Abilites

Panuto: Gumawa ng ulat ng iyong pag-unlad sa pagsasagawa ng mga hakbang sa pagpapalakas ng iyong mga kahinaan gamit ang MI (Multiple Inteligence) Survey/ Chart of Abilites

Mga KahinaanMga Naging Pag-unlad
Halimbawa: Mahina ako sa ScienceTumaas ang aking marka sa Science ng tatlong puntos at nakasali sa school-based science camp.
Ulat ng pag-unlad sa mga Hilig o Interes
Mga Interes na Kailangang PaunlarinMga Naging Pag-unlad
Halimbawa: PagsasayawSumali sa isang dance group o MAPEH Club sa paaralan.

Sagutan:

Paano nakaimpluwensiya ang iyong pagbuo ng layunin tungo sa pag-unlad ng iyong mga kahinaan at mga interes sa buhay at pagpili ng akademiko o teknikal-bokasyonal o negosyo?





Gawain 2: Goal Setting and Action Planning Chart

Panuto: Punan ang talahanayan ng iyong hakbangin upang makamit mo ang iyong minimithi/pinapangarap sa buhay gamit ang pagpapahalaga na iyong pinanghahawakan.

Mithiin/ pangarapKahinaang maaring maging sagabalKalakasang maaaring gamitin sa pagkamit ng mithiinMga hakbang na isasagawa
Sa Sarli
Sa Pag-aaral
Sa Karera
Sa Pamilya
Sa Pamayanan

_____________________    _____________________    _____________________

Lagda ng Mag-aaral    Lagda ng Magulang    Lagda ng Gurong tagapayo

Tayahin

Panuto. Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang mainam na sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

  1. Nais ni Jennelyn na maging engineer. Naging interesado siya dito dahil sa kaniyang ama na isa ring lisensiyadong engineer. Ang kaniyang ina naman ay opisyal sa kanilang barangay. Alin sa mga sumusunod na salik ang unang nalinang kay Jennelyn upang mangarap na maging isang engineer?
    A. Hilig
    B. Talento
    C. Kasanayan
    D. Pagpapahalaga


  2. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o pagkilos upang maisakatuparan ang isang mithiin.
    A. Tiyak
    B. Naaabot
    C. Nasusukat
    D. May kaakibat na pagkilos


  3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa Time Bounded?
    A. May kaugnayan sa nais
    B. Makakaya sa takdang panahon
    C. May kaakibat na pagkilos
    D. May pirmiso ng magulang


Para sa bilang 8-10

Magaling sa pagguhit si Allan. Hinahangaan siya ng kaniyang mga kaklase noong high school pa sila. Pinangarap niyang maging arkitekto. Subalit, hindi kayang tustusan ng mga magulang niya ang kaniyang gastusin sa kurso na gusto niya. Kumuha siya ng engineering at isang naging isang ganap ng propesyonal ngayon.

  1. Alin sa mga sumusunod na kriterya ang nagpabago sa mithiin ni Allan?
    A. Tiyak
    B. Naaabot
    C. Nasusukat
    D. Makabuluhan


  2. Alin sa mga sumusunod na kriterya ang naging sanhi upang maging isang prosesyunal na engineer si Allan?
    A. Naaabot
    B. Makabuluhan
    C. May kaakibat na pagkilos
    D. Makakaya sa takdang panahon


  3. Bakit mahalagang magtakda tayo ng batayan na magiging gabay natin sa pagtatakda ng ating mithiin?
    A. Sa pamamagitan ng mga kriterya na ito, magkakaroon tayo ng libreng matrikula sa kolehiyo.
    B. Ang mga kriterya na ito ang magsisilbing puhunan sa negosyo na ating pasisimulan.
    C. Magkakaroon tayo ng malinaw na direksiyon sa karera o/at negosyo na ating tatahakin pagdating ng panahon.
    D. Ito ang magbibigay sa atin ng daan upang madaling makahanap ng trabaho.


Karagdagang Gawain

Panuto: Magbasa o manood ng balita hinggil sa mga kilalang tao na nagtagumpay sa buhay sa tulong ng kanilang mga talento, kakayahan, interes at pagpapaunlad ng kahinaan.

[chart: graphic organizer; Karagdagang Gawain (four-quadrant organizer)]

  • Top left: Ano ang karera/negosyo?
  • Top right: Ano ang kaniyang mga kakayahan at interes?
  • Center: Larawan at pangalan
  • Bottom left: Ano ang kaniyang kahinaan na nagsilbing sagabal sa pagkamit ng kaniyang tagumpay?
  • Bottom right: Paano siya nagtagumpay?
Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key is printed upside down in two boxes; the answers are listed below in each box’s order]

Subukin
  1. D
  2. A
  3. A
  4. D
  5. D
  6. B
  7. B
  8. B
  9. C
  10. D
Tayahin
  1. D
  2. B
  3. B
  4. D
  5. B
  6. A
  7. B
  8. C
  9. C
  10. C

Sanggunian

  • Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi) Lungsod ng Pasig, Pilipinas, 2012, pp. 122-146

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *