This is the self-learning module (SLM) for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, Values Education) Grade 6, Quarter 4, Module 2: “Ispiritwalidad: Nagdadala ng Positibong Pananaw, Pag-asa, at Pagmamahal sa Diyos at Kapwa” (spirituality brings a positive outlook, hope, and love for God and others). It was prepared by DepEd Region VI as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020) for Grade 6 learners studying at home. After it, learners should be able to explain how faith helps a person grow and show it through a positive outlook, hope, and love for others and God.
The module is built around one guiding question: “Paano mo mapapatunayan na nagdadala ng pag-asa ang ispiritwalidad?” (How can you prove that spirituality brings hope?)
What learners will learn
The module states this learning goal:
- Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad (proves that spirituality helps a person grow).
- Nagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at Diyos (develops a positive outlook, hope, and love for others and God).
What the module teaches
The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. It starts from a simple idea: pananalig (faith) is trust in God, even though we do not meet Him in person. A person who trusts God finds it easier to understand and love other people. The module also says that, whatever our level of faith, it matters that we give hope to others.
The Suriin (analyze) part names three signs of a well-developed spiritual life:
| Sign | What the module says |
|---|---|
| Pagkakaroon ng positibong pananaw (having a positive outlook) | A positive person expects things to turn out well, because of faith and trust that God will stand by them. This gives them hope that they can face any challenge. |
| Pagkakaroon ng pag-asa (having hope) | Hope comes from faith. God becomes our support, especially when our abilities and trust are tested, and gives us strength to face the future. |
| Pagmamahal sa Diyos at kapwa (love for God and others) | Faith makes a person want to love others. This reflects God’s love for each of us, which we share by serving others, bringing them hope, and helping them see things positively. |
Stories and examples in the module
- “Ang Mabuting Hangarin” (the good intention), a parable by Pilsen Kate Advincula. Two teachers on their way to a mountain school find Mang Kanor, an old man who collapsed from hunger in the rain. Although they had barely enough money for the week, they bought him bread and water and stayed with him. They posted his photo on Facebook, and it turned out his relatives had been looking for him for five years. He was reunited with his children.
- “Allan K sa Likod ng Entablado” (Allan K behind the stage), a short essay about comedian Alan Joveness Quilantang of Bacolod City. The module points to his hard work, positive outlook, and dreams as the reasons for his success.
- Everyday situations, such as praying instead of going to a party, returning extra change, visiting a sick classmate, respecting friends of other religions, and caring for a grandparent.
Parts of the module
- Subukin (pretest): 10 TAMA or MALI (true or false) items on positive outlook, hope, and love for others and God.
- Balikan (review): 5 TAMA or MALI situations on whether spirituality helped a person grow.
- Tuklasin (discover): read “Ang Mabuting Hangarin” and answer four questions.
- Suriin (analyze): the discussion of the three signs above.
- Pagyamanin (enrich): Gawain 1 on the Allan K essay, and Gawain 2, where learners rate 10 faith-deepening activities (for example daily prayer, forgiving others, feeding the hungry, visiting the sick) from 1 to 5.
- Isaisip (remember): three reflection questions, including how a learner can grow in faith and trust in God.
- Isagawa (apply): interview someone you see as a model of hope and faith, then write an essay. It is scored with a 20-point rubric (5 points each for content showing hope and faith, use of the guide questions, careful and correct language, and a meaningful essay).
- Tayahin (assessment): 10 statements marked with a check (/) or an x.
- Karagdagang Gawain (additional activity): write a personal promise to grow spiritually through activities that bring you closer to God.
How to use this module
- Learners: Start with Subukin to see what you already know, then work through the parts in order. Write all answers on a separate answer sheet (sagutang papel) and do not write on the module, so others can use it. Write the Karagdagang Gawain promise in your notebook. Contact your teacher if anything is unclear.
- Parents and guardians: Help your child set up the Isagawa interview with a trusted person and check the answers honestly using the Susi sa Pagwawasto (answer key).
- Teachers: The answer key covers Subukin, Balikan, and Tayahin; Tuklasin and Pagyamanin answers vary. Use the rubric to grade the Isagawa essay. The module notes that a separate teacher’s or facilitator’s guide accompanies it.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 6 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 4, Module 2.
What is the module about?
It teaches that faith in God helps a person grow and leads to a positive outlook, hope, and love for God and others.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for Subukin, Balikan, and Tayahin, while answers for Tuklasin and Pagyamanin vary.
What does pananalig mean in this module?
Pananalig means faith or trust in God, even though we do not meet Him in person.
How is the Isagawa interview essay graded?
It uses a 20-point rubric with 5 points each for content showing hope and faith, use of the guide questions, careful and correct language, and a meaningful essay.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ispiritwalidad: Nagdadala ng Positibong Pananaw, Pag-asa, at Pagmamahal sa Diyos at Kapwa
6
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ispiritwalidad: Nagdadala ng Positibong Pananaw, Pag-asa, at Pagmamahal sa Diyos at Kapwa
[illustration: students reading and studying outdoors and indoors, with a student beside a globe and a lamp]
CO_Q4_EsP 6_ Modyul 2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ispiritwalidad: Nagdadala ng Positibong Pananaw, Pag-asa, at Pagmamahal sa Diyos at Kapwa Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Mga Manunulat: | Baby Alleah S. Mercadco Jhannalan A. Sevillo Jeanne M. Cabarles |
| Editor: | Ida Flor C. Ferraris |
| Tagasuri: | Lani A. Palma Miriam Lima Annamor M. Eleccion |
| Tagaguhit: | Anthony Cordilla |
| Tagalapat: | Annamor M. Eleccion Armore T. Balibagoso Llaine Grace B. Coronel Jose Karrlo G. Barro |
| Tagapamahala: | Ramir B. Uytico Elena P. Gonzaga Miriam Lima Regie B. Sama Annamor M. Eleccion Pedro T. Escobarte Jr. Donald T. Genine Renato T. Ballesteros Ronie T. Tababa Lani A. Palma |
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Contact: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
6
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ispiritwalidad: Nagdadala ng Positibong Pananaw, Pag-asa, at Pagmamahal sa Diyos at Kapwa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
CO_Q4_EsP 6_ Modyul 2
Alamin
[illustration: target with an arrow]
Sa modyul na ito ating malalaman na ang pananampalataya ay nagdudulot ng pag-unlad ng pagkatao at nagbubunga ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at Diyos. Ang pagiging positibo sa bawat sitwasyon sa buhay ay isang indikasyon lamang na may pananalig tayo sa Diyos. Kasabay ng pag-unlad ng ating pananalig ay ang pag-asang tumutubo sa ating puso na magiging madali ang kahit na mabigat na sitwasyon dahil sa naniniwalang may Diyos na nagpapalakas sa atin. Higit sa lahat, ang pananalig ang pinagmumulan ng pagmamahal sa kapwa at sa Diyos na sa atin ay lumikha.
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang masagot mo ang tanong: Paano mo mapapatunayan na nagdadala ng pag-asa ang ispiritwalidad?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pang-unawa.
- Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.
a. Nagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at Diyos
CO_Q4_EsP 6_ Modyul 2
Subukin
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at Diyos at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Ang pananalig sa Diyos ay nagbibigay ng pag-asa sa tao.
_____ 2. Ang pagtulong sa kapwa ay sapat na kahit hindi ka magsimba.
_____ 3. Kapag dumaranas ng problema, ang pagdarasal ay nakapagbibigay ng pag-asa.
_____ 4. Ang pag-iwas sa paggawa ng kasalanan sa kapwa ay pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
_____ 5. Mahalaga na palagi tayong may positibong pananaw sa bawat problemang ating hinaharap.
_____ 6. Sa lahat ng oras at anumang pagkakataon, dapat tumulong sa kapwa.
_____ 7. Ang pananalig ay ang pagtitiwala sa Diyos kahit hindi siya nakikita nang personal.
_____ 8. Sa bawat pagkakataon, dapat na unahin ang sarili.
_____ 9. Ipagwalang-bahala ang damdamin ng iba.
_____ 10. Pagbibigay ng lakas ng loob at pagdamay sa taong dumaranas ng isang mabigat na pagsubok.
CO_Q4_EsP 6_ Modyul 2
Aralin 1: Ispiritwalidad: Nagdadala ng Positibong Pananaw, Pag-asa, at Pagmamahal sa Diyos at Kapwa
Ang pananalig ay ang pagtitiwala sa Diyos. Ang taong nanalig sa Diyos ay nagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa. Nagiging madali ang pagbibigay ng pang-unawa at pagmamahal sa kapwa kung may pananalig tayo sa Diyos.
Anuman ang antas ng pananalig natin sa Diyos, mahalaga na makapagbigay tayo ng pag-asa sa ibang tao at maramdaman na ang pananalig sa Diyos ay ang nagdadala ng positibong pananaw, pag-asa at pagmamahal sa kapwa.
Halina’t buksan ang kaisipan kung paano magkaroon ng positibong pananaw, pag-asa at pagmamahal sa Diyos at kapwa.
Balikan
Panuto: Unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang TAMA kung ito ay nagpapakita ng patunay na nagpaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad at MALI naman kung wala. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Pumunta si Marlon sa pook dalanginan upang manalangin nang taimtim kahit siya ay pilit na inaanyayahan ng mga kaibigan niyang pumunta sa party.
_____ 2. Pakikilahok sa mga panrelihiyong pagdiriwang tulad ng “World Youth Day“.
_____ 3. Itinago ni Luisa ang sobrang sukli na ibinigay ng tindera sa kanya noong bumili siya ng tinapay at juice.
_____ 4. Pakikinig nang mabuti at pagtanggap sa iba’t ibang paniniwala ng iyong mga kaibigan mula sa iba’t ibang relihiyon.
_____ 5. Dinalaw mo ang iyong kaklase na may sakit at dinalhan ng makakain gaya ng pagkain at mga prutas.
CO_Q4_EsP 6_ Modyul 2
Tuklasin
Panuto: Basahin ang parabula. Suriin kung paano ipinakita ng tauhan ang pagmamahal sa kanyang kapwa. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang Mabuting Hangarin
Orihinal na sinulat ni Pilsen Kate Advincula
Malakas ang buhos ng ulan, nag-aagaw ang kulog at kidlat. Pagod at walang pahinga ang isang matandang lalaki na si Mang Kanor. Mahirap isipin na sa kanyang edad at sitwasyon ay nagtitinda pa ito ng halamang-ugat sa baryo upang matugunan ang kumakalam nitong sikmura. Matagal na itong namumuhay ng mag-isa sa loob ng apat na taon.
Tinatahak nito ang daan pauwi tungo sa kanyang kubo sa paanan ng bundok nang ito ay mitumba dahil sa gutom dala ang karampot na pera. Nakahandusay siyang Nakita sa gitna ng kalsada ng dalawang guro habang papuntang paaralan na nasa bundok. Tumigil sila at pinagtulungang buhatin ito sa gilid ng kalsada. Sa kanilang pagmamalasakit, bumalik ang isa sa kanila sa pinakamalapit na tindahan at bumili ng tinapay at tubig kahil alam nilang halos kulang ang kanilang dalang panggastos para sa isang linggo.
Nang makabili dali-daling bumalik ang isang guro habang ang isa naman ay umaalalay kay Mang Kanor. Pinakain nila ito at sinamahan hanggang sa bumuti ang pakiramdam. Mababakas sa mukha ng matanda ang pasasalamat sa kanila. Inalam ng dalawang guro ang pangalan nito at tinulungan sa pamamagitan ng pag-post ng kanyang litrato sa facebook. Si Mang Kanor pala ay limang taon nang hinahanap ng kanyang mga kamag-anak. Muling nakapiling ng kanyang mga anak si Mang Kanor dahil sa mabuting intension ng mga gurong may mabubuting puso.
Mga Tanong:
- Paano ipinakita ng mga tauhan ang pagmamahal sa kanyang kapwa?
- Naging madali ba ang pagtulong ng mga guro kay Mang Kanor? Ipaliwanag.
- Ano ang naging bunga ng pagtulong ng mga guro kay Mang Kanor?
- Kaya mo rin bang mahalin ang iyong kapwa katulad ng ginawa ng mga guro sa matanda? Paano?
Suriin
Ang pananalig at pag-asa ang nagtuturo sa atin na magtiwala sa Diyos kahit na hindi natin siya nakakasalamuha nang personal. Kapag pinauunlad natin ang ating relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya, tayo ay lumilikha ng kabutihan at sumusunod sa kabanalan. Ito rin ay nagbubunga ng pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at Diyos.
Narito ang mga indikasyon ng may maunlad na ispiritwalidad ang ating pagkatao:
Pagkakaroon ng Positibong Pananaw
Ang isang taong may positibong pananaw ay umaasa na ang lahat ng mga bagay at pangyayari ay magiging maayos at mabuti. Ito ay bunga ng pagkakaroon niya ng pananampalataya at tiwala sa Diyos na Siyang aagapay sa kanya. Dahil dito, nagkakaroon ng pag-asa ang isang indibidwal na kakayanin niya ang anumang hamon at gawain.
Pagkakaroon ng Pag-asa
Ang pagkakaroon ng pag-asa ay bunga ng ating pananalig sa Diyos. Ang Diyos ang ating nagiging sandigan sa bawat pangyayari sa ating buhay, lalo na sa mga panahon na sinusubok ang ating kakayahan at pagtitiwala sa Kanya. Ito rin ay nagbibigay ng lakas sa atin upang harapin ang kinabukasan nang may pananalig sa Diyos. Sa gayon, may positibong pananaw tayo sa bawat sitwasyon o bagay na dumarating sa atin dahil naniniwala tayo na may Diyos na nakaagapay o tutulong sa atin.
Pagmamahal sa Diyos at Kapwa
Ang pagkakaroon ng pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos ay nagbubunga sa isang indibidwal ng kanyang nais na mahalin ang ating kapwa. Ito ay sumasalamin sa pagmamahal ng Diyos sa bawat isa sa atin, kung saan ay ginagamit niya tayo upang ipadama sa iba ang kanyang pagmamahal. Maaari itong mangyayari sa pamamagitan ng paghahandog ng ating sarili sa paglilingkod sa ating kapwa upang makapagdala ng pag-asa at matulungan din sila na magkaroon ng positibong pananaw.
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin ang maikli ng sanaysay tungkol sa buhay ni Allan K. Suriin kung anong pananaw at pag-uugali ang ipinakita ni Allan K. kaya siya nagtagumpay sa buhay. Isulat ito sa sagutang papel.
Allan K sa Likod ng Entablado
Si Alan Joveness Quilantang o kilala bilang “Allan K” ay tubong Bacolod City Negros Occidental. Naging matagumpay sa larangan ng pagpapatawa sa industriyang pantelebisyon at pagnenegosyo. Sa likod ng kanyang tagumpay, puhunan niya ang pagsisikap, positibong pananaw at pangarap sa buhay. Nagtrabaho siya sa “The Library” dito umunlad ang kanyang angking galing sa pagpapatawa sa entablado.
Taong 1994, binigyan siya ng oportunidad na maging parte ng sikat at tanyag na noontime show sa Pilipinas. Ngayon ay isa na siya sa mga kinikilala sa larangan ng komedya sa ating bansa.
Philippine Entertainment Portal Inc. (PEP) Lifestyle Section
Sanggunian: https://www.pep.ph/lifestyle/15679/alan-k-the-chairman
Ang mga pananaw at pag-uugali ni Allan K:
Gawain 2
Panuto: Markahan ang iyong mga gawaing nagpapalalim ng iyong pananampalataya sa antas na 1 hanggang 5, kung saan 5 ang pinakamataas. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Pagdarasal sa pook-dalanginan
_____ 2. Paglahok sa pangrelihiyong pagdiriwang
_____ 3. Pagpapatawad sa nakagawa sa iyo ng pagkakamali
_____ 4. Pagpapakain sa nagugutom
_____ 5. Pakikipag-usap sa mga kasing-edad tungkol sa iyong relihiyon
_____ 6. Regular na pagpunta sa mga spiritual leaders
_____ 7. Araw-araw na pagdarasal
_____ 8. Regular na pagninilay-nilay at pagmumuni-muni
_____ 9. Pagdalaw sa may sakit
_____ 10. Pagdalaw sa mga ulila at matatanda
Sa pagkakataong ito, inaasahan na natutunan mo na ang ispiritwalidad na aspeto ng pagkatao ay nakakatulong upang ang isang indibidwal ay magkaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at Diyos.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Sagutin ang mga katanungan at isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ano-ano ang indikasyon na umuunlad na ang pananalig ng isang tao?
- Paano mo maipapakita ang iyong pananalig at pag-asa sa Diyos?
Isaisip
Sa pagkakataong ito, inaasahan na natutunan mo na ang ispiritwalidad na aspeto ng pagkatao ay nakakatulong upang ang isang indibidwal ay magkaroon ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at Diyos.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Sagutin ang mga katanungan at isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ano-ano ang indikasyon na umuunlad na ang pananalig ng isang tao?
- Paano mo maipapakita ang iyong pananalig at pag-asa sa Diyos?
- Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapaunlad ang iyong pananalig at pagtitiwala sa Diyos?
Isagawa
Panuto: Magsagawa ng isang panayam sa isang taong inyong itinuturing na modelo sa pagbibigay ng pag-asa at pananalig sa Diyos. Matapos nito, sumulat ng isang sanaysay tungkol sa isinagawang panayam. Gamitin ang mga gabay na tanong na ito sa pagsasagawa sa gawain:
Ano ang kanilang pangalan, edad, lugar ng kapanganakan, at pinagkakaabalahan o trabaho?
Ano-ano ang mga pagkakataon sa kanyang buhay kung saan ay nagpakita sila ng kabutihan sa kanilang kapwa?
Ano-ano ang kanyang mga naging pagsubok sa buhay? Paano ito nakaapekto sa kanyang ispiritwalidad na aspeto?
Ano ang kanyang iyong ginawa upang mapaglabanan ang pagsubok sa buhay?
Rubriks
| Batayan sa Pagbibigay ng Marka | Puntos |
|---|---|
| Naglalaman ng mga impormasyong nagpakita ng pagbibigay ng pag-asa at pananalig sa Diyos | 5 |
| Nagamit ang mga gabay na tanong sa pagbuo ng sanaysay | 5 |
| Naisulat nang maingat, wasto at angkop ang paggamit ng wika | 5 |
| Makabuluhan ang nabuong sanaysay | 5 |
| Kabuuan | 20 |
Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ilagay ang tsek (/) kung nagpapakita ng maunlad na pagkatao bunga ng pananalig o pananampalataya, at ekis (x) naman kung hindi. Sipiin at gawin ito sa sagutang papel.
_______ 1. Si Lilia ay aktibo sa pagsali sa mga gawain sa kanilang simbahan.
_______ 2. Pinag-iisipan at pinipili ni Renato ang kanyang mga salita bago niya ito sabihin.
_______ 3. Mahirap man ang buhay ng pamilya ni Mang Nifer ngunit buo pa rin ang kanyang pag-asa na sila’y makakaahon sa kahirapan.
_______ 4. Maagang pumanaw ang ama ni Mildred kung kaya’t nagsikap siyang mabuti upang matulungan ang kanyang ina sa pagpapaaral sa kanyang mga nakababatang mga kapatid.
_______ 5. May tiwala si Bea sa kanyang sarili, kaya alam niyang magtatagumpay siya kahit hindi na siya magdasal.
_______ 6. Hindi sinasang-ayunan ni Angel ang pagpapakain ng kanyang ina sa mga batang nakatira sa lansangan.
_______ 7. Nagkaroon ng matinding karamdaman ang lolo ni Teban. Sa halip na malungkot, ipinagdarasal niya na gumaling agad ito sa kanyang karamdaman.
_______ 8. Bawat araw ay naglalaan si John ng oras para sa pagdarasal.
_______ 9. Tinutulungan ni Ian ang mga taong nanghihingi sa kanya tuwing siya ay pumapasok sa paaralan.
_______ 10. Inaalagaan ni Jepoy ang kanyang lola, sa pamamagitan ng pagsabay sa kanya na kumain at pakikipagkwento sa kanya.
Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng pangako para sa inyong sarili upang paunlarin ang iyong ispiritwalidad na aspeto ng pagkatao sa pamamagitan ng mga gawaing makakapagpalapit sa Diyos. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key is printed upside down on the page; the sections are transcribed here in reading order]
SUBUKIN
- TAMA
- MALI
- TAMA
- TAMA
- TAMA
- TAMA
- TAMA
- MALI
- MALI
- TAMA
BALIKAN
- TAMA
- TAMA
- MALI
- TAMA
- TAMA
TUKLASIN
MAY ANSWERS VARY
PAGYAMANIN
ANSWERS MAY VARY
TAYAHIN
- /
- /
- /
- /
- X
- X
- /
- /
- /
- /
Sanggunian
Kahalagahan Ng mga Hayop. (2018, October 13). Eric Catausan. https://catausaneric.wordpress.com/2018/10/13/kahalagahan-ng-mga-hayop/
Mga batas Na nangangalaga Sa kapakanan Ng mga hayop. (n.d.). GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/imbestigador/334614/mga-batas-na-nangangalaga-sa-kapakanan-ng-mga-hayop/story/
(n.d.). LEARNING RESOURCE CENTER – LRMDS. https://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/mahalin_at_arugain_ang_mga_hayop.pdf
K to 12 grade 4 learner’s material in Esp (q1-q4). (2015, 7). Share and Discover Knowledge on SlideShare. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-esp-q1q4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply