This is the Self-Learning Module (SLM) for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 4, Quarter 4, Module 4: “Mga Hayop na Ligaw at Endangered: Kalingain at Alagaan” (wild and endangered animals: care for and look after them). It is a home-study module from DepEd Region V’s Alternative Delivery Mode, first edition 2020, written in Filipino for Grade 4 learners. After working through it, learners should be able to show that they value all living things by caring for wild and endangered animals.
What learners will learn
The module states one goal. Learners are expected to value all living creatures by:
- caring for wild and endangered animals (pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered)
It also explains that showing care is not only for people but for all of God’s creations. Valuing every living thing is one way our love for God grows.
Lessons in this module
The module has one lesson, Aralin 1: Mga Hayop na Ligaw at Endangered: Kalingain at Alagaan. It opens with a short story, “Fieldtrip sa Manila Zoo” by Josephine Bruselas-Mien. In the story, Bb. Bida’s class visits the Manila Zoo. A zookeeper shows them wild and endangered animals such as a snake, giraffe, tamaraw, deer, Philippine eagle, crocodile, tiger, and lion. He then explains how to keep these animals safe.
Key ideas in the lesson
Why animals matter
The Suriin (discussion) part explains that animals help people in many ways:
- Work: carabaos help farmers plow the fields.
- Transportation: horses carry people in some places.
- Security: dogs help keep people safe.
- Food: pigs, cattle, and chickens are often served at meals.
- Materials: the skin of some animals is used for products such as shoes and bags.
- Joy: animals also make us happy.
What endangered animals are
Endangered animals are animals at risk of disappearing over time. A kind of animal is lost when its last members die. The module names three causes:
- destruction of their homes
- pollution
- illegal hunting
Once the last ones die, they will never be seen on Earth again. The module’s examples of wild and endangered animals are:
- giraffe, gorilla, and spotted deer
- baboy ramo (wild boar) and buwaya (crocodile)
- Philippine eagle, tamaraw, and tarsier
- pagong (turtle), pilandok (mouse deer), and ahas (snake)
Many of these can be seen in a zoo, a place that cares for many kinds of animals and helps protect them from extinction.
Laws that protect animals
| Law | What the module says about it |
|---|---|
| Republic Act 8485 (Animal Welfare Act) | The first law to set out, in full, the proper and humane care of all animals in the Philippines. It created the Committee on Animal Welfare. All animals must get proper care, and violators can be punished. Section 6 bans hurting or killing animals, except animals raised for food such as cattle, pigs, chickens, goats, sheep, carabaos, and horses. |
| Republic Act 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) | People may keep protected and endangered species only if the Department of Environment and Natural Resources (DENR) gives them a Certificate of Wildlife Registration (CWR). There is a process to follow, and breaking the rules leads to penalties or fines. |
Ways to care for animals
The module lists these ways to care for and protect animals:
- Give them the right food, in the right amount.
- Clean their homes, and treat them when they are sick.
- Do not destroy their homes or cut down trees that animals live in.
- Plant trees to give them shelter.
- Support government agencies that care for animals.
- Learn the proper ways to look after animals.
- Report anyone who mistreats animals to the authorities.
It also names groups that help animals. The DENR (Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman) protects the country’s plants and animals. PARC, the PAWS Animal Rehabilitation Center, is a temporary shelter for dogs, cats, and other animals rescued from cruelty or neglect. It helps them recover and finds them loving homes.
How to use this module
The module follows the usual SLM parts. Learners write all answers on a separate answer sheet or notebook, not on the module itself.
- Subukin (pretest): Write T for right or M for wrong on 10 statements about how people treat animals.
- Balikan (review): Draw a heart or a sad face for 5 situations about respect for others, from the previous lesson.
- Tuklasin (story): Read “Fieldtrip sa Manila Zoo” and answer 4 questions.
- Suriin: Read the discussion on why and how to care for animals.
- Pagyamanin:
- Gawain 1: check the pictures that show proper animal care.
- Gawain 2: find animal names in a word puzzle, then list ways to show you value them.
- Isaisip: Answer why wild and endangered animals must be protected.
- Isagawa: Write a personal promise, “Pangako sa Pag-aalaga ng Hayop na Ligaw” (a promise to care for wild animals).
- Tayahin (assessment):
- Draw happy or sad faces for 5 statements.
- Answer 5 multiple-choice questions.
- Karagdagang Gawain (extra activity): Rate 10 habits in caring for animals as Palagi (always), Madalas (often), or Hindi (no).
The Susi sa Pagwawasto (answer key) is at the end. The module asks learners to be honest in using it.
For learners: take the pretest first so you and your teacher know where you need help. Contact your teacher if anything is hard to understand.
For parents and guardians: help your child read the story and talk through the questions. Isaisip, Isagawa, and Karagdagang Gawain have no single correct answer.
For teachers: the module comes with a teacher’s or facilitator’s guide for the adults supporting home learning. Please check the printed answer key before using it; some pretest answers do not match the lesson.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 4 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), Quarter 4, Module 4. It is a DepEd Region V Alternative Delivery Mode module, first edition 2020.
What are endangered animals, according to the module?
Endangered animals are animals at risk of disappearing over time. The causes are habitat destruction, pollution, and illegal hunting. Once the last ones die, they will never be seen again.
Which laws protecting animals does the module discuss?
It discusses Republic Act 8485, the Animal Welfare Act, and Republic Act 9147, the Wildlife Resources Conservation and Protection Act. RA 9147 requires a Certificate of Wildlife Registration from the DENR before anyone may keep protected or endangered species.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the story questions, and the multiple-choice assessment. The open-ended activities accept different answers.
Can learners write on the module?
No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate answer sheet so others can use it later.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Hayop na Ligaw at Endangered: Kalingain at Alagaan
[illustration: teacher and students reading, studying, and working around a tree and a desk, with a globe and a lamp]
CO_Q4_EsP 4_ Modyul 4
[transcriber’s note: a diagonal printed label at the lower right reads “PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI”]
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Hayop na Ligaw at Endangered: Kalingain at Alagaan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trade mark, palabas sa telebisyon, pelikula, at bp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang mabuntunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-ari ng iyon. Ang anomang gamit mali-ban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________
Department of Education – Region V Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Contact: 0917-178-1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Mga Manunulat: | Josephine Bruselas-Mien Lea B. Perez Agnes Dejuras-Nocos Jessica Abanto-Pura |
| Tagasuri: | Mary Jean B. Brizuela Dollie G. Franche Sheila C. Bulawan Irene F. Yazon |
| Tagaguhit: | Jed T. Adra |
| Tagalapat: | Jeffrey B. Sape Vergel Junior C. Eusebio John Claude R. Caunca |
| Tagapamahala: | Gilbert T. Sadsad Grace U. Rabelas Jily I. Roces Francisco B. Bulalacao, Lailanie R. Lorico Merlita B. Camu |
4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Mga Hayop na Ligaw at Endangered: Kalingain at Alagaan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng ibat-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o markahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target with an arrow in its center]
Ang pagkalinga sa mga hayop na nilalang ng Diyos ay pagpapakita ng iyong pagpapahalaga sa Kanyang nilikha. Dapat alagaan ang mga hayop sapagkat sila ay nilalang ng Diyos at nakakatulong sa atin sa maraming paraan.
Alam mo ba na bukod sa mga karaniwang hayop na inaalagaan natin ay may iba pang hayop na nangangailangan din ng pagkalinga at pagmamahal mula sa tao. Sila ang mga hayop na ligaw at mga hayop na nanganganib nang maubos o endangered animals. Katulad ng iba pang likha ng Diyos, ang mga hayop ay dapat pahalagahan at kalingain.
Bilang batang mag-aaral, kaya mo rin bang maipakita ang pagpapahalaga sa kanila?
Sa modyul na ito inaasahang mapahahalagahan ang lahat ng mga likha na may buhay:
- pagkalinga sa mga hayop na ligaw at endangered
Subukin
[illustration: pencil icon]
Basahing mabuti ang mga pahayag tungkol sa pagturing ng tao sa mga hayop. Isulat sa sagutang papel ang titik T kung ito ay tamang gawi at M kung mali.
_____1. Pinapaliguan ang alagang aso upang mapanatili itong malinis.
_____2. Hinuhuli ang mga ibon upang alagaan sa bahay.
_____3. Sinasaktan o pinagmamalupitan ang mga alagang hayop.
_____4. Nagbabasa tungkol sa mga batas upang maproteksyunan ang mga hayop.
_____5. Inaalagaan ang mga hayop na may sakit.
_____6. Pinapanatiling malinis at maayos ang kulungan para sa alagang hayop sa bahay.
_____7. Pinapakain ang mga alagang hayop isang beses sa loob ng isang linggo.
_____8. Sinisira ang mga punongkahoy na tirahan ng mga ibon.
_____9. Hindi nililinis ang kulungan o tirahan ng alagang hayop.
_____10. Inaalam ang mga tamang paraan ng pag-aalaga ng hayop gamit ang internet.
Aralin 1: Mga Hayop na Ligaw at Endangered: Kalingain at Alagaan
Ang tao ay may pananagutan at tungkulin sa iba pang mga nilikha ng Diyos, may buhay man o wala. Kailangan ng mga hayop ang ating pagmamahal at pag-aalaga sa kanila upang hindi sila maubos at mawala. Tayo ang natatanging nilalang na maaaring tumulong upang hindi mangyari ito.
Sa modyul na ito ay matututunan mo na ang pagkalinga ay hindi lamang ipinakikita sa mga tao. Ito ay ipinapakita rin sa iba pang nilikha tulad ng mga hayop lalo na sa mga ligaw at nanganganib nang maubos o endangered species. Mauunawaan mo na ang pagmamahal sa Diyos ay patuloy na nalilinang o napauunlad kapag iyong pinahahalagahan ang lahat ng Kanyang nilikha.
Teka muna! Bago mo tuluyang tuklasin ang araling ito, iyong balikan ang natutunan mo sa nakaraang aralin.
Balikan
[illustration: puzzle-piece icon]
Paano mo ipinapakita ang paggalang sa iyong kapwa? Ilagay ang hugis-puso ♡ sa patlang kung nagpapakita ito ng paggalang sa kapwa at malungkot na mukha ☹ naman kung hindi.
_____1. Binabati ni Pining ang kaniyang guro sa tuwing nakasalubong niya ito sa daan.
_____2. Sumasagot nang pasigaw si Ashley sa kaniyang nanay.
_____3. May sinasambit na masasamang salita si Janet kung nakikipag-usap sa labas ng kanilang bahay.
_____4. Nagmamano si Ken Rovic sa kaniyang lolo pagkarating sa bahay galing paaralan.
_____5. Tinutukso ni Zymon ang kalarong may kapansanan.
Tuklasin
[illustration: leaf sprouting from soil icon]
Nakarating ka na ba sa Manila Zoo? Sa Wildlife o Animal Park sa inyong lugar? Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Fieldtrip sa Manila Zoo
ni Josephine Bruselas-Mien
[illustration: teacher pointing at a tiger enclosure while a group of students in school uniforms look on; a giraffe and other animals are visible in the background]
Masayang masaya ang klase ni Bb. Bida nang ibalita niya na magkakaroon sila ng lakbay-aral sa susunod na araw. Lahat ay nasasabik sa gagaganapin na pamamasyal.
Dumating ang araw ng lakbay-aral, lahat ay handang-handa na lalo na si Zymon, ang mag-aaral na mapagmahal sa mga hayop. Hindi niya maaaring palagpasin ang pamamasyal patungo sa Manila Zoo.
Pagdating nila sa zoo ay ginabayan sila ng zookeeper o ang tagapangalaga ng mga hayop. Isa-isang ipinakita sa kanila ang mga hayop na ligaw at endangered tulad ng ahas, giraffe, tamaraw, usa, Philippine eagle, crocodile, tigre, leon, at marami pang iba. Namangha ang mga bata sa dami ng mga hayop na nakita nila. Kanya-kanya silang kuha ng larawan ng mga hayop. Ibinahagi ng zookeeper ang tamang pamamaraan sa pangangalaga ng mga ito.
“Mga bata, nais kong malaman ninyo ang mga dapat tandaan upang mapanatiling ligtas ang mga hayop na tinuturing na endangered at ligaw. Iwasan ang panghuhuli at pananakit sa mga hayop. Bawal ang pagpatay sa kanila. May kaukulang parusa ang sinumang gumawa nito. Ang mga inaalagaang hayop naman ay ituring na parang kaibigan at huwag pabayaan. Magsaliksik ng tamang pamamaraan sa pag-aalaga ng mga ito. Iulat sa may kapangyarihan ang sinumang nagmamaltrato nito. Protektahan ang tirahan nila”.
“Mahalin natin sila upang maiwasan ang pagkaubos nila. Mangako kayo na aalagaan ang mga hayop dahil katulad din natin sila na nilikha ng Diyos”, paliwanag muli ng zookeeper.
“Opo”, sabay-sabay na sagot ng mga bata.
“Sir, maaari po bang alagaan sa bahay namin ang ligaw na hayop o endangered animals”, tanong ng batang si Zymon.
“Ayon sa Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act, maaari naman ngunit kailangang mabigyan ng Certificate of Wildlife Registration mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sinumang nais mag-alaga.” paliwanag ng zookeeper.
Lahat ay may natutunan sa kanilang pamamasyal. Umuwi silang masasaya at gumawa ng maikling kwento mula sa kanilang nagingkaranasan bilang bahagi ng kanilang awtput sa Araling Panlipunan.
Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel.
- Saan nagpunta ang mga bata?
- Ano ang naramdaman nila pagdating doon? Bakit?
- Sa anong pamamaraan inaalagaan at kinakalinga ang mga hayop na ligaw at endangered animals?
- Sa iyong palagay, tama bang alagaan at kalingain ang mga hayop na ligaw at endangered animals? Bakit?
Suriin
Lahat ng nilikha ng Diyos ay mahalaga at may gampanin sa mundo. Tulad ng mga hayop sa ating paligid. Dapat alagaan ang mga hayop sapagkat sila ay nilalang ng Diyos at nakatutulong sila sa atin sa maraming paraan. Katulong natin ang mga hayop sa ating mga gawain tulad ng mga kalabaw na katuwang ng magsasaka sa pag-aararo sa bukid. Ang mga kabayo naman ay nagsisilbing transportasyon sa ilang lugar. Samantala ang aso ay napakikinabangan sa pagpapanatili ng siguridad ng mga tao.
Ang mga hayop ay nagbibigay din ng pagkain tulad ng baboy, baka, at manok na madalas ihanda sa hapag-kainan. Ang balat ng ilang hayop ay maaaring gamitin bilang material sa iba’t ibang uri ng produkto tulad ng sapatos at bag. Ang mga hayop din ay nagdudulot ng kasiyahan sa atin. Mahalaga at kapaki-pakinabang ang nagagawa para sa atin ng mga hayop kaya dapat na matutunan natin silang pangalagaan at protektahan.
Bukod sa mga karaniwang hayop na atin inaalagaan at nakikita sa kapaligiran, may mga ligaw na hayop at endangered animals din na dapat nating alagaan at protektahan. Tinatawag na endangered animals ang mga hayop na nanganganib nang maubos at maaaring mawala pagdating ng panahon. Nawawala ang mga hayop kung ang huling uri ay namatay na maaaring dahil sa pagkasira ng kanilang tirahan, polusyon, at ilegal na pangangaso. Ibig sabihin, kapag ang mga natitirang hayop ay namatay, hindi na sila muling makikita sa mundo. Mawawala na sila magpakailanman. Ilan sa mga ligaw na hayop at endangered animals ang giraffe, baboy ramo, gorilla, buwaya, Philippine eagle, tamaraw, tarsier, spotted deer, pagong, pilandok, ahas, at iba pa. Kadalasan, makikita ang ilan sa mga ito sa zoo. Ang zoo ay isang lugar kung saan pinangangalagaan ang iba’t ibang hayop. May mahalagang parte itong ginagampanan upang proteksiyunan ang mga hayop laban sa pagkalipol.
Ang Republic Act 8485, na mas kilala bilang Animal Welfare Act, ang unang batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng batas na ito nabuo ang Committee on Animal Welfare na siyang mamumuno sa pagpapatupad ng batas.
Ayon sa batas na ito dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga, at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang lumalabag dito. Sa seksiyon 6 ng batas, ipinagbabawal ang pananakit o pagpatay sa mga hayop maliban sa mga hayop na kinakain tulad ng baka, baboy, manok, kambing, tupa, kalabaw, at kabayo. Ayon naman sa Republic Act 9147 o ang “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” maaaring mag-alaga ng anumang klase ng protected at endangered species ngunit kinakailangang lamang na mabigyan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Certificate of Wildlife Registration (CWR). May proseso na dapat sundin kung nais mag-alaga ng anumang uri ng protected at endangered species at kapag nilabag ito ay may kaukulang parusa o multa.
Ingatan at protektahan natin ang mga hayop upang maiwasan ang pagkaubos nila. Kapag nawala sila, wala na rin tayong mapagkukunan ng ating mga kailangan at pagkain. Maraming paraan ang maaari nating gawin upang alagaan at mahalin sila. Bigyan sila ng tama at sapat na pagkain, linisin ang kanilang tirahan, gamutin kung maysakit, huwag sirain ang kanilang tirahan, iwasan din ang pagputol ng mga kahoy na nagsisilbing tirahan ng ibang mga hayop, mas mabuti kung magtanim ng mga puno para sa kanilang tirahan, magsuporta sa ahensya ng pamahalaan na kumakalinga sa mga hayop, at magkaroon ng kaalaman sa wastong paraan ng pag-aalaga ng mga hayop.
Mayroong mga ahensya at organisasyon na tumutulong sa mga endangered at ligaw na hayop katulad ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) na nakatutok sa pangangalaga at proteksyon sa mga hayop at halaman sa bansa. Isa rin sa mga organisasyon ay ang PARC o PAWS Animal Rehabilitation Center na nagsisilbing pansamantalang kanlungan para sa mga aso, pusa, at iba pang mga hayop na naligtas mula sa kalupitan o kapabayaan na may layuning rehabilitahin at ilagay sila sa mga mapagmahal na tahanan.
Dapat natin pahalagahan ang mga hayop dahil nilalang din sila ng Diyos. Higit natin paunlarin ang pagmamahal at pag-aalaga sa Kanyang mga nilikha upang patuloy na yumabong ang lahat ng biyaya Niya sa atin.
Pagyamanin
Gawain 1
Upang mas lalong lumawak ang iyong pag-unawa sa wastong pangangalaga sa mga ligaw na hayop, gawin ang mga ito!
Lagyan ng tsek (√) ang mga larawan na nagpapakita ng wastong pangangalaga sa mga hayop. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- [illustration: children looking at a tiger through a cage at a zoo]
- [illustration: a boy throwing something at a monkey on a pole while another boy looks on]
- [illustration: a girl gently tending to a rabbit beside a first-aid kit]
- [illustration: children cheering behind a fence near a crocodile in a pond]
- [illustration: a zookeeper at a zoo counter with children holding birdcages; sign reads “DONATE HERE”]
Gawain 2
Ano-anong mga hayop ang matatagpuan sa palaisipan? Bilugan ito. Pagkatapos, itala ito sa tsart at isulat ang iyong maaaring gawin na magpapakita ng pagpapahalaga sa mga ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
| P | I | L | A | N | D | O | K | A |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| O | S | T | L | A | D | K | B | M |
| D | T | L | P | D | S | A | A | H |
| B | N | O | I | T | O | L | L | L |
| A | B | I | W | A | L | A | A | I |
| T | A | M | A | R | A | W | P | P |
| R | S | A | K | S | L | A | A | Y |
| E | D | A | G | I | L | A | K | Y |
| W | S | A | N | E | N | L | P | U |
| Y | S | A | P | R | O | B | N | R |
| Mga Ligaw na Hayop o Endangered Animals | Mga Paraang Gagawin ko Upang Ipakita ang Pagpapahalaga sa Kanila |
|---|---|
Isaisip
Sagutin ang tanong sa loob ng kahon.
Bakit kinakailangang protektahan ang mga hayop na ligaw at endangered animals?
Isagawa
Mag-isip ng mga paraan kung papaano mo mapangangalagaan ang mga ligaw na hayop. Gumawa ng isang pangako na magsisilbing paalala kung paano sila dapat pangalagaan. Isulat ang pangako sa sagutang papel.
Pangako sa Pag-aalaga ng Hayop na Ligaw
Ako si, _____ ay nangangakong alagaan ko ang ligaw na hayop tulad ng _____ sa pamamagitan ng _____
_____.
Tayahin
Iguhit ang masayang mukha [illustration: smiley face] kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa ligaw na hayop at endangered animals, at malungkot na mukha [illustration: sad face] naman kung hindi.
_____ 1. Pagtatanim ng mga halaman para magingtirahan ng mga hayop.
_____ 2. Pagbibigay-alam sa kinauukulan ng nasaksihang pang-aabuso sa hayop sa tulong ng magulang.
_____ 3. Paghuli ng agila sa kagubatan upang ipagbili.
_____ 4. Pagbato sa mga ligaw na aso at pusa sa kalsada.
_____ 5. Paglaan ng oras upang makipaglaro sa mga alagang hayop.
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa ligaw na hayop maliban sa _____?
a. Paghuli ng mga ligaw na hayop upang ibenta.
b. Pag-iwas sa paninirahan ng tirahan ng mga ligaw na hayop.
c. Paghikayat sa kaibigan na alagaan ang mga ligaw na hayop.
d. Pagsita sa ibang bata na nambabato ng ligaw na hayop.
[transcriber’s note: the first question of this section (item 1) appears on the previous page; the item numbers continue from it]
Napanood mo sa telebisyon na malapit nang maubos ang mga endangered na hayop. Gusto mong makatulong upang manumbalik ang dami nito at hindi maubos. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat gawin?
A. Pagbahagi ng mga nalalaman tungkol sa pagprotekta ng endangered na hayop.
B. Pagpapaalam sa magulang ng nanghihinang agila na napadpad sa bakuran upang ipagbigay-alam sa kinauukulan.
C. Pagputol ng mga sanga ng puno na dinadapuan ng mga ibon.
D. Pagsuporta sa batas na nagbabawal sa panghuhuli ng endangered animals.Alin ang nagpapakita ng tamang pangangalaga sa mga ligaw na hayop o endangered animals?
A. Pinapaalis ko ang mga ibong dumadapo sa sanga ng puno.
B. Hinahayaan kong batuhin ng mga bata ang baboy ramo.
C. Pinaglalaruan ko ang pagong na nakita ko sa tabi ng ilog.
D. Nagtatanim ako ng puno upang may masilungan sila.Habang namamasyal kayo sa Manila Zoo. Nakita mong binabato ng mga bata ang buwaya. Ano ang gagawin mo?
A. Babatuhin ko rin ang buwaya.
B. Galit na pagsasabihan sila.
C. Hahayaan ko lang sila.
D. Sasawayin ko sila.Ang pagkalinga sa mga ligaw na hayop at endangered animals ay isang magandang katangian na nagpapakita ng pagmamahal sa ________________?
A. sarili
B. kapuwa
C. halaman
D. Diyos
Karagdagang Gawain
Ginagawa mo ba ang pagkalinga at pag-alaga sa mga hayop? Lagyan ng tsek (√) ang hanay ng iyong sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
| Palagi | Madalas | Hindi | |
|---|---|---|---|
| 1. Pinapaliguan ko ang mga hayop kung kailan ko lang nais. | |||
| 2. Pinagsasabihan ko ang aking mga kaibigan na huwag manakit ng mga nakikitang hayop sa kapaligiran. | |||
| 3. Hindi ko sinisira ang tirahan ng mga hayop. | |||
| 4. Ibinabahagi ko sa iba ang aking natutunan sa pagpapahalaga sa mga ligaw na hayop at endangered animals. | |||
| 5. Nagtatanim ako ng mga puno upang may masilungan ang mga hayop. | |||
| 6. Nanood ako ng programa ukol sa tamang pagkalinga ng mga hayop. | |||
| 7. Inaalagaan ko ang may sakit na hayop. | |||
| 8. Pinapabakunahan ng aming pamilya ng “anti-rabies” ang aming alagang aso. | |||
| 9. Tinitiyak ko na tama ang pagkain ng ibinibigay ko sa alagang hayop. |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Palagi | Madalas | Hindi | |
|---|---|---|---|
| 10. Sumasali ako sa aking mga kalaro sa pagbato sa mga asong naliligaw sa aming lugar. |
Binabati kita! Ngayon ay mas lalong nadagdagan pa ang iyong kaalaman sa tamang paraan ng pagkalinga at pagprotekta sa mga hayop na ligaw at endangered. Inaasahan kong isa ka sa makababahagi ng iyong natutunan tungkol sa pagpapahalaga sa mga hayop. Ibahagi mo rin sa iba na mahalin nila ang mga hayop upang patuloy na malinang ang pagmamahal sa mga nilikha ng Diyos.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated, and its boxes are laid out in a grid. The sections are listed below in the order that reads best; the answers are transcribed as printed.]
Subukin
- T
- M
- T
- M
- M
- T
- M
- M
- M
- T
Tuklasin
- sa zoo
- naman ba, dahil iba-ibang hayop ang kanilang nakita.
- Huwag sisirain ang kanilang tirahan. Huwag silang sasaktan. Ituring silang parang kaibigan at huwag pabayaan.
- Opo, dahil nilikha rin sila ng Diyos na nangangailangan ng kalinga at pagmamahal.
Balikan
[illustration: five face icons, numbered 1 to 5]
[transcriber’s note: the answer key for Balikan is shown only as the five face icons; no words are printed beside them]
Pagyamanin
[transcriber’s note: this box holds a word-search puzzle with the letters printed in a grid, labeled “Gawain 1”, and two pictures labeled “Gawain 2”. The letters and the instruction line are printed rotated and are not reliably legible, so they are not transcribed.]
[illustration: pictures for Gawain 2 showing people with animals and a first-aid sign]
Isaisip
Maaari ng iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Isagawa
Maaari ng iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Karagdagang Gawain
Maaari ng magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Tayahin
- [illustration: face icon] A
- C
- D
- D
- D
Sanggunian
Kahalagahan Ng mga Hayop. (2018, October 13). Eric Catausan. https://catausaneric.wordpress.com/2018/10/13/kahalagahan-ng-mga-hayop/
Mga batas Na nangangalaga Sa kapakanan Ng mga hayop. (n.d.). GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/imbestigador/334614/mga-batas-na-nangangalaga-sa-kapakanan-ng-mga-hayop/story/
(n.d.). LEARNING RESOURCE CENTER – LRMDS. https://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/mahalin_at_arugain_ang_mga_hayop.pdf
K to 12 grade 4 learner’s material in Esp (q1-q4). (2015, 7). Share and Discover Knowledge on SlideShare. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-esp-q1q4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply