This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 4 self-learning module for Quarter 3, Module 4: “Tamang Pangangasiwa ng Kapaligiran, Isang Pananagutan” (proper care of the environment, a responsibility). It was prepared by DepEd Region V as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2019) for Grade 4 learners studying at home. After working through it, learners should be able to help keep their surroundings clean and orderly by sorting their waste, not burning trash, and recycling.
What learners will learn
The module expects learners to help keep the environment clean and orderly through:
- Segregation: throwing biodegradable (nabubulok) and non-biodegradable (di-nabubulok) waste into the right containers
- Not burning anything: avoiding the burning of trash or any other material
- Recycling: reusing discarded things in new ways
Key ideas in the module
Why waste is a serious problem
The module opens with garbage as one of the country’s lasting problems. It causes pollution of the air, land, and water and harms people’s health. Careless and irresponsible dumping makes this pollution worse.
To show what is at stake, the lesson features the Payatas dumpsite. A dumpsite is the place where collected garbage is piled up. On the morning of July 10, 2000, heavy rain caused the mountain of garbage at Payatas to collapse. It buried about 100 houses and killed an estimated 232 people living there. The module asks learners to think about how they can help reduce such mountains of waste.
The three habits that keep the environment clean
The module teaches that the environment is a gift from God and that everyone has a duty to care for it.
- Segregation. Sorting waste into biodegradable and non-biodegradable makes it easy to see what can become fertilizer and what can be recycled. It also keeps dangerous waste from causing accidents and health problems. Examples include broken glass, fluorescent tubes and light bulbs, and gas or oil. Sorted waste is also easier for garbage collectors to handle.
- Recycling. Recycling reduces the waste sent to dumpsites. Without it, dumpsites fill up quickly and new places must be found, in a cycle that continues until no space is left. Less waste in dumpsites also means less air and water pollution. Recycling can save money and even earn some, as in the saying “May pera sa basura” (there is money in garbage). Old paper, newspapers, and magazines can be sold to a junkshop and made into new paper.
- Not burning trash. Burning waste releases harmful substances and adds to greenhouse gases, which raise temperatures around the world. Its smoke pollutes the air and carries chemicals that harm health. It can cause dizziness, headaches, skin rashes, weaker resistance, asthma, and other lung diseases.
The module ends this discussion with a reminder that success depends on everyone working together and practicing discipline.
The story “Disiplina sa Basura, Magsisimula sa Pamilya”
The story’s title means “discipline with garbage starts with the family.” It was written by Jessica A. Pura.
A family goes to a beach resort to celebrate Loti’s birthday. Tatay Abner wants to leave their trash on the shore because there is no trash can. Nanay Siony stops him and says they should bring it home. Loti’s brother Doni throws a plastic bag into the sea because “no one saw.” Loti reminds him that trash belongs in the bin, so he gets it back. Loti also takes home a used water bottle to make into a coin bank.
At home, the children see their neighbor burning trash. Loti explains that their family uses a compost pit for biodegradable waste instead. Nanay Siony says she will remind the neighbor that an ordinance bans burning trash.
Parts of the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Alamin | Read what the module is about and its goals |
| Subukin | Pretest: 5 true-or-false items and 5 multiple-choice items |
| Balikan | Review the previous lesson on following environmental laws even when no one is watching |
| Tuklasin | Read the story and answer 6 questions |
| Suriin | Read the discussion on segregation, recycling, and not burning trash |
| Pagyamanin | Gawain 1: draw scattered park litter into the right bin and name what can be recycled. Gawain 2: describe the effects of four pictured situations on people and the environment |
| Isaisip | Complete a paragraph summarizing the lesson |
| Isagawa | Act as the household’s garbage collector for one day, list non-biodegradable waste and what each could be recycled into, then recycle one item |
| Tayahin | Final test: 5 true-or-false items and 5 multiple-choice items |
| Karagdagang Gawain | Find 15 lesson-related words in a word search and write five ideas using five of them |
How to use this module
- Learners: Start with the pretest (Subukin), then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper. Do not write on the module, because other learners will use it. Be honest when checking your work with the answer key, and contact your teacher if anything is unclear.
- Parents and guardians: Help your child with the Isagawa task. They will spend a whole day sorting the household’s trash into the right containers, then recycle one non-biodegradable item. Take photos or a video of the preparation, the activity, and the finished product, and send them to the teacher.
- Teachers: The recycled item is scored with a rubric of three criteria, each rated 5, 3, or 1: using a recycled item from waste, skill in making it, and creativity. The module also has a separate Teacher’s/Facilitator’s Guide, and its answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the pretest, activities, and final test. Isagawa and the word-search sentences have no single correct answer.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 4 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3, Module 4. It was produced by DepEd Region V as a first edition in 2019.
What does Tamang Pangangasiwa ng Kapaligiran, Isang Pananagutan mean?
It means proper care of the environment is a responsibility. The module teaches learners to segregate waste, avoid burning trash, and recycle.
Why does the module say burning trash is bad?
Burning trash releases harmful substances and greenhouse gases that warm the planet. Its smoke pollutes the air and can cause dizziness, headaches, rashes, weaker resistance, asthma, and other lung diseases.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the review, the activities, the summary paragraph, and the final test. Open-ended tasks like Isagawa have no single answer.
What is the performance task in this module?
Learners act as their household’s garbage collector for a day and sort the trash. They list non-biodegradable items and what each could become, then recycle one item. They send photos or a video to their teacher, and the work is scored with a rubric.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Tamang Pangangasiwa ng Kapaligiran, Isang Pananagutan
[illustration: students and a teacher reading, writing, and studying outdoors and indoors, with a globe and a lamp]
CO_Q3_ESP 4_ Modyul 4
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan –Modyul 4: Tamang Pangangasiwa ng Kapaligiran, Isang Pananagutan
Unang Edisyon, 2019
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region V Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Contact: 0917-178-1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
| Mga Manunulat: | Josephine Bruselas-Mien, Agnes Dejuras-Nocos, Lea B. Perez, Jessica Abanto-Pura |
| Konsultant: | Mary Jean B. Brizuela, Sheila C. Bulawan, Dollie G. Franche, Irene F. Yazon |
| Tagaguhit: | Jed T. Adra |
| Tagalapat: | Jeffrey B. Sape, John Claude R. Caunca, Ana Lisa M. Mesina |
| Mga Tagapamahala: | Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao; Grace U. Rabelas, Lailanie R. Lorico; Jily I. Roces, Merlita B. Camu |
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Tamang Pangangasiwa ng Kapaligiran, Isang Pananagutan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: bullseye target with arrow]
Basura ang isa sa hindi matapos tapos na suliranin ng ating bansa na sanhi ng polusyon sa hangin, sa lupa at sa tubig. Maraming problema na ang naibigay at patuloy na ibinibigay sa atin ng nagkalat na basura lalo na sa kalusugan ng tao. Matagal ng usapin kung paano nga ba mapapangasiwaan nang maayos ang basura sa kapaligiran ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasosolusyunan. Ang kapabayaan at iresponsableng pagtatapon ng basura ng mga tao ang dahilan ng paglala ng polusyon sa ating bansa. Paano nga ba ito masosolusyunan kung sa simpleng pagtapon ng basura sa wastong lalagyan ay hindi pa masunod ng karamihan?
Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang ang isang mag-aaral na tulad mo ay makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran sa pamamagitan ng:
- segregasyon o pagtapon ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok sa tamang lalagyan;
- pag-iwas sa pagsunog ng anomang bagay; at
- paggamit na muli ng patapong bagay o pagresiklo.
1 CO_Q3_ESP 4_ Modyul 4
Subukin
[illustration: pencil icon]
A. Panuto: TAMA O MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap hinggil sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at MALI kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
_____1. Magsunog ng mga basura para mabawasan ang kalat sa kapaligiran.
_____2. Ang malinis at maayos na kapaligiran ay makakamtan kung ang lahat ay magtutulungan sa wastong pangangasiwa ng basura.
_____3. Sa pamamagitan ng recycling mababawasan ang basura sa kapaligiran.
_____4. Ang mga basura ay dapat ibukod-bukod upang matukoy ang maaari pang i-recycle.
_____5. Ang mga nabubulok at di-nabubulok na basura ay maaaring pagsamahin kung hindi naman magre-recycle.
B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
_____1. Natutuhan mo sa Edukasyon sa Pagpapakatao na dapat ibukod-bukod ang mga basura. Ngunit hindi ito isinasagawa sa inyong bahay. Ano ang mainam mong gawin?
a. Hayaan lang ito. b. Isumbong sa guro. c. Pagalitan ang mga magulang. d. Imungkahi na simulan ang pagbubukod-bukod ng basura.
2 CO_Q3_ESP 4_ Modyul 4
_____2. Inutusan ka ng iyong Nanay na sunugin ang isang sako ninyong basura. Ano ang gagawin mo?
a. Uutusan ko po ang aking kapatid. b. Susundin ko po ang utos ng Nanay. c. Sasabihin ko po kay Nanay na ipinagbabawal ito. d. Palihim ko po na itatapon ito sa ilog.
_____3. Binigyan kayo ng proyekto kung saan kailangan magresiklo ng mga patapong bagay. Ano ang dapat mong maramdaman sa gawaing ito?
a. Maiinis ako kasi hindi ko naman ito magagamit. b. Mababagot ako kasi pwede naman akong bumili ng bago. c. Malulungkot ako kasi hindi naman ako mahilig mag-resiklo. d. Masisiyahan ako kasi makagagawa ako ng isang bagay mula sa pagreresiklo.
_____4. Paano mapapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran?
a. kung itatapon na ang mga bagay na wala na sa uso b. kung paghihiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok c. kung susunugin ang mga basurang nabubulok gaya ng mga tuyong dahon d. kung ibabaon ang mga di-nabubulok na basura sa lupa upang gawing pataba
3 CO_Q3_ESP 4_ Modyul 4
_____5. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng wastong segregasyon?
a. pagtapon ng sirang bombilya sa basurahan ng mga nabubulok b. paglagay ng tinik ng isda sa basurahan ng di-nabubulok c. paglagay ng plastik kasama ang mga buto ng manga d. pagtapon ng balat ng saging kasama ng mga tuyong dahon
Aralin 1
Tamang Pangangasiwa ng Kapaligiran, Isang Pananagutan
Bawat araw ay may basura tayong itinatapon. Kung nagtatapon ka ng basura, inilalagay mo ba ito sa wastong lalagyan? Kung oo, magaling! Ipagpatuloy mo ito. Ngunit, alam mo ba kung saan nakatambak ang mga basurang kinokolekta sa inyong pamayanan?
Pagmasdan ang larawan sa ibaba.
[photo: sanitation workers and scavengers picking through refuse at a landfill in the Payatas district of Quezon City, Metro Manila]
Kodaka, Akira. (2017). Sanitation workers & scavengers pick their way through the refuse of the landfill in the Payatas district of Quezon City, Metro Manila [Photograph] Environmental Justice Atlas. https://ejatlas.org/conflict/smokey-mountain-philippines
4 CO_Q3_ESP 4_ Modyul 4
Ang dumpsite ay ang lugar kung saan tinatambak ang mga nakolektang basura sa isang lugar. Ang larawan sa itaas ay ang Payatas dumpsite sa Maynila. Kasabay nang pagbagsak ng ulan noong umaga ng Hulyo 10, 2000, gumuho ang gabundok na basura at natabunan ang tinatayang 100 bahay. Kumitil ito ng tinatayang 232 na taong naninirahan doon.
Sa dami ng basurang nakokolekta araw-araw sa buong bansa, hindi ba mas mainam kung gagawa tayo ng paraan upang mabawasan ang gabundok na basura? Kaya naman bilang isang batang Pilipino, malaki ang iyong gampanin sa usaping ito. May magagawa ka upang mabigyang solusyon ang problema sa basura sa ating bansa. Nararapat lamang na isagawa mo ang mga gawaing nakapagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran sa pamamagitan ng mga gawain tulad ng segregasyon o pagbubukod-bukod ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok; pag-iwas sa pagsunog ng anomang bagay; at pagsasagawa ng muling paggamit sa ibang paraan ng mga patapong bagay o recycling.
Balikan
Natutunan mo sa nakaraang aralin na kailangang sundin ang mga batas at panuntunang pangkapaligiran kahit walang nakakakita. Ang pagsunod sa mga panuntunan at batas ay nakabubuti sa ating kapaligiran upang hindi ito tuluyang masira.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa mga batas at panuntunang pangkapaligiran? Isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat street sign.
[illustration: three blank street signs of different shapes on posts]
A. pagsasabuhay ng Basura Ko, Bitbit Ko
B. paghiwalay ng recyclable waste at compostable waste
C. paninigarilyo sa parke
D. pagtatapon ng plastik sa dagat
E. paglalagay ng recyclable waste materials sa MRF (Material Recovery Facility)
Ang pagsunod sa mga batas at panuntunang pangkapaligiran kahit walang nakakakita ay nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay maaari pang maipakita sa pamamagitan ng segregasyon o pagbubukod-bukod ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok, pag-iwas sa pagsunog ng anomang bagay, at pagsasagawa ng muling paggamit sa ibang paraan ng mga patapong bagay o recycling.
Tuklasin
Basahin ang kuwento na nasa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Disiplina sa Basura, Magsisimula sa Pamilya Isinulat ni: Jessica A. Pura
Sabado. Kaarawan ni Loti. Nagtungo ang mag-anak sa beach resort upang doon ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
Marami silang baon. May adobong baboy, laing, sandwich, saging at juice. Nagluto din si Nanay Siony ng espesyal na pancit canton at bumili rin si Tatay Abner ng cake. “Maligayang kaarawan, Loti,” sabay bati ng buong mag-anak.
Masayang pinagsaluhan ng mag-anak ang kanilang baon. Busog na busog sila! Pagkatapos ng kainan, naghanap si Tatay Abner ng basurahan subalit wala siyang nakita. Kaya naisipan niyang itapon ang mga pinagkainang paper plates at cups, plastik na kutsara at tinidor, balat ng saging at iba sa dalampasigan.
“Ano ka ba Abner! Huwag kang magtapon ng basura sa dalamapasigan. Dalhin na lang natin sa bahay at doon itapon sa ating basurahan,” sabi ni Nanay Siony.
Samantala, inihagis ni Doni sa dagat ang plastik bag na ginawa niyang laruan. “Doni, bakit mo itinapon ang plastik bag sa dagat?” tanong ni Loti. Ok lang yan ate, wala namang ibang nakakita,” tugon ni Doni. “Kahit na, napag-aralan natin na ang basura ay itinatapon sa basurahan at hindi kung saan-saan,” paliwanag ni Loti. “Sige ate kunin ko na lang ulit ang basura, ang sagot ni Doni.
Masayang umuwi ang mag-anak. Bitbit ni Loti ang ginamit na bottled water para gawing alkansya. Pagdating nila sa bahay nakita nila na nagsusunog ng basura ang kanilang kapitbahay na si Aling Minda. “Ate, hindi ba ipinagbabawal ang pagsunog ng basura dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan ng tao at kapaligiran?” tanong ni Doni. “Oo Doni. Huwag na natin silang gagayahin. Huwag tayong magsunog ng basura. May compost pit naman tayo sa likod-bahay, ito yung bakanteng lote kung saan pinagsasama-sama natin ang mga nabubulok na mga basura,” ang sagot ni Loti. “Di bale na mga bata, paaalalahanan ko si Aling Minda na may ordinansang nagbabawal magsunog ng basura,” ang sabi ni Nanay Siony.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
- Bakit sinuway ni Nanay Siony si Abner?
- Bakit hindi sumang-ayon si Loti sa ginawa ni Doni?
- Kailangan bang sundin ang sinasabi nina Nanay Siony at Loti patungkol sa pangangasiwa ng basura? Bakit?
- Anong mga gawain sa kuwento ang nagpapakita ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran?
- Sino sa mga sumusunod na tauhan sa kuwento ang dapat mong tularan? Bakit?
- Anong pagpapahalaga ang dapat taglayin upang tamang mapangasiwaan ang kapaligiran?
Suriin
Ang kapaligiran ay biyaya mula sa Diyos. Ito ay dapat nating ingatan, pangalagaan, at pagyamanin. Tayong lahat ay may tungkuling panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. May mga gawaing makatutulong upang mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran. Ang mga ito ay:
- segregasyon o pagtapon ng mga basurang nabubulok at di nabubulok sa tamang lagayan
- pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay (Recycling)
- pag-iwas sa pagsunog ng anumang bagay
Sa segregasyon o paglalagay ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok sa tamang lagayan, madali nating matutukoy ang maaaring gawing pataba at maaaring i-recyle. Bukod pa rito, ang mga mapanganib na basura gaya ng mga bubog, ilaw na fluorescent tubes at bombilya, gas o langis na maaaring magdulot ng aksidente at problema sa kalusugan ng mga tao at hayop kung ang mga ito ay hindi naitapon nang maayos ay miiwasan. Kapag itinapon natin ang basura sa tamang lalagyan, hindi rin mahihirapan sa pagbukod ang mga taga-kolekta nito.
Ang pagreresiklo naman o ay makakatulong upang mabawasan ang basura sa dumpsites. Kung ang lahat ng basura sa pang-araw-araw na gawain ay itatapon dito, madali itong mapupuno at maghahanap na naman ng bagong lugar na paglalagyan ng mga nakolektang basura. Magiging itong siklo hanggang sa wala ng magagamit na lugar para sa pagtatapunan ng nakolektang basura. At ang pinakamahalaga, kung mababawasan ang mga basurang napupunta sa dumpsites, mababawasan din ang polusyon sa hangin at tubig.
Sa pagreresiklo ay makakatipid din tayo at maaari pa tayong kumita. Sabi nga, “May pera sa basura.” Maaari nating ipagbili ang mga lumang papel, diyaryo, at magasin sa junkshop upang magamit ito sa paggawa ng ibang bagay tulad ng papel.
Isa pa sa mga gawaing makakapanatili ng ganda ng ating kalikasan at kapaligiran ay ang pag-iwas sa pagsunog ng basura. Bakit ba ito ipinagbabawal? Ang pagsusunog ng basura ay naglalabas ng masasamang elementong hangin at nakadaragdag sa tinatawag na greenhouse gases. Ito ang nagiging dahilan ng lalong pag-init o pagtaas ng temperatura sa buong mundo. Bukod pa rito, naglalabas din ito ng usok na nakadaragdag sa polusyon ng hangin at kemikal na nakakapinsala sa kalusugan ng tao. Maaari itong maging sanhi ng pagkahilo, sakit ng ulo, mga pantal sa balat, paghina ng resistensya, asthma, at iba pang sakit sa baga.
Maraming pamamaraan upang mapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran. Kailangan lamang magtulungan ang lahat at disiplina’y pairalin upang makamit natin ang kaaya-aya at ligtas na kapaligiran.
Pagyamanin
Gawain 1
Ang bawat basura ay dapat naitatapon sa wasto nitong lalagyan. Mahalagang matukoy kung ito ay nabubulok o di-nabubulok.
Panuto: Iguhit sa wastong lalagyan ang mga basurang nakakalat sa parke. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: two empty bins labeled “Nabubulok” and “Di-nabubulok”]
Alin sa mga ito ang maaaring i-recycle? Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gawain 2
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ano ang magiging epekto sa kapaligiran at sa tao ng mga sumusunod na sitwasyon? Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: park with scattered litter, bones, newspapers, bottles, a tire, and fallen leaves]
- [illustration: rubber factory with smokestacks and piles of tires beside a polluted river; sign reads “RUBBER FACTORY”]
- [illustration: pig wading in dirty water with flies over it]
- [illustration: two trash bins beside a white picket fence, with garbage on the ground]
- [illustration: woman at a window watching children burning trash in a yard]
Isaisip
Kompletuhin ang talata tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Bilang mamamayang Pilipino, may tungkulin akong panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. Isa sa mga gawaing nakapagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran ay ang pagbubukod-bukod ng basura. Kailangang ibukod ang mga basura sa 1) _____________________________ at _________________________ upang 2) _____________________________
Mahalaga rin ang recycling dahil 3) _____________________________
Dapat ding iwasan ang pagsunog ng basura dahil 4) ____________
Ang hangarin ng mga gawaing ito ay magiging matagumpay lamang kung ang bawat mamamayan ay _______________________
Isagawa
Ang sumusunod ay mga gawaing nakapagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. Isagawa ito. Kunan ng larawan o video ang iyong paghahanda, pagsasagawa at awtput mula sa gawain. Ipadala ito sa iyong guro.
Sa isang buong araw, maging isang kolektor ng basura sa inyong bahay. Ilagay ang mga basura sa wastong lagayan. Tukuyin ang mga nailagay ninyo sa di-nabubulok. Isulat ang maaring
maging bagong produkto mula sa pagreresiklo nito. Gamitin ang tsart sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Mga Basurang Di-nabubulok | Ito ay maaari kung i-recycle upang maging…. |
|---|---|
| 1. | |
| 2. | |
| 3. | |
| 4. | |
| 5. |
Pumili ng isang basurang di-nabubulok sa inyong listahan. I-recycle ito. Sundin ang rubrik sa pagsasagawa na nasa ibaba.
Rubrik sa Pagsasagawa:
| Mga Pamantayan | Nakasunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (5) | Nakasunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (3) | Hindi nakasunod sa pamantayan (1) |
|---|---|---|---|
| Naipakita ang paggamit ng naresikulong bagay mula sa basura. | |||
| Naipakita ko ang kahusayan sa paggawa. | |||
| Naipakita ko ang aking pagkamalikhain sa paggawa ng niresiklong bagay. |
Tayahin
I. Panuto: Lagyan ng T ang pahayag kung tama ang isinasaad ng pangungusap sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at M kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____1. Sa recycling, mag-aaksaya lamang tayo ng oras. Mas mabuti pa ang bumili nalang ng bago.
_____2. Kailangang magtulungan ang mga mamamayan sa pagsagawa ng wastong segregasyon upang mapanatili ang malinis at maayos na kapaligiran.
_____3. Ang mga hindi nabubulok na basura ay maaaring sunugin upang mabawasan ang basura sa paligid.
_____4. Ang mga patapong bagay na puwede pang i-recycle ay maaaring pagkakitaan sa pamamagitan ng pagbebenta nito sa junkshop.
_____5. Mas mainam na bumili na lang ng mga bagong kagamitan kesa sa mag-recycle. Makatutulong pa tayo sa mga negosyante.
II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
_______1. Natutunan mo sa Edukasyon sa Pagpapakatao na dapat ibukod-bukod ang mga basura. Ngunit hindi ito isinasagawa sa inyong bahay. Ano ang mainam mong gawin?
A. Hayaan lang ito. B. Isumbong sa guro. C. Pagalitan ang mga magulang. D. Imungkahi na simulan ang pagbubukod-bukod ng basura.
_______2. Napansin mong maraming nakatambak na mga boteng plastik sa likuran ng inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hahayaan lamang ang mga ito na nakatambak sa likod- bahay. B. Gagawin ang mga ito na plastik na paso. C. Itatapon ko ang mga ito sa compost pit. D. Susunugin ko ang mga ito.
_______3. Upang mabawasan ang basura sa bakuran nina Gina, nagwalis siya at sinunog ang mga ito. Sinabihan siya ng kaniyang Nanay na itigil niya ang pagsunog ng basura dahil ipinagbabawal. Kung ikaw si Gina, ano ang gagawin mo? Bakit?
A. Ipagpapatuloy ko ang pagsunog ng basura upang maging malinis ang aming bakuran. B. Ititigil ko ang pagsusunog ng basura dahil magdudulot ito ng polusyon sa hangin. C. Bibilisan ko ang pagsunog ng basura upang matapos na ako. D. Mangangatwiran sa Nanay dahil para rin naman sa kalinisan ng kapaligiran.
_______4. Napapansin mong marami pa ring nagsusunog ng basura sa inyong barangay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan na lang ang pagsusunog ng basura. B. Magsusunog na rin ng basura. C. Hindi gagayahin ang kanilang ginagawa. D. Ipapasabay na sa kanila ang mga basura namin.
_______5. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng wastong segregasyon?
A. pagtapon ng sirang bombilya sa basurahan ng mga nabubulok B. paglagay ng tinik ng isda sa basurahan ng di-nabubulok C. paglagay ng plastik kasama ang mga buto ng mangga D. pagtapon ng balat ng saging kasama ng mga tuyong dahon
Karagdagang Gawain
Panuto: Hanapin ang 15 salita sa loob ng puzzle na may kaugnayan sa ating aralin. Bilugan ang mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| N | C | P | K | A | P | A | L | I | G | I | R | A | N | K | O | S | K |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| A | C | A | D | E | B | N | R | U | B | C | A | F | P | K | L | Y | E |
| K | A | G | O | P | L | A | S | O | Q | D | B | G | A | A | U | O | M |
| P | A | G | S | U | N | O | G | N | G | B | A | S | U | R | A | P | I |
| D | L | W | I | N | R | P | O | V | W | E | I | B | I | H | P | E | K |
| I | S | B | P | K | O | B | S | S | T | Y | M | A | P | O | T | M | A |
| S | N | A | S | L | M | Y | V | I | K | A | M | S | L | G | I | G | L |
| I | I | D | Y | P | O | H | S | K | N | U | J | U | A | I | L | N | W |
| P | P | S | G | I | G | P | A | A | D | O | S | R | S | Y | A | I | X |
| L | Y | D | A | I | M | E | P | Y | G | Y | E | A | T | I | S | L | Y |
| I | K | E | Z | U | M | Q | O | R | O | E | O | E | I | S | A | C | P |
| N | A | A | D | I | G | A | S | N | H | M | R | X | K | K | P | Y | W |
| A | K | A | L | U | S | U | G | A | N | W | X | G | I | L | Q | C | V |
| P | A | N | T | A | L | S | A | B | A | L | A | T | E | D | Q | E | U |
| B | N | E | L | A | S | O | N | L | U | V | E | M | N | S | E | R | T |
Pumili ng limang salita at gamitin ito sa pagbuo ng konsepto tungkol sa aralin ng modyul na ito. Isulat ang limang konsepto sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Susi sa Pagwawasto
Subukin
A. 1. Mali 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Mali
B. 1. D 2. C 3. D 4. B 5. D
Balikan
Ang mga titik na nasa karatula ay ang mga sumusunod: A, B, E
Payamanin
Gawain 1
- Ang mga larawang nakalagay sa basurahang NABUBULOK ay ang mga sumusunod: halamang nabuwal, buto ng fried chicken, tuyong dahon, papel.
- Ang mga larawang nakalagay sa basurahang DI-NABUBULOK ay ang mga sumusunod: plastic bottles, goma paintbrush, plastik ng tsitsiriya.
- Ang mga basurang maaaring mai-recycle ay ang mga basurang di-nabubulok tulad ng plastic bottles, mga plastik ng tsitsiriya, goma paintbrush, at goma.
<!– transcriber’s note: the rotated page was read by hand; the order of some words in the Gawain 1 bullets is uncertain –>
Gawain 2
- Mga Posibleng Sagot:
- Ang sitwasyong ito ay ang nakaaambag sa mataas na polusyon sa hangin, tubig at maging sa lupa.
- Maaaring magkaroon ng sakit ang mga tao.
- Maaaring magkaroon ng pagkahilo ang mga tao, sakit ng ulo, mga pantal sa balat, paghina ng immune system, asthma at iba pang sakit sa baga.
- Magiging mabaho ang lugar.
- Mga Posibleng Sagot:
- Magiging madumi ang tubig.
- Makakaambag ito sa polusyon sa tubig.
- Magiging mabaho ang ilog.
Gawain 2 (continued)
- Mga Posibleng Sagot:
- Magiging madumi ang parke o kapaligiran.
- Makaaambag ito sa polusyon sa hangin at maging sa lupa.
- Magiging mabaho ang lugar.
- Mga Posibleng Sagot:
- Ang sitwasyong ito ay ang nakaaambag sa mataas na polusyon sa hangin at maging sa lupa.
- Maaaring magkaroon ng sakit ang mga tao.
- Maaaring magkaroon ng pagkahilo ang mga tao, sakit ng ulo, mga pantal sa balat, paghina ng immune system, asthma at iba pang sakit sa baga.
- Magiging mabaho ang lugar.
Isaisip
Nabubulok at Di-nabubulok
Mga Posibleng Sagot:
- madaliang matukoy ang mga maaaring gawing pataba at mga basurang maaari pang mai-recycle upang hindi magkahalo-halo ang mga basura at hindi magkalat.
- Mga Posibleng Sagot:
- makagagawa tayo ng panibagong bagay mula sa ginamit na bagay at makatitipid tayo.
- mababawasan ang mga basurang mapupunta sa dumpsites.
- Mga Posibleng Sagot:
- ang pagsunog ng basura ay naglalabas ng mapanganib na antas ng carbon dioxide, isang greenhouse gas.
- ang pagsunog ng basura ay naglalabas ng usok o kemikal na nakakapinsala sa kalusugan ng tao.
- Mga Posibleng Sagot:
- mayroong disiplina
- nagtutulungan
Isagawa
Magkakaroon ng iba ibang sagot ang mag-aaral.
Pagtataya
| I | II |
|---|---|
| 1. M | 1. A |
| 2. T | 2. B |
| 3. M | 3. B |
| 4. T | 4. C |
| 5. M | 5. D |
[transcriber’s note: this page is printed upside down. The Pagtataya answer key, the word search, and the instruction are rotated 180 degrees, and the closing box is upright. The content is ordered here as the module flows.]
Karagdagang Gawain
[illustration: word search puzzle, a grid of capital letters with some letters highlighted]
[transcriber’s note: the grid letters are rotated and cannot be read reliably, so the puzzle is not transcribed. The word list, if any, is not printed on this page.]
Para sa hinihinging limang pangungusap, magkakaroon ng ibang sagot ang mag-aaral batay sa kanilang piniling salita.
Mahusay ka! Naipamalas mo ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. Binabati kita. Patuloy mo itong isagawa upang mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan.
Sapagkat natapos mo nang may mapanuring pag-iisip ang araling ito, maaari ka nang tumungo sa susunod na yunit. Handa ka na!
Sanggunian
Kodaka, Akira. (2020, 10 22). Environmental Justice Atlas. https://ejatlas.org/conflict/smokey-mountain-philippines
The importance of waste segregation. David Avadon Waste Management Blog. http://www.davidavadon.com/the-importance-of-waste-segregation/
Vector- A dirty park/ landscape illustration. https://www.123rf.com/photo_105989628_a-dirty-park-landscape-illustration.html
(2018, 9 15). Road Green sign. Vector blank isolated icons template stock illustration. iStock. https://www.istockphoto.com/vector/road-green-signs-vector-blank-isolated-icons-template-gm1037444824-277713957
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply