This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Grade 4 self-learning module for Quarter 3, Module 2: “Kultura ng Iba’t Ibang Pangkat, Tatak ng Aking Pagiging Pilipino” (the culture of different groups, the mark of my being Filipino). It was prepared for learners studying at home under DepEd’s Alternative Delivery Mode by DepEd Region V (first edition, 2020). After the module, learners should be able to take pride in and value the culture of different Philippine ethnic groups, such as their folk tales, native dances, songs, and games.
What learners will learn
The module states one main goal. After working through it, learners are expected to:
- Take pride in and value the culture they have studied from different ethnic groups (pangkat-etniko), such as folk tales (kuwentong-bayan), native dances, songs, games, and more.
Along the way, learners also see why respecting differences in language, beliefs, and traditions helps Filipinos avoid misunderstandings.
What is in this module
The module has one lesson, Aralin 1, which shares the module’s title. It follows the usual parts of a DepEd self-learning module:
| Part | What learners do |
|---|---|
| Alamin (learn) | Read why the Philippines has a rich culture and what the module aims for |
| Subukin (pretest) | Answer 10 items: 5 check-or-cross statements and 5 multiple-choice situations |
| Balikan (review) | Pick which actions show interest in Filipino cultural heritage |
| Tuklasin (discover) | Define 5 words in context, then read the poem “Kulturang Pilipino” by Jessica A. Pura and answer questions |
| Suriin (examine) | Read the main discussion on culture and ethnic groups |
| Pagyamanin (enrich) | Activity 1: read and analyze the Ifugao epic “Hudhud ni Aliguyon”; Activity 2: explain the values in sayings from different groups |
| Isaisip (remember) | Complete five sentences about valuing Filipino culture |
| Isagawa (apply) | Write an essay about the traditions and beliefs of an ethnic group |
| Tayahin (assessment) | Answer a 10-item post-test |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Make a poster, scored with a rubric |
Key ideas: culture and Filipino ethnic groups
What culture means
The module explains that the word kultura comes from the Latin “cultura,” meaning cultivation. Culture is the combined behavior of a people, shaped by their experience and seen in their habits, speech, beliefs, and traditions. One example the module gives is the Filipino use of “po” and “opo” when speaking, which is not found in other countries.
The Philippines has more than 175 ethnic groups, each with its own identity, beliefs, traditions, customs, and language or dialect. Foreign rule by the Spanish, Americans, and Japanese added to the differences between groups, though some groups kept their native traditions and beliefs. Citing a GMA News Online report on the 2000 census, the module says the country has an estimated 150 dialects and languages.
Ethnic groups named in the module
- Luzon: Aeta (Mountain Province), Bikolano (Bicol region), Ivatan (Batanes), Mangyan (Mindoro), Tagalog (Metro Manila)
- Visayas: Ilonggo (Iloilo), Aklanon (Aklan), Karay-a (Panay and Palawan), Cuyunon (Palawan), Cebuano (Cebu), Romblomanon (Romblon)
- Mindanao: Tausug (Sulu), T’boli (Cotabato), Bagobo (Davao), Yakan (Basilan and Zamboanga City), Subanen (Zamboanga del Norte and del Sur)
Songs and dances from the poem “Kulturang Pilipino”
| Group | Song | Dance |
|---|---|---|
| Bikolano | Sarung Banggi | Pantomina de Sorsogon |
| Ilokano | Manang Biday | Arikenken (also called pandanggo) |
| Cebuano | Matud Nila | Rosas Pandan |
| Ilonggo | Dandansoy | Cariñosa |
| Maranao | Darangan | Singkil |
| Tausug | Ayaw Kaw Magtangis | Dalling-dalling |
Why differences call for respect
The module shows how the same word can mean different things to different groups. “Daga” is a rat in Tagalog areas but means a fart in Pangasinense. “Sanggol” is a newborn baby in Tagalog but a rooster in Bacolod. Differences in belief and tradition can lead to quarrels, because what is right for one group may seem wrong to another. Studying other groups’ culture helps Filipinos understand and respect one another.
The epic and the sayings
In “Hudhud ni Aliguyon,” an Ifugao epic, the young leader Aliguyon of Hannanga fights Dinoyagan of Daligdigan by throwing and catching spears for years. The two come to admire each other, make peace, and marry each other’s sisters, and both villages prosper. The answer key draws lessons such as courage and settling conflicts through peaceful talk.
Activity 2 asks learners to explain the values in three sayings: a Tiruray saying (if you want your world to be good, improve your behavior), the Tagalog “Kung may tinanim, may aanihin” (what you plant, you will harvest), and a Boholano saying (no success without sacrifice).
How to use this module
The module asks learners to write all answers on a separate sheet of paper and not to mark the module, so others can use it.
- Take the pretest (Subukin) first to see what you already know.
- Go through the parts in order, from Balikan to Isagawa.
- Take the post-test (Tayahin), then do the poster in Karagdagang Gawain.
- Check your answers with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end. The module asks learners to use it honestly.
- Learners: Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
- Parents and guardians: Help your child read the poem and the epic, and talk about the ethnic group your family belongs to before they write the essay.
- Teachers: Use the poster rubric, which scores content, fit of the concept, originality, overall presentation, and creativity, for a total of up to 25 points.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 4 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), Module 2.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the activities, and the post-test, plus possible answers for the open-ended questions.
What epic is used in this module?
The module uses “Hudhud ni Aliguyon,” an epic of the Ifugao of northern Luzon, about Aliguyon and Dinoyagan, two warriors who end their long fight in friendship.
How many ethnic groups does the module say the Philippines has?
The module says the Philippines has more than 175 ethnic groups, each with its own beliefs, traditions, customs, and language or dialect.
What is the final output of the module?
Learners write an essay about the culture of an ethnic group in Isagawa and make a poster in Karagdagang Gawain, which is scored with a rubric.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong Markahan – Modyul 2: Kultura ng Iba’t Ibang Pangkat, Tatak ng Aking Pagiging Pilipino
4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Kultura ng Iba’t Ibang Pangkat, Tatak ng Aking Pagiging Pilipino
[illustration: students reading and studying under a tree, at a desk, and with a globe and a lamp]
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 2: Kultura ng Iba’t Ibang Pangkat Tatak ng Aking Pagiging Pilipino Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Josephine Bruselas-Mien; Agnes Dejuras-Nocos; Lea B. Perez; Jessica Abanto-Pura Konsultant: Mary Jean B. Brizuela; Sheila C. Bulawan; Dollie G. Franche; Irene F. Yazon Tagaguhit: Jed T. Adra Tagalapat: Jeffrey B. Sape; John Claude R. Caunca; Marvin DJ. Villafuerte Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad; Francisco B. Bulalacao; Grace U. Rabelas; Lailanie R. Lorico; Jily I. Roces; Merlita B. Camu
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region No. V Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Contact: 0917-178-1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph
4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Kultura ng Iba’t Ibang Pangkat Tatak ng Aking Pagiging Pilipino
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang Pilipinas ay kilala sa mayamang kultura dahil sa natatanging mga kaugalian, pagpapahalaga, tradisyon, at paniniwala. Naging makulay ito dahil sa mahigit na 175 pangkat-etniko sa Pilipinas. Bawat pangkat-etniko ay may sariling pagkakakilanlan at kultura na ipinakikita ng kanilang katutubong sayaw, kasuotan, laro, pananalita, at kuwento. Ang pagsakop sa ating bansa ng mga dayuhan gaya ng Kastila, Amerikano, at Hapones, ay naging daan sa pagkakaiba-iba ng bawat pangkat. Gayunpaman, may ilan sa pangkat-etniko na napanatili ang katutubong tradisyon at paniniwala.
Bilang isang Pilipino, nararapat lamang na pahalagahan ang kulturang ating kinamulatan at kultura ng iba pang pangkat etnikong Pilipino. Kung may pagpapahalaga tayo sa kultura ng bawat isa, magkakaroon ng pagkakaintindihan at paggalang ang mga Pilipino.
Sa modyul na ito, mahalagang matutunan mong ipagmalaki at pahalagahan ang nasuring kultura mula sa iba’t ibang pangkat-etniko tulad ng kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa.
Subukin
A. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung wasto ang isinasaad ng pangungusap hinggil sa pagpapahalaga ng kultura ng iba’t ibang pangkat etnikong Pilipino at ekis (X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
_____1. Mahalagang pag-aralan ang mga awit at sayaw ng ibang pangkat-etnikong Pilipino dahil sumasalamin ito ng ating pagka-Pilipino.
_____2. Wala namang masama kung pagtawanan ang mga awit at sayaw ng ibang pangkat dahil sa kakaiba nitong tono at wika.
_____3. Higit na kailangang pag-aralan ang kultura ng iba’t ibang pangkat-etnikong Pilipino kaysa sa kultura ng mga dayuhan.
_____4. Ang pagsuri sa mga kuwentong-bayan, awit, sayaw, at laro ng mga pangkat-etnikong Pilipino ay inaasahang gawin ng bawat mamamayan.
_____5. May pagkakaiba-iba ang kultura ng bawat pangkat-etnikong Pilipino kung kaya mahalagang unawain at igalang ang mga pagkakaiba upang maiwasan ang di pagkakaunawaan.
B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
_____6. Bibisitahin ng mga mag-aaral ang isang museo sa kalapit- bayan. Pag-aaralan nila ang mga sinaunang kagamitan, pamumuhay, at pananamit ng pangkatetniko na naroon. Hinihikayat ang lahat na sumali. Kung ikaw ay isang mag-aaral, sasama ka ba o hindi? Bakit?
- A. Hindi po, dahil sayang ang perang ipambabayad dito.
- B. Opo, para makapamasyal kasama ang mga kaibigan.
- C. Hindi po, dahil hindi mahalagang pag-aralan ang mga iyon.
- D. Opo, dahil mahalagang pag-aralan ang kultura ng kapwa Pilipino.
_____7. Napanood mo sa telebisyon ang tungkol sa isang nagtapos sa kolehiyo na nagsuot ng bahag sa kanilang Araw ng Pagtatapos bilang pagmamalaki sa pangkatetnikong kaniyang kinabibilangan. Bilang manonood, ano ang iyong reaksyon dito? Bakit?
- A. Matatawa kasi kakaiba ang kaniyang suot.
- B. Magagalit kasi nagpapapansin siya sa mga tao.
- C. Hahangaan siya dahil ipinagmamalaki niya ang kaniyang pangkat.
- D. Mahihiya para sa kaniya dahil bihira na ang nagsusuot ng kanilang katutubong damit.
_____8. Napansin mo na pinagtatawanan ng iyong kaibigan ang paraan ng pagsasalita ng isang pangkat dahil sa kakaiba ito sa tono ng pagsasalita ninyo. Bilang kaibigan niya, ano ang gagawin mo? Bakit?
- A. Aawayin ko siya dahil masama ang kaniyang ginagawa.
- B. Hahayaan lang siya dahil hindi ko naman iyon problema.
- C. Pagtatawanan din sila dahil kakaiba ang tono ng kanilang pagsasalita.
- D. Pagsasabihan na mali ang kaniyang ginagawa dahil dapat igalang ang pagkakaiba-iba ng bawat isa.
_____9. Binigyan kayo ng gawain ng inyong guro. Magsusuri kayo ng isang kuwentong bayan ng isa sa mga pangkat etnikong Pilipino. Ano ang gagawin mo?
- A. Balewalain ang pagsasanay.
- B. Babasahin at iintindihin ito nang maayos.
- C. Ipabasa ang kuwentong-bayan sa kapatid.
- D. Pakiusapan ang Nanay na siya ang gumawa nito.
_____10. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang kultura ng kapwa Pilipino?
- A. Hindi makikihalubilo sa kanila.
- B. Pagtatawanan ang kanilang kinamulatang kultura na iba sa aming kultura.
- C. Pagsasabihan sila nang hindi magagandang bagay tungkol sa kanilang kultura.
- D. Igagalang ang kanilang kinamulatang pamumuhay, pananamit, at pagsasalita.
Aralin 1 Kultura ng Iba’t Ibang Pangkat, Tatak ng Aking Pagiging Pilipino
Ang diyalekto at lenggwahe ng mga tao sa isang lugar ay bahagi ng kultura nito. Sabi nga, ang wika ay sumasalamin sa kultura ng bansa.
Ayon sa ulat ni FR Jimenez sa GMA News Online, batay sa isinagawang pag-aaral ng National Statistics Office (NSO) sa 2000 Census of Population and Housing (CPH), lumilitaw na tinatayang 150 diyalekto at lenggwahe mayroon tayo sa Pilipinas.
Ipinakikita nito na sa diyalekto at lenggwahe pa lamang ay may pagkakaiba na ang bawat pangkat sa Pilipinas. Kaya ang mga Pilipino ay napapangkat batay sa kanilang wika. Ang mga Ivatan sa Luzon ay Ivatan ang wika, ang mga Waray sa Visayas ay Waray at ang karamihan na Cotabateńo ay Maguindanaon ang wika.
[illustration: three portrait drawings of people in traditional attire, labeled by group]
Ivatan Waray Cotabateño
Pagkatapos ng modyul na ito, inaaasahang maipagmamalaki o mapahahalagahan mo ang nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat- etniko tulad ng kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa.
Balikan
Alin sa sumusunod ang gawaing nagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal at di-materyal ng ating bansa?
Kulayan ng asul ang thumbs up kung nagpapakita ito ng kawilihan at kulayan naman ang thumbs down kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
[transcriber’s note: each item below is printed beside a thumbs up and a thumbs down icon]
- Pagsimangot tuwing pinangangaralan na isakilos ang mga pagpapahalagang Pilipino.
- Pagbasa nang may kasiyahan ng mga alamat, kuwentong bayan, at epiko ng Pilipinas.
- Pagsali sa pagtatanghal ng mga katutubong sayaw at awit ng mga Pilipino.
- Pagtakas sa panonood ng palatuntunan tungkol sa kulturang Pilipino.
- Paghiram ng mga aklat tungkol sa kulturang Pilipino at pagbasa nito nang may kasiyahan.
Bukod sa pagpapahalagang natutuhan mo sa nakaraang aralin, mahalaga ring matuto kang sumuri ng kultura ng iba’t ibang pangkat etniko tulad ng kanilang kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa. Sa pamamagitan nito, mas maiintindihan mo ang kanilang pinagmulan at maipagmamalaki ito bilang bahagi ng iyong pagka-Pilipino.
Tuklasin
A. Panuto: Tukuyin muna ang kahulugan ng mga nakasalungguhit na salita ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
[transcriber’s note: the target word in each item is underlined in the original]
Naghahanda kami ng masasarap na pagkain tuwing piyesta. Ito ay bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino.
- A. malaking pagdiriwang sa isang barangay
- B. paniniwala o opinyon na naisalin ng mga magulang sa mga anak
- C. mga gawaing pampamayanan na nilalahukan ng maraming mamamayan
- D. mga gawain ng mga mamamayan upang ipagdiwang ang isang okasyon
Magandang pakinggan ang himig ng awit.
- A. tono
- B. tekstura
- C. nota
- D. bilis
Nanalo siya sa patimpalak sa pagsayaw dahil sa nakakabilib niyang indak.
- A. ekspresyon ng mukha habang sumasayaw
- B. pag-awit habang tumutugtog ng instrumento
- C. galaw ng katawan bilang pagtugon sa isang tugtugin
- D. paglakad o pagtakbo habang tumutugtog ang isang awit
Ang pinagbatayan niya ng bagong kuwento ay ang mga karanasan noong siya ay bata pa.
- A. pinagtayuan
- B. pinagbasehan
- C. pinagkunan
- D. pinaglagyan
Bantog si Dr. Jose P. Rizal bilang pambansang bayani ng Pilipinas.
- A. Kilala
- B. Artista
- C. Namatay
- D. Pinarangalan
B. Basahin ang tulang nasa ibaba.
Kulturang Pilipino ni Jessica A. Pura
Bawat pangkat etnikong Pilipino ay may kulturang pinahahalagahan,
May sariling awit, sayaw, sining, laro, at kuwentong-bayan,
May iba-ibang paniniwala, pagpapahalaga at kani-kaniyang tradisyon,
Lahat ng ito ay nagpapakita ng pagka-Pilipino noon at ngayon.
Sa Luzon, Visayas, Mindanao, iba-ibang pangkat etniko ang naninirahan.
Sa kanilang sayaw at awit ay makikita na ang kanilang mga katangian.
Mga awit na may iba- ibang himig na kultura ang pinagbatayan.
Sayaw na may indak na hango sa kuwento ng kanilang bayan.
Ang mga Bikolano at Ilokano ay mga pangkat etniko sa Luzon.
Bikolano’y may awiting Sarung Banggi at sayaw Pantomina de Sorsogon.
Kilala sa awiting Manang Biday at sayaw na arikenken ang mga Ilokano.
Ito’y isa nilang tradisyonal na sayaw na kilala rin sa tawag na pandanggo.
Ilan sa mga pangkat etniko sa Visayas ay ang Ilonggo at Cebuano.
Sayaw Rosas Pandan at awiting Matud Nila’y bantog sa Cebu.
Ang mga Ilonggo ay may awiting Dandansoy at sayaw na Cariñosa.
Mga indak at laro na sumasalamin sa kanilang kultura.
Ang mga Maranao at Tausug ay mga pangkat etniko sa Mindanao.
Sa sayaw na Singkil at awit na Darangan bihasa ang mga Maranao.
Ang mga Tausug naman ay bantog sa sayaw na Dalling-dalling
May awit silang Ayaw Kaw Magtangis na bahagi ng kanilang sining.
Makulay ang kultura ng bawat pangkat etnikong Pilipino.
Sa kanilang mga sayaw at awit ay makikita na ito.
Magkakaiba man, lahat ay may damdaming pagka-Pilipino.
Kailangan ang paggalang upang di-pagkakaunawa’ay maiwasto.
Sagutin ang mga tanong:
Ano ang pamagat ng tula?
Ano-ano ang bumubuo sa kultura ayon sa tula?
Saan nakabatay ang himig ng awit ng mga Pilipino?
Bakit kailangang igalang ang kultura ng bawat pangkat etnikong Pilipino?
Paano mo maipakikita ang paggalang sa kultura ng ibang pangkat?
Suriin
Ang salitang kultura ay nagmula sa salitang Latin na “cultura” na nangangahulugang kultibasyon o paglinang. Tumutukoy ito sa pinagsama-samang kaasalan ng mga tao bunga ng kanilang karanasan na makikita sa kanilang gawi, pananalita, paniniwala, tradisyon, at iba pa. Iba-iba ang mga ito sa bawat lahi o bansa. Isang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga Pilipino ng po at opo sa pakikipag-usap na hindi matatagpuan sa ibang bansa. Bagama’t isang lahi ang Pilipino binubuo ito ng iba’t ibang pangkat-etniko na may iba’t ibang kultura.
Ang 175 tinatayang pangkat-etniko sa Pilipinas ay may kani-kaniyang pagkakakilanlan. Sila ay may sariling paniniwala, tradisyon, kagawian, at wika o diyalekto.
Sa Luzon, ilan sa mga kilalang pangkat- etniko ay ang mga Aeta sa Mountain Province, Bikolano sa Kabikulan, Ivatan sa Batanes, Mangyan sa Mindoro, at Tagalog sa Kamaynilaan.
Sa Visayas, ilan sa mga pangkat-etniko ay ang mga Ilonggo sa Iloilo, Aklanon sa Aklan, Karay-a sa Panay at Palawan, Cuyunon sa Palawan, Cebuano sa Cebu, at Romblomanon sa Romblon.
Sa Mindanao naman, ilan sa mga pangkat-etniko ay ang mga Tausug sa Sulu, T’boli sa Cotabato, Bagobo sa Davao, Yakan sa Basilan at Zamboanga City, at Subanen sa Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.
Ang bawat pangkat-etnikong Pilipino ay may kulturang pinahahalagahan. Maaaring may pagkakaiba-iba sa ilang aspeto ang kultura ng bawat pangkat ngunit sa kabuuan ay tatak kulturang Pilipino. Maging sa diyalekto o lenggwahe ay nagkakaiba ang mga pangkat- etniko na minsan ay nagiging sanhi ng di-pagkakaunawaan. Halimbawa ang salitang daga ay isang mamalya sa mga Katagalugan ngunit nangangahulugang utot sa
Pangasinense. Ang tinutukoy naman ng sanggol sa Katagalugan ay bagong silang na bata ngunit tandang naman sa Bacolod.
Ang pagkakaiba-iba sa paniniwala at tradisyon ay nagiging sanhi ng away at kaguluhan dahil maaaring ang wasto para sa isa ay mali sa iba. Papasok na ang katanungang, sino ang mas tama, ako o siya? kami o sila? lalo na may mga hindi nagpapaubaya at ipaglalaban din ang sa tingin nila ay tama kahit nakakasakit na sila ng iba.
Mahalagang masuri ang kultura ng iba’t ibang pangkat-etniko upang lubos na makilala at maunawaan ang ating kapwa Pilipino. Higit na matutuklasan ang ganda ng kanilang kultura tulad ng kanilang kuwentong bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa, sapat upang ipagmalaki at pahalagahan iba man ang pangkat na inyong kinabibilangan.
Pagyamanin
Gawain 1
Ang kuwentong bayan, alamat, epiko, at mito ay bahagi ng kulturang materyal ng mga Pilipino.
Isa sa mga pangkat etniko sa Pilipinas ay ang Ifugao na naninirahan sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon. Mayaman sila sa mga kulturang materyal tulad ng popular nilang epikong, “Hudhud ni Aliguyon”.
Basahin ang buod ng Hudhud ni Aliguyon na nasa ibaba at tukuyin ang mahahalagang pangyayari sa epiko. Sa pamamagitan nito, mas mapapahalagahan ninyo ang isang bahagi ng kanilang kulturang materyal.
[illustration: Two figures standing back to back, each holding a spear]
Hudhud ni Aliguyon
Isang araw sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng iba’t ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kaniyang ama ay marami. Natuto siya kung paano makipaglaban nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit noong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kaniya.
Nang magbinata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Pangaiwan, ang kaaway ng kaniyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kaniyang hamon ay hindi si Pangaiwan. Ang humarap sa kaniya ay ang mabangis na anak nito, si Dinoyagan na bihasa rin sa labanan tulad ni Aliguyon.
Hindi nag-alinlangan, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Dinoyagan. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Dinoyagan upang iwasan ang sibat. Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Dinoyagan ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Dinoyagan.
Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at Dinoyagan. Umabot na ng ilang taon ay hindi pa rin tumitigil ang labanan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko ang dalawa. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagdaka’y natuto silang igalang ang isa’t isa.
Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Dinoyagan at sa wakas ay natigil ang labanan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa. Buong lugod na sumang-ayon ang lahat ng tao sa nayon ng Hannanga at Daligdigan, at ipinagdiwang nila ang pagkakaibigan ng dalawa.
Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang dalawang nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Dinoyagan. Naging asawa ni Aliguyon si Bugan, kapatid ni Dinoyagan samantalang napangasawa naman ni Dinoyagan ang kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya.
Ang dalawang pamilya ay iginalang ng lahat sa Ifugao at namuhay nang masaya.
Suriin ang epikong iyong binasa. Sagutin ang mga gabay na tanong sa pagsagawa nito:
Bakit tiningala na si Aliguyon bilang pinuno ng mga tao sa Hannanga kahit noong siya ay bata pa?
Paano naglaban sina Aliguyon at Dinoyagan?
Anong aral ang natutuhan mo mula sa epiko?
Nagustuhan mo ba ang epiko? Bakit?
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga epiko at iba pang akda na nagpapakita ng kultura nating mga Pilipino?
Gawain 2
A. Ang mga sumusunod ay mga kasabihan mula sa iba’t ibang pangkat-etniko ng Pilipinas. Anong pagpapahalaga ang ipinapakita o itinuturo nito? Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Amuk meuyot go de ke waley fiyoy
Duniyae fefiyo moy adat me
-TirurayPagsasalin:
Kung gusto mo na ang iyong mundo’y maging mabuti
Pagbutihin mo ang iyong ugaliSagot:
Kung may tinanim, may aanihin.
-TagalogSagot:
Walay kauswagan
Kon walya inantusan.
-BoholanoPagsasalin:
Walang tagumpay
Kung walang sakripisyoSagot:
B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa sagot ninyo sa Gawain 2.
Dapat bang ipagmalaki ang mga pagpapahalagang itinuturo ng mga kasabihang nabanggit sa Gawain 2? Bakit?
Ano pang mga kasabihan mula sa iba’t ibang pangkat-etniko ng Pilipinas ang iyong alam? Isulat ang sagot sa patlang.
Isaisip
Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na pangungusap ayon sa pagkakaunawa mo tungkol sa pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Igagalang ko ang pagkakaiba-iba ng kulturang Pilipino upang
Magbabasa ako ng mga kuwentong-bayan dahil
Ipagmamalaki ko ang aming kultura sapagkat
Sasali ako sa mga programang sumusuporta sa kulturang Pilipino upang
Mayaman ang kulturang Pilipino kaya naman
Isagawa
Sa anong pangkat-etniko ka nabibilang? Pumili ng isang pangkat-etnikong nais mong pag-aralan. Magbasa tungkol sa kanilang mga tradisyon at paniniwala. Gumawa ng sanaysay tungkol sa mga bagay na natuklasan mo tungkol sa kanilang kultura, tradisyon at paniniwala.
[transcriber’s note: blank scroll-shaped box provided for writing the essay]
Tayahin
I. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pahayag kung ito ay wasto at ekis (X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
___1. Ang pagkakaiba-iba sa kultura ng bawat mamamayang Pilipino ay hadlang sa di-pagkakaunawaan ng bawat isa.
___2. Mahalagang pag-aralan ang kultura ng iba’t ibang pangkat-etnikong Pilipino tulad ng kanilang kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa.
___3. May matututunan tayo sa pag-aaral ng kultura ng iba’t ibang pangkat-etnikong Pilipino.
___4. Ipagmalaki ang kultura ng sariling pangkat lamang.
___5. Pag-aralan ang kultura ng iba’t ibang pangkat-etnikong Pilipino kung gusto lamang natin.
II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
____6. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa sariling kultura at kultura ng ibang pangkat-etnikong Pilipino?
A. Nagbabasa ako ng kuwentong bayan ng samu’t saring buhay ng mga Pilipino. B. Pinagtatawanan ko ang naririnig ko na kakaiba ang tono ng pananalita sa amin. C. Mas nais kong pag-aralan ang mga awiting dayuhan dahil masigla ang himig nito. D. Pinagtatawanan ko ang mga awiting ng ibang pangkat etniko dahil sa kakaibang tono at wika nito.
_____7. Sa kasalukuyan, mayroon pa ring pangkat etnikong Pilipino na nakasuot ng kanilang katutubong kasuotan sa pangaraw-araw nilang pamumuhay. Ano ang saloobin mo rito?
A. Dapat nakikisabay na rin sila sa modernong pananamit. B. Dapat tulungan sila ng gobyerno upang maging moderno na rin. C. Mainam na may mga Pilipino nagsusuot pa rin ng katutubong pananamit. D. Nakakaawa naman sila kasi hindi sila nakasuot ng maayos na pananamit sa panahon ngayon.
______8. Bilang isang Pilipino, paano mo maibabahagi ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino lalo na sa kasalukuyang mas pinagtutuunan ng iba ang kultura ng ibang bansa?
A. pagturo ng mga larong Pinoy sa iba B. pagsuot ng mga usong pananamit ng ibang bansa C. pagpost sa facebook ng mga sikat na artista ng ibang lahi D. pagbisita ng mga makasaysayang lugar sa ibang bansa
______9. May bagong lipat na kaklase sina Susan na mula sa ibang pangkat-etniko. Iba ang tono ng kaniyang pananalita kumpara sa kanila. Kaya naman, madalas siyang pagtawanan nina Susan. Tama ba ang kanilang ginagawa? Bakit?
A. Opo dahil nakakatawa talaga iyon. B. Hindi po dahil bababa ang marka nila sa EsP. C. Hindi po dahil dapat igalang ang pananalita ng iba. D. Opo dahil wala namang masama sa ginagawa nila.
_____10. Nagkaroon kayo ng family reunion. May tiyo ka na nakapangasawa na iba ang paniniwala sa inyong nakagisnan. Paano mo ito tatanggapin?
A. Iwasan ang tiyahin. B. Sabihan siya na kakaiba siya. C. Huwag nalang siyang kausapin. D. Igalang ang kaniyang paniniwala.
Karagdagang Gawain
Gumawa ng isang poster na magpapakita kung paano natin maipagmamalaki at pahahalagahan ang nasuring kultura sa iba’t ibang pangkat-etniko. Sundin ang rubrik sa paggawa.
[transcriber’s note: blank box for the learner’s poster]
RUBRIC PARA SA POSTER
| Pamantayan | Indikador | Puntos | Natatamong Puntos |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | • Naipakita at naipaliwanag nang maayos ang ugnayan ng lahat ng konsept sa paggawa ng poster | 21-25 | |
| Kaangkupan ng konsepto | • Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto | 16-20 | |
| Pagkamapanlikha (Originality) | • Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster | 11-15 | |
| Kabuuang Presentasyon | • Malinis at Maayos ang kabuuang presentasyon | 6-10 | |
| Pagkamalikhain (Creativity) | • Gumamit ng tamang kombinasyn ng kulay upang maipahayag ang nilalaman, knsepto, at mensahe | 1-5 | |
| Kabuuan |
Magaling! Sa wakas, natapos mo ang Kwarter 3 Modyul 2 at nalinang ang iyong pagpapahahalaga sa pagsuri ng kultura ng iba’t ibang pangkat- etnikong Pilipino. Binabati kita! Patuloy mo itong paunlarin upang maging bahagi ka ng pagyabong ng kulturang Pilipino.
Sapagkat natapos mo nang may pagpapahalaga ang araling ito, maaari ka nang tumungo sa susunod na modyul.
Susi sa Pagwawasto
Subukin
A. 1. √ 2. X 3. √ 4. √ 5. √ B. 6. D 7. C 8. D 9. B 10. D
Balikan
[transcriber’s note: each sentence below is marked with a thumbs-up or thumbs-down icon, which is not reproduced]
Pagsimangot tuwing pinangangaralan na isakilos ang mga pagpapahalagang Pilipino.
Pagbasa nang may kasiyahan ng mga alamat, kuwentong bayan, at epiko ng Pilipinas.
Pagsali sa pagtatanghal ng mga katutubong sayaw at awit ng mga Pilipino.
Pagtakas sa panonood ng palatuntunan tungkol sa kulturang Pilipino.
Paghiram ng mga aklat tungkol sa kulturang Pilipino at pagbasa nito nang may kasiyahan.
B.
- Kulturang Pilipino
- awit, sayaw, sining, laro, kuwentong-bayan, paniniwala, pagpapahalaga, tradisyon
- kultura
- upang ang di-pagkakaunawaan ay maiwasto
- Mga Posibleng Sagot:
- Hindi ko pagtatawanan ang kanilang kultura.
- Hindi ko pagtatawanan ang kanilang pagkakaiba sa aming kultura.
- Pag-aaralan ko ang kanilang kultura tulad ng kanilang awit, sayaw, laro, kuwentong-bayan at iba pa.
- Irerespeto ko ang kanilang paniniwala.
- Irerespeto ko ang kanilang tradisyon.
- Irerespeto ko ang kanilang pagpapahalaga.
Payamanin
Gawain 1
- Mga Posibleng Sagot:
- Dahil siya ay matalino at masipag matuto ng iba’t ibang bagay.
- Dahil mahusay na siyang makipagbakbakan.
- Naghagisan at nagsaluhan ng sibat si Aliguyon at Dinoyagan
- Mga Posibleng Sagot:
- Maging matapang.
- Hindi labanan o pakikipagdigmaan ang solusyon sa alitan ng bawat pangkat. Maaari itong madaan sa mapayapang usapan.
- Maaaring maging magkaibigan ang dating magkaaway.
- Ang mga di-pagkakaunawaan ay maaaring malutas sa mapayapang usapan.
- Opo.
Mga Posibleng Sagot para sa ikalawang katanungan:
- Dahil sa aral na natutuhan ko mula sa epiko.
- Dahil nagpapakita ito ng kagitingan ni Aliguyon na dapat ring taglayin ng bawat Pilipino.
- Dahil dito, may natutuhan ako sa kultura ng mga Ifugao.
- Posibleng Sagot:
- Maipapakita ko ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagbabasa at pagtangkilik sa mga ito.
Gawain 2
A.
- Pakikipagkapwa-tao/ Pagkamabuti/ Kabutihan
- Pagkamatiyaga/ Pagkamasipag
- Pagkamatiyaga/ Pagkamasipag
- Mga Posibleng Sagot:
- Kailangang ipagmalaki ang mga kasabihan dahil bahagi ito ng kulturang Pilipino.
- Kailangang ipagmalaki ang mga kasabihan upang magsilbing gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay at maging maayos ang pamumuhay.
- Magkakaroon ng iba-ibang kasagutan ang mga mag-aaral.
Isip
- Mga Posibleng Sagot:
maiwasan ang di-pagkakaunawaan
magkaroon ng kapayapaan
maging magkakaibigan ang lahat
magkasundo ang lahat
- Mga Posibleng Sagot:
- nagpapakita ito ng kulturang Pilipino
- makakapulot ng magagandang aral mula rito
- may matututunan ako
- nalilibang ako
- masisiyahan ako
- Mga Posibleng Sagot:
- nagpapakita ito ng aking pagka-Pilipino
- ako ay isang tunay na Pilipino
- makulay ang kulturang Pilipino
- maganda ang kulturang Pilipino
- Mga Posibleng Sagot:
- mapaunlad ito
- yumabong ito
- maibahagi ito sa iba
- mahalin ito ng iba
- mapalago ang kulturang Pilipino
- Mga Posibleng Sagot:
- ipagmamalaki ko ito
- ibabahagi ko ito
- mamahalin ko ito
Isagawa
Magkakaroon ng iba-ibang sagot sa Venn Diagram.
Para sa ikalawang tanong:
Mga Posibleng Sagot:
- Hindi ko po pagtatawanan ang kanilang paniniwala at tradisyon.
- Uunawain ko po ang kanilang paniniwala at tradisyon.
- Hindi po ako makikipagtalo tungkol sa kanilang paniniwala.
- Hindi ko po sila aawayin.
Pagtataya
I. 1. X 2. √ 3. √ 4. X 5. X II. 6. A 7. C 8. A 9. C 10. D
Karagdagang Gawain
Magkakaroon ng iba-ibang sagot ang mga bata batay sa poster na kanilang ginawa. Susundin ang rubrik sa ibaba sa paggawa.
| Pamantayan | Indikador | Puntos | Natatamong Puntos |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | • Naipakita at naipaliwanag nang maayos ang ugnayan ng lahat ng konsept sa paggawa ng poster | 21-25 | |
| Kaangkupan ng konsepto | • Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto | 16-20 | |
| Pagkamapanlikha (Originality) | • Orihinal ang ideya sa paggawa ng poster | 11-15 | |
| Kabuuang Presentasyon | • Malinis at Maayos ang kabuuang presentasyon | 6-10 | |
| Pagkamalikhain (Creativity) | • Gumamit ng tamang kombinasyn ng kulay upang maipahayag ang nilalaman, knsepto, at mensahe | 1-5 | |
| Kabuuan |
[transcriber’s note: the “Kabuuan” label is printed across the score columns of the last row; it is placed in the first cell here]
Sanggunian
Hudhud (Epiko ng Ifugao). (2017, December 15). Wikakids. Retrieved July 17, 2020, from https://www.wikakids.com/2017/12/hudhud-epiko-ng-ifugao.html
Jimenez, F. (2015, August 1). TRIVIA: Ang mga pangunahing diyalekto o salita na ginagamit sa Pilipinas. GMA News Online Your News Authority. Retrieved February 21, 2021, from https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/531203/trivia-ang-mga-pangunahing-diyalekto-o-salita-na-ginagamit-sa-pilipinas/story/
Kalinangan. (2021, January 11). Wikipedia. Retrieved February 23, 2021, from https://tl.wikipedia.org/wiki/Kalinangan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply