This is a Grade 4 self-learning module in Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), Ikatlong Markahan – Modyul 1 (Quarter 3, Module 1): “Pamanang Kultural ng Aking Lahi, Gabay sa Aking Kinabukasan” (the cultural heritage of my race, a guide to my future). It was prepared by DepEd Region V for learning at home under the Alternative Delivery Mode. After this module, learners should show real interest in listening to or reading Filipino cultural heritage, both material and non-material.
What learners will learn
The module states one main learning goal. By the end, the learner should be able to show interest (kawilihan) in listening to or reading:
- Material cultural heritage (pamanang kulturang materyal), such as folk tales, legends, and epics
- Non-material cultural heritage (di-materyal), such as good customs and respect for elders
What the module covers
The module has one lesson, Aralin 1, which shares the module’s title. It opens by reminding learners that loving our country includes being proud of our own culture. Culture shows our identity as Filipinos and sets us apart from other peoples. The lesson uses the Panagbenga, the flower festival of Baguio, as an example of a celebration that is part of Filipino culture.
The module first lists well-known Filipino stories:
- Folk tales (kuwentong bayan): “Ang Kalabasa at ang Duhat,” “Ang Batik ng Buwan,” and “Ang Matsing at ang Pagong”
- Legends (alamat): “Alamat ng Kasoy,” “Alamat ng Pilipinas,” and “Alamat ni Maria Makiling”
- Epics (epiko): “Biag ni Lam-ang” (Ilocano), “Labaw Donggon” (Visayas), and “Agyu” (Mindanao)
Material and non-material culture
The Suriin (analysis) part explains that culture reflects how we and our ancestors live. It divides culture into two kinds.
Material culture
Material culture is made up of things we can see and touch. The module gives these examples:
- Inventions, buildings, and works of art
- Native food: litson, kare-kare, bibingka, biko, and suman
- Traditional clothing: barong tagalog, baro’t saya, tapis, and bahag
- Written stories: legends, myths, parables, fables, and epics
- Folk dances: Cariñosa, Polka sa Nayon, Sayaw sa Bangko, Singkil, and Tinikling
- Folk songs: Sitsiritsit Alibangbang, Bahay Kubo, Sarung Banggi, and Atin Ku Pung Singsing
- Native games: sipa, syato, patintero, sungka, and luksong tinik
Non-material culture
Non-material culture cannot be touched, but it can be seen or observed in daily life. Examples in the module are:
- Filipino customs such as bayanihan (community cooperation) and close family ties
- Beliefs and traditions about anito, spirits, souls, and the Senakulo
- Warm hospitality to guests and valuing education
The module explains that both kinds of culture are a mark of being Filipino. Listening to and understanding the values elders teach, such as respect for parents and elders, faith in God, and love of family and country, helps us reach our goals for the future.
Stories used in the module
- Tuklasin (explore): A dialogue about Richie, who visits his grandparents in the province for Christmas. At Noche Buena he would rather play a mobile game, but he ends up joining his cousins to listen to Lolo Felipe and Lola Corazon’s stories, and he enjoys them.
- Gawain 2 (Activity 2): “Ang Alamat ng Sarimanok” (the legend of the sarimanok), a Maranao legend about Sari, the sultan’s daughter. A colorful rooster turns into a prince and carries her to the sky. The sultan then has the rooster carved in wood, and the sarimanok becomes the tribe’s symbol.
Parts and activities
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Mark statements with a star or moon, then answer 5 multiple-choice items |
| Balikan (review) | Pick acts that keep surroundings quiet and clean, from the previous module |
| Tuklasin | Read the Noche Buena dialogue and answer 5 questions |
| Suriin | Read the explanation of material and non-material culture |
| Pagyamanin | Gawain 1: explain what to do in 5 situations; Gawain 2: read the sarimanok legend and answer questions |
| Isaisip | Complete 4 sentences about what was learned |
| Isagawa | Do one activity showing interest in cultural heritage, take a photo or video, and answer guide questions; graded with a rubric |
| Tayahin (assessment) | True or false items and multiple-choice items |
| Karagdagang Gawain | Read a legend from your region, list its 5 most important events in order, and write its lesson; graded with a rubric |
How to use this module
- Learners: Take the pretest first, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper, and do not write on the module so others can use it. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end.
- Parents and guardians: The module invites you to read the sarimanok legend aloud while your child listens. Help your child take the photo or video for the Isagawa task.
- Teachers: The pretest shows which learners need extra help. Use the printed rubrics to grade the Isagawa output and the Karagdagang Gawain. Many answers in the key are sample answers, so accept reasonable responses.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 4 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3, Module 1.
What is the difference between material and non-material culture?
Material culture is made of things you can see and touch, like food, clothing, written stories, dances, songs, and games. Non-material culture cannot be touched but can be observed, like bayanihan, beliefs, traditions, and hospitality.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers or sample answers for the pretest, Tuklasin, Gawain 1 and 2, Isaisip, and Isagawa.
What legend is featured in the module?
The module features Ang Alamat ng Sarimanok, a Maranao legend about the sultan’s daughter Sari and the colorful rooster that became the tribe’s symbol.
What do learners submit for the Isagawa task?
Learners choose an activity that shows interest in Filipino cultural heritage, take a photo or video of themselves doing it, and answer guide questions. The work is graded with a rubric.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pamanang Kultural ng Aking Lahi, Gabay sa Aking Kinabukasan
4
[illustration: students reading and learning under a tree, a teacher helping a student at a desk, a child by a lamp, and students with a globe]
CO_Q3_EsP4_ Modyul1
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pamanang Kultural ng Aking Lahi, Gabay sa Aking Kinabukasan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang – aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Josephine Bruselas-Mien, Agnes Dejuras-Nocos, Lea B. Perez, Jessica Abanto-Pura |
| Konsultant: | Mary Jean B. Brizuela, Sheila C. Bulawan, Dollie G. Franche, Irene F. Yazon |
| Tagaguhit: | Jed T. Adra |
| Naglayout: | Jeffrey B. Sape, John Claude R. Caunca, Niño D. Jacobe |
| Tagapamahala: | Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao, Grace U. Rabelas, Lailanie R. Lorico, Jily I. Roces, Merlita B. Camu |
Inilimbag sa Pilipinas ng ______________________
Department of Education – Region V
Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Contact: 0917-178-1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph
4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pamanang Kultural ng Aking Lahi, Gabay sa Aking Kinabukasan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Samu’t saring kuwentong bayan, alamat, at epiko ang nagpasalin-salin mula sa ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan. Marahil ay narinig mo na ang mga kuwentong bayang “Ang Kalabasa at ang Duhat”, “Ang Batik ng Buwan”, “Ang Matsing at ang Pagong” at marami pang iba. Mayaman din tayo sa alamat. Nariyan ang “Alamat ng Kasoy”, “Alamat ng Pilipinas”, at “Alamat ni Maria Makiling”. Mayroon ding sikat na epiko ang mga Pilipino gaya ng “Biag ni Lam-ang” (Epikong Ilokano), “Labaw Donggon” (Epiko ng Bisayas) at “Agyu” (Epiko ng Mindanao). Mayaman din tayo sa mga sayaw, awit, laro, at iba pa.
Marami ring pagpapahalaga ang patuloy na itinuturo sa atin ng mga nakatatanda. Ang mga ito ay makatutulong sa atin upang maging matagumpay ang pang-araw-araw nating pamumuhay. Ang mga pagpapahalaga gaya ng pagmamahal sa bayan, paggalang sa nakatatanda, at kawanggawa ay iilan lamang sa mga dapat nating isabuhay.
Sa modyul na ito, mahalagang matuto kang magpakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal tulad ng kuwentong bayan, alamat, mga epiko, at iba pa at di-materyal gaya ng mga magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa nakatatanda, at iba pa.
Subukin
A. Panuto: Lagyan ng hugis bituin (☆) kung wasto ang isinasaad ng pangungusap hinggil sa pagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal at di-materyal at hugis buwan (☾) kung hindi.
_____1. Ang mga pamanang kulturang materyal at di-materyal ay nararapat na binabasa at pinakikinggan nang may galak.
_____2. Sa kasalukuyan, hindi mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga pamanang kultural ng ating lahi dahil hindi naman ito makatutulong sa ating pansariling pag-unlad.
_____3. Nakakasawa na ang mga kuwentong bayan, alamat, epiko, at awiting Pilipino kaya mas mainam na pagtuunan ang kultura ng ibang bansa.
_____4. Ang mga di-materyal na kultura ay dapat pahalagahan dahil ang mga ito ay nagsisilbing gabay sa atin bilang mamamayang Pilipino.
_____5. Nakakawiling pakinggan ang mga itinuturong kaugalian at pagpapahalaga ng mga nakatatanda.
Subukin
B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
_____1. Binigyan kayo ng isang gawain kung saan magbabasa kayo ng mga alamat sa inyong rehiyon. Pagkatapos, isusulat ninyo ang aral na mapupulot dito. Paano mo dapat ito gagawin? Gagawin ko ito nang ______________. a. padabog b. may kawilihan c. pahapyaw d. nagmamadali
_____2. Sino sa mga sumusunod ang dapat nating tularan dahil sa nagpapakita siya ng kawilihan sa mga pamanang kultural ng ating bansa? a. [illustration: a girl sitting on the floor listening while a woman reads a book to her] c. [illustration: a child resting with her head on an open book labeled [illegible]] b. [illustration: a boy scowling in a classroom where a sign reads “BUWAN NG WIKA”] d. [illustration: a boy scowling as he holds a book over a fire, with smoke rising]
transcriber’s note: the choices are printed as pictures labeled A, B, C, and D, placed in the order A, C (top row) and B, D (bottom row); they are listed here by their letters.
_____3. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Pilipino? a. sa pag-aaral ng mga pagpapahalaga ng ibang lahi b. sa pagsali sa pagtipun-tipon laban sa pamahalaan c. sa pakikilahok sa iba’t ibang samahan pangmatanda d. sa pagsasabuhay ng mga ito sa pang-araw-araw na gawain
_____4. Tinuturuan si Tina ng kaniyang mga magulang ng paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa nakatatanda. Kung ikaw si Tina, ano ang gagawin mo? a. Hindi ako iimik at tatalikuran ko sila. b. Magmamaktol ako habang nakikinig. c. Pakikinggan ko ang aking mga magulang. d. Magagalit ako sa kanila.
_____5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kawilihan sa pakikinig at pag-unawa sa mga itinuturong kulturang di-materyal. Alin ang hindi? a. Si Maila na nakasimangot tuwing pinangangaralan ng kaniyang ina. b. Si Owen na pinakikinggan ang mga kaugaliang itinuro ng kaniyang guro. c. Si Urion na pinag-aaralan ang mga pagpapahalaga ng ibang lahi. d. Si Roy na hindi nakikiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng kanilang pamayanan.
Aralin 1: Pamanang Kultural ng Aking Lahi, Gabay sa Aking Kinabukasan
Bilang mga Pilipino, mayroon tayong mga tungkulin sa ating bansang Pilipinas. Isa na rito ay ang pagmamahal sa bayan na maaari nating maipakita sa pamamagitan ng pagmamalaki ng sarili nating kultura. Ang ating kultura ang nagpapakilala ng ating pagka-Pilipino at nagpapakita ng ating pagkakaiba sa ibang lahi. Isa ito sa mga bumibigkis sa atin tungo sa iisang mithiin.
Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Nakalahok ka na ba sa pagdiriwang na ito?
[illustration: Panagbenga festival emblem showing a large sunflower, mountains, and a family in traditional dress]
PANAGBENGA
Ito ay ang sikat na Pista ng Panagbenga o ang Pista ng mga Bulaklak ng Baguio. Ito ay isang pagdiriwang sa Baguio na dinadaluhan ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Marami ang nakikiisa sa pag-alaala at pagdiwang ng ganitong kasiyahan na bahagi na ng kulturang Pilipino.
Pagkatapos ng modyul na ito, inaaasahang makapagpapakita ka ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal (hal. kuwentong bayan, alamat, mga, epiko at iba pa) at di-materyal (hal. mga magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa nakatatanda, at iba pa.)
Balikan
Napag-aralan mo sa nakaraang modyul ang tungkol sa pagpapanatili ng tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapuwa-tao.
Isulat ang titik ng gawaing nagpapakita nito sa loob ng talulot ng sampaguita.
[illustration: outline of a five-petaled sampaguita flower with a star at the center]
A- pagtakas sa mga gawaing-bahay
B- pagsunod sa curfew hours ng barangay
C- pag-imbak ng basura sa bakuran ng kapitbahay
D- pagtapon ng mga basura sa wastong basurahan
E- pagbuhos sa pampublikong palikuran pagkatapos gamitin
Ang pagpapanatili ng tahimik, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapuwa-tao ay bahagi ng pagpapahalagang itinuturo sa atin. Ang pagpapahalagang ito ay bahagi ng kulturang Pilipino.
Tuklasin
Ano ang kadalasang ginagawa ninyong magkakapatid tuwing Noche Buena? Tumutulong ba kayo sa paghahanda ng mga pagkain o nakikipaglaro sa inyong kapatid, kaibigan, o kalaro?
Basahin mo ang diyalogo sa ibaba. Alamin kung ano ang pinagkakaabalahan nina Richie at ng kaniyang mga pinsan sa Noche Buena.
[illustration: children sitting on the floor of a living room listening to an elderly couple reading a book; a boy in the foreground holds a mobile phone and stands apart]
Malayo ang naging byahe nina Richie at ng kaniyang Tatay mula sa Maynila patungo sa probinsiya. Sa wakas, makikita na niya ang kaniyang lolo, lola, tiyo, tiya, at ang kaniyang mga pinsan. Magkakasama-sama sila sa Araw ng Pasko.
Sa Noche Buena…
Pia: Richie, tara. Tinatawag ka na nina lolo at lola. Ikaw na lang ang wala sa sala.
Richie: Bakit po Ate Pia?
Pia: Tuwing Noche Buena, kinaugalian na kasi rito na habang ang ating mga magulang ay abala sa paghahanda ng mga pagkain, tayo namang mga bata ay babasahan nina Lolo Felipe at Lola Corazon ng kwento. Magaling silang magkwento! Nakamamangha!
Richie: Ngunit may tinatapos pa akong mobile game. Huwag na tayong pumunta roon. Halika, tuturuan kita ng larong ito.
Pia: Ayoko! Mas magandang makinig sa kuwento nina Lolo at Lola. Nakakaaliw ang mga kuwentong kanilang binabasa.
Habang ang lahat ay abala sa kani-kaniyang gawain, si Richie naman ay mag-isang naglalaro sa may hagdanan. Hindi niya naririnig ang ingay ng kaniyang mga pinsan. Tanging ang boses ng kaniyang lolo at lola na magiliw na nagbabasa ng kwento ang kaniyang naririnig.
Tumayo siya para tignan sila sa sala. Nakita niya ang kaniyang mga pinsan na masayang nakikinig sa kwento ng dalawang matanda kaya naman umupo siya sa hulihan at nakinig na rin sa kwento.
Mga bata: Ang ganda ng kuwento!
Klap! Klap! Klap!
Ding! Dong! Ding! Dong!
Mga bata: Yehey, Pasko na!
Sabay-sabay silang pumunta sa hapag-kainan at masayang pinag-usapan ang kuwentong binasa nina Lolo Felipe at Lola Corazon habang kumakain.
Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa diyalogong binasa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Bakit pumunta sina Richie at Tatay sa probinsya?
Bakit mas gusto ni Pia na makinig sa kuwentong babasahin ng kaniyang Lolo at Lola kaysa maglaro ng mobile game?
Paano natin maipakikita na pinahalagahan natin ang kuwentong bayan, alamat, at epiko na binabasa sa atin?
Kung ikaw si Richie, ano ang gagawin mo kapag niyaya ka ni Ate Pia na makinig sa kuwentong babasahin ng inyong lolo’t lola?
Batay sa binasa mong diyalogo, magbigay ng isang paraan na nagpapakita ng iyong pagpapahalaga sa ating kulturang materyal at di-materyal.
Suriin
Ang kultura ay sumasalamin sa paraan ng pamumuhay natin at ng ating mga katutubo. Ito ay nahahati sa dalawa: materyal na kultura at di-materyal.
Ang materyal na kultura ay tumutukoy sa mga bagay na nakikita at nahahawakan na ginagamit ng mga mamamayan para ipaliwanag ang kanilang kultura. Ang mga imbensyon, mga gusali, at mga gawaing sining ay bahagi ng ating materyal na kultura. Gayundin ang mga katutubong pagkain na litson, kare-kare, bibingka, biko, at suman. May natatangi rin tayong pananamit
tulad ng barong tagalog, baro’t saya, tapis, at bahag. Ang mga kuwentong bayan na nakasulat sa mga aklat tulad ng alamat, mito, parabula, pabula, at epiko ay kabilang dito. Ang mga pinanonood nating mga katutubong sayaw sa pagtatanghal tulad ng Carińosa, Polka sa Nayon, Sayaw sa Bangko, Singkil, at Tinikling ay ilan sa mga materyal na kultura ng ating bansa. Isinasayaw ang mga ito sa saliw ng musika. Dagdag pa rito ay ang mga awiting katutubo gaya ng Sitsiritsit Alibangbang, Bahay Kubo, Sarung Banggi, at Atin Ku Pung Singsing. Ang mga ito ay nalikha gamit ang mga instrumentong pangmusikal at nakasulat sa kanilang musical scores. May mga mga katutubong laro rin tayo tulad sipa, syato, patentiro, sungka, at luksong tinik.
Samantala, ang di-materyal na kultura ay hindi nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan, (Mooney, 2011).
Kabilang sa di-materyal na kultura ay ang mga kaugaliang Pilipino gaya ng bayanihan at pagkakabuklod-buklod ng mag-anak. May mga paniniwala at tradisyon din tayo tungkol sa anito, espiritu, kaluluwa, at Senakulo. Kilala rin tayo sa pagiging magiliwin sa pagtanggap sa bisita at pagpapahalaga sa edukasyon.
Ang kulturang materyal at di-materyal ay sumasalamin sa ating pagka-Pilipino. Ipinapakita ng mga ito ang pamumuhay ng ating mga ninuno maging pamumuhay ng sa kasalukuyan. Mahalagang magpakita tayo ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal at di-materyal dahil tatak ito ng ating pagka-Pilipino. Upang makamit din ang minimithi sa kinabukasan, mahalagang pakinggan at unawain ang mga itinuturong pagpapahalaga at magagandang kaugalian sa atin tulad ng paggalang sa magulang at nakatatanda, pananalig sa Diyos, pagmamahal sa pamilya at bayan, at iba pa.
Pagyamanin
Gawain 1
Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na sitwasyon? Ipaliwanag sa dalawa hanggang tatlong pangungusap kung bakit ito ang gagawin mo. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Niyaya ka ng iyong mga kaklase na sumali sa pagsayaw ng Cariñosa.
Sa pamamasyal niyo sa Baguio City nakita mo na nakabahag ang isang matanda nais ng nanay mo na magpakuha ng larawan. Sasama ka ba sa kanila?
Iniimbitahan lahat ng mga mag-aaral sa inyong paaralan na manood ng palatuntunan ukol sa Buwan ng Wika.
Napansin mo ang iyong kaklase na walang baon at nakaupo lang sa isang sulok.
Binigyan ka ng iyong ninang ng mga aklat tungkol sa mga alamat, epiko, at kuwentong bayan ng mga Pilipino.
Gawain 2
Ang sarimanok ay bahagi ng kultura ng mga Maranao na pinaniniwalaang maaaring magdala ng suwerte at magandang kapalaran. Ano ba ang pinagmulan ng sarimanok? Maraming bersyon ang alamat ng sarimanok, patunay na makulay ang kulturang Maranao. Ang simbolong sarimanok ay hindi lamang dapat ipagmalaki ng Maranao kundi ng bawat Pilipino sapagkat ito ay bahagi ng kultura.
[illustration: ornate stylized rooster-like bird with swirling feathers, holding a small fish in its beak]
Basahin ang isang bersyon ng alamat ng sarimanok. Maaari ring pakiusapan ang iyong magulang o nakatatandang kapatid na basahin ito para sa iyo habang ikaw ay nakikinig nang mabuti. Gawin ito nang may kawilihan. Sagutin ang mga tanong pagkatapos basahin o pakinggan ang alamat.
[transcriber’s note: the printed page number on this page is 13]
Ang Alamat ng Sarimanok
Si Sari ay ang kaisa-isang anak na dalaga ng Sultan ng Maranao. Siya ay maganda at mabait. Kaya naman, mahal na mahal siya ng sultan at maging ng mga tao sa kanilang lugar.
Sa ikalabingwalong kaarawan ni Sari, isang malaking salo-salo ang inihanda ng kaniyang ama. Punong- puno ang kanilang bakuran ng mga bisita na masayang nagdiriwang ng kaarawan ni Sari.
Nagsasaya ang lahat nang biglang may lumitaw na isang napakalaking tandang na iba- iba ang kulay ng balahibo. Bukod dito, kumikinang pa ang mga ito. Nagulat ang lahat! Magarang-magara ang tindig ng tandang. Lalo pa silang nagulat nang sa isang iglap ay naging isang makisig na prinsipe ito. Ang prinsipeng ito ay ang namamahala sa kalangitan. Siya ay mayroong isang mahiwagang kapangyarihan. Magalang na nagsalita ang prinsipe, “Naparito ako upang kunin ang dalagang minamahal ko”. Walang imik, lumapit si Sari sa prinsipe. Nagbalik- anyo ang prinsipe sa isang tandang at lumipad kasama si Sari patungo sa kalangitan.
Hindi na nakita si Sari mula noon. Dahil dito, lungkot na lungkot ang sultan. Araw-araw niyang hinintay ang pagbabalik ng dalawa ngunit hindi na sila bumalik.
Isang araw, iniutos ng sultan sa pinakamagaling na manlililok ng tribu na ililok ang tandang na tumangay sa kaniyang pinakamamahal na anak. Nayari ang isang napakagandang lilok sa kahoy. Kinalaunan tinawag itong sari-manok at ito ay naging simbolo ng kanilang tribu.
Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa alamat na binasa o pinakinggan. Para sa bilang 1-3, isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel at sagutin sa pangungusap ang bilang 4 at 5.
Ano ang napulot mong kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino mula sa alamat?
A. Ang mga sagisag ng Pilipinas ay may makulay na kuwento ng kanilang pinagmulan.
B. Ang mga alamat ay likhang isip lamang.
C. Ang sarimanok ay sagisag lamang ng mga Maranao.
D. Ang mga diwata ay nagbibigay ng parusa kaya dapat mag-ingat sa mga ginagawa.
Ang binasa o pinakinggan mong alamat ay bahagi ng kulturang materyal ng ating lahi. Ang mga sumusunod ay kabilang sa kulturang materyal maliban sa isa. Alin ito?
A. epiko
B. awit
C. epiko
D. wastong kaugalian
Bakit kailangang basahin o pakinggan ang mga kuwentong bayan, alamat, o epiko nang may kawilihan?
A. para may maikuwento rin sa kapwa
B. upang may matutuhan na bahagi ng ating lahi
C. dahil ang mga ito ay makapagpapatatag sa atin
D. sapagkat ito ang nakasaad sa ating mga tungkulin bilang isang Pilipino
Ano ang sagisag o simbolo sa inyong lugar na bahagi ng kulturang Pilipino? Ipaliwanag kung bakit bahagi ito ng ating kultura.
- May nabasa o napakinggan ka na ba kahalintulad ng alamat ng sarimanok? Ano ang pamagat nito? Ano ang kahalagahan nito sa kulturang Pilipino?
Kung wala pa, magsaliksik ng isang alamat na nagpapakita ng kulturang Pilipino at basahin ito. Isulat ang buod nito sa limang pangungusap.
Isaisip
Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na pangungusap na nagpapahayag ng iyong natutunan mula sa aralin ng modyul na ito.
- Nakawiwiling magbasa ng mga kwentong bayan dahil______
- Hihikayatin ko ang aking kapwa bata na awitin nang maayos ang “Ang Bayan Ko” upang________________________
- Dapat kong pakinggan nang mabuti ang mga pangaral ng aking mga magulang upang _______________________________
- Ang kulturang materyal at di-materyal ay mahalaga sa ating mga Pilipino kaya naman _________________________________
Isagawa
Panuto: Pumili ng isang gawain na nagpapakita ng iyong kawilihan sa materyal at di-materyal na pamanang kultural. Kunan ang sarili ng larawan o video habang ginagawa ito. Sundin ang rubrik sa gawaing ito.
Mga Gabay na Tanong:
- Ano ang naramdaman mo habang isinasagawa ang napili mong gawain?
- Bakit ang nasabing gawain ang napili mo?
- Ano ang natutunan mo mula rito tungkol sa kulturang Pilipino?
- Paano mo naipakita ang kawilihan sa pagsasagawa ng iyong gawain?
- Bakit kailangang isabuhay ang mga gawaing nabanggit?
Rubrik sa Paggawa
| Mga Pamantayan | Labis ang naipakita sa inaasahan (5) | Sapat na naipakita ang inaasahan (3) | Malaki ang kakulangan sa inaasahan (1) | Walang pagtatangka na magpakita ng inaasahan (0) |
|---|---|---|---|---|
| Ang larawan o video ay nagpapakita ng materyal at di-materyal na pamanang kultural. | ||||
| Ang larawan o video ay nagpapakita ng kawilihan sa materyal at di-materyal na pamanang kultural. | ||||
| Kahusayan sa gawain |
Tayahin
I. TAMA o MALI. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap tungkol sa pagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal at di-materyal at MALI kung hindi wasto.
_____1. Ang pagbabasa ng mga kwentong bayan, alamat, at epiko ay kasiya-siyang gawin dahil may nalalaman ka na bahagi ng iyong kultura.
_____2. Magalit sa tuwing napagsasabihan tungkol sa mga pagpapahalagang dapat taglayin.
_____3. Mahalagang pakinggan ang mga wastong kaugaliang itinuturo ng mga nakatatanda dahil gabay ito tungo sa maayos na kinabukasan.
_____4. Ang pakikinig ng mga katutubong awiting Pilipino ay hindi na naaayon sa modernong panahon dahil hindi naman ito nakakatulong sa kaunlaran ng ating bansa.
_____5. Ang tanging kailangan natin ay ang mga makabagong kwento tungkol sa kinakaharap ng mga mamamayan sa modernong panahon.
II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.
_____1. Minsan ay napagsabihan ang mga magkakapatid na sina Elsa, Ana, at Maya ng kanilang magulang tungkol sa kanilang mga inaasal na hindi kanais-nais. Naiinis na si Ana sa kanilang magulang samantalang si Maya naman ay nagagalit sa kanila. Kung ikaw si Elsa, ano ang sasabihin mo sa kanila?
A. “Maging pasaway nalang tayo para lalo silang magalit sa atin.”
B. “Umalis nalang tayo sa bahay. Hindi naman nila tayo mahal.”
C. “Pakinggan natin sila dahil para lang naman ito sa atin.”
D. “Huwag na lang natin sundin ang mga sinasabi nila.”
_____2. Bakit kailangang kawilihan ang pagbabasa ng mga kulturang materyal ng ating bansa?
A. upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino
B. kasi iyon ang sabi ng mga guro
C. dahil isa itong karapatan ng bata
D. para magamit nang wasto ang bakanteng oras
_____3. Binilhan ka ng iyong nanay ng aklat ng mga kwentong bayan, sayaw, at alamat. Ngunit hindi ka mahilig magbasa ng mga ito dahil hilig mo lang ang paglalaro ng computer games. Ano ang dapat mong gawin?
A. Itago lang ang mga ito sa kahon.
B. Itapon ang mga ito sa basurahan.
C. Ibigay na lang ang mga ito sa iba.
D. Basahin ang mga ito at ipahiram sa iba.
_____4. Kasama ninyo sa bahay ang inyong lolo at lola. Mahilig silang makinig sa mga lumang awitin. Hindi mo gusto ang mga awiting ito dahil mas gusto mo ang napapanahong awitin. Ano dapat mong gawin sa ganitong sitwasyon?
A. Sirain ang *player* nila.
B. Paalisin sila sa bahay.
C. Awayin ang lolo at lola mo.
D. Sumabay lang sa pakikinig.
[transcriber’s note: items 5 to 9 of the Tayahin part do not appear on these pages; the page printed as 19 ends with item 4 and the next page begins with item 10]
_____10. Paano natin mapapahalagahan ang ating sariling kultura sa modernong panahon?
A. sa panonood ng mga palabas tungkol sa iniidolong mga artista
B. sa pagsali sa mga organisasyon na tumutuligsa sa pamahalaan
C. sa pakikinig o pagbabasa nang may galak sa mga pagpapahalagang Pilipino tulad ng kuwentong bayan
D. sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan tungkol sa napapanahong mga isyu sa pamayanan.
Karagdagang Gawain
Magbasa ng isang alamat na mula sa inyong rehiyon. Isulat ang limang pinakamahalagang pangyayari sa alamat. Pagsunud-sunurin ang pagkakasulat ayon sa pangyayari. Sa ika-anim na bilang, isulat ang aral na napulot mo mula sa binasang alamat. Sundin ang rubrik sa ibaba sa pagsasagawa nito.
(Pamagat)
[transcriber’s note: the printed footers on these four pages read 21 to 24, not 25 to 28. They are numbered 25 to 28 here as instructed.]
Rubrik sa Paggawa:
| 5 puntos | 4 puntos | 3 puntos | 2 puntos | 1 puntos |
|---|---|---|---|---|
| Nakasusulat ng anim na pangungusap na nagsasaad ng pinakamahalagang pangyayari at aral mula sa alamat na binasa. | Nakasusulat ng limang pangungusap na nagsasaad ng pinakamahalagang pangyayari at aral mula sa alamat na binasa. | Nakasusulat ng apat na pangungusap na nagsasaad ng pinakamahalagang pangyayari at aral mula sa alamat na binasa. | Nakasusulat ng tatlong pangungusap na nagsasaad ng pinakamahalagang pangyayari at aral mula sa alamat na binasa. | Nakasusulat ng isa hanggang dalawang pangungusap na nagsasaad ng pinakamahalagang pangyayari at aral mula sa alamat na binasa. |
[transcriber’s note: this page is printed upside down. The text is transcribed in upright reading order. Words marked [?] are uncertain.]
Susi sa Pagwawasto
Isaisip
- Mga Posibleng Sagot:
- “Sumasalamin ito sa kulturang Pilipino.”
- “May natutuhan tayo sa sa atin kultura.”
- “May natutuhan tayo, mayroon tayong aral mula rito.”
- Mga Posibleng Sagot:
- “May natutuhan tayo sa kawilihan sa pagkakaiba…”
- “Maipakita rin ang kawilihan sa pagkakaiba [?].”
- “Mapahalagahan namin ang ating kultura.”
- “Nagpapakita ng pagkakaisa ng mga kawilihan [?].”
- Mga Posibleng Sagot:
- “Bumuti ang aking buhay sa hinaharap.”
- “May natutuhan na gagamitin sa pang-araw-araw na pamumuhay at pakikitungo sa kapuwa.”
- “Upang maging isang mabuting tao.”
- “Upang maging maayos ang kinabukasan.”
- Mga Posibleng Sagot:
- “Kailangan natin ang pagpapahalaga sa ating kultura.”
- “Kailangan natin ng pagkilala sa ating kultura o paggalang [?].”
- “Kailangan natin ang paggalang sa lahat ng bagay o gawain.”
- “Kailangan natin ng pagkakaisa o pagkakaroon ng iisang pananaw.”
- Mga Posibleng Sagot:
- “Pagpapahalaga ng ating kultura sa lahat ng oras.”
Isagawa
- Mga Posibleng Sagot:
- “Ako ay masaya.”
- “Ako ay natutuwa.”
- Magkakaroon ng iba-ibang sagot ang mga bata batay sa nasaliksik na sagot.
- Magkakaroon ng iba-ibang sagot ang mga bata batay sa nasaliksik na sagot.
- Magkakaroon ng iba-ibang sagot ang mga bata batay sa nasaliksik na sagot.
- Mga Posibleng Sagot:
- “Pag-aaral ng ating kultura.”
Tuklasin
- upang doon ipagdiwang ang kapaskuhan
- dahil nakaaaliw ang mga kuwentong binabasa nila
- kung nakikinig tayo nang maayos sa aming mga magulang [?]
- sesemahan ang mga pinsan sa sala
- Mga Posibleng Sagot:
- “Pakikinig nang may kasiyahan sa mga kuwentong ibinabahagi ng mga Pilipino.”
- “Pagsasama-sama ng mga pamilya sa kapaskuhan.”
Gawain 1
- Mga Posibleng Sagot:
- “Sasali po ako sa pagsayaw ng Carlosa.”
- “Tatanggapin ko ang panyaya ng aking mga kaklase.”
- Mga Posibleng Sagot:
- “Sasama po ako kay Nanay.”
- “Sasama po ako kay Nanay na magpakuha ng larawan [?].”
- Mga Posibleng Sagot:
- “Manonood po ako ng palabuntunan.”
- “Makikiisa po ako sa panonood ng palabuntunan.”
- Mga Posibleng Sagot:
- “Buwan ng Wika.”
- “Bibigyan ko po ng paghanap ang kaklase ko.”
- “Hahatian ko po ang aking baon sa aking kaklase.”
- Mga Posibleng Sagot:
- “Babasahin ko po ang mga akda ng aking kaklase.”
- “Papahiram ko po ang mga ito sa iba pagkakataon.”
- “Tutulungan ko po ang mga ito.”
Gawain 2
- A
- D
- A
- Magkakaroon ng iba-ibang sagot ang mga bata.
- Magkakaroon ng iba-ibang sagot ang mga bata.
Subukin
[transcriber’s note: the answer grid is printed sideways beside the flower and star illustrations. The letters are listed as read.]
- B
- A
- D
- C
- B
[illustration: a flower with petals labeled A, B, C, D, and E, under the heading Balikan]
[illustration: a row of star and crescent shapes, numbered 1 to 5, beside the Subukin answers]
Sanggunian
Ang Panagbenga ng Baguio City. “BAGUIO” Yaman Ng Pilipinas. Retrieved March 8, 2021, from https://327471306460665032.weebly.com/mga-pista-atpagdiriwang.html
Ano ang kultura ayon Kay Andersen at Taylor, Panopio, at Mooney?. (2017, June 17). BRAINLY. Retrieved April 21, 2020, from https://brainly.ph/question/603787
Pangcoga, W. Z. (2014, March 4). SARIMANOK: The Legendary Bird of Maranao Tribe. Tugaya Artefacts Blog. Retrieved March 8, 2021, from https://tugayaartefactsblog.wordpress.com/2014/03/04/sarimanok-the-legendary-bird-of-maranao-tribe/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply