Sapat ba ang aklat upang mapagkunan ng mahahalaga at makabagong impormasyon? Makikita ba dito lahat ng gusto nating makuhang impormasyon sa pagsasaliksik? Larawan, video at datos ang nais nating malaman sa pagsasaliksik na kung minsan ay wala sa aklat. Yan ang ating tutuklasin sa modyul na ito. Tayo ay nasa makabagong teknolohiya at marami ng paraan upang makapunta sa malalayong lugar sa iba’t ibang
panig ng daigdig gamit ang computer at internet.
Sa module na ito ay inaasahan na ang mag-aaral ay matatamo ang mga sumusunod:
- nagagamit ang website sa pangangalap ng impormasyon;
- nakikilala ang iba’t ibang katangian ng web browser at search engine;
- nakapagsasaliksik gamit ang web browser at search engine; at
- nakagagamit ng tamang keywords para sa paksang nais saliksikin.