Ano ang “Entrepreneurship”? Ito ba ay makakatulong sa pag unlad ng Pamilyang Pilipino? Ano ba ang dapat isaalang – alang sa pagnenegosyo?Ano ang mga katangian ng isang maunlad at mahusay na negosyante?
Sa Modyul na ito malalaman natin ang mundo ng pagnenegosyo at makikilala ang mga taong matagumpay sa larangan nito at ang kanilang mga taglay na katangian.
Ang mga ito ay maaaring makatulong sayo upang ikaw ay maging isang ganap na negosyante sa darating na panahon.
Sa modyul na ito ay inaasahang matutunan ang mga sumusunod:
- naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng “entrepreneurship”;
- natatalakay ang mga katangian ng isang entrepreneur;
- natutukoy ang mga naging matagumpay na entrepreneur sa pamayanan, bansa, at sa ibang bansa; at
- natatalakay ang iba’t ibang uri ng negosyo.