EPP-ICT 4 Module 8: Email Email Paano ka Gawin at Ipadala (Creating and Sending Email)

This is the Grade 4 EPP-ICT Self-Learning Module 8, “Email Email Paano ka Gawin at Ipadala” (email, how do I make and send you), with the subtitle “Nakakagawa ng email-address at nakapagpapadala ng email” (creating an email address and sending an email). It is an Alternative Delivery Mode (ADM) module from DepEd Region V, made for learners studying at home. By the end, learners can explain what email is, create their own email account, and send a message with it.

What learners will learn

The module states that learners are expected to:

  • explain the meaning of email (nabibigyang-kahulugan ang email);
  • create their own email account or address using the internet (nakagagawa ng sariling email account o address gamit ang internet); and
  • send a message using their own email account or address (nakapagpapadala ng mensahe gamit ang sariling email account o address).

The module starts with a question. A letter sent by post needs a stamp and a trip to the Post Office, and it takes time to arrive. Email can deliver a message in seconds or minutes.

Parts of an email address

Before making an account, learners study the three parts of an email address. The module uses juandelacruz@gmail.com as its example.

  1. Username: the name you are asked for whenever you use email. It is often your first name and surname (here, juandelacruz).
  2. Pangalan ng domain (domain name): the name of the mail server where you can make an account, such as Gmail or Yahoo.
  3. Uri ng domain (domain type): shows who uses the domain or where it comes from. It comes after the mail server name and a dot.

Common domain types

DomainStands forUsed by
.comcommercialbusinesses and commercial enterprises
.edueducationschools and universities
.netnetworkinternet service providers and web-hosting companies
.orgorganizationnon-profit groups or trade associations
.govgovernmentgovernment agencies
.proprofessionalprofessionals such as lawyers and doctors
.infoinformationinformal sites
.intinternationalorganizations set up by international agreements

Making a Gmail account

The module uses Gmail because it is free and easy to understand and use.

  1. On your computer, go online, open the Google home page, and type www.gmail.com.
  2. Find the “Create an Account” button. Click it and type in all the information Gmail asks for.
  3. Choose a username. Gmail checks that no one else has it. If it is taken, Gmail suggests other usernames you can use.
  4. Make a password of eight or more letters, numbers, or symbols. Always remember it and keep it secret.
  5. Follow the remaining steps Gmail asks for. When you finish, you have your own Gmail account.

To sign in, click the sign-in button in the upper right corner of any Google service. If you often use an internet café, use two-step verification to keep your account safe. Always sign out before you leave the computer.

Sending an email

  1. Click “Compose Mail” to start a new message.
  2. Type the address of the person you are writing to in the “To:” box. Check that it is spelled correctly so the message arrives properly.
  3. Type the topic of your email in the “Subject” box.
  4. Place the cursor in the white box below, called the Message Box, and type your message.
  5. Click “Send.”

Parts of the module

  • Subukin (pretest): a self-check of five email skills, then a fill-in-the-missing-letters quiz on username and domain types.
  • Balikan (review): make a table and a chart of Karla’s daily savings, Monday to Thursday.
  • Tuklasin (explore): a comic strip about Nanay Selia, whose child wants to send a birthday message to a father working abroad. Questions about the story follow.
  • Suriin (discussion): the parts of an email address, domain types, and the Gmail steps.
  • Pagyamanin (practice): email the teacher an excuse letter for missing class, with the subject “Excuse Letter.”
  • Isaisip (remember): fill in the missing words in the steps, choosing from a word box.
  • Isagawa (apply): write a birthday message for the father in the comic strip and send it to the teacher’s email.
  • Tayahin (assessment): a five-item matching test.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): list five benefits of email for a learner and email the list to the teacher.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then go through the parts in order. Do not write on the module; use a separate sheet of paper. Check your answers with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after you finish, and be honest. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Several activities need a computer with internet and an email account. Help your child sign up safely, keep the password private, and sign out after use.
  • Teachers: Three activities ask learners to send email to you: the excuse letter, the birthday message, and the list of benefits. Give learners the email address they should use.

Frequently asked questions

What grade is this EPP-ICT module for?

It is for Grade 4 (Ikaapat na Baitang) learners. It is Module 8 of EPP-ICT, first edition 2020, from DepEd Region V.

What are the parts of an email address?

The module names three parts: the username, the domain name (the mail server, such as Gmail or Yahoo), and the domain type (such as .com or .edu). In juandelacruz@gmail.com, juandelacruz is the username, gmail is the domain name, and .com is the domain type.

Which email service does the module use?

It uses Gmail because it is free and easy to understand and use. It gives steps for creating an account, signing in, and sending a message.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers to the pretest word quiz, the Isaisip fill-in-the-blanks, and the Tayahin matching test.

How long should a Gmail password be?

The module says the password should have eight or more letters, numbers, or symbols. Remember it and keep it secret.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

EPP-ICT Modyul 8: Email Email Paano ka Gawin at Ipadala. (Nakakagawa ng email-address at nakapagpapadala ng email)

4

EPP-ICT

Modyul 8: Email Email Paano ka Gawin at Ipadala. (Nakakagawa ng email-address at nakapagpapadala ng email)

[illustration: students and a teacher studying indoors and outdoors, with a globe and a lamp]

CO_EPP-ICT4_Modyul8

Copyright

EPP-ICT Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Modyul 8 Email Email Paano ka Gawin at Ipadala. (Nakakagawa ng email-address at nakapagpapadala ng email) Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Region V Office Address: Regional Site, Rawis, Legazpi City, 4500 Telefax: (052) 482-0046 / (052) 482-0373 E-mail Address: deped.rov@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marivic B. Abawag Editor: Jelly M. Flores Tagasuri: Filip P. Cañas Tagaguhit: Fatima Preciousa T. Cabug Tagalapat: Fatima Preciousa T. Cabug Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr. Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Christie L. Alvarez Lita T. Mijares, Salvador T. Pelingon

4

EPP-ICT

Modyul 8: Email Email Paano ka Gawin at Ipadala. (Nakakagawa ng email-address at nakapagpapadala ng email)

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagpadaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutunan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Nasubukan mo na bang magpadala ng liham sa yong kaibigan? Alam mo ba kung gaano katagal bago ito makarating sa iyong padadalhan? Noon ang liham ay kailangan pang lagyan ng selyo at paghuhulog nito sa Post Office. Hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ito ng ilan. Ngunit may mas mabilis kayang paraan ng pagpapadala ng liham? Alam ko na mas gusto mong matangap ng iyong padadalhan ang isang liham kung ito ay makakarating lamang sa loob ng ilang segundo o ilang minuto .Siguradong magiging mabilis din ang magiging kasagutan dito.

Ito ang pag-aaralan natin sa modyul na ito kung paano tayo makakapagpadala ng liham sa loob lamang ng ilang segundo.

Sa modyul na ito ay inaasahang matutunan ang mga sumusunod:

  • nabibigyang-kahulugan ang email;
  • nakagagawa ng sariling email account o address gamit ang internet; at
  • nakapagpapadala ng mensahe gamit ang sariling email account o address.

Subukin

[illustration: pencil]

Kaya Mo na Ba?

A. Subukan natin kung kaya mo na ang sumusunod na kaalaman at kasanayan. Lagyan mo ng tsek (/) ang hanay ng thumbs up na icon kung taglay mo na at ekis (x) ang thumbs down icon kung hindi pa.

Kasanayan sa Email[illustration: thumbs up icon][illustration: thumbs down icon]
1. Pagkakaroon ng email account o address
2. Paggawa ng sariling email account o address
3. Pagbubukas ng sariling email
4. Pagbasa ng mga mensahe sa sariling email
5. Paggawa ng mga mensahe gamit ang email at pagpapadala nito sa kinauukulan

B. Isulat ang salitang tinutukoy sa bawat pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng nawawalang titik upang mabuo ang salita.

  1. Ito ang hinihinging pangalan tuwing ikaw ay gagamit ng email.

u s _____ _____ r _____ a _____ e

  1. Para sa salitang . g _____ v government.


  2. Ito ang kumakatawan sa salitang ‘commercial.’


. c _____ m

  1. Kumakatawan sa salitang . e _____ u education.


  2. Para sa salitang . n _____ t ‘network.’


Lesson 8: ICT: Email Email Paano ka Gawin at Ipadala. (Nakakagawa ng email-address at nakapagpapadala ng email)

Balikan

[illustration: puzzle pieces]

Gumawa ng talahanayan at tsart mula sa mga sumusunod na datos.

Si Karla ay nag-iipon ng kanyang baon upang makabili ng regalo para sa kanyang Nanay sa kaarawan nito.Gumawa siya ng listahan ng naiipon nya araw-araw atin itong tingnan at pagkatapos ay gawan ng table at tsart.

Ang ipon ni Karla

Lunes 5.00 Php

Martes 8.00 Php

Miyerkules 8.00 Php

Huwebes 3.00 Php

Tuklasin

Basahin natin ang isang komik strip.

Sa ibang bansa nagtatrabaho ang asawa ni Nanay Selia. Doon na ito naghahanapbuhay kung kaya‟t malayo sa kanyang pamilya.Isang araw napansin ni Nanay Selia na mukhang malungkot ang anak nito.

Basahin natin ang naging usapan nila.

[illustration: comic panel of a woman with her hair tied up, speaking]

Anak,mukha yatang malungkot ka masama ba ang iyong pakiramdam?

Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 2

[illustration: comic panel of a woman with shoulder-length hair, smiling, speaking]

Nay hindi po masama ang pakiramdam ko. Gusto ko lang po na mapadalhan si Tatay ng mensahe para sa nalalapit niyang kaarawan

Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 1

Tuklasin

[illustration: comic panel of a woman with her hair tied up, speaking]

Ganun ba anak, sige tutulungan kita magpapadala tayo ng email sa Tatay mo.

Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 4

[illustration: comic panel of a woman with shoulder-length hair, smiling, speaking]

Ano po nay na email? Matatangap niya po ba agad Nay ang mensahe na gusto kong iparating sa kanya?

Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 3

[illustration: comic panel of a woman with her hair tied up, speaking]

Oo naman anak,ilang Segundo lang ay matatangap na nya ang mensahe mo.

Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 5

[illustration: comic panel of a woman with shoulder-length hair, smiling, speaking]

Talaga po Nay?Sige po gusto kong magpadala ng email kay Tatay.Salamat po Nay.

Source:Fatima Preciousa T. Cabug,2019 6

Tuklasin

Sagutin ang mga tanong:
  1. Sino-sino ang mga tauhan sa comic strip?
  2. Bakit mukhang malungkot ang anak ni Nanay Selia?
  3. Ano ang gusting gawin ng anak ni Aling Selia?
  4. Ano ang gagawin ni Nanay Selia upang matulungan ang kanyang anak na makapagpadala ng mensahe sa kanilang Tatay?
  5. Makakatulong kaya ang pagpapadala ng email?
  6. Ikaw, marunong ka bang mag-email?

Suriin

[illustration: magnifying glass with a question mark icon]

Sa tingin mo makakatulong kaya kina Nanay Selia ang pagpapadala ng email sa kanilang mahal sa buhay?

Ikaw marunong ka bang magpadala ng email?

Sige tuturuan kita.

Ang una nating dapat gawin ay gumawa ng email Adress.

Paano mo ito gagawin?

Bago ka gumawa ng sariling email kailangan mo munang malaman ang mga bahagi ng email address.

[chart: diagram; Bahagi ng Email Address]

Bahagi ng Email Address

Values are not labeled on the chart.

  1. Username– Ito ang hinihinging pangalan tuwing ikaw ay gagamit ng email. Madalas ginagamit dito ang pangalan at apelyedo.
  2. Pangalan ng domain– Ito ang pangalan ng mail server kung saan maaaring gumawa ng isang account. Halimbawa nito ang Gmail at Yahoo.

Suriin

  1. Uri ng domain-Ito ay naglalarawan kung sino ang gumagamit o saan nanggagaling ang domain. Ito ay nilalagay pagkatapos ng mail server at isang tuldok.
Mga Karaniwang Uri ng Domain at Gamit nito:

[transcriber’s note: this table has no printed header row; the header below is added for structure]

DomainPaliwanag
.comKumakatawan sa salitang „commercial‟. Karaniwang ginagamit ng mga negosyo at commercial enterprises.
.eduKumakatawan sa salitang „education.‟ Ito ay ginagamit ng mga paaralan at unibersidad.
.netPara sa salitang „network.‟ Ginagamit ng mga internet service providers at web-hosting companies.
.orgPara sa salitang „organization.‟ Karaniwang ginagamit ng non-profit groups o trade associations.
.govPara sa salitang „government‟. Ginagamit ito ng mga ahensiya ng gobyerno.
.proGamit ng mga professionals tulad ng abogado at doctor.
.infoPara sa mga informal sites.‟
.intKumakatawan sa salitang „international.‟ Ginagamit ito ng mga samahang itinatag ng kasunduang pandaigdigan.

Sa pagkakataong ito, gagamitin natin ang Gmail sa paggawa ng account. Libre ito at madaling intindihin at gamitin.

[transcriber’s note: this table has no printed header row; the header below is added for structure]

HakbangLarawan
1. Sa iyong computer, gamitin ang internet at magpunta sa home page ng Google at i-type ang www.gmail.com[illustration: Google home page in a web browser window]

Suriin

[transcriber’s note: table continued from the previous page; header row repeated]

HakbangLarawan
2. Hanapin ang “Create an Account” button. I-click ito at i-type ang lahat ng impormasyong hihingin ng Gmail upang makapag-sign up at magkaroon ng sariling account.[illustration: Google sign-in page with an arrow pointing to the “Create account” link]
3. Hihingin din nito ang gusto mong maging username. Dahil marami nang taong may account sa Gmail,titingnan nito kung wala kang kapareho ng username at kung maaari mo pa itong gamitin. Kung nagamit mo na ito,magbibigay ito ng mga suhestiyon ng username na maaari mong gamitin. Kung wala itong kapareho, maaari mong gamitin ang ibinigay na username.[illustration: Google “Create your Google Account” form with fields for name, username, and password]
4. Hihingi din ito ng password na dapat i-type sa keyboard sa tuwing gagamitin ang iyong account.Binubu ito ng walo (8) o higit pang kumbinasyon ng mga letra, numero,o simbolo. Dapat na laging tandaan ang

Suriin

[transcriber’s note: table continued from the previous page; header row repeated]

HakbangLarawan
iyong password at panatilihin itong sekreto.
5. Sundin ang iba pang hakbang na hihingin ng Gmail. Matapos gawin ang mga ito, makalilikha ka na ng sariling account sa Gmail server.

Dahil meron ka ng email address subukan naman nating mag e-mail. Tara subukan nating mag-sign in at mag-sign out

[transcriber’s note: this table has no printed header row; the header below is added for structure]

HakbangLarawan
1. Simple lang ang pag sign-in sa iyong Google Account.I-click lang ang sign-in button sa kanang sulok sa tuktok ng anumang serbisyo ng Google upang tingnan ang iyong Gmail.[illustration: Google sign-in page with the “Email or phone” field]
2. Kung madalas kang gumagamit sa mga internet café, gamitin ang dalawang paraan sapag-verify upang mapanatiling ligtas ang iyong account. Tiyakin ding naka-sign out ka bago umalis sa harap ng computer.
Halika na at magpadala ng Email

[transcriber’s note: this table has no printed header row; the header below is added for structure]

HakbangLarawan
1. Para makagawa ng mensahe sa email,i-click ang “Compose Mail”[illustration: Gmail inbox with the “Compose” button indicated by an arrow]
2. I-type ang address ng account na padadalhan ng mensahe sa kahon ng “To:” Siguraduhing tama ang nai-type na email address upang maipadala ito nang maayos at mabilis.[illustration: Gmail “New Message” window with the “To” field indicated by an arrow]

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

3. I-type ang paksa ng iyong email sa kahon na “Subject.”[illustration: New Message window with an arrow pointing to the Subject field]
4. Gamitin ang iyong mouse at itapat ang cursor sa puting kahon sa ilalim. Ito ang tinatawag na Message Box. Maaari mo nang i-type ang iyong mensahe rito.[illustration: New Message window with the message box marked by brackets]
5. Matapos i-type ang mensahe, maaari nang i-click ang “Send”.[illustration: New Message window with an arrow pointing to the Send button]

[transcriber’s note: the table has no printed header row; the header cells are left empty]

Pagyamanin

Kung nasunod mo na ang mga paraan sa paggawa ng email address maaari ka bang gumawa ng isang maikling mensahe sa akin para magpatunay na ikaw ay may sapat ng kaalaman sa pagpapadala ng email?

Magpadala ng email sa guro na naglalaman ng dahilan ng pagliban sa klase.Ang magiging Subject mo ng iyong email ay “Excuse Letter”.

Isaisip

Subukang Balikan ang mga pamamaraan ng paggawa ng email at pagpapadala ng email. Isulat sa patlang ang nawawalang salita.Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

  • Internet
  • create an account
  • sign in button
  • compose mail
  • username
  1. Sa iyong computer, gamitin ang _____at magpunta sa home page ng Google at i-type ang: www.gmail.com
  2. Hanapin ang _____ _____ _____button.
  3. Hihingiin dito ang gusto mong gamiting _____.
  4. Simple lang ang pag sign-in sa iyong Google Account. I-click lang ang _____ _____ _____sa kanang sulok sa tuktok ng anumang serbisyo ng Google upang tingnan ang iyong Gmail.
  5. Para makagawa ng mensahe sa email,i-click ang _____ _____.
Isagawa

Ngayon na may kaalaman ka na sa paggawa ng email address at pagpapapadala ng email address, ating tulungan ang anak ni Nanay Selia na magpadala ng mensahe sa email para sa kanyang Tatay sa ibang bansa. Gumawa ng mensahe para sa Tatay na may kaarawan at ipadala sa aking email address.

Tayahin

Hanapin ang kasagutan sa Kolum B ng mga salitang tinutukoy sa kolum A. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

AB
_____1. Sa bahaging ito inilalagay ang paksa ng iyong mensahe.a. create an account
_____2. Ano ang button na dapat i-click upang makagawa ng sariling email address?b. compose
_____3. Ano ang button na dapat i-click upang makagawa ng mensahe?c. subject
_____4. Ito ang hinihinging pangalan tuwing ikaw ay gagamit ng email.d. username
_____5. Ito ang pangalan ng mail server kung saan maaaring gumawa ng isang account.e. pangalan ng domain
f. uri ng domain
Karagdagang Gawain

Gawing Muli!

Ano ba ang mga kapakinabangang naidudulot ng email sa iyo bilang mag-aaral. Nais ko na magtala ka ng limang (5) mga kapakinabangan ng paggawa ng email address at pagpapadala ng email address. Ipadala ito sa aking email address.

Binabati kita at natamo mo ang lahat ng kaalaman sa modyul na ito.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key boxes are printed upside down on the page; the text below is transcribed in its upright reading]

Pagtataya
  1. c
  2. a
  3. b
  4. d
  5. e
Isaisip
  1. internet
  2. create an account
  3. username
  4. sign-in button
  5. compose mail
Sagutin

B.

  1. username
  2. .gov
  3. .com
  4. .edu
  5. .net

Sanggunian

Eden F. Samadan, Marlon L. Lalaguna, Virgilio L. Laggui, Marilou E. Marta R. Benisano. 2015.Edukasyong pantahanan at pangkabuhayan kagamitan ng mag-aaral. Pasig City Philippines 1600: Vibal Group,Inc.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *