This is a self-learning module for Grade 5 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP), Industrial Arts strand. Module 6, “Paggawa ng Simple Circuit” (making a simple circuit), walks learners step by step through building a simple circuit from materials found at home or in the community. By the end, learners should be able to build a working simple circuit project that lights a bulb. The module explains that this skill can help a household during emergencies and disasters.
The module is written in Filipino. It was prepared by the Department of Education, SDO – Region VIII, as an Alternative Delivery Mode (ADM) material, first edition 2020.
In this article 8 sections
What learners will learn
After the lesson, the learner is expected to:
- Build a simple circuit project that uses electricity (Nakagagawa ng proyektong Simple Circuit na ginagamitan ng elektrisidad). EPP5IA-0c-3
What the module contains
The module has one lesson, Aralin 1: Paggawa ng Simple Circuit, arranged in the usual self-learning module parts:
- Subukin (pretest): five multiple-choice questions on tools and materials, such as the hammer, the bulb, the flat screwdriver, the side cutting plier, and electrical tape.
- Balikan (review): classify ten tools as tightening (panghigpit), holding (panghawak), cutting (pamutol), or boring (pambutas) tools.
- Tuklasin (discover): a short story, “Ang Natatanging Kaalaman” (the special knowledge). In it, Lyndon uses his TESDA training to build a simple circuit that lights his home when the barangay generator breaks down. Two questions follow.
- Suriin (explain): safety reminders, the list of materials, and the steps for making a simple circuit, with step-by-step photos.
- Pagyamanin (practice): a reading on why electrical skills matter. Then Pagtatasa 1 (true or false on the steps) and Pagtatasa 2 (match each material to its use).
- Isaisip (remember): a fill-in-the-blank summary of the lesson.
- Isagawa (apply): put photos of the building steps in the correct order.
- Tayahin (assessment): Part A, building the actual circuit with an adult, graded with a rubric. Part B, matching materials to their pictures.
- Karagdagang Gawain (additional activity): research how to build a series circuit.
- Susi sa Pagwawasto: the answer key.
Key ideas: safety first
The module stresses that knowing the steps comes first, so the project is done safely and without accidents. Before and during the project, learners should remember these points:
- Check the quality of materials. Choose a bulb that will not burst when used, a battery that does not drain quickly, and wire that does not break easily.
- Protect your eyes. Avoid wire bits that may fly off while cutting.
- Cover damaged wire. If a wire has a cut or exposed copper, wrap it with electrical tape. Do not touch the exposed metal, because current flows through it.
- Ask for help. If you do not understand what is happening, ask someone who knows.
- Do not touch the source while the circuit works. A battery heats up and can burn you. Power from a socket can give you an electric shock because of its high voltage.
The Tayahin part also carries a clear warning: do not build the simple circuit alone, and do not play with it.
Materials and steps for making a simple circuit
Materials (Mga Kagamitan)
- bulb (bombilya)
- Phillips screwdriver
- side cutting pliers
- light bulb socket
- flat cord
- battery
- switch
- cardboard or board (tabla)
Steps (Mga Hakbang)
- Prepare the materials. Use the side cutting plier to strip a little rubber from both ends of the flat cord, so the copper wire shows. Twist the four ends of the copper wires.
- Attach two wires to the two ends of the battery.
- Connect one wire from the battery to one end of the light bulb socket. Take another wire and attach it to the other end of the socket.
- Connect the wire from the light bulb socket to one end of the switch. Then connect the other wire from the battery to the other end of the switch.
- Turn the switch ON to light the bulb.
What a simple circuit is
The Isaisip part sums it up. A simple circuit is a path through which electric current (kuryente) flows. It needs three parts to work: a source of voltage, a conductive path, and a resistor. Careful, correct steps keep the work safe. This knowledge is especially useful in times of disaster.
How the project is graded
The hands-on project in Tayahin A is scored out of 100 points with this rubric:
| Criteria | Points |
|---|---|
| A. Following the correct steps (bringing all materials, arranging them on the table, following the steps, finishing on time) | 50 |
| B. Use of tools (right tools, checking tool condition, proper use, returning tools) | 25 |
| C. Safe work habits (working steadily, working systematically, showing care, cleaning up and returning tools) | 25 |
Scores are interpreted as: 90–100 Napakahusay (excellent), 80–89 Mahusay (very good), 70–79 Mahusay-husay (good), 60–69 Hindi Gaanong Mahusay (fair), and 50–59 Kailangan pang Paghusayan (needs improvement).
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest, then go through each part in order. Write all answers in your notebook or on a separate sheet, not on the module, so others can use it later. Check your work with the answer key honestly. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: The module asks learners to build the circuit with a parent, an electrician, or another adult. Stay with your child during Tayahin A, and keep children from playing with the circuit or touching the battery or socket while it is working.
- Teachers: Use the rubric in Tayahin A to rate the finished project, and the answer key to check the written activities. The pretest helps show which learners need extra support.
Frequently asked questions
What grade is this EPP Industrial Arts Module 6 for?
It is for Grade 5 (Ikalimang Baitang) learners taking Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Industrial Arts strand.
What is the learning competency of this module?
Learners should be able to build a simple circuit project that uses electricity. The competency code is EPP5IA-0c-3.
What materials are needed to make the simple circuit?
A bulb, a Phillips screwdriver, side cutting pliers, a light bulb socket, flat cord, a battery, a switch, and cardboard or a board.
What are the three parts of a simple circuit?
According to the module, a simple circuit needs a source of voltage, a conductive path, and a resistor to work.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the pretest, review, practice exercises, and assessment, plus the project rubric.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Industrial Arts – Modyul 6: Paggawa ng Simple Circuit
C0_EPP5_IA_Modyul 6
[illustration: group of students studying outdoors and indoors, one with a globe and one by a lamp]
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Industrial Arts – Modyul 6 Paggawa ng Simple Circuit
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Industrial Arts – Modyul 6: Paggawa ng Simple Circuit Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Warren L. Lugapo
Editor: Gary B. Mosquito
Tagasuri: Elizabeth V. Ballais
Tagalapat:
Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Lani H. Cervantes Alejandro S. Almendras Maria Pia B. Chu Allan O. Celedonio Imelda A. Amodia
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – SDO – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 832 2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
Industrial Arts – Modyul 6: Paggawa ng Simple Circuit
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon din pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
ii
Alamin
[illustration: target with arrow]
Sa Modyul na ito, malalaman ng mga mag-aaral ang mga hakbang sa paggawa ng simple circuit na nakadesinyo mula sa materyales na makikita sa bahay o pamayanan na maaaring magamit sa ating mga tahanan at pagkakataon na makatulong sa oras ng kagipitan at kalamidad.
Layunin: Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:
- Nakagagawa ng proyektong Simple Circuit na ginagamitan ng elektrisidad. EPP5IA-0c-3
1 C0_EPP5_IA_Modyul 6
Subukin
[illustration: pencil icon]
Gawain 1
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Ito ay ginagamit pamukpok ng metal at pambaon sa paet at pako.
a. maso
b. martilyo
c. katam
d. kikilIto ay isang uri ng aparato na lumilikha ng liwanag sa pamamagitan ng paggamit ng kuryenye.
a. bulb socket
b. connectors
c. bulb
d. fuseGinagamit ito para luwagan o higpitan ang turnilyo na ang dulo ay manipis na pahalang.
a. standard/flat screwdriver
b. phillips screwdriver
c. stubby screwdiver
d. bench viseIto ay ginagamit na pamutol ng maliit o malaking wire.
a. pipe cutter
b. hacksaw
c. gimlet
d. side cutting plierGinagamit ito upang maiwasan ang makuryente. Binabalutan ang mga wires na nabalatan pati ang mga dugtungan ng wires.
a. duct tape
b. electrical tape
c. packing tape
d. connectors
2 C0_EPP5_IA_Modyul 6
Aralin 1: Paggawa ng Simple Circuit
Mahalagang malaman ng bawat isa ang mga hakbang ng proyekto lalong-lalo na sa paggawa ng simple circuit upang maging ligtas, madali at matagumpay itong maisasagawa. Ang kaalaman sa mga hakbang ang unang dapat isaalang-alang sa anumang gawaing sisimulan. Ito ay nakatutulong para masunod nang wasto at higit sa lahat walang sakunang mangyari habang ginagawa ang napiling proyekto. Kailangan din na ang mga kagamitan at materyales na gagamitin ay madaling makikita sa ating bahay at komunidad.
Balikan
[illustration: puzzle pieces icon]
Panuto: Tukuyin ang bawat kagamitan kung ito ay Kagamitang Panghigpit, Kagamitang Pang hawak, Kagamitang Pamutol, Kagamitang Pambutas. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
- combination pliers – ____________________________
- standard/flat screwdiver – ____________________________
- hacksaw – ____________________________
- gimlet – ____________________________
- stubby screwdriver – ____________________________
- hand drill – ____________________________
- pipe cutter – ____________________________
- bench vise – ____________________________
- phillip screwdriver – ____________________________
- rip saw – ____________________________
3 C0_EPP5_IA_Modyul 6
Tuklasin
[illustration: sprouting leaf icon]
Panuto: Basahin nang mabuti ang kwento at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Ang Natatanging Kaalaman
Ang Muy Hermosa ay isang pulong barangay na sakop ng bayan ng San Roque. Ang barangay na ito ay hindi pa naaabot ng elektrisidad. Ang tanging pinagkukunan lang nila ng pailaw ay ang pakikikabit sa generator na pag – aari ng kapitan ng barangay. Isang hapon, biglang hindi umandar ang generator dahil may isang piyesa na nakalas dito. Hindi na makakapunta pa si kapitan sa ibayo sapagkat dumidilim na at baka pagdating niya sa bayan ay sarado na ang mga tindahan doon ng piyesang kinakailangan niya. Isa sa anak ni kapitan, si Lyndon, ang nakaisip na gumawa ng isang simple circuit connection dahil nagtraining naman siya sa TESDA na may kinalaman sa elektrisidad. Sinubukan niyang gumawa nito. Dahil sadyang mapamaraan siya, nagawa niyang magkaroon ng ilaw ang kanilang tahanan. Laking tuwa ng kanyang mga nakababatang kapatid dahil hindi sila mangangapa sa dilim ng gabing iyon.
- Ano ang suliranin ni Kapitan?
- Paano ito nasolusyunan?
4 C0_EPP5_IA_Modyul 6
Suriin
Ang kaalaman sa mga hakbang sa paggawa ng isang proyekto ay isang mahalagang paghahanda o katangian na dapat malaman ng bawat isa sa anumang gagawing proyekto. Nagsisilbi itong gabay upang matapos nang maayos ang proyekto. Nakatutulong din ito upang masunod nang tama at higit sa lahat walang kapahamakang magaganap habang ginagawa ang napiling proyekto.
Mga dapat isaalang-alang bago gawin ang proyekto – Simple Circuit
- Bago mamili ng mga kagamitang gagamitin sa paggawa ng simple circuit ay dapat alamin muna ang kalidad ng materyales upang makaiwas sa disgrasya. Dapat sa pagpili ng materyales, alalahanin ang mga ito;
- Hindi basta – basta sasabog ang bumbilya kapag ginamit.
- Hindi mabilis maubos ang enerhiya ng baterya at hindi madaling maputol ang wire.
- Iwasan din ang mga wire na maaring tumalsik habang pinuputol ang mga ito. Maaari kasi itong mapunta sa iyong mga mata.
- Kung ang wire ay may nakitang sugat o nakalabas ang copper lagyan ito ng electrical tape. Ngunit huwag hahawakan ang nakalabas na metal dahil sa metal na ito dumadaloy ang kuryente.
- Kung may hindi alam sa mga nangyayari. Humingi ng tulong sa nakakaalam upang makaiwas sa disgrasya.
- Kapag ang circuit ay gumagana, huwag hawakan ang source. Kung ang source ay baterya, umiinit ito at maaari kang mapaso. Kung ang source mo naman ay kuryenteng nagmumula sa socket, maari kang makuryente dahil sa taas ng boltahe nito.
Mga Kagamitan sa Paggawa ng Simple Circuit
- bulb/ bombilya
- phillip screwdriver
- side cutting pliers
- light bulb socket
- flat cord
- battery
- switch
- card board/ tabla
Mga Hakbang sa Paggawa ng Simple Circuit
- Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin. Balatan ang kaunting magkabilang dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang side cutting plier nang sa gayon ay makita ang cooper wire. I-twist ang apat na dulo ng mga copper wires.
- Ikabit ang dalawang wires sa magkabilang dulo ng battery.
- Ikabit ang isang wire na nanggagaling sa battery sa kabilang dulo ng light bulb socket at kumuha ng isa pang wire para ikabit sa kabilang dulo nito.
- Ikabit ang wire na nanggaling sa light bulb socket at ikabit sa kabilang dulo ng switch. Pag naikabit na ang wire na nanggaling sa light bulb socket, ang
kabilang dulo ng wire na nanggaling sa battery ay ikabit sa kabilang dulo ng switch. 5. Ilagay sa ON ang switch para gumana ang light bulb.
Narito ang mga pagkakasunod – sunod ng mga larawan na paggawa ng “Simple Circuit”
[photo: pliers cutting a wire] Unang Hakbang
[photo: hands stripping wire ends] Ikalawang Hakbang
[illustration: battery with wire connected to its terminals] Ikatlong Hakbang
[photo: hands attaching wire to a light bulb socket on a board] Ikaapat na Hakbang
[photo: wire connected between socket and another point on a board] Ikalimang Hakbang
[photo: hands attaching wire on a cardboard] Ikaanim na Hakbang
[photo: hands wiring the circuit on a cardboard] Ikapitong Hakbang
[photo: finished circuit on cardboard with lit bulb] Ikawalong Hakbang
Pagyamanin
Gawain 1: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na pagsasanay sa ibaba.
Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Pang – Elektrisidad – Simple Circuit.
Ang elektrisidad ay isa sa mga mahahalagang yaman na kailangang pangalagaan nating lahat. Sa pamamagitan nito, ang mga pangunahing kagamitan sa ating tahanan gaya ng telebisyon, refrigerator at iba pa ay ating nagagamit. Ang kaalaman sa paggawa ng simple circuit ay napakahalaga sapagkat ito ay pwedeng magamit sa oras ng kalamidad. Magkakaroon na ng liwanag ang isang tahanan sa pamamagitan nito. Upang maging ligtas at maayos ang bawat gawaing may kinalaman sa elektrisidad, nararapat na alamin ang mga hakbang at isaalang-alang ang paggamit ng personal na kagamitang pangkaligtasan.
Pagtatasa 1
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at MALI kung ito ay mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
_____ 1. Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin. Balatan ang kaunting magkabilang dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang hack saw nang sa gayon ay makita ang cooper wire. I-twist ang apat na dulo ng mga copper wires.
_____ 2. Ikabit ang dalawang wires sa magkabilang dulo ng battery.
_____ 3. Ikabit ang isang wire na nanggaling sa battery sa kabilang dulo ng light bulb socket at kumuha ng isang pang wire para ikabit sa kabilang dulo nito.
_____ 4. Ikabit ang wire na nanggaling sa light bulb socket at ikabit sa kabilang dulo ng switch. Kapag naikabit na ang wire na nanggaling sa light bulb socket, ang kabilang dulo ng wire na nanggaling sa battery ay ikabit sa kabilang dulo ng switch.
_____ 5. Ilagay sa OFF ang switch para gumana ang light bulb.
Pagtatasa 2
Panuto: Pagtambalin ang mga kagamitan sa paggawa ng simple circuit sa hanay A sa angkop na sagot sa hanay B. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. side cutting plier | a. matigas ito at patag na kuwadrado na pagagawaan ng circuit |
| 2. bumbilya/bulb | b. dito ipinadadaan ang kuryente papunta sa mga kagamitan. |
| 3. flat cord | c. ginagamit na panghawak o pamputol ng wires, kable o maliit na pako. |
| 4. battery | d. isang uri ng aparato na lumilikha ng liwanag sa pamamagitan ng paggamit ng kuryenye. |
| 5. tabla/card board | e. nagsisilbi itong source ng isang circuit. |
| f. inilalagay sa dulo ng mga conduit para maikabit nang maayos sa junction box at utility box. |
Isaisip
Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang kaisipan sa aralin na ito. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
sakuna kasanayan
resistor kaligtasan kuryente
Ang simple circuit ay isang daan na dinadaloyan ng _____. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi para gumana ito. Ang mga ito ay source of voltage, conductive path at _____. Kinakailangang isaalang-alang ang maingat at tamang hakbang upang ang _____ sa paggawa ay maisakatuparan. Ang pagkakaroon ng kaalaman at _____ nito ay napakahalaga kung kaya ay dapat natin itong seryosohin at huwag ipagsawalang-bahala. May mahalagang papel ang kaalaman ukol dito lalong – lalo na sa oras ng _____.
Isagawa
Panuto: Pagsunod – sunurin ang sumusunod na mga larawan batay sa mga hakbang sa pagbuo ng extension cord. Lagyan ng bilang ang bawat patlang ng larawan batay sa kung ano ang una hanggang huli. (1-11). Gawin ito sa iyong kuwaderno.
[photo: hands stripping wire with pliers] 1. _____
[photo: hands attaching wire on a cardboard] 2. _____
[photo: lit bulb on cardboard with wires] 3. _____
[photo: wire connected to a socket on a board] 4. _____
[illustration: battery with wire connected to its terminals] 5. _____
[photo: hands attaching a socket with a screwdriver] 6. _____
[photo: hands wiring the circuit on a cardboard] 7. _____
[photo: pliers cutting a wire] 8. _____
Tayahin
A.
Panuto: Sa gawaing ito, humingi ng tulong sa mga magulang/electrician o kahit na sinong nakatatanda sa paggawa ng simple circuit gamit ang mga kagamitan na kailangan at isaalang–alang ang tamang pagkakasunod-sunod gamit ang mga wastong hakbang sa paggawa nito.
Babala: HUWAG GAWING MAG-ISA ANG PAGGAWA NG SIMPLE CIRCUIT AT IWASANG PAGLARUAN ANG BAGAY NA ITO.
Rubric para sa Gagawing Proyekto – Simple Circuit
| PAMANTAYAN | Puntos |
|---|---|
| A. Pagsunod sa Wastong Hakbang | |
| 1. Dala lahat ang mga kagamitan at kasangkapan sa paggawa | 10 |
| 2. Ang mga kagamitan at kasangkapan ay inayos sa ibabaw ng mesa bago gumawa | 10 |
| 3. Wastong pagsunod sa hakbang sa paggawa ng proyekto | 20 |
| 4. Naisagawa sa takdang oras | 10 |
| B. Paggamit ng Kasangkapan | |
| 1. Gumamit ng wasto at angkop na kasangkapan sa paggawa | 10 |
| 2. Sinuri ang kaayusan ng kasangkapan | 5 |
| 3. Ginamit sa angkop ng Gawain | 5 |
| 4. Ibalik nang maayos sa pinagkunan matapos ang gawain | 5 |
| C. Pagkaligtasang Gawi | |
| 1. Masigla at tuloy-tuloy sa paggawa | 5 |
| 2. Ipinapakitang may sistema sa paggawa | 10 |
| 3. Ipinapakita ang pag-iingat habang gumagawa | 5 |
| 4. Nilinis ang hapag-gawaan matapos ang gawain at isauli ang kagamitan at kasangkapan sa pinagkunan | 5 |
| Total | 100% |
Petsa ng Pagsisimula ng Paggawa: ____ Petsa ng Pagkatapos sa Paggawa: ___
Inihanda ni: Binigyan Pansin ni:
Baitang 5 Guro
Pagpapakahulugan:
50 – 59 – Kailangan pang Paghusayan 60 – 69 – Hindi Gaanong Mahusay 70 – 79 – Mahusay husay 80 – 89 – Mahusay 90 – 100 – Napakahusay
B.
Panuto: Pagtambalin ang mga kagamitan sa hanay A sa angkop na sagot sa hanay B. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
[transcriber’s note: a column of stray single letters (a, b, b, c, b, d, b, e, b, f, b) appears in the text layer above this section but is not visible on the rendered page, so it is omitted]
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. tabla/card board | a. [photo: black and copper wire] |
| 2. side cutting plier | b. [photo: side cutting pliers] |
| 3. flat cord | c. [photo: cardboard board] |
| 4. bumbilya/bulb | d. [photo: batteries] |
| 5. battery | e. [photo: red pliers] |
| f. [photo: light bulb] |
Karagdagang Gawain
Magsaliksik sa pamamagitan ng pagtatanong o sa tulong ng internet tungkol sa tamang hakbang sa pagbuo/paggawa ng series circuit. Isulat sa kuwaderno ang iyong mga kasagutan.
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- b
- c
- a
- d
- b
Balikan
- Kagamitang Pang hawak/Pamutol
- Kagamitang Panghigpit
- Kagamitang Pamutol
- Kagamitang Pambutas
- Kagamitang Panghigpit
- Kagamitang Pambutas
- Kagamitang Pamutol
- Kagamitang Pang hawak
- Kagamitang Panghigpit
- Kagamitang Pamutol
Pagyamanin: Pagtatasa 1
- Mali
- Tama
- Tama
- Tama
- Mali
Pagyamanin: Pagtatasa 2
- c
- d
- b
- e
- a
Isagawa
[transcriber’s note: the eight photographs are numbered 1 to 8 beside each picture and are arranged in a grid on the page]
[illustration: hands heating a wire over a flame]
[illustration: hands cutting wire with pliers]
[illustration: battery connected to a bulb by wires]
[illustration: hand twisting wire with pliers]
[illustration: wire bent into a loop on a dark surface]
[illustration: hands bending wire]
[illustration: hands holding wire over a surface]
[illustration: cardboard circuit with a bulb and battery]
A Tayahin
Tayahin: A
Rubric para sa Ginawang Proyekto – Simple Circuit
| PAMANTAYAN | Puntos |
|---|---|
| A. Pagsunod sa Wastong Hakbang | |
| 1. Dala lahat ang mga kagamitan at kasangkapan sa paggawa | 10 |
| 2. Ang mga kagamitan at kasangkapan ay inayos sa ibabaw ng mesa bago gumawa | 10 |
| 3. Wastong pagsunod sa hakbang sa paggawa ng proyekto | 20 |
| 4. Naisagawa sa takdang oras | 10 |
| B. Paggamit ng Kasangkapan | |
| 1. Gumamit ng wasto at angkop na kasangkapan sa paggawa | 10 |
| 2. Sinuri ang kaayusan ng kasangkapan | 5 |
| 3. Ginamit sa angkop ng gawain | 5 |
| 4. Ibinalik sa pinagkunan matapos ang gawain ng maayos | 5 |
| C. Pagkaligtasang Gawi | |
| 1. Masigla at tuloy-tuloy sa paggawa | 5 |
| 2. Ipinapakitang may sistema sa paggawa | 10 |
| 3. Ipinapakita ang pag-iingat habang gumagawa | 5 |
| 4. Nilinis ang hapag gawaan matapos ang gawain at isinauli ang kagamitan at kasangkapan sa pinagkunan | 5 |
| Total | 100% |
Pagpapakahulugan:
- 50 – 59 – Kailangan pang Paghusayan
- 60 – 69 – Hindi Gaanong Mahusay
- 70 – 79 – Mahusay husay
- 80 – 89 – Mahusay
- 90 – 100 – Napakahusay
Tayahin: B
- c
- b
- a
- f
- d
Sanggunian
Curriculum Guide, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5, EPP5IA-0c34
https://cdn.sparkfun.com/assets/learn_tutorials/5/0/8/Alkaline_Batteries_crop.jpg
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


Leave a Reply