Sa panahon ngayon, ang computer ay may mahalagang papel para mapadali ang ating mga pang araw-araw na gawain. Nakatutulong ang computer para madali nating makuha ang lahat ng impormasyon na gusto nating makuha kahit sa isang iglap lang. Ang pagcompute, paggawa ng mga timetables, graph at iba pa ay isa lang sa mga napapaloob sa mga computers na ito. Nagagawa ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng Electronic Spreadheet.
Nilalayon ng modyul na ito na maturuan kang magamit ang electronic spreadsheet upang malagom ang datos (EPP5IE-0f-16).
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang bahagi:
Aralin 1- Bahagi ng Spreadsheet
Aralin 2- Spreadsheet Formula at Functions
Mas lalo kang matututo sa pag-aaral ng modyul na ito kung maisasagawa mo ang mga gawain sa isang computer.
EPP5_IE_mod7_MabilisNaPagkuwentaI-SpreadsheetMoNa_v2