Magandang araw!
Mahilig ka bang maglaro? Anong mga laro ang alam mo?
Ang modyul na ito, ay tumatalakay sa mga larong Pinoy na nagpapaunlad at naglilinang ng ating mga kakayahang physical. Maraming Larong Pinoy ang makakatulong para mapaunlad ang tatag ng puso (cardiovascular endurance at power). Kabilang na rito ang larong tumbang preso o tatsing na may target na tatamaan (target games). Makabubuti para sa kalusugan kung madalas ang pakikilahok natin sa ganitong uri ng mga gawain.
Ang modyul na ito ay may iba-ibang aralin:
Aralin 1: Introduksiyon sa Larong Patudla: Tumbang Preso
Aralin 2: Payabungin ang Kasanayan
Aralin 3: Pagpapayaman sa Kasanayan
Aralin 4: Pagsasabuhay ng Natutuhan
Layunin ng modyul na ito ang mga sumusunod:
1. Naisasagawa ang iba’t ibang kasanayan sa larong Tumbang Preso. (PE4GS-Ic-h-4)
(Executes the different skills involved in the game)
2. Natataya ang pagsasagawa ng mga kasanayan pisikal ayon sa mga gawin ng Physical Activity Pyramid. (PE4PF-Ib-h-20)
(Assesses regularly participation in physical activities based on physical activity pyramid)
3. Nasusunod nang may pag-iingat ang mga kasanayan sa laro. (PE4GS-Ib-h-3)
(Observes safety precautions)
4. Nakapagpapakita ng may paggalang at kagalakan sa mga kasapi ng koponan ng laro. (PE4Pf-Ib-h-20)
(Displays joy of effort, respect for others and fair play during participation in physical activities)
pe4_q1_mod2_TargetGames-TumbangPreso_v2