Ang pagiging mabuting mamamayan ay nagsisimula sa loob ng pamilya sapagkat ito ang lunduyan ng mga pagpapahalagang pang-sosyal at pampulitikal na sangkap upang magkaroon ng isang mapagkalinga at mapanagutang lipunan. Maaari itong magsimula sa isang simpleng tungkulin, halimbawa, pagiging masipag at masunurin sa mga magulang, pagtulong sa mga gawaing-bahay at pag-aaral nang mabuti para makaahon sa estado ng buhay. Bukod dito, maaari rin tayong maging aktibo sa ating komunidad sa pamamagitan ng pagsasaliksik tungkol sa mga isyung
pampulitikal para maging maalam tayong indibidwal. Gayunpaman, kung ang mga simpleng tungkulin ay buong puso nating nagagampanan, hindi maikakaila na tayo ay magiging isang mabuti at kapaki-pakinabang na pamayanan.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampulitikal). (EsP8PB-Ih-4.3)
esp8_q1_mod15_PananagutangPanlipunanatPampulitikalngPamilya_v2