EsP 10 Quarter 2 Module 6: Ang Kahalagahan ng Deliberasyon ng Isip at Kilos-Loob

Grade 10 EsP Quarter 2 Module 6 explains the 12 stages of human acts and how intellect and will work together in moral decisions, with answer key.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) self-learning module for Grade 10 (Ikasampung Baitang), Quarter 2, Module 6: “Ang Kahalagahan ng Deliberasyon ng Isip at Kilos-Loob” (the importance of the deliberation of the intellect and the will). It was prepared by DepEd Cordillera Administrative Region for home study under the Alternative Delivery Mode. After working through it, learners should be able to explain how the mind and the will work together at each stage of a human act, and to review their own decisions and plan how to correct them.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module lists two learning competencies:

  • Explain that every stage of a human act (makataong kilos) shows the importance of the deliberation of the intellect (isip) and the will (kilos-loob) in making moral decisions and actions. (MELC-7.3)
  • Examine one’s own actions and decisions based on the stages of a human act, and make a plan to correct an action or decision. (MELC-7.4)

Key idea: the 12 stages of a human act

The module first recalls Module 5 of the same quarter: a human act is done with knowledge, freely, and willingly, so a person is responsible for it. Following Saint Thomas Aquinas, it then explains that a human act is a decision that comes from rational thinking and the freedom of the will. Even choosing on purpose not to act is still a decision.

The 12 stages are split between the intellect and the will. The odd-numbered stages belong to the isip and the even-numbered stages to the kilos-loob:

Isip (intellect)Kilos-loob (will)
1. Pagkaunawa sa layunin (understanding the goal; simple apprehension of the good)2. Nais ng layunin (wanting the goal)
3. Paghuhusga sa nais makamtan (judging whether the goal can be reached)4. Intensiyon ng layunin (intention to pursue the goal)
5. Masusing pagsusuri ng paraan (careful study of the ways to reach it)6. Paghuhusga ng paraan (approving the ways)
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili (practical judgment on the best way)8. Pagpili (choice)
9. Utos (command)10. Paggamit (use, putting the body into action)
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin (the faculties carrying out the act)12. Bunga (result)

How the stages work: the module’s example

The module walks through one situation: you want to talk to a friend whose jokes hurt many people.

  1. The mind presents an idea it sees as good: talking to your friend.
  2. The will looks at the idea and agrees if it is good, or rejects it.
  3. The mind judges if the idea is possible. Can you really tell your friend the truth?
  4. Once the will says yes, the simple wish becomes an intention, a stronger motivation to act.
  5. The mind lists possible ways: talk in person, send a text, drop a hint, or write a letter.
  6. The will approves some ways and may reject those that are not good or ask for more options.
  7. The mind weighs the ways and the circumstances. A text is simpler, but talking in person needs calm, formal, serious conversation.
  8. The will makes the final choice freely: you decide to talk in person. Even when only one option appears, choosing it is still free, because you can do it or not.
  9. The mind gives directions, such as inviting your friend for a snack so you can talk.
  10. The will moves the body: your feet to go to your friend, your mouth to speak.
  11. Your faculties carry out the talk.
  12. You feel peace and lightness because you were able to speak to your friend.

The module closes the discussion with the point that because a human act comes from deliberation, freedom, and knowledge of its results, a person becomes ready to take responsibility for it. Following these stages helps a person make moral decisions and live responsibly.

Activities in the module

  • Subukin (pretest): three multiple-choice items and a 12-item matching test using the friend example.
  • Balikan (review): list the 12 stages of a human act according to Aquinas.
  • Gawain 1: Sino Ako? (Who am I?): decide if each description is the isip or the kilos-loob.
  • Gawain 2: Usapang Isip at Kilos-loob (a conversation between intellect and will): a 12-panel comic about writing an article on students’ problems at school; identify who speaks in each panel.
  • Gawain 3: three questions on what happens if the will does not agree, or if only one way is offered.
  • Gawain 4: Pagtatama sa Sariling Kilos (correcting one’s own actions): eight questions about your best and worst decisions.
  • Gawain 5: Pag-isipang Mabuti (think carefully): sort the 12 stages under isip and kilos-loob, then explain why deliberation matters.
  • Gawain 6: Pagninilay (reflection): write two ways to correct your mistake from Gawain 4 and two ways to avoid big mistakes.
  • Tayahin (final test) and Karagdagang Gawain (additional activity): a journal entry about a decision you made without going through the stages of a human act.

Most written tasks come with a scoring guide (pamantayan) of 1 to 3 points.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Read patiently, as the teacher’s note advises. Write your answers on a separate sheet and do not write on the module. Use the answer key honestly, and contact your teacher if you have trouble.
  • Parents and guardians: The module comes with a separate guide for teachers and facilitators with tips for helping learners at home. Gawain 4, 6, and the journal ask for personal reflection, so encourage honest answers.
  • Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the pretest, Gawain 1, 2, 3, and 5, and part of the final test. Check it before use: for pretest item 1, the key gives D, while the lesson’s table places stages 1 and 3 under isip (option b). The Tayahin key also lists only items 1 to 10, and the Isagawa section has no printed task.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 10 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 2, Module 6. It was published by DepEd Cordillera Administrative Region, first edition 2020.

What are the 12 stages of a human act in this module?

Following Saint Thomas Aquinas, they are: understanding the goal, wanting the goal, judging the goal, intention, studying the ways, approving the ways, practical judgment, choice, command, use, the faculties carrying out the act, and the result. The odd-numbered stages belong to the intellect and the even-numbered stages to the will.

What is the difference between isip and kilos-loob?

Isip (intellect) presents ideas it sees as good, lists and weighs ways to reach them, and gives directions. Kilos-loob (will) agrees or disagrees, freely chooses the way, and moves the body to act.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto has answers for the pretest, Gawain 1, 2, 3, and 5, and items 1 to 10 of the final test.

What competencies does the module cover?

It covers MELC-7.3, explaining how the deliberation of intellect and will appears in each stage of a human act, and MELC-7.4, examining one’s own decisions and planning how to correct them.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Markahan – Modyul 6: Ang Kahalagahan ng Deliberasyon ng Isip at Kilos-Loob

[illustration: students studying outdoors and indoors, a teacher helping students, a globe, and a student working by lantern light]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 6: Ang Kahalagahan ng Deliberasyon ng Isip at Kilos-Loob Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Denalin D. Amante Editor: Annie Rose B. Cayasen Tagasuri: Erlinda C. Quinuan Tagaguhit: Denalin D. Amante Tagalapat: Sharon Rose S. Boguen Tagapamahala: May B. Eclar, Benilda M. Daytaca, Carmel F. Meris, Rosita C. Agnasi, Edgar H. Madlaing, Rizalyn A. Guznian, Sonia D. Dupagan, Vicenta C. Danigos

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Kagawaran ng Edukasyon – Cordillera Administrative Region Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074) – 422- 4074 E-mail Address: car@deped.gov.ph

[transcriber’s note: page 3 is a second copy of the cover (DepEd logo and the title “Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Markahan – Modyul 6: Ang Kahalagahan ng Deliberasyon ng Isip at Kilos-Loob”), already given above]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Hinahangad ng mga modyul sa Alternaltive Delivery Mode (ADM) na mabigyang-daan ang lahat ng kabataan ng pagkakataong mapag-aralan ang sariling kilos sa yugto ng kanilang buhay tunog sa makataong kilos upang ikaw na mag-aaral ay makagawa ng ankop na mabuting plano na ikakgaganda ng sariling buhay. Ito rin ay upang maisagawa ang tamang pawawasto ng kilos o pasya.

Pagkatapos mong isagawa ang mga gawain sa ADM na ito, inaasahang magawa mo ang mga sumusunod:

Mga Kasanayang Pampagkatuto:
  1. Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasya at kilos. (MELC-7.3)
  2. Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasya. (MELC-7.4)
Tala mula sa Guro

Kinakailangang maging matiyaga ka sa pagbabasa at pagsagot ng mga gawain. Ang pagtitiyaga sa pagbasa ay daan upang maunawaan ang konsepto ng aralin.

Subukin

A. Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang numero.

_____1. Ang una at ikatlong yugto ng makataong kilos ay nabibilang sa direksyon ng __________.

  • a. kilos-loob
  • b. isip
  • c. free will
  • d. wala sa nabanggit

_____2. Ang mga yugto ng makataong kilos na nasasakop ng kapangyarihan ng kilos-loob ay:

  • a. 1,3,5,7,9,11
  • b. 1,2,3,4,5,6
  • c. 7,8,9,10,11,12
  • d. 2,4,6,8,10,12

_____3. Ang makataong kilos- ang kilos ng pagpapasiya na ang pinagmulan ay ang rasyunal na pag-iisip at kalayaan ng kilos-loob. Ang ibig sabihin ng pangungusap ay:

  • a. Hindi matatawag na makataong kilos kung hindi ito dumaan sa makatuwirang isip at kung hindi ito pinili ng kilos-loob ng may kalayaan.
  • b. Ang kilos-loob ang tanging nagpapasiya sa moral na kilos.
  • c. Ang pagiging rasyunal ng isip ang tanging kailangan ng tao upang makagawa nito ng isang moral na pagpapasiya.
  • d. Hindi ito moral na kilos.

B. Panuto: Nais mong kausapin ang isa sa iyong kaibigan sapagkat maraming nasasaktan sa kanyang pagbibiro. Suriin at ihanayang mga yugto ng makataong kilos (Hanay A) sa mga deliberasyon ng isip at kilos-loob sa Hanay B. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang numero. (12 puntos; 1 puntos bawat aytem)

Hanay AHanay B
_____4. Pagkaunawa sa layuninA. Magiging intensiyon ang isang ideya mula sa simpleng pagnanais o pagkagusto lamang.
_____5. Nais ng layunin.B. Kung sa palagay ng kalooban ay mabuti ang gagawin mong pakikipag-usap sa kaibigan, magpapatuloy ito sa panghuhusga ng isip sa posibilidad ng ideya.
_____6. Paghuhusga sa nais makamtanC. Sinasang-ayunan ng kilos-loob ang kilos kung ang gagawin mo ay nakakabuti. Maaari din namang hindi nito sasang-ayunan ang ideya.
_____7. Intensiyon ng layuninD. Ang pagnanais mo na makausap ang iyong kaibigan upang mapagsabihan sa kanyang ginagawa.
_____8. Masusing pagsusuri ng paraanA. Ang isip ay magsusuri at maglalahad ng mga iba’t ibang paraan upang mapagsabihan ang kaibigan.
_____9. Paghuhusga sa paraanB. Dito pumapasok ang kalayaan ng kilos-loob (freedom of the will) upang pumili. Pinili ng iyong kalooban na kausapin mo siya ng personal.
_____10. Praktikal na paghuhusga sa pinili.C. Pagkatapos mailahad ng isip ang mga posibleng paraan, aaprobahan o bibigyan pahintulot ng kilos-loob ang mga paraan na mga ito.
_____11. PagpiliD. Magkakaroon ng praktikal na panghuhusga o deliberasyon ang isip sa kung ano ang mga pinakaangkop na paraan kasama na rito ang mga sirkumstansya na kailangan niyang pag-isipan. Maaaring maging simple lang kung gagamitin mo ang text o sulat sapagkat hindi mo na aatupagin ang kanyang reaksiyon basta’t ang mahalaga ay maipapaalam mo ang kanyang pagkakamali. Kung kakausapin niya ito ng personal, kailang mahinahon, pormal at dibdibanupang magiging maayos ang takbo ng usapan, at iba pa.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Hanay AHanay B
_____12. UtosA. Ang kilos-loob ang saligan ng kilos na ibig sabihin ay ito ang may kapangyarihan sa katawan na isagawa ang kilos. Ang kilos-loob ang nagpapagalaw sa mga paa upang puntahan ang kaibigan, sa bibig upang umimik at iba pa.
_____13. PaggamitB. Nagbibigay ang isip ng mga direksiyon sa mga dapat gawin tulad ng pagyaya sa kaibigan upang magmeryenda upang magkaroon ng pagkakataon na mag-usap, at iba pa.
_____14. Pangkaisipang kakayahan ng layuninC. Ang mga pakultad sa ating pagkatao ay isasagawa ang utos ng kilos-loob na gawin ang nasabing pakikipag-usap at pagsabihan sa personal ang kaibigan.
_____15. BungaD. Nagkakaroon ng kagaanan at katahimikan sa iyong kalooban sapagkat nakausap mo iyong kaibigan tungkol sa kanyang paraan ng pagbibiro na maraming nasasaktan at mapagsabihan mo na rin na maari niyang itong baguhin o kaya naman ay maghinay-hinay upang mapabuti niya ang kanyang pakikitungo sa iba.

Balikan

Napag-alaman sa Modyul 5 ng ikalawang markahan na ang makataong kilos (humane acts) ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Sinadya at kinusa ang kilos na ito sapagkat isinagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsible, alam niya ang kanyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.

Tanong: Ayon kay Sto Tomas de Aquino, Ano-ano ang 12 na mga yugto ng makataong kilos?

Halimbawa: Pagkaunawa sa layunin (simple apprehension of the good)

Magbigay pa ng ibang yugto ng makataong-kilos.

Tuklasin

Gawain 1: Sino Ako?

Panuto: Anong pakultad ang ipinakikilala ng bawat icon.? Isulat sa patlang kung ito ba ay ISIP o KILOS LOOB.

[illustration: lightbulb character with a brain on top]

Ako ay bahagi ng pakultad ng tao na naghahain ng ideya na sa aking pagkakaalam ay mabuti. Nagbibgay rin ako ng mga paraan upang makamit ang ideyang ito. Pinag-iisipan kong mabuti ang mga kahinaan at kalakasan ng bawat paraan na aking naihain at ako mismo ang nagbibigay ng direksiyon sa katawan ng mga dapat niyang gawin upang makamit ang isang layunin. Sino ako?


[illustration: heart character with a halo]

Bahagi ako ng pakultad ng tao na sumasang-ayon sa anumang naihain na ideya. Maaaring namang hindi ko tatanggapin ang isang ideya lalo na kung ito ay hindi mabuti. Ang aking pagsang-ayon sa isang ideya ang magiging daan upang ito ay maging isang intensiyon at ako mismo ang pumipili sa pinakamabuting paraan upang makamit ang intensiyon na ito. Hawak ko rin ang kapangyarihan sa katawan upang gumalaw at gawin at gawin ang isang kilos. Sino ako?


Ipinaliwanag ni Santo Tomas de Aquino na ang Isip at Kilos-loob ay magkatuwang sa isang dinamika at komplikado na interaksiyon. Masalimuot ang proseso sa pagitan ng mga yugto ng makataong kilos mula sa simpleng pagpuna at katalusan ng isip hanggang sa katapusang kilos. (Doyle, 2008).

Pamprosesong Tanong:

  1. Paano nga ba nagyayari ang deliberasyon ng isip at kilos-loobsa pagpapasiya at pagsasagawa ng tao ng mabuting kilos?
  2. Bakit mahalagang gamitin ng tao nang tama ang dalawang ito sa pagsasagawang moral na pagpapasiya?

Upang mapalawak ang iyong pag-iintindi, basahin at intindihing mabuti ang kung paano nangyayari ang dinamikang interaksiyon na ito.

Suriin

Ang makataong kilos– ang kilos ng pagpapasiya na ang pinagmulan ay ang rasyunal na pag-iisip at kalayaan ng kilos-loob (Akwinu, N.D). Ang mga 12 na yugto ng makataong kilos ay nahati sa dalawang kategorya: ang isip at kilos-loob.

IsipKilos-loob
1. pagkaunawa sa layunin2. nais ng layunin
3. paghuhusga sa nais makamtan4. Intensiyon ng layunin
5. masusing pagsusuri ng paraan6. paghuhusga ng paraan
7. praktikal na paghuhusga sa pinili8. pagpili
9. utos10. paggamit
11.pangkaisipang kakayahan ng layunin12. bunga

Ang pagpapasiya na kumilos o hindi kumilos ay hindi mawawalay sa ating pagkatao. Tandaan na kahit pa man wala kang gagawin, kung ito ay sinadya o kinusa na hindi ka kikilos, ito ay bahagi parin ng kilos ng pagpapasiya (Akwinu, N.D). Hindi matatawag na makataong kilos kung hindi ito dumaan sa makatuwirang isip at kung hindi ito pinili ng kilos-loob ng may kalayaan. Upang makagawa ng moral na pasya o kilos, ito ang proseso ng deliberasyon ng isip at kilos-loob na inilahad ni Santo Tomas de Aquino:

  1. Una ay maghahain ang isip ng isang ideya o bagay na sa pangkalahatang konsepto ay mabuti (Obstat & Macmahon, 1989). Halimbawa ay nais mong kausapin ang isa sa iyong kaibigan sapagkat maraming nasasaktan sa kanyang pagbibiro. Ang isip ay may kakayahang umintindi ng isang bagay, ideya o sitwasyon at pinagpapasyahan na ito ay mabuti.


  2. Tinitigan ng kilos-loob ang posibilidad nito o kung ito ba ay naaakma. Sinasang-ayunan ng kilos-loob ang kilos kung ito ay nakakabuti. Maaari din namang hindi nito sasang-ayunan ang ideya (Akwinu, N.D). Kung sa palagay ng kalooban ay mabuti ang gagawin mong pakikipag-usap sa kaibigan, magpapatuloy ito sa:


  3. Panghuhusga ng isip sa posibilidad ng ideya. Kung kaya mo ba itong kausapin at sabihin ang totoo? Mapagsasabihan mo kaya ang iyong kaibigan tungkol sa mga masasakit niyang pagbibiro?


  4. Sa sandaling “OO” ang sagot ng kilos-loob ay magiging intensiyon ang isang ideya mula sa simpleng pagnanais o pagkagusto lamang. Ang pagsang-ayon na ito ng kilos-loob ang magbibigay ng mas matibay na motibasyon kaya ito magiging isang intensiyon kung saan magsisimula ng kaigtingan para kumilos (Akwinu, N.D).Susunod dito, mag-aatas ang kilos-loob na mag-isip ang isip ng mga paraan kung paano magagawa ang layunin na ito.


  5. Ang isip ay magsusuri at maglalahad ng mga iba’t ibang paraan upang mapagsabihan ang kaibigan. Kakausapin mo ba ito ng personal o sasabihin mo ito sa pamamagitan ng text sa cellphone? Bibigyan mo ba ito ng pasaring para makahalata ang kaibigan? Maari din naman na magsulat ka para maiparating ang gusto mong sabihin sa kanya.


  6. Pagkatapos mailahad ng isip ang mga posibleng paraan, aaprobahan o bibigyan pahintulot ng kilos-loob ang mga paraan na mga ito. Ayon parin kay Akwinu (N.D), sa yugto na ito maari din namang hindi tatanggapin ng kilos-loob ang ilan sa mga nailahad na paraan lalo na kung ang mga ito ay hindi nakakabuti at maari ding hihingi pa ito ng karagdagang opsiyon.


  7. Magkakaroon ng praktikal na panghuhusga o deliberasyon ang isip sa kung ano ang mga pinaka-angkop na paraan kasama na rito ang mga sirkumstansya na kailangan niyang pag-isipan. Nagkakaroon ng masusing pagtitimbang ng mga paraan at nakikita dapat ng isip kung ano ang pinakamabuti at pinaka-angkop dito. Maaaring maging simple lang kung gagamitin mo ang text o sulat sapagkat hindi mo na aatupagin ang kanyang reaksiyon basta’t ang mahalaga ay maipapaalam mo ang kanyang pagkakamali. Kung kakausapin mo ito ng personal, kailangan mahinahon, pormal at dibdiban upang magiging maayos ang takbo ng usapan, etc. Ang deliberasyon ay sumasakop sa paghahalintulad ng mga paraan, hindi lamang upang makuha ang hinahangad.


  8. Sa deliberasyon na ito, malaki ang impluwensya ng kilos-loob sapagkat ito ang panghuling hatol para sa paraan upang magawa ang layunin (Akwinu, N.D). Dito pumapasok ang kalayaan ng kilos-loob (freedom of the will) upang pumili (Akwinu, N.D; Doyle, 2008). Pinili ng iyong kalooban na kausapin mo siya ng personal. Ayon pa kay Santo Tomas de Aquino, sa mga pagkakataon na iisa lang ang nakikita at naibibigay ng isip na pagpipilian, bahagi parin ito ng malayang pagpili. Ito at sapagkat may kalayaan tayo na isagawa ito o hindi.


  9. Pagkatapos ng pagpapasiya, ang isip ay magbibigay ng utos na isagawa kung ano man ang intensyon. Nagbibigay ito ng mga direksiyon sa mga dapat gawin tulad ng pagyaya sa kaibigan upang magmeryenda upang magkaroon ng pagkakataon na mag-usap, atbp.


  10. Gayun pa man, ang kilos-loob parin ang saligan ng kilos na ibig sabihin ay ang kilos-loob ang may kapangyarihan sa katawan na isagawa ang kilos. Ang kilos-loob ang nagpapagalaw sa mga paa upang puntahan ang kaibigan, sa bibig upang umimik at iba pa.


  11. Ang mga pakultad sa ating pagkatao ay isasagawa ang utos ng kilos-loob na gawin ang nasabing pakikipag-usap at pagsabihan sa personal ang kaibigan.


  12. Sa pagtatapos ng kilos, magkakaroon ng kapayapaan at kasiyahan sa sarili kung magagawa ang layunin ng mabuti. Nagkakaroon ng kagaanan at katahimikan sa iyong kalooban sapagkat nakausap mo iyong kaibigan tungkol sa kanyang paraan ng pagbibiro na maraming nasasaktan at mapagsabihan mo na rin na maari niyang itong baguhin o kaya naman ay maghinay-hinay upang mapabuti niya ang kanyang pakikitungo sa iba.


Ayon kay Louis de Poissy, ang tao ay nagiging handa sa anumang pananagutan nito sapagkat ang makataong kilos ay mula sa deliberasyon ng kanyang kilos-loob, pinagpasyahan ng malaya at may kaalaman sa magiging resulta nito (Obstat & Macmahon, 1989). Malinaw na ang bawat pangyayari sa ating buhay ay bunga ng ating pagpapasiya (Brizuela et.al, 2015). Ang mga yugto ng makataong kilos ay makakatulong sa paggawa ng tao ng kanyang moral na pasya at kilos at upang maging mapanagutan siya sa kanyang buhay.

Pagyamanin

Gawain 2: Usapang Isip at Kilos-loob

Panuto: Isipin mo nalang na ang isip at kilos-loob ay nagkakaroon ng masinsinang usapan tungkol sa isang bagay na nagustuhan. Kilalanin kung ang nagsasalita ay si ISIP o si KILOS-LOOB.

[chart: comic strip; Gawain 2: Usapang Isip at Kilos-loob, four panels]

Panel 1 (halimbawa): “Gusto kong sabihin ang aking hinaing tungkol sa mga suliranin ng mga mag-aaral sa paaralan.” 1. ISIP

Panel 2: “Oo, mabuting ideya iyan…” 2. _____

Panel 3: “Sandali lang… pag-isipan muna natin kung pwede ba ito? Kaya ba?” 3. _____

Panel 4: “Oo naman, bakit hindi? Kayang-kaya ‘yan!” 4. _____

[chart: comic strip; Gawain 2: Usapang Isip at Kilos-loob, panels 5 to 8, continued]

Panel 5: “Sige, mag-iisip ako kung paano natin ito isasagawa. Maaaring gamitin ko ang social media; gumawa ng blog; magsusulat ng artikulo sa opisyal na lathalain ng paaran; puwede namang kausapin ko ang pangulo ng SSG o kaya naman ay mga manunulat ng lathalain.” 5. _____

Panel 6: “Puwede naman ang mga iyan kaya lang hindi yata naaakma na gamitin ang social media dahil hindi naman kinakailangang malaman ito ng ibang tao na walang kinalaman sa paaralan. Baka magiging mas malala ang isyu. Pagtuonan natin iyong mga magagawa natin sa loob ng paaralan lang.” 6. _____

Panel 7: “Oo nga, sari-sari ang naging reaksiyon ng tao at baka magreresulta ng mas malalang isyu. Ano kaya ang pinakamabuting paraan? Hindi ko kakilala ang pangulo ng SSG, baka maiilang siya kung kakausapin ko tungkol sa mga isyu na gusto kong maiparating. Kung kakausapin ko rin ang mga manunulat sa paaralan, may oras ba sila para isulat ito. Magsusulat kaya ako ng artikulo?” 7. _____

Panel 8: “Tama, magsusulat ako ng artikulo! Ito nga ang pinakamainam at pinakamabuti at pinakamainam na paraan upang maihain mo ang mga suliranin na nararanasan” 8. _____

[chart: comic strip; Gawain 2: Usapang Isip at Kilos-loob, panels 9 to 12, continued]

Panel 9: “Sige, ang unang gagawin siguro ay magkalap pa ng mga detalye at ibang opinyon ng mga kapwa mag-aaral bago simulan ang pagsulat ng artikulo. Kailangan ko ng sapat na datos. Kailangan malaman ko rin kung sino ang patnugot ng lathalain para sa kanya ko ibibigay ang artikulo.” 9. _____

Panel 10: “Ano pa ang hihihitay natin.. let’s go! Igalaw ang katawan! Gawin na natin ito.. Pero kailangan nating gawin ito ng maayos at mabuti.” 10. _____

Panel 11: “Pagkakalap ng detalye; pakikipag-usap… sulat….sulat….sulat… ibigay sa patnugot ng lathalain….” 11. _____

Panel 12: “Yes! Tapos na… nagawa ko narin na ihain ang mga gusto kong magkaroon ng kamalayan ang lahat para kahit papaano, bibigyan nila ito ng pansin…” 12. _____

Gawain 3: Pagsusuri sa deliberasyon ng Isip at Kilos-Loob

Panuto: Mula sa Gawain 2, ipagpatuloy mo dito ang gawain. Sagutin ng komprehensibo ang mga katanungan.

  1. Kung sakaling hindi sasang-ayon ang kilos- loob sa ideya na ihahain ng isip, maipagpapatuloy ba ang kilos? Oo o hindi? Bakit?

[transcriber’s note: answer box left blank]

  1. Matutuloy ba ang isang makataong kilos kung walang maibibigay ng isip na paraan upang makamit ang layunin o kung hindi tinatanggap ng kalooban ang mga naihain na paraan? Oo o hindi? Bakit?

[transcriber’s note: answer box left blank]

  1. Sa mga pagkakataon na iisa lang ang naibibigay ng isip na paraan, kinakailangan ba talaga itong gawin ng tao dahil ito lang ang natatanging paraan upang makamit o magawa ang ninanais? Oo o Hindi? Bakit?

[transcriber’s note: answer box left blank]

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos

3 puntos2 puntos1 puntos
Nasasagot ang tanong ng maayos at komprehensibo at nakapagbibigay ng sapat at naakmang katuwiran.Nasasagot ang tanong ng maayos at ngunit hindi sapat ang pangangatuwiran.Nasagot ang tanong ng oo/ hindi ngunit walang naibigay na pangangatuwiran.
Gawain 4: Pagtatama sa Sariling Kilos

Panuto: Dahil nga nabiyayaan ang tao ng isip at kilos-loob, nakagagawa tayo ng mga pasya na hindi natin pinagsisihan. Ngunit, ang tao rin ay hindi perpekto. May mga bagay na ginagawa natin dulot ng padalos-dalos na pasiya at kilos. Punan ang mga bahagi ng kalasag ayon sa kung ano ang hinihingi ng bawat aytem.

[chart: puzzle-piece diagram (kalasag); eight pieces, each with one question printed on it; transcriber’s note: the eight questions are listed below in numerical order]

  1. Ano ang pinakamabuting pagpapasiya na nagawa mo sa iyong buhay?
  2. Maituturing ba ito na makataong kilos? Bakit?
  3. Anu-ano ang iyong mga pagpipilian bago mo pagpasiyahan ito?
  4. Ano ang naging resulta ng iyong kilos sa #1?
  5. Ano ang pinakamaling pagpapasiya na iyong nagawa?
  6. Pinag-isipan mo ba ng maayos bago mo ito gawin? Bakit mo nagawa ang pagkakamaling ito?
  7. Ano ang iyong mga pagpipilian bago mo nagawa ang pagkakamaling ito?
  8. Ano ang naging resulta ng iyong maling pagpa-pasiya?

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos

3 puntos2 puntos1 puntos
Nasasagot ang tanong sa pamamaraang komprehensibo, maayos at nagpapakita ng pagpapahalaga at katapatan.Nasasagot ang tanong ng maayos at nagpapakita ng pagpapahalaga at katapatan.Nasasagot ang tanong ngunit kulang sa detalye upang maipakita ang esensiya ng gawain.

Isaisip

Gawain 5: Pag-isipang Mabuti

A. Panuto: Balikan muli ang mga 12 na yugto ng makataong kilos. Isulat ang mga yugto ng makataong kilos na nasasakop ng kapangyarihan ng isip at gayun din ang mga yugto na nasa ilalim ng pamamahala ng kilos-loob.

IsipKilos-loob
Hal: 1. Pagkaunawa sa layunin2. Nais ng layunin

B. Panuto: Sagutin ng maayos ang tanong:

Bakit mahalaga ang deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng tao ng moral na pagpapasiya?

[transcriber’s note: the answer space is a blank box with no printed text]

Batayan ng pagbibigay ng puntos

3 puntos2 puntos1 puntos
Nasasagot ang tanong ng maayos at nakapagbibigay ng sapat at naakmang katuwiran.Nasasagot ang tanong ng maayos at ngunit kulang ang pangangatuwiran.Hindi sapat ang naibigay na sagot upang mabuo ang inaasahang konsepto.
Gawain 6: Pagninilay

Panuto: Balikan ang Gawain 4, suriin ang iyong isinulat sa bilang 5,6,7 at 8. Magsulat ng dalawang paraan upang maitama ang iyong pagkakamali at dalawang paraan upang maiwasan na makagagawa ka malaking pagkakamali sa buhay.

Batayan ng pagbibigay ng puntos

2 puntos1 puntos
Maayos ang pagsagot sa mga ang tanong, at kakikitaan ito pagpapahalaga.Hindi masyadong nabibigyan ng katuturan ang tanong at hindi kumpleto ang diwa ng pangungusap.

Mga paraan ko upang maitama ko ang aking pagkakamali.





Mga paraan ko upang hindi na ako makagawa ng malaking pagkakamali sa buhay.





Isagawa

Tayahin

A. Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang numero.

_____1. Ang mga yugto ng makataong kilos na nasasakop ng kapangyarihan ng isip ay:

a. 1,3,5,7,9,11

b. 1,2,3,4,5,6

c. 7,8,9,10,11,12

d. 2,4,6,8,10,12

_____2. Ang 2,4,6,8,10,12 na yugto ng makataong kilos ay kabilang sa kategorya ng:

a. free will

b. moral na pagpapasya

c. isip

d. kilos-loob

_____3. Ang makataong kilos ay mula sa deliberasyon ng kanyang kilos-loob, pinagpasyahan ng malaya at may kaalaman sa magiging resulta nito. Ang implikasyon nito ay:

a. Ang tao ay nagiging handa sa anumang pananagutan nito.

b. Ang mga yugto ng makataong kilos ay makakatulong sa paggawa ng tao ng kanyang moral na pasya at kilos.

c. Sa pamamagitan nito ay mas magiging mapanagutan ang tao sa kilos at pagpapasiya niya sa kanyang buhay.

d. lahat ng nabanggit.

B. Panuto: Nais mong kausapin ang isa sa iyong kaibigan sapagkat maraming nasasaktan sa kanyang pagbibiro. Suriin at ihanayang mga yugto ng makataong kilos (Hanay A) sa mga deliberasyon ng isip at kilos-loob sa Hanay B. Isulat ang titik ng napiling sagot sa patlang bago ang bilang. Sa aytem 4-9, piliin ang sagot mula sa A-F at sa G-L naman pipiliin ang sagot sa 10-15. (12 puntos; 1 puntos bawat aytem)

HANAY AHANAY B
_____4. Pagkaunawa sa layuninA. Ang isip ay magsusuri at maglalahad ng mga iba’t ibang paraan upang mapagsabihan ang kaibigan
_____5. Nais ng layunin.B. Pagkatapos mailahad ng isip ang mga posibleng paraan, aaprobahan o bibigyan pahintulot ng kilos-loob ang mga paraan na mga ito.
_____6. Paghuhusga sa nais makamtanC. Magiging intensiyon ang isang ideya mula sa simpleng pagnanais o pagkagusto lamang.
_____7. Intensiyon ng layuninD. Kung sa palagay ng kalooban ay mabuti ang gagawin mong pakikipag-usap sa kaibigan, magpapatuloy ito sa panghuhusga ng isip sa posibilidad ng ideya.
_____8. Masusing pagsusuri ng paraanE. Sinasang-ayunan ng kilos-loob ang kilos kung ang gagawin mo ay nakakabuti. Maaari din namang hindi nito sasang-ayunan ang ideya.
_____9. Paghuhusga sa paraanF. Ang pagnanais mo na makausap ang iyong kaibigan upang mapagsabihan sa kanyang ginagawa.
_____10. Praktikal na paghuhusga sa pinili.A. Dito pumapasok ang kalayaan ng kilos-loob (freedom of the will) upang pumili. Pinili ng iyong kalooban na kausapin mo siya ng personal.
_____11. PagpiliB. Magkakaroon ng praktikal na panghuhusga o deliberasyon ang isip sa kung ano ang mga pinakaangkop na paraan kasama na rito ang mga sirkumstansya na kailangan niyang pag-isipan. Maaaring maging simple lang kung gagamitin mo ang text o sulat sapagkat hindi mo na aatupagin ang kanyang reaksiyon basta’t ang mahalaga ay maipapaalam mo ang kanyang pagkakamali. Kung kakausapin niya ito ng personal, kailangan mahinahon, pormal at dibdiban upang magiging maayos ang takbo ng usapan, at iba pa.
_____12. UtosC. Ang kilos-loob ang saligan ng kilos na ibig sabihin ay ito ang may kapangyarihan sa katawan na isagawa ang kilos. Ang kilos-loob ang nagpapagalaw sa mga paa upang puntahan ang kaibigan, sa bibig upang umimik at iba pa.

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

HANAY AHANAY B
_____13. PaggamitD. Nagbibigay ang isip ng mga direksiyon sa mga dapat gawin tulad ng pagyaya sa kaibigan upang magmeryenda upang magkaroon ng pagkakataon na mag-usap, at iba pa.
_____14. Pangkaisipang kakayahan ng layuninE. Nagkakaroon ng kagaanan at katahimikan sa iyong kalooban sapagkat nakausap mo iyong kaibigan tungkol sa kanyang paraan ng pagbibiro na maraming nasasaktan at mapagsabihan mo na rin na maari niyang itong baguhin o kaya naman ay maghinay-hinay upang mapabuti niya ang kanyang pakikitungo sa iba.
_____15. BungaF. Ang mga pakultad sa ating pagkatao ay isasagawa ang utos ng kilos-loob na gawin ang nasabing pakikipag-usap at pagsabihan sa personal ang kaibigan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Mag-isip ng isang karanasan sa inyong buhay na gumawa ka ng pagpapasiya na hindi dumaan sa yugto ng makataong kilos. Ano ang pinakamahalagang natutunan mo mula sa karanasang ito? Isulat sa iyong dyornal.





Batayan ng pagbibigay ng puntos

3 puntos2 puntos1 puntos
Maayos ang pagsagot sa mga ang tanong, at kakikitaan ito pagpapahalaga.Nasasagot ang tanong ngunit hindi kumpleto ang diwa ng pangungusap..Hindi masyadong nabibigyan ng katuturan ang tanong at hindi kumpleto ang diwa ng pangungusap.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer boxes on this page are printed rotated; sections are given below in module order]

Subukin
  1. D
  2. B
  3. A
  4. D
  5. C
  6. B
  7. A
  8. B
  9. D
  10. A
  11. C
  12. A
  13. C
  14. D
  15. B
Tuklasin (Gawain 1)
  1. Isip
  2. Kilos-loob
Gawain 3
  1. Ang sagot ay HINDI, sapagkat dito nagtatapos ang ideya. Hindi magiging intensiyon ang isang ideya kung hindi ito tatanggapin ng kilos-loob, kung kaya’t hindi ito maisasakilos. -Akwinu, N.D.


  2. Ang sagot ay HINDI, dahil ang mabuting kilos ay nakabatay sa moral na pagpapasiya ng isip at kilos-loob. –Akwinu, N.D; Brizuela – et.al, 2005


  3. Ang sagot ay HINDI, sapagkat may kalayaan ang tao na isagawa ito o hindi. Bahagi ito ng malayang pagpili ng kilos-loob (free will).


Pagyamanin (Gawain 2)
  1. Isip
  2. Kilos-loob
  3. Isip
  4. Kilos-loob
  5. Isip
  6. Kilos-loob
  7. Isip
  8. Kilos-loob
  9. Isip
  10. Kilos-loob
  11. Isip
  12. Kilos-loob
Isa-isip (Gawain 5)
IsipKilos-loob
1. pagkaunawa sa layunin2. nais ng layunin
3. paghuhusga sa nais makamtan4. Intensiyon ng layunin
5. masusing pagsusuri ng paraan6. paghuhusga ng paraan
7. praktikal na paghuhusga sa pinili8. pagpili
9. utos10. paggamit
11. pangkaisipang kakayahan ng layunin12. bunga
Tayahin
  1. A
  2. D
  3. D
  4. F
  5. E
  6. D
  7. C
  8. A
  9. B
  10. H

Sanggunian

Brizuela, Mary Jean B., et al. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang. Modyul para sa mag-aaral.

Doyle, Robert O. The Information Philosopher. Thomas Aquinas. 2008. Retrieved on June 27, 2020at https://www.informationphilosopher.com/solutions/philosophers/aquinas/

Obstat, Nihil & D.J. Mcmahon, D.D. Elementary Course of Christian Philosophy, Chapter II Subjective Principles of Human Action. The Brothers of the Christian School. 1989. Retrieved on March 9, 2020 at https://maritain.nd.edu/jmc/etext/cp40.htm

Polskie Towarzystwo Tomasza z Akwinu. N.D. A.Act, Human. Retrieved on March 9, 2020 at https://www.google.com.ph/url?sa=t&source=web&rct=j&url=http://www.ptta.pl/pef/haslaen/a/acthuman.pdf&ved=2ahUKEwityc3mzaHqAhW8zYsBHfqAAxEQFjAPegQIBRAB&usg=AOvVaw22FQcGdu34g1DKpc4UHcPf

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For aspiring school heads

Aiming to lead a school?

Practise for the NASH with timed, situational questions written against the PPSSH and scored by depth of thinking. Free to start.

NASH Reviewer · practice for the National Assessment for School Heads