Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Narito ito upang tulungan kang maging bihasa sa Lipunang Pampolitiko, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa upang makapagtaya o makapanghusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa ay umiiral o nilabag sa pamilya, Paaralan, Pamayanan, lipunan at bansa.
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na:
- Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura at pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
Napapatunayan na:
a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong
pangkat tulad ng mga pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
b. Kung umiiral ang prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.
c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisiskap na mapabuti ang uri ng pamumuhay sa lipunan / bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil nakasalalay ang kanyang pag- unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa). (EsP9PL-Id-2.3)
d. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan,
pamayanan (baranggay), at lipunan/bansa. (EsP9PL-Id-2.4)