Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Narito ito upang tulungan kang maging bihasa sa Lipunang Pampolitikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa upang makapagtaya o makapanghusga kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan, lipunan at bansa.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
2.1 Naipaliliwanag ang:
a. dahilan kung bakit may lipunang pampolitika
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa
2.2 Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay, pamayanan o lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2