This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8 self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 7: “Pananagutan ng Magulang” (the responsibilities of parents). It is for Grade 8 learners studying at home or in class, and for the parents and teachers who guide them. After this module, learners should be able to explain why giving children a good education, guiding their decisions, and forming their faith are among a parent’s most important duties.
The module was prepared by DepEd Caraga Region as part of the Alternative Delivery Mode (First Edition, 2020). It has one lesson, Aralin 1: Pananagutan ng Magulang.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module develops this learning competency (EsP8PB-Id-2.3). Learners should be able to:
- Explain that, beyond giving life to their children, parents are responsible for giving them a proper education, guiding them in making decisions, and forming them in faith.
- Explain that the right and duty of parents to educate their children is their unique and most important role.
Key ideas: three responsibilities of parents
The module starts from the idea that a child is a gift from God to the parents, and that this gift comes with responsibility. Even before a child is born, parents are responsible for bringing the child into the world and giving the child a name, a nationality, and basic needs such as food, clothing, and a home. On top of these, the module focuses on three main responsibilities.
1. Giving a proper education
Education is described as one of a child’s basic needs. A responsible parent works to give the child the knowledge that can be learned both inside and outside school, including the physical, mental, emotional, social, and spiritual aspects, so the child becomes a useful member of society.
The module calls education the only inheritance a parent can give that no one can ever steal. It is the parent’s unique and most important role because it is the way a person gains:
- knowledge, values, skills, beliefs, and moral habits
- self-confidence and the ability to judge right from wrong
- the strength to stand up against injustice, violence, and corruption
- stronger moral and ethical values and awareness of one’s duties and rights in the family, society, and nation
Education also improves a person’s way of life and social and economic standing, widens their outlook, and helps them reach their dreams and live a peaceful life.
2. Guiding children in making decisions
A wrong decision can lead to regret. Parents’ guidance helps a child become wise, firm, and responsible in every decision. The module notes that parents teach their children to think a decision over many times (“makapitong isipin”) to see whether it is good or not.
3. Forming the child’s faith
Parents should show that God is the center of the family’s life. Faith strengthens the bond among family members, and a child who grows up with a God-centered life is likely to become a good person to the family, to others, and to society.
Activities in the module
| Part | Activity | What learners do |
|---|---|---|
| Balikan | Gawain 1: Tama o Mali! | True or false review of the previous module |
| Tuklasin | Gawain 2: Grapiko ng Pananagutan! | List three responsibilities of their own parents in a graphic organizer and answer two guide questions |
| Pagyamanin | Gawain 3: Sagot Mo, Pangatwiranan Mo! | Explain each responsibility in a paragraph and rank them by personal value |
| Pagyamanin | Gawain 4: Kasabihan Ko, Interpretasyon Mo! | Interpret three sayings, one for each responsibility |
| Pagyamanin | Gawain 5: Pag-unawa sa Teksto! | Read the story of Anna, who had to stop school after her father’s accident, and answer two questions |
| Isaisip | Gawain 6: Buod-Larawan! | Write a summary of the lesson based on a set of pictures |
| Isagawa | Gawain 7: Karanasan Mo, Ibahagi Mo! | Share personal experiences of how their parents carried out each responsibility |
| Karagdagang Gawain | Gawain 8: Kung Ikaw? | Complete sentences imagining themselves as parents |
The written activities come with rubrics, mostly scored at 10, 8, or 5 points.
How to use this module
- Learners: Start with the 15-item Subukin (pretest), then go through each part in order and finish with the 15-item Tayahin (post-test). Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
- Parents and guardians: The module asks you to guide your child at home. Gawain 2 and Gawain 7 ask learners about their own parents, so they are good chances to talk together about education, decision-making, and faith.
- Teachers: The Mga Tala para sa Guro note says to let the learner continue if they do well in Balikan, and to send them back to the previous module if they do not. The Susi sa Pagwawasto (answer key) covers Balikan, Subukin, and Tayahin; use the rubrics to grade the open-ended activities.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 7.
What is the learning competency code of this module?
The module states the competency code EsP8PB-Id-2.3.
What are the three responsibilities of parents discussed in the module?
Giving children a proper education, guiding them in making decisions, and forming them in faith.
Why does the module call education the most important role of parents?
Because education is how a person gains knowledge, values, skills, moral habits, self-confidence, and the ability to judge right from wrong. The module also calls it the only inheritance that no one can steal.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Balikan activity, the Subukin pretest, and the Tayahin post-test. The open-ended activities are graded with rubrics.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Markahan – Modyul 7: Pananagutan ng Magulang
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7: Pananagutan ng Magulang
CO_Q1_EsP8_Module7
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Pananagutan ng Magulang Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jasmin Sabanati, Rashiel Joy F. Lepaopao Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth M. Ysulan, Victor A. Odtohan, Julita C. Flores, Michael C. Paso, Mark Lorenz C. Luib, John Rey C. Clarion, Judith E. Ecoben, Jezzine F. Salar, Megie M. Lillo Tagaguhit: Alim V. Eviota, Mark Lorenz C. Luib, Merlinda W. Malimit, Jay S. Mateo, Adonis P. Umipig, Jubell C. Cababat Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Lope C. Papeleras, Michael C. Paso, Juan Jr. L. Espina
Inilimbag sa:
Department of Education – Caraga Region
Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 Email Address: caraga@deped.gov.ph
8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7: Pananagutan ng Magulang
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito nga iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o stratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan nya ng ibayong tulong mula a tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahaan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamamit lang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong n gating mga tagapagdaloy. Umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Pinagkalooban ng Panginoon ang magulang ng anak. Ito ay regalong maituturing ngunit kaakibat nito ang pananagutan ng magulang na dapat magampanan sa pagpapalaki sa kaniyang anak. Kabilang na rito ang pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng damit, pagkain, tahanan, pagtuturo ng magagandang asal, pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya, paghubog sa pananampalataya at iba pa. Iba-iba man ang pamilyang pinanggagalingan at maging ang kaparaanan ng mga magulang sa pagtugon sa kaniyang pananagutan sa anak, tiyak sinisikap ng bawat magulang na magampanan ito alang-alang sa ikabubuti at magandang kinabukasan ng anak.
Ang aralin na ito ay maging daan para maunawaan mo ang pananagutan ng isang magulang at kung bakit ito ginagawa ng magulang para sa anak.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Naipapaliwanag na bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na bigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at hubugin sa pananampalataya. b. Naipapaliwanag na ng karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang. (EsP8PB-Id-2.3)
Subukin
Maraming Pagpipilian: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Bakit mahalagang maturuan ng magulang ang mga anak sa mabuting pagpapasiya?
- A. Upang maging matalino sila sa pagpapasiya.
- B. Upang maging malaya sila sa pagdedesisyon.
- C. Upang malaman nila kung ang kanilang desisyon ay tama o mali.
- D. Upang walang pagsisisihan ang mga anak sa kanilang pagpapasya.
Bakit mahalagang mahubog ng magulang ang pananampalataya ng anak?
- A. dahil ang Panginoon ang sentro ng ating buhay
- B. dahil ang Panginoon ang pinakamakapangyarihan sa lahat
- C. dahil magiging matagumpay ang buhay ng pamilya kung may pananampalataya
- D. lahat ng nabanggit
Bakit mahalagang mabigyan ng magulang ang anak nang maayos na edukasyon?
- A. dahil ito ang susi sa pagyaman
- B. dahil ito ang basihan sa paghanap ng trabaho
- C. dahil ito ang pinakamahalagang gampanin ng magulang
- D. dahil ito ang yaman ng magulang na hindi puwedeng nakawin
Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng mga magulang sa kanilang mga anak, MALIBAN sa isa.
- A. magkaroon ng pangalan
- B. magkaroon ng nasyonalidad
- C. maibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng anak
- D. maibigay ang mga pagunahing pangangailangan ng anak
Kung ang buhay ng pamilya ay nakasentro sa Diyos, ano ang maaaring maging bunga nito sa buhay ng anak?
- A. Magiging kilala sa lipunan.
- B. Magiging lider siya sa kanilang lipunan.
- C. Magkakaroon siya ng maraming kaibigan.
- D. Magiging mabuting tao siya sa pamilya, kapuwa at lipunan.
Paano mahuhubog ng magulang ang pananampalataya ng anak?
- A. pagtuturo ng daan patungo sa simbahan
- B. pagtuturo ng pananalangin nang sabay-sabay
- C. pagtuturo sa mga anak ng pagbabasa ng bibliya
- D. pagtuturo sa tamang kasuotan tuwing magsisimba
Bakit itinuturing na bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin ng magulang ang pagbibigay ng edukasyon?
- A. sapagkat ito ay humuhubog sa lahat ng aspeto ng isang tao
- B. sapagkat ito ay basihan ng pagiging isang respetadong indibidwal
- C. sapagkat ito ay kwalipikasyon sa paghanap ng magandang trabaho
- D. sapagkat ito ay nauuso sa ngayon na dapat makapagtapos ng pag-aaral
Bakit kailangang malinang sa mag-aaral ang aspetong pisikal, mental, emosyonal, sosyal at ispiritwal sa pagbibigay ng maayos na edukasyon?
- A. upang maging kapaki-pakinabang kay lolo at lola
- B. upang maging kapaki-pakinabang sa sarili at mga kakilala
- C. upang maging kapaki-pakinabang sa lipunang ginagalawan
- D. upang maging kapaki-pakinabang sa pamilya at kamag-anak
Si Erla ay isang mabait at tahimik na batang lumaki sa probinsya na hindi sanay sa pakikihalubilo sa maraming tao. Isang araw, namasyal silang mag-ina sa mall at saglit siyang iniwan ng ina na pumunta sa palikuran. Habang naghihintay ay may lumapit na lalaki at niyaya siyang manood ng sine. Sasama na sana siya ngunit dumating ang kaniyang ina at napigilan ito. Ano ang nararapat niyang gawin bilang anak sa sitwasyong ito?
- A. Makiusap sa ina na payagang sumama sa lalaki.
- B. Hindi papansinin ang ina at patuloy na sumama sa lalaki.
- C. Ipakilala ang lalaki na kaibigan upang makasama sa panonood ng sine.
- D. Sabihin sa ina ang sitwasyon at makiusap na isumbong ito sa security guard na naroroon.
Nagsusumikap sa pagtatrabaho ang magulang ni Lina. Bagama’t hindi lahat ng gusto ng anak ay ibinibigay nila. Sa murang edad ay pinapaintindi ng magulang na kailangang mag-ipon. Bakit nag-iipon ang magulang ni Lina?
- A. upang maipasyal ang anak
- B. upang maipagtapos sa pag-aaral ang anak
- C. upang maibili ng magandang damit ang anak
- D. upang maibili ng magandang sasakyan ang anak
Bakit kailangang gabayan ang anak sa pagpapasiya?
- A. upang maiwasan ang pagkakamali
- B. upang walang pagsisihan sa huli
- C. upang maging mabuting magulang
- D. upang maging responsable sa anumang desisyon
Gusto ni Maria na mag-aral sa pribadong paaralan ngunit hindi pa niya tiyak kung anong kurso ang kukunin. Bilang magulang, ano ang nararapat gawin upang magabayan ang anak sa pagpapasya?
- A. magulang ang pipili ng kursong kukunin ng anak
- B. magsuhestiyon na kunin ang kursong gusto ng kaibigan
- C. hayaan na lang ang anak kung anong kurso ang mapipili
- D. gabayan ang anak kung paano mamimili ng kurso batay sa kanyang hilig at kaalaman.
Bakit sinasabing ang edukasyon ay tanging pamana ng isang magulang sa anak?
- A. dahil ang edukasyon ay nagpapayaman
- B. dahil ito ay nagpapadagdag ng kaalaman
- C. dahil ang edukasyon ay hindi nananakaw ninuman
- D. dahil ito ay pinto na magbubukas sa pagkamit ng pangarap
Dating nanampalataya si Lucky sa Panginoon ngunit nang magkasakit ng kanser nag-iba ang kaniyang paniniwala, ni ayaw niyang magsimba. Bilang magulang, ano ang nararapat gawin upang muling maibalik ang pananampalataya ni Lucky?
- A. Igalang ang desisyon ng anak.
- B. Pagalitan ang anak hanggang sa magbalik-loob.
- C. Ipaalala na ang Panginoon ang sentro ng buhay ng tao.
- D. Hahayaan ang anak na maniwala na walang Panginoon.
Dahil sa pagkahilig ni Max sa paglalaro ng online games nawalan na ito ng interes sa pag-aaral. Bilang magulang, paano mo kukumbinsihin ang anak na mag-aral ulit?
- A. Respetuhin ang desisyon ng anak.
- B. Hayaan ang anak na gawin ang gusto.
- C. Ipagbili ang bagay na gusto niya para lang mag-aral ulit.
- D. Ipauunawa sa anak ang kahihinatnan kung walang pinag-aralan.
Aralin 1 Pananagutan ng Magulang
“Edukasyon ang tanging pamana ng magulang na kailanman ay hindi mananakaw ninuman.”
-Anonymous
[illustration: hand holding a puzzle piece, inside a circle]
Balikan
May inihanda akong gawain hinggil sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang binabati na kita.
Gawain 1: Tama o Mali!
Suriing mabuti ang bawat pahayag sa ibaba. Isulat ang titik T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
- Ang kahirapan ay ang kalimitang banta sa mga magulang na hindi napapaaral ang anak.
- Ang magulang ang pangunahing tagahubog sa pananampalataya ng anak.
- Ang pagkalulong sa bisyo ay nakatutulong sa pag-aaral ng anak.
- Ang krisis sa pamilya ay banta sa pananampalataya.
- Malaki ang ginagampanang papel ng kaibigan sa pagpapasiya ng anak.
Mga Tala para sa Guro
[illustration: hand holding a stack of papers, inside a circle]
Kung matagumpay na naisagawa ng bata ang gawaing nasa Balikan ay hayaan siyang magpatuloy sa kasunod na gawain. Kung hindi naman, pabalikan ang sinundang modyul.
Tuklasin
[illustration: hand holding a seedling, inside a circle]
Gawain 2: Grapiko ng Pananagutan!
Sa tulong ng graphic organizer, magtala ng tatlong pananagutan o tungkulin ng magulang sa kanilang mga anak. Pagkatapos, sagutan ang gabay na tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[chart: graphic organizer; Gawain 2: Grapiko ng Pananagutan!. Labels: center circle “Pananagutan o tungkulin ng aking magulang”; three empty circles, one at the top, one at the lower left, and one at the lower right, connected by arrows to the center. The circles have no printed text.]
Gabay na Tanong:
- Para sa iyo, nagampanan ba ng iyong magulang ang nabanggit mong mga pananagutan o tungkulin?
- Bakit mahalagang magampanan ng magulang ang kaniyang mga pananagutan sa anak?
Suriin
[illustration: magnifying glass held by a hand, inside a circle]
Matapos mong matutunan sa nakaraang modyul ang mga banta sa pamilyang Pilipino sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya, ngayon ihanda ang sarili sa bagong aralin.
Ang anak ay itinuturing na regalong kaloob ng Panginoon sa isang magulang. Ngunit kaakibat na regalong ito ay ang pananagutan ng mga magulang sa tamang pagpapalaki ng anak. Habang nasa sinapupunan pa ang isang bata ay responsibilidad ng mga magulang na maisilang ito, magkaroon ng pangalan, nasyonalidad at maibigay ang mga pangunahing pangangailangan.
Isa sa pangunahing pangangailan ng anak ay ang pagkakaroon ng maayos na edukasyon. Bilang isang mapanagutang magulang, pinagsusumikapan niyang maibigay ang wastong pangangailangang pangkaalaman na maaaring matutunan sa labas at loob ng paaralan. Kabilang na rito ang paglinang ng aspetong pisikal, mental, emosyonal, sosyal, at ispiritwal upang maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan sa lipunang ginagalawan. Ang edukasyon din ang tanging maipamamana ng magulang sa anak na kailanman ay hindi mananakaw ninuman na magsisilbing matibay na pundasyon tungo sa magandang kinabukasan.
Ang pagbibigay ng edukasyon ay bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin ng mga magulang sa anak sa kadahilanang: ito ang paraan sa pagkamit ng kaalaman, halaga, kasanayan, paniniwala, gawi sa moral, kompyansa sa sarili, kakayahan sa paghusga sa mabuti o masama. Maging sa kakayahang lumaban sa kawalan ng katarungan, karahasan, katiwalian, pagkakaroon ng mas mahusay na moral at etikal na pagpapahalaga at mataas na antas ng kamalayan sa tungkulin at karapatan sa pamilya, lipunan at bansa.
Napabubuti rin ang paraan ng pamumuhay, katayuan sa lipunan at pang-ekonomiya, napapalawak ang pagtingin at pananaw, pagkamit ng pangarap, pagkakaroon ng maayos at mapayapang buhay.
Sa madaling sabi, malaki ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa moderno at industriyalisadong lipunan kung kaya kinakailangan ng tao ang maayos na edukasyon upang mabuhay sa mapaghamong mundo. Ika nga ang edukadong tao na may mahusay na edukasyon ay naging mabuting mamamayan sa lipunan.
Ang paggabay ng magulang sa bawat pagpapasiya ng anak ay isa rin sa kanilang tungkulin. Kung mali ang pagpapasiya ng anak, maaaring pagsisisi ang magiging kahihinatnan nito. Ang paggabay ng magulang sa pagpapasiya ay nakakatulong para maging matalino, may paninindigan at responsable sa anumanang desisyon ng anak. Itinuro nila na sa gagawing pagpapasya ay dapat makapitong isipin kung ito ba ay makabubuti o hindi.
Bukod sa paggabay ng magulang ay kinakailangang mahubog ang pananampalataya ng anak. Dapat maipamalas na ang Panginoon ang sentro ng kanilang buhay sa pamamagitan ng pananampalataya na makapagpapatibay sa samahan ng bawat kasapi ng pamilya. Kung lumaki ang anak na nakasentro ang buhay sa Panginoon, tiyak maging isang mabuting tao siya sa pamilya, sa kapuwa at sa lipunan.
Ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa paggawa ng mabuting pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya ay mga pangunahing pangangailangan ng isang anak. Kung susuriin mo ang bahaging Tuklasin at nagampanan ng iyong mga magulang ang nabanggit mong mga pananagutan at tungkulin, ma-swerte ka sapagkat sinisikap ng iyong mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya upang matugunan at maibigay ang lahat ng iyong pangangailan.
Pagyamanin
[illustration: hand stacking blocks, inside a circle]
Gawain 3: Sagot Mo, Pangatwiranan Mo!
Ipaliwanag ang bawat pananagutan ng magulang sa anak sa isang talata at isaayos ito batay sa sariling pagpapahalaga. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[chart: pyramid; Gawain 3 (unnumbered). Labels: above the triangle, “Pagbibigay ng maayos na edukasyon”, “Paggabay sa pagpapasiya”, “Paghubog sa pananampalataya”; the three rounded boxes stacked in the triangle are empty; the base reads “Pananagutan ng Magulang sa Anak”.]
Rubrik sa Pangangatwiran
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman ng Talata | Nakasusulat ng tamang pangangatwiran hinggil sa tatlong pananagutan ng magulang sa anak | Nakasusulat ng tamang pangangatwiran hinggil sa dalawang pananagutan ng magulang sa anak | Nakasusulat ng tamang pangangatwiran hinggil sa isang pananagutan ng magulang sa anak |
Gawain 4: Kasabihan Ko, Interpretasyon Mo!
Ipaliwanag ang iyong sariling interpretasyon kaugnay ng kasabihan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Kasabihan | Pagpapaliwanag |
|---|---|
| Pagbibigay ng maayos na edukasyon Wastong edukasyon ay pahalagahan, ito ay susi sa magandang kinabukasan. -Anonymous | |
| Paghubog ng pananampalataya Sa oras ng problema at kaginhawaan, pananampalataya sa Panginoon ang kakapitan -Anonymous | |
| Paggabay sa pagpapasiya Ang mabuting pagpapasiya, Nadadala maging sa pagtanda. -Anonymous |
Rubrik sa Pagsulat ng Interpretasyon sa Kasabihan
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Lahat ng kasabihan ay nabigyang ng tamang interpretasyon | Mayroong dalawang kasabihan ang nabigyan ng tamang interpretasyon | Mayroong isang kasabihan ang nabigyan ng tamang interpretasyon |
Gawain 5: Pag-unawa sa Teksto!
Unawaing mabuti ang teksto pagkatapos sagutin ang katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Si Anna ay nag-iisang anak ng mag-asawang negosyante. Nakapag-aral siya sa pribadong paaralan, nakapasyal sa mga malalayo at magagandang lugar, nakabibili ng mamahaling gamit at nakakain ng mamahalin at masasarap na pagkain. Sa madaling salita, naibigay ng magulang ang marangyang buhay kay Ana.
Isang araw sa kanilang pamamasyal ay naaksidente ang kaniyang ama. Labis ang natamong pinsala nito na kinakailangan ng matagalang gamutan. Dahil dito, unti-unting ipinagbili ang kanilang mga ari-arian para sa pagpapagamot ng kaniyang ama. Bunga rin nito, napabayaan ang kanilang negosyo dahilan ng pagkalugi nito.
Hindi na makayanan ng kaniyang ina na pagsabayin ang pagpapagamot ng asawa at pagpapaaral kay Anna. Kaya nagdesisyon ang kaniyang ina na huminto na muna siya sa kaniyang pag-aaral.
- Sa tingin mo, pinapahalagahan ba ng ina ni Anna ang pagbibigay edukasyon sa kaniyang anak? Pangatwiranan.
- Kung ikaw si Ana, ano ang maaari mong gawin para makapagpatuloy ng pag-aaral sa kabila ng problemang kinakaharap ng pamilya?
Rubrik sa Gawaing Pag-unawa sa Teksto
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Lahat ng tanong ay nabigyang ng tamang sagot | Mayroong dalawang tanong na nabigyan ng sagot ngunit may kakulangan sa ideya | Mayroong isang tanong na nabigyan ng tamang sagot |
Isaisip
[illustration: lightbulb inside a circle above an open hand, section icon]
Gawain 6: Buod-Larawan!
Bumuo ng buod sa pamamagitan ng pagsasalarawan ng pangkalahatang kaisipan sa aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
[illustration: three black-and-white panels: children and adults at a table with a seated figure; a girl and a woman with thought bubbles showing scenes; a school gate and a woman and a child near the entrance]
Iginuhit ni: Alim V. Eviota
Rubrik sa Pagsulat ng Buod
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman | Ang mensahe ay mabisang naipakita. | Di-gaanong naipakita ang mensahe. | Medyo magulo ang mensahe. |
| Kaangkupan sa paksa | May malaking kaugnayan sa paksa ang ginawang buod | Di-gaanong may kaugnayan sa paksa ang ginawang buod | Kaunti lang ang kaugnayan sa paksa ang ginawang buod |
| Kabuoang Puntos = 20 |
Isagawa
[illustration: hand holding gears inside a circle, section icon]
Gawain 7: Karanasan mo, Ibahagi Mo!
Batay sa sariling karanasan, ibahagi mo kung paano nagampanan ang pananagutan ng iyong magulang batay sa mga naitala sa hanay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Mga Pananagutan | Karanasang Maibahagi |
|---|---|
| 1. Maayos na edukasyon | |
| 2. Paggabay sa mabuting pagpapasya | |
| 3. Paghubog ng pananampalataya |
Rubrik sa Pagsulat ng Talata
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman ng Talata | Lahat ng pananagutan ng magulang ay naibahagi nang tama | Mayroong dalawang pananagutan ng magulang ang naibahagi nang tama | Mayroong isang pananagutan ng magulang ang naibahagi nang tama |
Tayahin
[illustration: hand holding a pencil inside a circle, section icon]
Maraming Pagpipilian
Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.
Paano mahuhubog ng magulang ang pananampalataya ng anak?
A. pagtuturo ng daan patungo sa simbahan
B. pagtuturo ng pananalangin nang sabay-sabay
C. pagtuturo sa mga anak ng pagbabasa ng bibliya
D. pagtuturo sa tamang kasuotan tuwing magsisimbaBakit itinuturing na bukod tangi at pinakamahalagang gampanin ng magulang ang pagbibigay ng edukasyon?
A. sapagakat ito ay humuhubog sa lahat ng aspeto ng isang tao
B. sapagkat ito ay basihan ng pagiging isang respetadong indibidwal
C. sapagkat ito ay kwalipikasyon sa paghanap ng magandang trabaho
D. sapagkat ito ay nauuso sa ngayon na dapat makapagtapos ng pag-aaralBakit kailangang malinang ng mag-aaral ang aspetong pisikal, mental, emosyonal, sosyal at ispiritwal sa pagbibigay ng maayos na edukasyon?
A. upang maging kapaki-pakinabang kay lolo at lola
B. upang maging kapaki-pakinabang sa sarili at mga kakilala
C. upang maging kapaki-pakinabang sa lipunang ginagalawan
D. upang maging kapaki-pakinabang sa pamilya at kamag-anakSi Erla ay isang mabait at tahimik na batang lumaki sa probinsya na hindi sanay sa pakikihalubilo sa maraming tao. Isang araw, namasyal silang mag-ina sa mall at saglit siyang iniwan ng ina na pumunta sa palikuran. Habang naghihintay ay may lumapit na lalaki at niyaya siyang manood ng sine. Sasama na sana siya ngunit dumating ang kaniyang ina at napigilan ito. Ano ang nararapat niyang gawin bilang anak sa sitwasyong ito?
A. Makiusap sa ina na payagang sumama sa lalaki.
B. Hindi papansinin ang ina at patuloy na sumama sa lalaki.
C. Ipakilala ang lalaki na kaibigan upang makasama sa panonood ng sine.
D. Sabihin sa ina ang sitwasyon at makiusap na isumbong ito sa security guard na naroroon.Nagsusumikap sa pagtatrabaho ang magulang ni Lina. Bagama’t hindi lahat ng gusto ng anak ay ibinibigay nila. Sa murang edad ay pinapaintindi ng magulang na kailangang mag-ipon. Bakit nag-iipon ang magulang ni Lina?
A. upang maipasyal ang anak
B. upang maipagtapos sa pag-aaral ang anak
C. upang maibili ng magandang damit ang anak
D. upang maibili ng magandang sasakyan ang anakBakit kailangang gabayan ang anak sa pagpapasiya?
A. upang maiwasan ang pagkakamali
B. upang walang pagsisihan sa huli
C. upang maging mabuting magulang
D. upang maging responsable sa anumang desisyonGusto ni Maria na mag-aral sa pribadong paaralan ngunit hindi pa niya tiyak kung anong kurso ang kukunin. Bilang magulang, ano ang nararapat gawin upang magabayan ang anak sa pagpapasya?
A. magulang ang pipili ng kursong kukunin ng anak
B. magsuhestiyon na kunin ang kursong gusto ng kaibigan
C. hayaan na lang ang anak kung anong kurso ang mapipili
D. gabayan ang anak kung paano mamimili ng kurso batay sa kanyang hilig at kaalaman.Bakit sinasabing ang edukasyon ay tanging pamana ng isang magulang sa anak?
A. dahil ang edukasyon ay nagpapayaman
B. dahil ito ay nagpapadagdag ng kaalaman
C. dahil ang edukasyon ay hindi nananakaw ninuman
D. dahil ito ay pinto na magbubukas sa pagkamit ng pangarapDating nanampalataya si Lucky sa Diyos ngunit nang magkasakit ng kanser nag-iba ang kaniyang paniniwala, ni ayaw niyang magsimba. Bilang magulang, ano ang nararapat gawin upang muling maibalik ang pananampalataya ni Lucky?
A. Igalang ang desisyon ng anak.
B. Pagalitan ang anak hanggang sa magbalik-loob.
C. Ipaalala na ang Panginoon ang sentro ng buhay ng tao.
D. Hahayaan ang anak na maniwala na walang Panginoon.Dahil sa pagkahilig ni Max sa paglalaro ng online games nawalan na ito ng interes sa pag-aaral. Bilang magulang, paano mo kukumbinsihin ang anak na mag-aral ulit?
A. Respetuhin ang desisyon ng anak.
B. Hayaan ang anak na gawin ang gusto.
C. Ipagbili ang bagay na gusto niya para lang mag-aral ulit.
D. Ipauunawa sa anak ang kahihinatnan kung walang pinag-aralan.Bakit mahalagang maturuan ng magulang ang mga anak sa mabuting pagpapasiya?
A. upang walang pagsisisihan
B. upang malaya sa pagdedesisyon
C. upang malaman ang tama sa mali
D. upang maging matalino sa pagpapasiyaBakit mahalagang mahubog ng magulang sa pananampalataya ang anak?
A. dahil ang Panginoon ang sentro ng ating buhay
B. dahil ang Panginoon ang pinakamakapangyarihan sa lahat
C. dahil magiging matagumpay ang buhay ng pamilya kung may pananampalataya
D. lahat ng nabanggitBakit mahalagang mabigyan ng magulang ang anak nang maayos na edukasyon?
A. dahil ito ang susi sa pagyaman
B. dahil ito ang basihan sa paghanap ng trabaho
C. dahil ito ang pinakamahalagang gampanin ng magulang
D. dahil ito ang yaman ng magulang na hindi puwedeng nakawinAng mga sumusunod ay mga pananagutan ng mga magulang sa kanilang mga anak, MALIBAN sa isa.
A. magkaroon ng pangalan
B. magkaroon ng nasyonalidad
C. maibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng anak
D. maibigay ang mga pagunahing pangangailangan ng anakKung ang buhay ng pamilya ay nakasentro sa Diyos, ano ang maaaring maging bunga nito sa buhay ng anak?
A. Magiging kilala sa lipunan.
B. Magiging lider siya sa kanilang lipunan.
C. Magkakaroon siya ng maraming kaibigan.
D. Magiging mabuting tao siya sa pamilya, kapuwa at lipunan.
Karagdagang Gawain
[illustration: two gears inside a circle, section icon]
Gawain 8: Kung ikaw?
Panuto: Dugtungan ang mga parirala upang makabuo ng isang makabuluhang konsepto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Kung ikaw ang nasa katayuan ng iyong magulang, paano mo ipaliliwanag sa iyong mga anak ang halaga ng pagbibigay ng maayos na edukasyon?
Kung ako ang nasa katayuan nila, _____
Kung ikaw ang nasa katayuan ng iyong magulang, paano mo maipapakita ang paggabay sa pagpapasya ng iyong mga anak?
Kung ako ang nasa katayuan nila, _____
Kung ikaw ang nasa katayuan ng iyong magulang, paano mo huhubugin sa pananampalataya ang iyong anak?
Kung ako ang nasa katayuan nila, _____
Rubrik sa Gawaing Kung Ikaw
| Pamantayan | Napakahusay (10 puntos) | Mahusay (8 puntos) | Nangangailangan ng Pag-unlad (5 puntos) |
|---|---|---|---|
| Nilalaman ng Sagot | Lahat ng parirala ay nadugtungan at nasagutan nang tama | Mayroong dalawang parirala na nadugtungan at nasagutan nang tama | Mayroong isang parirala na nadugtungan at nasagutan nang tama |
Susi sa Pagwawasto
[illustration: key inside a circle, section icon]
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down; the entries below are read in their upright orientation]
Balikan Gawain 1
- T
- T
- M
- T
- M
Subukin
- A
- D
- C
- C
- D
- B
- A
- C
- D
- B
- D
- D
- C
- C
- D
Tayahin
- B
- A
- C
- D
- B
- D
- D
- C
- C
- D
- A
- D
- C
- C
- D
Sanggunian
Aklat
Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City.
Hanguang Elektroniko
Aladics, Richard S. 2000. christendom-awake.org. November 5. Accessed May 26, 2020. http://christendom-awake.org/pages/aladics/rights&duties.html.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply