Ang modyul na ito ay ginawa upang lubusang makikilala ang mga gawi o mga karanasan sa sariling pamilya na kung saan ay nagpapakita ng pagbibigay ng sapat na edukasyon, paggabay ng magulang sa tamang pagpapasya at paghubog ng pananampalataya upang maging matatag ang samahan ng bawat kasapi nito, hindi lang sa miyembro ng pamilya maging sa pakikitungo sa kapuwa. Ang karanasang ito ay magsisilbing matibay na pundasyon na makatutulong sa maayos na pakikitungo sa lipunang ginagalawan kalakip ng pagsasabuhay sa mga aral na natutunan sa pamilya.
Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:
a. Nakikilala ang mga gawi o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya. (EsP8PB-Ic-2.1)
esp8_q1_mod5_Misyon-ng-Pamilya_v2