Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Unang Markahan – Modyul 11: Komunikasyon sa Katatagan at Kaunlaran ng Pamilya

Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapadala o pagtanggap ng anumang impormasyon sa pasalita, hindi-pasalita at maging sa virtual na paraan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang ninanais at pagmamalasakit. Datapwa’t sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag-kapwa ay kinakailangan ay mas malawak na pag-unawa sa mga antas ng komunikasyon at kahalagahan ng pagiging bukas at tapat sa lahat ng oras.

Sa paglalakbay mo sa modyul na ito ay pagsikapang mabigyang tugon ang mga tanong na:

a. Gaano ba kahalaga ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon?

b. Paano ba ito nakatutulong sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan ng pamilya sa lipunan?

c. Ano ang dapat isaalang-alang sa pakikipagkomunikasyon upang mapaunlad ang pakikipagkapuwa?

Sa modyul na ito ay malilinang ang kasanayang pampagkatuto na:

a. ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay daan sa mabuting ugnayan ng pamilya sa kapuwa;

b. ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapuwa; at

c. ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon ay makatutulong sa angkop at maayos na pakikipag-ugnayan sa kapuwa. (ESP8PB-If-3.3)

esp8_q1_mod11_Komunikasyon-sa-Katatagan-at-Kaunlaranng-Pamilya_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment