EsP 7 Quarter 1 Module 6: Paunlarin mga Talento at Kakayahan

Grade 7 EsP Quarter 1 Module 6 on developing talents and abilities through practice, interest, self-confidence, and a personal development plan.

This is the Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 7 self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 6 (Module 6): “Paunlarin mga Talento at Kakayahan” (develop your talents and abilities). It is written in Filipino for Grade 7 learners studying at home or in school. It shows that talents and abilities are gifts that grow through practice, interest, self-confidence, and a clear personal plan.

The module is an Alternative Delivery Mode (ADM) resource, First Edition 2020, prepared by DepEd MIMAROPA Region. Its writer is Deo C. Ilagan and its editor is Loida S. Pigon.

On this page 9 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • Show that discovering and developing their own talents and abilities matters, because these are gifts that, when developed, build self-confidence. They also help learners overcome weaknesses, fulfill duties, and serve the community (EsP7PS-Id-2.3).
  • Carry out activities that suit the development of their own talents and abilities (EsP7PS-Id-2.4).

Lessons in this module

The module has one lesson, Aralin 1: “Paunlarin mga Talento at Kakayahan.” It follows the usual self-learning module parts:

  • Alamin (learn): the objectives.
  • Subukin (pretest): five multiple-choice questions and a 15-item exercise on types of intelligence.
  • Balikan (review): Gawain 1, “Pangarap Ko!” (my dream).
  • Tuklasin (discover): Gawain 2, “Talento Mo Pagyamanin” (enrich your talent).
  • Suriin (analyze): the main reading on talent, practice, self-confidence, and planning.
  • Pagyamanin (enrich): Gawain 3, “Plano ng Buhay” (life plan).
  • Isaisip (remember): Gawain 4, a fill-in-the-blank word puzzle.
  • Isagawa (apply): Gawain 5, “Magpasya!” (decide).
  • Tayahin (assessment): the final test.
  • Karagdagang Gawain (additional activity): Gawain 6, “Ihakbang Mo” (take the step).

Key ideas: talent needs practice and interest

The module teaches that talents and abilities are natural, but they must be developed through practice. It cites a long study by Professor Erickson and his group of famous and successful people in different fields. They found two things:

  1. Natural ability is usually not enough. Skill and success come from careful, focused practice, as in the saying “Practice makes perfect.”
  2. Interest matters too. Besides talent, we need hilig (interest, or enjoying what we do). Being happy in our work gives us the motivation to go beyond our natural ability and to serve others and the community.

Key ideas: self-confidence

Tiwala sa sarili (self-confidence) is belief in your own ability to finish a task well. The module lists four facts about it:

  • It is not inherited; it is learned.
  • It is not the same everywhere; our confidence differs across situations and tasks.
  • It changes over time, rising or falling with our life experiences.
  • It does not depend on things outside ourselves, such as being rich or having people who love us.

The story of the eagle

The reading “Ang Lakas ng Agila” (the strength of the eagle) tells of an eagle that can live 70 years, but only if it makes a hard decision to change. It flies to a mountaintop and strikes its beak on a rock so a new one grows. Then it removes its old feathers and old claws. After this painful change, it begins a long new life with strength to face challenges.

Key ideas: making a personal development plan

Citing Covey’s Seven Habits of Highly Effective Teens (1998), the module says growth begins with ourselves and recommends “Begin with the end in mind.” A Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili (personal development plan) works like a map and sets goals. It should include the weaknesses to overcome, skills to learn, and talents and abilities to develop. Making one takes three steps:

  1. Identify where you are now: your strengths and weaknesses.
  2. Identify where you want or need to go: which areas to develop and which come first.
  3. Decide how you will carry out the changes.

The module notes that the hardest part is often naming and accepting our weaknesses. Once we do that, the rest becomes easier.

Types of intelligence in the activities

The Subukin and Tayahin exercises ask learners to match careers with types of intelligence. The answer key uses these types:

  • visual/spatial
  • verbal/linguistic
  • bodily/kinesthetic
  • musical/rhythmic
  • intrapersonal
  • interpersonal
  • naturalist
  • existential
  • mathematical/logical

For example, architecture is matched with visual/spatial intelligence.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest, then work through each part in order. Write your answers on separate paper or in your journal notebook, not in the module. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) honestly. If you did the activities well, move on to the next module. If not, go back over them and ask a classmate or your teacher for help.
  • Parents and guardians: The drawing and chart activities (Gawain 1, 2, 3, 5, and 6) ask about your child’s dreams, talents, and the people who can help. You can talk these over together, and you may be one of the helpers your child lists.
  • Teachers: Each output activity comes with a scoring rubric:
ActivityTotal points
Gawain 1: Pangarap Ko!40
Gawain 2: Talento Mo Pagyamanin15
Gawain 3: Plano ng Buhay20
Gawain 6: Ihakbang Mo30

The answer key covers the Subukin and Tayahin tests and the Gawain 4 word puzzle.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 7 Edukasyon sa Pagpapakatao, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 6.

What competencies does Module 6 cover?

It covers EsP7PS-Id-2.3, on why discovering and developing your talents matters, and EsP7PS-Id-2.4, on doing activities that develop your own talents and abilities.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Subukin pretest, the Tayahin final test, and the Gawain 4 word puzzle.

What did Professor Erickson find about talent?

According to the module, natural ability is usually not enough for success. Skill comes from careful practice, and interest or enjoyment in your field also matters.

What is a personal development plan?

It is a plan that works like a map for growing as a person. You identify where you are now, where you want to go, and how you will make the changes.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao: Unang Markahan – Modyul 6: Paunlarin mga Talento at Kakayahan

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 6: Paunlarin mga Talento at Kakayahan

7

[illustration: students reading and writing outdoors and at a desk, a teacher, and a child with a lamp and a globe]

CO_Q1_ESP 7_ Module 6

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 6: Paunlarin mga Talento at Kakayahan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Deo C. Ilagan Editor: Loida S. Pigon Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla, Cristy R. Temple, Elma C. Palen, Ronalyn B. Conales, Ma. Luz N. Darjuan Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana Tagalapat: Khristine S. Lacsamana, Jefferson R. Repizo Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Suzzette T. Gannaban-Medina, Susana M. Bautista, Cynthia Eleanor G. Manalo, Mariflor B. Musa, Freddie Rey R. Ramirez, Melbert S. Broqueza, Danilo C. Padilla, Annabelle M. Marmol, Domingo L. Mendoza Jr., Elmer P. Concepcion, Loida S. Pigon

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telephone Number: (02) 6314070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

7

Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 6: Paunlarin mga Talento at Kakayahan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

CO_Q1_ESP 7_ Module 6

Aralin 1 Paunlarin mga Talento at Kakayahan

Alamin

[illustration: hand touching a circular button icon]

Ngayon naman sa modyul na ito ay matutuklasan natin na ang talento at kakayahan ay mga kaloob na dapat paunlarin. Mahalaga lamang na mahubog ang tiwala sa sarili upang magampanan ang tungkulin sa pamayanan.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

a. Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga aking talento at kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay mahuhubog ang sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkod sa pamayanan; (EsP7PS-Id-2.3)

b. Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talento at kakayahan. (EsP7PS-Id-2.4)

CO_Q1_ESP 7_ Module 6

Subukin

[illustration: hand holding a pencil]

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letrang napili sa iyong sagutang-papel.

  1. Ayon kay Professor Erickson, napatutunayan ang kahusayan ng tao sa pamamagitan ng _____.
    A. karanasan
    B. masusing pagsasanay
    C. pinag-aralan
    D. tiwala sa sarili


  2. Ito ay tumutukoy sa pagkagusto o pagiging masaya sa ating ginagawa.
    A. hilig
    B. mithiin
    C. tiwala
    D. tiyaga


  3. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nababago ng _____.
    A. lugar
    B. panahon
    C. pera
    D. siyensya


  4. Saan nagsisimula ang pag-unlad ng tao?
    A. kapwa
    B. paaralan
    C. pamilya
    D. sarili


  5. Alin sa sumusunod na kasabihan ang may kaugnayan sa talento at kakayahan?
    A. Honesty is the best Policy
    B. Practice makes Perfect
    C. The feeling is mutual
    D. Time is Gold


CO_Q1_ESP 7_ Module 6

Subukin B

B. Panuto: Tukuyin ang iba’t ibang uri ng talino, pagkatapos isulat sa katapat ng mga larangang nakasulat. Ilagay ang sagot sa iyong “journal notebook“. Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.

  1. Arkitektura – Visual
  2. Abogasya
  3. Politika
  4. Mamamahayag
  5. Karpintero
  6. Musikero
  7. Negosyante
  8. Magsasaka
  9. Social Worker
  10. Guro
  11. Philosopher
  12. Kompositor ng awit
  13. Theorist
  14. Manggagamot
  15. Researcher

CO_Q1_ESP 7_ Module 6

Balikan

[illustration: hand holding a puzzle piece]

Gawain 1. Pangarap Ko!

Panuto: Gumuhit ng sariling simbolo tungkol sa larangan na nais mong maabot. Sa loob ng larawan na iginuhit, ilagay ang nais mong larangan, ang iyong dahilan kung bakit ito ang nais mo at mga gagawing hakbang upang ito ay iyong makamit. Gawin ito sa iyong “journal notebook“.

PAMANTAYAN PARA SA PAGGAWA NG LARAWAN

PamantayanDeskripsyonPuntosNatamong Puntos
NilalamanNaipakita at naipaliwanag nang mahusay ang larawan na nais maabot, dahilan kung bakit ito ang nais, at gagawing hakbang upang maabot ito.10
Kaangkupan ng KonseptoMaliwanag at angkop ang mensahe ng paglalarawan ng konsepto tungkol sa larangan na nais maabot, dahilan, at hakbang para maabot ito.10
Pagka-orihinalOrihinal ang ideyang ginamit sa paggawa ng larawan.10
Kabuoang PresentasyonMalinis at maayos ang kabuoang larawang ginawa.5
PagkamalikhainAng pagguhit at konsepto at simbolong ginamit ay nakatulong nang lubos upang maipahayag ang mensahe at konsepto.5
Kabuoang Puntos40

Tuklasin

Gawain 2. Talento Mo Pagyamanin

Lahat tayo ay may mga kakayahan at talento sa buhay. Ngunit, paano natin ito tinutuklas at pinagyayaman?

Panuto: Suriin ang sarili at isipin ang mga kakayahan at talento na mayroon ka. Itala ang mga ito sa kolum ng talento, kakayahan at magbigay ng mga pamamaraan na iyong magagawa upang mapagyaman o mapaunlad ang mga ito. Ilagay ang sagot sa iyong “journal notebook”. Gayahin ang pormat.

TalentoKakayahanPaano Mo Pinagyayaman?

Pamantayan sa Paggawa

Orihinalidad – 5 puntos Nilalaman – 5 puntos (nakapagbigay ng 1-2 = 3 puntos at 3 o higit = 5 puntos) Pagkamalikhain – 5 puntos Kabuoan = 15 puntos

Suriin

Unawain at pagnilayan ang sumusunod na babasahin. Magkaroon ng masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan na at kayang-kaya mo yan!

Likas ang mga talento at kakayahan ngunit kailangang paunlarin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasanay (practice). Si Professor Erickson at kaniyang grupo ay nagsagawa ng mahabang pag- aaral ng mga sikat at matagumpay na personalidad sa iba’t ibang larangan. Dalawang mahalagang bagay ang natuklasan nila:

Una, kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at matagumpay sa anomang larangan. Ang kanilang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi at matamang pagsasanay. Wika nga sa Ingles “Practice makes perfect”.

Ikalawa, bukod sa talento o kakayahan, mahalaga rin na tayo ay may interes o hilig sa ating larangang pinasok. Dapat na tayo ay masaya sa ating ginagawa upang magkaroon tayo ng inspirasyon o motibasyon na lampas o higitan pa ang ating natural na kakayahan. Ito ay upang maging angat tayo sa iba tungo sa paglilingkod sa kapwa at pakikibahagi sa pamayanan.

Ano nga ba ang tiwala sa sarili o “self- confidence”? Ang tiwala sa sarili ay ang paniniwala sa sariling kakayahan. Ito ay tiwala sa sariling kakayahan na matatapos ang isang gawain nang may kahusayan. Ilan sa mga bagay na dapat nating malaman tungkol sa tiwala sa sarili ay ang sumusunod:

a. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay natutuhan. b. Hindi ito pangkalahatan, bagkus ay may iba’t ibang antas tayo ng tiwala sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon at gawain. c. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong tumaas o bumaba ayon sa ating mga karanasan sa buhay. d. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili gaya halimbawa ng pagiging mayaman o pagkakaroon ng mga taong nagmamahal sa atin.

Ang Lakas ng Agila

May kwento tungkol sa buhay ng agila. Ang agila ay maaaring mabuhay ng pitumpong taon. Subalit para maabot iyon ay kailangan niya ng isang matinding pagpapasya. Pagpapasya na pagmumulan ng matinding proseso ng pagbabago. Ang pagpapasya na mabuhay o mamatay. Mamamatay siya kung ayaw na niyang mapalitan ang kanyang lumang balahibo, tuka, at kuko. Kung nais naman niyang madagdagan pa ang buhay, kailangan niyang lumipad sa isang mataas na bundok.

Sa tuktok ng bundok siya gagawa ng kanyang pugad at dito magsisimula ang mga pagbabago sa kanya. Una, kailangan na ihampas niya ang kanyang tuka sa bato para mapalitan ng bago. Pangalawa, tanggalin niya ang lumang balahibo sa may pakpak at katawan. At panghuli, matanggal ang lumang kuko para magamit niya nang maayos.

Pagkatapos ng matinding pagbabago sa agila, dito magsisimula ang panibago at mahabang buhay ng paglipad na may lakas at kapangyarihang harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Ayon kay Covey (Seven Habits of Highly effective Teens, 1998), ang pag-unlad ng mga kakayahan ay nagsisimula sa ating sarili. Isang mabisang paraan upang masimulan ang daan sa pagpapaunlad ng sarili ay ang paggawa ng plano o mga hakbang sa pagkamit nito. Sabi nga ni Covey, “Begin with the end in mind”. Isang halimbawa ay ang paggawa ng Plano sa Pagpapaunlad ng sarili o “Personal Development Plan”. Ito ay tulad ng isang mapa na gabay sa paglalakbay tungo sa pagpapaunlad ng sarili. Ito ay pagtatakda rin ng tunguhin (goal) tungo sa pagpapaunlad ng sarili. Dapat taglay nito ang mga bahagi ng ating sarili na dapat nating paunlarin o kahinaang kailangang malampasan, kasanayang kailangang natutuhan, at mga talento.

Kakayahang kailangang paunlarin. Madali lang ang paggawa ng Plano sa pagpapaunlad ng sarili:

Una, dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon. Ano-ano ang ating mga kalakasan at kahinaan?

Ikalawa, tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Anong aspeto ang kailangang paunlarin, alin ang dapat unahin.

At sa huli, kailangang lapatan ito ng mga paraan kung paano isasagawa ang mga pagbabago. Maaaring ang pinakamahirap sa bahagi nito ay ang pagtukoy at pagtanggap sa ating kahinaan. Kung magagawa natin ito, mas magiging madali na ang iba pang bahagi.

Pagyamanin

Gawain 3. Plano ng Buhay

Panuto: Gumawa ng iyong PLANO NG BUHAY. Punan ng sagot ang tsart ayon sa hinihingi sa bawat kahon. Ilagay ito sa iyong “journal notebook”.

Pangarap Mo/ Nais sa BuhayMga Tao na Maaaring Tumulong sa Iyo sa Pagkamit NitoTalento o Kakayahan Na Gagamitin Mo At Ilang Taon ang Ilalaan Mo para Marating ItoMga Hakbang o Gagawing paraan upang Ito ay Matupad

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO

Nilalaman 10 puntos Pagkamalikhain ng Gawa 5 puntos Orihinalidad (sariling gawa) 5 puntos


Kabuoan = 20 puntos

Isaisip

Gawain 4. Pagpupunan ng Patlang

Panuto: Ayusin ang mga binaliktad na letra upang mabuo ang salita. Isulat sa “journal notebook” ang salitang mabuo mula sa mga binaliktad na letra na nasa loob ng panaklong.

Kailangan nating tuklasin ang ating _____ (lentato) at _____ (yakakahan). Ito ay sa pamamagitan ng masusing _____ (sasapagnay) at _____ (lighi) sa larangang pinasok.

Ang _____ (walati) sa sarili ay paniniwala sa sariling kakayahan na matatapos ang isang gawain nang may kahusayan. Ang paggawa ng _____ (nopla) sa pagpapaunlad ng sarili ay tulad ng isang mapa na gabay sa paglalakbay tungo sa maayos na buhay.

Isagawa

Gawain 5. Magpasya!

Panuto: Punan ang bawat kahon ng tsart. Isulat ang sagot sa inyong “journal notebook”

Mga hinihinging gawain o hakbanginSagot: Mga Paraan
1. Magbigay ka ng mga paraan na magagawa mo para mapaunlad ang iyong talento o kakayahan.1.
2.
2. Kapag nakakaranas ka ng kabiguan, Ano ang ginagawa mong paraan upang ito ay malampasan?1.
2.
3. Hakbang upang higit na mapapaunlad ang tiwala mo sa iyong sarili?1.
2.
4. Nagsisilbing lakas o inspirasyon mo sa inyong pamilya.1.
2.
5. Paraan na ginagawa mo upang maibahagi ang iyong talento/kakayahan sa iba.1.
2.

Tayahin

A.

Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod ay may kaugnayan sa pagtuklas at pagpapaunlad ng talento at mga kakayahan. Letra lamang ang isulat sa iyong sagutang-papel.

  1. Saan nagsisimula ang pag-unlad ng tao?

    • A. kapwa
    • B. paaralan
    • C. pamilya
    • D. sarili
  2. Alin sa sumusunod na kasabihan ang may kaugnayan sa talento at kakayahan?

    • A. Honesty is the best Policy
    • B. Practice makes Perfect
    • C. The feeling is mutual
    • D. Time is Gold
  3. Ayon kay Professor Erickson, napatutunayan ang kahusayan ng tao sa pamamagitan ng _____________.

    • A. karanasan
    • B. masusing pagsasanay
    • C. pinag-aralan
    • D. tiwala sa sarili
  4. Ito ay tumutukoy sa pagkagusto o pagiging masaya sa ating ginagawa.

    • A. hilig
    • B. mithiin
    • C. tiwala
    • D. tiyaga
  5. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nababago ng ________.

    • A. lugar
    • B. panahon
    • C. pera
    • D. siyensya

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nilalaman – 10 puntos Pagkamalikhain sa Paggawa – 5 puntos Kalinisan at Kaayusan ng Gawa – 5 puntos Orihinalidad – 5 puntos (Sariling gawa at walang pinagtularan)


KABUOAN = 25 Puntos

B.

Panuto: Tukuyin ang iba’t ibang uri ng talino, pagkatapos isulat ito sa katapat ng mga larangan ng hanapbuhay. Isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.

  1. Arkitektura
  2. Abogasya
  3. Politika
  4. Mamamahayag
  5. Karpintero
  6. Musikero
  7. Negosyante
  8. Magsasaka
  9. Social Worker
  10. Guro
  11. Philosopher
  12. Kompositor ng awit
  13. Theorist
  14. Manggagamot
  15. Researcher

Karagdagang Gawain

Gawain 6. Ihakbang Mo

Panuto: Punan ang tsart sa pamamagitan ng pagtala ng mga hakbang upang mapaunlad ang iyong mga talento at mga kakayahan. Ilagay sa tapat nito ang mga tao na maaaring gumabay o tumulong sa iyo. Ilagay ang sagot sa iyong “journal notebook”.

HAKBANGTAONG MAAARING TUMULONG
1. __________
2. __________
3. __________
4. __________
5. __________
6. __________

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nilalaman 15 puntos Orihinalidad 5 puntos Pagkamalikhain 5 puntos Kalinisan at Kaayusan ng Gawa 5 puntos KABUOAN = 30 Puntos

O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga gawain? Kung oo, tumungo ka na sa susunod na Modyul. Kung hindi, balikan mo ang mga gawain sa modyul na ito.

Hingin ang tulong o paggabay ng isang kamag-aral o ng guro.

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answers below were read after turning the page 180 degrees]

Pagyamanin
  1. TALENTO
  2. KAKAYAHAN
  3. PAGSASANAY
  4. HILIG
  5. TIWALA
  6. PLANO
Subukin
No.A.B.
1Bvisual/spatial
2Averbal/linguistic
3Bverbal/linguistic
4Dverbal/linguistic
5Bbodily/kinesthetic
6musical/rhythmic
7intrapersonal
8naturalist
9interpersonal
10verbal/linguistic
11existential
12musical/rhythmic
13existential
14mathematical/logical
15intrapersonal
Tayahin
No.A.B.
1Dvisual/spatial
2Bverbal/linguistic
3Bverbal/linguistic
4Averbal/linguistic
5Bbodily/kinesthetic
6musical/rhythmic
7intrapersonal
8naturalist
9interpersonal
10verbal/linguistic
11verbal/linguistic
12musical/rhythmic
13existential
14mathematical/logical
15intrapersonal

Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 7 Learner’s Material (Units 1& 2) pahina 54 -62

Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.19 pahina 3/18 1.3. Hinango Enero 26, 2010 mula sa (http://www.bse.portal)

Tony DiRomualdo. Are Top Performers Born or Made? Hinango Abril 20, 2010 mula sa http://wistechnology.com/article.php?id=2958

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district