Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang maunawaan ang pinakamahalagang kasanayan sa pampagkatuto na: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan: F7PN-Ia-b-1
Pagkatapos ng mga gawain ay inaasahang makamit mo ang sumusunod na mga layunin:
- Nasusuri ang ugnayan ng tradisyon sa binasang akda.
- Naibibigay ang hinuha sa pahayag ng mga tauhan, kaugalian at kalagayang panlipunan sa akda.
- Naibibigay ang mga salitang may kaugnayan sa paghihinuha.