Palagi ka bang nagsasabi ng totoo? Ano ang pakiramdam mo tuwing nagsasabi ka ng totoo? Kapag masakit sa iyong kalooban dapat bang hindi na ituloy ang pagsasabi ng totoo? Bakit? Ang katapatan ay ang pagiging totoo o matuwid ng isang tao na kung saan siya ay hindi nandaraya o nagsisinungaling. Ito rin ay susi upang mabigyan ng solusyon ang isang problema at maitama ang maling nagawa.
Ang sumusunod na mga layunin ang tatalakayin sa modyul na ito:
▪ Nakapagpapahayag ng katotohanan kahit masakit sa kalooban gaya ng pagkuha ng pag-aari ng iba, pangongopya sa oras ng pagsusulit, pagsisinungaling sa sinomang miyembro ng pamilya, at iba pa;
▪ Nakatutugon ng maluwag sa kalooban sa mga pinaniniwalaang pahayag; at
▪ Naipapakita ang katatagan ng kalooban sa pagsasabi ng katotohanan.
EsP5_Q1_mod7_PagpapahayagNgKatotohanan_v2