Edukasyon sa Pagpapahalaga 10 Unang Markahan – Modyul 7: Pagmamahal at PaglilingkodTugon sa Tunay na Kalayaan

Kalayaan paano ka nga ba natutugunan? Marahil ang sagot natin sa katanungang ito ay iba iba. Ito ay dulot ng pagkakaiba ng ating karanasan o estado sa buhay. Ang pagtugon natin sa kalayaan ay nakabatay pa rin ayon sa ating pagunawa, prinsipyo, pakahulugan o marahil ay yaong maidudulot niyang magandang resulta sa ating sarili o sa ibang tao.

Mga mahahalang katanungan na ating matutunghayan at mahihinuha sa modyul na ito ay mga sumusunod: Ano ano ang karananiwang pangyayari sa buhay estudyante? Ano ano ang angkop kilos na puwede mong magawa? Ano ano ang mga kaugaliang nakapagdudulot inspirasyon o sagabal upang makapili ng tamang desisyon? Sapat ba ang maging pagmamahal at paglilingkod lamang upang matugunan at maisabuhay ang tunay na kalayaan?

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

A. Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. (EsP10MP 3.3)

B. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.
(EsP10MP 3.4)

EsP10-Q1-M7-Pagmamahal-at-Paglilingkod-Tugon-sa-Tunay-na-Kalayaan-2-converted

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment