Filipino sa Piling Larang-Teknikal Bokasyunal: Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang: TeknikalBokasyunal- SHS ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Deskripsyon ng Produkto.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat na makakatulong sa lubos na pagkatuto. Makakatulong ito upang mabatid ang kaligirang kaalaman sa teknikal na mga sulatin. Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop sa iba’t ibang pamamaraang pampagkatuto. Ang mga aralin ay nilapatan ng angkop na talasalitaan na magagamit sa pag-unawa sa nilalaman ng bawat teksto. Ang mga aralin ay nakadisenyo batay sa sistematikong balangkas ng kurso.

Ang modyul ay may isang aralin:

  • Aralin 3- Dokumentasyon sa Paggawa ng Bagay o Produkto

Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:

  • Naipaliliwanag sa paraang sistematiko at malinaw ang piniling anyo sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na termino.

1. Natutukoy ang nilalaman, katangian, at mga dapat tandaan sa pagbuo ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto;

2. Naisasaayos ang mga paraan sa paggawa ng isang bagay at natutukoy ang larawang kaugnay ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay;

3. Nakapagsasaliksik hinggil sa halimbawa ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto na ginagamit sa isang espesipikong trabaho; at

4. Nakabubuo ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto na ginagamit sa isang espesipikong trabaho.

Filipino sa Piling Larang-Teknikal Bokasyunal Ikalawang Markahan: Dokumentasyon sa Paggawa ng Isang Bagay o Produkto

Week-3-Q2-ADM-Version-2-Filipino-SHS-TVL

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment