Arts 5 Quarter 3 Module 4: Variations ng Paglilimbag Gamit ang Iba’t Ibang Kulay

This is the Arts self-learning module for Grade 5, Quarter 3, Module 4: “Variations ng Paglilimbag Gamit ang Iba’t Ibang Kulay” (printmaking variations using different colors). It was prepared by the Schools Division of Baybay City, Region VIII, for learners studying at home, with help from parents or other guides. After this module, learners can make their own printed designs and choose colors using color theory.

What learners will learn

The module’s competency is to create variations using different colors (A5PR-IIIe). By the end, learners are expected to:

  • Follow, in order, the steps for making different printmaking variations using different color theories
  • Create different printmaking variations using different colors
  • Value correct knowledge of printmaking

What is printmaking (paglilimbag)?

The module has one lesson, “Aralin 1: Variations ng Paglilimbag Gamit ang Iba’t Ibang Kulay.” It explains that the art of printmaking began in China hundreds of years ago. The Chinese used it to record their history and to tell stories through pictures.

Printmaking is a way of moving a drawn or carved image onto another surface. The image can be carved from wood, rubber, metal, and other materials. You make a print by leaving the mark of a colored object on paper or cloth. You can use things around you, such as vegetables and discarded items. Printed designs use different lines, textures, and colors to make them more attractive.

The module also notes that printed artwork is a product Filipinos can make and sell. It can add to family and national income. Printmaking is also a good way to share meaningful images and messages about oneself, the community, and the environment.

Color theory in the module

Color theory gives life to a drawing. It guides you on which colors go well together. The module uses the color wheel to explain these color theories.

Color family

Primary (Pangunahin)Secondary (Pangalawa)Tertiary (Pangatlo)
Red, yellow, blueGreen, orange, violetYellow green, yellow orange, blue green, blue violet, red violet, red orange

Color properties

  • Hue: the name of a pure color, such as red, blue, or yellow.
  • Value: how light or dark a color is. Adding black or white changes its value.
  • Intensity: how bright or dull a color is. Pure colors have high intensity. Dull colors have low intensity.

Color association

  • Warm colors (red, yellow, orange) remind us of hot things. We notice them quickly in our surroundings and in artworks.
  • Cool colors (blue, violet, green) remind us of cold things. They reach our eyes more slowly and can make images in an artwork look far away.

Color harmony

  • Monochromatic: uses only one color.
  • Complementary: two colors directly opposite each other on the color wheel. Together they give strong contrast and look brighter.
  • Triad: three colors evenly spaced on the color wheel. The two main triads are red, blue, and yellow, and orange, violet, and green.
  • Analogous: colors next to each other on the color wheel. They usually match well and make calm, comfortable designs.

Steps in making a print with different colors

  1. Draw the design with a pencil.
  2. Put old newspaper under the paper to protect the work table.
  3. Carve textures or lines into an object that can be carved, using a cutter. Be careful with the cutter.
  4. Choose colors that show a color theory.
  5. Paint the carved object with a brush dipped in watercolor, then press it onto your design. You may also use crayons, acrylic paint, or different colors of ink.
  6. Let it dry.
  7. Clean the table after the activity.
  8. Display your printed designs.

Activities in the module

  • Subukin (pretest): put ten pictured printmaking steps in order.
  • Balikan (review): mark which items are used in printmaking, such as a leaf, pencil, paper, coloring materials, and a matchstick.
  • Tuklasin (discover): look at dabbed, textured paintings and answer questions about them.
  • Pagyamanin (practice): Gawain 1 asks learners to put the eight steps in order. Gawain 2 asks them to make a design using paper, pencil, scissors, newspaper, cardboard, and wood, and to print it in alternating, repeated patterns. Gawain 3 asks why correct printmaking knowledge and color theory matter.
  • Isaisip (remember): complete the sentence “Ang natutuhan ko sa araling ito ay…” (what I learned in this lesson is…).
  • Isagawa (apply): make printmaking variations using color theories, then explain the finished work to a sibling or parent.
  • Tayahin (assessment): put six design steps in order. The Isagawa output is scored with a five-item rubric.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): make a print of a design that is well known in your town or place, using one color theory.

How to use this module

For learners: Start with the pretest. Then work through the lesson parts in order. Answer on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end. Ask your teacher right away if a part is hard to understand.

For parents: Prepare the materials listed in Isagawa: pencil, cutter, paper, old newspaper, objects that can be carved, bond paper, a water container, watercolor, and a brush. Watch your child when they use the cutter. Listen when your child explains their finished artwork.

For teachers: Use the rubric in Tayahin to score the Isagawa artwork. It rates following the printmaking process, making an original design, explaining the work, valuing and sharing it, and displaying it. Answers to Tuklasin, Gawain 2, and Gawain 3 depend on each learner’s response.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Arts module for?

It is for Grade 5 Arts, Quarter 3, Module 4. Its topic is printmaking variations using different colors.

What competency does the module cover?

It covers competency A5PR-IIIe: creating printmaking variations using different colors.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, ordering activities, and assessment. Open-ended tasks and artworks are checked with a rubric or depend on the learner’s response.

What color theories does the module teach?

It teaches color family (primary, secondary, tertiary), color properties (hue, value, intensity), color association (warm and cool colors), and color harmony (monochromatic, complementary, triad, analogous).

What materials are needed for the printmaking activity?

The Isagawa task lists a pencil, cutter, paper, old newspaper, objects that can be carved, bond paper, a water container, watercolor, and a brush. Crayons, acrylic paint, or colored ink can also be used.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q3_Arts5_ Module4

Arts

Ikatlong Markahan – Modyul 4: Variations ng Paglilimbag Gamit ang Iba’t Ibang kulay

[illustration: group of students and a teacher reading and studying outdoors and at a desk, with a globe and a lamp]

Pag-aari ng Pamahalaan Hindi Ipinagbibili

Music – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode IkatlongMarkahan – Modyul 4: Variations ng Paglilimbag Gamit ang Iba’t Ibang Kulay Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) naginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

InilimbagsaPilipinas ng _________________________________________

Department of Education – Schools Division of Baybay City – Region VIII Office Address: Diversion Road, Barangay Gaas, Baybay City, Leyte Telefax: 335 – 2093 / 563 – 8100 E-mail Address: baybay.city@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gresun S. Mascariola, Rizalene A. Montuya Editors: Eden Lynne V. Lopez, Vergita M. Ibañez Tagasuri: Shirley L. Godoy, Jo-Ann Cerna-Rapada, Charo C. Sombilon Tagaguhit: Eric T. Hingabay, Caryl Vim S. Cerna, Rizalene Montuya Tagalapat: Eden Lynne V. Lopez, Jogene Alilly C. San Juan Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Arnulfo M. Balane, Rosemarie M. Guino, Joy B. Bihag, Ryan R. Tiu, Nova P. Jorge, Raul D. Agban, Lorelei B. Masias, David E. Hermano, Jr., Shirley L. Godoy, Eva D. Divino, Jo-ann C. Rapada

Arts

Ikatlong Markahan – Modyul 4: Variations ng Paglilimbag Gamit ang Iba’t Ibang Kulay

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang sining ng paglilimbag ay nagsimula sa bansang Tsina daang taon na ang nakalipas. Ginamit nila ang Paglilimbag bilang pamamaraan ng pagtala ng kasaysayan ng kanilang bansa. Ginamit din nila itong paraan ng pagkukuwento gamit ang larawan. Ang paglimbag din ay pamamaraan ng paglipat ng larawang iginuhit at inukit na maaring ginawa mula sa kahoy, goma, metal at iba pa.

Lubos na kinagigiliwan ang likhang-sining lalo na at angkop ang kulay na siyang nagbibigay buhay at katingkaran sa isang obra. Ang paglilimbag ay isa sa mga pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng isang bakas ng isang kinulayang bagay. Ang paglilimbag na ito ay maaring isagawa gamit ang mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid at lapatan na kulay alinsunod sa nais nating disenyo.

Sa modyul na ito, tayo ay makalikha ng variations gamit ang iba’t ibang kulay (A5PR-IIIe) at inaasahang makamit ang mga sumusunod:

a. Nasunod-sunod ang paraan sa paglikha ng iba’ti bang variations ng paglimbag gamit ang iba’t ibang teorya sa pagkulay. b. Nakalilikha ng iba’t ibang variations ng paglimbag gamit ang iba’t ibang kulay c. Napapahalagan ang wastong kaalaman sa paglilimbag.

Subukin

Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa paglikha ng disenyo, 1 ang pinakauna at 10 ang pinakahuli na paraan. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

[illustration: ten circular pictures showing steps of printmaking with a mango shape: pressing a leaf or object onto paper, inking, pressing paper, drawing, cutting, brushing paint, peeling paper, hanging printed cloth to dry]



1

CO_Q3_Arts5_ Module4

2

CO_Q3_Arts5_ Module4

Aralin 1: Variations ng Paglilibag Gamit ang Iba’t Ibang Kulay

Ang paglilimbag ay isa sa mga pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag-iwan ng isang bakas ng isang kinulayang bagay.

Balikan

Panuto: Lagyan ng Tsek (✓) ang patlang kung ang tinutukoy na bagay ay gamit sa paglilimbag at Ekis (x) naman kung hindi.

_____ 1. Dahon _____ 2. Lapis _____ 3. Papel _____ 4. Pangkulay _____ 5. Posporo

Tuklasin

Panuto: Pagmasdan ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.

[illustration: three paintings of a tree and two vases made with dabbed, textured strokes in green, orange, red and yellow]

Ano ang masasabi mo sa larawan?


3

CO_Q3_Arts5_ Module4

Sa tingin mo, kaya mo bang lumikha ng ganito? Paano?


Iyan ang ating gagawin sa modyul na ito! Handa na ba kayo?


Suriin

Ang paglilimbag ay isang gawaing pansining na magbibigay ng pagkakataon upang lalong malinang ang iyong pagiging malikhain at maging kapakipakinabang ang iyong kakayahan sa paggawa ng mga disenyo. Maraming bagay ang maaaring ilimbag at gamitin sa paglilimbag tulad ng bungang gulay at mga patapong bagay. Ang mga disenyong inilimbag ay ginagamitan ng iba’t ibang linya, tekstura at kulay upang mas mapaganda pa ito.

Ang teorya sa pagkulay ay mahalaga sapagkat nagbibigay ito ng buhay sa bawat guhit. Ito ang nagbibigay gabay kung anu-anong kulay ang nababagay na pagsamahin sa isang larawan. Ginagawa nitong makulay at kaaya-aya ang isang guhit o larawan.

Halimbawa:

COLOR WHEEL

Ito ang color wheel chart, ginagamit ito upang matukoy ang iba’t ibang teorya ng kulay.

[chart: color wheel; no number or title printed. Twelve colored dots arranged in a circle with no labels printed.]

4

CO_Q3_Arts5_ Module4

Ang mga sumusunod ang iba’t ibang teorya ng kulay:

COLOR FAMILY

[chart: three color wheels showing color families; no number or title printed. Each wheel has colored dots at selected positions with no labels printed on the dots.]

Pangunahin (Primary)Pangalawa (Secondary)Pangatlo (Tertiary)
Pula (Red)
Dilaw (Yellow)
Asul (Blue)
Berde (Green)
Kahel (Orange)
Lila (Violet)
Dilaw-Berde (Yellow Green)
Dilaw-Kahel (Yellow Orange)
Asul-Berde (Blue Green)
Asul-Lila (Blue Violet)
Pula-Lila (Red Violet)
Pula-Kahel (Red Orange)
COLOR PROPERTIES

Hue – ang pangalan ng isang purong kulay, tulad ng pula, asul o dilaw.

Value – gaan o kadiliman ng isang kulay. Ang value ng isang kulay ay maaaring mabago sa pamamagitan ng pagdaragdag ng itim o puti.

Intensity – ang ningning/tingkad o mapurol na kulay. Ang mga dalisay na kulay ay mga kulay na may mataas na intensity. Ang mga mapurol na kulay ay mga kulay na may mababang intensity.

COLOR ASSOCIATION

Warm Colors – Ang mga mainit na kulay ay mga kulay na nagpapaalala sa atin ng mga bagay na mainit: pula, dilaw at kahel. Ang mga kulay na ito ay mabilis nating nakikita at matukoy sa ating kapaligiran at mga likhang sining.

Cool Colors – Ang mga malalamig na kulay ay nagpapaalala sa atin ng mga bagay na naiugnay sa lamig kagaya ng asul, lila at berde. Ang mga kulay na ito ay mabagal na nakakarating sa ating mga mata. Nagagawa nitong magmukhang malayo ang mga imahe sa isang gawang sining.

[illustration: two tree paintings, one orange-red autumn-style tree and one green tree with flowers, used to illustrate warm and cool colors]

COLOR HARMONY

Monochromatic – naglalaman o gumagamit lamang ng isang kulay.

[illustration: solid red color square]

Complementary – Dalawang kulay na nasa magkabilang tapat ng color wheel. Ang kumbinasyong ito ay nagbibigay ng isang mataas na kaibahan at mataas na epekto ng kumbinasyon ng kulay, pag magkasama ang mga kulay na ito ay lilitaw na mas maliwanag.

[illustration: color wheel with a pair of opposite colors marked]

Triad – Binubuo ng tatlong mga kulay na pantay ang puwang sa color wheel. Ang dalawang pinakapangunahing triad ay ang pangunahing pula, asul at dilaw at ang pangalawang kulay na kahel, lila at berde.

[illustration: color wheel with a triad of evenly spaced colors marked]

Analogous – Mga kulay na magkakatabi sa color wheel. Karaniwan silang tumutugma nang maayos at lumilikha ng matahimik at komportableng mga disenyo.

[illustration: color wheel with a group of neighboring colors marked]

Ang mga inilimbag na likhang-sining o printed artwork ay ilan sa mga produktong kayang gawin ng mga Pilipino. Ang mga inilimbag na bagay na ito ay nagpapaganda sa ating mga bahay o isang lugar kung kaya’t ito ay maaaring mapagkakakitaan upang makatulong sakita ng pamilya at bansa.

Ang paglilimbag ay nagagamit na epektibong paraan ng pagpapakita ng makabuluhang imahe at mensahe tungkol sa sarili, pamayanan at kapaligiran.

Narito ang mga paraan sa paglikha ng iba’t ibang variations ng paglimbag gamit ang iba’t ibang kulay.

  1. Iguhit ang disenyo sa pamamagitan ng lapis.
  2. Maglagay ng lumang diyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang paggagawaan.
  3. Lumikha ng tekstura o linya sa mga bagay na maaaring ukitan gamit ang cutter. (Mag-ingat sa paggamit ng cutter)
  4. Pumili ng mga kulay upang ipakita ang teorya sa pagkulay.
  5. Pintahan ng kulay ang inukit na bagay gamit ang isinawsaw na brush sa water color at idiin ito sa disenyong ginawa. (puwede ka rin gumamit ng ibang coloring materials gaya ng krayola, acrylic paint o iba’t ibang kulay ng tinta)
  6. Patuyuin ito.
  7. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
  8. Ipaskil ang mga inilimbag na disenyo.

Pagyamanin

Gawain 1

Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa paglikha ng iba’t ibang variations ng paglimbag gamit ang iba’t ibang kulay. Lagyan ng bilang 1-8 sa patlang ayon sa pagkasunod-sunod nito.

  • _____Maglagay ng Lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang paggagawaan.
  • _____Lumikha ng tekstura o linya sa mga bagay na maaaring ukitan gamit ang cutter. (Mag-ingat sa paggamit ng cutter)
  • _____Pintahan ng kulay ang inukit na bagay gamit ang isinawsaw na brush sa pintura at idiin ito sa disenyong ginawa.
  • _____Pumili ng mga kulay upang ipakita ang napiling teorya sa pagkulay para sa dibuho.
  • _____Patuyuin ito.
  • _____Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
  • _____Ipaskil ang mga inilimbag na disenyo.
  • _____Iguhit ang disenyo sa pamamagitan ng lapis.
Gawain 2

Panuto: Lumikha ng disenyo gamit ang iba’t ibang kulay sa pamamagitan ng pagsunod ng mga hakbang sa paggawa.

Kagamitan: papel, lapis, gunting, diyaryo, cardboard, kahoy

Mga Hakbang sa Paggawa

  1. Ilahad ang lahat ng mga kagamitang kailangan sa paggawa ng likhang-sining.
  2. Bumuo ng isang disenyo ayon sa iyong nais.
  3. Pumili ng isang teorya sa pagkulay.
    Hal. color properties
  4. Kulayan/printahan ang nabuong disenyo ng matitingkad na kulay. Maaaring gumamit ng kulay na salit-salit sa mga matingkad, maputla, malabnaw sa pagbuo ng disenyo.
  5. Ang disenyo ay ilimbag ng salit-salit at paulit-ulit upang lumabas ang magandang likhang-sining.
  6. Maging malikhain sa pagbuo ng disenyo. Ayusin ayon sa nais na kalabasan.
  7. Patuyuin ang natapos na likhang-sining, lagyan ito ng pamagat at ipaskil.
Gawain 3

Mahalaga ba ang wastong kaalaman sa paglilimbag at ang paggamit ng teorya ng kulay? Bakit?



Isaisip

Punan ng mga salita ang sumusunod upang mabuo ang kaisipan. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.

Ang natutuhan ko sa araling ito ay _____


Isagawa

Panuto: Isagawa mo ang mga sumusunod:

  1. Ihanda ang mga kagamitan sa paglilimbag gaya ng lapis, cutter, papel, Lumang diyaryo, mga bagay na maaaring ukitan ng disenyo, bond paper, water container, water color at brush.
  2. Lumikha ng iba’t ibang variations ng paglimbag gamit ang iba’t ibang teorya sa pagkulay.
  3. Sundin ang mga hakbang sa paggawa ng disenyo batay sa ating tinalakay.
  4. Ipaliwanag sa iyong kapatid o nanay ang iyong natapos nalikhang-sining.
  5. Sumangguni sa Rubriks na makikita sa pahina 8 para sa kaukulang puntos.

Tayahin

a. Pagsunod-sunurin ang disenyo gamit ang iba’t ibang kulay. Lagyan ng bilang 1-6 sa patlang ayon sa pagkasunod-sunod nito

  • _____Maging malikhain sa pagbuo ng disenyo. Ayusin ayon sa nais na kalabasan.
  • _____Patuyuin ang natapos na likhang-sining, lagyan ito ng pamagat at ipaskil.
  • _____Kulayan/printahan ang nabuong disenyo ng isang napiling teorya sa pagkulay.
  • _____Ang disenyo ay ilimbag ng salit-salit at paulit-ulit upang lumabas ang magandang likhang-sining.
  • _____Ilahad ang lahat ng mga kagamitang kailangan sa paggawa ng likhang-sining.
  • _____Bumuo ng isang disenyo ayon sa iyong nais.

b. Rubriks para sa Isagawa

PamantayanNakasusunod sa pamantayan nang higit sa inaasahan (5)Nakasusunod sa pamantayan subalit may ilang pagkukulang (3)Higit na nakasusunod sa pamantayan (1)
1. Nasunod ko ang pamamaraan sa paglilimbag at nakabuo ng sariling disenyo.
2. Gumamit ako ng proseso sa bawat hakbang sa paglilimbag sa pagbuo ng disenyo
3. Naipaliwanag ko ang natapos na likhang sining.
4. Napahalagahan ko ang likhang sining sa pamamagitan ng paggamit at pagbahagi nito sa iba.
5. Naitanghal ko ang natapos na gawain.

Karagdagang Gawain

Lumikha ng disenyo sa paglilimbag mula sa inyong bayan o lugar. (Maaaring sariling disenyong gawa). Pumili ng isang disenyo na kilala o tanyag sa inyong lugar o bayan. Gamitin ito upang makagawa ng dibuho sa pamamagitan ng paglilimbag. Pumili ng isang teorya sa pagkulay.

[transcriber’s note: empty bordered box for the learner’s own artwork]

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the two boxes are transcribed in reading order, starting with the box on the right of the image]

Subukin

8 5 2 3

1 4 6 7 9

Balikan
  1. ✓
  2. ✓
  3. ✓
  4. ✓
  5. X
Tuklasin

Depende sa tugon ng mag-aaral

Pagyamanin
Gawain 1

9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1

Gawain 2

Depende sa output ng mag-aaral

Gawain 3

Depende sa tugon ng mag-aaral

Isagawa

Sumangguni sa Rubriks

Tayahin
Part I

3, 4, 6, 5, 1, 2

Part II

Sumangguni sa Rubriks

Sanggunian

Copiaco, Hazel, and Emilio Jacinto Jr. Halinang Umawit At Gumuhit 5. Reprint, Gregorio Araneta Avenue, Quezon City, Philippines: Vibal Group Incorporated. 2016, 2016, p 137 – 139

Valdecantos, Emelita. Umawit At Gumuhit 5. Reprint, Guevarra St., Sta. Cruz Manila: Saint Mary’s Publishing Corp., 1999, p 128 – 129

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *