Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.
Ang modyul na ito ay iyong pag-aaralan sa loob ng dalawang linggo. Ito ay nahahati sa sumusunod na paksa:
Unang Linggo
- Paksa 1: Mga Isyu sa Hamong Pangkapaligiran
Ikalawang Linggo
- Paksa 2: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon ng mga Hamong Pangkapaligiran
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
- Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran (MELC4)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
- Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging handa, disiplinado at pagkakaroon ng kooperasyon sa pagtugon sa mga isyung pangkapaligiran;
- naisasagawa ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran; at
- napapahalagahan ang pagkakaroon ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.