Araling Panlipunan 10 Unang Markahan – Modyul 3: Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng Suliraning Pangkapaligiran

“Ligtas Ang May Alam”, “I Am Ready”, ito ay simpleng pahayag ngunit kailangan nating pagtuonan ng pansin sa panahon natin ngayon sapagkat hindi natin alam kung ano ang darating kinabukasan.

Sa modyul na ito ay pag-aaralan ang tungkol sa mga paghahanda na dapat gawin ng mga mamamayan sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. Hindi lamang ang pamahalaan ang may responsibilidad sa mga suliraning ito. Bilang isang mag-aaral kailangan mong maunawan at maging handa sa pagharap sa mga kalamidad na kinakaharap ng pamayanan na iyong kinabibilangan.

Nakapaloob sa modyul na ito ang Aralin 1 na tatalakay sa mga Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot ng Suliraning Pangkapaligiran. Pag-aaralan mo ito sa loob ng isang linggo, ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksa:

  • Paksa 1: Ang Disaster Management
  • Paksa 2: Mga Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib/Kalamidad

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

  • Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. (MELC3)

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang iyong:

  • naibibigay ang katuturan ng Disaster Management.
  • nasusuri ang mga konsepto o termino na may kaugnayan sa disaster management.
  • naipaliliwanag ang katangian ng top-down approach sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran;
  • nasusuri ang mga layunin ng Community Based-Disaster and Risk Management.
  • natutukoy ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap ng mga panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran; at
  • napahahalagahan ang bahaging ginagampanan bilang isang mamamayan para sa ligtas na pamayanang kaniyang kinabibilangan.
AP10_q1_Mod3_Paghahandang-nararapat-gawin-sa-harap-ng-panganib-na-dulot-ng-suliraning-pangkapaligiran_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment