Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran, ang mga suliraning kinakaharap nito at ang mga hakbang na ginagawa ng pamalahalaan upang lutasin at harapin ang mga hamong dulot nito. Ang kaalaman mo sa mga sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ay mabisang hakbang upang ikaw ay kumilos tungo sa pangangalaga ng kalikasan. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.
Ang modyul na ito ay iyong sasagutan sa loob ng dalawang linggo. Ito ay nakapokus sa Aralin1: Mga Isyung Pangkapaligiran na nahahati sa sumusunod na paksa:
Ikalawang Linggo
- Paksa 1- Suliranin sa Solid Waste
- Paksa 2- Pagkasira ng mga Likas na Yaman
Ikatlong Linggo
- Paksa 3- Climate Change
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
- Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (MELC2)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
- natatalakay ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas;
- nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas;
- naiisa-isa ang mga programa at pagkilos ng iba’t-ibang sektor sa paglutas sa bawat suliraning pangkapaligiran;
- nabibigyang halaga ang mga programa at pagkilos ng iba’t-ibang sektor sa pangangalaga sa kapaligiran;
- nakagagawa ng case study tungkol sa sanhi at epekto ng mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling pamayanan.