Sa panahon ngayon, marami na tayong kakilalang mga kapwa Pilipino na nagiibayong-dagat. Patuloy ang paglawak ng migrasyon ng mga Pilipino sa ibang bansa. Maraming sanhi ang paglabas ng mga manggagawang Pilipino sa bansang sinilangan. Isa sa mga pangunahing salik nito ay ang malala nang kawalan ng trabaho dahil sa krisis pang-ekonomiya na tinatamasa ng bansa. Ito ay nadagdagan pa dahil sa paglaganap ng nakamamatay na Corona Virus Infectious Disease (COVID-19) na nakaaapekto hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na nakatuon sa iyo. Ito ay ginawa upang tulungan at gabayan kang matutunan ang paksa ukol sa Mga Dahilan at Epekto ng Migrasyon. Ito ay nakalaan para sa dalawang linggo (Ikalima at ikaanim na linggo). Nahahati ang mga aralin sa sumusunod:
I. Ikalimang linggo: Konsepto, dahilan o sanhi ng migrasyon.
II. Ikaanim na linggo : Epekto ng migrasyon.
Nakapaloob sa modyul na ito ang mahalagang kompetensi alinsunod sa K to 12 Curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
- nailalahad ang kahulugan ng migrasyon;
- nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon;
- nasusuri ang mga epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon; at
- nakapagsasagawa ng isang panayam (interview) sa kamag-anak ng isang OFW.
HELP