Sa modyul na ito ay mapag-aaralan mo ang tungkol sa salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng salik (factors) nagiging posible ang produksiyon ng iba’t ibang produkto na mahalaga sa buhay ng tao. Sa tulong ng mga gawain sa araling ito, iyong mahihinuha kung gaano kahalaga ang bawat salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang- araw -araw na pamumuhay ng tao.
Pamantayang Pangnilalaman:
- Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
Pamantayan sa Pagganap:
- Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-arawaraw na pamumuhay.
Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin)
1. Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Tao
Mga Pamantayan sa Pagkatuto:
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pangaraw-araw na pamumuhay.
ap9_q1_m4_mgasalikngproduksiyonatangimplikasyonnitosapangarawarawnapamumuhayngtao_v2