This is the Grade 9 Araling Panlipunan (Economics) self-learning module for Quarter 4, Module 5: “Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto ng Ekonomiya” (the informal sector: its causes and its effects on the economy). It was prepared by DepEd Region IX as an Alternative Delivery Mode material (first edition, 2020) for learners studying at home. After working through it, learners should understand what the informal sector is, why people join it, how it affects the economy, and which laws and government programs support its workers.
In this article 7 sections
What learners will learn
The module has one learning competency:
- Nabibigyang halaga ang mga gampanin ng impormal na sektor at mga patakarang pang-ekonomiya na nakakatulong dito (value the roles of the informal sector and the economic policies that help it). (AP9MSP-IVh16)
The module builds on the previous lesson about the agriculture, industry, and service sectors. It points out that a study of a country’s economy is not complete without the informal sector, because many citizens belong to it.
What is the informal sector?
The module’s single lesson, Aralin 1, explains the concept through several sources:
- W. Arthur Lewis: the concept comes from his economic development model. He described it as a type of livelihood found in developing countries. The module notes that about 70% of workers in Africa, 60% in Latin America, and 59% in Asia belong to this sector. Worldwide, 30 to 40% of labor falls under it (Becker, 2004).
- International Labor Organization (ILO): informal work lies outside regular industry or what the law sets. It is made up of units that produce goods and services to create jobs, with a low level of organization. Workers are often relatives or close friends, and they do not formally follow government rules.
- National Statistics Office (NSO): in April 2008 it ran the first national Informal Sector Survey in the Philippines. It found about 10.5 million people in the informal sector: about 9.1 million self-employed and 1.3 million employers.
- Cleofe S. Pastrana (NEDA): the sector helps because it gives people jobs and produces goods and services that meet our needs.
- IBON Foundation: the sector is a way for people living “isang kahig, isang tuka” (hand-to-mouth) to earn a living in hard times. Joblessness and poverty push people into it.
- Cielito Habito (Philippine Daily Inquirer, January 21, 2013): he estimated that the informal sector makes up about 40% of GDP. He called it the underground or hidden economy.
The opening activity, Traba-Hula, asks learners to name jobs shown in pictures, such as a vendor carrying two baskets on a pole, cart pushers, a fruit vendor, and a sari-sari store owner.
Why people join, and what it does to the economy
Reasons people enter the informal sector
- To avoid paying taxes to the government
- To avoid the long, complicated process of dealing with government offices (bureaucratic red tape)
- Lack of government regulation
- To overcome severe poverty
Effects of the informal sector
- Lower tax collection: the government collects and earns much less in taxes.
- Risk to consumers: products or services may not pass quality standards under the Consumer Act of the Philippines (RA 7394). Buyers may be harmed, abused, or taken advantage of.
- Spread of illegal activities: wanting to earn quickly, some people turn to work that is against the law.
Laws and programs for the informal sector
| Law | What it does |
|---|---|
| RA 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997) | Signed December 11, 1997. It pushes the Social Reform Agenda to lift informal sector workers out of poverty and created the National Anti-Poverty Commission. |
| RA 9710 (Magna Carta of Women) | Signed August 14, 2009. It removes discrimination against women and protects their civil, political, and economic rights. |
| PD 442 (Philippine Labor Code) | Enacted May 1, 1974. It is the country’s main law for workers. |
| RA 7796 (Technical Education and Skills Development Act of 1994) | Signed August 25, 1994. It brings sectors together to improve skills and the quality of the country’s human resources. |
| RA 8282 (Social Security Act of 1997) | Makes it the state’s duty to develop, protect, and promote the social welfare and security of workers. |
| RA 7875 (National Health Insurance Act of 1995) | Became law February 7, 1995. It created PhilHealth, with government subsidy for people who cannot afford medical care. |
Government programs described in the module:
- DOLE Integrated Livelihood Program (DILP): livelihood training for the self-employed and underemployed.
- Self-Employment Assistance Kaunlaran Program (SEA-K): a DSWD program that trains people to start small businesses and forms associations that can lend to members.
- Integrated Services for Livelihood Advancement of the Fisherfolks (ISLA): training for fishing towns.
- Cash-for-Work Program (CWP): a DSWD program that pays disaster victims or evacuees for helping rebuild affected areas. The module also mentions the DSWD’s 4Ps for poor families.
The Isaisip part includes a 2017 DOLE news article on moving informal workers into the formal economy. It covers the DILEEP livelihood program and the Nego-Kart starter kits.
How to use this module
- Subukin: answer the 15-item pretest to see what you already know.
- Balikan: find words about the service sector in the word puzzle.
- Tuklasin and Suriin: do Traba-Hula, then read the explanation of the informal sector, its causes and effects, and the related laws and programs.
- Pagyamanin: fill in charts on what each person or group says about the sector (Gawain 1) and on the laws and programs (Gawain 2). Then answer a true-or-false set where you write PORMAL for true and IMPORMAL for false (Gawain 3).
- Isaisip: read the DOLE article and answer three opinion questions.
- Isagawa: write the title and five provisions of your own proposed law to address the informal sector’s problems.
- Tayahin: take the 15-item posttest. Then do the Karagdagang Gawain: interview an informal sector worker in your barangay and write the answers on a whole sheet of paper. A rubric for grading the interview is included.
Learners: write all answers on a separate answer sheet, not on the module, so others can use it. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) honestly, and contact your teacher if a lesson is unclear.
Parents and guardians: help your child plan the barangay interview and make sure each part is done in order.
Teachers: the interview rubric scores content, questioning, details, and presentation on a 4-to-1 scale.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 9 Araling Panlipunan (Economics), Quarter 4, Module 5. Its competency code is AP9MSP-IVh16.
What is the informal sector according to the module?
Citing the ILO, the module describes it as work outside regular industry or outside what the law sets. It is usually unregistered, pays no taxes, and has a low level of organization.
Why do people join the informal sector?
The module lists four reasons: avoiding taxes, avoiding bureaucratic red tape, lack of government regulation, and escaping severe poverty.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Subukin pretest and the Tayahin posttest, which have the same 15 questions.
Which laws does the module connect to the informal sector?
It discusses RA 8425, RA 9710 (Magna Carta of Women), PD 442 (Labor Code), RA 7796 (TESDA Act), RA 8282 (Social Security Act), and RA 7875 (National Health Insurance Act).
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 5 Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto ng Ekonomiya
CO_Q4_AP9_Module5
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5
Ang Impormal na Sektor:
Mga Dahilan at Epekto
ng Ekonomiya
9
[illustration: group of students learning outdoors and at home, with a teacher, a student reading beside a globe, and a student with a lantern]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Araling Panlipunan– Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan–Modyul 5: Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto ng Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rolyn Joy L. Nomo
Editor: Arnel B. Tormis
Tagasuri: Arnold Z. Dinglasa Ed.D., Evelyn C. Labad
Tagaguhit: Ruth C. Andus, Jomar P. Richa & Joenel L. Villalas
Tagalapat: Amid A. Codezar, Sean S. Mascardo & Marvin D. Barrientos Katherine Obrero Cordora
Management Team: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III Eugenio B. Penales, Ed. D. Sonia D. Gonzales Ma. Liza R. Tabilon EdD, CESO V Lilia E. Abello Ed.D. Evelyn C. Labad
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region IX
Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
9
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5
Ang Impormal na Sektor:
Mga Dahilan at Epekto
ng Ekonomiya
[transcriber’s note: this page repeats the module title from the cover]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang pagkakaroon ng pambansang kaunlaran ay hinahangad ng bawat mamamayan. Ang hangaring ito ay makakamit lamang kung ang lahat ng bumubuo sa sektor ng ekonomiya at ang pamahalaan ay magtulungan.
Naunawaan mo noong nakaraang aralin ang mga bahaging ginagampanan ng mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod upang matugunan ang mga pangangailangan ng ekonomiya at makamit ang pambansang kaunlaran. Subalit, hindi masasabing komprehensibo ang pag-aaral ng ekonomiya ng isang bansa kung hindi natin maibibilang ang pagsusuri ng tinatawag nating impormal na sektor sapagkat maraming mamamayan ang kabilang dito.
Ang pangunahing pokus ng araling ito ay ang impormal na sektor ng ekonomiya. Upang higit mong maunawaan ang mga konseptong nakapaloob sa paksang ito, haharap ka sa mga impormatibong tekstong magbibigay sa iyo ng mga impormasyon at mga mapanghamong gawain na pupukaw sa iyong interes at magdudulot ng kaalaman.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
- Nabibigyang halaga ang mga gampanin ng impormal na sektor at mga patakarang pang ekonomiya na nakakatulong dito. (AP9MSP-IVh16)
[illustration: hand pressing a button]
Subukin
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Ang impormal na sektor ay kinabibilangan ng mga __________
A. Uri ng hanapbuhay sa mga bansang papaunlad pa lamang
B. Regular na hanapbuhay para sa bansang maunlad na
C. Solusyon sa problema ng hanapbuhay sa mga bansang apektado ng kahirapan
D. Mahihirap na mamamayan sa mga bansang walang pag-unlad.Paano inilarawan ng International Labor Organizarion (ILO) ang Impormal na sektor?
A. Ito ay mga hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinakda ng batas
2 CO_Q4_AP 9_ Module 5
B. Ito ay mga hanapbuhay na nasa bahagi ng industriya at pasok sa itinakda ng batas C. Ito ay mga hanapbuhay na nasa bahagi ng agrikultura at pasok sa itinakda ng batas D. Ito ay mga hanapbuhay na hindi pormal dahil dahil hindi pasok sa itinakda ng batas
Alin sa mga sumusunod ang karaniwang katangian ng impormal na sektor?
A. Hindi nakarehistro sa pamahalaan
B. Rehistrado sa pamahalaan
C. Nagbabayad ng buwis
D. Nakapaloob sa pormal na balangkas ng pamahalaanAno ang ibang katawagan sa impormal na sektor ayon kay Cielito Hablito sa kayang artikulo sa Philippine Daily Inquirer
A. Underground economy
B. Hindi na maghihirap ang bansa
C. Black economy
D. Tiger economyAng Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997 ay naglalayon na______________
A. I-ahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor
B. Kumilala sa ambag at kakayahan ng kababaihan
C. Tungkulin ng estado na paunlarin at itaguyod ang mga manggagawa
D. Proteksyunan ang mga kababaihanIsa sa mga hakbang ng pamahalaan ang pagpapalakas ng programa ng edukasyon upang masolusyonan ang mga suliranin sa Impormal na sektor. Isa rito ang pagpapatag at pagpapalawak ng mandato ng TESDA. Ano ang mga programang nakapalood sa ahensyang ito?
A. Magkaloob ng libreng matrikula sa kolehiyo
B. Magbigay ng suporta sa edukasyong teknikal at bokasyunal
C. Tumulong sa mga nais pumasok sa Senior High School
D. Wala sa nabanggitItinatadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa. Higit sa lahat kung sila ay dumanas sa sakit, kapansanan, old age, panganganak at kamatayan.
A. Social Reform Act
B. Labor Code
C. Social Security Act
D. Magna CartaAng Self Employment Assistance Kaunlaran Program (SEA-K) ay isa sa programa ng DSWD para mapaunlad ang _____________.
A. Mahirap na pamilya
B. Magulong pamilya
C. May kapansanan
D. Mga babaeBakit PINIPILING pumasok ang ilan MGA TAO sa impormal na sektor?
A. Makaligtas sa buwis
B. Mapabilis ang paghahanapbuhay
C. Makapasyal
D. Makaiwas sa gulo
3 CO_Q4_AP 9_ Module 5
Ano ang posibleng epekto ng pag iral ng impormal na sektor?
A. Pagbaba ng halaga ng nalikom na buwis
B. Paglaganap ng maraming rehistradong negosyante
C. Para sa mga mamimili
D. Maraming buwis na makolektaAyon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “isang kahig, isang tuka”. Ano naman ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
A. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
B. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
D. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhayAlin sa mga sumusunod ang hindi nakapaloob sa Social Reform and Poverty Alleviation Act o RA 8425?
A. Pagkakaroon ng konkretong programa upang labanan ang kahirapan
B. Pagbuo ng isang ahensya ng pamahalaan na tututok sa mga suliranin ng kahirapan
C. Pagbalangkas ng mga suportang pampinansyal sa impormal na sektor
D. Pagbibigay ng bahay at lupa sa mga informal settlersItinadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagtatatag ng Social Security System (SSS)?
A. RA 8282
B. RA 5678
C. RA 8888
D. RA 6614Alin sa mga sumusunod na hanapbuhay ang hindi kabilang sa impormal na sektor?
A. Tindero ng sorbetes
B. Sidewalk vendor
C. Tsuper
D. PharmacistAno ang nagtutulak sa tao na pumasok sa impormal na sektor?
A. Kahirapan
B. Ambisyon
C. Bisyo
D. lahat ng nabanggit
4 CO_Q4_AP 9_ Module 5
Aralin 1: Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto ng Ekonomiya
[illustration: hand holding a jigsaw puzzle piece]
Balikan
Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga salitang bumubuo at may kaugnayan sa sektor ng Paglilingkod. Isulat ang sagot sa sagutang papel
| K | O | M | U | N | I | K | A | S | Y | O | N | F |
| A | R | A | B | I | T | Y | Y | E | Y | T | W | G |
| L | Y | R | F | P | A | G | I | I | M | B | A | K |
| A | P | T | L | T | G | T | S | R | W | G | Q | G |
| K | W | H | G | W | E | R | E | Y | B | F | W | H |
| A | E | A | J | T | E | A | G | I | N | K | E | J |
| L | S | C | F | M | H | N | K | O | M | J | R | K |
| A | T | A | O | I | N | S | U | R | A | N | C | E |
| N | B | K | D | F | G | P | L | C | G | P | T | Z |
| D | I | R | H | G | E | O | W | D | F | A | Y | X |
| Y | M | T | R | T | G | R | T | G | F | G | U | C |
| H | R | E | A | L | S | T | A | T | E | T | I | D |
| J | P | A | N | A | N | A | L | A | P | I | G | B |
| I | Q | Y | H | E | E | S | S | R | G | T | H | N |
| M | M | V | R | T | J | Y | T | H | F | I | J | M |
| O | R | G | H | Q | F | O | H | J | R | N | K | T |
| R | C | H | I | A | K | N | W | Q | E | G | A | R |
| P | A | K | Y | A | W | A | N | E | U | I | S | Q |
Tuklasin
GAWAIN 1: TRABA-HULA
Suriin ng mabuti ang bawat larawan. Tukuyin kung anong hanapbuhay ang nakikita sa bawat larawan?
[illustration: man carrying two baskets hung from a pole on his shoulders]
[illustration: man pushing a cart with items on top]
[illustration: man pushing a cart with fruits under a large umbrella]
[illustration: woman smiling behind a store counter with the sign “Inday’s SARI-SARI”; bottles and goods on the counter]
Suriin
ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG
Sa Inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries). Sa mga bansang papaunlad pa lamang ay mataas ang bilang ng mga manggagawa sa impormal na sektor kung ihahambing sa ibang sektor. Sa kontinente ng Aprika ay tinatayang 70% ang kabilang sa sektor na ito, 60% sa Latin Amerika, at 59% sa Asya. Sa kabuuan 30 hanggang 40% ng paggawa sa mundo ay maibibilang sa sektor na ito (Becker, 2004).
Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya. Ayon sa ILO o International Labor Organization ang Impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng mababang antas ng organisasyon. Ito ay mga hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinakda ng batas
Ang mga gawain sa impormal na sektor ay naisasagawa dulot ng mababang antas ng organisasyon. Ang mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa produksiyon sa ilalim nito ay kadalasang mga kamag-anak o malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakda ng pamahalaan.
Kaugnay nito, noong Abril 2008, nagsagawa ang National Statistics Office ng Informal Sector Survey. Ito ang kauna-unahang pambansang sarbey tungkol sa impormal na sector sa Pilipinas. Bagamat hindi pa pinal, ayon sa National Economic Development Authority (NEDA) ay maituturing na WIS (Workers in Informal Sector) ang mga hanapbuhay na may katangian na nasa labas sa mga itinatakda ng pamahalaan, ito ay nakapaloob sa Philippine Development Plan of 2017-2022. Lumabas na mayroong halos 10.5 milyong tao ang kabilang sa impormal na sektor. Ang tinatawag na self-employed ay humigit- kumulang 9.1 milyong katao at ang mga employers ay nasa 1.3 milyong katao.
Dahilan Bakit Pumasok ang mga Mamamayan sa Impormal na Sektor
- Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
- Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksyon sa pamahalaan o tinatawag na bureaucratic red tape
- Kawalan ng regulasyon sa pamahalaan
- Mapangibabawan ang matinding kahirapan
Epekto ng Pagkakaroon Ng Impormal na Sektor
- Pagbaba ng halaga ng nalikom na buwis- Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.
- Banta sa kapakanan ng mga mamimili – Maaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi pasado sa quality control standards ayon sa itinakda ng Consumer Act of the Philippines (RA 7394) kung kaya’t ang mamimiling tumatangkilik dito ay maaring mapahamak, maabuso o mapagsamantalahan.
- Paglaganap ng mga illegal na gawain- Dahil sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na kung minsan ay mga gawaing illegal o labag sa batas.
Ayon sa papel ni Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay nagdudulot ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan. Sa kasalukuyan ayon sa datos ng PSA ay mahigit 10 milyong Pilipino ang nasa sektor na ito.
Ayon naman sa IBON Foundation, isang non-government organization (NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, political, at ekonomiko ng bansa, ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa tinatawag na “isang kahig, isang tuka” upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Inilalarawan din nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon.
Ayon sa artikulo ni Cielito Habitosa Philippine Daily Inquirer (PDI) noong Enero 21, 2013, ang kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sector sa GDP ay 40%. Tinatawag niya rin ang impormal na sector bilang underground economy o hidden economy.
Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang- Ekonomiya Kaugnay sa Impormal na Sektor
1. REPUBLIC ACT 8425
Ang batas na ito ay kilala din bilang Social Reform and Poverty Allevation Act of 1997. Ito ay nilagdaan noong Disyembre 11, 1997. Isinusulong ng batas na ito ang tinatawag na Social Reform Agenda na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor. Upang maisakatuparan ang mga probisyon ng batas na ito ay itinatag ang National Anti-Poverty Commission.
2. REPUBLIC ACT 9710
Ang batas na ito ay nilagdaan noong Agosto 14, 2009 at kinilala bilang Magna Carta of Women.
Ito ay isinabatas bilang pandaigdigang pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng United Nations on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women.
Inaalis ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan, kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang sibil, political, at pangekonomiya.
3. PRESIDENTIAL DECREE 422
Kilala bilang Philippine Labor Code na naisabatas noong Mayo 1, 1974.
Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa.
4. REPUBLIC ACT OF 7796
Ito ay ang Technical Education and Skills Development Act of 1994 na nilagdaan bilang batas noong Agosto 25, 1994.
Layunin ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng industriya, paggawa, local na pamahalaan, teknikal, at bokasyonal na mga institusyon upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating bansa.
5. REPUBLIC ACT 8282
Ito ay tinatawag din bilang Social Security Act of 1997.
Itinatadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa.
6. REPUBLIC ACT 7875
Ito ay naging batas noong Pebrero 7, 1995 at kinilala bilang National Health Insurance Act of 1995.
Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine Health Insurance Corporation na naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong kaseguruhang pangkalusugan.
Nakapaloob sa programang ito na ang pamahalaan ay magkaloob ng subsidy sa mga mamamayan na walang sapat na kakayahang pinansyal sa oras na sila ay magkaroon ng pangangailangang medikal at pangkalusugan gaya ng operasyon at hospitalization program.
Mga Programa at Proyekto ng pamahalaan para sa mamamayan na bumubuo sa impormal na sektor
1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
Ang programang ito ay ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga mamamayan particular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na hanapbuhay.
2. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)
Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay at makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring magpautang sa mga kasapi gaya ng Self-Employment Kaunlaran Association (SKA’s).
3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA)
Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda.
Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagsasanay upang mapaghusay pa nila ang kanilang hanapbuhay.
4. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)
Ito ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kung saan sa ilalim nito, ang mga biktima ng kalamidad o mga evacuees ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar.
Ang programang it ay ipinatutupad ng pamahalaan bilang pansamantala o alternatibong mapagkukunan ng kabuhayan o kita ng mga taong nawalan ng hanapbuhay dulot ng mga nabanggit na sitwasyon. Kabilang din ang 4Ps program ng DSWD para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Pagyamanin
Gawain 1: WORDS/ CONCEPT OF WISDOM: Sabi nila Isulat Mo!
Panuto: Punan ang tsart ng mahahalagang konsepto na sinasabi ng ilang piling tao o organisasyon tungkol sa impormal na sektor mula sa tekstong iyong nabasa.
| TAO/ ORGANISASYON | PAGLALARAWAN |
|---|---|
| 1. W. ARTHUR LEWIS | |
| 3. CLEOFE S. PASTRANA | |
| 4. INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION (ILO) | |
| 5. CIELITO HABITO | |
| 6. IBON FOUNDATION | |
| 7. NSO |
Gawain 2. ULAT SA BAYAN: AYON SA BATAS
Panuto: Isa-isahin at ipaliwanag ang mga batas at programa o proyekto ng pamahalaan na may kaugnayan sa impormal na sektor.
| Mga batas na may kaugnayan sa impormal na sektor | Mga program o proyekto, o patakarang pang- ekonimya para sa mamamayan na bumubuo sa impormal na sektor. |
|---|---|
Gawain 3. PORMAL o IMPORMAL: TAMA o MALI: Sagutin Mo!
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama o mali. Sipiin sa sagutang papel ang mga pahayag at sagot. Lagyan ng salitang PORMAL kung TAMA ang mensahe at IMPORMAL kung ito ay MALI.
- Ang pormal na pagsisimula ng paggamit ng terminong “impormal na sektor” ay pinasimulan ni Keith Hart noong 1973.
- Ang International Labour Organization (ILO) ay nagpalabas ng pandaigdigang batayan ng paglalarawan ng impormal na sektor.
- Ang impormal na sektor ay tumutukoy sa yunit na nagsasagawa ng mataas na antas ng organisasyon na may sinusunod na takdang kapital at pamantayan ng produksiyon.
- Batay sa 2008 Informal Sector Survey (ISS), mayroong halos 10,454,000 ang kabilang sa impormal na sektor.
- Ang impormal na sektor ay nakarehistro at sumusunod sa batas at pamanatayan ng pamahalaan.
- Noong Abril 2008, isinasagawa ng NSO ang kauna – unahang pambansang sarbey tungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas.
- Ang pagbaba ng halaga na nalilikom na buwis, banta sa kapakanan ng mga mamimili at paglaganap ng mga ilegal na gawain ay ang mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya.
- Inilalarawan ng IBON Foundation ang impormal na sektor bilang sektor na binubuo ng mga taong “isang kahig, isang tuka”.
- Ang karaniwang katangian ng impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi nagbabayad ng buwis at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas ng pamahalaan.
- Ang impormal na sektor ay kilala rin bilang underground o hidden economy.
Isaisip
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa isang artikulo. Matapos basahin ay sagutan ang mga katanungan sa ibaba sa sagutang papel.
Transisyon ng impormal na sektor tungo sa pormal na ekonomiya, pinaigting ng DOLE
mula sa: https://www.dole.gov.ph/news/ (2017)
Nilalayon ng pamahalaan na maitawid ang mga manggagawa sa impormal na sektor patungo sa pormal na ekonomiya, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III nitong nakaraang linggo.
Sa ginanap na pagdiriwang ng Labor Day kasama ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) Workers in Informal Sector Council (WISC) sa Davao, sinabi ni Bello na ang kagawaran ng paggawa ay ninanais rin ang rekomendasyon ng International Labor Organization (ILO) na mabigyan ang mga sector ng pagkakataon na makapasok sa pormal na ekonomiya.
“Sa kabila ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, ang mga manggagawa sa impormal na sektor ay hindi lubusang nasasaklaw ng mga batas sa paggawa at panuntunan. Kaya naman nais rin ng DOLE ang rekomendasyon ng ILO,” ayon kay Bello habang pinatutungkulan ang ILO Recommendation No. 204.
Dinagdag pa niya na ang DOLE ay seryosong gumagawa ng mga hakbangin upang matiyak na ito ay maisasakatuparan.
Ang DOLE, kasama ng NAPC-WISC, ay nagsagawa ng mga konsultasyon at workshop upang matiyak na ang mga pangunahing kakulangan sa polisiya kaugnay sa kampanya ng pamahalaan na matugunan ang problema sa impormal na sektor ay maresolba, maging ang mga istratehiya at modelo upang maisakatuparan ang transisyon ng mga manggagawa sa impormal tungo sa pormal na ekonomiya.
Ang mga consultative workshops ay nakatuon sa mga adhikain sa lehislatura na siyang tutugon sa dahilan ng impormalidad at maging mas pormal pa ang mga nasa impormal na manggagawa.
Sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI), ang DOLE ay naglunsad ng tinatawag na Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) kung saan kabilang sa mga inaasahang resulta rito ay ang Blueprint for Decent Employment and Entrepreneurship para sa 2017-2022 at ang Livelihood Agenda 2017-2022.
Ang inisyal na layunin nito ay upang mas mapalakas pa ang trabaho at kabuhayan at mahikayat ang pagbubuo at ng paglago sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng pagpapatupad ng GoNegosyo Law, ng MSME Development Plan, at ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015 Action Agenda to Globalize MSMEs.
Ang Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) ang nagpapatupad ng programang DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP) upang mabawasan ang kahirapan sa mga marginalized workers.
Mula noong Hulyo ng nakaraang taon, nasa 54,643 manggagawa na ang nabigyan ng tulong pangkabuhayan na mayroong mga Starter Kits o Negosyo sa Kariton (Nego-
Kart), Enterprise Development Program, Workers Income Augmentation, at Youth Entrepreneurship Support.
Naglabas na rin si Bello ng Department Order No. 173 o ang revised guidelines in the implementation of the DILEEP.
Sa pamamagitan ng D.O., ang maximum per capital assistance sa mga benepisyaryo ay itinaas na mula sa P10,000 patungo sa P20,000. Liban pa rito, nagkaroon na rin ng probisyon para sa sanitary tools and equipment para sa mga proyektong pangkabuhayan at probisyon sa micro-insurance para sa mga benepisyaryo.
Ang Occupational Safety and Health Center (OSHC), isang attached agency ng DOLE, ay siya namang nagbibigay ng libreng OSH appreciation course upang matulungan ang mga manggagawa sa impormal na sektor ukol sa usapin ng kaligtasan at proteksyon upang sila ay mas maging produktibo.
Dagdag pa rito, upang matiyak na ang mga manggagawa sa impormal na sektor ay magkaroon ng kinatawan sa mga dayalogo, ang Bureau of Labor Relations (BLR) ay naglabas ng advisory na nag-uutos ng pagbuo sa Regional Tripartite Industrial Peace Councils (RTIPCs) kung saan mayroong kinatawan ang mga nasa impormal na sektor.
Ang DOLE at NAPC-WISC ay nanguna noong Sabado sa 6th Workers in the Informal Economy Labor Day sa Davao City, na may temang, “Boses, Pagkilala at Pakikilahok sa Pamamahala Tungo sa Matatag na Negosyo at Kabuhayan.”
Opinyon mo:
Anu-ano ang mga programa na binanggit na magbibigay suporta sa impormal na sektor?
Sang-ayon ka ba sa pahayag ng DOLE Na pagkilala sa Impormal na Sektor na “sa kabila ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, ang mga manggagawa sa impormal na sektor ay hindi lubusang nasasaklaw ng mga batas sa paggawa at panuntunan“. Pangatwiranan.
Sa iyong palagay nakagagawa ba ng sapat na hakbang at programa ang pamahalaan upang solusyonan ang mga suliranin sa impormal na sektor sa inyong lugar?
Isagawa
Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong sumulat ng isang batas sa kongreso upang tugunan ang mga suliranin sa Impormal na sektor ano ang magiging pamagat nito? Magbigay rin ng limang nilalaman ng batas.
Batas Pambansa: _____
Tayahin
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Ang impormal na sektor ay kinabibilangan ng mga _____
a. Uri ng hanapbuhay sa mga bansang papaunlad pa lamang
b. Regular na hanapbuhay para sa bansang maunlad na
c. Solusyon sa problema ng hanapbuhay sa mga bansang apektado ng kahirapan
d. Mahihirap na mamamayan sa mga bansang walang pag-unlad.Paano inilarawan ng International Labor Organizarion (ILO) ang Impormal na sektor?
a. Ito ay mga hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinakda ng batasb. Ito ay mga hanapbuhay na nasa bahagi ng industriya at pasok sa itinakda ng batas
c. Ito ay mga hanapbuhay na nasa bahagi ng agrikultura at pasok sa itinakda ng batas
d. Ito ay mga hanapbuhay na hindi pormal dahil dahil hindi pasok sa itinakda ng batasAlin sa mga sumusunod ang karaniwang katangian ng impormal na sektor?
a. Hindi nakarehistro sa pamahalaan
b. Rehistrado sa pamahalaan
c. Nagbabayad ng buwis
d. Nakapaloob sa pormal na balangkas ng pamahalaanAno ang ibang katawagan sa impormal na sektor ayon kay Cielito Hablito sa kayang artikulo sa Philippine Daily Inquirer
a. Underground economy c. Black economy
b. Hindi na maghihirap ang bansa d. Tiger economyAng Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997 ay naglalayon na_____________
a. I-ahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor
b. Kumilala sa ambag at kakayahan ng kababaihan
c. Tungkulin ng estado na paunlarin at itaguyod ang mga manggagawa
d. Proteksyunan ang mga kababaihanIsa sa mga hakbang ng pamahalaan ang pagpapalakas ng programa ng edukasyon upang masolusyonan ang mga suliranin sa Impormal na sektor. Isa rito ang pagpapatag at pagpapalawak ng mandato ng TESDA. Ano ang mga programang nakapalood sa ahensyang ito?
a. Magkaloob ng libreng matrikula sa kolehiyo
b. Magbigay ng suporta sa edukasyong teknikal at bokasyunal
c. Tumulong sa mga nais pumasok sa Senior High School
d. Wala sa nabanggitItinatadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa. Higit sa lahat kung sila ay dumanas sa sakit, kapansanan, old age, panganganak at kamatayan.
a. Social Reform Act c. Social Security Act
b. Labor Code d. Magna CartaAng Self Employment Assistance Kaunlaran Program (SEA-K) ay isa sa programa ng DSWD para mapaunlad ang _____________.
a. Mahirap na pamilya c. May kapansanan
b. Magulong pamilya d. Mga babaeBakit PINIPILING pumasok ang ilan MGA TAO sa impormal na sektor?
a. Makaligtas sa buwis c. Makapasyalb. Mapabilis ang paghahanapbuhay d. Makaiwas sa gulo
Ano ang posibleng epekto ng ng pag iral ng impormal na sektor?
a. Pagbaba ng halaga ng nalikom na buwis
b. Paglaganap ng maraming rehistradong negosyante
c. Para sa mga mamimili
d. Maraming buwis na makolektaAyon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “isang kahig, isang tuka”. Ano naman ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?
a. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
b. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa.
c. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
d. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhayAlin sa mga sumusunod ang hindi nakapaloob sa Social Reform and Poverty Alleviation Act o RA 8425?
a. Pagkakaroon ng konkretong programa upang labanan ang kahirapan
b. Pagbuo ng isang ahensya ng pamahalaan na tututok sa mga suliranin ng kahirapan
c. Pagbalangkas ng mga suportang pampinansyal sa impormal na sektor
d. Pagbibigay ng bahay at lupa sa mga informal settlersItinadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagtatatag ng Social Security System (SSS)?
a. RA 8282 c. RA 8888
b. RA 5678 d. RA 6614Alin sa mga sumusunod na hanapbuhay ang hindi kabilang sa impormal na sektor?
a. Tindero ng sorbetes c. Barker
b. Sidewalk vendor d. PharmacistAno ang nagtutulak sa tao na pumasok sa impormal na sektor?
a. Kahirapan c. Bisyo
b. Ambisyon d. lahat ng nabanggit
Karagdagang Gawain
Sa inyong barangay may mga nagtatrabaho ba na kabilang sa impormal na sektor? Kapanayamin ang isa sa kanila kung ano ang kanilang dahilan bakit sila pumasok sa impormal na sektor? Isulat ang sagot sa isang buong papel.
Ano ang inyong hanapbuhay? Anu-ano ang mga pangunahing gawaing kaakibat nito?
Bakit ito ang napili o napuntahan ninyong hanapbuhay?
Anu-ano ang mga suliraning nararanasan ninyo sa inyong trabaho?
May ginagawa bang mga hakbang o programa ang pamahalaan upang kayo ay matulungan?
Kung kayo po ay tatanungin, ano ang pangunahing kailangang mabigyang solusyon sa hanapbuhay na inyong kinabibilangan?
RUBRIKS SA PAGTATAYA NG PANAYAM
| PAMANTAYAN | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|
| NILALAMAN | Malikhain at tiyak, detayado, at maayos | Naisaayos ang pagtatanong | Ginamit ang mga detalyeng kaugnay ng paksa | Kakaunti lamang ang pagkakamali at makikita lamang kung susuriing mabuti |
| PAGTATANONG | Malinaw, wasto, at iba’t iba ang uri ng mga tanong | Maayos at sistematiko ang mga nagbibigay ng mga tanong | Gumamit ng mga kaugnay na detalye sa pagtatanong | May mga pagkakamali at Malabo ang iilang mga tanong |
| DETALYE | Maliwanag at nalinang nang mabuti ang mga tanong | Karaniwang tiyak ang mga detalye ngunit may isa o dalawang mali | Hindi tiyak ang mga detalye ngunit may isa o dalawang mali | Maraming mali sa mga detalye |
| PAGLALAHAD | Kawili-wili at maliwanag ang pagkakalahad | Epektibo ang pagkakalahad | May Kaayusan ang pagkakalahad | Walang Kaayusan; hindi nagging maliwanag ang pagkakalahad |
Susi sa Pagwawasto
<!– transcriber’s note: the two answer boxes are printed upside down on the page; their text is transcribed below in reading order –>
SUBUKIN
- a
- a
- a
- a
- a
- b
- c
- a
- a
- a
- a
- d
- a
- d
- a
TAYAHIN
- a
- a
- a
- a
- a
- b
- c
- a
- a
- a
- a
- d
- a
- d
- a
Sanggunian:
EKONOMIKS – IKASIYAM NA BAITANG Yunit 4 –Mga Sektor ng Ekonomiya at mga Patakarang Pang-Ekonomiya Nito. Unang Edisyon 2015
KAYAMANAN – EKONOMIKS Imperial, Consuelo et. al. Yunit 4 –Mga Sektor Pang-ekonomiya at mga Patakarang Pang-Ekonomiya Nito. Binagong Edisyon 2020
KRONIKA – EKONOMIKS Lopez, Jodi Mylene et. al. Yunit 4 –Mga Sektor Pang-ekonomiya at mga Patakarang Pang-Ekonomiya Nito. Binagong Edisyon 2018
THE INFORMAL ECONOMY Becker, Kristina Flodman Department for Infrastructure and Economic Co-operation SIDA, 2004
Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply