Araling Panlipunan 8 Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan at masusuri ang kahulugan ng heograpiya, ang limang tema na napapaloob dito at kung paano nakikiayon ang tao sa kaniyang pisikal na kapaligiran upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang magingmakabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig na nahahati sa sumusunod na paksa:

  • Paksa 1 – Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
  • Paksa 2 – Estruktura ng Daigdig

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

  • Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (AP8HSK-Id-4)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

  • nasusuri ang mga mahalagang konsepto sa katangiang pisikal ng daigdig;
  • nailalarawan ang daigdig base sa nakakapaloob sa teksto;
  • napapahalagahan ang mga biyayang bigay ng kalikasan para sa mga tao; at
  • nakakagawa ng slogan at nakakasulat ng tula tungkol sa pangangalaga ng daigdig.
AralingPanlipunan8_Quarter1_Module2_Heograpiyang-Pantao_V2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment