Araling Panlipunan 8 Quarter 1 Module 4: Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Grade 8 AP Quarter 1 Module 4: how geography shaped ancient civilizations in Mesopotamia, Indus, China, Egypt, and Mesoamerica, with answer key.

This is the Araling Panlipunan 8 (Grade 8) self-learning module for Quarter 1, Module 4: “Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig” (geography in the rise and growth of the world’s ancient civilizations). It explains how rivers, land, mountains, and deserts shaped the early civilizations of Mesopotamia, the Indus Valley, China, Egypt, and Mesoamerica, in both politics and the economy. It was prepared by DepEd Caraga Region (first edition, 2020) for home study under the Alternative Delivery Mode.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module’s most essential learning competency is: Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig (relates geography to the rise and growth of the world’s ancient civilizations), AP8HSK-Ig-6.

After the module, learners are expected to:

  • analyze how geography is connected to the rise and growth of ancient civilizations;
  • list examples that show how geography mattered to the economy and politics, and how it affected people’s lives; and
  • promote an advocacy through a photo essay that shows how physical features shape and improve people’s lives today.

The content standard asks learners to understand how people’s interaction with their environment led to ancient civilizations whose legacies shape life today. The performance standard asks them to create a project proposal for caring for and preserving these legacies for present and future generations.

Topics in this module

The module has one lesson (Aralin 1) divided into five topics (paksa):

  1. Heograpiya ng Mesopotamia (geography of Mesopotamia)
  2. Heograpiya ng Lambak Indus (geography of the Indus Valley)
  3. Heograpiya ng Huang Ho (geography of the Huang Ho, or Yellow River)
  4. Heograpiya ng Ehipto (geography of Egypt)
  5. Heograpiya ng Mesoamerica (geography of Mesoamerica)

Key ideas: how geography shaped each civilization

The module starts from one idea: people have always depended on what their environment gives them. Farming grew into the foundation of the first civilizations, and most of them began in river valleys where floods left fertile silt (banlik).

Mesopotamia (West Asia)

  • The name comes from the Greek meso (between) and potamos (river), so it means “land between two rivers,” the Tigris and the Euphrates. Today the area is in Iraq and parts of Syria and Turkey.
  • It lies in the Fertile Crescent, the arc of rich land from the Persian Gulf to the eastern shore of the Mediterranean Sea.
  • Floods left silt that made the soil good for farming.
  • It had no natural borders, so it was hard to defend. Many groups ruled it, including the Sumerians, Akkadians, Babylonians, Assyrians, Chaldeans, and Elamites.
  • The module calls it the first civilization in the world.

Indus (South Asia)

  • South Asia is a triangle-shaped peninsula often called the Indian subcontinent, cut off by the Hindu Kush, Himalayas, and Karakoram mountains in the north.
  • Outsiders still entered through the Khyber Pass, bringing languages and traditions that enriched Indian culture.
  • The Indus River, about 2,900 km long, is fed by melting ice in the Himalayas. Its yearly floods, from mid-June to September, left fertile silt.
  • The cities of Harappa and Mohenjo-Daro were discovered in 1920. Over time people built irrigation canals and flood-control structures.

China (East Asia)

  • The module describes Chinese civilization as the oldest civilization that still exists today.
  • It began along the Huang Ho (Yellow River), which formed the flat North China Plain. Floods left silt but also caused great damage because the land is flat.
  • Yu of the Xia Dynasty is believed to have devised a way to control the floods, which allowed farmers to settle in the valley.

Egypt (Africa)

  • Egypt grew in the Nile Valley in northeastern Africa and became a full state by 3100 BCE.
  • Lower Egypt is the northern part, where the Nile flows into the Mediterranean Sea; Upper Egypt is in the south.
  • Without the Nile, the land would be desert, so Egypt is called “The Gift of the Nile.”
  • Yearly floods left silt for farming, and the river also served as a route for transportation. Deserts to the east and west protected Egypt from invaders.
  • The flooding stopped in 1970 with the Aswan High Dam, which supplied electricity and improved irrigation.

Mesoamerica (the Americas)

  • Meso means middle. The region covers large parts of present-day Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, and western Honduras.
  • Hunters from Asia are believed to have migrated into North America long ago. The Olmec of present-day Mexico, by the 13th century BCE, were the first civilization to appear there.
  • Differences in land elevation and frequent rain create varied climates. As in West Asia and China, the first communities here were farming communities.

Activities in the module

  • Subukin: a 15-item multiple-choice pretest.
  • Balikan: Gawain 1, a chart reviewing the Stone Age and Metal Age from the previous module.
  • Tuklasin: Gawain 2 and 3, including a reflection on the song “Masdan Mo Ang Kapaligiran” by Asin.
  • Suriin: the reading on the five civilizations, with processing questions after each.
  • Pagyamanin: Gawain 4 (a table on each civilization’s geography) and Gawain 5 (a Venn diagram comparing two civilizations).
  • Isaisip: Gawain 6, writing two or three rap stanzas, with a rubric.
  • Isagawa: Gawain 7, a T-chart on geography’s influence on politics and the economy.
  • Tayahin: a 15-item multiple-choice post-test.
  • Karagdagang Gawain: Gawain 8, a photo essay or drawings with an essay on long bond paper, with a rubric.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Answer every activity on a separate sheet of paper, and do not write on the module so others can use it. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if a lesson is unclear.
  • Parents and guardians: Help your child keep to the order of the parts. If your child has no phone or camera for the photo essay, the module allows drawings instead.
  • Teachers: The answer key covers the pretest, post-test, and the review and discovery activities, with sample answers for the Venn diagram, rap, T-chart, and photo essay. Use the rubrics for the rap and photo essay.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 8 Araling Panlipunan, Quarter 1, Module 4.

Which ancient civilizations does the module cover?

It covers Mesopotamia, the Indus Valley, China along the Huang Ho, Egypt along the Nile, and Mesoamerica.

What is the learning competency code?

The module’s most essential learning competency is coded AP8HSK-Ig-6: relating geography to the rise and growth of ancient civilizations.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest and post-test, plus sample answers for the other activities.

Why is Egypt called The Gift of the Nile?

According to the module, without the Nile River the whole land of Egypt would be desert, so its civilization depended on the river.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 4: Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

CO_Q1_AP-8_Module 4

[illustration: students studying under a tree and at a desk, with a globe and a lamp; a student writing on paper]

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules Unang Markahan – Modyul 4: Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Maria Vanessa J. Resullar, Geoffrey A. Retita

Mga Editor: Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito, Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Lalaine S. Gomera, Dan Ralph M. Subla, Fernando Dones, Jr., Carlos Catalan, Jr.

Mga Tagasuri: Marino L. Pamogas, Joel P. Plaza, Leowenmar A. Corvera, Edwin C. Salazar, Honorato Mendoza, Edwin G. Capon, Fatima D. Notarte, Marina B. Sanguenza, Larry G. Morandante

Tagaguhit: Brenda F. Duyan, Renata L. Edera

Tagalapat: Paul Andrew A. Tremedal

Mga Nangasiwa: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida, Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Venus M. Alboruto, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph

8

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 4: Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang mga anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang ugnayan ng heograpiya sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa Ehipto, India, Mesoamerica, Mesopotamia, at Tsina batay sa pulitikal at ekonomikal na aspeto ng pag-unlad.

Ang kaalaman mo sa mga sinaunang kabihasnan ay mabisang hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang mga naging ambag ng mga sinaunang kabihasnang ito sa kasalukuyan.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus tungkol sa Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan na nahahati sa sumusunod na paksa:

Paksa 1 – Heograpiya ng Mesopotamia Paksa 2 – Heograpiya ng Lambak Indus Paksa 3 – Heograpiya ng Huang Ho Paksa 4 – Heograpiya ng Ehipto Paksa 5 – Heograpiya ng Mesoamerica

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. (AP8HSK-Ig-6)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

  • nasusuri ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig;
  • nakapagtatala ng halimbawa na nagpapakita ng kahalagahan ng heograpiya sa aspetong ekonomiya at pulitika na nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao; at
  • nakapagsusulong ng isang adbokasiya sa pamamagitan ng photo essay na nagpapakita ng kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa paghubog at pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan.

[illustration: pointing hand icon beside the heading “Alamin”]

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

  1. Alin ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia?

    • A. Akkadian
    • B. Aryan
    • C. Assyrian
    • D. Chaldean
  2. Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia?

    • A. Walang likas na hangganan ang lupaing ito.
    • B. Hindi nagkakaisa ang mga mamamayan dito.
    • C. Madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates.
    • D. Walang kasanayan ang mga tao sa pakikipagdigma.
  3. Anong anyong lupa ang makikita sa hilagang bahagi ng India?

    • A. Bundok
    • B. Kabundukan
    • C. Kapatagan
    • D. Lambak
  4. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng kabihasnang Indus?

    • A. nagsisilbi itong proteksyon sa kanilang lupain
    • B. madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban
    • C. naging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya
    • D. pinapalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan
  5. Alin sa sumusunod na pinakamatandang kabihasnan ang nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan?

    • A. Ehipto
    • B. Indus
    • C. Mesopotamia
    • D. Tsino
  6. Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?

    • A. Napalago ng ilog ang sistema ng pagsasaka ng mga Tsino.
    • B. Naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha.
    • C. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
    • D. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha ng ilog.
  7. Ano ang makikita sa hilagang bahagi ng lupaing Egypt?

    • A. Himalayas
    • B. Libyan Desert
    • C. Mediterranean Sea
    • D. Red Sea

[illustration: pencil-and-hand icon beside the heading “Subukin”]

  1. Bakit binansagang “Biyaya ng Ilog Nile” ang Egypt?

    • A. Kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong Egypt.
    • B. Ang lupain ng Egypt ay pinaniniwalaang tahanan ng mga diyos sa buong daigdig.
    • C. Kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ng Egypt ay magiging isang disyerto.
    • D. Ang kabihasnan sa Egypt ang nangunguna at bukod-tanging kabihasnan sa buong mundo.
  2. Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig?

    • A. Ehipto
    • B. Indus
    • C. Mesopotamia
    • D. Tsino
  3. Ano ang mahalagang dulot ng pagkakatuklas ng mga sinaunang Tsino sa paraan ng pagkontrol ng palagiang pag-apaw ng tubig sa Huang Ho?

    • A. Nadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa uri ng mga isda.
    • B. Bawat tahanan sa lipunan ay mayroon ng sapat na suplay ng tubig.
    • C. Napahusay nito ang paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat.
    • D. Nagbigay-daan ang pangyayaring ito upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
  4. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang sinaunang kabihasnan ng Indus?

    • A. Hilaga
    • B. Kanluran
    • C. Silangan
    • D. Timog
  5. Ano sa palagay mo ang mainam na gawin upang mapanatili ang pakinabang ng Nile Delta sa ekonomiya ng bansang Egypt?

    • A. Magtayo ng mga kompanya upang mapakinabangan ang mga hayop at gawing pagkain.
    • B. Maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga condominium o hindi kaya ay subdivision.
    • C. Gagawin ang lugar bilang isa sa mga lugar ng turismo upang matulungang mapalago ang ekonomiya.
    • D. Gagawin ang lugar bilang lugar ng libangan at isagawa ang aktibidad ng pangangaso at camping.
  6. Saan nagmumula ang tubig na dumadaloy sa Indus River?

    • A. Hindu Kush
    • B. Himalayas
    • C. Karakoram
    • D. Khyber Pass
  7. Ano ang ibinunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon sa Mesopotamia?

    • A. nilisan ng mga tao ang Mesopotamia
    • B. nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan
    • C. nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan
    • D. humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakalan
  8. Ang pagbahang idinudulot ng Ilog Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam. Ano ang pinakamahalagang naiambag ng proyektong ito?

    • A. Pinabilis nito ang sistemang komunikasyon at transportasyon.
    • B. Naging sentro sa kalakalan ang Egypt lalong-lalo na sa turismo.
    • C. Nakapagbigay ito ng elektrisidad at naisaayos ang suplay ng tubig.
    • D. Tumaas ang suplay ng mga isda dahil naging malawak na palaisdaan ang ilog.

Aralin 1

Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Balikan

Gawain 1: Kahon-Buuin

Panuto: Sa bahaging ito ay muling tatandaan ang mga kaalaman mo sa nakaraang modyul tungkol sa yugto sa pag-unlad ng kultura ng tao. Isulat ang hinihinging impormasyon ng bawat kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

[chart: flowchart; Gawain 1: Kahon-Buuin; the root box is “Yugto ng Pag-unlad” (Stage of Development)]

  • Yugto ng Pag-unlad
    • (empty box)
      • (empty box)
      • Mesolitiko
      • (empty box)
    • Panahon ng Metal
      • Tanso
      • (empty box)
      • (empty box)

[transcriber’s note: the empty boxes are blank in the original and are left for the learner to fill in. The label “Balikan” appears beside a puzzle-piece icon.]

Tuklasin

Gawain 2: Balik Tanaw

Panuto: Gamitin ang sagot sa bahaging BALIKAN upang masagutan ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang kinalaman ng heograpiya sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto sa pag-unlad ng kultura ng tao?
  2. Ano ang kaugnayan ng mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto sa pag-unlad ng kabihasnan?
Gawain 3: Suri-Awit

Panuto: Basahin at unawain ang mga liriko na hango sa awiting “Masdan Mo Ang Kapaligiran.” Pagkatapos ay sagutan ang mga gabay na tanong at isulat ito sa sagutang papel.

Masdan Mo Ang Kapaligiran By: Asin

Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran? Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin. Hindi na masama ang pag-unlad At malayu-layo na rin ang ating narating Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Dati’y kulay asul ngayo’y naging itim.

Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Sa langit huwag na nating paabutin Upang kung tayo’y pumanaw man, sariwang hangin Sa langit natin matitikman Mayro’n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan.

Gabay na mga Tanong:

  1. Ano ang ipinahihiwatig ng kanta?
  2. Bakit mahalaga ang pangangalaga at pagpapahalaga sa ating kapaligiran?
  3. Ano ang magiging epekto sa pamumuhay ng mga tao kung hindi mapapangalagaan ang kapaligiran?
  4. Paano mo maipapakita ang pangangalaga at pagpapahalaga sa kapaligiran?

Suriin

Kaugnayan ng Heograpiya sa Pagsibol ng mga Sinaunang Kabihasnan

Malaki ang papel na ginampanan ng kapaligiran sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao. Noon pa man, ang mga tao ay nakadepende sa ibibigay na biyaya ng kapaligiran na panustos sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan.

Nagsimula sa pagkakatuklas ng sistema ng pagtatanim na nang lumaon ay lumago at nagsilbing pundasyon sa pagsibol ng sinaunang kabihasnan sa mundo. Kaya sa bahaging ito, pag-aaralan mo ang kaugnayan ng heograpiya at ang pagkakataguyod ng mga sinaunang kabihasnan sa mundo. Makabuluhang pag-usapan ang mahalagang papel ng heograpiya sa paglinang ng mga kabihasnan noong sinaunang panahon.

Mesopotamia: Kabihasnan sa Kanlurang Asya

Ang Mesopotamia ay galing sa mga salitang Griyego na meso o pagitan at potamos o ilog. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog” na pinaniniwalaang lunduyan ng unang kabihasnan.

Sa buong mundo, kinilala bilang kauna-unahang kabihasnan ang Mesopotamia. Samu’t saring pangkat ng tao ang umangkin at nanirahan dito tulad ng mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite. Sa loob ng mahabang panahon, maraming mga lungsod ang lumitaw at naglaho sa Mesopotamia na nang lumaon ay napaghalinhinan naman ng iba pang mga kabihasnan.

Heograpiya ng Mesopotamia

Ang mga pangunahing lungsod sa mundo ay nag-umpisa sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga Ilog Tigris at Euphrates. Ang malawak na lupa sa gitna ng dalawang ilog na ito ay kilala sa katawagang Mesopotamia. Makikita sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey ang lugar na ito sa ngayon.

[chart: map; untitled; caption: “Mapang iginuhit ni Renata L. Edera”] Carchemish; Khorsabad; Nineveh; Balawat; Nimrud; Ashur; Mari; Sippar; Babylon; Susa; ELAM; Borsippa; Nippur; Isin; Uruk; Larsa; Ur; Eridu; Euphrates; Tigris

Ang paarkong matabang lupain na nagsisimula sa Persian Gulf patungo sa silangang dalampasigan ng Meditterranean Sea ay tinatawag na Fertile Crescent. Sa rehiyong ito matatagpuan ang Mesopotamia.

Ang karaniwang pagbaha ng Ilog Tigris at Euphrates ay nag-iiwan ng banlik o silt na naging dahilan ng matabang lupa. Samakatuwid, naging mainam ang lokasyong ito sa pagpapahusay ng pagtatanim.

Walang likas na hangganan ang Mesopotamia kaya mahirap itong ipagtanggol laban sa mga mananakop.

Makikita sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia ang maraming maliliit na pamayanang sakahan na pinagdugtong-dugtong ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan pagdating ng taong 5500 BCE.

Pamprosesong mga Tanong:

  1. Bakit pinag-aagawan ang lupaing Mesopotamia?
  2. Paano napaunlad ng mga Ilog Tigris at Euphrates ang kabihasnan sa Mesopotamia?
Indus: Kabihasnan sa Timog Asya

Isang malapad na peninsula na pormang tatsulok ang rehiyon ng Timog Asya. Saklaw nito ang lupain ng India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives sa ngayon.

Ang kalagayang heograpikal at kultural ng rehiyong ito ay naiiba kung ikukumpara sa ibang lugar ng Asya. Kadalasang tinatawag ito ng mga heograpo na subcontinent ng India dahil inihihiwalay ito ng mga bundok, kaya masasabing ito ay halos isang hiwalay na kontinente. Sa hilaga ay makikita ang mga matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas, at Karakoram habang napaliligiran ito ng Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa timog, at sa silangan ay Bay of Bengal. Iba-iba ang lengguwaheng mayroon dito kagaya ng ibang kontinente.

Dumanas pa rin ng mga pag-atake at migrasyon ng taga-labas ang lugar na ito kahit na ito ay inihihiwalay ng maraming bundok. Sila ay nakapasok sa pamamagitan ng Khyber Pass sa hilagang-kanluran. Ang dalang sariling wika at tradisyon ng mga dayuhang ito ay nagpaunlad at nagpayabong sa kulturang Indian.

Heograpiya ng Lambak ng Indus

Taong 1920, natuklasan ang bakas ng mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus na kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 BCE.

Kung ikukumpara, mas malawak ang nasasakupan ng Indus kaysa Ehipto at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang kinalalagyan ngayon ng bansang Pakistan.

Sa paligid ng Ilog Indus nagumpisa ang kabihasnan sa India. Ang tubig na umaagos sa Ilog Indus ay may habang 2,900 km. (1800 milya). Ito ay nanggaling sa natutunaw na malalaking yelo sa ibabaw ng kabundukang Himalayas at dinaanan nito ang Kashmir hanggang ang kapatagan ng Pakistan.

[chart: map; “INDUS VALLEY CIVILIZATION, HARAPPA and MOHENJO-DARO”; caption: “Mapang iginuhit ni Brenda F. Duyan”] Labels: Harappa [?]; Mehrgarh [?]; Mohenjo-Daro; Lothal; Arabian Sea; Bay of Bengal; INDIAN OCEAN

Ang pagkakaroon ng matabang lupa sa rehiyong ito ang naging dahilan ng pag-uumpisa ng mga pamayanan at estado sa sinaunang India kagaya nang sa Mesopotamia. Ang pag-apaw ng ilog ay nag-iiwan ng banlik na nagpabuti sa paglinang ng lupain. Ito ay taunang nagaganap sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo at Setyembre.

Pagdating ng 3000 BCE, marami na ang naninirahan sa lambak ng Indus at kadalasan ay mga maliliit na komunidad na may tanggulan at maayos na kalsada. Sa sumunod pang mga siglo, nakapagpatayo rin ng mga kanal pang-irigasyon at mga istrukturang pangkontrol sa pag-apaw ng ilog.

Pamprosesong mga Tanong:

  1. Bakit mahalaga ang ilog sa kabihasnang Indus?
  2. Ilarawan ang pagkakaiba ng heograpiyang Indus sa heograpiya ng Mesopotamia.
Tsino: Kabihasnan sa Silangang Asya

Kinilala ang sibilisasyong Tsino sa buong mundo na pinakamatandang kabihasnang nananatili pa rin hanggang ngayon. Tinatayang nagsimula ito apat na milenyo na ang nakaraan.

Hinahangad na ng mga Tsino sa mga nakalipas na panahon ang pagiging magaling sa pamamahala at lalo pang pinalakas ang kabihasnan dahil sa pagyakap ng pamahalaan sa ideololohiyang Confucianismo at Taoismo. Sa aspetong pulitikal, naranasan ng China ang pagkakaisa at pagkawatak-watak na humubog sa kultura at lipunan ng bansa hanggang sa kasalukuyan.

Heograpiya ng Huang Ho

[chart: map; untitled; caption: “Mapang iginuhit ni Brenda F. Duyan”] Labels: Bansang Tsina (Sa Kasalukuyan); Huang Ho; Yinxu; Anyang; SHANG

Ang kabihasnan sa China ay nagsimula sa gilid ng Yellow River o Huang Ho. Ang kahabaan ng ilog ay tinatayang 3,000 milya na nanggaling pa sa kabundukan ng kanlurang China na umaagos hanggang Yellow Sea. Sa loob ng mahabang panahon, maraming beses na nagpaiba-iba ang daluyan ng ilog hanggang sa nakalikha ito ng isang malapad na kapatagan na tinawag na North China Plain.

Nag-iwan ng banlik ang pagbaha ng Huang Ho ngunit naging suliranin ang labis na pag-apaw ng ilog sa North China Plain dahil sa pagiging patag nito.

Pinaniniwalaang sa kapanahunan ng pamamahala ni Yu ng Dinastiyang Xia ay nakaisip ito ng sistema upang makontrol ang pagbabahang dulot ng Huang Ho. Hatid ng kaganapang ito ang paninirahan ng mga magsasaka sa lambak.

Pamprosesong mga Tanong:

  1. Ano-ano ang suliraning dulot ng pagbaha ng Huang Ho?
  2. Paano nakaapekto ang Huang Ho sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Tsino?
Kabihasnang Ehipto

Sa parteng hilagang-silangan ng Africa makikita ang lambak ng Ilog Nile na naging lunduyan ng kabihasnang Ehipto. Sinasabing mas matibay ang kabihasnang sumibol sa Ehipto kung ikukumpara sa Mesopotamia na mas unang nag-umpisa. Pagdating ng 3100 BCE, ang sinaunang Ehipto ay naging ganap na estado at nagpatuloy sa loob ng tatlong milenyo.

Paiba-iba ang paliwanag ng mga dalubhasa sa pinagmulan ng kabihasnang Ehipto batay sa resulta ng paghuhukay ng mga arkeologo. Isinasaad ng mga katibayang ito na bago pa man nag-umpisa ang kabihasnan sa Lambak ng Nile ay may nauna ng mga pamayanan sa Ehipto. Sa pagtatapos ng ika-20 na siglo, sa katimugang bahagi ng Kanlurang Ehipto malapit sa hangganan ng Sudan, natuklasan ang isang tirahan ng mga sinaunang tao na nagsisilbing ebidensyang arkeolohikal ng kabihasnan. Bago pa dumating ang 8000 BCE ay pinaniniwalaang mayroon ng namumuhay dito. Sinasabing ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Ehipto sa Lambak ng Nile.

Heograpiya ng Ehipto

Upang maintindihan ang heograpiya ng sinaunang Ehipto, laging isipin na ang sinasabing Lower Egypt ay ang parteng hilaga ng rehiyon at dito umaagos ang Ilog Nile hanggang sa Mediterranean Sea. Habang ang Upper Egypt naman ay matatagpuan sa timog na bahagi mula sa Libyan Desert patungong Abu Simbel. Nanggaling sa katimugan hanggang hilaga ang pag-agos ng Ilog Nile na may kahabaang 6,694 kilometro (4,160 milya).

Ang rehiyon ay lubos na sanang maging disyerto kung wala ang ilog na ito, kaya dati pa man tinagurian na bilang The Gift of the Nile ang Ehipto. Pinagbuklod ng ilog na ito ang parteng hilagang-silangan ng disyerto ng Africa. Noon pa man, sa pagsapit ng buwan ng Hunyo ay labis ang pagdaloy ng tubig sa ilog dahil sa sobrang ulan sa dakong pinanggalingan ng Nile. Noong 1970, natigil ang pag-apaw ng Nile nang dahil sa ipinagawang Aswan High Dam na nakapagbigay ng suplay ng kuryente at nagpahusay sa sistema ng patubig.

[chart: map; untitled; caption: “Mapang iginuhit ni Renata L. Edera”] Labels: Mediterranean Sea; Rosetta; Damietta; Alexandria; Ismailia; Nile Delta; Cairo; Memphis; Al Fayoum Oasis; Beni Suef; Bahariya Oasis; El Minya; Sinai; Lower Egypt; Eastern Desert; Asyut; Sohag; Qena; Luxor; El Quseir [?]; Red Sea; Western Desert; Dakhla Oasis; Kharga Oasis; Upper Egypt; Edfu; Kom Ombo; Aswan; Berenice; Kush; Nubian Desert

Ang taon-taong pagbaha ng Nile ay nagkaloob ng biyaya sa mga magsasaka sa lambak-ilog noong panahong Neolitiko. Naghatid ng banlik sa lupa ang pag-apaw ng ilog na nagpabuti sa pagsasaka. Kapag humupa na ang baha ay agarang isinagawa ang pagtatanim.

Ang mga putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bukana ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang mga ibon at hayop ay nananahanan dito at ang tubig naman ay ginagamit para sa mga lupang sakahan.

Sa layuning mapalago ang dami ng kanilang pananim bawat taon, nagtayo ng mga sisidlan ng tubig at gumawa ng mga daang patubig para sa kanilang sakahan. Napagtanto sa mga planong ito ang bilang ng puwersa ng manggagawa, kasapatang teknolohiya, at mahusay na mga pamamaraan. Napagtagumpayan din ang pagkalkula kung kailan nagaganap ang pagbaha sa panahong ito.

Ang pakinabang ng Nile ay hindi lamang sa mga bukirin, nakatulong at napahusay din nito ang aspetong transportasyon. Napag-ugnay nito ang mga naninirahan sa tabing ilog. Naging proteksiyon naman ng Ehipto ang mga disyertong makikita sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog dahil naging balakid ang kalagayang heograpikal nito sa mga mananakop. Bunga nito ay naging matiwasay at maunlad ang paninirahan ng mga tao sa matagal na panahon.

Pamprosesong mga Tanong:

  1. Bakit naging sagabal sa mga nagtangkang sumakop sa Ehipto ang kalagayang heograpikal nito?
  2. Paano nakatulong ang ilog sa sistemang transportasyon?
Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

Libong taon na ang nakalipas, naniniwala ang mga dalubhasa na may mga grupo ng mangangaso o hunter sa Asya ang nandarayuhan papuntang Hilagang Amerika. Ang kanlurang baybayin ng Hilagang Amerika papuntang timog ay dahan-dahang binagtas ng grupo, at nakapagtatag ng hiwa-hiwalay na pamayanan sa kontinente ng Hilagang Amerika at Timog Amerika.

Pagdating ng ika-13 siglo BCE, ang mga Olmec na nasa Mexico ngayon ay ang kauna-unahang kabihasnang lumitaw na nakaimpluwensiya sa ibang pamayanan sa ibang dako ng Amerika.

Heograpiya ng Mesoamerica

Ang pangalang Mesoamerica o Central America ay galing sa salitang meso na ang ibig sabihin ay gitna. Naging sentro ito ng mga unang sumibol na kabihasnan sa Amerika. Matatagpuan ang lupaing ito sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa sentro ng Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Ang ilog ng Panuco at Santiago ay makikita sa hilagang dulo nito. Matatagpuan naman ang katimugang hangganan mula sa dalampasigan ng Honduras sa Atlantic patungo sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River.

[chart: map; untitled; caption: “Mapang iginuhit ni Renata L. Edera”] Labels: Tropic of Cancer; Gulf of Mexico; Lake Texcoco; Tula; Tenochtitlan; Teotihuacan; Uxmal; Chichen Itza; Yucatan Peninsula; Palenque; Piedras Negras; Tikal; Copan; Pacific Ocean; N (north arrow)

Saklaw ngayon ng rehiyong ito ang mga malawak na bahagi ng bansang Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang parte ng Honduras. Sa rehiyong ito, ang pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at palagiang pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang lugar ng rehiyon. Ang panahon sa lugar na ito ay paiba-iba. Kagaya ng kanlurang Asya at China, sumibol ang unang pamayanan sa lugar na ito na naging lunduyan ng pagsasaka. Sa ngayon, may malaking populasyon sa lugar na ito.

Pamprosesong mga Tanong:

  1. Ano ang kaugnayan ng heograpiya sa migrasyon ng mga grupo ng mga tao na naglakbay patungong Amerika?
  2. Gamit ang mapa, ano ang mahihinuha mong pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Mesoamerica?

Pagyamanin

Gawain 4: Kumpletuhin Mo!

Panuto: Itala ang hinihinging impormasyon sa talahanayan sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sinaunang Kabihasnan sa DaigdigHeograpiyaKaugnayan ng Heograpiya sa Pagkabuo at Pag-unlad ng Kabihasnan
1. Mesopotamia
2. Indus
3. Tsino
4. Ehipto
5. Mesoamerica
Gawain 5: Venn Diagram

Panuto: Pumili ng dalawang sinaunang kabihasnan at paghambingin ito batay sa kanilang heograpikal na kalagayan. Gamit ang venn diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[chart: Venn diagram; Gawain 5: Venn Diagram]

  • Kabihasnan (left circle)
  • Pagkakatulad (overlap)
  • Kabihasnan (right circle)

Isaisip

Gawain 6: I-Raphalagahan Mo!

Panuto: Sumulat ng dalawa o tatlong saknong na rap tungkol sa kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnan. Isulat ito sa sagutang papel.

Rubrik sa Pagmamarka ng Liriko sa Rap

PamantayanNapakahusay (10 puntos)Mahusay (9 puntos)Katamtaman (8 puntos)Kailangan pang pagbutihin (7 puntos)Puntos
NilalamanNaglalaman ng komprehensibo, tumpak at may kalidad na impormasyon tungkol sa kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnanNaglalaman ng tumpak at may kalidad na impormasyon tungkol sa kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnanNaglalaman ng tumpak na impormasyon tungkol sa kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnanMayroong kulang na impormasyon tungkol sa kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnan
MensaheMay malinaw at malawak na mensahe tungkol sa kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnanMay malinaw na mensahe tungkol sa kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnanLimitado ang mensahe tungkol sa kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnanMalabo at limitado ang mensahe tungkol sa kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnan
Kabuuang Puntos

[transcriber’s note: the “Kabuuang Puntos” label is printed right-aligned across the merged columns of the last row; it is placed in the first cell here]

Isagawa

Gawain 7: T-chart

Panuto: Bilang isang mag-aaral, magtala kung paano nakatutulong ang kalagayang heograpikal sa antas ng politika at ekonomiya. Isulat ang mga ito sa sagutang papel.

[chart: T-chart; Gawain 7: T-chart]

  • Left box: Politika (three answer lines)
  • Center circle: Impluwensiya ng Heograpiya
  • Right box: Ekonomiya (three answer lines)

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

  1. Alin sa sumusunod na pinakamatandang kabihasnan ang nananatili pa rin hanggang sa kasalukuyan?

    • A. Ehipto
    • B. Indus
    • C. Mesopotamia
    • D. Tsino
  2. Ano ang mahalagang epekto ng pagkakatuklas ng mga sinaunang Tsino sa paraan ng pagkontrol ng palagiang pag-apaw ng tubig sa Huang Ho?

    • A. Nadagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa uri ng mga isda.
    • B. Bawat tahanan sa lipunan ay mayroon ng sapat na suplay ng tubig.
    • C. Napahusay nito ang paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat.
    • D. Nagbigay-daan ang pangyayari upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
  3. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam. Ano ang pinakamahalagang naiambag ng proyektong ito?

    • A. Pinabilis nito ang sistemang komunikasyon at transportasyon.
    • B. Naging sentro sa kalakalan ang Ehipto lalong-lalo na sa turismo.
    • C. Makapagbigay ito ng elektrisidad at naisaayos ang suplay ng tubig.
    • D. Tumaas ang suplay ng mga isda dahil nagiging malawak na palaisdaan ang ilog.
  4. Alin sa sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig?

    • A. Ehipto
    • B. Indus
    • C. Mesopotamia
    • D. Tsino
  5. Ano ang naging bunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon sa Mesopotamia?

    • A. nilisan ng mga tao ang Mesopotamia
    • B. nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan
    • C. nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan
    • D. humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakalan
  6. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus?

    • A. nagsilbi itong proteksyon sa kanilang lupain.
    • B. nadali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban.
    • C. naging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
    • D. pinalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.
  7. Saan nagmumula ang tubig na dumadaloy sa Ilog Indus?

    • A. Hindu Kush
    • B. Himalayas
    • C. Karakoram
    • D. Khyber Pass
  8. Anong anyong lupa ang makikita sa hilagang bahagi ng India?

    • A. Bundok
    • B. Kabundukan
    • C. Kapatagan
    • D. Lambak
  9. Bakit binansagang “Biyaya ng Ilog Nile” ang Ehipto?

    • A. Kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong Ehipto.
    • B. Ang nangunguna at bukod-tanging kabihasnan sa buong mundo.
    • C. Kung wala ang ilog, ang buong lupain ng Ehipto ay magiging isang disyerto.
    • D. Ang lupain ng Ehipto ay pinaniniwalang tahanan ng mga diyos sa buong daigdig.
  10. Ano sa palagay mo ang mainam na gawin upang mapanatili ang pakinabang ng Nile Delta sa ekonomiya ng bansang Ehipto?

    • A. Magtayo ng mga kompanya upang mapakinabangan ang mga hayop at gawing pagkain.
    • B. Maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga condominium o hindi kaya ay subdivision.
    • C. Gagawin ang lugar bilang isa sa mga lugar ng turismo upang matulungang mapalago ang ekonomiya.
    • D. Gagawin ang lugar bilang lugar ng libangan at isagawa ang aktibidad ng pangangaso at camping.
  11. Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia?

    • A. Walang likas na hangganan ang lupaing ito.
    • B. Hindi nagkakaisa ang mga mamamayan dito.
    • C. Madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates.
    • D. Walang kasanayan ang mga tao sa pakikipagdigma.
  12. Ano ang makikita sa hilagang bahagi ng lupaing Ehipto?

    • A. Himalayas
    • B. Libyan Desert
    • C. Mediterranean Sea
    • D. Red Sea
  13. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang sinaunang kabihasnan ng Indus?

    • A. Hilaga
    • B. Kanluran
    • C. Silangan
    • D. Timog
  14. Paano binago ng Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?

    • A. Napalago ng ilog ang sistema ng pagsasaka ng mga Tsino.
    • B. Naging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha.
    • C. Hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko.
    • D. Mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha ng ilog.
  15. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia?

    • A. Akkadian
    • B. Aryan
    • C. Assyrian
    • D. Chaldean

Karagdagang Gawain

Gawain 8: Pagbuo ng Photo Essay/Pagguhit ng Larawan

Panuto: Kumuha ng mga larawan gamit ang iyong cellular phone o digital camera na nagpapakita ng kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa paghubog at pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Sakaling walang gadgets, maaari mong iguhit ang mga larawan na nagpapakita ng isang istorya o tema. Matapos nito’y susulat ka ng isang sanaysay na iinog sa paksang “Ano ang kontribusyon ng likas na kapaligiran sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao?” Gawin ito sa isang long bond paper.

Rubrik sa Pagmamarka ng Photo Essay/Pagguhit ng Larawan

PamantayanKatangi-tangi (5 puntos)Mahusay (4 puntos)Nalilinang (3 puntos)Nagsisimula (2 puntos)Puntos
NilalamanNaglalaman ng komprehensibo, tumpak at may kalidad na paglalahad ng impormasyonNaglalaman ng tumpak at may kalidad na paglalahad ng impormasyonNaglalaman ng tumpak na paglalahad ng impormasyonHindi sapat ang ipinakitang kasanayan sa tamang paglalahad ng impormasyon
OrganisasyonDetalyado, maayos, at madaling maunawaan ang daloy ng mga kaisipan batay sa impormasyong inilahadMaayos at madaling maunawaan ang daloy ng mga kaisipan batay sa impormasyong inilahadMaayos ang daloy ng mga kaisipan batay sa impormasyong inilahadHindi maayos ang daloy ng mga kaisipan batay sa impormasyong inilahad
MensaheMay malinaw at malawak na mensaheMay malinaw na mensaheLimitado ang mensaheMalabo ang mensahe
HikayatAng dating sa mambabasa ay lubos na nakahihikayat at nakakatawag pansinAng dating sa mambabasa ay nakahihikayat.Mahina ang dating sa mambabasa o tagapakinig upang makapanghikay at.Walang dating sa mga mambabasa ang photo essay
Kabuuang Puntos

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. B
  2. A
  3. B
  4. C
  5. D
  6. A
  7. C
  8. C
  9. C
  10. D
  11. D
  12. C
  13. B
  14. B
  15. C
Tayahin
  1. D
  2. D
  3. C
  4. C
  5. B
  6. C
  7. B
  8. B
  9. C
  10. C
  11. A
  12. C
  13. D
  14. A
  15. B

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text was read from the rotated image]

Balikan

Gawain 1: Kahon-Buuan

[chart: flowchart; Gawain 1: Kahon-Buuan]

  • Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko → Panahon ng Bato
  • Tanso, Bronse, Bakal → Panahon ng Metal
  • Panahon ng Bato and Panahon ng Metal → Yugto ng Pag-unlad

Tuklasin

Gawain 2: Balik Tanaw
  1. Ang pisikal na katangian ng daigdig ay nakaaapekto ng malaki sa kilos at gawain ng tao. Sinasaklaw ng heograpiya ang pag-unawa at pagbibigay-paliwanag kung paanong ang kapaligiran ay nakatutulong sa paghubog ng kabihasnan at sa mga paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.


  2. Ang yugto ng pag-unlad ng kultura ay nahahati sa dalawang panahong: Panahon ng Bato at Panahon ng Metal. Ang mga sinaunang tao ay mga nomadiko ngunit unti-unting nakabuo ng pamayanan. Natuto din sila [?] ng ibang mga gawain tulad ng paggawa ng palayok, paghahabi o kaya ay pagsulat na naging hudyat upang magkaroon ng mataas na antas ng kultura hanggang sa kalaunan ay nabuo ang sibilisasyon.


Tuklasin

Gawain 3: Suri-Awit
  1. Ano ang ipinahihiwatig ng kanta?
    Ang kanta ay tungkol sa maduming kapaligiran dahil sa kapabayaan ng tao.


  2. Bakit mahalaga ang pangangalaga at pagpapahalaga sa ating kapaligiran?
    Mahalagang pangalagaan at pahalagaan ang kapaligiran dahil tayo ay umaasa sa biyayang ibinibigay nito para sa ating pang-araw-araw na pangangailangan.


  3. Ano ang magiging epekto sa pamumuhay ng mga tao kung hindi mapapangalagaan ang kapaligiran?
    Kapag hindi napangalagaan ang kapaligiran, ito ay magdudulot ng suliranin sa atin tulad ng pagkakaroon ng polusyon, pagbaha at iba pa.


  4. Paano mo maipapakita ang pangangalaga at pagpapahalaga sa kapaligiran?
    Bilang estudyante, maipapakita ko ang pangangalaga at pagpapahalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng mga simpleng gawain tulad ng tamang paghiwalay ng basura, pagtatanim at pangangalaga ng punong kahoy, at marami pang iba.


[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text was read from the rotated image]

Heograpiya ng Mesopotamia

Gabay na Tanong:

  1. Ang lupain ng Mesopotamia ay pinag-aagawan dahil sa masaganang lupain nito angkop sa pagtatanim.


  2. Ang karaniwang pagbaha ng ilog Tigris at Euphrates ay nag-iiwan ng banlik o silt na nagpapataba sa lupa kaya naging mainam ito sa pagsasaka na siyang dahilan upang umunlad ang kabihasnang Mesopotamia.


Heograpiya ng Lambak ng Indus

Gabay na Tanong:

  1. Ang Ilog Indus ay mahalaga sapagkat sa tuwing labis ang pag-agos ng ilog ito ay nagdadala ng banlik sa lupa at nagpabuti sa halaga ng lupain na maging angkop sa pagtatanim.


  2. Ang heograpiya ng kabihasnang Indus ay higit na may bentahe kaysa sa Mesopotamia dahil ang Ilog Indus na taunang umaapaw ay nagdadala ng banlik na nagpapataba sa lupa. Maliban dito nakapagpatayo rin ng mga paagusan ng tubig at mga proyekto sa pagkontrol sa pag-apaw ng ilog.


Heograpiya ng Huang Ho

Gabay na Tanong:

  1. Ilan sa mga suliraning dulot ng pagbaha ng Huang Ho ay pagkawasak ng mga pananim at ari-arian, at pagkasawi ng buhay ng tao.


  2. Ang Huang Ho ay nakatulong sa pagbuo at pag-unlad ng Kabihasnang Tsino dahil ang ilog ang nag-iiwan ng banlik na naging daan upang maging mataba ang lupa sa pagtatanim.


Heograpiya ng Egypt

Gabay na Tanong:

  1. Ang disyertong makikita sa silangan at kanluran ng Ilog Nile ay naging proteksiyon ng Egypt laban sa mga mananakop.


  2. Ang Ilog Nile ay nakatulong na mapahusay ang aspetong transportasyon ng kabihasnan dahil naidugtong nito ang mga naninirahan sa tabing ilog.


Heograpiya ng Mesoamerica

Gabay na Tanong:

  1. Sinasabing ang kontinente ng Asya at America ay magkaugnay. Ang Bering Strait sa pagitan ng Asya at North America ay dating isang tuyong lupain na nagsisilbing tulay sa dalawang kontinente na naging daanan ng mga mangangaso mula Asya papuntang North America. Ngunit dahil sa naganap na Ice Age, ang tulay na lupa ay natakpan ng glacier hanggang ito ay nawala.


  2. Batay sa mapa, ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Mesoamerica ay pagsasaka.


Gawain 4: Kumpletuhin Mo!
Sinaunang Kabihasnan sa DaigdigHeograpiyaKaugnayan ng Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng Kabihasnan
1. Mesopotamialambak-ilog ng Tigris at EuphratesAng mag ilog na ito ay nakatulong upang maging angkop ang lupa sa pagsasaka na siyang pangunahing pamumuhay ng mga tao. Ang mga ilog na ito ay naging mahalaga sa aspetong transportasyon. Pinag-ugnay nito ang mga karatig lugar.
2. Induslambak-ilog ng Indus
3. Tsinolambak-ilog ng Huang Ho
4. Ehiptolambak-ilog ng Nile
5. Mesoamericalambak-ilog ng Sinaloa
Gawain 5: Venn Diagram

[chart: Venn diagram; Gawain 5: Venn Diagram]

Left circle:

  • Kabihasnang Tsino
  • Kabihasnang matatagpuan sa lambak-ilog ng Huang Ho

Overlap:

  • Parehong umusbong sa mga lambak-ilog
  • Pamayanang agrikultural

Right circle:

  • Kabihasnang Mesopotamia
  • Kabihasnang matatagpuan sa pagitan ng dalawang ilog ng Tigris at Euphrates.
Gawain 6: I-Rapahalagahan Mo!

Halimbawa:

Biyaya

Ni: Maria Vanessa J. Resullar

Lambak-ilog Lunduyan ng sibilisasyon Ilog Tigris-Euphrates, Huang Ho, Indus, Nile Biyaya sa mga kabihasnan noon. Banlik na naiiwan Pataba sa lupang sakahan Simula ng lipunang agrikultural Lumaon ay nakipagkalakal Transportasyon sa ilog Naging tulay sa mga karatig lugar. Ilog na biyaya Pinahalagahan ng mga ninuno Sibilisasyon ay pinagpala Narating rurok ng kapangyarihan.

Isagawa

Gawain 7: T-chart

[chart: T-chart with central circle; Gawain 7: T-chart]

Left box, Politika: May mga bansa na naging maunlad dahil pinag-aralan nila ang paggamit ng mga likas na yaman ng kanilang teritoryo o kaya’y tumuklas at gumamit ng likas na yaman ng ibang lupain upang manguna sa kalakalan at mga gawaing pampulitika sa buong daigdig tulad ng US, South Korea, Singapore, at iba pa.

Central circle: Impluwensiya ng Heograpiya

Right box, Ekonomiya: Ang Pilipinas ay nasa isang estratehikong posisyon sa pagitan ng Pacific at kabuuang ng Asya. Ito ay malapit sa dalawang pinakamalaking pamilihan sa rehiyon, ang China at Japan. Ang ating bansa ay nagbibigay ng mahahalagang ruta sa karagatan para sa kalakalan at komersyo.

Karagdagang Gawain

Gawain 8: Pagbuo ng Photo-Essay

Ang ilog ay may malaking ambag sa kasaysayan. Ito ang naging lunduyan ng kabihasnan noon tulad ng Ilog Tigris-Euphrates sa Mesopotamia, Ilog Indus ng India, Huang Ho ng China at Ilog Nile ng Egypt. Ang mga ilog na ito ay naging biyaya sa mga sinaunang tao sapagkat naging mataba ang lupa sa mga lambak na dinadaluyan nito. Naging hudyat ito upang maging angkop ang lugar sa pagsasaka na nakatulong upang umunlad ang kabihasnan.

Sa kasalukuyan, matatagpuan ang mga komunidad malapit sa mga ilog tulad na lamang sa mga larawan sa itaas. Maliban sa naging sandigan ng agrikultura, ang mga ilog ay may mahalagang papel sa transportasyon at komersiyo. Ang mga ilog na ito ay naging tulay ng mga magkakaratig na lugar na naging daan upang mapabilis ang palitan ng produkto. Ang pamayanang nakapalibot sa mga ilog ay unti-unting lumaki at lumawak tulad ng mga pamayanan sa kasalukuyan.

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Mateo, Grace Estela C., Rosita D. Tadena, Mary Dorothy dl. Jose, Celinia E. Balonso, Celestina P. Boncan, John N. Ponsaran and Jerome A. Ong. 2012. Kasaysayan ng Daigdig: Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon. Quezon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc.

Vivar, Teofista L., Nieva J. Discipulo, Priscilla H. Rille, Zenaida M. de Leon. 2000. Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat sa Ikatlong Taon. Metro Manila, Philippines: SD Publications, Inc.

Department of Education. 1995. Ang Mga Unang Kabihasnan – Modyul 3. Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district