Araling Panlipunan 7 Quarter 4 Module 1: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

This is the Grade 7 Araling Panlipunan self-learning module for Quarter 4, Module 1: “Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya” (colonialism and imperialism in East and Southeast Asia). It was prepared by DepEd MIMAROPA Region for home study under Alternative Delivery Mode. Learners study why Western countries colonized Asia, how they did it, and how colonization changed countries such as China, the Philippines, Indonesia, and Malaysia.

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  1. List the reasons, methods, and effects of colonialism and imperialism in East and Southeast Asia.
  2. Identify the countries in East and Southeast Asia that were colonized.
  3. Analyze the methods, reasons, and effects of Western colonialism and imperialism in East and Southeast Asia.

The module is built on this Most Essential Learning Competency: analyzing the methods, reasons, and effects of Western colonialism and imperialism in the first phase (16th and 17th centuries), when Westerners arrived in East and Southeast Asia.

Its content standard asks learners to value how Asians responded to change and development in East and Southeast Asia from the 16th to the 20th century. Its performance standard asks them to analyze that change critically.

Key terms

  • Kolonyalismo (colonialism): a system in which a society or state controls a people and their resources.
  • Imperyalismo (imperialism): the political, economic, and cultural domination of a weak, small nation-state by a powerful one that wants to become a world power.
  • Merkantilismo (mercantilism): the economic belief that a nation’s real wealth is the amount of gold and silver it holds.
  • Colony: a territory directly controlled and governed by the imperial country, as Spain did in the Philippines, France in former Indochina, and Britain in India.
  • Protectorate: a territory with its own government whose policies, especially foreign policy, are directed by the imperial country.
  • Sphere of influence: one country’s exclusive control over trade, investment, and other economic activity in part of another country’s territory.
  • Extraterritoriality: the right of a British person who committed a crime in China to be tried in a British court, not a Chinese one.
  • Divide and rule policy: setting local leaders or groups against each other so the colonizer can conquer them.

Why and how the West colonized Asia

The module explains that the most important reason was economic. Asia had natural resources and good ports for trade. The module names four reasons for colonization: the desire for mineral wealth, control of trade routes, relief from population pressure at home, and spreading the colonizer’s culture and traditions.

To gain new lands, Europeans used friendship, treaties, buying land from a previous colonizer, or military force. The module describes three methods of colonization:

  • Komersyal na paraan (commercial method): adventurers, merchants, and trading companies set up colonies. The English East India Company (1600 to 1858) became Britain’s main tool for ruling India.
  • Militar na paraan (military method): naval and military power. The Portuguese, then the Dutch, French, and British, took control of Asian trade in spices and cloth this way.
  • Lokal na kontroladong pagpapalawak (locally controlled expansion): expansion started by soldiers or adventurers on the ground looking for new farmland and pasture, not always planned by the government.

Colonialism in East and Southeast Asia

China. China practiced isolationism because it valued its own culture and feared foreign influence. In the 18th century, British traders paid for Chinese tea, silk, and porcelain with opium from India and Turkey. China’s resistance led to the Opium War in 1839. After the First Opium War, the Treaty of Nanking opened more ports, gave Hong Kong to Britain, required China to pay 21 million dollars, and granted extraterritoriality. After the Second Opium War against England and France, the Treaty of Tientsin opened 11 more ports, gave Kowloon to England, let Westerners live throughout China, and made the opium trade legal.

Southeast Asia. Portugal and Spain led the conquest of the region, followed by the Netherlands, England, and France.

  • Philippines: Spain came for Catholicism, gold, and a good port. It used the sanduguan (blood compact) and imposed tributo (tax), polo y servicio (forced labor for men aged 16 to 60), monopolyo (control of trade), bandala (forced sale of crops to the government at low prices), and encomienda (land grants as rewards). A Governor-General ruled for the King of Spain. The Propagandists and later the Katipuneros resisted.
  • Indonesia: Called the Spice Island because of the Moluccas. The Portuguese arrived in 1511; the Dutch later drove them out, used divide and rule, and formed the Dutch East India Company.
  • Malaysia: Ruled by Portugal, the Netherlands, and England. The British profited from rubber and tin and brought in Chinese workers, which led to conflict with native Malays.

Effects of colonialism and imperialism

  • Agriculture developed, but Asians suffered abuse and slavery.
  • Transport and communication improved to speed up exports.
  • European culture, beliefs, and traditions influenced Asians.
  • Asians lost the right to govern themselves.
  • Conflicts arose among Asian peoples.
  • Natural resources were destroyed.
  • Asia became a source of raw materials and a market for European goods.

How to use this module

The module follows this order: Alamin (objectives), Subukin (15-item pretest), Balikan (review of Asian contributions to the arts, humanities, and sports), Tuklasin (a picture-and-word activity), Suriin (the main discussion), Pagyamanin (five activities, including jumbled letters, matching, modified true or false, a reasons-methods-effects chart, and map coloring), Isaisip (essay questions), Isagawa (a slogan and a reflection), Tayahin (15-item post-test), and Karagdagang Gawain (a poster). The slogan and poster each come with a 15-point rubric, and an answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end.

  • Learners: Write all answers on separate paper and do not mark the module, so others can use it. Check your work honestly with the answer key and ask your teacher if a lesson is unclear.
  • Parents and guardians: Use the pretest result to see where your child needs extra help, and guide them through the activities in order.
  • Teachers: The teacher’s note says each lesson’s activities are planned for three-day sessions, and teachers are encouraged to adapt them to learners’ interests and abilities.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 4, Module 1. It was prepared by DepEd MIMAROPA Region as a first edition in 2020.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, post-test, Tuklasin, and Pagyamanin activities.

What is the difference between kolonyalismo and imperyalismo?

Colonialism is a system in which a state controls a people and their resources. Imperialism is a powerful nation’s political, economic, and cultural domination of a weaker nation in order to become a world power.

Which countries does the module discuss?

It discusses China in East Asia and the Philippines, Indonesia, and Malaysia in Southeast Asia.

What treaties ended the Opium Wars?

The First Opium War ended with the Treaty of Nanking, which gave Hong Kong to Britain. The Second Opium War ended with the Treaty of Tientsin, which gave Kowloon to England and legalized the opium trade.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan – Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

[illustration: students studying outdoors and indoors, a teacher at a desk, and a student holding a globe]

CO_Q4_AP 7_Modyul 1

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang

Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address : Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telefax : (02) 8631-4070; 8637-3093; 8637-3139 Email Address : region4b@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Edlyn S. Lavega Editor: Enrile O. Abrigo Jr., Jim Paul M. Belgado Tagasuri: Villaflor C. Ocampo Tagaguhit: Esrael P. Ramos Tagalapat: Liezl O. Arosio Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Danilo C. Padilla, Freddie Rey R. Ramirez, Cyril C. Serador, Ronald S. Brillantes, Marites L. Arenio, Eva Joyce C. Presto, Rhea Ann A. Navilla

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Halina’t simulan natin!

Resulta ng mga pagbabagong dulot ng pag-unlad sa teknolohiya, kaalaman sa paglalakbay, at paglago ng industriya ang dahilan ng paglalakbay ng mga Kanluranin sa Asya. Kasabay nito ang pangangailangan nila ng mapagkukunan ng mga hilaw na materyales at mababagsakan ng sobrang produkto kaya’t kinailangan nilang manakop at magpalawak ng kanilang teritoryo. Kaugnay nito nagsimula silang magtatag ng mga kolonya sa pamamagitan ng patakarang kolonyalismo at imperyalismo.

Ang Kolonyalismo ay ang sistema kung saan kinokontrol ng isang lipunan o estado ang mga tao at mapagkukunang yaman nito. Samantalang ang Imperyalismo naman ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at pangkultural sa pamumuhay ng mahina at maliit ng nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:

  1. Naiisa-isa ang mga dahilan, paraan, at epekto ng kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya;
  2. Natutukoy ang mga bansa na nasakop ng Kolonyalismo sa Silangan at Timog-silangang Asya; at
  3. Nasusuri ang mga paraan, dahilan, at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang tiyak na matutuhan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)

Ang mga mag-aaral ay napahahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa transisyonal at makabagong panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)

Ang mga mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa transisyonal at makabagong panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)

Nasusuri ang mga paraan, dahilan, at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (Ika-16 at Ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

1 CO_Q4_AP 7_ Modyul 1

Subukin

Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang tawag sa dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at pangkultural sa pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan?
    a. Kolonyalismo
    b. Imperyalismo
    c. Protectorate
    d. Extraterritoriality


  2. Alin sa sumusunod ang HINDI itinuturing na dahilan ng paglaganap ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya?
    a. Nasyonalismo
    b. Pagkukunan ng hilaw na materyales
    c. Pagpapalawak ng kapangyarihan
    d. Panibagong ruta ng kalakalan.


  3. Ano ang tawag sa patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas na kung saan sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihan na may edad 16 hanggang 60?
    a. Tributo
    b. Polo y Servicio
    c. Monopolyo
    d. Encomienda


  4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa paraan ng mga imperyalistang bansa para makakuha ng bagong lupain?
    a. Paggamit ng kasunduan
    b. Paggamit ng puwersa
    c. Pagbili ng lupain sa mga pinuno ng bansa
    d. Pakikipagkaibigan


  5. Ano ang tawag sa direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kaniyang sakop?
    a. Colony
    b. Sphere of influence
    c. Isolationism
    d. Protectorate


  6. Ano ang kasunduang nabuo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Opyo?
    a. Kasunduang Tientsin
    b. Kasunduang Yandabo
    c. Kasunduan Versailles
    d. Kasunduang Nanking


  7. Ano ang bansang tanyag sa panggagalugad at pagtuklas dahil sa masaganang produkto ng pampalasa na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan nito lalo na sa pulo ng Moluccas?
    a. China
    b. Pilipinas
    c. Indonesia
    d. Malaysia


  8. Ano ang dahilan ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas?
    I- dahil sa maayos na daungan
    II- dahil sa ginto
    III-dahil sa pampalasa
    IV-dahil sa plantasyon ng goma at reserba ng lata
    a. I, II, III, at IV
    b. I at II
    c. II at III
    d. I, II, at III


2 CO_Q4_AP 7_ Modyul 1

  1. Anong Kanluraning bansa ang nanguna sa pananakop sa Timog-Silangang Asya?
    a. Spain at Portugal
    b. Portugal at Netherlands
    c. England at Netherlands
    d. Portugal at England


  2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa epekto ng kolonyalismo?
    a. Kawalan ng pamahalaan ang sariling bansa.
    b. Pang-aalipin at pang-aabuso sa mga katutubo.
    c. Pagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng ating mga ninuno.
    d. Pagyabong at pag-unlad ng likas na yaman ng mga bansang Asyano.


  3. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa paraan ng kononisasyon?
    a. Komersyal na paraan
    b. Militar na paraan
    c. Industriyal na paraan
    d. Lokal na kontroladong pagpapalawak


  4. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa tributo?
    a. Sistema ng pagbubuwis na ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas upang matustusan ang pamahalaan nito.
    b. Sapilitang pagbili sa mga ani ng katutubo sa mababang halaga.
    c. Sapilitang pagtatrabaho sa kalalakihan na may edad 16 hanggang 60.
    d. Buwis na binabayaran ng mga kalalakihan upang makaligtas sa sapilitang paggawa


  5. Ano ang isang paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar?
    a. Extraterritoriality
    b. Divide and Rule Policy
    c. Tributo
    d. Polo y Servicio


  6. Ang Kasunduaang naglalaman ng pag-angkin ng England sa Hongkong.
    a. Kasunduang Tientsin
    b. Kasunduang Yandabo
    c. Kasunduang Versailles
    d. Kasunduang Nanking


  7. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga patakarang ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas?
    a. Isolationism
    b. Polo y Servicio
    c. Bandala
    d. Encomienda


3 CO_Q4_AP 7_ Modyul 1

Aralin 1: Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Sa nakalipas na aralin ay iyong napag-aralan ang tungkol sa pagkakakilanlan ng kulturang Asyano batay sa mga kontribusyon nito. Nabatid mo na mayroon tayong ambag sa larangan ng sining, humanidades, at palakasan na kung saan masasalamin ang kulturang Asyano.

Halika at ating balikan ang mga kontribusyong ito.

Balikan

Gawain: Ambag ko, Isulat mo!

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang ambag ng mga Asyano sa iba’t ibang larangan.

LaranganAmbag
Sining
Humanidades
Pampalakasan

Mga Tala para sa Guro

Naglalaman ito ng iba’t ibang mungkahing gawain para sa bawat aralin na dapat malinang sa kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng paggamit ng jumbled letters, graphic organizer, paggawa ng islogan, picture analysis, Reflective Journal atbp. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon. Iminumungkahi na pagyamanin pa ng mga guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.

4 CO_Q4_AP 7_ Modyul 1

Tuklasin
Gawain 1: Tukuyin Mo Ako

Panuto: Suriin ang larawan upang matukoy ang hinahanap na salita. Gawin ito sa sagutang papel.

[illustration: people gathering goods from a rock formation, one figure in European-style dress]

I__P__ __ Y __ L I __M__

S__L__N G __N G A__ __ A

[illustration: outline map of East Asia]

T I __O__ S__ __ ANG__ N__ __S__A

[illustration: map of Southeast Asia]

Pamprosesong Tanong:

  1. Ano ang iyong nabuong salita?
  2. Ano ang kolonyalismo at imperyalismo?
Suriin
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Merkantilismo -sistemang pangekonomiya na naniniwala na ang tunay na kayamanan ng isang bansa ay ang kabuuang dami ng ginto at pilak na mayroon ito.

Ang pag-usbong ng kolonyalismo sa Asya ay bunga ng maraming kadahilanan na kung ating titingnan na pinakamahalagang dahilan ng mga Europeo sa pagtatag ng mga kolonya ay pang-ekonomiya. Nakita ng mga Europeo ang mga katangiang taglay ng Asya katulad ng likas na yaman at mga daungan nito na angkop sa pakikipagkalakalan. Hangarin nilang kumita ng pera mula sa kalakalan, likas na yaman at mga pagkakataon para sa pagbubuwis at pamumuhunan. Ang mga kolonyal na teritoryo ang nagsisilbing prodyuser ng mga yamang mineral, hilaw na materyales, pagkain at mamahaling bagay na kakauniti o hindi makukuha sa sariling bansa.

Ang pagnanais sa mga yamang mineral ang isa sa makapangyarihang dahilan ng kolonisasyon. Ikalawa ay ang pagnanais na makontrol ang mga ruta ng kalakalan . Ang ikaltong dahilan ay ang pangangailangang palayain ang presyur na dulot ng paglaki ng populasyon dahil ang sobrang populasyon ay madalas na nakikita bilang isang sanhi ng kaguluhan sa lipunan. At ang panghuli ay itinuturing na isang kultural na kanlungan o bilang isang kultural na pag-aari dahil ang mga kolonya ay nagiging instrumento sa pagpapalaganap ng kanilang kultura at tradisyon.

Gumamit ng iba’t ibang estratehiya ang mga Europeo upang makakuha ng bagong lupain. Ilan sa mga ito ay ang pakikipagkaibigan, kasunduan, pagbili ng lupain mula sa dating mananakop o kaya ay ginamitan ng puwersang militar. Mayroon din silang iba’t ibang paraan ng pagkontrol sa kanilang teritoryo katulad ng colony o kolonya na kung saan tuwiran ang pagkontrol at pamamahala ng imperyalistang bansa sa kaniyang sakop na bansa katulad ng ginawa ng Espanya sa Pilipinas, Pransiya sa dating Indo-Tsina, at Britanya sa India. Ang Protectorate ay mayroong sariling pamahalaan ngunit ang mga patakaran at kautusan ay dinidirekta ng imperyalistang bansa lalo na sa patakarang panlabas gaya ng ginawa ng Amerika sa Pilipinas, Britanya sa Hongkong, at Portugal sa Macau. Ang ekslusibong pagkontrol ng isang bansa sa komersiyo, pamumuhunan at iba pang gawaing pang-ekonomiya sa isang bahagi ng teritoryo ng isang bansa ay tinatawag namang Sphere of Influence.

Mga Paraan ng Kolonisasyon
  1. Komersyal na paraan– ang paglalakbay ng mga indibiduwal na adbenturero na naghahangad ng kanilang sariling katanyagan at kayamanan o ng mga mangangalakal at kumpanya ng kalakalan ang naging ugat ng pagtatatag ng kolonya. Napakahalaga ng papel na ginampanan ng mga kompanyang pangkalakal sa mga gawaing Ingles at Dutch sa Silangan.

Ang English East India Company (1600-1858) ay isang organisasyong pangkalakal na may napakalaking kayamanan at impluwensya, at sa mahigit na 250 taon na pamamayagpag nito na naging pangunahing instrumento ng British upang mamuno sa India.

  1. Militar na paraan – Ang kapangyarihang pandagat at puwersang militar ay mahalagang paraan ng pagtatag ng kolonyal na paghahari. Nakuha ng Portugues (na sinundan ng Dutch, French at British) ang kontrol sa kalakalang Asyano sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng kapangyarihan sa dagat upang talunin ang kanilang mga karibal at kunin ang pagluluwas ng mga pampalasa, tela at iba pang kalakal para sa kanilang sarili.


  2. Lokal na kontroladong pagpapalawak– ang pagpapalawak ng kolonyal ay hindi palaging plano o inaprubahan ng pamahalaan. Minsan, ito ay dahil sa mga nakabaseng sundalo o adbenturero sa isang lugar na maging ang mga liblib na lugar ay kanilang ginalugad upang makahanap ng mga bagong lupang sakahan at pastulan.


Ating tunghayan kung paano lumaganap ang kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya? Aalamin din natin ang mga naging epekto nito sa mga bansang nasakop.

Silangang Asya

Ang matagal na pakikipagkalakalan ng Silangang Asya sa mga Europeo sa pamamagitan ng mga sinaunang ruta ng kalakalan ay ang ugat ng pagkakaroon ng mga ito ng ideya o kaalaman ukol sa taglay nitong yaman at ganda ng likas yaman nito. Bagamat marami ang nagkaroon ng interes na sakupin ang rehiyong ito subalit bigo sila dahil sa pagkakaroon ng matatag na pamahalaan dahilan upang hindi ito ganap na naapektuhan. Nakapagtatag ang Portugal ng kanilang kolonya sa mga daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan ngayon) subalit kalaunan ay kanila rin itong nilisan.

China. Sa loob ng mahabang panahon ang China ay pinamumunuan ng mga Emperador na nakatulong nang malaki upang mapatatag ang kabuhayan, lipunan, at pulitika ng China. Mayroon lamang limitadong kalakalan sa pagitan ng mga bansang Europeo at ng China sa loob ng tatlong daan taon. Ipinatupad nila ang isolationism o ang paghihiwalay sa bansa mula sa daigdig dahil sa mataas na pagtingin sa sariling kultura at paniniwalang makasisira ang impluwensiya ng mga dayuhan.

Subalit sa pagpasok ng ika-18 siglo ay nakakita ng pagkakataon ang mga British na mapasok ang kalakalan sa China at malaking kita ang ibinigay nito sa kanila. Sa pakikipagpalitan ng tsaa, silk, at porselana mula sa China ay sinadya ng mga mangangalakal na British na huwag gumamit ng salapi sa palitan kundi nagpasimula silang magluwas ng opyo na nanggagaling sa India at Turkey. Ang opyo ay isang halamang gamot na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa katawan. Nang ito’y malaman ng mga Tsino ay tinutulan nila ang patuloy na pagpasok ng opyo sa China ngunit naging daan ito sa pagtutol at pagsisimula ng isang digmaan noong 1839. Kinilala ang digmaang ito bilang Opium War. Sa Unang Digmaang Opyo, nanalo ang mga British na nagresulta sa paglagda sa Kasunduang Nanking. Nakapaloob sa Kasunduang ito na bubuksan pa ng Tsina ang iba pa nitong daungan, pag-angkin ng British sa Hongkong, pagbabayad pinsala ng China ng 21 milyong dolyar at pagkakaloob ng karapatang extraterritoriality.

Extraterritoriality – ang sino mang British na nagkasala sa China ay hindi maaaring litisin sa korte ng mga Tsino kundi sa korte ng mga British.

Nasundan pa ito ng Ikalawang Digmaang Opyo, sa pagkakataong ito ang England at France na ang naging kalaban ng China. Natalong muli ang Tsina at nagbunga na naman ito ng isa pang kasunduan na tinatawag na Kasunduang Tientsin. Ang pagbubukas ng 11 pang daungan para sa kalakalan, pag-angkin ng England sa Kowloon, pagpapahintulot sa mga Kanluranin na manirahan at makapasok sa buong China at ang pagiging legal na bentahan ng opyo sa pamilihan ng China ang nilalaman ng kasunduang ito.

Ang pagkatalo ng China sa Digmaang Opyo ay nagpahina sa kanilang pamahalaan at ipinatupad ng mga Kanluranin ang Sphere of Influence upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng mga Europeo at maging ang karapatang extraterritoriality na kung saan ang sinumang British na nagkasala sa Tsina ay hindi maaaring litisin sa korte ng mga Tsino kundi sa korte lamang ng British.

Timog-Silangang Asya

Hindi nakaligtas ang mga kapuluan ng Timog-Silangang Asya at ito ay lubos na naapektuhan ng imperyalismong Kanluranin. Halos lahat ng daungan ay napasakamay ng mga Europeo. Ito ay dahil sa paghahangad na makontrol ang mga pampalasa at ang pagkuha ng mga ginto.

Ang pananakop sa Timog-Silangang Asya ay pinangunahan ng Portugal at Spain na kung saan sila ang magkatunggaling bansa. Kalaunan, ang pananakop at pagtatayo ng mga kolonya sa rehiyong ito ay sinundan din ng Netherlands, England, at France.

Pilipinas. Sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa hangaring pagpapalaganap ng Katolisismo, ginto, at maayos na daungan. Maraming paraan ang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop, isa na rito ang Sanduguan. Ginagawa sa pamamagitan ng pag-inom ng alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo, mistulang nakikipag-kaibigan ang mga pinunong Espanyol sa lokal na pinuno. Nagpatupad din sila ng iba’t ibang patakaran katulad ng tributo na kung saan pinagbayad ng buwis ang katutubo ng mga Espanyol. Ang Polo y Servicio o sapilitang pagtatrabaho ng kalalakihan na may edad 16 hanggang 60. Ang monopolyo na tumutukoy sa pagkontrol ng Espanyol sa kalakalan. Ang pagtatag ng sentralisadong pamahalaan na pinangasiwaan ng Gobernador-Heneral na kinatawan ng Hari ng Spain. Siya ay may malawak na kapangyarihan sa pamahalaan, simbahan, hukuman at militar. Ipinatupad din ang sistemang bandala, sa sistemang ito ay sapilitan ang pagbili ng pamahalaan sa ani ng mga magsasaka sa mababang halaga at may takdang dami ang produktong dapat ipagbili sa pamahalaan. Kabilang din sa ipinatupad ay ang sistemang encomienda. Ang paggawad ng encomienda ay nagsilbing pabuya o gantimpala sa mga Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo.

Ang kanilang mapang-abusong patakaran ang nagtulak sa ating mga ninuno upang sila ay hadlangan. Sa pangunguna ng mga Propagandista ay naghangad sila ng mga reporma at pantay na karapatan sa mga Espanyol at sinundan ito ng mga Katipunero na nagnais ng kalayaan para sa bansa. Ang mga Kilusang ito ang nagbukas sa isipan ng mga Pilipino sa pagkakamit ng kalayaan.

Indonesia. Tanyag noon pa mang panahon ng panggagalugad at pagtuklas ang Indonesia. Maraming mga Kanluraning bansa ang naghahangad na marating ang lupaing ito dahil sa masaganang produkto ng pampalasa na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan nito lalo na sa pulo ng Moluccas. Ito ang dahilan kung bakit tinagurian ito bilang Spice Island. Bukod pa rito, ang maayos na daungan at pagiging sentro ng kalakalan ay ilan din sa mga dahilan ng kanilang paghahangad na masakop ito.

Ang mga Portuges ang unang dumating sa Indonesia noong 1511. Ang pagkakagulo sa lipunang Indonesian ang naging dahilan ng madaling pagkasakop ng mga dayuhan sa bansa. Nagtayo sila ng mga himpilan ng kalakalan at nagsimulang palaganapin ang Kristiyanismo.

Ekslusibo nilang nakontrol ang kalakalan ng Indonesia. Subalit sa kabila ng kanilang pamamayagpag, kalaunan ay sumunod ang Netherlands sa pananakop dito. Pinaalis ng mga Dutch ang mga Portuges, at sinakop ang mga isla ng Ambiona at Tidore sa Moluccas gamit ang kanilang malakas na puwersang pandigma.

Ang divide and rule policy ay ginamit ng mga Dutch upang mapasunod at masakop ang mga islang nabanggit. Ang divide and rule policy ay isang paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar, ginagamit naman ng mga mananakop ang isang tribo upang masakop ang ibang tribo.Itinatag din ang Dutch East India Company upang pag-isahin ang mga kompanyang nagpapadala ng paglalayag sa Asya.

Malaysia. Katulad din ng Pilipinas, maraming bansa rin ang sumakop sa Malaysia. Ito ay ang Portugal, Netherlands, at England. Naging tanyag ang Malaysia dahil sa malawak na plantasyon nito ng goma at malaking reserba ng lata. Kung kaya naging pangunahing tapagsuplay ng goma at lata. Sa panahon ng pananakop ng mga British, sila ay kumita ng malaki sa mga produktong ito dahil kinontrol nila ang pagluluwas nito. At sa hangarin ng mga British na kumita ng mas malaki ay hinikayat nila ang mga Tsino na magtungo sa Malaysia bilang mga manggagawa. Hindi naglaon, mas marami pa ang mga Tsino kaysa mga katutubong Malay. Ang pananakop ng mga ito ay nagdulot ng paghihirap, pang-aabuso, at kaguluhan sa pagitan katutubong Malay at nandayuhang Tsino.

Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya

Ang mahabang panahon ng pananakop ng mga Kanluranin sa Asya ay nagdulot ng malawakang epekto. Kabilang dito ang sumusunod:

  • Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng argrikultura subalit nakaranas ng pang-aabuso at pang-aalipin ang ating mga ninuno.
  • Umunlad ang sistema ng transportasyon at komunikasyon upang mapadali ang pagluwas ng mga produkto sa pandaigdigang pamilihan.
  • Naimpluwesiyahan ng mga Europeo ang kultura, paniniwala at tradisyon ng mga Asyano.
  • Kawalan ng karapatan na pamunuan ng ating mga ninuno ang kanilang sariling buhay.
  • Pagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng ating mga ninuno.
  • Pagkasira ng mga likas na yaman ng Asya.
  • Nagsilbing kuhanan ng mga hilaw na materyales at imbakan ng mga gawang produkto ng mga Europeo.
Pagyamanin
Gawain 1: Jumbled Letters!

Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang tamang kasagutan sa mga gabay na tanong. Gawin ito sa sagutang papel.

  1. PERMIYAMOLIS 4. KANMERTIMOLIS
  2. ANGUDUNAS 5. YOPO
  3. ACHNI

Gabay na Tanong/Pahayag

  1. Tumutukoy sa dominasyon ng isang makapanyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at kultural sa pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan. _____
  2. Ginagawa sa pamamagitan ng pag-inom ng lokal na pinuno at pinunong Espanyol ng alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo. _____
  3. Bansang nagpatupad ng isolationism. _____
  4. Sistemang pang-ekonomiyang umiral noon sa Europe. _____
  5. Isang halamang gamot na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa katawan. _____
Gawain 2: Tapatan tayo!

Panuto: Pagtapatin ang mga nasa hanay A batay sa paglalarawan nito sa hanay B. Gawin ito sa sagutang papel.

AB
1. PilipinasA. Tinaguriang Spice Island
2. Sphere of InfluenceB. Ang paghihiwalay sa bansa mula sa daigdig dahil sa mataas na pagtingin sa sariling kultura at paniniwalang makasisira ang impluwensiya ng mga dayuhan.
3. MoluccasC. Pagbabayad ng buwis ng mga katutubo sa mga Espanyol
4. Dutch East India CompanyD. Bansang sinakop ng mga Espanyol
5. IsolationismE. Dahilan ng pananakop sa Pilipinas
6. Daungan at gintoF. Itinatag upang pag-isahin ang mga kompanyang nagpapadala ng paglalayag sa Asya.
7. NasyonalismoG. Naglalayon ng mga reporma at pantay na karapatan sa mga Espanyol
8. Kasunduang TientsinH. Ekslusibong pagkontrol ng isang bansa sa komersiyo, pamumuhunan at iba pang gawaing pang-ekonomiya sa isang bahagi ng teritoryo ng isang bansa
9. TributoI. Ang pagiging legal ng bentahan ng opyo sa pamilihan ng Tsina
10. PropagandistaJ. Damdaming makabayan
Gawain 3: Binagong Tama o Mali.

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad ng pangungusap. Kung mali, isulat ang MALI at palitan ang salitang may salungguhit upang maitama ang pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.

__________1. Ang Asya ay nagsilbing imbakan ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng produktong Kanluranin.

__________2. Nahati-hati ang rehiyon sa mga kanluraning bansa at nagkaroon ng takdang hangganan ang mga teritoryo ng bawat bansa.

__________3. Nagkaroon ng karapatan ng mga Asyano na pamahalaan ang sarili.

__________4. Umunlad ang sistema ng transportasyon at komunikasyon upang mapadali ang pagluwas ng mga produkto sa pandaigdigang pamilihan.

__________5. Pagkasira ng mga likas yaman ng mga bansa sa Asya.

Gawain 4: Itala Mo!

Panuto: Punan mo ang mahahalagang datos na hinihingi. Gawin ito sa sagutang papel.

Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

DAHILAN

PARAAN

EPEKTO

Gawain 5: Mapa-tukoy

Panuto: Tukuyin ang bansang nakaranas ng kolonyalismong Kanluranin. Gumamit ng pangkulay na asul para sa Silangang Asya at berde naman sa Timog-Silangang Asya. Gawin ito sa sagutang papel.

[illustration: two outline maps, East Asia and Southeast Asia, for coloring]

Isaisip

Panuto: Unawaing mabuti ang mga katanungan at sumulat ng paliwanag ukol dito. Gawin ito sa sagutang papel.

  1. Ano ang dahilan nang paglaganap ng kolonyalismo at imperyalismo?





  2. Ano ang ginamit na paraan ng mga Kanluranin sa pananakop sa Silangan at Timog-Silangang Asya?





  3. Napabuti ba ang ginawang pananakop ng mga Kanluranin?





Isagawa

Gawain 1: Natutuhan mo, Ipahayag mo!

Panuto: Gumawa ng Slogan ukol sa pagtugon ng ating mga ninuno sa Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Gawin ito sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the printed slogan box is empty]

Mungkahing Pamantayan sa Pagmamarka
Napakahusay 5Mahusay 4Paunlarin pa 3
NilalamanAng mensahe ay mabisang naipakitaDi gaanong naipakita ang mensaheMagulo ang mensahe
Presentasyong biswalNapakalinis at napakalinaw ang pagkakasulat ng mga titikMaganda ngunit di gaanong malinaw ang pagkakasulat ng mga titikDi maganda at magulo ang pagkakasulat ng mga titik
Kaugnayan sa paksaMay malaking kaugnayan sa paksaKaunti lang ang kaugnayan sa paksaWalang kaugnayan sa paksa
Kabuuan15
Gawain 2: Repleksyon, Ipahayag Mo!

Panuto: Isulat ang iyong pagkaunawa sa naganap na epekto ng pananakop ng mga Kanluranin. Ipahayag mo kung paano ka makikiisa sa layunin sa makabagong hamon ng kolonyalismo at imperyalismo na hinaharap ng rehiyon. Gawin ito sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the printed answer lines are blank; the lines are not reproduced individually]


Tayahin

Panuto: Unawain ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang tawag sa patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas na kung saan sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalalakihan na may edad 16 hanggang 60?

    • A. Tributo
    • B. Polo y Servicio
    • C. Monopolyo
    • D. Encomienda
  2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa paraan ng mga imperyalistang bansa para makakuha ng bagong lupain?

    • A. Pakikipagkaibigan
    • B. Paggamit ng puwersa
    • C. Paggamit ng kasunduan
    • D. Pagbili ng lupain sa mga pinuno ng bansa
  3. Ano ang tawag sa direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kaniyang sakop?

    • A. Colony
    • B. Sphere of influence
    • C. Isolationism
    • D. Protectorate
  4. Ano ang kasunduang nabuo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Opyo?

    • A. Kasunduang Tientsin
    • B. Kasunduang Yandabo
    • C. Kasunduang Versailles
    • D. Kasunduang Nanking
  5. Ano ang tawag sa dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at pangkultural sa pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan?

    • A. Kolonyalismo
    • B. Imperyalismo
    • C. Protectorate
    • D. Extraterritoriality
  6. Alin sa sumusunod ang HINDI itinuturing na dahilan ng paglaganap ng kolonyalismo at imperyalismo sa Asya?

    • A. Nasyonalismo
    • B. Pagkukunan ng hilaw na materyales
    • C. Pagpapalawak ng kapangyarihan
    • D. Panibagong ruta ng kalakalan.
  7. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa epekto ng kolonyalismo?

    • A. Kawalan ng pamahalaan ang sariling bansa.
    • B. Pang-aalipin at pang-aabuso sa mga katutubo.
    • C. Pagkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng ating mga ninuno.
    • D. Pagyabong at pag-unlad ng likas na yaman ng mga bansang Asyano.
  8. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa paraan ng kononisasyon?

    • A. Komersyal na paraan
    • B. Militar na paraan
    • C. Industriyal na paraan
    • D. Lokal na kontroladong pagpapalawak
  9. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa tributo?

    • A. Sistema ng pagbubuwis na ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas upang matustusan ang pamahalaan nito.
    • B. Sapilitang pagbili sa mga ani ng katutubo sa mababang halaga.
    • C. Sapilitang pagtatrabaho sa kalalakihan na may edad 16 hanggang 60.
    • D. Buwis na binabayaran ng mga kalalakihan upang makaligtas sa sapilitang paggawa
  10. Ano ang isang paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar?

    • A. Extraterritoriality
    • B. Divide and Rule Policy
    • C. Tributo
    • D. Polo y ServicioIto ang bansang
  11. Ano ang bansang tanyag sa panggagalugad at pagtuklas dahil sa masaganang produkto ng pampalasa na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan nito lalo na sa pulo ng Moluccas.

    • A. China
    • B. Pilipinas
    • C. Indonesia
    • D. Malaysia
  12. Ano ang dahilan ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas?

    I- dahil sa maayos na daungan
    II- dahil sa ginto
    III-dahil sa pampalasa
    IV-dahil sa plantasyon ng goma at reserba ng lata

    • A. I, II, III, at IV
    • B. I at II
    • C. II at III
    • D. I, II, at III
  13. Anong Kanluraning bansa ang nanguna sa pananakop sa Timog-Silangang Asya?

    • A. Spain at Portugal
    • B. Portugal at Netherlands
    • C. England at Netherlands
    • D. Portugal at England
  14. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga patakarang ipinatupad ng Espanyol sa Pilipinas?

    • A. Isolationism
    • B. Polo y Servicio
    • C. Bandala
    • D. Encomienda
  15. Ang Kasunduaang naglalaman ng pag-angkin ng England sa Hongkong.

    • A. Kasunduang Tientsin
    • B. Kasunduang Yandabo
    • C. Kasunduang Versailles
    • D. Kasunduang Nanking

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng pakikipaglaban ng mga Asyano sa kolonyalista at imperyalistang bansa. Gawin ito sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the printed poster frame is empty]

Mungkahing Pamantayan sa Pagmamarka
Napakahusay 5Mahusay 4Paunlarin pa 3
NilalamanNaipakikita ang kahusayan ng pag-unawa sa paksaNaipakikita ang pang-unawa sa paksaNaipakikita ang kakulangan sa pang-unawa ng paksa.
Presentasyong biswalNapakalinis at madaling maintindihan ang posterMalinis at halos naiintindihan ang posterDi maganda at medyo magulo ang poster
Kaugnayan sa paksaMay malaking kaugnayan sa paksaKaunti lang ang kaugnayan sa paksaWalang kaugnayan sa paksa
Kabuuan15

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down (rotated 180 degrees); the answers below are read from the rotated print]

Tuklasin

Gawain 1:

  1. Imperyalismo
  2. Silangang Asya
  3. Timog-Silangang Asya
Pagyamanin

Gawain 1:

  1. IMPERYALISMO
  2. SANDUGUAN
  3. CHINA
  4. MERKANTILISMO
  5. OPYO

Gawain 2:

  1. D
  2. H
  3. A
  4. F
  5. B
  6. E
  7. J
  8. I
  9. C
  10. G

Gawain 3:

  1. Mali-Kuhanan
  2. Tama
  3. Mali-Nawalan
  4. Tama
  5. Tama
Tayahin
  1. B
  2. D
  3. A
  4. A
  5. B
  6. A
  7. D
  8. C
  9. A
  10. B
  11. C
  12. D
  13. A
  14. A
  15. D
Subukin
  1. B
  2. A
  3. B
  4. C
  5. A
  6. A
  7. C
  8. B
  9. A
  10. D
  11. C
  12. A
  13. B
  14. D
  15. A

Sanggunian

Encyclopedia

“Colonialism” The World Book Encyclopedia, compiled by Reg. U.S. Pat. & T.M. Off. Marca Registrada, Library of Congress Catalog Card Number 960-60730 United States of America, 1996, Vol. 4. p 176-187.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *