Araling Panlipunan 7 Quarter 1 Module 5: Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya

Grade 7 AP self-learning module on caring for Asia’s ecological balance: biodiversity, key environmental terms, Asia’s environmental problems, and activities.

This is the self-learning module for Araling Panlipunan 7, Quarter 1, Module 5: “Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya” (caring for the ecological balance of Asia). It was written for Grade 7 learners studying at home under the Alternative Delivery Mode, and it was prepared by DepEd MIMAROPA Region. After this module, learners should be able to explain why it matters to protect the balance between living things and their environment in Asia. They should also be able to suggest what they can do in their own community.

The module builds on the previous lesson, which covered how natural resources shape the way Asians live. It asks learners to look at environmental activities in their own community and to value actions that protect and maintain a healthy environment.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states these learning standards, in Filipino:

  • Pamantayang Pangnilalaman (content standard): Learners show an understanding of how the environment and people together shaped early Asian civilizations.
  • Pamantayan sa Pagganap (performance standard): Learners can deeply connect the roles that the environment and people played in shaping early Asian civilizations.
  • Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (most essential learning competency): Express the importance of caring for the ecological balance of the region (AP7HAS-Ig-1.7).

Key ideas in the module

The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. Its main reading is “Ang Biodiversity ng Asya” (the biodiversity of Asia).

Biodiversity and ecological balance

  • Biodiversity is the variety and unique forms of all life in nature. Asia is the largest continent, so it is considered a main source of the world’s biodiversity.
  • As Asian countries develop, ecological and environmental problems also grow. Fast economic growth and a growing population drive these problems.
  • Ecological balance matters because Asia’s condition affects the quality of the global environment. Asia is so large that a problem in one region can spread to nearby regions or to the whole world.
  • The module names two main causes: Asia’s large and growing population, which is closely linked to land degradation, and urbanization.

Terms to know

TermMeaning in the module
DesertificationLand in dry or semi-dry regions breaks down until it can no longer produce. Examples: parts of China, Pakistan, Jordan, Iraq, Syria, Yemen, and Lebanon.
SalinizationSalt rises to the surface of the soil or is carried into it by water, often from poor irrigation or a low water table. Example: Bangladesh, where saltwater seeps into rivers.
HabitatThe home of animals and other living things. It is the first to suffer from land conversion, such as clearing forests or leveling hills for housing.
HinterlandsRemote areas that supply cities with food, fuel, and timber. This demand can drain their natural resources.
Ecological balanceA balanced relationship between living things and their environment.
DeforestationThe loss of trees in forests.
SiltationA buildup of silt carried by flowing water. Example: Tonle Sap lake in Cambodia.
Red tideCaused by dinoflagellates floating on the sea surface.
Global warmingGreenhouse gases such as carbon dioxide, methane, nitrous oxide, and chlorofluorocarbons trap heat. The module says Asia’s CO2 output passed Europe’s in the 1980s and that Asia was the top source by 2020.
Ozone layerA layer in the stratosphere that protects people, plants, and animals from ultraviolet radiation.

Environmental problems in Asia

  • Problema sa lupa (land problems): Asia has the biggest problem with farmable land. Houses and factories take over farmland, and the land that remains is overused until it loses its nutrients.
  • Pagkawasak ng kalikasan (destruction of nature): Asia holds 5 of the 17 countries richest in plant and animal life. But 90% of wildlife habitats have been lost.
  • Kakulangan at polusyon sa tubig (water shortage and pollution): Water use in Asia has tripled since 1950, with 84% going to agriculture and 6% to industry. One in three Asians has no clean drinking water.
  • Polusyon sa hangin (air pollution): 12 of the 15 most polluted cities in the world are in Asia. Sources include lead from vehicles, chemical fertilizers, and cooking smoke from wood, animal dung, and low-quality charcoal.

Activities in the module

  • Balikan – Sulyap sa Nakaraan (a look back): Learners sort statements under agriculture, economy, or settlement.
  • Tuklasin (explore): “Halika, Buoin Natin!” is a word scramble of environmental terms. In “Problema Mo, Solusyonan Mo!”, learners pick a photo and explain how they can help prevent the problem it shows.
  • Pagyamanin (deepen): Learners mark statements as good or bad for natural resources (“Mabuti at Di Mabuti”) and list care actions for beaches, parks, markets, offices, and churches. They also fill in a cause, effect, and solution table and answer six questions in 3 to 5 sentences each.
  • Isaisip (remember): Learners complete sentences and answer reflection questions about caring for the environment.
  • Isagawa (apply): Learners write a letter on how to prevent Asia’s environmental problems. It is scored out of 30 points: 20 for content and 10 for style.
  • Karagdagang Gawain (extra activity): Learners create a slogan about valuing natural resources, scored with the same 30-point rubric.

How to use this module

  1. Start with the 15-item pretest (Subukin) to see what you already know.
  2. Work through the lesson in order: Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, and Isagawa.
  3. Finish with the 15-item post-test (Tayahin), then do the slogan activity.
  4. Check your answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end. Many activities have open answers.

For learners: Write all answers on a separate sheet of paper, not on the module. Keep the module clean so others can use it. Contact your teacher if a part is hard to understand.

For parents and guardians: The module comes with a guide for the teacher or facilitator. Use the pretest results to see where your child may need more help.

For teachers: Use the rubrics for the letter and the slogan. Check the answer key before using it (see the FAQ).

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 5. It was published by DepEd MIMAROPA Region as a first edition in 2020.

What competency does this module cover?

It covers the competency to express the importance of caring for the ecological balance of the region, code AP7HAS-Ig-1.7.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the post-test, and the good-or-bad activity. The other activities accept varied answers. The pretest key does not seem to match its questions, so check it against the post-test key.

What is ecological balance?

The module defines ecological balance as a balanced relationship between living things and their environment. It says keeping it in Asia matters because the region’s condition affects the whole world’s environment.

Which Asian country does the module say has a serious salinization problem?

Bangladesh. Saltwater seeps into its rivers when the water level drops.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 5: Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya

7

[illustration: students reading and studying outdoors under a tree, and a teacher with students at a desk; a globe of Asia in the foreground]

CO_Q1_Araling Panlipunan 7_Module 5

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Araling Panlipunan – Baitang 7 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Myra A. Abique Editor: Rosario G. Caluya, Florenil M. Malabayabas, Diana P. Nobleza, Marineil S. Perez Tagasuri: Pedro J. Dandal Jr., Margielyn E. Tomanggong, Nora A. Nangit, Joseph L. Lozanta, Thelma M. Salvacion Tagaguhit: Teodorico A. Cabildo, Sergio M. Tupaz, Eric M. Montemar Tagalapat: Esperidion D. Soleta Jr. Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Melbert S. Broqueza, Danilo C. Padilla, Freddie Rey R. Ramirez, Aurelia B. Marquez, Rodgie S. Demalinao, Pedro J. Dandal Jr.

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City Telephone Number: (02) 6314070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

7

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 5: Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: hand pressing a button inside a circle]

Sa nakaraang aralin, napag-aralan at natutuhan mo ang tungkol sa implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano. Malaki ang bahaging ginagampanan ng kapaligirang pisikal at yamang likas sa mga naninirahan sa Asya. Sa modyul na ito ay iyong pag-aaralan kung paano mo maipamamalas ang pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng Asya. Inaasahang makapagsusuri ka ng mga gawain tungkol sa kapaligiran sa iyong pamayanan. Makapagsasagawa ka rin ng mga pagpapahalaga sa mga gawaing may kinalaman sa pagpoprotekta at pagpapanatili ng maayos na kapaligiran na iyong kinabibilangan. Sa araling ito, magkakaroon ka ng malawak na pangunawa na kakailanganin mo upang maipamalas ang mga inaasahang kakayahan sa pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng Asya.

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay malaim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng rehiyon. (AP7HAS-Ig-1.7)

Subukin

[illustration: hand holding a pencil inside a circle]

Paunang Pagtataya

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong dating kaalaman, kakayahan at pang-unawa tungkol sa pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng Asya. Handa ka na ba? Simulan mo na.

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?
    a. Dahil ang mga produktong galing sa lupa ang bumubuhay sa tao upang matugunan ang kanilang pangangailangan
    b. Dahil kailangan ng tao ang lupa upang matustusan ang kanilang mga sariling hangarin
    c. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
    d. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa buhay


  2. Anong bansa sa Asya ang may malubhang problema ng salinization?
    a. Pilipinas c. Bangladesh
    b. Japan d. Malaysia


  3. Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira ng lupa?
    I. Ang pagkatuyo ng mga lupa
    II. Pagguho ng lupa
    III. Pagrami ng punong kahoy
    IV. Pagtaba ng lupa
    a. I, II c. III, IV
    b. II, III d. I, IV


  4. Ano ang matinding suliranin ang kahaharapin kapag patuloy ang pagkasira ng lupa?
    a. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan
    b. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
    c. Maaaring magdulot ng kawalan ng hanapbuhay sa mga mamamayan.
    d. Lahat ng nabanggit.


  5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga suliraning pangkapaligirang kinakaharap ng Asya?
    a. Pagkasira ng lupa
    b. Pagkawala ng biodiversity
    c. Urbanisasyon
    d. Pangangalaga sa likas na yaman


  6. Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa bawat bansa sa Asya?
    a. Pagpapaalis sa mga tao sa mga lungsod
    b. Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamayan upang mabigyan ng kabuhayan upang malutas ang kahirap.
    c. Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa mga lungsod.
    d. Patuloy na pagtaas ng populasyon.


  7. Sa patuloy na pagtaas ng urbanisasyon sa bawat bansa, sino ang lubos na direktang naaapektuhan?
    I. Ang pamahalaan ng bawat bansa
    II. Kalusugan ng mamamayan ang lubos na maaapektuhan
    III. Pagdami ng mga mahihirap
    IV. Pagdami ng negosyo sa bawat lugar
    a. I & II c. III & IV
    b. II & III d. I & IV


  8. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng Asya?
    a. Patuloy na pagtaas ng populasyon
    b. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
    c. Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan
    d. Lahat ng nabanggit


  9. Anong kontinente ang itinuturing na isa sa may pinakamayamang biodiversity sa buong mundo?
    a. Europe
    b. Asya
    c. Africa
    d. Antarctica


  10. Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ang isa sa mga problemang kinakaharap ng bawat bansa sa Asya. Ano ang maaaring maging solusyon sa nasabing pahayag?
    a. Kailangan na mabigayan ng kaalaman ang mga mamamayan sa patuloy na pagtaas ng populasyon.
    b. Magsagawa ng mga hakbang o programa upang makontrol ang patuloy na pagtaas ng populasyon.
    c. Kailangang magtulungan ang mga mamamayan
    d. Lahat ng nabanggit.


  11. Ang tahasang pagkasira ng kagubatan ay isa sa mga kritikal na problemang pangkapaligiran. Alin sa sumusunod na pahayag ang masamang epekto nito?
    I. Mawawalan ng tirahan ang mga hayop na nakatira sa kagubatan.
    II. Maraming mga species ng mga halaman at hayop ang manganganib.
    III. Masamang dulot sa natural ecosystem
    IV. Marami ang maaapektohang hayop
    a. I, II & III c. I, II & IV
    b. I, II & IV c. I, II & IV
    d. I, II, III & IV


  12. Anong mga problema ang kinakaharap sa patuloy na pagkakalbo sa kagubatan?
    I. pagbaha
    II. pagguho ng lupa
    III. erosyon sa lupa
    IV. siltasyon
    a. I, II & III c. I, III & IV
    b. II, III & IV d. I, II, III & IV


  13. Alin sa sumusunod na bansa sa Asya ang nangunguna pagdating sa deforestation?
    a. China, Bangladesh, Pilipinas at Pakistan
    b. Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas
    c. Pilipinas, Japan, Bangladesh at Pakistan
    d. Malaysia, Pilipinas, Pakistan at Indonesia


  14. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng ating bansa?
    a. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na yaman at maging aktibo sa mga programa na isinasagawa ng pamahalaan para sa pangangalaga sa likas na yaman.
    b. Makikipagtulungan sa mga ilegal na gawain
    c. Patuloy na pagputol sa mga punongkahoy.
    d. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.


  15. Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punongkahoy at pagkasunog ng gubat ay isa sa mga dahilan sa pagkasira ng kagubatan. Ano ang nagiging dahilan ng mga mamamayan upang magawa ang ganitong gawain?
    a. Dahil sa sariling interes
    b. Dahil sa mataas na halaga ang kapalit
    c. Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga mamamayan.
    d. Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at malaki ang kita


Aralin 1: Pangangalaga sa Timbang na Kalagayang Ekolohiko ng Asya

Balikan
Gawain: Sulyap sa Nakaraan

Bago tayo ulit maglakbay, atin munang balikan ang alaala ng nakaraan.

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik na katumbas ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

A- Agrikultura B- Ekonomiya C- Panahanan

_____ 1. Sa pagpapalaki ng produksiyon, gumagamit ang ilang mga bansa ng makabagong makinarya.

_____ 2. Maraming mga bansa ang mayaman bunsod ng kasaganaan sa likas na yaman.

_____ 3. Ang pagdami ng tao ay magdudulot ng kakulangan sa tirahan.

_____ 4. Ang pagdami ng subdivision ay magreresulta sa unti-unting pagkawasak ng tirahan ng mga hayop.

_____ 5. Ang pagkain ng tao ay kinukuha sa lupa.

Ilang puntos ang iyong nakuha? Alam kong lumalim ang iyong pag-unawa sa mga bagay na may kinalaman sa pangangalaga sa ating kapaligiran.

Pamprosesong Tanong:

  1. Paano mo mapahahalagahan ang kinagisnang hanapbuhay ng iyong mga magulang? Ipaliwanag.
  2. Kung isa ka sa magiging punongbayan, paano mo mapananatili ang kalinisan sa iyong bayan? Ipaliwanag.
  3. Kailangan bang palitan ng mga pabahay ang mga lupang sakahan? Pangatuwiranan ang iyong kasagutan.
Tuklasin
Gawain 1: Halika, Buoin Natin!

Panuto: Gawin at subukin mong buoin ang mga salitang may kinalaman sa suliraning pangkapaligiran. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____ 1. SEREDITIFACTION — tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o pagiging produktibo nito;

_____ 2. LISAINZATION— lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa. Nagaganap kapag mali ang isinasagawang proseso ng irigasyon;

_____ 3. AHIBTAT— tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang pangunahing apektado ng land conversion o paghahawan ng kagubatan;

_____ 4. COELOIGCAL ABLANCE— balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang kapaligiran;

_____ 5. EDORFESTIONTA— pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat;

_____ 6. LISATTION— parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar;

_____ 7. DER EDIT— sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat;

_____ 8. ENOZO REYAL— nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at hayop mula sa masamang epekto ng radiation na dulot ng ultraviolet rays.

Nagustuhan mo ba ang gawain? Ang lahat ng iyong nabuong salita ay may kinalaman sa mga suliraning pangkapaligirang kinakaharap ng ating daigdig sa kasalukuyan.

Gawain 2: Problema Mo, Solusyonan Mo!

Panuto: Pumili ng isang larawan at ipaliwanag kung paano ka makatutulong sa pagiwas sa ganitong suliranin na nakasisira sa timbang na kalagayang ekolohiko ng rehiyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[photo: people clearing trash from a riverbank] Larawang kuha ni: Abique, Myra A., 2019

[photo: grassy hillside with a dirt path] Larawang kuha ni: Abique, Myra A.,2019

Pamprosesong Tanong:

  1. Batay sa iyong nabuong mga salita, pumili ng isang larawan at ipaliwanag. Ano ang kaugnayan nito sa mga suliraning pangkapaligiran sa kasalukuyan?
  2. Bakit kailangang pangalagaan ang tirahan ng mga hayop o mga bagay na may buhay?
  3. Kung nakita mo ang iyong kabarangay na pumuputol ng mga punongkahoy o nanghuhuli ng buhay-ilang, ano ang iyong magiging reaksiyon? Magbigay ng mga hakbang na iyong gagawin.
  4. Batay sa larawang iyong ipinaliwanag, paano ka makatutulong sa pagsugpo ng ganitong suliranin?
Suriin
Gawain: Suri-Teksto!

ANG BIODIVERSITY NG ASYA

Ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan ay tinatawag na biodiversity. Ang Asya, bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo ay itinuturing na pangunahing pinagmumulan ng global biodiversity. Ngunit, habang ang mga bansa sa Asya ay patuloy na papunta sa kaunlaran, kasabay din nito ang pagsulpot ng mga suliraning ekolohikal at pangkapaligiran bunsod ng hindi mapigilang pag-unlad ng ekonomiya at ang patuloy na paglaki ng populasyon. Ang mga bansang Asyano sa ngayon ay humaharap sa masalimuot na interaksiyon ng mga isyung panlipunan, politikal, ekonomiya at pangkapaligiran. Ang masusing ugnayan at pagbabalikatan ng bawat isa sa loob ng isang bansa at sa pagitan ng bawat bansa ay mahalaga upang

makapagbalangkas at makapagpatupad ng angkop na solusyon sa mga suliraning ito.

Kahalagahan ng Balanseng Ekolohikal

Napakahalagang panatilihin ang ecological balance o balanseng kalagayang ekolohikal ng Asya. Anoman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ng rehiyon, tiyak na makaaapekto ito nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. Dapat nating isipin na bunga ng kalakihan ng sakop na teritoryo ng kontinente ng Asya, ang mga problemang ekolohikal na nararanasan ng mga Asyano sa isang rehiyon ay posible ring maging suliranin ng mga tao sa karatig-rehiyon o maging ng mga mamamayan ng buong daigdig.

  • Ang malaki at patuloy na lumalaking populasyon sa Asya ay nakapagpapalala sa mga suliraning pangkapaligiran at ekolohikal. Malaki ang kaugnayan ng paglaki ng populasyon sa pagkasira ng lupain sa Asya.
  • Ang urbanisasyon ng mga bansa sa Asya ay dahilan din ng mga suliraning pangkapaligiran.

Alamin natin ngayon ang iba’t ibang kahulugan ng mga salitang may kaugnayan sa suliraning pangkapaligiran.

  1. DESERTIFICATION – Tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o pagiging produktibo nito tulad ng nararanasan sa ilang bahagi ng China, Pakistan, Jordan, Iraq, Syria, Yemen at Lebanon.

[photo: three panels of eroded, gullied slopes] Larawang kuha ni: Abique, Myra A., 2019

  1. SALINIZATION– Sa prosesong ito, lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o di kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa. Ito ay nagaganap kapag mali ang isinagawang proseso ng irigasyon sa paligid ng mga estuary at gayundin sa mga lugar na mababa na ang balon ng tubig o water table. Unti-unting nanunuot ang tubig-alat o saltwater kapag bumababa ang water level gaya ng nararanasan ng bansang Bangladesh sapagkat nanunuot na ang tubig-alat sa kanilang mga ilog.


  2. HABITAT– Ito ay tumutukoy sa tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang pangunahing apektado ng land conversion o ang paghahawan ng kagubatan, pagpapatag ng mga mabundok o maburol na lugar upang mabigyang-daan ang mga proyektong pangkabahayan.


[photo: river flowing past forested banks] Larawang kuha ni: Gonoz, Anwar Macmond P., 2019

  1. HINTERLANDS– Ito ay isang malayong lugar, malayo sa urbanisadong lugar ngunit apektado ng mga pangyayari sa teritoryong sakop ng lungsod. Ang lungsod ay nangangailangan ng pagkain, panggatong, at troso para sa mga konstruksiyon na itinutustos ng hinterlands na humahantong sa pagkasaid ng mga likas na yaman nito.


  2. ECOLOGICAL BALANCE– Kapag balanse ang ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ang kapaligiran, tinatawag itong ecological balance.


[photo: people standing in a cleared area; camera overlay shows coordinates and altitude] Larawang kuha ni: Edep, Yolando D., 2019

  1. DEFORESTATION– Ang pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat. Isa ito sa mga problemang nararanasan ng Asya sa kasalukuyan.


  2. SILTATION– Parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar. Ito ay isa sa problemang kinakaharap ng mga bansa sa Asya na dulot o bunsod ng pagkasira ng kagubatan at pagbaba ng lupa, gaya ng kondisyon ng lawa ng Tonle Sap sa Cambodia.


  3. RED TIDE– Nagkakaroon ng red tide dahil sa mga dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat.


[photo: dense vegetation along a path] Larawang kuha ni: Rodriguez, Merylren O., 2019

  1. GLOBAL WARMING – Malaking papel ang ginagampanan ng Asya sa tinatawag na global warming dahil sa malaking bahagdan ng mga “greenhouse gas” gaya ng carbon dioxide (CO2), methane, nitrous oxide at chlorofluorocarbon na nagmumula sa rehiyon. Pangunahin sa lahat ng “greenhouse gas” ang carbon dioxide (CO2) at noong dekada 50, ang carbon dioxide na nagmumula sa Asya ay ikalimang bahagi lamang ng mula sa Europa. Subalit pagpasok ng dekada 80, ang CO2 na nagmumula sa Europa ay nahigitan pa ng mula sa Asya. Pagdating ng taong 2020, ang Asya ang pangunahing pagmumulan ng CO2 sa mundo. Ang carbon dioxide at iba pang “greenhouse gas” ang itinuturong ugat ng “global warming” dahil ang mga naturang gas ang nagdudulot ng pagkabutas ng “ozone layer” na proteksiyon ng mundo laban sa matinding init ng araw. Sa kasamaang palad, ang mga gas na ito ay mabilis na lumalaki ang konsentrasyon sa atmospera dahil na rin sa lumalaking konsumo ng tao at bilang ng populasyon sa mundo.


  2. OZONE LAYER– Isang suson sa stratosphere na naglalaman ng maraming konsentrasyon ng ozone. Mahalagang pangalagaan ang ozone layer sapagkat ito ang nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at hayop mula sa masamang epekto ng radiation dulot ng ultraviolet rays.


Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya

Problema sa Lupa – Ang Asya ang rehiyon sa daigdig na mayroong pinakamalaking suliranin sa lupang maaaring bungkalin. Sa paglaki ng populasyon, lalong lumiliit ang lupang maaaring taniman dahil ang mga ito ay tinitirikan ng mga bahayan. Dahil kakaunti lamang ang mga lupaing masasaka, ang mga lupang maaaring taniman ang ginagamit na dahilan upang mawala ang sustansiya nito. Dahil sa pagpapatuloy ng ganitong sistema at pagtatayo ng mga pabrika sa ilang natitirang mga bakanteng lote, paliit nang paliit ang mga lupaing labis na napakahalaga sa agrikultura.

Pagkawasak ng Kalikasan – Ang mga nilalang na gaya ng mga hayop at halaman ay sadyang napakahalaga dahil sa tulong medikal at agrikultural na maaaring ibigay ng mga ito subalit ang mga nilalang na ito ay nanganganib dahil sa pagkasira ng kanilang mga tahanan. Ang Asya ay tahanan sa maraming uri ng hayop at halaman. Ayon sa tala, 5 sa 17 bansang sagana sa mga naturang yaman ay sa rehiyong ito matatagpuan. Subalit dahil sa pagkawasak ng kapaligiran dahil na rin sa paglaki ng populasyon, 90% ng mga lugar na nagsisilbing kanlungan ng mga hayop ang naglaho-pangyayari na maaaring magresulta sa pagliit ng bilang ng mga nilalang na ito o di-kaya ng permanenteng pagkawala o pagkaubos ng mga ito.

Kakulangan at Polusyon sa Tubig – Sa mga nakalipas na taon, naging mabilis ang pagkonsumo sa tubig ng mga Asyano. Mula 1950 tumaas ng tatlong ulit ang konsumo sa tubig ng Asya. 84% rito ay ginamit sa agrikultura samantalang 6% naman sa industriya. Dahil dito at dahil na rin sa malaking populasyon, nakakaranas ngayon ang Asya ng kakulangan sa tubig at inaasahan na lalala pa ito sa mga susunod na taon. Bukod sa kakulangan sa tubig, isa pang suliranin sa rehiyon ang polusyon sa tubig na nagdadala ng kamatayan sa milyun-milyong katao taun-taon. Dahil sa polusyong ito, isa sa tatlong Asyano ang walang malinis na tubig na naiinom.

Polusyon sa Hangin – Ang mga siyudad sa Asya ay kabilang sa pinakamarurumi sa buong daigdig. Sa 15 lungsod na pinakamalala ang polusyon sa hangin, 12 rito ay mula sa Asya. Sa lalawigan, dalawa sa mga nagdadala ng polusyon ay mga kemikal na pataba at “nitrate” na mula sa dumi ng hayop na nagpapadumi sa lupa at tubig. Sa lungsod, ang isa sa nagpaparumi sa hangin ay ang “lead” na ibinubuga ng mga sasakyan. Ang kemikal na ito ay nakakasama sa katawan, partikular sa utak at sa “central nervous system”. Ang pagluluto gamit ang kahoy, dumi ng hayop at mababang kalidad ng uling na siyang karaniwang ginagawa sa mga mahihirap na bansa ay lumilikha ng usok na di lamang polusyon ang hatid kundi mga sakit sa baga gaya ng tuberculosis at maging ng pagkabulag.

Pinagkunan: Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan II, Mga Pangunahing Isyu at Suliranin sa Asya, pahina 31-35.

Basahin at unawaing mabuti ang mga teksto upang makakuha ng mga impormasyon na magagamit sa susunod na gawain.

Pagyamanin
Gawain 1: Mabuti at Di Mabuti!

Panuto: Suriin at tukuyin ang sumusunod na impormasyon tungkol sa suliraning pangkapaligiran, ilagay ang sumusunod na simbolo kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng mabuti at di mabuti sa likas na yaman. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

[illustration: heart outline, symbol for Mabuti] Mabuti

[illustration: circle with a diagonal slash, symbol for Di Mabuti] Di Mabuti

_____1. Tahasang pagkawasak ng kagubatan

_____2. Patuloy na pagtaas ng populasyon

_____3. Pangangalaga sa likas na yaman

_____4. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid

_____5. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman

Gawain 2: Pag-Isipan Mo!

Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na gawain sa pangangalaga ng iyong kapaligiran. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

LUGAR KO, PANGANGALAGAAN KO

LUGARPANGANGALAGANG GAGAWIN
1. Baybay Dagat (Beaches)1.
2. Parke2.
3. Pamilihan3.
4. Opisina4.
5. Simbahan5.
Gawain 3: Sanhi at Bunga

Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na salita.

Suliraning Pangkapaligiran

SANHIEPEKTOSOLUSYON
1. Pagtapon ng basura sa dagat1.Coastal Clean-Up
2. Pagputol ng punongkahoyErosion2.
3. PagkakainginDeforestation3.
4. Pagsunog ng plastic4.5.
5. Pagdami ng sasakyan6.7.
Gawain 4: Q & A Portion

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Sagutan ng hindi bababa sa 3-5 pangungusap ang mga ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

  1. Ano ang pangunahing dahilan ng suliraning pangkapaligiran sa Asya?
  2. Ano ang mga suliraning pangkapaligiran ng Asya?
  3. Ano ang mga pangunahing problemang kinakaharap sanhi ng mga suliraning pangkapaligiran?
  4. Sa papaanong paraan maiiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran?
  5. Paano mo pahahalagahan ang iyong kapaligiran? Magbigay ng iyong makakayang gawin.
  6. Kung ang bawat tao ay patuloy na walang disiplina sa pang-aabuso sa kalikasan, ano ang magiging epekto nito sa pamumuhay ng mga tao?

Napakahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagsasagawa at natapos ang mga gawain, taglay mo na ang kaalaman na higit na magpapaunlad sa iyong pagkatuto.

Isaisip

Batay sa mga impormasyon na iyong nakalap sa mga teksto, hinihikayat kitang gawin ang susunod na gawain.

Gawain 1: Suliranin Lutasin!

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag na may kinalaman sa pangangalaga sa kapaligiran, timbang na kalagayang ekolohiko at pagpapahalaga sa kalikasan na nabasa sa teksto. Ipahayag ang mga mungkahing solusyon na hinahangad.

Upang magkaroon ng timbang na kalagayang ekolohiko sa rehiyon, ako ay




Ang gagawin kong solusyon sa pagkaubos at pagkasira ng kagubatan ay




Gawain 2: Reaksiyon Mo, Sabihin Mo!

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. Sa papaanong paraan maiiwasan ang mga problemang kinakaharap na may kinalaman sa suliraning pangkapaligiran?
  2. Bilang isang kabataan, sa papaanong paraan mo sisimulan ang pangangalaga sa iyong likas na yaman?
  3. Ano-anong gawain ang iyong isasagawa upang mapahalagahan at mapanatili ang balanseng ekolohikal?

Isagawa

Gawain 1: Liham Ko Para Sayo!

Panuto: Gumawa ng isang liham kung papaano maiiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran na kinahaharap ng Asya sa kasalukuyan.

Pamantayan sa Paggawa ng Liham

PamantayanDeskripsiyonPuntosNakuhang puntos
NilalamanAkma sa paksa at malinaw na paglalahad ng impormasyon.20
IstiloNakahihikayat sa mambabasa10
Kabuoan30

Binabati kita, mahusay mong naisagawa ang mga gawaing naiatas sa iyo at sa pagsusumikap na matapos ang mga gawain sa modyul na ito. Sa bahaging ito ay tatayahin na ang iyong kaalaman batay sa iyong natutuhan.

Tayahin

Panuto: Basahin at sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Bilang isang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang masolusyonan ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap ng ating bansa?

    • A. Hikayatin ang mga mamamayan na pangalagaan ang ating likas na yaman at maging aktibo sa mga programa na isinasagawa ng pamahalaan para sa pangangalaga sa likas na yaman.
    • B. Makikipagtulungan sa mga ilegal na gawain
    • C. Patuloy na pagputol sa mga punong kahoy.
    • D. Patuloy na pagtapon ng basura sa dagat at ilog.
  2. Ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng punongkahoy at pagkasunog ng gubat ay isa sa mga dahilan sa pagkasira ng kagutaban, ano ang nagiging dahilan ng mga mamamayan upang magawa ganito gawain?

    • A. Dahil sa sariling interes
    • B. Dahil sa mataas na halaga ang kapalit
    • C. Dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho ng mga mamamayan.
    • D. Dahil na rin sa panghihikayat ng iba at malaki ang kita.
  3. Ang tahasang pagkasira ng kagubatan ay isa sa mga kritikal na problemang pangkapaligiran. Alin sa sumusunod na pahayag ang masamang epekto nito?

    • I. Mawawalan ng tirahan ang mga hayop na nakatira sa kagubatan.
    • II. Maraming mga species ng mga halaman at hayop ang manganganib
    • III. Masamang dulot sa natural ecosystem
    • IV. Marami ang maaapektuhang hayop
    • A. I, II & III
    • B. I, II & IV
    • C. I, II & IV
    • D. I, II, III & IV
  4. Ano-anong problema ang kinakaharap sa patuloy na pagkakalbo sa kagubatan?

    • I. Pagbaha
    • II. Pagguho ng Lupa
    • III. Erosyon sa Lupa
    • IV. Siltasyon
    • A. I, II & III
    • B. II, III & IV
    • C. I, III & IV
    • D. I, II, III & IV
  5. Alin sa sumusunod na bansa sa Asya ang nangunguna pagdating sa deforestation?

    • A. China, Bangladesh, Pilipinas at Pakistan
    • B. Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas
    • C. Pilipinas, Japan, Bangladesh at Pakistan
    • D. Malaysia, Pilipinas, Pakistan at Indonesia
  6. Anong bansa sa Asya ang may malubhang problema ng salinization?

    • A. Pilipinas
    • B. Japan
    • C. Bangladesh
    • D. Malaysia
  7. Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira ng lupa?

    • I. Ang pagkatuyo ng mga lupa
    • II. Pagguho ng lupa
    • III. Pagrami ng punong kahoy
    • IV. Pagtaba ng lupa
    • A. I, II
    • B. II, III
    • C. III, IV
    • D. I, IV
  8. Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang pagkasira ng lupa?

    • A. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan
    • B. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
    • C. Maaaring magdulot ng kawalan ng hanapbuhay sa mga mamamayan
    • D. Lahat ng nabanggit
  9. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng Asya?

    • A. Pagkasira ng lupa
    • B. Pagkawala ng biodiversity
    • C. Urbanisasyon
    • D. Pangangalaga sa likas na yaman
  10. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?

    • A. Dahil ang mga produktong galing sa lupa ang bumubuhay sa tao upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
    • B. Dahil kailangan ng tao ng lupa upang matustusan ang kanilang mga sariling hangarin.
    • C. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
    • D. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa buhay
  11. Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa bawat bansa sa Asya?

    • A. Pagpapaalis sa mga tao sa mga lunsod
    • B. Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamayan upang mabigyan ng kabuhayan upang malutas ang kahirap.
    • C. Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa mga lunsod.
    • D. Pagtuloy na pagtaas ng populasyon.
  12. Sa patuloy na pagtaas ng urbanisasyon sa bawat bansa, sino ang lubos na direktang naaapektuhan?

    • I. Ang pamahalaan ng bawat bansa
    • II. Kalusugan ng mamamayan ang lubos na maaapektuhan
    • III. Pagdami ng mga mahihirap
    • V. Pagdami ng negosyo sa bawat lugar
    • A. I & II
    • B. II & III
    • C. III & IV
    • D. I & IV
  13. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pagkawala ng biodiversity ng Asya?

    • A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
    • B. Walang habas na pagkuha at paggamit ng mga likas na yaman
    • C. Pag-aabuso sa lupa at pagkakalbo ng kagubatan
    • D. Lahat ng nabanggit
  14. Anong kontinente ang itinuturing na isa sa may pinakamayamang biodiversity sa buong mundo?

    • A. Europe
    • B. Asya
    • C. Africa
    • D. Antarctica
  15. Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ang isa sa mga problemang kinakaharap ng bawat bansa sa Asya. Sa iyong palagay, ano ang maaaring maging solusyon sa nasabing pahayag?

    • A. Kailangang magbigay ng kaalaman ang mga mamamaya sa patuloy na pagtaas ng populasyon.
    • B. Magsagawa ng mga hakbang o programa upang makonrol ang patuloy na pagtaas ng populasyon.
    • C. Kailangang magtulungan ang mga mamamayan
    • D. Lahat ng nabanggit

Karagdagang Gawain

Gawain 1: Islogan!

Panuto: Batay sa mga tekstong iyong nabasa, gumawa ng isang islogan na may kinalaman sa pagpapahalaga sa likas na yaman.

Hal. Likas na yaman pahalagahan dahil ito ay ating kailangan.

Pamantayan sa Paggawa ng Islogan

PamantayanDeskripsiyonPuntosNakuhang puntos
NilalamanAkma sa paksa at malinaw na paglalahad ng impormasyon.20
IstiloNakahihikayat sa mambabasa10
Kabuoan30

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: the answer boxes on this page are printed upside down; the boxes are transcribed below in reading order, left column first]

Subukin

Paunang Pagtataya

B 1. C 2. A 3. D 4. D 5. B 6. B 7. D 8. B 9. D 10. D 11. D 12. B 13. A 14. C 15.

Pagyamanin
Gawain 1: Mabuti at Di Mabuti

Di Mabuti 1. Di Mabuti 2. Mabuti 3. Mabuti 4. Di Mabuti 5.

Gawain 2: Pag-isipan Mo!

Maaaring magkaroon ng ibang kasagutan ang mga mag-aaral.

Gawain 3: Sanhi at Bunga

Maaaring magkaroon ng ibang kasagutan ang mga mag-aaral.

Gawain 4: Q&A Portion

Maaaring magkaroon ng ibang kasagutan ang mga mag-aaral.

Balik Aral

B 1. E 2. C 3. A 4. D 5.

Photo Suri
  1. Pagputol ng punong kahoy
  2. Urbanisasyon
  3. Paglaki ng populasyon
Tayahin

A 1. C 2. D 3. D 4. B 5. C 6. A 7. D 8. D 9. A 10. B 11. B 12. D 13. B 14. D 15.

Sanggunian

Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd – IMCS). Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Quezon City: Enduresources Publishing, Inc., 2014.

Department of Education, Project EASE: Modyul 20: Mga Pangunahing Isyu at Suliranin sa Asya, Bureau of Secondary Education, 2009, 31-35.

Department of Education-http://lrmds.deped.gov.ph

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district